Miss Number 1 in My Heart (ED...

By GandangSora

4.1M 65.4K 3K

SELF-PUBLISHED BOOK Copyright © 2012 by GandangSora All rights reserved. This book or any portion thereof may... More

Miss Number 1 in My Heart
CHAPTER 1: Miles, The Miss Number 1 [EDITED]
CHAPTER 2: Nathan, The Most Popular Heartthrob [EDITED]
CHAPTER 3: Nathan's and Miles' Best Friends [EDITED]
CHAPTER 4: When Miss Number 1 and Popular Heartthrob Meets [EDITED]
CHAPTER 5: Second Encounter [EDITED]
CHAPTER 6: Max and Juice, Finally Meets [EDITED]
CHAPTER 7: Stay Away From Him [EDITED]
CHAPTER 8: The Savior [EDITED]
CHAPTER 9: Meeting The Family [EDITED]
CHAPTER 10: Overnight and Rumors [EDITED]
CHAPTER 11: The New Student [EDITED]
CHAPTER 12: Basketball Game [EDITED]
CHAPTER 13: Sick [EDITED]
CHAPTER 14: Unknown Feelings [EDITED]
CHAPTER 15: Texting [EDITED]
CHAPTER 16: Max and Juice, LQ? [EDITED]
CHAPTER 17: A Favor, Not a Date [EDITED]
CHAPTER 18: First Date (Part 1) [EDITED]
CHAPTER 19: First Date (Part 2) [EDITED]
CHAPTER 20: Sam and Deus, It's Our Turn [EDITED]
CHAPTER 21: Courting Miss Number 1 [EDITED]
CHAPTER 22: New Transferee Student [EDITED]
CHAPTER 23: The Past [EDITED]
CHAPTER 24: The Quarrel [EDITED]
CHAPTER 25: Bad Mood [EDITED]
CHAPTER 26: The Closure [EDITED]
CHAPTER 27: Hurt [EDITED]
CHAPTER 28: The Realization [EDITED]
CHAPTER 29: Official [EDITED]
CHAPTER 30: Cloud Montenegro [EDITED]
CHAPTER 31: Sweet in Her Own Way [EDITED]
CHAPTER 32: Cloud and Dawn: Perfect Combination [EDITED]
CHAPTER 33: Waking Up [EDITED]
CHAPTER 34: Second Date (Part 1) [EDITED]
CHAPTER 35: Second Date (Part 2) [EDITED]
CHAPTER 36: Continuation... [EDITED]
CHAPTER 37: Lover's Quarrel [EDITED]
CHAPTER 38: Bukol [EDITED]
CHAPTER 39: Third Monthsary Preparation [EDITED]
CHAPTER 40: Third Monthsary Celebration [EDITED]
CHAPTER 41: New Year [EDITED]
CHAPTER 42: Fourth Monthsary [EDITED]
CHAPTER 43: I Love You, Goodbye [EDITED]
CHAPTER 44: End [EDITED]
CHAPTER 45: The Gift [EDITED]
CHAPTER 46: Double Celebration [EDITED]
CHAPTER 47: Separate Ways [EDITED]
CHAPTER 49: Parting Time [EDITED]
CHAPTER 50: Graduation [EDITED]
EPILOGUE
Cloud and Dawn Side Story (Part 1)
Cloud and Dawn Side Story (Part 2)
Cloud and Dawn Side Story (Part 3)
Cloud and Dawn Side Story (Part 4)
Cloud and Dawn Side Story (Part 5)
Cloud and Dawn Side Story (Part 6)
Cloud and Dawn Side Story (Part 7)
Cloud and Dawn Side Story (Part 8)
Cloud and Dawn Side Story (Part 9)
Cloud and Dawn Side Story (Finale)
MN1IMH BOOK 2

CHAPTER 48: Farewell [EDITED]

43.6K 728 33
By GandangSora


NATHAN


I smiled bitterly when I find myself standing near at the front of Mine's house. Mine na naman? Tsk, sarkastikong sambit ko sa sarili ko.


