Big Boys Don't Cry (published...

By aLexisse_rOse

2.7M 51.4K 4.4K

Isang babae lang ang bukod tanging nakapagpaiyak kay Vince. But it was a long time ago. And he promised himse... More

Big Boys Don't Cry
Prologue:
Chapter One: It's Her!
Chapter Two: Fell For You
Chapter Four: Deceived
Chapter Five: Replaced
Chapter Six: She's Back
Chapter Seven: Reminds Me Of Her
Chapter Eight: First Love
Chapter Nine: The Past (Part One)
Chapter Ten: The Past (Part Two)
Chapter Eleven: The Past (Part Three)
Chapter Twelve: Innocent Curiousity
Chapter Thirteen: Bad Temper
Chapter Fourteen: Sleepyheads
Chapter Fifteen: Throw Back
Chapter Sixteen: Let Her Go
Chapter Seventeen: First Move
Chapter Eighteen: Last Day
Chapter Nineteen: She Cares
Chapter Twenty: Wake Up Call
Chapter Twenty One: First Date
Chapter Twenty Two: Unusual Date
Chapter Twenty Three: Consequence
Chapter Twenty Four: Beats For Her
Chapter Twenty Five: Maling Akala
Chapter Twenty Six: Wonderful Night
Chapter Twenty Seven: The Decision
Chapter Twenty Eight: Strange Feeling
Chapter Twenty Nine: Then and Now
Chapter Thirty: Impulsive Decision
Chapter Thirty One: Unsure Of Himself
Chapter Thirty Two: The Finale
EPILOGUE

Chapter Three: The Lucky One

97.5K 1.8K 251
By aLexisse_rOse

Chapter Three: The Lucky One


Vince's POV

Nang magkamalay ako ay naroon na ako sa ospital. Sina Mark at Tyron ang una kong namulatan. Maya-maya ay humahangos na dumating si Mama at umiiyak. Kasunod niya sina Papa at Cyrhel.

Thank God, I'm still alive! Buong akala ko ay hindi ko na sila ulit makikita. Pero nakaligtas man ako sa aksidente ay hindi biro ang pinsalang natamo ko. Naka-cast ang buong kaliwang binti ko dahil nagkaroon daw ng mild fracture ang aking tuhod at bukung-bukong. At ayon kay Mark ay matatagalan bago ako tuluyan maka-recover at makapaglakad muli ng normal.

"Vinci Boy, sabi ko naman sayo alisin mo na ang katangahan sa katawan mo. Tignan mo tuloy ang nangyari sayo."

Sinulyapan ko ng matalim si Tyron. "Gag-! Kung hindi dahil sayo hindi ako mahuhulog sa hukay. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito." Kung magagawa ko lang makatayo ay kanina pa siya nakatanggap ng magkakasunod na kutos mula sa akin.

"Hay naku, Kuya! Aminin mo na kasi ang katangahan mo. Ang laki-laki ng kalsada para hindi mo makita ang hukay na iyon. Nakakahiya ka. Guwapo ka nga pero ang laki mo naman tanga!"

"Cyrhel!" Saway ni Mama. "Huwag mong pagsabihan ng ganyan ang kapatid mo. Hindi katangahan ang tawag doon. Minalas lang talaga ang kuya mo na mahulog sa hukay."

"Ma, pareho lang iyon."

"Tumigil na kayong dalawa!" To the rescue sa akin si Papa. "Be thankful that nothing seriously happened to him," aniya at nangingiti na nilapitan si Mama. "Mary my dear, huwag ka ng magtampo. Alam ko naman na napilitan kang i-postpone ang tour mo dahil sa nangyari kay Vince."

"Of course not. Bakit naman ako magtatampo? Natural lang na umuwi ako dahil buhay ng anak ko nakasalalay rito."

Lihim akong napangiti. Hindi naman pala ako maipagpapalit ni Mama kay Bon Jovi.

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo?" Lumapit sa akin si Mama at hinalikan ako sa noo. Hindi na siya umiiyak pero patuloy siya sa pangsinghot. "Dr. Mendoza, sigurado ba kayo na maliban sa bone fractured niya sa binti ay wala na siyang ibang pinsala?"

