More Than Just A Bet [Publish...

By asherinakenza

22.8M 311K 45.6K

#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wron... More

More Than Just A Bet
MTJAB: PROLOGUE
MTJAB: Chapter 1
MTJAB: Chapter 2
MTJAB: Chapter 3
MTJAB: Chapter 4
MTJAB: Chapter 5
MTJAB: Chapter 6
MTJAB: Chapter 7
MTJAB: Chapter 8
MTJAB: Chapter 9
MTJAB: Chapter 10
MTJAB: Chapter 11
MTJAB: Chapter 12
MTJAB: Chapter 13
MTJAB: Chapter 14
MTJAB: Chapter 15
MTJAB: Chapter 16
MTJAB: Chapter 17
MTJAB: Chapter 18
MTJAB: Chapter 19
MTJAB: Chapter 21
MTJAB: Chapter 22
MTJAB: Chapter 23
MTJAB: Chapter 24
MTJAB: Chapter 25
MTJAB: Chapter 26
MTJAB: Chapter 27
MTJAB: Chapter 28
MTJAB: Chapter 29
MTJAB-Season 2: Chapter 30
MTJAB-Season 2: Chapter 31
MTJAB-Season2: Chapter 32
MTJAB-Season2: Chapter 33
MTJAB-Season 2: Chapter 34
MTJAB-Season 2: Chapter 35
MTJAB-Season 2: Chapter 36
MTJAB-Season 2: Chapter 37
MTJAB-Season 2: Chapter 38
MTJAB-Season 2: Chapter 39
MTJAB-Season 2: Chapter 40
MTJAB-Season 2: Chapter 41
MTJAB-Season 2: Chapter 42
MTJAB-Season 2: Chapter 43
MTJAB: Finale
MTJAB: Epilogue
MTJAB: Special Chapter #1

MTJAB: Chapter 20

477K 6.4K 705
By asherinakenza

MTJAB: Chapter 20

"Good luck my, baby." Nangatog ang tuhod ko dahil sa boses niya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago ako nagsimulang umakyat sa stage. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin ngayon.

Tinanguan ako nina Nanay at Tatay. Maging ang dalawang kapatid ko ay sumenyas na kaya ko 'to. Nahagip ko ang mga mata niyang nangungusap; nagniningning iyon habang tinatanaw ako dito sa stage at halos napalunok ako nang mabasa ko sa labi niya ang mga salitang...

"I love you, baby. You can do it."

Lord sana makakanta ako nang maayos. Humawak ako sa tiyan ko para pakalmahin ang mga paru-paro at nagsimula nang tumugtog ang minus one. Kaagad nagpalakpakan ang mga tao. Maging si Mayor ay nakangiti na sa akin. Naaalala ko noon kung paano niya ako kumbinsihin sa offer niyang sumali ako sa isang TV show.

"Go baby! Kaya mo 'yan!" Namilog ang mga mata ko sa lakas ng sigaw ni Liam. Panay naman ang tili ni Oyen. Shocks. Kung alam niyo lang, hindi ako chinicheer ni Oyen kundi si Liam! Kilalang kilala ko ang babaeng 'yan.

Nagsimula na akong kumanta at sa hindi ko malamang dahilan, parang may tumusok sa puso ko nang damahin ko ang lyrics ng kanta.

~~All at once, I finally took a moment and realizing that,

you're not coming back and it finally hit me all at once. ~~

Sa hindi ko maintindihan na dahilan, sa kanya ko lang itinuon ang mga mata ko. Napansin kong napalunok siya pero hindi rin siya nag-iwas ng tingin sa akin. God, ano ba itong nararamdaman ko sa kanya? Unti-unti kong naramdaman ang pagtaas ng balahibo ko sa batok dahil sa lalim ng titig niya sa akin. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang gwapong mukha niya lang at ang mga mata niyang hinuhugot ang buong katauhan ko.

~~Ever since I met you, you're the only love I've known,

and I can't forget you, though I must face it all alone. ~~

Bakit ba ito yung pinakanta sa akin ni Oyen? Unti-unting gumuhit sa isip ko na mawawala si Liam sa akin, na hindi na niya ako babalikan. Bakit sobra-sobrang pagkirot ang nararamdaman ng puso ko ngayong naiisip kong iiwanan niya ako? Ganito na ba talaga katindi ang nararamdaman ko para sa kanya? Hindi nga ba mahirap mahalin ang isang Cando? Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong tumulo ang luha ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"I'm sorry." He mouthed. Umiling ako at mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Kahit sa dilim ng mga mata ko, mukha pa rin niya ang nakikita ko.

