Cold-blooded Hunter (gxg) Mik...

Oleh iM_jho19

76.4K 2.3K 812

Vampire-hunter A heartless hunter who kills vampire without mercy. A hunter who kill even a 5 years old girl... Lebih Banyak

CH
chap. 1
chap. 2
chap. 3
chap. 4
chap. 6
chap. 7
chap. 8
chap. 9
chap. 10
chap. 11
chap. 12
chap. 13
chap. 14
chap. 15
chap. 16
chap. 17
chap. 18
chap. 19
chap. 20
chap. 21
chap. 22
A/N

chap. 5

2.8K 106 27
Oleh iM_jho19

Alyssa's on her way to the parking lot when her phone starts to ring. Kinuha niya ito sa bulsa ng pantalong suot. Nagtatakang tiningnan ang aparato.

Hindi niya kilala ang number pero sinagot niya parin ito ng hindi nagsalita.

"Yow Ly. Kim pala to." Bungad nito sa kanya.

"Yes?" Amg maiksing sagot ni Alyssa.

"Hmm, paano ba to." Nahihiya pa nitong sabi sa kabilang linya. "Pwede ba kitang mayaya? Diba magkaibigan na tayo?"

Tumingin si Alyssa sa relo. Tapos niya na rin ang papel para sa opisina at school works niya kaya pwede na rin. Parang may problema kasi ang boses ni Kim sa naririnig niya.

"Sure. I'll text the address. Bring food." Yun lang ang sabi ni Alyssa at nag okey naman si Kim at binaba na ang tawag.

Bago pa sumakay si Alyssa sa motor niya, tenext niya muna ang address ng bahay niya kay Kim. Hindi niya naman kasi pwedeng papuntahin sa bahay nila Den kasi palagay niya kailangan nito ng kausap at magulo si Den.

Hindi man sabihin ni Kim, matalas makiramdam si Alyssa kaya alam niya may dinadala itong mabigat na problema.

Plano niya talagang pumunta sa bahay niya ngayong araw kaya dinala niya ang motor niya. Gusto niya ring pumunta pa sana sa opisina niya, pero tinatamad na rin siya. Basta tapos niya na ang kailangang tapusin.

At dahil malapit lang sa pinapasukan ang bahay, mas nauna siyang nakarating doon kaysa kay Kim na siguradong bumili nga ng pagkain.

Pagkababa at pagkapark ng motor pumasok agad siya at nagwalis ng kaunti. Hindi niya kasi nalinis ang bahay noong huli niyang punta sa kamamadali.

Nilibot niya ang paningin at doon niya napansing kailangan niyang bumili ng ibang gamit. Halos kompleto naman na lahat pero gusto niya kasi may tanim sa loob ng bahay at painting ng mga landscape na parang mansyon lang nila.

Mas palagay niya kasi nasa bahay lang ng lolo niya siya pagganun. Kahit kasi homey ang bahay nila ni Den, mas iba parin ang bahay nila ng lolo niya kahit dalawa lang sila kasama ang ibang hunter. Iba ang sayang dulot non sa kanya kahit hindi man makita sa mukha niya.

Nang matapos siya at wala pa si Kim, umakyat muna siya para maglinis ng katawan. Naligo ng mabilisan at nagpalit ng simpling shirt at short na ipumabot hanggang tuhod.

Pagkababa niya ay timing din na may kumatok. Pinagbuksan niya lang ito at tinalikuran. Alam niya ng papasok ito.

"Ly, patulong naman." At doon lang siya napalingon dito.

May dala itong dalawang bag, isa pagkain at isa naman mga chichirya. Sa baba ay may nakalapag pa na beer in can. Nagtataka man si Alyssa bakit may dala itong beer, hindi na lang umimik at binuhat na ang mga lata.

Pumasok na si Kim at nilibot ang paningin. Makikita ang pagkamangha sa mata nito.

"Bahay mo?" Tanong nito.

"Yup." At nauna ng naglakad papuntang kusina.

"Maliit lang pero ang ayos at ang ganda. Pinagawa mo to?" Tanong pa nito na nakasunod kay Alyssa. Mas namangha siya ng makita ang kusina nito.

"Regalo." At nilagay ang beer na dala ni Kim sa ref. Siguradong mamaya niya pa iyon iinumin kasi sa pagkain. Habang si Kim ay lumapit sa lagayan ng pinggan para makahain na ng biniling pagkain.

"Mukhang kulang pa ang mga gamit mo dito." At sinalin ang binili sa lagayang nandoon. Tumango lang naman si Alyssa at naglagay ng iinunim nila.

Pagkatapos ay walang imik silang kumain. Gutom silang dalawa kaya pagkain muna ang inuna.

Pagkatapos ay si Alyssa na ang naglinis sa kusina at si Kim ay naupo na lang sa lamesa at tumitingin sa paligid.

