We're Married (Published)

Od heyairaaa

19.7M 173K 21.3K

WATTPAD PRESENTS: NOV 2-6, 2015 ❤ PUBLISHED UNDER LIB/PASTRYBUG BOOK 1 - P99.75 BOOK 2 - 109.75 "Kasal nga ka... Více

We're Married
1. King
2. Dinner
3. Wedding
4. Elle
5. Married
6. Side
7. Day
8. Night
9. Plan
10. Him
11. Flashback
12. Date [1]
13. Date [2]
14. Trip [1]
15. Trip [2]
16. Feelings
17. Sorry
18. Awkward
19. Talk
20. Dreams
21. Chance
22. Solved
23. Party
24. Paradise
25. Decision
26. Goodbye
27. Boss
28. Past
29. Luis
30. Luke
31. Truth
32. Kiss
33. Crazier
34. Pain
35. Game
36. Secrets [1]
37. Secrets [2]
38. Listen
39. Confrontation
40. Grief
Note [1]
41. Orphanage
42. Tomb
43. Sign
44. Heart
45. Misery
46. Consequences
48. Rose
49. Note
50. Friendship
51. Love
Note [2]
Epilogue
Special Chapter [1]
Note [3]
Note [4]
Note [5]
▪ Wattpad Presents ▪

47. Start

243K 2.9K 431
Od heyairaaa

This story is published under LIB. Sana bumili kayo, sobrang maa-appreaciate ko yun. :)

May story din si Luke, 'The Boss' yung title. Si Duke, 'The Chase and You'. Thank you.

Kung gusto nyo ako makausap:

Twitter: @heyairaaa
Facebook Group: Heyairaaa Stories

Salamat sa pagbabasa ng WM.

xoxo

heyairaaa

*

“We always look for the best in life. When we finally see it, we take it for granted and expecting a better one, not knowing it was the best and last.”

 

-Elle’s POV-

 

“..and I’ve got all that I need.. hmm.”

Inirapan ko ang lalaking nasa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako napapayag sa set up na to at bigla nalang na nandito ako sa tabi ng lalaking walang humpay sa pagsabay ng kanta na tinutugtog sa radyo.

Hindi ko alam kung bakit ako nito napilit na sumama sa kanya basta nagising nalang ako sa katotohanan na katabi ko sya ngayon at relax na relax lang sa pagda-drive. Ewan ko ba, siguro hindi talaga mawawala sa akin na hindi matiis si King. Kahit ano talagang pilit ko, hindi talaga mawawala tong nararamdaman ko sa kanya.

Huminto na sya sa pagkanta at ang radyo nalang ang tanging ingay sa paligid pati ang mga sasakyan. Tumingin nalang ako sa may bintana para mawala na tong kaba na nararamdaman ko.

“You’re so beautiful.”

Agad akong napaharap sa kanya na seryoso pa din na nakatingin sa daan. Totoo ba yung narinig ko o baka hallucination ko lang yun? Sinabi nya ba talaga yun? Mukhang hindi naman dahil parang wala naman syang sinabi kaya humarap nalang ulit ako sa bintana. Parang pamilyar yung daan pero hindi ko naman matandaan kung saan papunta to. Ayoko naman na magtanong kasi baka sa iba na naman mapunta ang usapan na to.

“Ganyan ka ba talaga kapag sinabihan ka na maganda ka? Wala man lang kiss o thank you? Tss.” inis nyang sabi kaya nabalik ang tingin ko sa kanya.

So, totoo pala ang narinig ko? Nakakunot ang noo nya habang patuloy pa din sa pagda-drive pero ano nga ba ang nagpangiti sa akin? Yun ay yung nakita ko syang nag-blush! Wow, achievement na ba to? I made King Lancer dela Vega blush.

-King’s POV-

 

So gay. Hindi ko alam kung tama tong ginagawa ko. Humanda talaga sa akin yung tatlong itlog na yun kapag pumalpak to. Ano nga ba kasing nangyari at nauwi ako sa ka-kornihan na to?

flashback

 

“Kuya Luke, Dada King needs your help.” pambungad ni Duke kina Luke na bagong dating. Wala akong choice kundi magpatulong. Wala akong kaalam-alam sa mga kakornihan na bagay at mukhang mas magaling tong si Luke dahil mukha syang corny.

 

“Anong tinawag mo sa kanya, Duke Emmanuel? Dada? Pfft! Hahaha!” pang-aasar ni Luke at tumawa pa, sinabayan pa sya ng tawa nung anak nya na kamukha nyang may sungay. Tiningnan ko sila ng masama, kung hindi ko lang talaga kailangan ng tulong nito baka sinipa ko na sila palabas dito.

 

“Dada! Yucky!” dagdag ni Luis. Manang-mana sa tatay nyang pangit.

 

“Hindi ko kayo pinapunta dito para tumawa. Pumasok na nga kayo at wag nyong i-display sa labas ang kapangitan nyong mag-ama.” inis kong sabi at hinila si Duke papasok.

 

“Anak, pagpasensyahan mo na si Tito King, minsan lang kasi makakita ng mas gwapo sa kanya kaya ayan pikon.” narinig kong bulong ni Luke kaya tiningnan ko ulit sila ng masama at buti nalang talaga at natigil na kaya pumasok na sila.

 

Maya-maya nagtanong na ako sa kanila ng pwedeng gawin para makuha ko ulit sa akin si Hailey. Oo sa kanila dahil nakisali ang dalawang feeling matanda.

 

“Tito Ugly, Mommy Elle likes balloons!” sabi nitong maliit na Luke. E kung tirisin ko kaya to ng magtigil sa pagtawag sa akin ng panget?

