Akira Morrin's Obsession

By Reileighxx

495K 18K 1.1K

Si Akira Morrin ang ace player ng Morrin University, at tinatawag din na Basketball Princess dahil sa husay n... More

✴ Chapter 1
✴ Chapter 2
✴ Chapter 3
✴ Chapter 4
✴ Chapter 5
✴ Chapter 6
✴ Chapter 7
✴ Chapter 8
✴ Chapter 9
✴ Chapter 10
✴ Chapter 11
✴ Chapter 12
✴ Chapter 14
✴ Chapter 15
✴ Chapter 16
✴ Chapter 17
✴ Chapter 18
✴ Chapter 19
✴ Chapter 20
✴ Chapter 21
✴ Chapter 22
✴ Chapter 23
✴ Chapter 24
✴ Chapter 25
✴ Chapter 26
✴ Chapter 27
✴ Chapter 28
✴ Chapter 29
✴ Chapter 30
✴ Chapter 31
✴ Chapter 32
✴ Chapter 33
✴ Chapter 34
✴ Chapter 35
✴ Chapter 36
✴ Chapter 37
✴ Chapter 38
✴ Chapter 39
✴ Chapter 40
✴ Chapter 41
✴ Chapter 42
✴ Chapter 43
✴ Chapter 44
✴ Chapter 45
✴ Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

✴ Chapter 13

9.5K 387 15
By Reileighxx


Harley

Bagsak ang mga balikat na lumabas ako ng unit at naglakad patungong elevator. Hindi pumunta si Karen na lagi niyang nakagawian noon. Wala rin siyang text kahit isa. Ganon na lang yon? Hahayaan niya lang ako mapunta sa babaeng nakuha lang ako sa isang deal?

Nang marating ang ground floor at makalabas ng condominium building ay naghintay ako ng taxi. Kumunot ang noo ko nang may humintong kulay pulang kotse sa harapan ko. Mas lalo atang hindi gumanda ang araw ko nung lumabas ang may-ari ng kotse.

"Ihahatid na kita."

Hindi ko siya pinansin at hinintay ang papalapit na taxi.

"H-hey!"

Hinawakan niya kasi ang braso ko at pinagbuksan ng pinto sa passenger. Hindi naman ganon kasakit ang paghila niya sa akin.

"Hindi na kailangan." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Twenty minutes na lang, mala-late ka na." Malumanay na sabi niya.

Napapikit ako dahil sa frustration na nararamdaman ko at pasalamat siya ayokong ma-late. Pumasok na ako sa loob at napansin ko pang ngumisi siya.

Habang busy siya sa pagd-drive ay doon ko lang siya napagmasdan at ang suot niya. Uniform ng Morrin University. Kulay blue ang blazer, black necktie, white long sleeves at pati ang above the knee na skirt ay blue rin. Parang wala naman ito ipinagkaiba sa uniform namin. Naiba lang ang kulay dahil gray ang sa amin. Nadapo naman ang tingin ko sa maputi at mahaba niyang mga hita. Iniwas ko ang tingin at saglit na pumikit.

Huminto ang kotse niya sa tapat ng entrance gate ng SU. Bumaba na ako at bakas ang gulat sa mga mata ng mga estudyante nang makita ako. Halata rin ang pagtataka sa kanila habang nakatingin sa pulang kotse na papalayo na. Paanong hindi? Iba ang naghatid sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mabuti na lang ay hindi na lumabas ng kotse si Morrin at umalis din agad. Mas magandang isipin nila na family driver ang naghatid sa akin.

"Harley." Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Diane at kasama niya si Danielle. "Sino yung naghatid sayo?"

"A friend." Sagot ko.

Hindi na siya nagsalita pa kaya nagsimula na kaming maglakad papasok ng school. Humiwalay na ng daan sa amin si Danielle dahil sa kabilang building siya.

Pagdating namin sa classroom ay napatingin sa akin sina Margarette at Elaiza. Umupo ako sa tabi ng upuan ni Diane na hindi nagsasalita.

"Totoo ba ang kumakalat na balita na break na kayo ni Karen?" Nagtatakang tanong ni Margarette.

"Break na kayo?!" Masayang tanong ni Diane kaya naguguluhan na tumingin kami sa kanya. Tumikhim muna siya bago ulit nagsalita. "Bakit kayo nagbreak?"

"Hindi kami nag-break."

Paano kami magb-break kung wala naman breakup na naganap?

"Kalat na sa SU na break na kayong dalawa ni Karen."

"Ha? No." Umiling-iling pa ako sa sinabi ni Elaiza.

