The Unmarried Billionaire (Da...

Von CovertSolace

652K 28.5K 6K

We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet... Mehr

T.U.B
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
chapter 10 snippet
Chapter 10
chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
teaser for the succeeding chapters
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Thank you!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 1

23.2K 891 133
Von CovertSolace

Dedicate ko tong chapt kay alkie02.
Thank you for the support 😊

"Auster, magtatanghali na ano ba gumising kana dyan at maghanda sa trabaho mo!" Nabigla ako sa katok at malakas na boses ng tita ko sa labas ng kwarto ko.

Napabalikwas ako ng bangon at tinignan ang alarm clock ko.

"Pusang iring alas otso nah!" Halos pasigaw kong sabi habang nagmamadaling maghubad at nagtapis ng tuwalya.

Dinig ko naman ang marahang pagtawa ni tita sa likod ng pinto ng kwarto ko.

Dali dali kong dinampot ang gamit panligo ko sa may taas ng tukador at binuksan ang pinto.

Nakangiting mukha ni tita ang sumalubong sa akin.

"Tita bless alas otso na. Patay ako kay bossing neto." Mangiyak ngiyak kong sabi na syang kinatawa lang ng tita ko.

"Hala sige maligo kana dali. San ka naman kasi nagsuot kagabi at tinanghali kana nang gising?" Pahabol nitong tanong habang bumababa ako sa kahoy naming hangdanan na pinaglumaan na ng panahon.

"Tita mamaya ko na sasabihin at maliligo na ako." Di ko na nilingon pa si tita at agad na lumabas sa aming barong barong na tahanan dito sa squater. Agad kong kinuha ang balde upang makapila na sa tubigan.

At isang nakakahindik na tanawin ang bumungad sa akin.

Ang mala anacondang pila ng mga mabubuting mamamayan ng bansa sa nagiisa at napaka indemand na poso dito sa barangay dimatubig.

"Shoot malelate ako ng sobra nito pag pumila pa ako." Bulong sa utak ko kaya naman isip agad ng paraan para makaligo ng mabilis.

At tila nagning ning ang aking mata sa isang water refilling station sa di kalayuan.

Wala na akong choice. Its now or never! Agad akong bumalik sa bahay at nagsuot ng sando at boxers sabay dakma ng wallet ko sa aparador.

"Nye 300 lang. Hmm ok na siguro ang 100 para panligo." Agad kong binunot ang 100 saka madaling lumabas at tinungo ang water station dala ang balde na lalagyan ko ng tubig panligo.

"Magandang umaga aling bebang! Buong sigla kong bati dito na kinataas lang ng kilay ng matandang babae na nagbabantay ng water station.

"Oh ano naman ang sadya ng hampaslupang kagaya mo dito sa patubig ko?" Maldita nitong tanong.

Ngunit sa halip na mainis sa pagmamaliit nito ay nilawakan ko nalang ang aking ngiti.

"Nako si aling bebang keaga aga nagsusungit sige ka kukulubot yang makinis mong mukha." Pambobola ko dito. Opoh inaamin kong binobola ko lang sya kasi naman kulubot na talaga ang balat nya eh. Nagpapagood shot lang talaga ako.

"Wag mo akong simulan at baka samain ka sa akin. Ano bang kailangan mo? Wala akong pera kung mangungutang ka lang." Irap nito sabay bukas ng paypay nya.

"Ikaw talaga aling bebang, hindi kana talaga mabiro (matanda kana kasi kaya di kana mabiro- sa loob ko lang 😊) bibili ho ako ng isang gallon ng tubig. Malelate na kasi ako eh kaya kailangan ko nang makaligo hindi na ako pwedeng pumila pa sa poso." Nakangiti ko paring turan sa matandang nasa likod ng rehas na bakal.

"Ayun naman pala eh. Bibili ka naman pala di mo sinabi agad. Pero may pera kaba?" Tila gumaan naman ang pananalita nito. Ganito talaga si aling bebang basta pera na ang usapin ay lumalambot ang puso nya.

