My Fiancé Since Birth(Complet...

By kagome_Annah

9M 136K 7.9K

Van o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nan... More

My Fiancé Since Birth<3
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty one
Twenty two
Twenty three
Twenty Four
Twenty five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Extra one: Confirm: Mamamatay na ako!
Extra Two: Maghiwalay na kayo!
Extra Three: Ang Parusa at Premyo
Extra Four: Average Girl
Extra Five: Tiwala
Extra Seven: Maghiwalay na tayo!
Extra Eight: VAN hindi excited maging daddy?
Extra Nine: Paglilihi
Pinakahuling Extra: Katapusan

Extra Six: Game on

143K 1.9K 84
By kagome_Annah

Extra Six:  Game on

Alex POINT OF VIEW

"Wifey  anong time tayo aalis bukas?"   tanong ni Vincent sa akin.

"Before ten" simpleng sagot ko.

  

"Anong gusto mong breakfast?"  tanong nya habang dahan-dahang pinapagapang nya ang kanyang mga daliri sa balikat ko pababa ng aking braso. Nakakakiliti pero pinigilan ko ang aking sarili na humagikgik.

 “ Eggs and hotdog"  sagot ko habang naka kagat sa aking  ibabang labi para hindi  ako  mapatili sa ginagawa nyang nakakapanindig balahibo.

 "Ah Okay. Ano nga pala ang trabaho ni Perry the Platypus?"  another na tanong na naman nya.  Nakarating na ang kanyang  kamay sa likuran ko at    'yung malandi nyang daliri ay gumuguhit ng imaginary circle sa aking balat . Shocks!  Pakiramdam ko nagtaasan na ang aking mga balahibo sa ginagawa nyang kalandian. Ipinikit ko ang aking mga mata at bumilang  hanggang lima para pakalmahin ang aking systema. Pero bigo ako dahil patuloy lang sya sa kanyang ginagawang pang-aabala sa akin.

Nakaupo ako sa aming kama at s'ya ay   nakahiga sa tabi ko. Busy ako sa pagbabasa  sa wattpad. Katapusan na kasi ng istoryang sinubaybayan ko ng ilang buwan, kaya nakatotok ang aking buong atensyon sa binabasa ko. Kaya lang itong asawa ko ay kanina pa nagpapapasin. Nakailang tanong na sya at  kinukulit ako ng kung anu-ano lang . Ito nga  ay nakaisip naman sya ng iba pang paraan ng pagpapapasin. Well , aaminin ko na sa ginagawa nya ngayon sa akin ay sa kanya na naibaling ang aking buong konsentrasyon.  Nawala na sa binabasa  ko.

"Secret Agent" sagot ko .   Humarap ako sa kanya at pinaghahampas sya ng aking kamay sa kanyang braso. "Ano ba honey? Ang lakas mong mang-istorbo.  Can't you see ? I'm busy. "  nakangusong sabi ko sa kanya habang hinahampas sya. Pero marahan lang para hindi sya masaktan , alam ko na medyo mabigat pa naman ang kamay ko.

"Sorry wifey. Ikaw naman kasi eh hindi mo ako pinapansin  "  sabi nya. Umupo sya at niyakap nya ako para ma itrap ang aking kamay na ginagamit ko sa paghampas sa kanyang matipunong  braso.  Sakop na ng kanyang  dalawang braso ang aking buong katawan.  Hindi ako makagalaw hindi dahil sa higpit ng kanyang yakap kundi sa namumuong kakaibang pakiramdam na sya lang ang may kakayahang magpadama sa akin. Parang hinahaplos ang aking puso , 'yung pakiramdam na kontentong-kontento ako .

"Eh honey naman , kasi nga  katapusan na ng   sinusubaybayang kong kwento sa wattpad" pagdadahilan ko. Tiningnan ko sya sa kanyang mga mapupungay na mga mata. Mariin ang pagkakatitig  n'ung  mga iyon sa akin.

 " So mas importante pala iyon kaysa sa akin"  nakakunot ang noong sabi nya. Tapos bumitiw nang yakap sa akin.    Nawala ang masarap na pakiramdam  sa aking sistema at gustong magprotesta ang aking isip.

 

"Aysus naman si Mr. Nahm , parang bata kung makapagtampo"  pang-aasar ko sa kanya. Gusto ko syang asarin dahil bumitiw sya ng yakap sa akin. " Ito na nga di ba pinansin na kita."

" Pinansin mo lang ako kasi pinanindig ko ang balahibo mo. Naapektuhan ka sa ginawa ko sa iyo" nakangising sabi nya.  

 Napasinghap ako sa sinabi nya. Sarap sapakin nitong si Vincent kailangan bang sabihin nya pa iyon? " Hindi kaya" pagdedeny ko. 

"Ows wifey?" nakasmirk na  tanong nya. Tinitigan nya ako sa aking mga mata at umiwas ako ng tingin.  Kasi malalaman nya sa akin mga mata na  hindi ako nagsasabi ng totoo. Kilalang - kilala n'ya ako at alam ko na sa pagtingin n'ya pa lang doon ay nababasa na n'ya kaagad  ang aking nararamdaman. 

"Hindi nga" ulit ko.

"Sinabi mo eh"  sumusukong sabi nya at nahiga na sya ulit.  Nakahinga ako ng maluwag.  Kinuha ko ang  laptop ko para  ishutdown. Matapos kong maipatong sa side table ang laptop at patayin ang ilaw ay nahiga na rin ako para matulog na.    Tumagilid ako ng higa para mayakap si Vincent . Tahimik na sya pero alam kong hindi pa sya tulog kasi hindi pa sya nakakapaggoodnight kiss sa akin.  May pakiramdam ako na nagtampo sya dahil alam ko na alam nya na itinanggi ko lang ang kanyang sinabi. Pumikit ako at nakiramdam . Napadilat  ang aking mga mata nang  maramdaman ko na ipasok nya ang kanyang kamay sa suot kong pantulog. Huminto iyon sa aking pusod at doon dahan-dahan na  pinaikot-ikot na naman nya ang kanyang mga malalanding daliri.  Napasinghap ako dahil nagwawala na naman ang aking  sistema.  Bumilis ang daloy ng aking dugo at  tibok ng puso.  Pakiramdam ko nag-iinit ang aking mga pisngi. Ang aking inner dyosa  hindi na mapakali.

