Big Boys Don't Cry (published...

By aLexisse_rOse

2.7M 51.4K 4.4K

Isang babae lang ang bukod tanging nakapagpaiyak kay Vince. But it was a long time ago. And he promised himse... More

Big Boys Don't Cry
Prologue:
Chapter One: It's Her!
Chapter Three: The Lucky One
Chapter Four: Deceived
Chapter Five: Replaced
Chapter Six: She's Back
Chapter Seven: Reminds Me Of Her
Chapter Eight: First Love
Chapter Nine: The Past (Part One)
Chapter Ten: The Past (Part Two)
Chapter Eleven: The Past (Part Three)
Chapter Twelve: Innocent Curiousity
Chapter Thirteen: Bad Temper
Chapter Fourteen: Sleepyheads
Chapter Fifteen: Throw Back
Chapter Sixteen: Let Her Go
Chapter Seventeen: First Move
Chapter Eighteen: Last Day
Chapter Nineteen: She Cares
Chapter Twenty: Wake Up Call
Chapter Twenty One: First Date
Chapter Twenty Two: Unusual Date
Chapter Twenty Three: Consequence
Chapter Twenty Four: Beats For Her
Chapter Twenty Five: Maling Akala
Chapter Twenty Six: Wonderful Night
Chapter Twenty Seven: The Decision
Chapter Twenty Eight: Strange Feeling
Chapter Twenty Nine: Then and Now
Chapter Thirty: Impulsive Decision
Chapter Thirty One: Unsure Of Himself
Chapter Thirty Two: The Finale
EPILOGUE

Chapter Two: Fell For You

110K 1.8K 203
By aLexisse_rOse

Chapter Two: Falling


Valjean's POV

"Why are you here?"

Napakislot ako sa pagsulpot ni Dr. Mendoza sa aking likuran. Hindi ko inaasahan ang maaga niyang pagdating.

"Good morning," walang siglang bati ko at muling pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit sa ibabaw ng kanyang table.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Bakit nandito ka pa? I thought you were in a vacation."

"Hindi ako natuloy."

"Something came up? May pumigil ba sayo?"

Nang lumingon ako ay nakita ko ang pilyong ngiti niya sa mga labi.

"Naiwanan ako ng eroplano," halos pabulong na sagot ko. Sa tuwing maaalala ko ang katangahan kong iyon ay nalulungkot ako. Subalit kaysa magmukmok akong mag-isa sa tinutuluyan kong apartment ay naisip ko na lang pumasok sa trabaho. Nagbabaka-sakaling maka-get over ako sa katangahan ko.

"Poor Valjean, kung alam ko lang na maiiwanan ka ng eroplano, hindi ko na sana pinirmahan ang vacation leave mo." Katulad ng inasahan ko ay pinatawanan ako ni Mark. "Better luck next year."

"Next year?" Nanlaki ang mga mata ko.

Tumango siya. "Dahil hindi mo na-consume ang vacation leave mo ngayon, next year mo na ulit magagamit iyon."

"Pero Mark..."

"Val, may usapan tayo. By next month, magiging abala na tayo sa ating medical mission at nangako ka sa akin na sasamahan mo ako."

Hindi na ako nagprotesta. Isa iyon sa mga kondisyon niya kung bakit pinayagan niya akong magbakasyon.

"Ipa-rebook mo na lang flight mo. Sayang naman kung hindi ka makakauwi."

"Iyon nga ang ginawa ko kahapon at kaninang umaga. Tumawag ako at nagbakasakali na may available seat pero wala pa rin."

Ilang sandali akong tinitigan ni Mark. "I can ask a friend for a little favor. Vince's family owns an airline. Matutulungan ka niya. Iyon ay kung... Okay lang sayo?"

Bahagya akong natigilan. I don't think it's a good idea. Ngunit bago pa ako makasagot ay dinukot na niya ang cellphone sa bulsa. "Hello Vince, I need your help." Pagkaraan ay biglang kumunot ang noo ni Mark. "Busy in what?... You've already found her?" Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Sigurado ka ba na siya iyon? Paano? Bumalik na ba ang alala mo?"

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga narinig.

"No, she is not here." Hindi inaalis ni Mark ang tingin sa akin. "She's in a vacation for one month... No, hindi ko alam kung saang probinsya siya umuwi... Stop asking questions. Kung wala ka naman katibayan na siya nga ang matagal mo nang hinahanap, ngayon pa lang ay itigil mo na ang kalokohang ito. " Agad niyang ini-off ang cellphone bago ako muling hinarap. "For the meantime, ililipat muna kita sa nurse station sa kabilang building hanggang hindi ka nakakakuha ng flight pauwi sa inyo."