"Hindi kaya naalog na naman ang ulo ni Kuya Vince at mayroon na naman siyang hindi maalala?" Sabat ni Cyrhel. Mabilis siyang pinanlakihan ng mga mata ni Mama.

"Actually, kalalabas lang po ng resulta ng brain scan ni Vince at wala naman siyang nakuha na pinsala sa ulo." sabi ni Mark. "He'll be fine soon. Basta tuluy-tuloy lang ang ilang series ng medication at therapy niya, sigurong makakalakad siya ulit."

"Kailan maaring makauwi si Vince?" Tanong ni Papa.

Muling nagsalita si Mark. "Pwede na po siyang mai-discharged next week at maaaring mas maaaga pa. Iyon ay depende sa development ng kondisyon ng anak ninyo. But I suggest that he needs a private nurse to take care of him and also to monitor his condition.

"No way!" Mabilis kong tututol. I don't like the idea. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang inaalagaan ako na parang bata. "I can take care of myself. And Ma, ayokong umuwi sa bahay. Doon na lang ako sa condo unit ko."

"Vince, huwag matigas ang ulo mo!" Saway ni Mama. "Doon ka sa bahay uuwi para mabantayan ka namin."

"Fine! Sa bahay ako uuwi pero hindi na ninyo kailangan kumuha ng private nurse para may mag-alaga sa akin."

"It's not for you to decide.." Tinignan ako ni Mark na tila sinasabi niya sa akin na wala akong magagawa kundi sumang-ayon sa gusto nila. Pakiramdam ko tuloy ay pinagkakaisahan nila ako.

"Kung sa ikabubuti naman ni Vince, I agree with you Dr. Mendoza" pagsang-ayon ni Papa na ikinagulat ko. "He needs a professional help, especially in his condition. What do you think, dear?" Hindi na ako nagulat nang sumang-ayon din si Mama. Lalo lamang tuloy akong nanlumo.

"Mark, mayroon ka bang maisa-suggest sa amin na maaaring maging private nurse ni Vince?" Tanong ni Mama.

Iyon ang kinatatakutan ko. Ang hayaan nila na si Mark ang kumuha ng mag-aalaga sa akin.

"I have a person in my mind but I don't know if she is willing. But still, marami naman akong staff dito sa ospital. I can ask them. Sigurado ako na marami ang magkakainteres."

"Pa, ang piliin ninyo ay yung maganda at sexy na private nurse para magka-lovelife na si Kuya Vince," muling sabat ng pasaway kong kapatid. Bakit ba kasi isinama pa nila ito? "Who knows? Baka mawala na rin ang katangahan niya."

Sa isang iglap ay nadampot ko ang katabing unan at mabilis na ipinukol iyon sa kanya. Sapol si Cyrhel sa mukha.

"Kahit kailan talaga pikon ka!" Akmang ipupukol ng kapatid ang unan pabalik sa akin nang pigilan ito ni Mark at binigyan ng warning look.

"Cyrhel, sa palagay ko ikaw ang kailangan na magka-lovelife," sabat ni Tyron. "Who knows? Baka tumino ka na."

"Huwag kang epal! Hindi kita kausap!" Inirapan nito si Tyron at muling binalingan si Mark. "Kuya, may lovelife ka na ba?"

Dedma lang binatang doktor sa pagpapa-cute ng kapatid.


Valjean's POV

Nang dumating ako sa pantry ay naabutan kong nagkakagulo ang mga co-nurses. Bawat isa ay may mga hawak na papel at ballpen. Kanya-kanya sila sa pagsusulat at pagkatapos ay inihuhulog ang sinulatang papel sa malaking kahon na nasa ibabaw ng mesa.

Ano ito raffle draw? Palabunutan? Malayo pa ang christmas party.

"Mare, ano pa ang tinatanga-tanga mo dyan!" Nilapitan ako ni Mildred at inabutan ng papel at ballpen. "Dali, isulat mo na ang pangalan mo at ihulog mo doon sa box."

"Bakit? Anong meron?"

"Hindi mo ba nabasa ang nakapaskil sa bulletin board?"