Isang linggo na rin ang nakakalipas nang maghiwalay kami. At sa loob ng mga araw na 'yon, namamalayan ko na lang na narito ako sa tapat ng bahay nila at nakatanaw sa kwarto niya.


Oo. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. At may nararamdaman din akong galit sa kanya. Sino bang hindi? Niloko ka ng taong mahal mo, pinaniwala at pinaasa ka sa isang kasinungalingan. At ang pinakamasakit doon, ibinigay mo na ang lahat-lahat ng pagmamahal na meron ka, pero hindi pala iyon sapat para mahalin ka niya.


"I don't love you."

"Sinungaling."

"I didn't love you."


"Sabihin mo. Siya pa rin ba? Yung gagong iyon pa rin ba ang mahal mo?"

"O-oo. Siya nga. S-siya lang talaga."


"Sinubukan mo ba akong mahalin?"

"I tried."


Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit nang paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko 'yang mga masasakit na salitang binitiwan niya nang gabing iyon. Halos walang pumapasok sa isip ko dahil ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinabi niyang iyon. Yung ine-expect kong saya at tuwa na maramdaman, napalitan ng galit at sakit. At sa mismong araw pa ng birthday ko.


Nang magkasalubong kami kanina sa hallway, halos pigilan ko ang mga kamay ko na hilahin siya at yakapin nang mahigpit. Halos pigilan ko ang sarili kong sabihin na 'Mine, ako na lang. Ako na lang ang mahalin mo. Ako na lang ulit.'. Basha at Popoy lang ang drama ko kung sakali. Tsk.


Gabi-gabi na rin akong umuuwi ng lasing sa condo ko. Kung minsan, yung mga gago kong kaibigan ang kasama ko sa inuman. Ayokong umuwi sa mansion. Ayokong makita nina Mama kung gaano ako kamiserable ngayon. Ayokong malaman nila na hiwalay na kami ni Mine dahil hanggang ngayon, may parte pa rin ng puso ko ang umaasang magkakabalikan kami.


Sinasabi sakin ng mga gagong 'yon na kinakausap daw nila si Mine. They even told her na nababaliw na raw ako, nagsasalitang mag-isa, umiiyak bago tatawa, muntik nang hindi makahinga dahil sa labis na pag-iyak at kung anu-ano pang exaggerated na kalokohan ang pinagsasabi nila. At ang palaging sinasabi nilang sagot ni Mine, 'I don't have anything to do with him anymore'. Minsan ko na ring sinabi ang mga salitang iyon, at sa kanya ko naman ngayon narinig iyon.


Kahit sobra akong nasasaktan, patuloy ko pa rin siyang minamahal. Imposible nga yata yung sinabi ko kanina na makaka-get over din ako sa kanya. Kahit sa kanya na mismo nanggaling na hindi niya ko mahal, may bahagi pa rin ng utak at puso ko ang hindi naniniwala roon. At hindi siya ang klase ng babaeng makikipaglokohan lang.


"Ibinibigay at iniiwan ko sayo 'yan para malaman mo na sayo lang ako at wala nang makakaagaw pang iba. Kapag nabasag 'yan at ibinigay mo sa iba, para mo na ring dinurog ang puso ko at ipinamigay kaya kung ayaw mo kong mawala, hawakan at pakaingatan mong mabuti 'yan. It symbolizes my love for you."


Mahigpit kong hinawakan ang keychain na ibinigay niya. Sabi mo, ito ang puso mo na iniiwan mo sakin. Sabi mo pa, ito ang simbolo ng pagmamahal mo sakin. Hinawakan at iningatan ko naman eh. Ni hindi ko nga ipinahawak sa iba sa takot na maagaw ka sakin. Pero bakit gano'n? Bakit nawala ka pa rin sakin? Bakit bumalik ka pa rin sa gagong yun? Tama ba ang sinabi ni Deus noon? Na ganito lang din kaliit ang pagmamahal mo sakin? At bakit mo pa iniwan sakin 'to kung hindi naman pala sakin tumitibok ang puso mo? puno ng hinanakit na pahayag ko sa sarili ko.


