The Man Behind the Clown Face...

By Mackenzee5

369 56 0

An accident happened. Wrong decisions caused many lives. A man seeking for some revenge. Could our heroes ide... More

***
Gift
Cellular Phone
Houses in a Row
Liberty Road
Missing Teenagers
Accident
Clown Face Mask
Decisions
Bloody Bed
The Very Beginning
Suspects
Black Notebook
Knife
Funeral
Phone Call
Crossbows
Lights Out
Secret Spills
Behind the Mask
Conscience
Face to Face
End of the Beginning
!!!!!!

Barbecue

13 2 0
By Mackenzee5

Ikadalawampu't siyam ng Agosto 2015, 12:04 p.m. Ipinark ni Charm ang kanyang kotse sa parking lot ng condominium na pag-aari ng ate niya na si Christy Cu. Pinatay niya ang makina ng kanyang kotse. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa nakakurus nyang dalawang kamay na nakapatong sa manibela. Ang sakit-sakit na ng kanyang ulo sa pag-aanalisa ng mga pangyayari. "Eto na ba ang karma ko?"- tanong niya sa sarili.

Napaangat ng ulo si Charm nang biglang tumunog ang cellphone nya sa kanyang bulsa. Kinuha nya ito at tiningnan. Napag-alaman nyang tumatawag sa kanya si Christy kaya agad nya itong sinagot. "Hello? Bakit ka tumawag?"- kunot-noong tanong niya.

"Hi Baby Boy!"- bati ni Christy sa kabilang linya.

"Just tell me what you want!!"- inis na sabi ni Charm.

"Umayos ka Charm! Ate mo ako, hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo!"- sabi ni Christy.

"Then umakto ka na parang ate ko talaga! Mas mature pa nga ang pag-iisip namin ni Carim kaysa sa iyo!"- sabi ni Charm.

"Hay!"- napabuntong-hininga si Christy. "Wala na talaga akong magagawa sa ugali mo!"- sabi niya.

"You're definitely right. Wala na talaga."- napangising sabi ni Charm.

"Tinawagan kita kasi nandito si...... Ano nga pangalan nun? Um... Basta new friend mo daw sya. Hinahanap ka."- sabi ni Christy na naging dahilan para muling mangunot ang noo ni Charm.

"Sino? Sabihin mo na ang pangalan."- sabi ni Charm.

"Basta pumunta ka na rito sa bahay para malaman mo na kung sino yung friend mo na pumunta dito. At para malaman mo na din kung ano yung sadya nya."- sabi ni Christy. "Dito ka na rin maglunch. Nagluto ako ng torta na paborito nating tatlong magkakapatid. Matagal na panahon na rin ang nakalipas mula nung huli tayong nakakain ng ganun. Puro sosyal na...."- sabi pa niya na hindi na natapos.

"THAT'S NOT MY FAVORITE FOOD YOU B*TCH!!"- sigaw ni Charm at pinutol na ang tawag ni Christy. Pulang-pula na ang kanyang mukha sa sobrang inis.

Pagputol ni Charm sa tawag ay nakatanggap siya ng isang message sa cellphone mula sa isang unknown texter.

** Nandito ako sa bahay niyo. Mukhang masarap yung torta ng Ate mo! Pero hindi yun ang pakay ko dito! Nandito ako para maghiganti! Gusto ko ring makita ang mga bituka ng dalawa mong kapatid na babae. Hehe. Louis Ayala to, pakisave na lang number ko sa phonebook mo. **

Pagkatapos basahin ni Charm ang kabuuang message ay agad siyang pinanlakihan ng mga mata. "Holy Sh*t!!"- nasambit nya. Tinawagan niya si Christy sa cellphone pero hindi nito sinasagot. "Answer the godd*mn phone."- bulong niya at binuhay niyang muli ang makina ng kotse at dali-dali niya itong pinaandar patungo sa kanilang bahay. Kinakabahan sya sa mga maaaring mangyari. Dahil sa natanggap na text message ay parang unti-unti na syang napapaniwala sa mga sinasabi nina Aliona at Devonne na ang pangalan ng lalaking nabundol nila ay Louis Ayala at balak nitong maghiganti sa kanila sa pamamagitan ng pagkitil sa kani-kanilang buhay. Unti-unti na rin syang napapaniwala na ang lalaki ang responsable sa pagkamatay ng mga Dela Rosa at ang isusunod nito ay ang kanyang mga kapatid.

