Sky Paradox: Battle of Gangst...

De pen_and_ink

278K 5.5K 1.2K

(Tagalog) Sky Paradox. Isang amateur band na unti unting nakikilala sa mundo ng musika dahil sa kanilang mahu... Mais

Sky Paradox
Sky Paradox Band
Red Scorpion Gang/ Section Fire
Minor Characters
Prolouge
Chapter 1: Babae po ako...
Chapter 2: Section Fire
Chapter 3: Sakuragi, ang boy basted
Chapter 4: Deal or No Deal
Chapter 5: It's a Cloud-y Day
Chapter 6: Kinidnap si Kambal
Chapter 7: Black Mask Gang
Chapter 8: "Ex"-Mas Light
Chapter 9: Tour Guide
Chapter 10: Ang Muling Pagbuhos ng "Ulan"
Chapter 11: Makulimlim ang "Langit"
Chapter 12: Ang "Piyansi" ni Blue
Chapter 13: The Warning
Chapter 14: B1 vs B2
Chapter 16: Ang Katapat ni Grey
Chapter 17: Dilemma of a Womanizer
Chapter 18: Ang Pagbabalik
Author's Note
Chapter 19: Red Strikes Again
Chapter 20: The Clash of Thunder and Lightning
Chapter 21: Teamwork
Chapter 22: Teamwork: The Perfect and the Failure
Chapter 23: Sudden Outburst
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Revelations
Chapter 26: Teardrops
Chapter 27: A Glimpse of the Past
Chapter 28: Friend or Foe
Chapter 29: Unmasked?
Chapter 30: Ang Nawalang mga Alaala
Chapter 31: Friends
Chapter 32: Intramurals
Chapter 33: Ang Pag-Art-e ni Sky

Chapter 15: Black Letter

6K 127 36
De pen_and_ink

 A/N: Hello guys. di muna ako makakareply sa mga comment and message niyo. Wala na kasi net namin kaya nagrent lang ako. Anyway enjoy the update.

VOTE  AND COMMENT.

CHAPTER 15 – Black Letter

July 12, 2011

Tuesday

7:15 AM

Section Fire

“Good morning madlang pipol!”

“Morning Sky”

Pumunta na sakanyang upuan si Sky nang may mapansin. Nilapag muna niya ang bag at pumunta sa gilid sa third row.

“Ah guys, nagparetoke ba si Labo?"

"Anong nagparetoke ang sinasabi mo diyan Sky?” Tanong ng kapapasok lang na si Labo.

Nanlaki ang mata niya at napatakip pa ng bibig. “Labo may kakambal ka?” Gulat na tanong niya habang nakaturo sa nasa harap niya.

“Wala ah. Di naman porket nakasalamin din siya eh kambal na kami.”

“Eh pa- sino siya?”

Binaba ni Buzz ang ipad saka tumingin sakanya. “Hay naku Sky talaga. Siya yung bagong transfer. Kasabay niya kayang pumasok si Rain last week.”

“Talaga? Bakit ngayon ko lang siya nakita?”

“Paano, busy ka kay Rain kaya di mo napapansin paligid mo.”Sabi ni Chickboy at siniko pa si Sakuragi.

"Aray ano ba?" Angal ni Sakuragi at matalim na tinignan ito na tumawa lang.

"Ganun ba? Hmmm…" Ani Sky at inilapit ang mukha sa mukha ng transferee. Tinititigan niya ito at parang kinikilala. “Mukhang pamilyar ka ah. Anong pangalan mo?”

Hindi naman agad nakasagot ang transferee dahil sa lapit ng mukha niya.

“O-oi Sky, di mo naman kailangang ilapit ng ganyan ang mukha mo sakanya para makilala mo siya.” Nagkakamot sa ulong sabi ni Sakuragi at akmang lalapit sakanya nang dumating si Grey.