"Kung gusto mo ng kasama mamili ng mga gamit mo dito. Pwede kitang samahan." Presinta pa nito.

"Sige. Text kita pag may time." Sabi ni Alyssa. Medyo humaba na rin kung magsalita si Alyssa dahil nagiging komportable na siya dito.

Maya-maya ay natapos na rin ito kaya pumunta na sila sa sala. Halata sa mukha ni Kim ang problema pero dahil hindi mausisa si Alyssa, hinayaan niya lang si Kim.

"May x-box kaba?" Tanong nito na nakatingin lang sa harapan.

"Nope, I'll buy next time." Sabi ni Alyssa.

"Inom na lang tayo. Walang magawa." Pero bago pa makatayo si Kim ay hinila na siya ni Alyssa papuntang kusina. Kinuha nito ang beer at hinila siya ulit sa likod ng bahay.

Meron doon isang maliit na kubo na may billiard table sa gitna. Gawa sa kawayan ang kubo pero matibay naman.

"Wow. Astig to ah." At kumuha na ng stick si Kim habang inaayos naman ni Alyssa ang bola sa gitna.

Nagbukas naman sila ng tig-iisang lata ng beer. Habang naglalaro ang dalawa, umiinom din sila. Pero panay ang buntong-hininga ni Kim.

"Problem?" Tanong ni Alyssa bago tumira. At ayon. Pasok na naman.

Umupo si Kim at uminom bago nagsalita. "Lovelife ko."

"Bakit?" At tumira ulit.

"Ayaw niya kasi ipaalam sa iba eh. Kaya hindi ko masabi kay Ara at Yeye." At uminom ito ulit. Kaya naman ay naupo narin si Alyssa at uminom. "Anim na buwan na kami sa tagong relasyon na ito."

"Alam naman siguro nila na babae gusto mo ah?" Sabi ni Alyssa na na sinasabayan na si Kim sa pag-inom na bumukas na naman ng isa pang lata.

"Oo sa akin. Nag ka gf na din ako dati eh. Pero sa kanila hindi eh, tapos hindi pwede sa team." Uminom ito ulit. "Tapos ngayon, nagseselos dahil nagpakita ulit ang ex ko." At tumawa ito na lasing na.

Hindi kasi ito sanay uminom sa dahil pinagbabawal sa kanila. Pero hindi niya mapigilan hindi mag pakalasing sa ngayon. At magsabi ng saloobin habang tahimik lang si Alyssa at nakikinig.

"Yung gusto mo siyang hawakan kahit may ibang tao, halikan kahit pisngi lang, mayakap. Hindi mo magawa kasi bawal. May makakakita,magagalit." At tumawa na naman ito habang umiinom. "Tapos ngayon, magagalit siya sa akin kasi eneentertain ko daw ang ex ko. Tapos tinutukso pa ako ng kateamates ko na hindi pa nakaget over sa kanya kasi wala akong bago. Hindi ko naman sila masagot kasi siya din iniisip ko." At umiyak na ito ng tuluyan habang nakayuko. "Mahal na mahal ko siya Ly. Kaya ko naman ipaglaban kung ano meron kami eh. Pero, nahihirapan na ako Ly. Ang hirap umitindi ng paulit-ulit."

Sabi pa nito. At hindi alam ni Alyssa kung paano pagaanin ang loob ng kausap. Kaya tinapik niya na lang ito sa balikat.

Nasa ganun lang silang posisyong hanggang natapos nila ang anim na bote. Tigtatlo sila. At lasing na si Kim pero parang wala lang kay Alyssa.

"Tara. Hatid na kita." Pag-alalau ni Alyssa dito.

"Sige." Yun lang ang sabi ni Kim na sumunod lang sa pagkakaakay ni Alyssa sa kanya.

At sa dahil hindi pwede ang motor niya. Sasakyan ni Kim ang ginamit nila papunta doon sa address na nakalagay sa gps ng sasakyan. Mabuti na lang at meron kasi hindi alam ni Alyssa kung saan ang uuwian ni Kim.

Hindi naman sila nagtagal sa kalsada kasi malapit lang pala ito sa resto na pag-aari niya.

Katamtamang laki ng bahay pero alam niyang hindi lang si Kim ang nakatira doon kasi naririnig niya pa ang kaluskos sa loob. Inalalayan na ni Alyssa si Kim palabas ng kotse papunta sa pintuan ng bahay.

Hindi na siya gumamit ng doorbell at baka magising pa ang iba na tulog na. Kaya naman kumatok siya ng mahina lang kung maari.

Narinig niya ang yapak palapit, at bago niya pa maamoy ito ng maayos, ay bumukas na ang pintuan.

Halos naging tuod ang dalawa ng magtama ang mata nila. Walang gumalaw na parang tumigil ang oras. Silang dalawa lang ang nandon sa oras na yun.