My heart skipped a beat when she went outside and threw their garbage. And at the same time, kumikirot din sa sakit. At bigla kong naalala ang mga sinabi nina Juice at Deus kanina.


"Anong plano mo, Captain? Maglulungga ka na lang dito sa condo mo at magpapakalasing gabi-gabi? Maganda 'yan. Hindi mo nga siya mababawi ulit kung patuloy mong gagawin iyan. Por que sinabi niya lang na break na kayo, pababayaan mo na lang siya? Nasaan na yung kilala naming Captain na sobra ang pagmamahal kay Miles? Yung kahit nasasaktan na ay hindi pa rin sumusuko para sa babaeng mahal niya?" sabi ni Juice.


"Akala ko iba ka, Captain. Pero, mukhang katulad ka rin ng ibang lalaki diyan na madaling sumuko sa babaeng mahal niya. Ganyan ba karupok ang pagmamahal mo para kay Miles? Oo, nasaktan ka niya. Sinabi lang niya na hindi ka niya minahal at mahal pa rin niya si Cloud, naniwala ka na agad. Hindi ka man lang ba nagduda nang sabihin niya iyon? At kung totoo nga iyon, ni hindi mo man lang ba nahalata na nagpapanggap lang siya noong mga panahong magkasintahan kayo?" turan naman ni Deus.


Sinuntok muna nila ako bago sabihin ang mga iyan. Pasalamat sila at brokenhearted ako kaya hindi ko sila pinatulan. Besides, ang tunay na gwapo ay hindi pumapatol sa gago. Tsk.


Pero kung iisipin ko nga ang mga pinagsamahan namin ni Mine sa loob ng apat na buwan, parang ang hirap paniwalaan na hindi totoo ang lahat ng saya at pagmamahal niya. Parang ang hirap isipin na pagpapanggap lang ang lahat ng ngiti at tuwang nakita ko sa labi at mga mata niya.


O ang 'hindi niya ko minahal' at ang gagong iyon pa rin ang mahal niya ang kasinungalingan sa mga sinabi niya? I asked myself, confused.


Muling pumasok sa loob ng bahay si Mine. Kinuha ko ang isang bote ng alak sa tabi ko at diretsong ininom iyon bago bumaba ng sasakyan. Bitbit ang isang tape recorder, nagtungo ako sa tapat ng bahay nila.


"Mine! My Miss Number One! My one and only mine!" sigaw ko. Humawak ako sa gate nila nang makaramdam ng hilo. Mahina ang tolerance ko sa alcohol. Hanggang tatlong bote lang ang kaya kong inumin at pangalawang bote na ang nainom ko kanina.


"Mine! Lumabas ka diyan! Mag-usap tayo!" I shouted again. "Mine, I lied! Sinabi kong tinatanggap ko ang break up natin, pero ang totoo, hindi iyon tinatanggap ng buong pagkatao ko! Sinabi kong makaka-get over din ako sayo, pero sarili ko lang din ang niloloko ko! At isipin ko pa lang na kakalimutan na kita, buong puso at isip ko na ang tumututol doon!" Wala na kong pakialam pa kung makaistorbo ako ng kapit-bahay nila. Basta sasabihin ko ang gusto kong sabihin ngayon.


Nanlabo ang mga mata ko at naramdaman ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Damn! Umiiyak na naman ako. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa gate. "Sabi nila kung mahal mo ang isang tao, kahit ilang beses ka niyang saktan, handa mo pa ring tanggapin at patawarin! At handa akong gawin iyon! Mine, I will give you another chance! Hindi ka pa man humihingi ng tawad, pinapatawad na kita! Kung magbabago man ang isip mo at gusto mong bumalik sakin, tatanggapin ulit kita ng buong puso! Tanga na kung tanga, pero gano'n kita kamahal! At wala naman sigurong nagmahal na hindi naging tanga, di ba?!"