Nang makarating na siya sa kanilang bahay ay agad niyang inihinto ang kotse sa tapat nito. Dali-dali syang lumabas sa kotse at tumakbo papasok sa bahay. "Ate?? Carim??!!"- tawag niya sa sala. Nang makita nyang walang tao sa sala ay dali-dali naman siyang tumakbo papasok sa kusina. "Ate??"

Nakahinga ng maluwag si Charm nang maabutan nya sa kusina ang kanyang Ate Christy na umiinom ng tubig. "Ate!! Nasaan na si Louis??"- tanong ni Charm na syang kinagulat ni Christy.

"What?? S-sinong Louis??"- takang tanong ni Christy.

"Yung sinasabi mong new friend ko na nandito sa loob ng bahay natin!"- sagot ni Charm.

"Nasa Cr. Bakit? Anong problema at parang hinihingal ka?"- tanong ni Christy.

Binalewala ni Charm ang tanong ni Christy. Naglakad siya palapit sa lalagyan ng mga kutsilyo at kumuha ng isa doon. "Where's Carim??"- tanong niya.

"Nasa kwarto niya."- sagot ni Christy. "Bakit? A-anong gagawin mo dyan sa kutsilyo?"- tanong nya na nagsisimula ng kabahan sa mga sinasabi at kinikilos ni Charm.

Naglakad si Charm palabas sa kusina at sinusundan naman siya ni Christy. "Kunin mo sya at lumabas na kayo dito sa bahay."- utos niya.

"Anong nangyayari Charm? Natatakot na ako."- tanong ni Christy.

Tumigil si Charm sa paglalakad sa may sala at hinarap niya si Christy. "JUST DO WHAT I'VE SAID!!"- sigaw nya dito. Muli siyang naglakad at tumigil lang syang muli nang nasa harapan na siya ng pintuan sa CR. Sinundan pa rin siya ni Christy hanggang doon.

"SABIHIN MO NA KASI KUNG ANO ANG NANGYAYARI CHARM!!"- sigaw ni Christy.

Pinihit ni Charm ang door knob ng pintuan ng Cr pero nakalock ito. "YOU MOTHERF*CKER!! YOU SON OF A B*TCH!! OPEN THE F*CKING DOOR!!"- galit na galit na sigaw ni Charm habang pilit na binubuksan ang pintuan. Paulit-ulit nyang inuuntog ang kanyang kanang braso sa pintuan sa kagustuhang mabuksan ito. "LUMABAS KA DIYAN!!!"- sigaw nya at biglang bumukas ang pintuan.

Lumabas ang taong nasa CR. Nagawa niyang isandal si Charm sa pader na kaharap ng CR.

Nabitawan ni Charm ang hawak niyang kutsilyo.

"AHH!!"- napatili si Christy sa sobrang gulat. Nakita nyang nakasuot ng itim at mahabang tela na may hood ang taong ilinuwa ng CR. Nakasuot ito ng maskara na mukha ng payaso at suot rin nito ang gloves sa magkabilang kamay. Nakita nyang may hawak itong kutsilyo at nakita rin nya kung paano nito ibaon iyon sa tiyan ni Charm. "CHARM!!!"

"ARCKKKK!!"- nasambit ni Charm. Nawala ang galit at tapang nya dahil nangibabaw sa kanyang katawan ang sakit ng pagkakasaksak sa kanya ng lalaki gamit ang kutsilyo nito.

Maraming beses na napahakbang ng paatras si Christy. "NO!!"- iyak niya.

Halos mapaupo si Charm sa sahig dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya pero pilit naman siyang pinapatayo at pinapasandal sa pader ng taong nakamaskara. "RUN!!"- sigaw niya kay Christy kahit hinang-hina na sya.

Lumingon ang taong nakamaskara kay Christy.

Biglang nangatal ang panga ni Christy. Tumakbo siya papunta sa taas upang puntahan ang kapatid niya sa kwarto nito.

Muling tumingin ang taong nakamaskara sa nanghihinang si Charm. Nakabaon pa rin sa tyan nito ang hawak niyang kutsilyo. Marami ng dugo ang lumabas mula sa tyan nito at ito'y tumulo o umagos pabagsak sa sahig. "Masakit ba ang masaksak sa tiyan, kagaya ng ginawa mo sa akin??"- tanong niya.

"I-Ik-kaw??"- balik-tanong ni Charm nang makilala nya ang boses ng taong nakamaskara.

"Oo. Ako nga. Ako ang papatay sa iyo, sa mga kapatid mo at sa mga natitira mo pang kaibigan."- sagot ng taong nakamaskara. Hinugot nya ang kutsilyo mula sa tiyan ni Charm at hinayaan na nyang bumagsak ito sa sahig.