Umiling ako. Hindi pa kasi nagagawi roon. "May pakontes ba? Palabutan? Raffle draw?"

"Basta! Isulat mo na ang pangalan mo bago pa dumating si Dr. Mendoza."

Si Mark ang may pakana nito? Hindi na ako nagulat sa nalaman.

Gusto ko pa sanang magtanong ngunit masyadong excited ang mga taong nakapaligid sa akin. Kanya-kanya silang panalangin na sana ang pangalan nila ang mabunot. Pero feeling ko ay isa itong pakontes. Ang mapalad na mabubunot ay makakatanggap ng premyo. Pati tuloy ako nahawa na sa excitement nila. Nagmamadali kong isinulat ang pangalan at bago ko iyon inihulog sa kahon ay tahimik akong nanalangin. Sana ako ang mabunot. Anuman ang premyong nakalaan, premyo pa rin iyon. Sana cash na lang. Pero mas okay kung bakasyon sa Boracay o kaya sa Palawan.

Ilang sandali ay pumasok ng silid si Mark. Mas lalong nagkagulo ang mga kasamahan ko. Doon ko lamang napansin na lahat pala kami ay mga babae. Ahh.. for the girls only ang pa-raffle na iyon.

"Everyone..." Nang mag-umpisang magsalita si Mark ay awtomatikong tumahimik ang lahat. "I know that this is kinda weird. Pero ito lang ang naisip kong paraan para maging fair sa inyong lahat. Ang sinuman na mabubunot ko ang siyang magiging private nurse ng isa kong pasyente."

Biglang gumuho ang excitement ko. Kung kanina ay hanggang ulo ang energy ko, ngayon ay bumagsak sa talampakan ko. Bakit ba kasi hindi muna ako nagtanong bago sumali sa kalokohan na ito?

"Mare, kinakabahan ako," narinig kong bulong sa akin ni Mildred.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang kagustuhan nila na maging private nurse. Dahil kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin kong manatili sa ospital dahil mas maraming nangangailangan ng tulong namin doon.

"Puwede pa ba akong mag-back out?" Naisip kong itanong sa kaibigan. Mabilis siyang lumingon sa akin.

"Sira ka ba? Bakit ka naman magba-back out?"

"Hindi mo naman kasi sinabi sa akin palabunutan ito ng mga desperada."

"Sino ba naman ang hindi magiging desperada kung saksakan naman ng guwapo ang magiging pasyente mo?"

Namilog ang mga mata ko sa narinig. "Saksakan ng guwapo? Hindi nga?"

Inirapan ako si Mildred. "Do you think magkakagulo kaming lahat kung hindi?"

"Sigurado ka ba talaga na guwapo?" Gusto kong makasiguro.

"Oo nga sabi. At hindi lang siya basta guwapo, mala-adonis pa ang katawan. Parang naiimagin ko na habang pinapaliguan siya," kinikilig na sabi pa niya.

Muling bumalik ang energy at excitement ko. Lagpas pa hanggang ulo. Kung guwapo at mala-adonis ang katawan ang pasyenteng aalagaan, para na rin akong nanalo ng grand prize.

Binalot ng katahimikan ang buong paligid. Lahat sila ay nakapokus sa harapan. Nag-uumpisa na pala si Mark sa pagbunot.

Napa-ohh silang lahat ng itaas ng binata ang nabunot na papel. Naki-ohh na rin ako. Halos hindi kami humihinga habang hinihintay na i-announce niya ang masuwerteng pangalan.

"And the lucky one is..." Sinadya pang i-suspense ni Mark ang sasabihin. Shemay! Lalo lang niya kaming pina-e-excite.


Vince's POV

Kanina pa kami naka-pokus ni Tyron sa may pintuan. Hinihintay na magbukas iyon. Nakasalalay kasi roon hindi lang ang kaligayahan ko kundi pa rin aking future lovelife. Heavens! Para na rin akong nasa langit kung isang maganda at sexy na nilalang ang mag-aalaga sa akin. Ngayon pa lang ay gusto ko nang pasalamatan si Mark dahil sa pagsa-suggest niya na magkaroon ako ng private nurse.

