Boss! I'm Pregnant! (Edited V...

By Telulalah

2.7M 14.8K 499

Chrome and Paine Story More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11

Chapter 10

63.8K 1.1K 12
By Telulalah

Paine's Point of View

Not Edited

"Eat"

Nangangatal ang mga kamay na kinuha ko ang kutsara at tinidor. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa aking bawat galaw. Pinilit kong lunukin ang mga pagkaing nasa aking harapan, kahit na ba ilang na ilang na siya. Sa pagtitig ko pa lang sa mga pagkain nasa hapag ay tila nawawalan na siya nang gana. Tila rin babaliktad ang aking sikmura dahil doon. Ganito ba talaga kapag marami ang nainom na alak?

Hindi niya rin maipaliwanag ang sakit nang ulo na nararamdaman, para siyang lumulutang ngayon.

"A-Ano Sir hindi ka po ba kakain?" - tanong niya habang maingat na sumasandok. Kaonti lang ang kanyang kinuha, dahil hindi niya alam kung malulunok niya ang mga iyon.

"You just eat, don't mind me." - nais niyang mapapikit dahil sa mga sagot nito. May balak ata itong panuorin ang kanyang pagkain.

Sa huli ay pinilit na lang niyang hindi ito pansinin at kumain. Halos hindi na niya nagawang nguyain ang kinakain, dahil talagang wala pa sa wisyo ang kanyang bibig para kumain.

Ilang saglit lang ay napilit naman niyang tapusin ang pagkain na kinuha.

"Kumain ka pa." sabi ni boss, ngunit wala sa sariling napailing ako. Sa tingin ko kasi ay kapag pinilit ko pang kumain, at isusuka ko lamang ulit iyon.

"Busog na ko boss"

"No eat more"

"No boss"

"No----"

"Baka masuka na ko boss kapag kumain pa ko." - napahilot na lang siya ng kanyang sintido, sa itsura ni boss ay makikipag diskusyon pa ata ito sa akin. Pero hindi na niya talaga kayang kumain pa, kaya iniiwas ko na lang ang mata ay tumingin sa pinaggan na nasa harapan.

Narinig niya itong tumikmim kaya naman napabaling siya rito. Pero hindi naman ito nagsalita.

"Boss?" - agaw pansin niya rito, muli hindi na naman ito nagsalita at tinitigan lang ako.

"Bakit po pala dito nyo ako dinala sa bahay nyo ata?" - hindi na niya napigilang tanungin. Curious kasi talaga ako.

"You passed out last night. Hindi din kita makausap ng ayos, don't have a choice but to bring you here." - blangko ang mukhang sabi nito.

"Yung mga kaibigan ko boss--"

"I don't see them." - putol kaagad na sabi nito.

"Ahh" - ayon na lang ang nasabi ko. Mukhang ayaw kasi ni Boss ng tinatanong siya.

"Mag ayos kana ng sarili mo, ihahatid na kita sa inyo." - iyon lang at niligpit na ang aking pinagkainan. Hindi naman ako nakapag salita at napakamot na lang sa ulo.

Nagtungo na lang ako sa kwartong kaninang ginamit at kinuha ang mga gamit na dala-dala. Mamaya-maya nga lang ay lulan na ako sa mamahaling kotse ni Boss among tunay. Tahimik lang kaming dalawa at walang may balak magsalita. Kung may magsasalita man sa amin ay tungkol yun sa daan pauwi sa aking bahay. Ilang minuto din ang naging byahe namin bago nakarating sa building ng aking condominium.

"Dito na lang ako boss sa tabi." - magalang kong sabi. Maingat namang ipinarada ni Boss ang sasakyan nito, at pasimpleng tinanaw ang building na nasa harap.

"Dito ka nakatira?" - tanong pa nito habang nakatanaw pa rin sa labas. Ngumuti naman ako at tumango.

"Yes boss." - ayon lang at sinukbit na sa balikat ang aking bag.

"Boss maraming salamat sa paghatid at kagabi din po. Pasensya na po sa abala." mabait ko talagang turan dito, ngunit tumango lang ito bilang sagot at hindi nagsalita. Kimi ko lang itong nginitian at binuksan na ang pinto ng kotse, ngunit bago pa man tuluyang makalabas ay nagsalita si Boss.

"Regarding our team building, schedule it next week. For 3 days." - sabi ni Boss. Nangunot naman ang aking noo, pero sa huli ay nagets din ang ibig sabihin nito.

Ngumiti ako at tumango. "Copy  Boss!"

--

"Hmm! Yummy"- rinig ko ang mahinang sabi ni France na nasa aking tabi. Tumango-tango naman ako bilang pag sang ayon rito habang hindi rin inaalis ang paningin sa mga taong tinititigan namin.

"Ang hot!"- kagat-kagat ang ibabang labing sabi ko habang ang mga mata ay hindi inaalis sa magandang tanawin. Naramdaman ko naman ang sabay-sabay na pagtango ng aking mga katabi. Iisa ang aming naiisip.