 

"Honey anong ginagawa mo?" medyo paos na tanong ko  sapagkat  nanunuyo ang aking lalamunan dahil sa kanyang ginagawa.

"Inaakit ka" simpleng sabi nya ngunit ang lakas ng dating sa akin. Ang malandi kong katawan at puso grabee makareact parang naeexcite. "Gusto ko lang ding alamin kung kaya  kong patayuin ang mga balahibo mo sa gagawin ko" dagdag nya pa.  Sinabi nya iyon sa pabulong na paraan sa aking tenga at hindi ko alam kung sinadya nya na masanggi ng kanyang mga labi ang tenga ko. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko at napa ungol ako . At tumawa sya ng marahan.  " So tama nga ako wifey."  Ipinagpatuloy nya ang paggalaw ng mga malalandi nyang mga daliri. Sa tingin ko pinaparusahan nya ako sa pagtangging ginawa ko sa kanya kanina.

"Oo tama ka " pag-amin ko.  " Naapektuhan nga ng bongang-bonga ang aking sistema sa tuwing hahawakan mo ako. Isang tingin mo lang  sa akin ay nagagawa mong pagsirkuhin ang aking puso. Ang tiyan ko ay  parang may mga kulisap na nagliliparan basta nasa malapit ka lang. Ewan ko  nagiging abnormal ang aking katawan at pakiramdam dahil sa iyo ngunit sa isang yakap mo lang nakakaramdam na ako agad ako ng kapayapaan" naibulalas ko. Wala nang silbi na itanggi ko pa. Asawa ko sya at tama lang na makaramdam ako nang ganoon sa kanyang paglalandi. Lalong uminit ang aking mga pisngi . Kung nakaharap lang ako sa salamin makikita ko doon na sobrang pula na ng mga iyon. Naitakip ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko kahit madilim, parang bigla akong nahiya sa mga pinagsasabi ko.

Bigla akong niyakap nang mahigpit ni Vincent  at hinalikan nya ako sa noo ko. "Thank you wifey and I love you very much"  seryosong sabi nya.

Niyakap ko rin sya ng mahigpit  at inilapit ko ang aking tenga sa kanyang dibdib. Malapit sa puso nya. Ang bilis ng tibok n'un. Napangiti ako dahil alam ko na tumitibok iyon nang ganoon dahil sa akin. Ang sarap pakinggan parang napakagandang musika . 

 

"Goodnight wifey" bulong n'ya at hinalikan ako ng pagkatamis-tamis.

**********

 Maaga akong gumising para maghanda ng almusal namin.  Simple lang naman ang niluto ko , piniritong  mga itlog at hotdogs. Nagfried din ako ng kanin at gumawa ng fresh  squeeze orange juice para kay Vincent  at malamig na  gatas  para naman sa akin. Matapos kong maiayos ang  mga pagkain sa lamesa ay  pumunta na ako sa kwarto namin para maligo at magbihis. Medyo maaga pa naman kaya hindi ko pa ginising si Vincent.

" Good morning wifey"  narinig kong bati ni Vincent sa akin, nakahiga parin sya sa kama.  Kakalabas ko lang ng walk in closet kung saan doon na rin ako nagbihis.

" Goodmorning din sa iyo honey. Bangon kana d'yan . Ayokong malate sa first day ko"  sabi ko sa kanya habang naglalakad ako palapit sa kanya.  Tapos I kissed him lightly in his lips.  

"Okay " pagsang-ayon nya. " Bakit ang aga mong  naligo ? Dapat sabay tayo " nakangising sabi nya pa.

" Vincent!" namumulang sigaw ko. "Ang pervert mo! Bumangon ka na  nga d'yan "  tapos nagmamadaling lumabas ako ng kwarto.  Narinig ko pa ang tawa nya habang bumababa ako ng hagdan. Nakakainis s'ya ang aga-aga  eh kung anu-ano ang sinasabi.   

" Wifey may oras ka pa para magbago ng isip. Pasok ka lang sa bathroom pagnaisipan mong maligo ulit. Hindi ko ilolock ang pinto!" malakas na sigaw nya. 

 "Bwisit ka Mr. Nahm! "  balik na sigaw ko. Nakakahiya ! Buti na lang sound proof ang  unit namin hindi maririnig ng ibang tenant ang kalandian ng asawa ko.  Dyusme itong si Vincent  ang lakas manukso. Pinukpok ko ng kanang kamay ko ang aking ulo.  May bahagi kasi ng isip ko ang nag-uudyok sa akin na magpatukso na lang.  Hay! Makapagvaccum na nga lang baka  kasi maisipan ko pang magpatukso nga at pasukin pa sya sa   loob ng bathroom. Ano ba ito ako yata ang pervert eh.? Nagiging mahalay na ang pag-iisip ko nag-asawa lang ako. 

 " Honey kain kana" yaya ko kay Vincent pagkapasok nya dito sa kitchen.  Nandito rin kasi ang dinning table namin. Nakasimpleng black  stussy shirt lang s'ya  at black levis jeans.   Umupo sya sa kanyang pwesto. Nagpray muna kami . Then  pinaglagay ko sya ng mga pagkain sa kanyang plato.

" Bakit nakasimangot ka?"  nagtatakang tanong nya sa akin bago sya sumubo ng kanyang  pagkain.  

 Nilunok ko muna ang nasa bibig ko at uminom ng gatas. " Kasi naman eh, mamaya marami na namang mga babaeng estudyante ang tutulo ang laway pag nakita ka" naiinis na sabi ko. Hindi maiiwasan iyon kasi natural na kay Vincent ang paggiging habulin ng mga babae buti na lang ako lang ang babaeng hinabol nya . 

"Nagseselos ka?" nakangising tanong nya.