Tumingala ako sa kinaroroonan ng silid ni Mine. May naaninag akong anino na nakasilip sa bintana bago umalis at pinatay ang ilaw. Napayuko na lang ako at mapait na ngumiti. Ganyan ka ba katigas? Balewala na ba talaga ako sayo?


"Mine, I hate you. I hate you for always breaking my heart. But, I hate myself more for always loving you despite the heartaches you're giving me," mahinang sambit ko habang patuloy na dumadaloy ang luha sa pisngi ko.


After a few minutes, I heard the door opens. I lifted my head, hoping it was Mine. Pero, agad ding naglaho ang pag-asang iyon nang ang kapatid niya ang mabungaran ko.


"Miller, nandiyan ang ate mo, di ba? Sabihin mo naman na lumabas siya kahit saglit lang. Gusto ko lang siyang makausap."


"Umuwi ka na, Kuya Nathan. Kahit tumayo ka diyan at magsisigaw magdamag sa tapat ng bahay namin, hindi siya lalabas."


"Pilitin mo naman oh. Kailangan ko talaga siyang makausap."


"I told her to talk to you, but she didn't say anything. And you're drunk. Mas lalo lang kayong hindi magkakaintindihan. You should go home, Kuya Nathan."


I tightened my grip to the gate. Gusto kong buksan iyon at pasukin na lang si Mine sa kwarto niya kung iyon lang ang tanging paraan para makausap ko siya. Then, naalala ko yung tape recorder ko. Muli kong binalingan si Miller. "Pakibigay na lang nito sa ate mo. Tell her to listen to this. I'll wait for her answer."


Kinuha naman nito ang iniaabot ko. "Okay. I'll tell her."


Bahagya akong tumango bago nagpaalam na sa kanya at tumalikod. "Ingat ka sa pag-uwi, Kuya Nathan." Narinig ko pang sabi ni Miller na hindi ko na nagawang lingunin pa. I just waved my hand.


For the last time, sinulyapan ko ang silid ni Mine bago sumakay sa kotse.


Pumikit ako at sumandal. Napahawak din ako sa sentido ko nang maramdaman ang hilo at pananakit niyon. Pero hindi lang ang ulo ko ang sumasakit, pati na rin ang puso ko, mapait na bulong ko sa sarili ko.


Nang maramdaman kong medyo gumaan na ang pakiramdam ko, nagmulat na ko at pinaandar ang kotse. Ilang minuto na akong nasa biyahe, pero ang buong atensyon ko ay nakatuon pa rin kay Mine. Siya ang lumilitaw sa isip ko.


At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat nang may biglang sumulpot sa harapan ng sasakyan ko. Agad akong nagpreno at kinabig ang manibela para umiwas. Naramdaman ko na lang na nagpaikot-ikot ako bago sumalpok nang malakas sa isang matigas na bagay.


Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay biglang namanhid ang buong katawan ko. Idagdag pa ang matinding sakit na nararamdaman ng ulo ko.


Sinubukan kong imulat ang mga mata ko. Isang imahe ng babae ang nakita kong nakatalikod at naglalakad palayo sakin.


"Mine....." huling sambit ko bago tuluyang magdilim ang lahat sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 311 39
❝I'm now your FANGIRL in love.❞ [COMPLETED]
9.4M 190K 73
(COMPLETED) Published under RISINGSTAR Printing Enterprise (149.oo only) Available in all leading bookstores Nationwide- you can also order the book...
7.1M 89.7K 43
FIXED MARRIAGE. Uso pa ba yun? Eh paano kung yung campus hearthrob na super cold ang nakatakda mong pakasalan? Aatras ka ba o papayag ka? (Published...
120K 5.8K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...