Sabay kaming napasinghap ni Tyron nang biglang pumihit ang doorknob. Ilang sandali ay isang magandang dalaga ang iniluwa ng mahiwagang pinto na iyon.

"Ang suwerte mo, bro!" Sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa papalapit na nurse.

"Good evening. Itse-check ko lang po ang vital sign ng pasyente," she said while wearing a smile. I smiled back. Okay lang sa akin kahit habang buhay pa niya akong alagaan.

"Miss, ikaw ba ang magiging private nurse ng kaibigan ko?" Excited na tanong ni Tyron. Inunanahan na naman niya ako.

But to my dismay, umiling ang magandang dilag. "Sana nga po ako na lang. Pero ibang pangalan ang napili ni Dr. Mendoza."

Na naman!

Ito na ang panlimang nurse na pumasok ng silid ko. At lahat sila ay magaganda na at sexy pa. Pero kahit isa sa kanila ay walang napili si Mark para maging private nurse ko. Ano ba ang qualification ang hinahanap ng mokong na iyon? Bigla tuloy akong kinabahan. Paano kung kabaliktaran ng inaasahan ko ang pinili niya?

"Vince, I have a bad feeling on this. Don't expect too much. Parang hindi mo kilala si Mark."

May punto roon si Tyron. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Mark ay kilalang-kilala ko na siya... Lalo na pagdating sa kalokohan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na niya akong nabiktima.

Gayunpaman ay nagpatuloy pa rin kami ni Tyron sa pag-aabang sa muling pagbukas ng pinto.

"Inaantok na ako, Vinci Boy!" Sabay hikab ni Tyron. Kaninang umaga ko pa siya kasama. Na-konsiyensya siguro ang loko kaya nag-volunteer na bantayan ako.

"Umuwi ka na. Kaya ko na ang sarili ko."

"Gustuhin ko man, hindi rin naman ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita kung sino ang babaeng nurse na mag-aalaga sayo, iyon ay kung babae nga siya. Paano kung lalaki pala ang pinili ni Mark? And worst, binabae pala."

"Hindi naman siguro." Pero kinilabutan ako sa sinabi niya.

Napatuwid ang likod ko nang muling pumihit ang doorknob. Ilang sandali pa ay isang nurse na naman ang iniluwa ng pintuan.

"I think she's the one." Lumingon sa akin si Tyron at ngumisi. "May balat ka talaga sa puwet!"

Awtomatikong napangiwi ako. Why?

Bukod sa malapad nitong katawan ay may edad na ang babae. Sa palagay ko ay hindi nagkakalayo ang edad nila ni Mama.Katulad ng sinabi ng mga naunang nurse, itse-check nya lang daw ang VS ko. Every five minutes kailangang i-check?

"Miss..." Tawag ni Tyron. Hindi nawawala ang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. "Ikaw ba ang magiging private nurse niya?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay ang isasagot ng babae.

"Sayang nga po pero hindi ako ang nabunot ni Dr. Mendoza," malungkot na sabi niya.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag.

"Nabunot?" Nagtatakang tumingin sa akin Tyron nang makalabas ng silid ang nurse. "Ano iyon palabunutan? Raffle draw?"

Nagkibit-balikat ako. Malay ko ba kung anong kalokohan ang naisip ni Mark sa pagpili ng mag-aalaga sa akin.

Mahabang sandali ang lumipas. Nakatulog na nga sa tabi ko si Tyron. Ang loko, gusto pa akong tabihan sa kama. Sa laki niyang iyon siguradong hindi kami magkakasya. Ayaw naman akong dalawin ng antok kaya nanood na lang ako ng TV. At kung kailan naman hinihinila na ako ng antok ay saka naman biglang nagbukas ang pinto.

Awtomatikong namilog ang aking mga mata nang makita si Valjean na pumasok ng silid.

"You're here!" Hindi ko maitago ang aking excitement. Hindi ko inakala na dito pa sa ospital muling magkukrus ang aming mga landas.

Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Valjean at nakasimangot na dumiretso sa bedside table.

"Where have you been? Ang sabi ni Mark ay nakabakasyon ka raw."