Tumango naman ako nang maraming beses. Oo asawa ko na sya pero nakakaselos parin.  Hindi naman kasi lahat ng estudyante alam na may asawa na s'ya.  Paniguradong marami  na namang mga babae ang hahanga sa kanya . 

"Hindi ko naman sila pinapansin ah. Saiyo lang  laging nakatuon ang aking mga  mata" balewalang sabi nya. Napangiti ako.   

"Haizt! Ang hirap palang mag-asawa ng gwapo" himutok ko pa.

"Tama na nga iyan wifey . Basta lagi mong tatandaan sa iyo lang ako . 'Wag mo na lang silang pansinin kasi  matagal  na kitang mahal at wala akong balak na ipagpalit ka.  Ikaw lang at wala nang iba.Naiintindihan mo wifey?" sabi nya habang mariing nakatitig sya sa mga mata mo.

Halos malaglag ang aking panga sa sinabi nya. Nagugulat ako dito sa asawa ko kung makapagsalita lalo na pagsinasabi nya kung gaano nya ako kamahal. Hindi s'ya nahihiyang sabihin sa akin ang kanyang nararamdaman. Kung titingnan ay hindi mo iisipin  na kaya nyang mag-express ng kanyang pagmamahal sa akin.   Isang  lalaking ubod ng sungit at may pagkabadboy image ang lakas magpakilig sa puso  .

"By the way wifey masarap itong luto mo"  napangiti ako sa sinabi nya. Ang lakas talagang mambola ni Vincent eh pinirito ko lang naman ang mga iyon. Tapos nilagyang ng ginisa mix ang fried rice.

"Talaga honey?" tanong ko .

 "Yap!" puno ang bibig na sagot nya.

 "Honey  biglang naalala ko nga pala,  nasaan na ang baby ko?" tanong ko sa kanya at  muntikan na syang mabulunan.  Parang nagulat s'ya sa tanong ko. Inabot n'ya ang juice at ininum iyon.

 "Wifey wala pa tayong baby " nakakunot ang noong sabi nya tapos ngumisi s'ya  " pero kung gusto mo pwede tayong gumawa ngayon. Maaga pa naman. Bibilisan lang natin."

 "Ha? Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko  . Tapos bigla kong nagets ang ibig n'yang sabihin.  I almost laugh but I suppressed it.   " Baliw ka talaga honey. Ang sinasabi kong baby 'yung motor ko" paliwanag ko sa kanya.

  

Mula sa pagkakangisi ay biglang kumunot ang kanyang noo. " Pinabenta ko na tapos idinonate sa charity ang  pera."

" Totoo?" halos maiyak ako sa sinabi nya.  Binenta na ang baby ko. Ang motor ko na ilang taon ko nang kasama wala na. Huminga ako ng malalim  para lumuwag ang aking paghinga. Kung tutuusin matagal na iyong hindi sa akin mula nang ibinalik ko iyon sa kanya.

 " Wifey joke lang. Nakaparada lang sa garahe nila Mommy"   nakayakap na s'ya sa akin.  Bigla s'yang nag-alala nang makita n'yang papatak na ang luha ko. Hindi ko na kasi napigilan akala ko wala na ang baby ko.

 "Totoo?" tanong ko. Hopeful ako na nagjoke nga lang s'ya kanina. 

 "Yes" sagot n'ya. 

 " Nakakainis ka! Akala ko binenta na eh!" nakapout na sabi ko.

"Bakit mo tinatanong?"

"Kasi eh gusto ko sanang gamitin kahit isang araw lang" alanganing sabi ko.

"Hindi pwede" mariing sabi nya. Napataas ang aking kilay. " Anong hindi pwede eh ikaw nga ang nagregalo sa akin n'un diba?"  naguguluhang tanong ko. Nagbibiro ba s'ya?  

"Oo nga ako ang nagbigay n'un. Pero noong mga panahon na iyon wala ako dito sa Pilipinas . Ibig sabihin hindi ko nakita na gamit mo iyon.  Pero ngayon na nandito ako at  ako na ang asawa mo .  Ang isipin pa lang na gagamitin mo iyon   pakiramdam ko masisiraan na ako.  Mag-aalala ako at matatakot na baka kung ano pa ang maaaring mangyari sa iyo.  Kaya please wifey 'wag mo nang ipilit" kinurot nya ang ilong ko matapos n'yang magpaliwanag.

Kinikilig ako sa sinabi nya ngunit dahil sa matigas ang ulo ko at aaminin ko na may pagkaisip bata pa ay nagproprotesta ang aking isip.   Gusto kong ipilit sa kanya na gusto kong gamitin uli ang motor ko kahit isang araw lang. Mahal na mahal ko s'ya at naiintindihan ko ang mga sinabi n'ya ngunit hindi naman ako matatahimik kung hindi ko magagawa ang gusto ko.

"Please honey kahit isang beses lang" pagmamakaawa ko. Nagpuppy dog eyes pa ako para maawa s'ya sa akin. Malay ko baka umepekto sa kanya.

"No!"

"Please honey" nagpabitin-bitin pa ako sa leeg n'ya na parang unggoy. Pero hindi ako mukhang unggoy ha. Malaki ang paniniwala ko na maganda ako kasi sinabi iyon ni Vincent sa akin.

" Ayaw ko" mariing sabi nya at tinanggal n'ya ang mga braso ko na nakalambitin sa leeg n'ya.  Niligpit n'ya ang pinagkainan namin at hinugasan n'ya pa. Ako nakatayo lang sa dati kong kinatatayuan nakasimangot na nakamasid sa mga ginagawa nya. Matapos s'ya ay iniwan n'ya ako sa kusina. Mukhang galit din s'ya dahil sa pamimilit ko. Napasabunot ako sa buhok ko. Kailangang makaisip ako nang paraan para mapapayag s'ya. Nagdadabog na sumunod ako sa kanya sa sala.

Naabutan ko s'ya na isinusukbit n'ya na ang kanyang bagpack sa kanyang balikat.