~~All at once, I'm drifting on a lonely sea wishing you'd come back to me,

and that's all that matters now all at once. ~~

Bakit parang inaamin ko na rin sa sarili ko na sana bumalik na siya kahit ako naman ang lumayo? Na sana bumalik na kami sa dati kahit pa nasaktan niya ako nang sobra-sobra?

~~All at once, I looked around and found that you were with another love,

In someone's else's arms. And all my dreams were shattered all at once. ~~

Muli ko siyang tinitigan. Napaatras ako nang makita kong may pumatak na luha sa mga mata niya. Mabilis niyang pinunasan 'yon at tinanguan ako.

Pagkatapos kong kumanta, isang malakas na sigawan at palakpakan ang narinig ko mula sa madla. Maging ang mga judges ay napatayo sa hindi ko malamang dahilan. Hinanap siya ng mga mata ko at doon ko nakitang tumalikod na siya at umalis. Bakit may kumukurot sa puso ko ngayong nakikita kong tinalikuran niya ako?

Kaagad akong bumaba ng stage kung saan sinalubong ako ni Oyen at ng mga magulang at kapatid ko.

"Friend, ang galing mo! Narinig ko sa isang nanonood kanina na feel na feel mo raw yung kanta! Acckkk! Sure win na talaga!" Paninigurado niya. Isang matipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Panay ang tingin ko sa pwesto ni Liam kanina pero wala na siya roon.

Niyakap ako nina Nanay at Tatay.

"Ang galing mo talaga! Nakita mo ba yung ngiti ni Mayor kanina? Hangang-hanga talaga siya sa'yo." Ani Nanay. Tumango na lang ako kahit na ang totoo, hindi ko naman talaga nakita dahil alam ko sa sarili kong isang tao lang ang napagtuunan ko ng pansin.

"M-mag-c-CR lang po ako!" Pagsisinungaling ko.

"Gusto mo samahan na kita?" Tanong ni Oyen. Umiling ako at marahan kong pinisil ang kamay niya. Mabilis akong tumakbo palabas sa court at nakita ko kaagad ang magandang likod niya. Nakapamulsa siya habang may tinitingnan sa langit.

"B-bakit ka umalis?" Nauutal na tanong ko. Napansin kong parang nanigas siya sa kinatatayuan niya pero nagawa pa rin niyang humarap sa akin. Isang marahan pero magandang ngiti ang ibinigay niya sa akin.

"Ang galing mo, panigurado panalo ka na." Nakangiting sabi niya. Bumuga ako ng isang malalim na hininga at inulit ang tanong ko sa kanya.

"B-bakit ka umalis?!" Usisa ko. Mas lalong lumalim ang titig niya sa akin at kumunot ang noo ko sa pag-ngisi niya nang mapait.

"Nakakatawa man aminin pero totoo pala yung sinasabi ng iba—matatamaan at matatamaan ka sa isang kanta. Kalokohan man marinig pero parang ikaw kasi yung hindi babalik sa akin. Ang sakit palang isipin no'n." Natatawang sabi niya pero nandoon sa tono ng pananalita niya yung pait.

Pareho rin kami ng nararamdaman? Na masakit isiping mawawala ang isa sa aming dalawa? Napasinghap ako nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at pinagtago niya ang mga mata naming dalawa. Bakit ba kahit anong expression ng mukha niya, masasabi at masasabi mo pa rin sa sarili mo na sobrang gwapo niya? Nakakalaglag panga ang mga mata niyang malalim tumitig at mahihibang ka sa init at bango ng hininga niya.

"Nagmamakaawa ako sa'yo, Lian, balikan mo ako. Kahit gaano katagal pa 'yan, maghihintay ako basta bumalik ka lang sa akin." Pakiusap niya. Nanginginig na naman ang boses niya na para bang takot na takot siya. Desperado na rin ang tono ng pananalita niya at parang isa-isang nasasaktan ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil tumatagos sa kanila ang pagmamakaawa sa akin ni Liam.