"Oo naman po. Magkano ho ba ang isang gallon?" Nakangiti ko paring tanong dito. Di ko dapat mawala ang ngiting toh kasi ang daming nahuhumaling dito hihi.

"350 pesos na ang isang gallon." Ang sagot nito na halos kina luwa ng aking mata at kinabilaok ko sa aking sariling laway.

"Seryoso ho kayo?" Unti unti nang nawala ang ngiti ko.

"Abay oo naman. Kaya ano may pambayad kaba? Kung meron ay nako madali lang akong kausap. Akin na yang lalagyan mo at tutubigan na natin yan." Excited nitong saad.

"Ahh ehh di ba pwedeng 100 nalang? Masyado naman ata kayong overpricing aling bebang eh." Kamot batok kong turan dito.

"Aba'y lecheng bata ito! Hoy! Auster ginto ang tubig dito sa dimatubig. Kaya kung wala kang pera edi wag kang bumili! Lumayas ka na nga! Hampaslupang toh sinisira ang araw ko." Nangmamata nitong saad.

Napabuntong hininga ako at malapit nang alas nuebe kaya kelangan ko na talagang makaligo.

"Eh baka ho pwede ako bumili nalang ng 100 pesos na worth of cash price sa inyo?" Malumanay kong tugon.

"Pinagloloko mo ba ako?" Nanggagalaiti nitong saad.

"Joke lang ho. Pwede bang bumili ng 100 pesos na tubig sa inyo?" Pambawi ko sa sinabi ko kanina.

"Ewan ko sayong bata ka. Hindi kami ng rerefill ng tinge tinge. Kung gusto mo ito nalang dalawang litro ng mineral water ng bukal ng kalikasan. 80 pesos lang yan may sukli kapa." Masungit nitong suhestyon.

"Sige nalang ho. Eto 100 kukunin ko nalang yang dalawang litro." Saad ko sabay abot ng 100 pesos dito.

Matapos akong masuklian at maiabot ang dalawang litrong tubig ay nagpasalamat nalang ako kay aling bebang ng nakangiti kahit pa simangot lang ang kanyang ganti.

Hindi ko man alam kung papaano ko pagkakasyahin ang dalawang litro ng tubig panligo pero ika nga nila if there is a will then there is a way!

Ito na ang naging buhay ko mula nang mamatay ang aking magulang. Dati rati ay puno ako ng karangyaan sa buhay. Magagarang gamit, mga yaya, kotse at driver.

Ngunit sa isang iglap ay nawala ang lahat ng ito nang dahil sa isang aksidente. Mom and dad met an accident when i was 9 years old. Hindi sila nakasurvive kaya naman at that young age, I became an orphan.

Si tita bless lang ang natatanging relatives na kilala ko dahil sa amin sya nakatira. Kapatid sya ni daddy, and she is an old maid.

Hindi na sya nakapag-asawa pa kaya ako na ang tinuring nyang anak. Kaya masasabi kong kahit pa man namatayan ako ng mommy at daddy ay hindi naman ako nawalan ng magulang.

Hindi namin mawari ni tita bless kung paanong napunta lahat sa isang share holder ng kumpanya ni dad lahat ng ariarian nya at kahit pa pinilit itong ipaglaban ni tita ay wala rin syang nagawa.

Kaya matapos kaming paalisin sa dati naming bahay ay napadpad kami dito sa squater na pinagkaitan ng tubig. At mula noon ay nasanay nang mamuhay na may hirap.

Tinaguyod ni tita bless ang pag-aaral ko hanggang highschool sa pamamagitan ng paglalaba sa mga kapit bahay, kasabay naman nito ay ang pagiging full scholar ko sa school kaya nakapagtapos ako ng highschool.

