The END of LOVE (On Hold)

By jhazzmainne

998 23 3

May mga desisyon tayong dapat gawin na hindi na 'tin gusto. Mga insidenteng hindi na 'tin inakala pero nangya... More

Chapter 1: Old-maid-Virgin
Chapter 2: Caroline
Chapter 3: Party?
Chapter 4: Zio Edmundo Alfonso
Chapter 5: Sir, yes sir!
Chapter 7: The 'date'
Chapter 8: The kiss
Chapter 9: I'm your boss
Chapter 10: Vacation leave
Chapter 11: Province
Chapter 12: Hindi po siya akin!
Chapter 13: Hindi ako pervert!
Chapter 14: I will court you!
Chapter 15: I love you... Steff.
Title Change!
Chapter 16: 'Buttons'

Chapter 6: May date tayo!

53 1 0
By jhazzmainne

6

Araw ng Martes at araw ng pag-alis ni TK. Hindi nya ako pinayagan na sumama sa paghatid sa kanya sa airport kasi baka daw umiyak ako at mag-iskandalo. Kita mo tong taong ‘to aalis na nga lang nang aasar pa.

Tinext ko na lang syang ingat at God bless. Hindi ako nagsasabi ng “good luck” kasi alam ko mas better ang God bless kesa doon.

11:00am na pero di pa rin ako maka-concentrate sa ginagawa ko. Ang daming pumapasok sa utak ko, mga pangyayaring kahit ako di ko maipaliwanag. Mga nangyari noong araw ng sabado.

A message poop up my computer screen, the same name as the other day.

Hmmm… Palagi na lang itong taong ‘to ah. Hindi ko naman kilala. Nanggugulo lang siguro.

And again ignore him/her. Keep on working about the things I need to finish for the deadline but then I remember something… or someone.

“Ate Jade, absent na naman po ba si Iñigo? Hindi ko po sya nakikita ngayon.” sabay lingon sa upuan ni Iñigo.

“Uuuuyyyy, hinahanap yung lover nya. Hmmpp, sinasabi ko na nga ba, may something sa inyong dalawa eh.”

“Hindi ah.. I-I mean wala.” sabay yuko, feeling ko pulang pula na yung mukha ko.

“Eh, ba’t ka namumula. A...minin..” tumawa sya na parang kinikilig. “Ok, sige na, tama na. Para kanang mansanas sa pula. Inilipat na sya sa ibang department.”

“Ho?” gulat kung tanong.

“You heard it right. Kahapon ng umaga. Late ka kasi dumating di ka tuloy nakapag-paalam sa kanya.”

“Sa…saan pong department sya inilipat Ate Jade?”

“Hindi ko din alam eh, basta ang sabi sa high rank na daw sya ililipat. Ang bulong bulongan pa nga, sa susunod daw na makita natin sya dapat na daw tayong bumati sa kanya. Hmmpp, ewan ko ba sa mga tao dito ba’t yun ang sinasabi.” at bumalik na sa ginagawa nya si Ate Jade.

Ba’t di nya sinabi sa akin na lilipat na pala sya. Galit ba sya sa’kin dahil sa nangyari nung sabado? Hayy, boring naman. Wala na si Mr. Asar.

“Miss mo na sya noh? Ba’t ka napabuntong hininga dyan? Uyyy, miss na nya. Dalawang araw pa nga lang eh.”

“Hah..! Ah, eh.. Di kaya. Si Ate Jade talaga oh.”

Bumalik na lang ako sa ginagawa ko. Ayaw ko naman tignan si Ate Jade baka mahuli na naman ako.

Habang abala ako sa pag-ta-type, bigla naman may lumabas sa computer screen ko.

Hi… I’m your new co-worker. I’m looking forward to meet you. :)

Hayyttss, ano na naman ba ‘to. Kalokohan. Mag-rereply na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sir Gerald, ang asst. ng HR namin.

“Good morning ladies, I would like you to welcome Mr. Mark Enriquez. He will be the one who will continue the work of Mr. Alcantara. Please take care of him and help him do the work. Gotta? Adios.” may pagka-bakla kasi si Sir Gerald, kaya ganoon magsalita.

Pero wait, balik nga tayo. Totoo ba ‘to? Akala ko sa Korea lang maraming gwapo. Mali pala. Kasi nandito sya! Isang gorgeous hot guy. Ang ganda ng build ng muscle nya, tapos yung mata nya pati lips. Oh so hot…

Hindi ko namalayan, papalapit na pala sya sa akin, ay este sa table dati ni Iñigo. Halos magkaharap kasi kami ng table. Nang naka-upo na sya, humarap na sya sa computer nya at nag-smirk. Shhheeekkaass, ang gwapo.

Yung laway mo tumutulo. biglang ng-poop sa computer screen ko, sa pangalan ng kanina ko sana rereplayan.