"I'm begging you." Dagdag pa niya. Kailanman ay hindi ko inisip na magmamakaawa siya sa akin.

"L-Liam." Tawag ko sa kanya.

"Please, baby." Paglalambing niya.

"I... I'm getting there." Ewan ko! Hindi ko alam kung bakit 'yan ang isinagot ko sa kanya. Malapit na? Malapit na ba akong magpakahulog sa mga patibong ng isang Marcus Liam Cando?

Isang ngiti ang gumuhit sa labi niya at napapikit ako nang halikan niya ang noo ko at doon bumulong.

"I totally fucking love you, Lian."

At nanghina ang tuhod ko nang malaya niya akong ikinulong sa bisig niya. Sobrang init ng katawan niya at nararamdaman ko rin ang perpektong hubog nito. Marahan kong tinanggap ang yakap niya at mukhang naramdaman niya iyon dahil nagawa niyang mas higpitan pa ang yakap sa akin at inilubog niya ang mukha niya sa balikat ko. Napapikit ako nang dumampi ang labi niya balikat ko.

"B-balik na tayo sa court?" Paalala ko sa kanya. Naramdaman kong tumango siya at dahan-dahan niyang pinagapang ang kamay niya mula sa baywang ko patungo sa kamay ko. Nang mapagsalubong na niya ang mga daliri namin, humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti.

"Ang sarap marinig na mayroong tayo, natin, ikaw at ako. Nagkakaroon ako ng pag-asa na mahalin mo ako." Seryoso ngunit nakangiting saad niya. Namula ang mukha ko. Mabuti na lang at medyo madilim dito sa labas ng court.

"T-tayo na." Sabi ko.

"Tayo na? O tayo na sa loob?" Pang-aasar niya. Namilog ang mga mata ko.

"Liam!" Sigaw ko sa kanya.

"Biro lang. Tayo na sa loob ng court." Ulit niya sa sinabi ko habang ngumingisi. Damn it. Bakit ba ang sexy ng ngisi niya?

Doble-dobleng kaba ang nararamdaman ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Liam sa kamay ko. Pumwesto kami sa likod nila Nanay at kinuhit ko sila para makitang nasa likod lang nila ako. Lumingon naman si Oyen sa amin at halos lumuwa ang mga mata niya nang makita niya ang magkahawak na kamay namin ni Liam. Ngumiti siya nang nakakaloko at para siyang kiniliti ng kung ano.

"Ate Oyen! Para kang bulate! Ang likot mo!" Suway ni Eris sa kanya dahil sa kaharutan.

"Sorry na! Kakilig kasi!" Hiyaw niya. Namula ang mukha ko at muntik ko na sanang bitiwan ang kamay ni Liam pero hindi niya ako pinakawalan.

May kung anong lumundag sa puso ko dahil sa isiping ayaw na niya akong mawala. Ganito pala yung love? Hindi mo maintindihan yung sayang nararamdaman mo kapag alam mong importante ka sa kanya.

"ARA NA 'YAN!" Sigawan ng mga kabataan sa kabilang side. Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay may mga sumosoporta pa rin sa akin dito sa Lucban. Ngayon kasi i-a-announce yung winner at kinakabahan na ako. Natawag na ang 3rd at 2nd runner up at yung Champion na lang ang inaabangan ng lahat.

"LIAN!" Nag-iisa si Liam na sumisigaw na Lian, puro Ara. Naghawak kami ng kamay ng kalaban ko sa contest.

"YUNG MAHAL KO ANG PANALO DIYAN!" Mas lalong lumakas ang lalaking lalaking boses ni Liam at naghiyawan ang lahat dahil sa kanya.

"Haba ng buhok mo! Nakakainis!" Tumatawang sigaw ni Oyen.

"LIAN! LIAN!" Sumabay na rin ang lahat sa pagsigaw ni Liam. Para siyang hari na sinunod ang kagustuhan. Nag-init ang pisngi ko nang bigla niya akong kinindatan. Panay naman ang paglipad ng paru-paro sa tiyan ko na akala mo ay nagmamadali sa pupuntahan. At halos mabunutan ako ng tinik nang marinig kong...

