Here comes Dondy

By Serialsleeper

934K 45.5K 25.3K

"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes D... More

Prologue
Chapter 1 : You're not alone
Chapter 2 : Payback
Chapter 3 : Fragments
Chapter 4 : Better start running
Chapter 5 : The old flame
Chapter 6 : Can you see him?
Chapter 8 : Doubt me not
Chapter 9 : Listen to me
Chapter 10 : Jigsaw
Chapter 11 : The Puppet Master
Chapter 12 : Liars and Lies
Chapter 13 : Wreck
Chapter 14 : Pausta
Chapter 15 : Close your eyes
Epilogue

Chapter 7 : I can see him

44.1K 2.3K 1K
By Serialsleeper


CHAPTER 7

I can see him

GRACIE



Sa takot ko, nagtatakbo agad ako papunta sa direksyon ng CR ngunit sa pagpasok ko ay agad sumambulat sa akin ang gulat na sina Nancy at Star.


"Oh bakit?" Tanong ni Nancy, takang-taka nang makita ang nanlilisik kong mga mata.


"Gracie? Okay ka lang?" Narinig ko namang tanong ni Richie na nasa likuran ko lang, sinundan niya pala ako.


Nilibot ko ang paningin sa buong CR at wala akong ibang nakita kung hindi sina Nancy at Star—Walang Dondy. Hindi ko na maintindihan anong nangyayari pero sigurado ako, nakita ko si Dondy kanina na sumunod kay Nancy at Star dito.


"Bawal ang lalake rito, RK Labas!" Sigaw ni Star at agad na tinulak si Richie palabas.


"Tanga! Lalake ka rin Bruno!" Sigaw naman ni Richie pabalik dahilan para mapatili si Star dahil sa labis na inis.


"Hayop ka!" Muli, marahas na pinagtutulak ni Star si Richie hanggang sa tuluyan itong makalabas. Hindi nakuntento si Star at ini-lock pa niya ang pinto.


"Gracie? Anong meron?" Tanong naman ni Nancy sa akin pero imbes na sagutin ang tanong niya, isa-isa kong binuksan ang bawat cubicle at wala akong ibang nakitang tao. Sa huli, tatlo lang kaming narito—Walang Dondy.


"Gracie, ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong muli ni Star kaya agad ko silang nilingon.


"Nakita ko siya! Sinundan niya kayo dito! Hindi niyo ba siya nakita?!" Sa takot ko, hindi ko nakontrol ang pananalita at bigat ng hininga ko. Nanlilisik ang mga mata ko at labis na naman ang panginginig ng mga kamay ko.


"Sino?!" Tanong naman ni Nancy na mas lalo pang naguluhan.


"Si Dondy!" Napapadyak ako sa sahig.


Sa puntong 'yon, nagkatinginan sina Star at Nancy. Kapwa nakakunot ang noo at litong-lito.


Muling lumingon sa akin si Star. Sa pagkakataong ito'y nakangiwi na siya, "Are you high?"


Isa-isa kong pinagmasdan ang mga reaksyon sa kanilang mukha. They're both confused, and the way they look at me... it's as if they think I've gone crazy—I can't blame them.


"U-uuwi na ako..." Bawi ko na lamang ngunit hindi ito naging sapat para mawala ang pagtataka sa mga mukha nila. Alam kong pauulanan lang nila ako ng tanong kaya imbes na mas magmukhang tanga sa harapan nila, kaswal na lamang akong naglakad paalis.


"Gracie, sandali!"


Narinig kong sigaw ni Richie pero hindi ako lumilingon, bagkus ay mas binilisan ko ang paglalakad palabas ng restaurant nila.


Itinaas ko ang kamay ko upang pumara ng taxi pero laking gulat ko nang bigla na lamang may humigit nito—Si Richie pala.


"Namumutla ka, okay ka lang?" Tanong ni Richie at nang akma niyang hahawiin ang buhok kong humarang na sa mukha ko dahil sa pagmamadali, agad akong humakbang paatras.


"I-I just want to go home," Sabi ko na lamang. Gusto kong itago ang matinding takot na nararamdaman ko ngunit hindi ko magawa, halatang-halata na ito sa boses at kilos ko.