Napangisi ang taong nakamaskara. Dali-dali syang tumakbo papunta sa taas.

"Don't ask! Just do what I'm going to tell you."- nanginginig pa ring sabi ni Christy pagpasok nya sa kwarto ng kapatid na si Carim Cu. Sinarado nya ang pintuan ng kwarto at linock ito.

"H-huh??"- takang tanong ni Carim.

"Turn off the f*cking t.v."- utos ni Christy.

Pinatay ni Carim ang t.v kagaya ng iniutos sa kanya ni Christy. "Ate, anong nangyayari??"- tanong nya.

"I said don't ask."- sabi ni Christy at tinanggal nya sa pagkakasaksak ang lampshade at kinuha nya iyon mula sa side table. "Pumasok ka sa ilalim ng kama mo!"- utos ulit niya.

Sinunod ni Carim ang sinabi ni Christy.

"Huwag kang gagawa ng kung anong ingay!"- sabi ni Christy. Pumwesto sya sa harap ng pinto at hinigpitan nya ang hawak sa lampshade na kinuha nya.

Tinikom ni Carim ang kanyang bibig.

"Try to contact Mom!"- sabi ni Christy.

Kinuha ni Carim ang cellphone niya sa kanyang bulsa. "Ano ang sasabihin ko? Hindi ko nga alam kung ano ang nangyayari!"- tanong niya mula sa ilalim ng kama.

Hindi na nasagot ni Christy ang tanong ni Carim dahil narinig nyang may pumipihit na ng door knob sa labas ng pintuan. "Sh*t"- nasambit nya ng pabulong. Inihanda nya ang lampshade na hawak nya bilang armas. Napasigaw sya sa sobrang gulat nang biglang kumalabog ang pintuan. "YOU SON OF A B*TCH, PAPARATING NA RITO ANG MGA PULIS!!"- sigaw nya.

Natatakot na si Carim sa ilalim ng kama. Tinawagan nya ang kanyang ina pero hindi nito sinasagot.

"UMALIS KA NA!!"- sigaw ni Christy at umiyak na sya sa sobrang kaba. Tumigil sa pagkalabog ang pintuan. Natahimik ang buong silid. "AHHHHHH!!"- napasigaw ulit sya sa sobrang gulat nang biglang lumagos sa pintuan ang talim ng isang sundang mula sa labas ng kwarto. "SH*****T!! NOOOO! PLEEAASE!!! STOOP!!!"- iyak nya nang paulit-ulit na bumaon at lumagos ang talim ng sundang sa pintuan hanggang sa mawasak na ito.

Naglakad papasok sa kwarto ang taong nakamaskara na sya ring wumasak sa pintuan.

Buong pwersang hinambalos ni Christy sa ulo ng taong nakamaskara ang lampshade. Bumagsak ito sa sahig. Pupukpukin pa sana niya ito sa ulo habang nakadapa ito sa sahig gamit ang lampshade pero nagawa sya nitong patamaan sa binti ng hawak nitong sundang. "AAWWWWW!!"- sigaw niya at bumagsak rin sya sa sahig ng padapa. "OUCH!!"- iyak nya at napasilip sya sa ilalim ng kama.

Tumayo ang taong nakamaskara sa harap ng nakadapang katawan ni Christy. Tinapon nya ang kanyang sundang sa ibabaw ng kama.

Tahimik na umiyak si Carim nang bumagsak sa sahig ang kanyang Ate Christy. Alam nya na kung ano ang mga nangyayari na naging dahilan ng mga kakaibang kilos ni Christy pagpasok nito sa kanyang kwarto.

Binuhat ng taong nakamaskara si Christy at inalalayan nya ito sa pagtayo. Marahas nyang yinukom ang mga buhok nito sa ulo at hinarap nya ang mukha nito sa isa sa mga pader ng kwarto.

"BITAWAN MO AKO!!"- sigaw ni Christy. Biglang inuntog ng taong nakamaskara ang kanyang mukha sa pader. Nanlabo ang kanyang paningin. Pakiramdam nya ay nawasak ang kanyang buong mukha.

Tatlong beses pang inulit ng taong nakamaskara ang ginawa nyang pag-untog ng mukha ni Christy sa pader. Binitawan nya ang buhok nito at muli itong bumagsak sa sahig.

Pagkabagsak ni Christy sa sahig ay nakita ni Carim ang mukha niya na punong-puno ng dugo.

"A...."- nasambit na lang ni Carim nang bigla syang pigilan ni Christy sa kanyang sasabihin.

"Shh.."- pagpigil ni Christy kay Carim upang ipaalala rito na kailangan nitong manahimik.