"Our champion for Himig ng barangay is Ara Lian Binalatan!" Isang malakas na palakpakan at sigawan ang narinig ko mula sa madla. Panay naman ang sigaw nila Eris. Si Tatay naman ay panay din ang palakpak. Pinakamagandang premyo ang palakpak at sigaw ng mga mahal ko sa buhay.

Ibinigay na sa akin ang trophy at yung seven thosand pesos na premyo ko. Ang nakakatuwa pa, may premyo rin akong dalawang sako ng bigas at electric fan mula kay Mayor.

"Ara, hija! Wala ka pa ring pinagbago. Ang galing galing mo pa rin!" Papuri sa akin ni Mayor at panay naman ang pasalamat ko sa kanya.

"Hija, maganda ang boses mo. Hindi malabong maging sikat na singer ka." Sabi ni Mae. Siya yung sikat na singer nung kapanahunan nila Nanay.

"Actually Ara, sinabi sa akin ni Ma'am Mae na gusto ka niyang kunin na artist." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mayor. Tumango naman si Mae habang nakangiti sa akin.

"Marami na akong napasikat na singer gaya nina Kevin Benedicto at Diane Aquino." Pagmamalaki ni Mae. Yung dalawang 'yon ang pinakakilala ngayon na singer dito sa Pinas. Maging ang mga palabas sa sinehan at teleserye sa gabi ay sila na ang bida at magkapareha.

"Magiging maganda ang buhay mo, Ara." Paninigurado ni Mayor. Ang nakakatuwa kay Mayor, kahit natalo siya sa nakaraan na eleksyon ay siya pa rin ang nanguna na maging judge sa singing contest. Hindi ba nasabi ko noon na scholar niya ako? Tumigil lang nung natalo na siya. Sandali akong natigilan nang maalala ko ang pag-aaral ko.

"P-paano po 'yon? Nag-aaral pa po kasi ako." Sabi ko.

"Walang problema diyan, hija. Pwede ka namang kumuha ng kurso sa online school." Napangiwi ako sa suhestiyon ni Mae. Iba pa rin yung talagang pumapasok ka sa eskwelahan. Marami kang makakahalubilo na mga tao at higit sa lahat, mas matututo ka.

"Ah... eh, pasensya na po kayo. Gusto ko rin naman po sana pero nag-aaral pa po kasi ako." Paliwanag ko. Mukha namang bumagsak ang balikat nina Mae at Mayor sa sinabi ko. Kumuha ng calling card niya sa wallet si Mae at iniabot sa akin.

"I really like your voice, hija. Kung sakaling magbago ang isip mo, tawagan mo lang ako at sisiguraduhin kong magiging mas sikat ka pa sa dalawang alaga ko. Congratulations ulit, hija." Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi bago umalis. Nakipagkamay naman sa akin si Mayor pati sa mga magulang ko.

"Ate! Ano 'yon? Bakit ang tagal kang kinausap nung singer?" Usisa ni Eris.

"Ah 'yon, wala. Inaalok akong maging singer." Pagpapaikli ko ng kwento. Nagsigawan silang dalawa ni Angelo pero kaagad din silang natahimik sa sinagot ko.

"Hindi ko naman tinanggap."

"Liam!" Sigaw ni Tatay dahil napapalibutan ng mga kababaihan si Liam doon sa baba. Tiningnan ko siya nang masama pero nginisian niya ako at saka tumakbo siya paakyat sa stage.

"Bitbitin niyo na ni Eris itong mga bigas." Utos ni Tatay na kaagad namang sinunod ni Liam. Pagkabuhat niya nung isang sakong bigas ay lumapit siya sa akin.

"Congratulations, magandang binibini!" Masiglang bati niya sa akin at halos maghagikhikan na naman sila Angelo sa pagta-Tagalog niya.

"Sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ang mananalo sa patimpalak na ito." Dagdag pa niya. Hindi ko na rin napigilan ang pagtawa sa pananagalog niya. Nakakainis kasi.