Hindi na muna ako nagaral ng college kasi pangalawa lang ako sa pinakamataas kaya kalahati lang ng scholarship ang naialay sa akin. Kaya nagtatrabaho ako ngayon upang matustusan ang kalahati ng babayaran sa susunod na pasukan.

Sa kabila ng kahirapan at kakulangan sa buhay namin ni tita bless ay nananatili kaming malapit sa isa't isa. Minahal ako ni tita na para bang tunay na anak at ito ang pinagpapasalamat ko sa kanya.

"Oh ano yang dala mo?" Tanong ni tita nang mabungaran akong papasok ng bahay.

"Ahh tubig tita pangligo ko, kasi ang haba ng pila sa poso eh." Sagot ko dito.

"Ay ikaw talagang bata ka. Kanina ko pa pinahanda ang tubig na liliguan mo sa banyo. Hala maligo kana don at pupunta na ako kila Melba dahil magpapalaba daw siya ngayon." Nabigla ako sa sinabi ni tita.

"Huh? Paano poh ninyo naihanda iyon tita?" Tanong ko dito na may pagtataka.

"Kanina yun au , nung nagpaigib ako kila dino pinadamihan ko na kasi anong oras na di ka pa bumabangon kanina kaya ayon hinanda ko na sa malaking balde ang tubig. Maligo kana nga don at malelate kana ng pasok nyan." Hindi ko alam kung anong maramdaman ko ngayon. Pero nagpapasalamat ako sa diyos na kahit kinuha nya ang mommy at daddy ko ay iniwan naman nya sa akin ang mapagmahal kong tita.

Bigla ko itong niyakap at marahang nagpapasalamat sa kabaitan nito.

"Maraming salamat sa pagmamahal tita. At mahal na mahal kita poh." Saad ko habang nakayakap kay tita bless.

"Asus tong batang toh syempre mahal na mahal kita ikaw nalang ang natitira sa akin. Sige na malelate kana at aalis narin ako baka tanghaliin pako sa paglalaba. Isarado mo ang pinto ng maayos ha." Hinalikan ako nito sa pisngi sa pilit na tinutulak ako papasok ng bahay.

"Ingat ka tita." Paalam ko dito ng makapasok na ako ng bahay. Kumaway lang ito saka nagpatuloy nang maglakad.

Sa buhay nga naman hindi mo kailangan ng mga mararangyang bagay. Ang kailangan mo lang ay taong pagaalalayan mo ng inspirasyon.

Sa ngayon si tita at ang pamumuhay namin ang syang nagmomotivate sa akin upang magsikap. Pinapangako kong iaahon ko si tita sa hirap at ibibigay ko sa kanya ang buhay na dati na naming tinatamasa.

Alas nuebe a kinse na nang makarating ako sa restaurant na ponagtatrabahuhan ko. At panigurado mapapagalitan na naman ako ni ms. Cora nito.

"So ikaw na ngayon ang bagong may-ari ng restaurant na ito? Late kana ng 15 minutes ehh buti naisipan mo pang pumasok? Ako nga na supervisor eh hindi pa nalelate kahit kailan, tapos ikaw na waiter lang darating sa trabaho ng late? Aba anong klaseng attitude yan auster?" Ayan na, diba nga sabi ko sesermonan ako kaya ayan nagdilang demonyo ako.

"Pasensya na ho mam. Di na ho mauulit." Paghingi ko ng paumanhin dito.

"Lakas talaga ng loob mo eh sa lahat naman dito ikaw ang hindi karapat dapat dito. Ginagamit mo lang yang itsura mo para makapasok dito pero ang totoo wala ka na ngang utak di ka pa nagseseryoso sa trabaho. Panigurado nagpagamit ka din sa kay manager para gumaan ang loob nun sa'yo!" Naiinis nitong saad. Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nito.