"Let's go wifey para hindi ka malate " inabot n'ya sa akin ang shoulder bag ko. Nakapout na kinuha ko naman iyon. Nauna akong lumabas  at bahala s'yang magsara  ng pinto ng unit namin. Naiinis ako eh.  Minsan na nga lang akong humiling hindi pa n'ya mapagbigyan.  Grow up Alex wala ka nang kailangang hilingin pa kasi ibinibigay na kaagad sa iyo ni Vincent ang lahat ng kailangan mo!  Hiyaw ng isang bahagi ng utak ko. Pero gusto kong mag-inarte kaya paninindigan ko. Isa pa parang hindi naman apektado si Vincent sa pag-iinarte ko eh.

 Pagkabukas ng elevator ay lumulan ako kaagad . Si Vincent ay nakasunod lang .  Pumuwesto s'ya sa likod ko at niyakap n'ya ako. " Wifey nag-aalala lang kasi ako sa iyo kaya ayaw kong pumayag" ipinatong n'ya pa ang kanyang baba sa ulo ko. 

Hindi ko s'ya matiis. "Sige na naman isang araw lang. Kung gusto mo kasama ka pa"  pamimilit ko. Naramdaman kong bumuntonghininga s'ya.  "Sige pag-usapan natin sa sasakyan" sumusukong sabi nya. Humarap ako sa kanya at walang pag-aalinlangan na hinalikan ko s'ya sa kanyang mga labi. 

******

" Okay papayag akong gamitin mo ang motor mo pero kasama ako kung---" bitin n'ya sa sinasabi n'ya. Napatingin ako sa kanya. Nakatuon lang ang kanyang paningin sa kalsada. Papunta na kami sa university.  Hindi na nag-enroll si Vincent pero sa bawat klase ko ay kasama ko s'ya. Wala namang magagawa ang mga prof. dahil sila Vincent ang may-ari ng university magagawa n'ya ang ganon. Isa pa naglaan s'ya ng isang kwarto sa building ng administration para maggiging office n'ya.  Doon din muna papasok ang kanyang assistant na si Luke. Lahat ng office work n'ya sa kanyang mga business ay doon muna iproprocess. Ayaw n'ya kasing malayo ako sa kanya kaya iyon ang naisip n'yang solusyon. Tuwang-tuwa naman ang kanyang assistant dahil maraming chikababes s'yang makikita sa araw-araw.

"Kaya lang ano?" hindi na ako makapaghintay sa sasabihin n'ya.

He cleared his throat  " Kaya lang dapat manalo ka sa game na naisip ko."

"Anong laro?" curious na tanong ko. Sabi ko na nga ba eh hindi s'ya basta-basta bibigay. "Anong laro?" ulit na tanong ko.

" Kung magagawa mong kuhanin ang atensyon ko ."  Naguluhan ako sa sinabi n'ya. 

"Ha? Explain" humalukipkip ako at humandang makinig  nang maigi sa sasabihin n'ya. Nakasalalay doon ang muling pagsasama namin ng aking baby na miss na miss ko na.

"Ganito mag-uumpisa ang laro pagkababa na pagkababa natin ng kotse sa parking lot ng university. Kailangang kuhanin mo ang aking atensyon.  Susubukan kong hindi ka pansinin sa buong araw. Okay lang ang physical contact like holding hands , yakapan at kiss pero dapat hindi kita kakausapin. Kailangang magawa mo na kausapin kita. Bawal kang gumamit ng ibang tao. Matatapos ang game pagkasakay natin sa kotse" paliwanag n'ya.

Napangiti ako. Mukhang madali lang ang sinasabi n'yang laro. Knowing Vincent alam kong hindi n'ya ako matitiis. Ngayon palang   excited na akong masakyan uli ang aking motor. Sure win na ako.  " Ang dali naman honey nang naisip mong game. Ikaw naman pagame-game ka pang naisip eh halata namang payag ka na. Sana hinirap-hirapan mo naman ang naisip mo"  nakangising sabi ko sa kanya.

"Tsk!Tsk! Akala mo lang iyon. Titiisin kita sa abot ng makakaya ko. Kagaya nang hindi pagpansin mo sa akin kagabi."

Nanlaki ang mata ko "so gumaganti ka sa hindi pagpansin ko sa iyo?"

"Tsk! Anong akala mo sa akin mababaw? S'yempre hindi. Gusto ko lang maramdaman mo ang hindi pansinin ng taong mahal mo. Isa pa gusto kong paghirapan mo this time ang hinihiling mo sa akin. Hindi naman pwedeng basta na lang ako pumayag kahit labag sa loob ko."

" Nakakainis ka honey. Pero sige fight!fight! fight! Tingnan natin kung sino ang mananalo. Alam kong ako iyon" nagmamalaking sabi ko.

"Okay" hininto n'ya na ang kotse. Nandito na kami sa parking lot.  "Bago natin simulan kailangan ko munang gawin ito" sabi nya pa. Bigla n'ya akong kinabig at sinakop ng kanyang mga labi ang aking mga labi. Ito na naman ang kakaibang pakiramdam. Parang hindi na ako nasanay .  Pakiramdam ko laging unang beses namin . Nandoon parin ang kilig sa tuwing hahalikan n'ya ako. Tinugon ko ang kanyang halik . Hindi ko na alintana na nasa parking lot kami ng university at malapit na akong malate sa unang subject ko. Ngayon lang magpapakabratinella ako. Kahit malate ako at mapagalitan ng prof.  Walang makapipigil sa akin na madama ang masarap na pakiramdam na ito na dulot ng halik ni Vincent sa akin. Pareho kaming humihingal nang magbitiw kami. 

"Game on" nakasmirk na sabi ni Vincent sa akin.

"Humanda kana sa pagkatalo mo" sabi ko naman sa kanya . 

Nauna s'yang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Gentleman parin s'ya  kahit nasa gitna kami ng laro.

"Thank you honey" sabi ko pero deadma lang s'ya. So ito na nga ang simula ng aming laro.