"Huh? P-Pero bakit?"

"Basta!" Ang tanging sagot ni Mark bago nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina at naiwan akong naguguluhan.

"Akala ko ba naka-vacation leave siya?"

"Naiwanan daw ng eroplano." At sabay-sabay silang nagtawanan. Dedma lang ako at tuluy-tuloy na naglakad. Sanay na ako sa mga co-nurses ko na walang pinagkakaabalahan kundi ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. Actually, mababait naman sila. Iyon nga lang hindi na nila maiwasan ang nakasanayan. Mabuti na lang at wala akong kaibigan sa kanilang grupo.

"Sa lahat ng mga nakasimangot, ikaw ang pinakamaganda."

Awtomatikong napangiti ako at mabilis na lumingon. "Nambola ka na naman."

"Who? Me? Kailan ba kita binola?"

Napapailing na nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang totoo ay sanay na ako sa mga tirada ni Louie. Kung hindi nga lang siya committed ay iisipin ko na may gusto siya sa akin. Kung sabagay lahat naman ng mga staff sa ospital ay binibiro niya. Tuloy, iyong iba nami-misinterpret siya. Pareho sila ng pinsan niya na si Mark. Masyado silang mabait lalo na pagdating sa mga babae. Pero mas mabait pa rin si Louie. Minsan kasi ay may pagkamoody si Mark at lately madalas na siyang nagsusungit.

Hanggang sa makarating ako sa nurse station ay nakasunod pa rin siya sa akin. "Louie, kung wala kang ginagawa huwag kang mang-istorbo ng iba." Tinatawag ko lang siya sa first name niya kapag kaming dalawa lang ang magkaharap. Isa rin siyang doktor sa ospital na iyon.

Ngumisi siya. "Wala nga akong ginagawa kaya naghahanap ako ng karamay. Do you know why I chose to be a psychiatrist instead of a physician like Mark?"

"Dahil less hassle sa part mo at walang gaanong pasyente," mabilis kong sagot. "At iyon din ang dahilan kung bakit madalas na wala kanng ginagawa."

"You're a genius. That's why I really like you."

I rolled my eyes. Nambola na naman siya.

"Valjean!" Humahangos na dumating si Mildred at nilapitan ako. Sa lahat ng mga co-nurses ko ay siya ang pina-close sa akin. "Alam mo ba kung ka-" Napigil niya ang sasabihin nang mapansin si Louie at biglang nagningning ang kanyang mga mata. "H-hello, Dr. Mendoza!"

Gumanti ng bati ang binata at hindi nagdamot ng ngiti. Kinikilig na kumapit sa braso ko ang kaibigan. "Shet, mare! Ang guwapo niya talaga."

Nangingiti na sinulyapan ko si Louie. Nakangiti rin siya. Nakarating yata sa pandinig niya ang ibinulong ni Mildred.

"Oo nga pala, may nagpapatanong kung kailan daw babalik dito iyong Mamang guwapo na tinurukan mo ng injection sa puwet."

Umangat ang kilay ko. "Sinong nagpapatanong, ikaw?"

"Hindi no! Inutusan lang ako ng mga taga-ER."

Nagdududa na tinitigan ko ang kaibigan.

"Excuse, hindi ko siya type. Alam mo naman kung sino ang gusto ko," aniya at pasimpleng sinulyapan si Louie. "So, kailan ang balik dito ni Mamang guwapo?"

"Siya iyong takot sa injection, hindi ba?" Sabat ni Louie. "I know that guy. He is one of Mark's friend. Vinci Boy yata ang pangalan niya."

"It's Vince, not Vinci Boy," pagtatama ko.

"Iyon ang narinig kong tawag sa kanya ng mga kaibigan niya," pagdadahilan ng binata. "Do you think, babagay sa akin ang tawag na Louie Boy."

Napahagikgik si Mildred. "Ang sagwa, Dok. Parang katunog ng Mama's boy."

"You think so?"

Mabilis na tumango ang kaibigan. Alam ko na ito ang pagkakataon na hinihintay niya... Ang magka-moment kasama ang kanyang ultimate crush. Naisip kong iwanan muna silang dalawa. Eeskapo na muna ako dahil mayroon pa akong daraanan na pasyente.

Bago matapos ang duty ko para sa araw na iyon ay naisipan kong sumaglit sa opisina ni Mark. Naalala kong bigla na ngayon mismo ang pagbalik ni Vince para sa kanyang second injection ng anti-rabies. Siguradong kakailanganin ni Dr. Mendoza ang tulong ko para i-assist ang pasaway niyang kaibigan.