“ANONG KAGULUHAN ITO?” Nanlaki ang mata nito nang makitang halos maghalikan na si Sky at ang bagong estudyante dahil sa lapit ng mukha. Patakbo tuloy na lumapit ito sakanila at hinila si Sky. “A-ANONG GINAGAWA NIYO? DI BA SABI KO B-BAWAL ANG PDA DITO?”

“O LS ikaw pala. Bakit? At anong PDA sinasabi mo? Tinatanong ko lang pangalan niya.”

"ANO? TINATANONG MO LANG PANGALAN NIYA PERO GANUN NA KALAPIT ANG MUKHA MO SAKANYA?"

Nagkatinginan ang mga nandung kaklase nila.

“Eh kasi parang pamilyar siya sa akin kaya kinikilala ko lang.”

“AH BASTA! BAWAL ANG GANYAN DITO!” Sabi ulit nito at nagdadabog na nagtungo sa sariling upuan.

Napakamot na lang ng ulo si Sky at bumaling ulit sa transferee. “Ano pangalan mo ulit?”

“Ah H-harold.”

Tumayo siya ng matuwid at tinitigan si Harold.

“Sa tingin niyo anong ipapangalan ni Sky sakanya?” Tanong ni Art sa mga kasama.

Napahawak sa baba si Chickboy. "Baka Labo the Second."

Inalis ni Batch ang lollipop sa bunganga bago nagsalita. "Di siguro. Hmmm… Baka four eyes."

"Huwag na kayong manghula dahil hindi niyo alam takbo ng isip ni Sky" Tila nagmamalaking sabi ni Sakuragi.

"Weh? Bakit ikaw alam mo ba? Sige nga hulaan mo.” Ani Chickboy.

“Ano pa eh di...“

“Hi Harold, welcome.”

“Harold. Ha? Harold? Harold ba sinabi niya?”

“Oo. Yun din ang dinig ko. Hindi niya pinalitan ang pangalan niya.” Panigurado ni Buzz.

“Hmmm… Mukhang ayaw ni Sky sakanya.” Sabi ni Rain na bigla na lang sumulpot sa likod nila kaya nagulat sila.

Napahawak sa dibdib si Art. "Grabe ka naman Rain. Pasintabi ka naman bago ka nagsasalita diyan."

“Ah Rain anong sinabi mo kanina? Di ko masyadong narinig eh.” Singit ni Buzz na nacurious sa sinabi nito.

“Ha? Wala, wala.” Nakangiting sabi nito saka pinuntahan na si Sky at hinila papunta sa upuan nila.

Sakto namang pumasok na ang magbestfriend na magkaakbay pa. Nakangising pinuna sila ni Chickboy.

“O buti naman at wala na kayong LQ.”

“LQ ka diyan. Inggit ka lang kasi wala kang bestfriend.” Ani B2.

“Wushuu… Parang kelan lang halos magpatayan na kayo eh.”

"Nakalipas na yun no? Saka tanga pa kami nun."

"Bakit? Lagi naman kayong tanga ah. Hahaha…” Tatawa tawang kantyaw ni Batch kaya binatukan siya ni B2.

“Heh! Manahimik ka nga diyan.”

“Pero seriously anong nangyari sa inyo at okay na kayo ulit?” Tanong ni Buzz.

“Nakapagisip isip lang kasi kami ng maayos matapos kaming masabihan ng tanga.”

Napangisi si Art sa narinig. “Sino nagsabi sa inyo niyan at bibigyan ko ng reward?”

Napatingin saglit si Sakuragi at Kambal kay Sky na busy sa pakikipaglaro ng kung ano kay Rain sa ipad nito.

“Sikretong malupit. Hehe…” Sabay na sabi ng magbestfriend.

“Sus! O tapos ano? Yun lang sinabi sa inyo?” Tanong ulit ni Buzz.

"Hindi. Basta samin na lang yung mga sinabi niya."

Akmang babalik na sa pagtetext si Chickboy nang may maalalang itanong. "Eh kumusta naman yung pinagaawayan niyong babae?”

“Ayun, nalaman naming kalahi mo pala.” Sagot ni B2.