Habang naglalakad papunta sa unang klase ko ay hinawakan ko ang kamay ni Vincent. Kailangang ipakita sa mga babaeng naglalaway sa kanya na ako ang nag-iisang babaeng may karapatan kay Vincent bukod kay Mommy. Dumikit pa akong maigi sa kanya. Medyo nadismaya ako kasi hindi ako sanay na hindi n'ya ako pinapansin. Pinagtitinginan kami ng  mga estudyanteng madaaanan namin. Balik estudyante na naman ako at balik na naman sa mga nagbabantang tingin ng mga estudyanteng babae na lantaran kung  makatitig sa asawa ko.  Kahit ayaw ko silang pansinin hindi ko magawa kasi naman para silang mga fangirls na kinikilig pagnadadaanan ni honey. Kay Vincent nagniningning ang mga mata nila , sa akin  parang pinapatay nila ako sa pamamagitan ng tingin nila. Pero sorry na lang sila dahil ang pinagpapantasyahan nila ay akin na. Mamatay sila sa inggit.

"Look Mariz ang hot naman n'un nakaitim na pumasok sa classroom" rinig kong sabi noong gurl na nakatayo sa labas ng classroom kung saan ang unang klase ko  sa  isa pang gurl na  kasama n'ya. Medyo malakas ang boses n'ya. Siguro bago lang s'yang estudyante dahil hindi n'ya kilala si Vincent.

"Ah si Vincent 'yan  , sila ang may-ari nitong school. Tama ka super hot s'ya "  sagot naman ng kausap n'ya. Nakaupo na kami ni Vincent  sa bandang likuran. Ako sa tabi ng bintana. Kaya kita at rinig ko parin ang pag-uusap nilang dalawa.  Medyo malakas rin kasi ang pag-uusap nila.

"Grabee ang gwapo n'ya! " namimilog pa ang kanyang mga mata . Napasimangot ako.  Oo nga at proud ako na may asawa akong makalaglag panty ang itsura kaya lang minsan nakakainis eh.

" Sino 'yung kasama n'ya? Kapatid n'ya?"  lalo akong napasimangot sa tanong n'ung gurl.  Mukha ba akong kapatid ni Vincent? Magkaholdinghands kami, tapos magkapatid?

"Hindi . Ang balita ko  wife n'ya."

"Ows 'di nga? May asawa na s'ya?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya o ayaw n'ya lang paniwalaan.

"Oo nga  kasi last sem lagi silang magkasama then  may nagsabi na ikinasal na daw sila" sagot noong kausap n'ya.  Pasimple pa silang sinusulyapan  si Vincent .

"Sayang naman" laglag ang balikat ni gurl. Gusto kong tumawa. 

"Don't worry gurl marami pa s'yang kaibigan na panay pogi at available. Mamaya ituturo ko sa iyo sila" sabi sa kanya tapos biglang lumiwanag ang mukha noong Mariz..

Seriously , pumasok ba itong si Mariz para mag-aral o para maghanap ng boylet? Napapailing na  tanong ko sa sarili ko. Pero wala akong pakialam sa kanila. Itong si Vincent dapat ang pinagtutuunan ko ng pansin para manalo ako sa laro namin.

 Humarap ako sa kanya .   Nakapikit si Vincent habang nakikinig sa kanyang headset. Ito naman ang lagi n'yang ginagawa kapag nasa loob ng classroom. Wala s'yang pakiaalam sa ibang tao.  Kailangang umpisahan ko na ang aking pagpapapansin habang wala pa ang prof.  Magkahawak parin ang aming mga kamay.  Ginalaw -galaw ko ang magkadaupang kamay namin tapos hinalik-halikan ko ang likod ng palad nya.  Nagulat s'ya sa ginawa ko  pero nakapikit parin s'ya.   So ang sunod na ginawa ko ay hinalikan ko s'ya sa pisngi . Kumibot ang  gilid ng kanyang labi . Ibig sabihin naapektuhan s'ya kaya lang deadma parin.  So ang sunod naman na ginawa ko ay sa gilid ng labi n'ya ko s'ya hinalikan.  Napangiti s'ya  pero nakapikit parin s'ya. Nafrufrustrate na ako. Inulit ko ang ginawa kong paghalik pero this time may kasama nang dila. Dahan-dahan kong  pinaglaro ang dulo ng dila ko habang  magkadikit ang mga labi ko sa gilid ng mga labi n'ya.  I almost jump of joy   because I felt his body stiffened.  Sabi na nga ba gagana itong naisip ko. Kunting push na lang mananalo na ako. Kunting seduction pa.

"Oy!Oy!  Mrs. Nahm ano 'yan ? Bakit PDA kayo ? Ano ito PBB house?" bigla akong napatingin sa panira ng moment na  nagsalita na walang iba kundi si Sam na nakapamaywang pa. Naupo s'ya sa upuang nasa harapan ko at humarap sa akin.

 Napakamot ako sa aking ulo. Ayun na eh,  nararamdaman ko  na bibigay na si Vincent. Kinain ko na nga ang hiya ko, kinapalan ko na ang aking mukha . Binalewala ko na ang mga naggugulat na tingin ng mga kaklase namin para lang sa mahal kong motor tapos sisirain lang ni Sam.

" Pakiexplain nga ang eksenang naabutan namin"   pangungulit ni Sam.    Dahil sa ginagawa kong pagpapapansin/pang-aakit kay Vincent hindi ko namalayan na  dumating na pala sina Sam at ang mga pogitas. Hindi ko narinig ang mga boses ng mga tumitiling fangirls nila.  Pero ngayon naririnig ko na ang kanilang tili. Sumulyap ako kay Vincent nakikipag-usap s'ya sa  mga pogitas.

" Kasi may game kami"  sagot ko. Kumunot ang noo ni Sam.

"Anong laro?" Interesadong tanong n'ya. "Nagdadahilan ka lang  ata eh."

"Hindi. Ganito iyon. Kailangang magawa kong pansinin ako ni Vincent bago  matapos ang buong maghapon "  paliwanag ko kay Sam.

"  Mukhang masaya iyang game n'yo ah.  Anong prize? Bibigyan ka n'ya ng sports car?"  Namimilog ang matang sabi ni Sam. " Best padrive ako ha pagnanalo ka."

"Hindi , higit pa doon."

" Ibibili ka n'ya ng yate?" 

Umiling ako.