"Ihahatid na kita." Aniya at bigla na lamang hinubad ang kulay kahel niyang jacket at pinasuot ito sa akin.


****


"Salamat." Tipid kong sambit kay Richie nang marating namin ang bahay ko. Alam kong tatanungin lang ako ni Richie tungkol sa nangyari kanina kaya upang maiwasan ito, dali-dali na akong bumaba mula sa motorsiklo at nagtungo sa gate.


"Shit, I don't have my keys!" Napabulalas ako nang makita ko ang padlock sa gate at maalalang sa sobrang pagmamadali ko ay cellphone at wallet lang ang nabitbit ko papunta rito sa Quilton Ridge.


Bigla kong napansin si Richie sa tabi ko at laking gulat ko nang makitang binuksan niya ang padlock gamit ang dalang susi. Nang tuluyang mabuksan ang gate, lumingon siya sa akin at ngumiti na para bang nagyayabang.


"Why do you have keys to my house?" Tanong ko ngunit imbes na sagutin ito, naglakad lamang si Richie patungo sa front door at binuksan ito gamit parin ang isa sa mga susing dala niya.


Naguguluhan man, sumunod ako sa kanya papasok ng bahay. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang makitang wala paring pinagbago sa ayos ang bahay, ito parin ang tahanang punong-puno ng masasaya naming alaala ng pamilya ko. It's good to feel that I'm finally home—the place where i'm most comfortable; my favorite place; my shelter.


"You're home now, go get some rest." Sabi ni Richie pero napabuntong-hininga lamang ako.


"It's not home without Dale or Mommy." Giit ko.


"Pareho kayo ng sinasabi ni Dale. Kambal nga naman." Pabirong sambit ni Richie kaya hindi ko napigilang mapalingon sa kanya. Nakunot ang noo ko dahil sa biglang sumagi sa isipan ko.


"Wala naman siguro kayong relasyon ni Dale diba?" Hindi ko mapigilang magtanong.


Bigla na lamang naningkit ang mga mata ni Richie at agad siyang napahawak sa dibdib niya, "Lagi mo nalang akong sinasaktan."


"Dude, I'm serious!" Giit ko.


"78% ka nalang sa'kin." Sabi niya at para bang may halong pagbabanta sa boses niya. Habang may matalim paring tingin sa'kin, nagsimula siyang umakyat sa hagdan.


"Excuse me, where are you going?" Sabi ko na lamang.


"Nakikitira ako dito!" Sagot niya habang padabog na humahakbang sa hagdanan.


"Di nga?!" Sigaw ko pabalik.


"75%!" Sigaw naman niya pabalik. Ano daw?


****


Napasulyap ako sa orasan at napabuntong-hininga na lamang ako nang makitang 1am na. Paiba-iba na ako ng pwesto sa kama pero hindi ko parin magawang makatulog dahil sa dami ng mga naglalaro sa isipan ko. Sa huli, napagdesisyunan ko na lamang na tumayo at lumabas ng kwarto.


Sa paglabas ko pa lamang ng kwarto ko, agad tumambad sa akin ang pintuan ng kwarto ni Dale. Sa tuwing natatakot ako o problemado, lagi akong tumatabi kay Dale sa pagtulog mula pa noong pagkabata.


Dale never failed to make me safe. When Dad died and Mom had to work overseas, all I had was Dale. He was only minutes older than me but he did everything to take care of me. In a way, it was as if Dale raised me.


Dahil hindi naman ito naka-lock, nagawa kong makapasok sa kwarto ni Dale at sa pag-paandar ko ng ilaw, gulat na gulat ako sa sumambulat sa akin.


Dale's room was a total mess. Andaming basura sa sahig at kama niya, nagkalat rin ang mga damit at gamit niya, at may mga bubog rin sa sahig. Nakakabahalang makita ito sa ganitong sitwasyon lalo pa't hindi naman ganito si Dale kung kumilos. Maraming kalokohan si Dale pero responsable siyang tao.


Nang muli kong maihakbang ang mga paa ko, bigla akong may naapakan. Yumuko ako at pinulot ito, laking gulat ko nang makitang isa pala itong picture frame na nabasag. Ang litrato sa loob ay ang graduation photo nila ni Trina.


Hindi ko mapigilang makaramdam ng matinding lungkot para sa kakambal ko. Marami siyang pinagdadaanan pero hindi ko man lang alam.