"Tsk. Sabi ko na nga ba. Lakas talaga pakiramdam ko sa mga kalahi ko. Hahaha…"

"At talagang proud ka pa ah." Asik ni Sakuragi dito.

“Siyempre naman. Be proud of what you are, ika nga. Haha…”

“Paano niyo pala nalaman na kalahi ng mokong na ‘to ang mga yun?” Tanong ni Art na nginuso pa si Chickboy. Binelatan lang naman siya nito.

Si B1 ang unang nagkuwento. “Kahapon kasi tinawagan ko siya para makipagkita.”

“Pero sabi niya ay may sakit siya kaya hindi siya puwedeng lumabas.” Dugtong ni B2 at nagsalitan silang nagsalita.

“Sinabi ko pa ngang puntahan ko na lang siya sakanila pero ayaw niya dahil magpapahinga na daw siya.”

“Wala naman akong magagawa kundi sundin na lang sinabi niya at inisip na saka ko na lang siya kausapin kapag magaling na siya.”

“Teka teka muna. Parang ang gulo. Sino ba sa inyo ang gumawa ng sinasabi niyo?” Naguguluhang tanong ni Sakuragi.

“Ako. Kami.” Sabay nilang sabi.

Napataas ang kilay ni Buzz. “So pareho kayong ginawa yun at isa lang ang sinabi niya sa inyo?”

“Ganun na nga.”

“O tapos anong nangyari?”

“Since ganun nga nangyari ay napagpasyahan na lang naming magpunta sa mall.”

Napangisi si Chickboy sa naisip. “Kayo na lang nagdate?”

“Heh!” Sita ni B2 dito saka pinagpatuloy ang kuwento. “Ayun. Eh di nagpunta nga kami ng mall. Hindi namin akalain na makikita namin siya dun na may kasamang lalake at ang sweet pa nila sa isa’t isa.”

“Talaga? Anong ginawa niyo?” Anito at parang mas na-excite malaman ang sunod na nangyari.

“Nilapitan namin siya at nung binati namin ay agad siyang namutla at hindi nakapagsalita.”

“Anong dinahilan niya sa inyo?” Tanong ni Batch.

“Hmm… Wala naman na. Pagkabati namin sakanya eh iniwan na namin siya dun kasama yung bagong lalake niya.”

Napapalo sa desk si Sakuragi. “Ang hina niyo naman pala. Bakit hindi niyo kinompronta para malaman ng lahat kung anong klase siya.”

“Di na kailangan. Kahit papano naman eh babae pa rin yun kaya hinayaan na lang namin.”

“Naks naman. Bait naman ng mag-bestfriend.” Ani Art.

“Tsk. Ganun talaga ang mga guwapo. Hindi kailangang maging bitter. Haha…”

Sumangayon agad si Chickboy dito. “Tama ka diyan. Mga pangit lang ang nagiging bitter. Di ba Sakuragi?”

“Huh? Ewan ko sayo. Ako na naman nakita mo.”

Nagtawanan ang lahat.

“Ayy Sky!” Sabi ni B1 at nilapitan nilang dalawa ito.

"O bakit?" Sagot nito na hindi tumitingin sakanila at busy pa rin sa paglalaro.

“Wala naman. Tignan mo bati na kami.”

Napatingin ito sakanila at binigay muna kay Rain ang ipad. “Wow congrats. Buti naman. Akala ko tuluyan na kayong magbebreak eh. Hehe…”

 

“Anong break? Sky talaga. Nahawa ka na sa chickboy na yun.”

“Haha di naman. Ayy since bati na kayo, ipapanood ko sa inyo ang naging suntukan niyo ng Friday.”

“Huh? Talagang vinideo mo kami?”

“Siyempre naman. Kailangang may record ang pinakaunang away niyo. Eto kopyahin niyo kung gusto niyo.”

At pinanood nga nila ito. Nagtatawanan pa sila kapag sumasablay ang tama ng isa sakanila. Nakigulo na rin si Grey sakanila kaya lalong nagkantyawan. In-announce naman sa intercom na may meeting ang faculty kaya wala pa silang teacher at tuloy ang katuwaan.

