King Brothers

Von my_love_letter

832K 33.7K 1.4K

King Brothers, these boys are well known at school as the cuties brothers/athlete and campus heartthrobs. Dam... Mehr

King Brothers - PROLOGUE
King Brothers - 1
King Brothers - 2
King Borthers - 3
King Brothers - 4
King Bothers - 5
King Brothers - 6
King Brothers - 7
King Brothers - 8
King Brothers - 9
King Brothers - 10
King Brothers - 11
King Brothers - 12
King Brothers - 13
King Brothers - 14
King Brothers - 15
King Brothers - 16
King Brothers - 17
King Brothers - 18
King Brothers - 19
King Brothers - 20
King Brothers - 21
King Brothers - 22
King Brothers - 23
King Brothers - 24
King Brothers - 25
King Brothers - 26
King Brothers - 27
King Brothers - 28
King Brothers - 29
King Brothers - 30
King Brothers - 31
King Brothers - 32
King Brothers - 33
King Brothers - 34
King Brothers - 35
King Brothers - 36
King Brothers - 37
King Brothers - 38
King Brothers - 40
King Brothers - 41
King Brothers - 42
King Brothers - 43
King Brothers - 44
King Brothers - 45
King Brothers - 46
King Brothers - 47
King Brothers - EPILOGUE ❤

King Brothers - 39

12.9K 514 28
Von my_love_letter

Nagising ako mula sa pagpapahinga at masasabi kong maganda pakiramdam ko salamat sa buong araw na pahinga. Sa pag mulat ko ng mga mata ko nakita ko ang best friend kong nakaupo sa silya malapit sa side table ko kaya napaupo ako sa bigla.

"IC, anong ginagawa mo dyan?" Pagtataka ko.

"Masama bang bantayan ang best friend kong malihim?" Okaaay, base sa tono niya.. alam na niya at nag tatampo talaga siya ng malala, base din yun ngayon sa mukha niyang di maipinta.

"IC-"

"Pati ba naman sa pagkakaroon mo ng sakit, ako din ang huling nakaalam?" He seriously said. Hindi ko alam ang sasabihin, ang totoo wala akong maisip na sasabihin. Hindi ko alam kung ano bang dapat sabihin, lalo na't di ko pa alam kung nakapag usap na sila ni Damon. Pero ibang usapan na siguro pag nagtanong siya, syempre kailangan kong sumagot tutal alam naman na niya kaya di na kailangan magtago.

Inayos ko lang yung pagkakaupo at hinarap siya.

"Nagkausap na ba kayo ni D-"

"Hindi pa! Iniiwasan ko siya at ayaw ko din siyang kausapin." Pagpuputol niya sa tanong ko. Oh-wow! Ang pranka niya, hanggang kailan niya kaya iiwasan ang Kuya niya.

"I uh.. see." That's all i can say.

"Ako ba yung first kiss mo o si Kuya?" Biglang tanong ni IC na ikinagulat ko.

I looked down and shake my head. "Si Damon."

He chuckled bitterly. "All this time akala ko ako ang first kiss mo, ang saya ko pa nga eh kahit alam kong nagalit ka pero.. ang tanga ko, hindi pala ako."

"Sorry, hindi ko din kasi alam kung paano sasabihin sayo."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa silya at naglakad papalapit sa'kin. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko.

"Ako nalang panget, hindi kita sasaktan pangako. Nagawa mo na 'kong mahalin noon, alam kong magagawa mo ulit yun at alam kong di nawala yun."

Hinila ko yung kamay kong hawak niya. "IC, i can't im sorry.. Oo mahal kita pero bilang best friend ko."

Kita sa mga mata niya na nasaktan siya sa narinig na sagot ko at unti unting tumulo yung mga luha niya. Shit!

Dali dali ko siyang hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at pinunasan ko ang luha niya gamit ang thumb ko tsaka ko siya niyakap. "I'm sorry, I'm sorry, please wag ka ng umiyak."

Hindi lang siya nag salita at nagpatuloy lang sa pagiyak hanggang sa bumitaw siya sa pagkakayakap ko sakanya tsaka siya tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko.

This time naramdaman ko na din ang mga luha ko na tumutulo sa mga mata ko. Nasasaktan ako sa ideang nasaktan si IC, pero wala akong magawa. Mali! May magagawa pala ako kung susundin kong yung sinabi niyang siya nalang ang mahalin ko, pero di ko naman kayang iwan at bitawan si Damon dahil mahal ko siya.

Bakit ba kasi hindi pa niya noon naramdaman yan? Noong ganun din nararamdaman ko para sakanya? Nakakainis!

Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama at pinunasan ang luha ko.

Nakarinig naman ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko kaya bumangon ulit ako ng kama. Humarap muna ako ng salamin at pinunasan ng maayos yung mga mata kong kakagaling lang sa pagiyak.

Naglakad ako papuntang pinto at pinag buksan ang kumatok, laking gulat ko na makita si Damon dahil kakaalis lang ni IC ibig sabihin may chance na nagkaabot sila.

"Ayos ka lang ba? Nagkita kami sa labas ni Ian at.. umiiyak siya." Tanong niya. So, nagkaabot nga sila.

Yinakap ko agad siya sa bewang niya at tumulo na naman yung mga luha ko. "Anong gagawin natin? Nasasaktan si IC."

"Kakausapin ko siya."

"Paano? Ang sabi niya iniiwasan ka niya."

"Hindi niya ko maiiwasan sa bahay, kakausapin ko siya para sayo my Love wag ka ng umiyak kakagaling mo lang sa sakit."