"Valjean, akala ko ba umuwi ka na?" Tila gulat na gulat na tanong ni Mark nang bumungad ako sa pintuan.

"Pauwi na sana ako pero naalala ko na ngayon pala ang second injection ni Vince."

"You may go. I can handle it myself."

"Are you sure?"

Sa halip na sumagot ay marahan akong itinulak ni Mark palabas ng opisina. "Umuwi ka na at mag-beauty rest. Marami pa tayong trabaho na gagawin bukas."

"Anong koneksyon n'yon?" Nakaangat ang kilay na tanong ko.

"Basta!" Aniya na pilit na hinaharang ang kanyang katawan sa tapat ng pintuan na para bang mayroon siyang itinatago sa loob.

"Teka, alam mo ba kung saan nakalagay iyon mga gamot na kakailanganin mo?"

"Valjean!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Mark. "Ang sabi ko umuwi ka na. Go home! Tsu!" Kung makapagtaboy siya ay para lamang siyang nagpapaalis ng bata. Hindi na ako nagpumilit at saka umalis palayo. I smell something fishy. Hindi aakto ng ganoon ang binata kung wala siyang itinatago. Ano na naman kayang kalokohan ang naglalaro sa isipan niya?


Vince's POV

"Are you sure?" Kunot-noo na tanong ko sa kabilang linya.

"Yes, Sir. I already checked it twice. Ms. Valjean Regala is in the passenger's list but suddenly she didn't show up on the time of arrival. She didn't cancel her flight either."

Nanlulumo na napasandal ako sa swivel chair. Iyon din ang pagkakaalam ko. Hindi nakaabot si Valjean sa kanyang flight. Nag-offer pa nga ako sa kanya ng tulong pero tinalikuran niya lang ako.

"Sir, are you still there?"

"Yes. Thanks for everything." Mabigat ang loob na ibinaba ko ang telepono. Magmula kahapon ay wala na akong nagawang matinong trabaho. I was busy looking for her. Ginamit ko ang lahat ng koneksyon ko para makakuha ng kahit na anong impormasyon tungkol sa kanya. Subalit nakakapagtaka na hindi magkakatugma ang mga iyon.

Muli kong pinanood ang kopya ng cctv footage sa aking desktop. Sa unang video ay makikitang nakikipag-usap si Valjean sa isang immigration officer. Marahil ay nagbabaka sakali na makakuha ulit ng flight. Sa pangalawang video naman ay nakaupo lang siya sa waiting bench habang gumamit ng cellphone at sa huling video ay nakunan siyang naglalakad palabas ng airport bitbit ang kanyang maleta.

Kung wala si Valjean sa ospital at hindi naman siya nakauwi ng Cebu, nasaan siya ngayon? I need to find her. Hindi ako matatahamik hangga't hindi ko siya nakakausap ng personal. May mga bagay akong gustong alamin mula mismo sa kanya. Siya lamang ang makakapagbigay-linaw sa mga katanungan na gumugulo sa aking isipan.

Lihim akong napaungol nang makita ang reminder sa aking cellphone. Ngayon nga pala naka-schedule ang second anti-rabbies shot ko. Pero kung inaakala ni Mark na babalik ako ng ospital para lamang magpaturok sa kanya ng kinatatakutan kong injection, puwes mamumuti ang mga mata niya sa kahihintay dahil hinding-hindi na ako magpapakita sa kanya. Sa halip ay tinawagan ko si Tyron.

"Busy ka ba?" Bungad ko sa kabilang linya.

"Katatapos lang ng practice game ko. Bakit?"

"Good. Magkita tayo sa tambayan. Papunta na ako," sabi ko at mabilis na pinindot ang end call at iniligpit ang mga gamit sa mesa. Ilang sandali pa ay naglalakad na ako palabas ng opisina.

"Katangahan ang tawag dyan, bro!" Inaabot ni Tyron ang bote ng alak at saka nagsalin sa kanyang baso. "Nasa harapan mo na, pinakawalan mo pa."

Hindi ako kumibo. Aminado naman ako sa katangahan ko. Sana pala ay hinabol ko agad si Valjean bago pa siya tuluyang maglaho sa paningin ko.

"Mabuti na lang at naiwanan niya ito." Kinuha ng kaibigan sa kamay ko ang hawak na hairpin. "Ito ang naging susi kung bakit nakilala mo siya. Pero sigurado ka ba talaga na ito ang hairpin na ibinigay mo sa kanya noon?"