Nasan ba kami at ano ba ang ginagawa namin? Narito lang naman kaming apat nina France, Colleen at Karen sa likod ng mga nagtataasang damo sa resort na pinuntahan namin para sa aming team building. At sa mga oras na ito ay hinahayaan muna namin ang aming mga sarili na busugin ang aming mga mata sa magagandang tanawin.

Abs! Sexy butt!

"Nakaka gutom"- sabi naman ni Karen. Mulagat naman kaming napabaling dito.

"Bakla ka! Kunwari mahinhin tapos malandi ka din pala bruha ka!" - malditang sabi ni Frances kay Karen, na ikinapula naman ng mukha ng huli.

Napahagikhik naman kami dahil doon at muli nang pinagtuunan ng pansin ang mga lalaking nasa beach ngayon. Sa Batangas ginanap ang team building namin, at kung tama ang pagkakaalam ko, pag aari ito ng isa sa mga kaibigan ni Boss among tunay. Sa ngayon kasi ay wala pang program, kaya naman heto kami at nag sightseeing. Swerte talaga at nakasama kaming apat.

"Guys isa lang sa mga iyan. Pwede na kong kunin ni lord"- nag lalaway na sabi ni France. Tila wala naman sa sariling napatango sina Karen at Colleen, sumasang-ayon sa sinabi ni Frances.

"Mauna na kayo"- walang pakundangan na sabi ko. Nakatanggap naman ako nang batok mula sa mga ito.

"Aray naman!"- masamang tingin ang pinukol ng mga ito sa akin.

"Basag trip ka, eh no?"- mataray na sabi ni France. Inirapan ko naman ito at muling bumaling sa magandang tanawin.

Hindi ko naman masisisi ang mga ito, ang gaganda naman kasi ng katawan ng limang lalaking nagbibilad ngayon sa arawan. Pero dahil sa kalayuan namin ay hindi namin masyadong aninag ang kanilang mga itsura, katawan lang nila, ngunit tantya ko ay mga gwapo rin ang mga ito.

"Buti na lang nakasama na tayo sa team building na 'to. Salamat Lord!" - rinig kong sabi ni Frances.

Tumango-tango naman kaming tatlo. Pero nangunot ang aming noo, nang mapansin na naglalakad na ang anim palakad sa aming pwesto.

"W-Wait bakit sila palapit dito?" - may pagkataranta sa boses na tanong ni Karen.

"Nakita ba nila tayo?" - kunot naman ang noo ni Colleen.

"Paano naman nila tayo makikita dito, ang taas taas ng damo oh!" - sabat naman ni Frances.

Pero kahit saan tingnan ay dito talaga sa pwesto namin patungo ang mga lalaki.

Wait! Bakit nga sila dito patungo!

"W-Wait paano tayo aalis! Makikita nila tayo!" - nagsisimula na kaming mataranta. Sa oras na tumayo kami rito ay makikita nila kami, kahit padapa kaming umalis ay makikita pa rin nilang dito kami nagmula. At malamang aalamin nila kung bakit kami narito.

Ano naaaaa? Malalaman nilang naninilip kami!

"Chrome my man!"- narinig naming sabi ng isa sa limang lalaki nang makalapit na ito sa pwesto namin. Kami namang apat ay patuloy pa rin na nakayukyuk sa damuhan at pinapanalangin na huwag kaming mapansin ng mga ito.

Ngunit ganoon na lang kami kabahan nang marinig naming banggitin ng lalaki ang pangalan ng kanilang Boss.

"Ano bang ginagawa mo dyan sa damuhan, come on pare!" - sabi pa ng isa.

Watdahel?

Sabay-sabay silang apat na bumaling sa kanilang likuran at sabay-sabay din ata kaming tinakasan ng kaluluwa. Dahil nakatayo lang naman sa likuran namin si Boss Chrome at blangkong nakatingin sa amin.

"H-Hi Boss" - dala ng takot ay ayon ang lumabas sa aking bibig.

"What are you four doing here?"

Hindi namin alam kung ano ang sasabihin. Ramdam ko ang kapit ng tatlo sa akin, at nang balingan ko ang mga ito ay nandoon ang mga mata nilang nagsasabing "kaya mo yan gurl" look.

"A-Anoo----"

"Sino naman ang kausap mo dyan Pare?" - palapit ang boses na iyon, at hula ko ay papunta na iyon dito sa aming pwesto.

"Wow mga pusa!" - sabi ng isang lalaki habang tumatawa. Bumaling ako doon, at tama nga ang aking hinala. Ang limang lalaki ay nasa harapan na namin.

Pero tinawag nya kaming pusa! Humayghad!

"H-Hindi po namin kayo sinisilipan!" - si Karen

Eh?

Eh?

Eh?

"W-What?" - gulat na bigkas ng isa, at nagkatingin sa isa't-isa. At ganoon na lang ang pagkapula ng aking mukha nang sabay-sabay nag tawanan ang mga ito.

Sa sobrang kaba ni Karen ay wala na sa sariling nasabi ang mga katagang iyon. Tuloy ay takip-takip na nito ang mukha sa hiya. Natutuliro kasi ito kapag natataranta sa kaba.