Hindi siya sumagot pero nakaangat ang kilay na lumingon sa akin. Na para bang sinasabi niya na close ba tayo?

"Actually, gusto talaga kitang makita. I-I mean gusto ko kitang makausap. After our meeting in the airport, may mga bagay akong gustong itanong sa'yo."

"Katulad ng?" Napalitan ng pagkatataka ang reaksyon ni Valjean.

"Kung ikaw ba-"

"Hindi ako ang Valjean na first love mo at matagal mo ng hinahanap. Hindi ako siya."

Paano niya nahulaan?

"May itatanong ka pa?"

"Ikaw ba ang magiging private nurse ni Vince?" Sabat ni Tyron na gising na pala ng mga oras na iyon.

Isang tipid na ngiti lamang ang isinukli ni Valjean sa kaibigan. Pero katulad ng mga naunang nurse na dumaan sa kuwarto ko ay tsinek niya rin aking vital sign. Ibig sabihin ay hindi siya ang napili ni Mark.

"Siya kaya? What do you think?" Halos pabulong na tanong sa akin ni Tyron habang sinusundan namin ng tingin ang bawat kilos ng dalaga. Pagkatapos ay lumapit si Valjean sa bedside table at mayroong kinuha sa tray na ngayon ko lang napansin. Nanlaki ang mga mata ko at halos lumundag sa aking kinaroonan nang humarap siya sa akin. "P-para saan ang mga iyan?"

"This one is a pain reliever. Siguradong kikirot ang injury mo mamaya and the other one is your second anti-rabbies vaccine. Nakagat ka ng aso, remember? I can also give you a shot of depressant kung gusto mo nang magpahinga."

Anumang oras ay para akong mawawalan ng ulirat. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang takot ko sa injection na hawak niya. Hindi lang basta isa kundi tatlo pa. Ano ba ang kasalanan ko at bakit pinaparusahan ako ng ganito?

"Pakihawakan po ang pasyente." Utos ni Valjean kay Tyron.

"Subukan mo lang. Ikaw ang tatamaan sa akin!" Banta ko sa kaibigan nang tangka niya akong hahawakan.

"Vinci Boy, parang kagat lang iyan ng langgam. Iyon nga lang napakalaking langgam."

"Kung sa iyo ko kaya iturok iyan?" Angil ko.

"Vince, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Kung gusto mo pumikit ka na lang para hindi mo makita ang injection."

Mabilis na lumipad ang mga mata ko kay Valjean. "Kapag ba pumikit ako ay hindi ko mararamdaman ang sakit?"

"Anong gusto mo padapain kita ulit at turukan ng injection sa puwet? Tyron, hawakan mo siya," muli niyang utos na sinunod naman ng kaibigan. Hindi man lang niya ako kinampihan.

Sa kagustuhan ko na makaiwas ay nagpupumiglas ako at aksidente na naigalaw ko ang may pinsala na binti. "Aahh!" Namilipit ako sa sakit. Pagkatapos ay tatlong sunud-sunod na parang kurot sa balikat ang naramdaman ko.

"We're done!"

Huh? Tapos na? O nagbago ang isip niya?

Nang lumingon ako kay Tyron ay parang timang lang na tawa ng tawa. Habang si Valjean naman ay nagliligpit na ng mga gamit.

"Kung may kailangan ka paki-pindot na lang ng panic alarm button," she said coldly at humakbang palabas. Malapit na siya sa pintuan ng pumihit siya paharap sa amin. "By the way, I'm Valjean Regala and I will be your private nurse from now on."

Continue Reading

You'll Also Like

25M 514K 77
April Evans: Your average teenage girl, living a regular, boring life. Lame and socially awkward with a witty and sarcastic sense of humor that she p...
111K 7.1K 26
[The Fiction Awards 2020 Winner in Diverse Fiction!] Jesse is paralyzed from his waist down, but he makes sure he gets what he wants, for he has alre...
860K 20.5K 43
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
255K 5.6K 78
A woman in Formula 1 was something that everyone believed they didn't want. "Take part in the W series" is what always echoed, as though they wished...