Inilapag ko ang picture frame sa bedside table ni Dale ngunit habang ginagawa ko ito ay may naaninag akong isang bote ng gamot sa loob ng maliit na tokador na bahagyang nakabukas. Dahil sa pagtataka, tuluyan kong binuksan ang tokador at kinuha ang bote ng gamot sa loob. Nagulat ako nang mapagtanto kung para saan ito.


"Hindi ka makatulog?"


Napalingon ako sa direksyon ng pinto at nakita ko si Richie na dala-dala pa ang isang tasa ng kape. Gulong-gulo ang buhok niya pero ni hindi niya pa nagagawang magbihis ng damit mula nang magkita kami kanina.


"Dale was taking sleeping pills?" Hindi ko maitago ang pag-aalala sa boses ko.


Lumapit si Richie sa akin at inilapag niya ang tasa ng kape sa kama ni Dale. Kinuha niya ang 

bote ng sleeping pills mula sa mga kamay ko at ibinalik ito sa tokador ni Dale.


"Tara, nood tayo ng UFC sa baba. Diba mahilig ka rin dun?" Anyaya ni Richie sakin at muling kinuha ang kape niya. Ngunit bago pa man siya tuluyang lumabas mula sa silid, nagsalita akong muli.


"Dale keeps secrets to protect me, alam ko yun at pilit ko siyang iniintindi kahit mahirap. Pero kailangan kong malaman anong nangyayari sa kapatid ko, kung anong nararamdaman niya o pinagdadaanan niya. I'm his twin. I need to know so tell me the truth." Pakiusap ko dahilan para mapabuntong-hininga siya. Ilang sandali pa ay muli siyang humarap sa akin.


"Isang taon ka ring nawala Gracie, napakaraming nangyari at nagbago. Hindi mo na ito dapat malaman pa, ito ang gusto ni Dale." Sagot naman ni Richie at sa pagkakataong ito ay parang hindi na si Richie ang kaharap ko. Sobrang seryoso na siya ngayon, malayong-malayo sa Richie na nakasanayan ko.


"But I deserve to know..." Giit kong muli pero umiling lamang si Richie.


"He's my twin brother Richie, mula pagkabata alam na alam ko ang lahat ng tungkol sa kanya. Walang kasiguraduhan ang buhay pero sa kanya lang ako naging sigurado. Pero dahil sa mga nangyayari ngayon, litong-lito na ako. Hindi ko na nga alam anong nangyayari sa utak ko tapos ngayon pati sa kakambal ko, hindi ko narin alam anong nangyayari. Richie, I need to know what happened to my brother." Muli kong pakiusap hanggang sa unti-unting napatingin sa akin si Richie.


Ilang sandali kaming nanatiling nakatitig sa isa't-isa hanggang sa tuluyan siyang tumango.


****


Inilapag ni Richie ang kape sa harapan ko at naupo sa tabi ko. Binalot ang buong bahay ng katahimikan na dulot ng hatinggabi. Nakasara ang halos lahat ng mga ilaw at ang tanging umaandar lamang ay ang dito sa kusina na siyang kinaroroonan namin.


"Hindi ko alam kung ano iyon pero may pino-problema si Dale." Pag-amin ni Richie habang nakatitig sa kape niya.


"Are you sure he didn't tell you anything?" Usisa ko at tumango namang muli si Richie.


"Gusto ng erpats ko na magsarili na ako ng bahay pero imbes na gumastos, mas naisip kong makitira nalang dito tutal may guest room naman kayo. Kapalit nun, sinuggest ko kay Papa na kunin si Dale bilang technical analyst doon sa shop. Noong una, nagtaka pa ako kung bakit gusto ni Dale ng isa pang trabaho kahit meron na siya doon sa city hall." Kwento ni Richie.


"Dale likes to keep himself busy lalo na kung may problema siya... Sa tingin mo, si Trina kaya yun?" Usisa ko pero umiling-iling lamang si Richie.


"Hindi ako sigurado pero parang hindi, eh patay na patay parin naman si Trina sa utol mo eh. Lagi ko silang naririnig at naaabutang nag-aaway pero nakikipagbati naman agad si Trina—" Hindi na natapos pa ni Richie ang sinasabi niya nang bigla na lamang tumunog ang cellphone niya. Nang masagot ito, agad na nagtungo si Richie sa sala.