"Private plane?" hula na naman n'ya.  Ano ba itong si Sam, akala n'ya ba kay Vincent ay sugar daddy ko. Bakit naisip n'yang ibibili ako ni Vincent ng mga iyon?

"Tsk! Hindi . Anong akala mo sa  amin super yaman. Isa pa hindi ako ganoon kaluho no!"  Inis na  sabi ko sa kanya . Paano n'ya naisip na gusto ko ng mga iyon?

 "Vincent" tawag ni Sam  sa asawa ko. Bumaling naman sa kanya si Vincent.  " Sabi ni Best hindi  mo daw s'ya kayang ibili ng private plane at yate" sabi n'ya kay Vincent.

"Oy Sam wala akong sinabing ganoon ah"  biglang singit ko . Baka akalain ni Vincent gusto ko ng mga iyon.

"Bakit gusto n'ya ba? Sabihin n'ya  lang"  seryosong sabi n'ya kay Sam.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagbibiro ba s'ya?  " Baliw! Nagloloko lang si Sam" nabibiglang sabi ko.

"Kaya mo s'yang ibili ?" Hindi makapaniwalang tanong  ni Sam kay Vincent. Parang wala ako  dito ah. Hindi nila pinansin ang reaksyon ko.

"Tch!  Oo naman. Sabihin n'ya lang" expressionless na sabi n'ya. Hindi n'ya man lamang ako sinulyapan  tapos bumaling  na s'ya  uli sa mga pogitas.

"Best magpabili ka na dali. Tapos pasyal tayo nina Aria."

 Tiningnan ko s'ya ng masama. "Nababaliw kana Sam. Nagbibiro lang iyang si Vincent. Mabalik tayo sa sinasabi ko. Ang prize ay ang paggamit ko uli ng motor ko" sabi ko kay Sam.

"Tsk! Akala ko naman kung ano. Paggamit mo lang pala ng motor" dismayadong sabi n'ya. "Sana matalo ka kasi nakakatakot kang magpatakbo ng motor" dagdag n'ya pa. Tapos tinalikuran na ako.

 Sasabunutan ko na sana s'ya kaya lang pumasok na ang prof. Hindi ba n'ya naisip na mahalaga sa akin ang motor ko? Nanahimik na ang buong klase.

Dahil first day ng klase s'yempre kailangan na namang magpakilala . Ako ang nasa pinaka dulo kaya ako ang pinakahuli . Si Vincent ay hindi nagpakilala  hindi dahil nakisit in lang s'ya kundi isa s'yang certified na snob. 

 "I'm Alexandra Sanchez----"

 "Ehemm!"  sound na nagmula kay Vincent. Tiningnan ko s'ya. Nakakunot ang noo n'ya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Nakatuon ang mga mata sa cellphone n'ya.

"Nahm  " patuloy ko. Akala siguro n'ya hindi ko imemention ang apilyido n'ya na apilyido ko na rin. " And this  super handsome and hot guy beside me  is my husband Vincent Andrew Nahm" dagdag ko pa, iwinagayway ko pa ang aking mga kamay na nakaturo sa kanya. Nagtawanan naman ang mga pogitas sa sinabi ko at ang iba ay nanlaki ang mga mata.  Nagulat siguro sa sinabi ko na asawa ko si Vincent. Kasi parang  lantaran ko nang inamin na kasal na nga kami at hindi tsismis lang.

"Thank you Mrs. Nahm . Congratulation. Anong sekreto mo at nagawa mong mahulog  ang isnaberong  si Mr. Nahm?" sabi naman ng  nakangiting prof. Dalaga pa ang prof namin kaya game s'ya sa mga tuksuhan. Lalong nag-ingay ang klase. 

"Secret po" nakangising sagot ko.

"Dapat siguro ang tanungin natin ay  si Vincent" panunukso  ni  Miss. Ramirez ang aming prof.  " Anong masasabi mo  Vincent? Paano ka nainlove kay Alex? Anong nagustuhan mo sa kanya?" nanahimik ang buong klase, curious sila sa isasagot ni Vincent.   Pakiramdam ko nasa hot seat kaming dalawa. 

"Tsk! Bata pa lang s'ya alam ko na s'ya lang ang mamahalin ko wala ng iba.  Wala s'yang sekreto para mahulog ako dahil matagal na akong in love sa kanya bago n'ya pa ako makilala. Hindi ko s'ya gusto kasi mahal na mahal ko ang lahat sa kanya"  deretsang sagot ni Vincent tapos ibinalik n'ya ang paningin n'ya uli sa cellphone n'ya.  Parang balewala lang sa kanya pero sobrang kinilig ako sa mga sinabi n'ya. Kasi hindi ko inaasahan na sasagutin n'ya  nang ganoon ang   panunuksong tanong ng prof. Oo nga all out s'yang magsabi sa akin pag kaming dalawa  pero pag may ibang tao na palang nakakarinig mas nakakakilig. Gusto kong mangisay sa sobrang pagkakilig. Nanahimik ang buong klase . Nagulat din siguro sila sa mga sinabi ni Vincent.  Nakakapagtaka nga naman na ang isnaberong si Vincent ay magsasalita ng ganoon sa buong klase. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko s'ya nang mahigpit.

"Ang sweet naman ni Papa Vincent!" sigaw ni Tommy na nagpatawa sa buong klase.

******

 Tapos na kaming mag lunch sa cafeteria. Nagpapalipas na lang kami ng  oras dito sa Botanical garden  para sa susunod na klase kasama ang mga kaibigan namin.. Nakatayo kaming dalawa ng super sweet kong asawa na hanggang ngayon ay hindi parin ako pinapansin.   Akala ko papansinin n'ya na ako kanina sa cafeteria.  Hinintay ko s'yang bumili ng pagkain namin at ibigay sa akin.  Pero  bigo ako kasi maparaan s'ya. Ang mga pogitas ang bumili ng pagkain namin at sila ang nagbigay sa akin. Nagkunwari pa akong nabibilaukan pero si Sam ang nag-abot sa akin ng inumin. Parang kampi pa silang lahat para manalo si Vincent.  Tanggap ko na ang mga pogitas kumampi kay Vincent pero itong si Sam. Si Sam na bestfriend ko  dapat sa akin ang loyalty n'ya.