*Tok tok tok…

May biglang kumatok kaya pinagbuksan ni Sakuragi ng pinto.

“Amber!” Excited na sabi ni Rain at lumapit dito. Bumalik na sa kumpulan si Sakuragi sa pag-aakalang si Rain ang pakay nito.

"Hi Rain." Patingin tingin sa loob na bati nito sakanya.

“Anong ginagawa mo dito? Dinadalaw mo ba ako?”

“Ah hindi. May kailangan lang akong ibigay kay…”Napatigil ito sa sasabihin at napako ang tingin sa isang estudyanteng nakasalamin. Napakunot noo itong nakatingin pa din dito.

"Amber. Bakit?"

"H-ha? Ah ano… andiyan ba si Jin?”

“Huh? Sinong Jin? Si Cloud?” Takang tanong niya.

“Anong kailangan mo kay Prime?” Sabat ni Sakuragi nang marinig ang binanggit na pangalan.

“May ibibigay lang ako.”

“Ano yun? Akin na, ako nang magbibigay.”

“H-hindi pwede. Sakanya ko lang daw ito dapat ibigay.”

“Ha? Ah sige sandali lang.”

"Ano ba yung ibibigay mo sakanya? Bakit ako wala ka ibibigay?”Nakapout na tanong ni Rain.

Hindi pa nakakasagot si Amber nang lumapit na ang nakakunot noong si Red.

"Rain, halika na dito." Tawag ni Sky dito.

"Huh? O-okay." Nagaalinlangan pang sabi ni Rain at bumalik na sa tabi ni Sky pero napapatingin pa rin siya kina Amber.

Lumayo sa pinto si Amber at pumunta sa locker area. Sumunod na lang si Red.

“Anong kailangan mo?” Bakas ang iritasyong tanong niya dito.

“A-ano k-kasi…”

“Ano ba? Bilisan mo nga. Sinasayang mo oras ko.”

Biglang inabot nito ang isang black na sobre nang hindi nagsasalita.

“Ano ‘to?”

“I-ibigay ko daw yan sa’yo. I-importante daw.”

“Sino nagpabigay nito at bakit sa’yo pinabigay?”

Umiling lang ito habang nakatungo. “S-sige, yun lang. Alis na ako.” Sabi pa nito at tumakbo na paalis.

“Tch.” Inis na binulsa lang niya ang sobre saka pumasok na ng classroom. Pagkaupo niya ay agad na nagtanong si Blue.

“Ano daw kailangan niya?”

“Wala. May binigay lang na sobre.”

“Sobre?”

“Kulay black.”

“Anong laman? Sakanila ba galing?”

“Di ko pa tiningnan kaya di ko alam. After lunch papuntahin mo silang lahat sa Den. Walang mawawala.”

“Ayt.”

Lingid sa lahat ay may hindi na mapakaling miyembro ng Red Scorpion sa upuan niya.

Yun na kaya ang sulat ng Black Mask Gang?

12:30 PM

Rooftop, Classroom Building

High School Campus, Howard University

“Hmmm… Ano kaya yung binigay ni Amber kay Red?”

*Blank Mode On

“Kelan ka pa naging close sakanya?”

“Ah? Siya kasi yung naging tour guide ko nun. Kaya ayun lagi ko na siyang nakakausap. Ambaet niya nga eh.”

“Huwag ka masyado maglalalapit sakanya. Baka mamaya mauwi pa sa kung ano yan.”

“Bakit Sky? Ayaw mo ba siya para sa akin?”

Tinignan lang siya nito at hindi umimik.

“Aaahahahaha… Ibig kong sabihin ayaw mo ba siyang maging friend ko?” Nagkakamot sa ulong bawi niya.

“Walang problema kung kaibigan lang pero hindi ka pwedeng mahulog sakanya.”

Natahimik siya sandali.“Uhmm o-okay. F-friends lang talaga kami."