Ewan ko ba pero may mali... may kulang sa sinasabi ni Richie... parang may inililihim parin siya sakin.


Makaraan ang ilang sandali, ang cellphone ko naman ang tumunog. Nang makitang si Nancy ang tumatawag, napasandal na lamang ako sa kinauupuan saka sinagot ito.


"Nancy ba't bigla—"


"G-gracie! Gracie natatakot ako!"


Agad akong kinilabutan ng marinig ang iyak ni Nancy mula sa kabilang linya. Bakas sa garagal at nanginginig niyang boses ang takot niya. Marami siyang sinasabi pero hindi ko ito lubos maintindihan dahil sa pagmamadali at hikbi niya.


"Nancy what's going on?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba, "Sweetie, huminga ka muna ng malalim okay? Hindi ko maintindihan ng maayos ang sinasabi mo.


"G-gracie totoo ba yung sinabi mo? Na nakita mo si Dondy kanina sa resto?" Umiiyak na sambit ni Nancy dahilan para mas lalo pa akong kilabutan.


"Where are you?" Agad akong napatayo.


"I'm a-at home, no one else's here, Gracie I'm scared! Ayaw akong paniwalaan nina Star!" Iyak muli ni Nancy kaya nasapo ko ang noo ko. Sa taranta ko, nalito ako kung ano ang susunod na gagawin. Sa dami ng naglalaro sa isipan ko, pakiramdam ko'y lalong bumibigat ang ulo ko.


"Last year we buried him but now I can see him outside my window! It's Dondy, I'm sure its Dondy! He's standing there, staring at me! I can hear voices warning me that Dondy is coming! Oh my God, he's moving! Dondy's coming towards my window!"


Parang bumagal ang tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi ni Nancy. Biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari kay Amy noong nakaraang taon nang makita kong may nanloob sa bahay niya.


"Gracie!"


Para akong tinakasan ng lakas nang marinig ang pagsigaw ni Nancy sa pangalan ko.Takot na takot siya kaya sa sobrang taranta ko ay napapikit ako at nasapo ang noo ko.


Nang muli kong idinilat ang mga mata ko, nagulat ako nang bigla na lamang nagbago ang paligid. Nasa isa akong kwarto, ngunit hindi ito sa akin.


Nakarinig kong muli ang kalansing ng mga bell, mistula itong nanggagaling sa likuran ko kaya agad akong napalingon. Mas lalo pa akong nagulat nang makita si Nancy, nakatayo siya sa tapat ng bintana umiiyak at parang hindi makagalaw habang nakatayo sa tapat ng bintana.


"Nancy!" Kasabay ng pagtili ko ang bigla na lamang pagsabog ng bintana dahilan para tumilapon si Nancy at mabatbat sa dingding.


Better lock your doors and pray,

Here comes Dondy.

He doesn't speak, he isn't weak

Here comes Dondy.

He wants to play and make them pay,

Here comes Dondy.



Biglang umalingawngaw ang boses ng mga batang nagsasalita kasabay ng bigla na lamang pagpatay-sindi ng mga ilaw.


Tinangka kong tumakbo patungo sa direksyon ni Nancy upang saklolohan siya pero hindi ako makagalaw. Para bang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan, hindi ko maiangat ang mga paa ko sa di malamang dahilan.


"Nancy! Nancy takbo!" Wala akong ibang magawa kundi sumigaw. Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa lumakas pa ng lumakas ang boses ng mga bata.


Habang patay-sindi ang mga ilaw, biglang may kumalabog kasunod nito ang biglang pagtunog ng mga bell. Nang maibaling ko ang paningin sa direksyon ng bintana, napatili ako nang makitang tuluyan nang nakapasok si Dondy sa silid.


"Tulong!" Umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Nancy. Duguan siya pero tinangka niyang gumapang paalis. Tinangka ko ring gumalaw ngunit hindi ko parin maigalaw ang mga paa ko.


"You're not real! You're not real!" Sumigaw ako ng sumigaw ngunit taliwas sa sinasabi ko ang nangyayari. Gumagalaw si Dondy, humahakbang ang malalaki niyang mga paa patungo sa direksyon ni Nancy at kasabay nito ang pagkalansing ng mga bell na ikinabit namin noon sa mga paa niya noong mga bata pa kami.