Prenteng nakaupo sila sa mga benches , kami naman ay nakatayo ni Vincent.. Nag-iisip ako ng plano para manalo sa larong ito na akala ko madali lang 'yun pala sobrang hirap. Hindi ko napansin na napadami ang kain ko kaya ngayon pakiramdam ko punong-puno ang tiyan ko. Para bumaba ang lahat ng kinain ko ay nagt'yaga ako ngayong tumayo. Buti si honey nakatayo rin.  Aha! Alam ko na sasayawan ko s'ya. Masubukan nga. Kailangang lunukin ko na naman ang hiya ko.

Nagring ang cellphone ni Vincent at sinagot n'ya.  Kinuha ko ang free nyang kamay at pinaikot ko sa baywang ko. Nakabackhug ang itsura namin.  Pinagsway-sway ko ang baywang ko. Tapos   I kick my right foot. Mahinang kumanta rin ako ng commercial song ng Palmolive pala naman hindi ako magmukhang baliw na basta na lang sumasayaw na walang music. Buti na lang naLSS ako sa commercial na iyon kaya kabisado ko. Ginaya ko pa ang sayaw ni Janella Salvador sa commercial. Umikot-ikot ako habang pahawak-hawak sa mahaba kong buhok. Tumalon-talon din ako. Sway-sway then action ng mga braso at kamay. Ginalingan ko pa na para akong si Janella . Habang ginagawa ko iyon ay patingin-tingin ako kay Vincent. Blangko ang mukha n'ya busy sa kausap.  Hindi ako pinapansin.

"Ang galing mo Alex!" pumapalakpak na sabi ni Ian. Bigla akong nahiya kasi nakatutok ang mga paningin nila sa akin at pumapalakpak pa sila.

"Bwahahahaha Best!  Pwedeng-pwede ka na sa commercial daig mo pa si Janella"  natatawang sabi ni Sam.

" Alex kahit anong gawin mo hindi ka mananalo d'yan sa asawa mo. Namaster na n'yan ang paggiging isnabero"  nakangising sabi naman ni Matheo.

"Magpapagod kalang." si Caden naman. " Pero sige ituloy mo lang, nakakagising ang ginawa mo sa inaantok kong diwa" dagdag n'ya pa. Pero bigla s'yang nanahimik kasi tinapunan s'ya ng nakakatakot na tingin ni Vincent. " Joke lang P're" sabi n'ya pa kay Vincent.

"Tsk! Tapos na ang palabas magsipunta na kayo sa mga klase n'yo" masungit na sabi ni Vincent. Nagsitayuan na sila at nagsimula nang mag-alisan. Bumaling ako kay Vincent at kinuha ko ang isa n'yang braso , pinulupot ko  sa baywang ko at  sumunod na sa kanila. Failed na naman ako.

  Ito na ang pinaka last na magagawa ko . Last na  klase ko na ito at maya-maya lang uuwi na kami.  Pinagapang ko ang kamay ko sa hita ni Vincent . Nasa likuran uli kami nakaupo kaya walang makakapansin sa ginagawa ko.  Nakikinig  ang lahat sa matandang prof. na may  pagkaterror. Karamihan ng estudyante ay takot sa prof. na ito. All eyes  at ears sila kay terror  Prof. Gomez.

 Pinagalaw -galaw ko ang mga malalandi kong daliri sa kanyang may kasikipang pantalon. Inilapit ko pa ang bibig ko sa kanyang tenga at huminga doon. Para maramdaman n'ya ang mainit-init na hanging lumalabas sa bibig ko. Madali lang gawin iyon kasi malapit ang kanyang ulo sa gilid ko. Yeah! Baka makuha s'ya sa ganitong seduction. Pinabalik-balik ko ang kamay ko sa kanyang hita. Medyo napangiti ako nang marinig kong mahina s'yang napamura.

 "Tsk!Tsk! Masamang magmura honey" mahinang bulong ko sa kanya. Patuloy parin ang kamay ko sa paglalandi. Kailangang itodo ko na ito. Pasimple lang ang bawat galaw ko. Nakakahiya pag may nakapansin. Napalunok s'ya ng sunod-sunod. Paniguradong pagbabayaran ko itong ginagawa ko sa kanya pagkauwing-pagkauwi namin sa bahay.  Lumalabas ang pagkapilya ko. Nagugulat din ako sa sarili ko. Pero kailangang manalo ako. 

"Honey  I love you very much" bulong ko pa. Tumikhim lang s'ya.  

  

Kinagat ko ang ibaba kong labi kasi medyo natatawa ako. Mukhang uneasy s'ya sa pagkakaupo n'ya.  Malakas ang aircon sa  bagong  gawang classroom na ito pero parang pinagpapawisan si Vincent. Pinagbuti ko pa ang ginagawa ko. Kunting push na lang mananalo na ako.

 Lumabas ang Prof. at nagtayuan  na ang mga kaklase ko . Tapos na ang klase . Nanlaki ang mata ko nang biglang tumayo si Vincent at  nagmamadaling umalis. Iniwan n'ya ako.

 "Anong nagyari kay Vincent bakit nang-iwan?" nagtatakang tanong ni Sam sa akin.

 Nagkibit balikat lang ako, alanganin namang  sabihin ko na nilalandi ko ang asawa ko habang nagsasalita si  Terror Prof.  Nakakahiya iyon!  " Samahan mo na lang ako sa ladies room" sabi ko kay Sam at hinatak ko na s'ya .

 "Huhuhu! Wala nang pag-asa na magamit ko uli ang motor ko" madramang himutok ko. Nakaharap ako sa salamin at umaacting. Nasa ladies room kami ni Sam buti na lang dalawa lang kami kaya free akong magdrama. Inaayos ni Sam ang kanyang buhok at make-up kasi may lakad daw sila ni Caden.

 “Best tanggapin mo na lang na talo ka ni Vincent" nagpahid s'ya ng lipstick.