Napabuntong hininga si Margarette bago nagsalita. "Si Karen na ang nagsabi na break na raw kayong dalawa dahil gusto niyang mag-focus sa basketball pati na rin sa pag-aaral niya."

Hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon at hindi man lang niya ipinaalam sa akin?

---

Nanghihina ang katawan na humiga ako sa couch nang makauwi sa unit ko. Simula umaga hanggang sa matapos ang kalse ay usap-usapan ang breakup namin ni Karen. Marami rin nagtatanong sa akin kung bakit o ano raw ba rason. Dahil nung isang araw ay nakita lang daw nila na sweet pa kami sa isa't isa.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ng suot na palda, nang maramdaman ang vibration nito sa hita ko. Naka-receive ako ng message galing kay Karen.

Hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo. Sa muling paghaharap naming dalawa? Babawiin kita sa kanya.

May lungkot na napangiti ako. Mahal niya nga ako pero hinayaan niyang mapunta ako sa iba. I thought you love me? Kagaya pa rin ba noon na ililigtas mo ako?

Mula sa pagkakahiga sa couch ay umupo ako para hubarin ang suot na blazer. Hinubad ko na rin ang necktie ko. Maliligo na muna ako para mabawasan ang stress na nararamdaman ko.

Nung matapos ako ay naghanda na ako ng dinner. Hindi ako pwedeng mag-skip. Kakalapag ko pa lang ng plato na gagamitin ko nang marinig ang buzzer sa pinto. Naglakad ako patungo roon para buksan ang ito. Ang unang bumungad sa akin ay ang asul niyang mga mata.

"Hi?" Bati niya pero walang emosyon akong nakatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?"

Kahit pa break na kami ni Karen ay hindi ibig sabihin non ay pumapayag na ako maging girlfriend niya. Kagabi ko nga lang siya unang nakilala.

"Binibisita ka, bawal ba?"

"Oo dahil hindi naman kita kilala. So, please lang tigilan mo na ako."

Hindi siya nagpaapekto sa sinabi ko. "Ngayon ay akin ka na. Sa tingin mo ay titigil pa ako?"

"Hindi ako sayo at hindi mo rin ako pag-aari."

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Sorry sa ginawa ko."

"Too late dahil break na kaming dalawa ni Karen." Isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ako.

"Break na kayo?" Natatawang tanong niya. Masama akong napatitig sa kanya dahil natutuwa pa siya. "Hindi halatang broken hearted ka. Di ba dapat umiiyak ka?"

Napatigil ako at napaisip sa sinabi niya. May point siya. Dapat umiiyak ako ngayon. May kirot pa rin sa dibdib ko ang nangyari sa amin ni Karen pero hindi iyon sapat para umiyak ako.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong niya habang nakalabi.

"Umuwi ka na lang." Pagmamatigas ko pa.

"But... pumunta ako rito para makasama ka kahit kalahating oras lang." Malungkot pa rin ang tono ng boses niya.

Naawa naman ako dahil mahahalata ang pagod sa mga mata niya. Napansin ko rin na namumula pa ang gilid ng labi niya. Naalala ko na naman kung paano siya itinulak ni Karen at pagsusuntukin.

Nakasuot siya ng itim na jacket at plain t-shirt sa loob. Familiar ang jacket na yan sa akin. Kanina ko pa napapansin na nakatago sa likod ang kanang kamay niya. Mukhang napansin niya na nakatingin ako ron.

"Bago ko makalimutan..." Mula sa pagkakatago ng kamay niya sa likod ay ipinakita niya sa akin hawak niya. Isang white rose.

"A.M ?" Ito agad ang unang lumabas sa bibig ko. Kinuha ko na rin ang inabot niya.

Hindi siya sumagot pero sumilay ang isang maliwanag na ngiti sa mga labi niya pero ilang sandali ay napangiwi siya. Dahil ata sumakit ang sugat sa gilid ng labi niya.

A.M.?

Akira Morrin....

Hindi makapaniwala na nakatitig ako sa kanya. Kinuha ko sa bulsa ng short ko ang phone para mag-dial ng isang number.

Nakarinig ako ng tunog mula sa taong nakatayo sa harapan ko. Agad niyang kinuha ang phone sa bulsa ng jacket niya. Mahina siyang natawa habang nakatingin sa screen ng phone niya.

"I-ikaw si A.M.?" Hindi pa rin makapaniwalang nakatitig ako sa kanya.

"Ako nga," Ngumiti siya at lumapit ng kaunti sa akin. "Hindi mo man lang ba ako iimbitahang pumasok? Ang girlfriend mo."