Bigla naman ako nabalik sa katinuan at lumingon kung saan saan. Shoocckks, tumutulo ba talaga laway ko? Napansin nya ba talaga ako? Hindiiii, nakakahiya ako. So? Sa kanya nga itong email address? Goshhh..

Bumalik ako sa ginagawa ko, kailangan ma-divert ako sa iniisip ko. Kailangan. Nag-ta-type ako kunwari o kaya ay tiniginan sa mga papers sa harap.

Lunch time. I went out as time ticks 12. Para di ko na makita pa yung lalaking yun. Pumasok ako sa elevator, may dalawang babae akong nakasama doon, naka-assign sa Accounting Department.

“Girl, have you seen our new boss? Wow, he’s really, really hot.” sabi nung naka ponytail.

“Yeah, nung pumasok nga sya sa Department na’tin kala ko artista. Ang bata nya pa hah, para maging president ng company. Ang alam ko, ipinamana sa kanya ang company na’to.” sabi naman ng nung curly hair.

“So you mean, hindi tunay na anak?”

“Hindi nga yata sa kanila itong company eh. Ang sabi sabi pamana daw ng isang matandang lalaki kay Mr. Hot President tong company, pero ngayon nya lang daw tinanggap. At narining ko pa, kailangan nya daw…”

Biglang bumukas yung pinto ng elevator at bago pa nila matapos yung pag-uusap nila ay lumabas na ako.

Pumunta ako sa café sa harap ng building. Hindi naman ako palagi dito pero feel ko lang tumambay. Hindi ako kumain ng lunch, cold coffee lang inorder ko. Hindi kasi ako gutom at lalo pa, iniisip ko si Iñigo.

Kung asan ba sya, anong nangyari sa kanya, bakit ganon yung reaksyon nung isang araw at bakit miss ko sya. Oo, inaamin ko, may konti akong nararamdaman sa kanya akala ko kasi noon kaibigan lang ito pero habang tumatagal nag-iiba na yung tingin ko. Hindi yung tingin na iniisip nyo, tinging green. LIKE… yun lang.

“Oi.! Ang witch lumabas ng lungga. Bakit ka nandito at wala ka sa canteen?” ang taong nasa utak ko lang kanina ay nasa harap ko na ngayon.

Hindi ako nagulat, natawa ako.

“Hoy!” sabay batok ko sa kanya. “Asan ka na ngayon tumatambay? I’m sure sitting-pretty kana naman doon. Ayyttss.. At bakit bigla ka na lang umalisng wala pasabi hah?”

Tinawag nya muna yung waiter bago sumagot. “Kasi... secret yung trabaho ko. Baka pagnalaman mo. Lilipat ka doon eh di, dalawa na tayong sitting-pretty. Bleehh..!!” at umorder na sya. Nakataas lang yung kilay ko at pinagmamasdan sya.

Hindi ko namalayan na halos nakatitig na pala ako sa braso nya, sa kilay nya, sa noo, sa ilong, sa bibig. Ano kaya yung feeling na mahalikan ng isang Raphael Iñigo Alcantara… Hayyy…

“Kung gusto mo ng halik, willing naman akong ibigay iyon eh. Basta sabihin mo lang.” sabay dila sa ibabang bahagi ng kanyang labi.

Tinignan ko sya sa mukha, nakagat ko ang labi ko at nakita ko kung gaano sya ka sexy. Ah, I mean gaano sya ka hot. Ay, hindi… Kung gaano sya KAMANYAK.

Lord, wag po ganyan, mukhang hahalayin ako nitong taong ‘to. PERO willing po ako. Hehehe…

“Tu-t-tumigil ka nga Iñigo. Mukha kang manyak na gusto ng se….” tumigil ka Steff, baka isipin nyan gusto mo nung bagay na yun..

“Nang ano? Ano yung se…?”

“Teka! Mali yung iniisip mo hah. Ang green ng utka mo. Ano… uhhmm.. ano.” think girl, think.

“Ako pa ngayon yung green, ikaw kaya nag-umpisa sa se... na yan. Tss, ano?!” nagulat ako sa pang-asar nyang sigaw.

“Ano!! Ahh, ahh, gusto mo ng… ng… sine? O-oo, tama! Manonood tayo ng sine mamaya?! After work.?” sana makalusot. Please lang..

“Ok, basta libre mo!?” masiglang sabi nya.

“Hmmm, okeeyy..” sabi ko sabay pout. Hayy, ba’t ba kasi yun ang sinabi…

“O sige na, sige na. Ako na ang manlilibre sa’yo. Nakabusangot kana dyan oh.” biglang sabi nya.

“Talaga?!”

“Oo na, alam ko naman na kuripot ka noh.!...” pang-aasar nya. “Oh, I need to go, may kailangan pa ako tapusin… Mamaya hah.!... may DATE ta’yo…” sabay ngiti ng nakakaloko. At lumabas na ng shop.

Baliw talaga ‘yun. Tsk2x, pero teka. Anong sabi nya? DATE?

May DATE kami mamaya? Hala.!!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...