"Oh my god. Why so sexy? Gwapo mo, ang abs mo pamatay nakakalaglag ng panty, yung boses mo nakakaakit dahil lalaking lalaki, tapos gosh! Magta-Tagalog ka nang sobrang lalim? My god! Ang sexy! Ang hot!" Sigaw ni Oyen na may kasamang pagtili. Nalaglag naman ang panga ko sa mga pinagsasasabi niya. Nginisian lang siya ni Liam bago maingat na bumaba sa stage para ilagay sa sasakyan niya yung bigas. Sumunod naman sa kanya si Eris. Umalis na rin sina Nanay at Tatay na dala yung electric fan. Pababa na sana si Angelo pero hinila ko siya at hinarap sa akin.

"Bakit Ate?" Pagtataka niya. Sandali kong tiningnan si Liam na ngayon ay inaayos na sa sasakyan yung bigas.

"S-saan niyo binenta yung saxophone ng Kuya Liam mo?" Usisa ko. Gumuhit ang ngiti sa labi ng kapatid ko kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Saan?" Nahihiyang tanong ko at ngumisi siya.

"Kay Poleng!" Nakangising sagot niya sa akin.

"Kay Paulo?!" Sigaw ni Oyen at napangisi naman ako. Si Paulo yung ex niya. Tatlong taon din silang mag-boyfriend. Nag-break lang sila dahil aksidenteng nakabuntis si Paulo. Todo iyak nga 'yang si Oyen eh. Ayaw makipaghiwalay ni Paulo pero mas pinili ni Oyen na panagutan ni Paulo yung bata kasi kawawa naman daw.

"Oo, kay Kuya Paulo. Kaya lang yung pinsan niya yung napagbentahan namin pero kay Kuya Paulo yung shop." Kwento ni Angelo. Napatango naman ako at bago pa magtanong si Angelo, pinagtulakan ko na siya pababa ng stage at hinarap ko si Oyen.

"H'wag mo nga akong tingnan nang ganyan!" Sigaw niya sa akin at gusto kong matawa. Pulang pula na kasi ang mukha niya.

"Huy, tawaran naman natin si Paulo." Sabi ko. Kumunot ang noo niya at tinitigan akong mabuti.

"Kanino bang saxophone 'yon?" Natatawang tanong niya kaya naman ikinuwento ko na sa kanya ang ginawa ni Liam para sa akin at sa mga kapatid ko. Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata niya.

"What? Three thousand lang niya nabenta? My god! Thirty thousand ang pinakamurang saxophone!" Hiyaw ni Oyen sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Ito, seven thousand lang yung pera ko. Narinig ko kanina na five thousand na yung saxophone kila Paulo. Gusto ko sana may maiwan na pera kila Nanay bago ako bumalik ng Maynila." Pakiusap ko sa kanya. Ginulo gulo niya ang kanyang buhok na para bang hindi siya makapaniwala sa hinihiling ko sa kanya. Sa huli ay pumayag na rin siya na samahan ako baka kasi sarado na yung shop ng ex niya.

"Oh, tara na?" Tawag ni Nanay sa amin ni Oyen.

"Ah, Liam, pababa naman kami sa bayan. May pupuntahan lang kami ni Ara." Pakiusap ni Oyen at kumunot ang noo niya.

"Gabi na ah. Sasamahan ko na kayo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka kinurot si Oyen.

"Aray naman, friend. Ito na, gagawan ko na ng paraan." Bulong ni Oyen sa akin.

"Ano kasi, Liam, puro girls lang kami sa pupuntahan namin baka ma-OP ka." Pagpapalusot niya. Ngumisi si Liam at umiling.

"Ayos lang, ang mahalaga ligtas kayo." Sabi ni Liam. Magsasalita na sana ako pero wala na akong nagawa nang si Tatay na ang sumabat.

"Gabi na, magpasama na kayo sa kanya. Ihatid niyo muna kami sa bahay para makapagpahinga na ang Nanay niyo." Suway ni Tatay sa amin at mas lalo akong napakagat sa ibabang labi ko.

At kagaya ng gusto ni Tatay, hinatid muna namin sila bago kami dumiretso sa bayan. Hindi ko alam kung paano namin matatakasan si Liam dahil nakabuntot siya sa amin.

"Nasaan na ba yung mga kasama niyo? Gabi na oh, tapos ang dilim dilim pa rito. Kung hindi niyo ako sinama baka kung ano na ang nangyari sa inyo." Sermon sa amin ni Liam. Sandali kaming tumigil sa paglalakad at hinarap ko siya at tiningala. Grabe naman kasi ang tangkad niya.