Magkahinang ang kanilang mga paningin. Sa hindi malamang dahilan ay parang na hipnotismo sila sa isa't isa.

Pero napatigil sila ng magsalita ang lasing na Kim. "Mahal." Tawag pa nito.

"Miks, si Kim na ba yan?" Sabi ng isang babae mula sa loob ng bahay.

"Opo." Yun lang sabi ni Mika na nakatingin parin kay Alyssa, na ganun din ang ginagawa.

Napabaling lang ang tingin ni Alyssa sa ibang bagay ng lumabas ang babaeng nagsalita kanina.

Sa paglabas nito ay naamoy niya agad kung ano ito. Isang witch. At amoy ni Kim ang naghalo sa kanya.

"Ano nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong nito.

"Nalasing." At bumaling kay Mika. "Pakidala si Kim sa kwarto niya. Mag-uusap lang kami." Nagtataka man ang isa ay sinunod ang sinabi ni Alyssa.

At dahil sa kukunin niya si Kim sa mga bisig ni Alyssa. Hindi sinasadyang magdikit ang balat nila.

Milyon-milyong boltahe ang dumaloy sa kanilang dalawa na kinasinghap ni Mika pero si Alyssa ay hindi na lang pinahalata.

"Pumasok ka muna." Sabi ng babae ng makaalis na sila ni Mika. Pero umiling si Alyssa at tinitigan ang babae ng matalim.

"Name." Matigas nitong sabi.

"C-cyd."parang takot na sabi nito sa dalaga.

"What is Kim to you? Don't lie." Sabi ulit ni Alyssa na walang emosyon parin.

"Soulmate ko siya." At yumuko ito.

"Bakit?" At parang naintindihan naman nito ang ibig-sabihin ng dalaga.

"Magagalit siya sa akin kung malalaman niyang ano ako. At magagalit ang magulang ko. Ayaw nila sa relasyong ganito." Nakayuko nilang sabi.

"Galit sila sa reyna niyo?"

"Hindi."

"Kung hindi naman pala. Gawin mo ang tama, bago mawala ang soulmate mo." Sabi na lang ni Alyssa kasi dinig niya na ang yapag ni Mika na pababa na ng hagdan.

"Ate Cyd, hinahanap ka po ni Kim." Nakangiti nitong sabi. Habang pasimple namang nagpahid ng luha si Cyd bago tumango at naglakad na paakyat.

Hindi naman napansin ni Mika ang pag-iyak ni Cyd kasi naka tingin na naman ito sa babaeng nasa pintuan parin.

"Ha-halika. Pasok ka. Baka gusto mo ng ka-kape?" Nauutal na sabi ni Mika.

"Hindi na. Hinatid ko lang talaga si Kim." Sabi na Alyssa at handa ng tumalikod ng humarap ulit siya kay Mika na nakabusangot na ito.

Hindi tuloy mapigilan ni Alyssa ang silay ng kanyang ngiti na kinalabas ng tinatago niyang dimple. Na kinangiti din ni Mika na kinapula pa na kitang-kita ni Alyssa kahit madilim na.

"Good night! Kailangan ko ng umalis." Nakangiting sabi ni Alyssa.

"Good night din. Ingat ka, gabi na." Nahihiyang sabi ni Mika.

Ang isang maingay at malikot na Mika ay nagiging mahinhin pag kaharap na si Alyssa. Yan ang isang naging apekto nito sa kanya.

Tumango na lang siya at patalikod na sana ng tinawag siya ulit ni Mika.

"Aly." At sa paglingon niya. Naramdaman niya ang labi nito malapit sa labi niya.

Ang lambot non kahit sa sandali lang dumikit ang labi nito,ramdama niya. Kasi naman, bago pa man makareact si Alyssa ay nakasara na ang pintuan. At wala ng Mika sa harapan niya. Kaya napailing na lang siya na may ngiti sa labi at nag-umpisang maglakad papuntang resto para manghiram ng sasakyang nadoon.

Habang si Mika naman ay pigil sa pagtili. Kaya naman kagat ang mga kuko na naupo sa sahig sa likod ng pintuan.

Hindi niya alam kung ano ang sumanib sa kanya, basta na lang niyang ginawa. At dahil sa kilig at gulat, naisara niya agad ang pintuan.

At sa gabing yun, may mga ngiti sa mga labi ng dalawa habang natutulog.

____________________________________________________________________

Bawi ako sunod. Whole chapter silang dalawa lang.

Merry Christmas!!!

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

209K 2.2K 11
DATE STARTED : DECEMBER 25,2014 DATE FINISHED : DECEMBER 25,2015 SEASON 1
182K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
"SOULMATES" Oleh j.sp

Fiksi Penggemar

114K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
She Devil Oleh cally

Misteri / Thriller

226K 8.2K 44
She sins like the Devil. She loves like the Angel.