"Ikaw! Ikaw na bestfriend ko tinalikuran ako. Kumampi ka pa kay Vincent dapat ako ang kinampihan at tinulungan mo" inis na hinaing ko sa kanya.

"Ano ako baliw? Ayaw ko ngang magmotor ka , tapos tutulungan kitang manalo" nakalabing sabi n'ya.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Eh kasi naman nakakatakot ka namang magpatakbo ng motor eh. Nakahinga nga ako nang maluwag nang ibalik mo iyon kay Vincent. Parang hinahabol mo si kamatayan pagnag momotor ka. Pakiramdam ko anyminute ay maaksidente ka paggamit mo iyon" supalpal n'ya sa akin.

Nakakatakot ba akong magmotor? Mabagal nga akong magpatakbo eh. Bulong ko sa sarili ko.

"Tayo na nga. Kalimutan mo na lang iyang pangarap mong bituin " hinila n'ya na ako papalabas . 

Hay! Bagsak ang aking mga balikat habang naglalakad. Para akong lutang.  Ayan na ang parking lot . Tanggap ko na talo na ako at nanalo na si Vincent.  Ayun s'ya na kasandal sa kotse nakangiti s'ya habang kausap ang mga pogitas. Siguro binabati s'ya sa pagkapanalo n'ya sa laro namin. Hindi n'ya alintana ang mga babaeng nakatitig sa kanila. Ang gwapo n'ya. Okay lang na natalo ako may asawa naman akong nag-aalala at nagmamahal sa akin.  Naiintindihan ko naman ang dahilan n'ya. Siguro sasakyan ko na lang ang motor nang nakahinto atleast nagkasama kami ng baby ko.

"Alex!" rinig kong tawag sa akin. Luminga ako sa likuran ko at nakita ko si Mary Kris kasama si Ken. Kinawayan nila ako.  Noong sembreak naging sila na at masaya ako para sa kanilang dalawa. Bagay na bagay naman silang dalawa. Patuloy ako sa paglalakad. Nang matampilok ako at susobsob  sa semento.    Mabilisang naiharang ko ang kamay ko sa babagsakan ko para hindi ako tuluyang masobsob. Ngunit  masyadong malakas ang bagsak ko at mali ng galaw. Naramdaman ko ang sobrang sakit sa braso ko. Napakasakit.  

"Wifey! " rinig kong nag-aalalang boses ni Vincent.  Nasa tabi ko na s'ya at binuhat ako.  " Saan ang masakit?" Nanginginig ang boses n'ya , sign na natakot s'ya sa nangyari sa akin.

Para akong naiiyak sa sobrang sakit. Para ngang manhid na ang braso ko . "  Honey pinansin mo na ako. Ibig sabihin panalo ako" nakangiwing sabi ko.

"Tsk!Tsk! Naaksidente kana iyan parin ang iniisip mo!" bulyaw n'ya sa akin. " Matheo paki buksan ang pinto ng kotse " utos n'ya kay Matheo. " Sumunod kayo sa hospital!" sigaw n'ya sa mga pogitas. Nagmamadali s'yang nagdrive papuntang hospital. Tapos nawalan na ako ng malay.

*****

" Congrats Best panalo ka sa game" malungkot na bati sa akin ni Sam. Tama panalo nga ako kasi bago kami makasakay ng kotse ay pinansin ako ng asawa ko . " Kaya lang hindi mo makukuha ang prize na gustong-gusto mo kasi nakasemento iyang braso mo" nakalabing sabi n'ya.

Napanguso ako. Nanalo nga ako pero nakasemento naman ang kaliwang braso ko kaya useless din.   Kahapon nangyari ang aksidente ko.  

" Di bale Best sabi naman ni Vincent ibibili ka n'ya ng yate kaya 'wag kang malungkot."  Napatingin ako kay Vincent.

"Vincent totoo ba?" tanong ko sa kanya. Alam ko nagbibiro lang itong si Sam. Ngunit tumango si Vincent at seryoso s'ya.  "Bakit?' tanong ko pa. Lumapit s'ya sa aking higaan. Nasa hospital parin ako nakacomfine. Gusto ni Vincent na dito lang kami kahit pwede na  kaming umuwi.  Masyado s'yang nag-alala lalo na noong  nawalan ako ng malay. Nagkagulo sa  ER.  Buti na lang pamilya nila ang may-ari nitong hospital dahil halos harassing n'ya na ang mga staff dito.  Napasugod din ang mga parents namin nang mabalitaan nilang naaksidente ako.

" 'Yun na lang ang kapalit  ng  prize  mo kasi hindi ako papayag na magmotor ka. Papatayin mo ako sa sobrang kaba wifey"  he said then he gave me a peck in my lips.

" Pero nanalo parin ako" masayang sabi ko.

"Nanalo ka nga pero nasaktan ka naman!" pang-aasar sa akin ni Sam. " Best pasakay sa yate mo ah" masayang sabi n'ya.

Hinatak ko ang braso ni Vincent gamit ang aking kanang kamay.  Tumungo naman s'ya palapit sa mukha ko. " Thank you honey. Sorry kung nag-alala ka. I love you very much" tapos hinalikan ko s'ya.

"Ewwww! PDA na naman!" naiiskandalong sabi ni Sam tapos iniwan n'ya na kaming dalawa ni Vincent. Nilock n'ya pa ang pinto.

"I love you very much wifey" sabi n'ya  habang hinahalikan ako.  Parang magic  'yung pananakit ng injured kong braso biglang nawala. Halik lang pala ni Vincent ang mabisang painreliever eh. Kaya dapat dito lang s'ya sa tabi ko.

 **************

**************

Salamat sa pagbasa.

 Hindi pa po ito naeedit kaya sorry sa  mga wrong typos.

Annah

Continue Reading

You'll Also Like

50.4K 3.1K 44
When your past comes back and when your present is there, who would you choose? The one that got away? Or the one who stayed? Will you go one step cl...
174K 5.3K 51
Unwanted Boyfriend, Meeting people unexpectedly. Experiencing pain, love and suffering. Every challenges shows how love and how you care about the ce...
28K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
375K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...