"Liam, dito ka muna." Sabi ko sa kanya at kumunot ang noo niya.

"No, Lian. Tandaan mo, susundin ko yung mga gusto mo pero hindi ako susunod na iiwanan ka sa ganitong lugar." Seryosong sabi niya. Kinagat ko ang labi ko at napailing.

"Sandali lang naman, Liam..." Paninigurado ko.

"Kahit pa isang segundo 'yan, Lian." Tumaas na ang tono ng pananalita niya. Kainis naman 'tong si Liam! Paano ko mabibili yung saxophone niya?

Nagkatinginan kami ni Oyen at maging siya, hindi niya malaman kung anong gagawing palusot kay Liam pero bigla siyang ngumiti.

"Haay, ang tagal naman nila. Nakakaantok. Sa kotse na lang natin hintayin." Suhestiyon ni Oyen at saka nag-martsa papunta sa kotse ni Liam. Tiningnan ko siya nang buong pagtataka pero tinanguan niya lang ako kaya naman sumunod na rin ako sa kanya.

"Tutulog muna ako ha?!" Sigaw ni Oyen mula sa backseat.

"A-ako rin!" Pagpapalusot ko at saka ipinikit ang mga mata ko pero hindi ako pinansin ni Liam. Sana po matulog din siya. Narinig kong kumakanta kanta siya. Inaaliw ang sarili para hindi makatulog?

Napapitlag ako at luminga linga! Kaagad kong nasapo ang noo ko. Shocks, nakatulog ako nang tuluyan! Tiningnan ko si Liam at nakita kong tulog na rin siya kaya naman kinuhit ko si Oyen sa likod na ngayon ay tulog na rin. Mabuti na lang at mabilis siyang nagising. Sandali niya munang kinuhit si Liam pero tulog na ito kaya mabilis kaming bumaba at tumakbo sa shop ni Paulo.

"Grabe 'yang si Liam ha! Napasarap na rin ang tulog ko." Reklamo ni Oyen sa akin. Napatawa na lang ako dahil maging ako ay napasarap ang tulog. Kinatok namin nang kinatok ang shop ng ex niya pero mukhang tulog na tulog na ito. Ala una na rin kasi ng madaling araw.

"Bwisit na Poleng 'to!" Sigaw ni Oyen at saka naghanap ng bato at halos lumuwa ang mga mata ko nang batuhin niya ang isang bintana sa taas ng shop ni Paulo.

"Gising na 'yon!" Sigaw ni Oyen at hinila ako papunta roon sa pinto ng shop.

Mga ilang minuto lang, bumukas ang ilaw sa loob ng shop. Napansin kong sumisilip silip si Paulo sa loob at mkhang bagong gising siya. Kaagad niyang binuksan ang pinto ng shop niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya kami ni Oyen.

"Ginagawa niyo rito?" Kunot noong tanong niya sa amin.

"A-ano Paulo, pasensya ka na sa abala pero gusto ko kasing bilhin yung saxophone." Sabi ko at bumaling siya sa akin nang buong pagtataka. Pinatuloy niya kami sa loob ng shop niya.

"Dalawa ang saxophone dito, itong isa bago lang. Ito yata yung sinasabi mong binenta nung kakilala mo." Aniya at saka ipinahawak sa akin yung isang saxophone. Nahagip ng mata ko na may nakaukit do'n na letra sa may dulo ng saxophone. Letter 'B' iyon. Parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil sa nabasa ko. B for Bianca...

"Kung ikaw naman din ang bibili, three thousand ko na lang din ibebenta." Sabi ni Paulo at lumunok ako.

"S-sigurado ka?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at tumingin kay Oyen.

"'Yon naman ang purpose mo kaya mo sinama 'yan 'di ba?" Natatawang sabi ni Paulo. Ngumisi ako at tumango. Kaagad naman tinapakan ni Oyen ang paa ko pero mahina lang.

"O sige na, kukuhanin ko na 'to." Bulong ko at saka dinukot ko ang pera sa bulsa ko. Binuhat ko na ulit ang saxophone. Pilit kong iniiwasang makita ang letter B dahil nilalamon ako ng selos ko. Ito na nga ba ang tinatawag nilang selos? Masakit pala.