Tumingin sakanya ito at napailing. Kapagkuwa’y binaling ang tingin sa ibang direksiyon. Nakita nito ang bagong kaklase na parang nagtatago sa isang puno sa may parteng gubat ng school.

“May ipapagawa pala ako sa’yo.”

“Ha? Ano naman yun?”

“Bantayan mo yung bagong kaklase natin.”

“Bakit Sky? May ginawa ba siyang masama sa’yo?”

“Wala. Basta pamilyar siya sa akin, di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Saka masama ang pakiramdam ko sakanya.”

“Hmm o sige.”

*Blank Mode Off

“Hayy ang boring naman dito. Tara dun kay Cloud. Guluhin natin siya. Hehe…”

“Sige sige!” Excited na sang-ayon ni Rain at pumunta na nga sila sa office nito.

Red Scorpion Den

High School Campus, Howard University

”Tarantado ka! Paano mo nagawang suwayin ako?”Galit na sabi ni Red at sinuntok ng malakas si Tol. Tumilapon ito sa sahig dahil sa lakas ng impact ng suntok niya. Nagdugo din agad ang bibig nito at nakaramdam ng konting hilo. “Sa tingin niyo ba kapakanan ko lang ang iniisip ko kung bakit ayaw kong sumali sa lecheng samahang yun?” Sigaw ulit niya at akmang susuntukin na naman ito nang pigilan siya ni Blue.

“Tama na Red. Baka mapuruhan mo siya.”

“Talagang pupuruhan ko yang gagong yan kapag hindi siya umayos.” Angil niya sabay talikod at pumunta sa sofa habang pilit pinapakalma ang sarili. Pag-upo niya ay tumungo siya at menasahe ang pagitan ng mata.

Binalingan naman ni Blue si Tol. “Arwin, ano ba ang nangyari at ginawa mo yun? Alam mo naman ang kapalit nito kapag nagkataon di ba?”

“Paano kasi, dinadaan lahat sa init ng ulo.” Ani Sakuragi kaya sinamaan siya ng tingin nito.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko Jiro."Sita ni Blue saka binalingan ulit si Tol. "Kung nagkataon pa lang natuloy ang paglaban ko sa mga Skull Rider eh wala na ring kuwentang nagsakripisyo akong lumaban mag-isa para di tayo mapilitang umanib dahil may record ka na pala sakanila. Nagawa mo pa talagang itago ito sa amin."

"S-sorry. Natakot lang naman ako sa magiging reaksiyon niyo kapag nalaman niyo yung ginawa ko. H-hindi ko lang napigilan ang sarili kong lumaban nung mga panahong yun.”

“Hindi mo napigilan o hindi mo pinigilan? Alam ko ang ugali mo, masyadong maikli ang pasensiya mo at madaling mag-init ang ulo mo. At yan ang magpapahamak sayo, sa atin. Kaya pag-aralan mong kontrolin yan.” Tumigil siya sandali sa pagsasalita at nang makapag-isip ay muling nagwika. "Alam kong yang hilig mo sa pakikipaglaban ang pangunahing dahilan mo sa pagsali sa gang na ito noon pero dapat mo ring isiping iba na ang sitwasyon ngayon. Kung ayaw mong sumunod sa sinasabi namin ay malaya kang umalis sa grupo. Hindi namin isusugal ang kapakanan ng nakararami para lang mapagbigyan ang hilig mo." Kalmado pero mabigat ang salitang binitawan niya.

Nagulat ang mga miyembro sa narinig at hindi makapaniwalang napatingin sakanya. Hindi nila akalaing sakanya pa na laging mahinahon manggagaling ang mga salitang yun.

Hindi rin agad nakapagsalita si Tol na nakaupo pa rin sa sahig at nakatungo. Pero ilang saglit lang ay umimik na din ito. “H-hindi ko na uulitin Boss. Ayokong umalis sa gang.”

"Siguraduhin mo lang dahil sa oras na inulit mo pa ito ay alam mo na ang magiging kapalit."

“Oo Boss.”