"Tss." - si boss na tila di makapaniwala sa ginawa namin.

"Ano boss kasi--"

"M-Mahimatay ka C-Colleen.." - nauutal at mahinang sabi ni Frances na kaming apat lang ang nakarinig.

"B-Bakit..?"- nauutal din nitong tanong at hindi na din alam gagawin.

Ang gusto lang namin ay makaalis dito!

"B-Bilis.." - si Frances.

"H-Hah?.. O-Okay.."

At ganoon na lang ang gulat ko ng matumba nga ito sa lupang kinauupuan namin.

"H-Humayghad si Colleen nawalan ng malay!" - kunwariy nag hihisterkal na sigaw ni Frances. Ang gulat na gulat namang si Karen ay tila naintindihan agad ang plano at agad umalalay kay Colleen na nawalan daw ng malay.

Hindi ko pa sana maiintindihan ang lahat kung hindi pa ako mahinang sinipa ni Frances.

"Oh! Colleen! Oh my!" - agad-agad din akong umalalay.

"Anong nangyare?" - tanong ng isa sa mga lalaki. Tila nag aalala din ang mga ito sa biglang pagtumba ni Colleen.

"N-Nawalan ng malay?" - patanong kong sagot sa tanong ng lalaki at napatulala.

"Di ka sure?" - kunot noo naman nitong tanong. Gusto naman niyang tadyakan ang sarili, anong sagot yun Paine?

"N-Nawalan ng malay! Oo, mainit kasi k-kaya siya nahimatay! B-Bawal sa init ito e! Haha!"

"Let me help you----"

"No! Kami na! Haha kaya namin!" - agad na pigil ni Karen habang tulong tulong naming binuhat si Colleen na nagkukunwaring walang malay.

"A-Ang sakit ng buhat nyo, ayusin nyo tangina nyo!" - mahinang reklamo pa ng kunwaring walang malay na si Colleen.

"Tiisin mo!" - mahinang bulyaw naman ni Frances.

"Are you sure, mukhang nahihirapan kayo---" sabat pa muli ng isa.

"No! Haha kaya namin! T-Tara na, d-dalhin natin sa clinic" - sabi ko at dahan-dahan ng naglakad. Nang tanawin ko ang mga ito ay nawe-werduhan ang naka rehistro sa mukha ng mga ito. Pihadong mukha kaming tanga sa paningin ng mga ito.

Pero mas maganda na, basta makaalis lang sa harap ng mga ito.

--

"Karen."

"Karen"

"Karen"

"P-Pasensya na! Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Nataranta lang talaga ako!" - mangiyak-ngiyak na sabi ni Karen sa aming tatlo. Narito na kami ngayon sa assign room naming apat. At hindi niyo maiisip kung paano kaming nakarating dito habang buhat-buhat ang kunwaring walang malay na si Colleen.

Nahahapong nahiga naman siya sa kanyang kama.

"Kung hindi ko naisip ang palusot na yun, hindi ko alam kung kaya ko pang mag stay sa kahihiyan doon." - hinahapo ding sabi ni Frances.

"Tama ka. Nakakahiya!" - si Colleen na hinihimas-himas ang leeg.

"Natatawa na lang ako sa kagagahan natin." - natatawa kong sabi. Narinig ko naman ang tawa rin ng mga ito. Kung iisipin kasi, katawatawa nga naman ang ginawa naming apat. Biruin mong nagpanggap pa ang isa sa aming walang malay para matakasan lang ang kahihiyan na iyon.

"Ang sakit ng buhat nyo sakin!" - natatawang reklamo ni Colleen.

"Huwaw ha! Nahiya naman kaming bigat na bigat sayo!" - singhal ni Frances na muli naming ikinatawa.

Napapala kasi ng mga naninilip!

Pero napahawak siya sa kanyang ulo ng kumirot iyon. At biglang umikot ang kanyang paningin. Naipikit niya ang mata dahil sa sakit at mahinang napaungol.

"Ugh!"

"Hoy Paine?" - rinig niyang sabi pa ni Frances. Ngunit tila siya nabibingi dahil sa sakit ng kanyang ulo. Kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso ay ang pintig din sa kanyang ulo.

Ang sakit noon!

"Anong nangyayare sayo?" - pahina ng pahina ang kanyang naririnig at nang idilat niya ang mata ay puro itim lang ang kanyang nakita.

Anong nangyayare?

"Ugh!"

"Paine?"

"Paine?"

--

07-09-22

Jhonana

Continue Reading

You'll Also Like

995K 34.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1.2K 103 38
Perfect Series#1 Paano kapag ginamit kalang ng taong mahal na mahal mo? Mamahalin mo pa ba siya o tama na? Paano kapag ayaw niya pang bumitiw? Bibit...
2.8M 176K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
86.6K 1.7K 38
Paano kung may maligaw na NUMBER sa Cellphone mo?? hindi lang basta ISA kundi MARAMI papatulan mo ba?? sino sa kanila?? paano kung manligaw sa yo?? F...