Tumango ako. "Hindi ako puwedeng magkamali. It's the same hairpin na nag-flashback sa isipan ko."

"Huwag kang mag-alala, Vinci Boy. Muli rin magtatagpo ang mga landas ninyo ng first love mo. Sana lang kapag dumating ang pagkakataon na iyon, utang na loob! Huwag mo nang pairalin ang katangahan mo."

Tangka na magsasalin ulit ng alak si Tyron nang pigilan ko.

"Pre, nakakarami ka na. Sa pagkakaalam ko ay ako ang may problema at hindi ikaw."

"Bakit ikaw lang ba ang may karapatan na magkaproblema?" Inagaw niya sa akin ang bote. Doon ko lamang napansin na tila mayroong kakaiba sa kaibigan. Tumunog ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Riley at nagulat ako sa nabasa.

"Nandito na pala sina Jared at Trisha sa Manila. And guess what? Nagpakasal daw ang dalawa sa munisipyo." Hindi ko malaman kung matutuwa ako o matatawa sa naging desisyon ng magnobyo. Sigurado ako na si Jared ang may pakana nyon.

"Iyon nga ang pinagsisintir ko. Mabuti pa sila masaya ang lovelife. Ikaw malapit-lapit na rin. Pero ako, lagi na lang loveless." Inisang lagok niya ang laman ng baso. Nagulat ako sa pag-e-emote ni Tyron. Hindi ako sanay na makita siya sa ganitong sitwasyon.

"Paano ka naman magkaka-lovelife kung hindi ka naman nagseseryoso?"

"Look who's talking." Binigyan niya ako ng matalim na sulyap. "Nagagaya lang ako sayo dahil ikaw ang parati kong kasama."

Naisip ko, sa tagal ng pagkakaibigan namin ay parang hindi pa yata nai-involved si Tyron sa isang seryosong relasyon. Wala akong natatandaan na nagkuwento siya tungkol sa babae na gustung-gusto niya. Maliban na lang kung... Saka ko lang napansin ang hairpin sa kanyang buhok. Parang gusto ko tuloy maniwala sa naiisip ko.

"Bagay ba?" Umakto si Tyron na parang bakla.

"Akina nga iyan!" Basta ko na lang kinuha ang hairpin sa ulo niya.

"You're bad!" Nag-pout pa ang loko. Pero sa tingin ko ay tinamaan na siya ng espiritu ng alak. Mas marami pa siyang nainom kaysa sa akin.

"Umuwi na tayo." Tumayo ako at hinila siya. "Ihahatid na kita sa inyo."

Ngumisi si Tyron. "Ang sweet naman ng boyfriend ko." Kumapit siya sa braso ko at inihilig ang ulo sa aking balikat.

"Umaayos ka nga! Kapag ako hindi nakapagpigil baka maupakan kita!" Hindi niya ako pinansin. Lalo lamang siyang dumikit sa akin. Hanggang sa makalabas kami ng bar ay nakakapit pa rin ang kaibigan sa braso ko. Para siyang pusa na naglalambing.

"Tyron!" Saway ko sa kanya. "Hindi ka ba talaga titigil? Ihuhulog kita sa hukay!" Ang tinutukoy ko ay ang may kalaliman na hukay sa gilid ng kalsada. Basta na lamang iyon iniwanan ng mga nag-aayos ng tubig nang wala man lang safety caution.

Mukhang effective naman ang banta ko dahil agad akong binitiwan ni Tyron at pasuray-suray na naglakad. Nakasunod lang ako sa likuran niya. Ang totoo ay medyo nakaramdam na rin ako ng pagkahilo. Subalit hindi ko inaasahan nang bigla na lang may sumulpot na pusang itim sa daraanan ko. Sa gulat ko ay napaatras ako at dumausdos ang isa kong paa sa malalim na hukay at tuluyan nahulog.

"Vince?" Lumingon sa likuran si Tyron at luminga sa paligid. "Nasaan na iyon?"

Continue Reading

You'll Also Like

97.3K 2.2K 166
Machine Translation (MTL), not mine 我家反派画风不对[快穿] 作者:盛夏的小扇 Access to all the world's transformation villain / scum / scum, but always to wear each oth...
54.9K 2.7K 29
One second she was smiling at the cold white bliss, the next she were enveloped in ice and a vision that faded to black. What was once a thrilling sn...
38.2K 447 17
It's rare if u see smut. There's no brady hepner one shots on here I'm not very comfortable making them for the actor, sorry!! also in nsfw chapters...
35.8K 934 26
15 year old, Camillia Monroe, finds that her life is completely shit and it is true. She thinks that she will never get adopted and that's what every...