“O sige na, bumalik na kayo sa classroom. Malapit na mag-time.”

Umalis na nga ang mga member ng Red Scorpion Gang pagkasabi nito.

“Teka lang. Alam kong hindi ako magaling sa Math pero may naisip lang ako. Di ba hanggang tatlong offense ang binibigay nila at pag lumagpas dito ay dun ka pa lang nila pipiliting sumali?” Tanong ni Grey na kanina pa pala iniisip ang bagay na ito. Nahuli kasi siyang dumating at nadatnan na lang niya ang galit na si Red na sinisigawan si Tol.

“Oo, tatlong offense mula sa tatlong miyembro ng isang non-member gang.”

“O eh bakit sinabi mong balewala na din pala yung pagsasakripisyo mong lumaban mag-isa nun if ever natuloy yun. Si Arwin lang naman ang nakagawa ng offense kaya may dalawa pa tayo.”

“Dahil sa daming beses na ginawa yun ni Arwin, dagdag mo pa yung ginawa niyang pagtatago at hindi pagbibigay kay Red ng sulat ay ginawa na nilang dalawa yung offense niya.”

“Dalawa? Eh di may isa pa dapat tayo.”

“Wala na din yun. Sa isang laban ni Arwin ay kasama niya noon si Daniel. Although sinipa lang daw niya yung isa nun para iligtas si Arwin, still lumaban pa rin siya.”

“Aahhh… So hindi na talaga pwedeng makagawa ng offense ang kahit isa sa atin?”

Tumango lang si Blue at bumaling kay Red. “Red ayos ka na ba?”

Hindi ito umimik kaya nilapitan niya ito at tinapik.

“Ihanda niyo na ang sarili niyo.”

Napakunot-noo si Grey sa sinabi ni Red. “Ihanda saan?”

 

“Malakas ang kutob kong hindi dito magtatapos ang lahat. Lalo na isang pagkakamali na lang ng isa sa atin ay tuluyan na tayong mapapasama sakanila.”

“Ibig mong sabihin malaki ang posibilidad na maging kasapi na tayo ng Gangster Community?”

Tumango ito.

“Hindi nga malayong mangyari yang iniisip mo. At sa oras na mangyari yun ay alam kong dadagsa ang mga maghahamon ng laban sa atin.” Sangayon ni Blue.

Napaisip si Grey. “Hmm… Oo nga no? Dapat pala magsanay na ulit tayo. Baka nangangalawang na tayo.”

“Tsk. Naexcite ka pa talaga sa lagay natin. Kaya maraming pasaway na miyembro eh, nagmana sila sa’yo.”

“O-oi. Alam ko namang kontrolin sarili ko ah.”

"Psh. Tara na nga din sa room. Time na.”

Naglakad na nga palabas ang dalawa nang mapansin ni Blue na hindi sumunod si Red.

“Di ka papasok?”

 

 

“Hindi. Dito na lang ako.”

 

 

“Okay. Ikaw ang bahala.”

Nang makaalis ang dalawa ay nagsalita si Red.

“Lumabas ka na diyan.”

Atubiling lumabas si Tol mula sa pinagtataguan.

"Narinig mo ang pinag-usapan namin?”

“O-oo Prime. Pero di ko sin-“

“Oras na ikaw ulit ang maging dahilan nun ay siguraduhin mong wag ka nang magpapakita sa akin.”

Gulat na napatingin ito sakanya na nakapikit lang habang sinasabi ito.

“Nagkakaintindihan ba tayo?”

 

 

“O-oo Prime.”

 

 

“Sige. Makakaalis ka na.”

Tuluyan nang umalis si Tol. "Antanga tanga mo talaga Arwin!" Sigaw niya at pinagsusuntok ang punong nadaanan. Nang mapagod ay sinipa pa niya ito ng malakas at umalis na.

Pagkaalis niya doon ay saka naman lumabas ang isang estudyanteng nakasalamin at may tinawagan sa cellphone.