Napakalaki ng pangangatawan ni Dondy at wala akong ibang nakikita sa mukha niya kundi naglalakihang mga laslas kung nasaan sana ang kanyang mga mata, ilong at bibig. Duguan si Dondy, umaagos ang dugo sa kahit saang parte ng kanyang katawan pero hindi siya mahina.


"Nancy!"


Wala na akong ibang nagawa pa kundi mapatili nang bigla na lamang sinakal ni Dondy si Nancy at itinaas ito ng walang kahirap-hirap. Hindi halos makahinga si Nancy, ubo siya ng ubo. Pilit na nanlalaban si Nancy, nagpupumiglas siya at hinahampas niya ang mga kamay ni Dondy. Awang-awa ako sa kaibigan ko pero wala akong magawa, hindi ako makakilos kahit pa gustong-gusto ko siyang tulungan.


Sa higpit ng pagkakasakal ni Dondy sa kanya, labis na ang panginginig ng kanyang mga paa.


"No!!!" Mas lalo pa akong napatili nang walang ano-ano'y bigla na lamang hinawakan ni Dondy ang ilong ni Nancy at hinigit ito ng paunti-unti. Habang palakas nang palakas ang tili ni Nancy, umaagos naman ang dugo mula sa mukha niya.


And then I realized what Dondy was doing—I saw what he was doing!


Nancy's nose was ripped off her face like a piece of paper, blood rushing out profusely.


Kitang-kita ko ang mismong paghiwalay ng balat at buto ng ilong mula sa muha niya. Tumirik ang mga mata ni Nancy kasabay ng mas lalo pang pangingisay ng paa ng kanyang buong katawan.


Sa isang iglap, biglang binitawan ni Dondy ang katawan ni Nancy na ngayoy lupaypay na at nangingisay parin. Lumingon si Dondy sa direksyon ko kaya natigil ako sa pagsigaw at naiwang nakaawang ang bibig ko sa sobrang gulat.


Napasinghap akong muli nang bigla na lamang lumitaw ang napakatalim na mga ngipin sa laslas na sanay kinaroroonan ng bibig ni Dondy.


Instead of mouth, he had an open wound with jagged sharp teeth. Blood was flowing down from it. I tried to scream but no voice would come out from my mouth. All I could do was stare helplessly.


Habang nakaharap sa direksyon ko, bigla na lamang sinubo ni Dondy ang ilong ni Nancy at nginuya ito na animo'y pinagmamalaki sa akin ang ginagawa niya. Kitang-kita ko ang pagkaipit at pagkapira-piraso ng ilong ni Nancy kasabay ng mas lalo pang pag-agos ng dugo mula sa bibig ni Dondy. Sa puntong 'yon, wala na akong ibang nagawa pa kung hindi mapatili ng pagkalakas-lakas.


"Gracie!"


Napasinghap ako at natagpuan ko ang sarili kong hinahabol ang hininga ko. Naramdaman ko ang malamig na kamay na humawak sa pisngi ko at nang mag-angat ako ng tingin ay napagtanto kong nakahiga pala ako sa mga bisig ni Richie.


"Anong nangyari?! Okay ka lang?!" Tarantang sambit ni Richie ngunit imbes na sagutin ang tanong niya, pilit akong kumawala sa kanya. Kahit halos wala akong lakas, pinilit kong gumapang upang tumayo.


"Gracie sandali!" Sigaw muli ni Richie at tinulungan ako sa pagtayo. Dali-dali kong nilibot ang paningin ko at natagpuan ko ang sarili ko sa kusina, sa paanan ko ang cellphone kong nakakonekta parin sa cellphone ni Nancy.


"Si Nancy! Si Nancy!" Sa sobrang takot at hirap sa paghinga, hirap akong makapag-organisa ng mga salita. Wala akong ibang magawa kundi sambitin ang pangalan ni Nancy.



END OF CHAPTER 7

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
The Midnight Murders By bambi

Mystery / Thriller

3.2M 140K 32
Waking up from coma, Kendra finds out that not everything in Redwood is what it seems nor is her picture-perfect life.
695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
2.7M 53.7K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...