"Sandali lang ho. Oo at mababa lang ang position ko kesa sa inyo pati na rin ang estado ko sa buhay pero malinis ho akong tao. Wag nyo hong ipasa sa akin ang mga gawaing imposible kong magawa. Oo at bakla lang ako at sa squater lang kami nakatira pero wala hong bahid ng karumihan ang kung ano ang turing ng ibang tao sa akin. Baka kayo ho. Dahil puro maruruming salita ang lumalabas sa bibig nyo." Hindi ko na napigilan ang mga salitang kumawala sa akin.

At isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Sumasagot kana? Tandaan mo toh. Mahirap ka lang at wala kang paglalagyan kundi ang paglalapatan ng sapatos ko. Hampaslupa!"nanggagalaiti nitong saad.

Di ako agad nakarecover sa lakas ng sampal nya. Tsk tsk magmamarka toh panigurado at baka magaaalala si tita nito.

Hinihimas ko ang aking kaliwang pisngi at ngumisi.

"Mahirap man ako at least malinis ang budhi ko. Kesa sa isang tulad mong bihis tao pero umaalingasaw naman ang amoy imburnal di lang sa pagkatao mo pati narin sa bibig mo." Nakangisi kong balik sa kanya.

"How dare yo.." hindi nya natapos ang kanyang sasabihin at akmang pagsampal sa akin ng isang boses ang nanaig dito.

"Anong nangyayari dito cora? Auster?" Saad ng boses na sabay naming kinalingon.

"Ahh ehh sir kiero kasi itong si auster late nang dumating. Kaya pinagsasabihan ko lang." Malambing na saad ni ms. Cora na akala mo ay isang anghel.

Ibinaling ni sir Kiero ang tingin papunta sa akin at nagtama ang aming paningin. Napayuko ako sa hiya dahil nalate nga naman ako ng dating.

"Pagsasabihan Cora. Hindi pagbubuhatan ng kamay. Wala ka sa posisyon oh kahit sino man sa atin ang manakit ng iba." Malalim at seryoso nitong saad.

"Pumasok kana Auster at magbihis dahil kailangan ka na sa loob. Ikaw naman Cora ay bumalik na sa trabaho mo." Malumanay nitong utos.

Tango lang ang naisagot naming dalawa at agad na pumasok at nagpunta sa kanya kanya naming trabaho.

Matapos akong makapagbihis at akmang lalabas na nang mabungaran ko sa pinto ng staff room si sir Kiero.

"Ahh ehh sir. Ahhm pasensya na ho di na ho mauulit ang pagkalate ko sir." Nakayuko kong hingi ng paumanhin.

Nabigla nalang ako nang hawakan nito ang aking baba at inangat pakaliwa ng marahan ang aking ulo.

"Masakit ba?" Malalim na boses nitong tanong. Mas matangkad ito sa akin kaya medyo nakaangat ng konte ang akig ulo pakaliwa.

"Aahh eehh ok na ho sir. Wala lang ito." Hinawakan ko ang kanyang kamay at binaba ito saka ngumit.

Bumuntong hininga nalang ito saka ako binigyan ng daan.

"Sige na magtrabaho kana." Seryoso nyang saad.

Tumango nalang ako at ngumiti saka lumabas at sinimulan na ang araw sa trabaho.

Ako si Auster Brave Castero, 18 years old, matyaga, masipag at matatag. At ito ang buhay ko.

Itutuloy......

______________________________________

A/N

Hi guys!! So how was it? Did it go well with your taste?

Sana nagustuhan nya ang chapt nato.

So votes ang comments if you like!

Soar high guys!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

Mío Von Yiling Laozu

Aktuelle Literatur

88.5K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
443K 13.5K 56
HIGHEST RANK: #1 in bxb out of 3.46K stories (01/02/2020) #2 in boyxboy out of 6.94K stories (01/02/2020) Mr. Master || Gonzalo Series #1 Simula nan...
313K 10.1K 33
Ace Axel Rodriguez is just an ordinary senior highschool student, living a simple yet blissful life with his Nana (mom) and Dada (dad) but his simple...