Napasimangot ako dahil ayan na naman ang word na girlfriend. Hindi pa ako sumasagot pero pumasok na agad siya sa loob. Sinundan ko siya nang maisara ko ang pinto. Umupo siya sa couch at feel at home na siya agad dahil nakapatong sa coffee table ang dalawang paa niya.

"Inilalagay mo pala sa vase ang mga bulaklak na binibigay ko?" May himig ng saya ang boses niya habang pinagmamasdan ang white roses na nasa vase.

Umupo ako sa couch na katapat lang niya at nagcross arm. "Bakit?"

Napatingin naman siya sa akin. "Ha? Anong bakit?"

"Bakit mo 'to ginagawa."

Seryoso ang mga mata na nakatingin ako sa kanya. Umayos siya ng upo at tinitigan ako sa mga mata. Ako ang unang nag-iwas ng tingin dahil may kakaiba akong nararamdaman kapag nakatitig ako roon ng matagal.

"Dahil gusto kita at lahat ng gusto ko ay nakukuha ko."

Hindi ko mapigilang mainis sa sinabi niya. "Morrin, hindi ako laruan para agawin mo kay Karen ng ganon-ganon lang." Masakit at parang nasaktan ang ego ko dahil sa ginawa nilang dalawa. Para lang akong laruan na pinagpustahan nila.

"Fine, alam kong mali ang ginawa ko." Tumayo siya at ipinatong sa ibabaw ng coffee table ang mga palad niya at naglean forward palapit sa mukha ko. "Masisisi mo ba ako? Nagmamahal lang ako."

Napapikit ako ng madiin dahil nalulunod ako sa asul niyang mga mata. "Pero hindi pa rin sapat iyon para agawin mo ako kay Karen sa ganong paraan."

"I'm sorry."

Sumandal ako sa couch bago nagmulat ng mga mata. Nandon pa rin siya at pinagmamasdan ako. Nararamdaman ko na sincere ang paghingi niya ng tawad.

Ako na ang unang nag-iwas ng tingin sa kanya. "Kumain ka na ba?" Tumayo na ako at nagsimulang maglakad patungo sa kitchen. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.

"Nope."

"Let's eat."

Ito naman ang matagal ko nang gusto di ba? Ang makilala ang nasa likod ni A.M. Nasa harapan ko na siya mismo at sinasabing girlfriend ko raw siya.

Kumuha ako ng gagamitin niya at napansin na ang lawak ng ngiti niya. Hindi ko na lang inintindi at ibinigay sa kanya ang plato, spoon at fork.

"Ikaw ang nagluto nito?" Tanong niya habang kumain. Tango lang ang isinagot ko.

"B-bakit ka lumipat?" Tanong ko nang umupo siya sa tabi ko.

"Kasi gusto kitang makatabi at ito ang unang beses na sabay tayong kumain." Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya.

"And I hope this is the last."

"Harley..." Nahinto ako sa pagsubo dahil may kakaiba akong naramdaman sa tuwing ibinibigkas niya ang pangalan ko. "Don't worry liligawan kita pero girlfriend pa rin kita." Parang wala lang na sabi niya.

"Ano? Manliligaw ka pero girlfriend mo 'ko?" Gusto kong matawa sa kanya.

"Para wala ka nang kawala sa akin."

Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko.

Nung matapos kaming kumain ay ayaw niya pang umuwi pero, nagdahilan na lang ako na inaantok na at gusto ko nang matulog.

"Susunduin kita bukas."

"No." Kumunot naman ang noo niya sa sagot ko. "Fresh pa ang breakup namin ni Karen sa university."

Mataman naman niya akong tiningnan "okay." Sagot niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag. "Pero dito lagi ako tatambay sa unit mo."

"Ano?! Hindi pwede."

"Madali naman akong kausap, Harley." Tumalikod siya at humakbang ng mabagal. "Pupunta ako sa school niyo para ipagsigawan na girlfriend kita."

"Oo na, just... behave kapag nandito ka."

Humarap siya at lumakad palapit sa akin para yakapin ako. Nabigla ako sa ginawa niya kaya walang naging reaction ang katawan ko.

"Goodnight and I love you." Bulong niya at kumalas na sa pagkakayakap sa akin. Wala ako naging tugon at nanatiling tahimik.

Umalis siya na may ngiti sa mga labi dahil naisahan na naman niya ako.

Sa totoo lang? Mahilig siya sa blackmailing.

---

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
946K 32.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
376K 26.6K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...