Black Mask Gang Hideout

“Sigurado ka ba talaga sa ginawa mong desisyon tungkol sa offense ng Red Scorpion Gang Uno? Akala ko ba hangga’t maaari ay ayaw mo silang mapabilang sa Gangster Community?” Tanong ni Dos kay Uno.

“Kung ako lang ay ayaw ko talaga. Mahihirapan tayo sakanila, siguradong marami ang maghahamon sakanila ng laban dahil sa reputasyon nila noon. Mababalewala ang mga pagsisikap nating mabawasan ang mga walang kuwentang labanan sa pagitan ng mga gang. Baka mas lalong dumami pa ang sumaling gang kapag nagkataon.”

“Yun naman pala. Bakit di mo na lang binalato yung isang offense para mas malaki ang posibilidad na di sila magiging kasapi.”

“Hindi ko pwedeng gawin yun dahil nagreklamo yung nakalabang gang nung Red Scorpion member. May nagtip din sakanila tungkol sa hindi nito pag-aabot ng sulat sa leader nila.”

Natigilan si Quatro sa ginagawa at naisip ang naging engkuwentro sa mga ito. “Nagtip? Hindi kaya yung leader ng Red Phyton ang gumawa nun?”

“Bakit mo nasabi?” Ani Dos.

“Para kasing nakita ko siya sa labas ng building nung may encounter ang Skull Rider at Red Scorpion.”

Nag-angat ng tingin si Cingko mula sa laptop at isinatinig ang hinala. “Posible kayang gusto nilang sumali ang Red Scorpion sa Gangster Community?”

“Para saan naman? Para kalabanin? Gusto ba nilang angkinin ang teritoryo ng Red Scorpion? Parang wala namang kuwenta yun dahil di naman sila dun nag-aaral." Sabi ni Sais.

"Sa tingin ko may mas malalim na dahilan pa dun. Hindi lang ito basta tungkol sa teritoryo.” Wika ni Uno.

Napataas ang kilay ni Quatro. “Ano naman kaya yun?”

Nagkibit-balikat lang ito. “Tres, kamusta ang pinapagawa ko sa’yo?”

 

“Wala pang masyadong development. Nung ni-research ko ang identity niya ay nalaman kong sa patay na tao pala yung ginagamit niya. Kaya humahanap pa ako ng ibang paraan para makilala ko siya.”

“Okay. Report mo lang kaagad sa akin anumang malaman mo.”

“Ayt Uno.”

“Yung mga bagong trainees pala ng Company kumusta? Ipapalit ba sila sa atin?”

“Hindi Uno, pinapahandle lang muna sila sa atin para sa karagdagang training. Pero alam ko sa investigation ang department nila. Bakit Uno? Natatakot ka bang palitan nila tayo?" Sagot ni Cingko.

"Hindi ako natatakot."

"Kung ganon, gusto mo nang tumigil sa ginagawa natin?” Tanong ni Dos.

Hindi agad ito nakaimik kaya nagkatinginan ang lahat.

“Hindi. Hindi ako magku-quit. Hangga’t hindi desisyon ng Company ay hindi tayo titigil sa misyon na binigay sa atin.”

Tumango ang lahat at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

___________________________________________________________________________

A/N: Okay, so pati pala mismong Black Mask Gang ay ayaw isali ang Red Scorpion Gang sa Gangster Community. Hmm...Sa tingin niyo mapapasali sila o hindi?

Si Tol pala ang tinutukoy nila Quatro at Sais noon. Ano kaya ang mangyayari kapag sumuway na naman siya kay Red?

Kamusta naman si Rain at parang may gusto pa ata siya kay Amber? tsk tsk...

Anyare naman kay Sky at ngayon lang napansin ang bagong classmate nila. Bakit kaya hindi niya man lang ito binigyan ng alyas? Ano kaya ang papel ng character na ito?

And for Grey, hay wala na akong masabi sayo. T_T

Author signing off...

Continue lendo

Você também vai gostar

47.5K 730 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
76.1K 2.2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
30.1K 1.5K 33
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...