Kinuha ng taong nakamaskara ang kanyang sundang mula sa kama pero nabitawan nya itong muli nang biglang may sumuntok sa kanyang mukha. Bumagsak sya ulit sa sahig ng padapa.

Nakita ni Carim ang pagbagsak ng taong nakamaskara sa sahig habang nasa ilalim pa rin sya ng kama. Lumabas sya sa ilalim ng kama dahil nakita nyang nakita sya ng taong nakamaskara. "Kuya!!"- tawag niya kay Charm na sya ring sumuntok sa taong nakamaskara. Nakatayo ito pero hindi tuwid habang nakahawak ito sa madugo at nasaksak nitong tyan.

Dahan-dahang tumayo si Christy. Naramdaman nya ang hapdi sa kanyang binti. Nahihirapan syang igalaw ang kanyang mukha.

Tumakbo si Carim palapit kay Charm at bigla syang bumagsak sa sahig nang biglang hawakan ng nakadapang taong nakamaskara ang kanyang kanang paa. "Ahh."- nasambit nya. "AHHHHHH!!"- tili nya.

Dali-daling bumangon ang taong nakamaskara at sinuntok rin si Charm sa mukha. Bumagsak rin ito sa sahig. Pinatihaya nya ang nakadapang si Carim gamit ang kanyang kanang paa. Tinadyakan niya ng dalawang beses ang mukha nito at nawalan ito ng ulirat.

"TAMAA NA!!"- sigaw ni Christy na hinang-hina na.

Tumingin ang taong nakamaskara kay Christy. Kinuha nya ang kanyang sundang.

Paika-ika sanang tatakbo si Christy palabas ng kwarto pero madadaanan nya ang nakadapang katawan ni Charm na biglang tumihaya kaya natapilok sya dahil doon. "AHH!"- nasambit nya nang bumagsak sya ng padapa sa sahig. "AAAHHHH!!"- sigaw nya nang maramdaman nya ang paghawak ng taong nakamaskara sa kanyang paa at hinila sya nito paatras. "TULOOONG!!!"- sigaw nya.

Pinatihaya ng taong nakamaskara si Christy at linuhuran nya ang hita nito. Ilinapag nya sa sahig ang kanyang sundang.

"AAHHH! ARAY!!"- sigaw ulit ni Christy.

Pinagsusuntok ng taong nakamaskara ang mukha ni Charm hanggang sa mawalan ito ng malay. Binuhat nya ito at ipinatong ng padapa sa nakatihayang katawan ni Christy.

"AAHH!!"- sigaw ng sigaw si Christy. Pilit nyang inaalis ang katawan ni Charm sa ibabaw nya pero hindi nya kaya ang bigat nito.

Lumapit ang taong nakamaskara sa wala ring malay na si Carim at binuhat niya ito. Ipinatong niya ito ng padapa sa katawan ni Charm. Sinigurado niyang magkakapantay ang ulo ng magkakapatid habang magkapatong ang mga ito.

"SH*T! WAG! MAAWA KA SA AMIN!! DEMONYO KAAAAA!!!"- sigaw ni Christy nang mahulaan nya kung ano ang gustong gawin sa kanila ng taong nakamaskara. Pilit nya talagang inaalis ang mga katawan na nakadagan sa kanya pero mabigat talaga ang mga ito para sa kanya. "PLEAASE!!! WAG!!"- pagmamakaawa nya sa taong nakamaskara.

Pinulot ng taong nakamaskara ang kanyang sundang sa sahig. Tinaas nya ang kanyang dalawang kamay na may hawak na sundang at tinuhog nya ang ulo ng mga magkakapatid gamit ito.

Continue Reading

You'll Also Like

21.2K 1.3K 16
SUBUKAN MO NGANG BASAHIN SA GABI ITONG STORYA NA ITO KUNG MATAPANG KA *evil laugh* NGUNIT ALAM KO NAMANG HINDI KA MATAPANG! ISA KANG DUWAG! DUWAG! ...
KOLEKSYON By UnnieisNoona

Mystery / Thriller

4.1K 78 12
Maganda, mayaman, matalino. Yan ang katangian ni Georgina Samonte, isang surgeon student. Pero lingid sa kaalaman ng lahat na hindi siya masaya sa...
15K 230 113
I don't care what people say about me. I love her. I still love her no matter what. And despite what she had been through, I will always love Jazzy. ...
2.7K 71 18
Ang isinilang na anak ng mga aswang ang inaasahan ng lahat sa muling pagkabuhay ng lahat ng mga lahing aswang.Paano kung sa isang iglap lang mawawala...