"Salamat Paulo ha! Pasensya ka na rin sa abala." Sabi ko. Ngumiti siya at tumango. Nagpaalam na kami sa kanya. Panay naman ang talak sa akin ni Oyen pero hindi ko siya pinapakinggan. Nasa saxophone ang buong sistema ko. Tungong tungo ako sa paglalakad pero nauntog ako sa isang matigas na bagay nasapo ko ang noo ko.

"Shit ang sakit." Bulong ko.

"Oh my god!" Sigaw ni Oyen. Tumingala ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung saan ako nauntog—sa dibdib ni Liam! Ang seryoso ng a2ra ni Liam na titig na titig sa akin. Kaagad nanakbo si Oyen papunta sa kotse ni Liam.

"Ah..eh, ano. Binabalik ko na sa'yo 'to." Bulong ko at saka ko inabot sa kanya ang saxophone niya. Napansin ko kung paano manginig ang mga mata niyang nakatuon sa mga mata ko.

"Alam kong sobrang importante sa'yo niyan. Ayoko namang mawala ang isang bagay na bigay ng magulang mo dahil lang sa akin." Paliwanag ko sa kanya pero nakakatakot ang malalim at matalim na titig niya sa akin.

"G-galit ka ba?" Nauutal na tanong ko. Hindi niya ba nagustuhan ang ginawa ko? Naaalala niya ba si Bianca sa saxophone niya?

"So—" Pero hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita. Napasinghap na lang ako nang hapitin niya ako sa baywang ko at idinikit sa mainit niyang katawan. Amoy na amoy ko ang bango niya. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa baywang ko gamit ang kaliwang kamay niya.

"Hindi ako galit kaya hindi mo kailangang humingi ng tawad." Bulong niya sa tainga ko. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa init ng buga ng hininga niya. Natatalo rin ng mainit niyang katawan yung malamig na hangin dito sa labas. Hindi ko alam kung may problema ba ang pandinig ko? Pero sobrang lakas kasi ng kabog ng dibdib niya. Para bang gustong sumigaw no'n pero hindi magawa ng puso niya. Parang isang kalabit mo lang sa puso niya, sasabog na yon.

"Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko alam kung bakit biglang lumabas 'yan sa labi ko. Lalo niya akong idinikit sa katawan niya. Kahit kaliwang kamay niya lang ang nakayakap sa akin, ramdam kong nag-iingat siya na h'wag akong masaktan sa bawat hawak niya. Yung kanan naman niya ang nakahawak sa saxophone.

"Wala na akong pakialam sa kanya." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa isinagot niya pero yung paru-paro sa tiyan ko, natuwa sa narinig nila. Para bang kuntento na silang malaman na wala nang pakialam si Liam sa babaeng 'yon pero hindi yon ang gusto kong marinig. Gusto kong marinig mula sa kanya na wala na siyang nararamdaman kay Bianca. Ang selfish ko ba? Pero kasi 'di ba, hindi naman pwedeng dalawa ang mahal mo? Kaya nga isa lang ang puso natin kasi isa lang ang pwede nating mahalin nang sobra sobra.

"Letter B, si Bianca ba 'yan?" Para akong timang sa mga itinatanong ko sa kanya.

"Yes." Diretsong sagot niya sa akin. Parang piniga ang puso ko dahil sa narinig.

"Buti pa ang isang letra ng pangalan niya nakaukit sa saxophone mo." Gusto kong suntukin ang sarili ko sa mga pinagsasasabi ko pero isang hindi inaasahan na sagot ang narinig ko mula sa kanya.

"Pero ang buong pangalan mo, nakaukit na sa puso't isipan ko kaya wala kang dapat ipag-alala. Nakaraan na siya, ikaw na ang ngayon at kinabukasan ko. Ikaw na ang mahal ko at hindi na siya."

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 78.3K 53
[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexpected event tears her world apart, her b...
4.4M 122K 62
(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niy...
1.7M 50.9K 30
BOOK COVER CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER! COMPLETED Rochelle Venice Perez, an ordinary woman with a normal life not until she got abducted and forc...
3.8M 108K 49
MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#3: Alexander Kiel Ford "It's amazing that just by looking at you makes my heart skips a beat." - Alexander Kiel...