 

“No! Mamu likes flowers!” singit naman nitong si Duke.

 

“Ganito nalang kasi, kung hindi makuha sa pagmamakaawa, kidnapin mo nalang.” binigyan ko ng medyo malakas na suntok si braso si Luke. Nakisama pa sya sa kalokohan ng mga batang to.

 

“Seryoso ako dito, Vera Cruz.” seryoso kong sabi sa kanya at mukhang naintidihan naman nya yun. Alam kong kilala nya ako at kung seryoso ako, seryoso talaga ako at makakatikim sa akin ang sumira nito.

 

“Gusto mo ba talagang makuha si Elle sayo?”

 

“Mukha ba? Hindi naman siguro kita papupuntahin dito kung hindi di ba?” sarkastiko kong sabi dahil masyado sya maraming paligoy-ligoy. Ayaw nya pa kong diretsuhin.

 

“Init ng ulot, oh sige, ganito, makinig ka ah..”

 

-end-

 

Iginilid ko ang sasakyan nung makarating kami. Puno ng kaba ang dibdib ko, hindi ko na nga alam ang ginagawa ko kanina at kung ano-ano pa ang nasasabi ko dahil sa pesteng kaba na to.

Bahala na, sana maging okay na ang lahat.

-Elle’s POV-

 

“Dyan ka lang.”

Yun agad ang sinabi nya pagkahinto ng sasakyan. Ano bang balak nito? Hindi pa din maalis ang kaba sa akin hangga’t hindi ko nalalaman kung ano ang mangyayari.

Nagulat ako ng bigla nya akong pagbuksan ng pinto at inilahad nya pa ang kamay nya. Nakatitig lang ako doon dahil parang hindi matanggap ng utak ko na si King talaga ang gumagawa nun. Gentleman na King? Parang hindi yata pwede yun.

Nang maramdaman nya na wala akong balak na tanggapin ang kamay nya at bumaba ng sasakyan, sya na mismo ang kumuha ng kamay ko at marahas na hinila ako palabas. Sabi ko na nga, wala talaga sa pagkatao nya ang salitang ‘gentleman’.

Inilibot ko ang paningin ko habang sya ay patuloy lang sa paghila sa akin. Ang ganda ng lugar, nasa isa kaming mahabang daan tapos puro puno ang paligid at kulay madilaw pa ang mga dahon nung puno kaya nakadagdag ito sa ganda. Mataas yung lugar at mukhang nasa bundok kami papaakyat.

Huminto sya at hinarap ako. Binawi ko na din sa kanya yung kamay ko dahil baka maramdaman nya na nate-tensyon ako sa presensya nya.

“Talikod.” utos nya at ako parang tuod lang dun dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko pang tumalikod.

“Talikod.” ulit nya at sya na mismo ang nagtalikod sa akin. Magpo-protesta pa sana ako kaso tinakpan na nya nalang bigla ang mga mata ko ng isang panyo. Ano ba to?

“Anong pakulo to, King? Siguraduhin mo lang na hindi mo ako ihuhulog dyan sa bangin kundi mumultuhin talaga kita.”

Hindi ko na alam kung ano ang pinagsasasabi ko sa kanya dahil mas lalong dumagdag sa kaba ko yung panyo na to na nakatakip sa mata ko. Bakit pakiramdam ko may mali?

“King--”

“Shut up, kung ayaw mo talagang ihulog kita.” bulong nya sa akin at ramdam ko ang init ng hininga nya sa tenga ko. Kinilabutan ako dun kaya muntikan na akong madapa dahil sa mabato ang nilalakaran namin. Take note, kilabot ng inis hindi kilig ah.

Huminto kami at naramdaman ko ang pagtanggal ng panyo sa mga mata ko. Nanatili akong nakapikit dahil ayokong makita ang kung anong meron sa harap ko. Gusto kong sumabog sa kaba anumang oras.

“Open your eyes, Hailey.” bulong nya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya sa gilid ng labi ko kaya agad akong napadilat.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nung makita ko kung anong meron sa harap ko. Maraming dilaw na puno, iilang bahay at isang  helicopter na may nakalagay na:

“Hailey, you are my life.  Marry me or kill me?”

 

Napatingala naman ako ng biglang umulan ng petals, meron pang isang helicopter na naglalaglag nun. Gusto kong maiyak, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.

Napatingin ako sa baba ko at nakita ko syang nakaluhod sa harap ko.

“Ninakaw mo na ang puso ko kaya kailangan mo yung panagutan. Papakasalan mo ko ulit o itatakas mo ang puso ko at hahayaan akong mamatay?”

Tinitigan ko sya at hindi ko alam kung gaano katagal yun. Nakita ko nalang syang tumayo at tinitigan ako.

“Pipirmahan ko ang annulment papers..” sa wakas at nasabi ko na din ang gusto kong sabihin.

Kita ko ang sakit sa mga mata nya at nakarinig ako ng mahinang pagbagsak sa mga batuhan... singsing.

Dinampot ko iyon at inabot sa kanya pero nakatitig pa din sya sa akin. Ngumiti ako.

“Pipirmahan ko yun at papakasalan ka ulit. Let’s start again, King. Let’s start something new.”

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

719K 575 1
Because of one night mistake, she unexpectedly got pregnant. As soon as her grandfather discovered the disgrace she had committed, she was deported t...
706K 21.8K 43
Mapa-ibig kaya ng isang Playboy ang isang Cold-hearted girl? Let's see. -- My_love_letter (MLL)
24.5M 251K 99
UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks.
2.9M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...