Pinabitaw niya ako sa pagkakayakap sakanya at hinawakan ako sa magkabilang pisnge. "Magiging ayos din ang lahat." He reassured.

"Sana nga." Ibinaba niya yung kamay niya at this time kamay ko naman ang hinawakan niya. Pumasok siya ng kwarto, hinila niya yung silyang pinagupuan ni IC kanina at nilapit sa kama. Pinaupo niya 'ko sa kama habang siya dun sa silya.

"Anong sinabi niya sayo?" Tanong niya.

"Uh.." Dapat bang sabihin ko sa kanya? Tingin ko dapat lang dahil kapatid siya ni IC at boyfriend ko siya. "..ang sabi niya siya nalang ang mahalin ko."

Napasandal siya sa silya at huminga ng malalim. "Mukhang mas mahirap pa 'to sa iniisip ko, kanina si Sam tapos ngayon si Ian."

"Nagusap din kayo ni Sam?" Gulat kong tanong.

"Oo, kinausap ko siya after ng practice namin. Mas madali siyang kausapin kesa kay Ian."

"Anong pinagusapan niyo?"

"Tungkol sayo syempre, galit siya sa ideang nag lihim tayo, pakiramdam daw niya nag mukha siyang.. tanga."

I sighed heavily. Baka pati siya galit na din sakin. Bakit ba ganito kabigat yung mga nangyayari kung kailan may sinat ako? Pambihira talaga!

"Sorry, naging ganito kakomplikado lahat." He sincerely apologized.

"Hindi rin naman natin alam na magiging ganito kakomplikado eh kaya di mo kasalanan." Hindi naman namin pareho alam na may nararamdaman na din pala si IC sa'kin eh. Huli na ng malaman namin. Si Sam naman, for sure mabilis niyang maiintindihan.. sana nga.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinawakan ako sa magkabilang pisnge. "Aalis na 'ko para makausap si Ian hindi rin kasi ako pwedeng mag tagal dito sa kwarto mo dahil baka magalit si Tita." He bends down and kisses my forehead. "Mahal kita my love."

"Mahal din kita my love." This time labi ko naman ang hinalikan niya.

"Wag ka ng umiyak, okay?" I just nodded to reassured him.

Nag simula na siyang mag lakad palabas ng kwarto habang ako pinagmasdan lang siyang mawala sa paningin ko.

Nag stay lang muna ako dito sa kama ko habang nakaupo at nag iisip ng paraan kung paano ko matutulungan si Damon na maiexplain ng maayos ang lahat kay IC kaso wala naman akong maisip. Mahirap siyang kausapin ngayon lalo na't alam kong nasasaktan pa siya.

Nakarinig ulit ako ng katok sa pinto, nag bukas 'to at nakita ko si Mama. "Sweetheart, pwede ba kong pumasok?" Tanong niya.

"Opo." Sagot ko.

"Ang dami mong bisita mo ngayon ah." Sabi niya habang naglalakad papalapit sa upuan. "May nangyari ba?"

"Uh.. nalaman na po ni IC ang tungkol sa'min ni Damon."

"Kaya ba nakita ko siyang umiiyak?" Nakita pala niya yun, kaya din siguro hinayaan niya si Damon na umakyat dito sa kwarto ko.

"Opo."

"Ayos ka lang ba?"

"Opo ayos lang." I lied.

Kita sa mga mata niya na di siya convince sa sinabi ko. "Kapag gusto mo nang mag kwento, sabihan mo lang ako." Tumango lang ako bilang sagot tsaka ngumiti na din ng bahagya.

She stands. "Tatawagin nalang kita kapag kakain na, mag pahinga ka pa para bukas ayos na talaga pakiramdam mo." Utos niya. I don't think makakapag pahinga talaga ako ng maayos nito ngayon, lalo na't masyadong madaming iniisip.

Iniwan na 'ko ni Mama sa kwarto ko at tulad nang gusto niya ipinahinga ko yung katawan ko pero yung utak ko naman walang pahinga sa kakaisip at pagaalala. Nagalala ako sa planong pagkausap ni Damon kay IC, sana naman hindi sila mag suntukan tulad nung paguusap ni IC at Sam.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinext si Damon..

** My Love, itext mo 'ko kung anong mangyayari sa paguusap niyo ni IC. **

Alam kong di siya mabilis na makakapag reply dahil paniguradong nag mamaneho palang yun pauwi. Pero kahit ganun nag hintay pa din ako ng reply niya hanggang sa finally nakareceived ako ng text mula sakanya na inabot din ata ng lagpas kinse minutos.

** I will pero sa ngayon di pa kami nag uusap dahil hindi siya dumiretso sa pag uwi dito sa bahay. **

Saan naman pupunta yun?

--

Keep voting babies. ☆

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2K 251 9
Sa aking obrang Panulaan ng Buhay(Poetry of Life), naibabahagi ko ang aking pagkamulat sa mga kaganapan o nangyayari sa ating mundong ginagalawan. Tu...
142K 3K 99
Psychology facts,tips and sign about love, dream, people and etc. Chapter 1-25 : Fact about love, dream, people and etc. Chapter 26-35:Sign about...
1.1M 27.1K 62
[COMPLETED] [WINGSTONE Series #1] Zia Park. Isang certified good girl. Mula ng mamatay ang kanyang magulang ginugol nya ang kanyang oras at panahon...
3.5K 257 31
Where a complete opposite sexuality loves the other one. Sinong Mag-aakala na isang babae ang maiinlove sa isang bakla. Pano nga ba nangyari yon? I...