Single For Real But Taken For...

By forgetaboutme

8.1K 141 29

Si Andrea ay isang broken hearted at hindi makapag move on sa kanyang past relationship. Kasalukuyan siyang n... More

Single For Real But Taken For Granted
SFRBTFG 1*
SFRBTFG 2*
SFRBTFG 3*
SFRBTFG 4*
SFRBTFG 5*
SFRBTFG 6*
SFRBTFG 8*
SFRBTFG 9*
SFRBTFG 10*
SFRBTFG 11*
SFRBTFG 12*
SFRBTFG 13*
SFRBTFG 14*
SFRBTFG 15*
SFRBTFG 16*
SFRBTFG 17*
SFRBTFG 18*
SFRBTFG 19*
SFRBTFG 20* - FINALE

SFRBTFG 7*

257 7 0
By forgetaboutme

Chapter *7

 

 

 

Past 7 na ng makarating ako ng bahay at nandon ang sasakyan nina Mama. Wow naman almost 2weeks din silang wala dahil sa business trips nila. Miss ko na sila e. excited akong pumasok ng bahay tapos andon sila sa Dining Room. Si mama, papa at kuya. Agad akong lumapit doon at nagbless sa kanila.

“saan ka galing Andrea?” si Mama, parang galit siya. Ahmm

“sa bahay po ng kaibigan ko Ma” kinakabahan ako. Although laging ganito si Mama sa akin di kami close e. >:(

Tapos si Kuya di din kumikibo same with Dad. Waaaaah! Anong kasalanan ko? Kadadating ko lang e. Umupo na ako para kumain na din tapos bakit may Cake. Birthday nino? Binasa ko yung nakasulat. And ohh! its my Ate’s 21st birthday. Kita ni Mama ang shock reaction ko.

“don’t tell me you forgot the birthday of your ate, kanina ka pa naming tinatawagan pero walang sumasagot”

 

“kasi Ma hindi ko po dala yung cellphone ko”

 

“what an excuse Andrea, nag cellphone ka pa kung hindi mo din naman pala gagamitin.”

Tas tiningnan ako ng masama ni kuya, kaharapan ko kasi siya e.

“saan ka ba naman kasi galing? Di ka tuloy nakasama sa sementeryo, hinahanap ka nina Lola.“

It was an ACCIDENT. Yah, an accident na walang nakakaalam kung kailan mangyayari. Diba?

“sa birthday ng kaibigan, sa homesite”

“what homesite? Kelan ka pa nagkaroon ng kaibigan doon Andrea? Tsaka birthday ng kaibigan mo naalala mo pero birthday ng sarili mong ate nakalimutan mo!”

Homesite is a squatter place pero mababait naman ang mga tao doon e. hindi porke nakatira ka sa isang squatter place e masama ka na, hindi ako mapang mata tao. Pero si mama, matapobre siya sa mahihirap. Lumaki kasi talaga si Mama na may magandang buhay. Pero bakit ako diba? Haiiist!

“ma, mabait naman po yung kaibigan ko doon e”

 

“mabait kase may kailangan siya sayo. Peperahin ka lang ng taong iyon Andrea”

 

“ma, hindi naman lahat ng nakatira sa squatter ay masama”

 

“ano ba! Tama na nga iyan, nasa harapan tayo ng pagkain, respeto man lang.” –Dad

“go to your room Andrea, and ayoko ko ng marining pa na pumupunta ka sa ganoong lugar at makikipag kaibigan sa mga taga squatter!”

So ano pa nga ba ang magagawa ko? Kaya ayun pigil ang luha ko habang umaakyat sa room ko. Kasalanan ko pa ba na makalimutan ko ang birthday ni Ate, for Pete’s Sake 12 years ng patay si ate and I’m too young ng mamatay siya. So ayun, mukmok na lang sa kwarto, madalang na lang andito sina Mama tapos mapapagalitan pa ako. Buhay nga naman oh. Kinuha ko na lang ang cellphone ko pagtingin ko 9miss calls lahat kay kuya tapos 2 messages. Yung isa unregistered pa. tapos binasa ko yung message nung unregistered number tapos ang nakalagay lang ay “meet me tomorrow, Michael here”. Sa pagkakaalam ko wala naman akong kilalang Michael e, hinayaan ko nalang sayang din ang load. Baka na wrong send lang.

Tapos, nakahiga lang ako ng maramdaman kong bumukas yung pintuan, nakatalikod kasi sa pinto yung pwesto ko. Tapos naramdaman ko din na umupo siya sa Kama, and it’s Dad.

“Sorry Andrea sa inasal ng Mommy mo kanina“

“no Dad, ako dapat ang magsorry, tama nga naman po si Mommy how could I forget the birthday of Ate Angel.”

 

“wag mo na sisihin ang sarili mo, hindi mo naman ginusto iyon.”

 

Tapos umupo ako at niyakap si Dad, I super miss him.

“ang laki na ng Baby ko”

“pero Dad, kahit tumanda ako Baby niyo pa din ako diba po?“

“oo naman, ikaw lang ang baby kong maganda, aalis na ulit kami bukas umuwi lang kami para i-celebrate yung birthday ng ni Ate Angel mo.“

 

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa yumao kong ate o maiinggit ako. Pero kahit ganun pa man ang dahilan ng pag-uwi nila masaya na ako dahil nakita ko ulit sila although napagalitan pa ako kay Mommy. Masaya ako. Nakayakap pa din ako kay Dad, ayoko muna silang umalis pero kailangan.

“ingat po kayo dad sa mga business trips niyo, kailan po kayo uuwi ulit?“

 

“hindi pa namin alam pero promise sa Christmas andito kami ng Mommy mo”

 

“sige po Dad, pangako yan huh?”

 

“oo pangako, sige matulog kana may pasok ka pa bukas hindi ba? Tsaka maaga kami aalis ng Mommy mo, baka hindi mo na kami maabutan pag gising mo“

“sige dad, good night po”

 

“good night din baby”

Tumayo na si dad at umalis na. naiiyak na naman ako, bakit ba nakapa iyakin kong tao, masakit kaya sa mata. Hayyyy! Humiga na lang ako ulit. Nasabi ko na ba sa inyo na hindi ko nakasama last Christmas ang mga parents ko? Busy silang masyado, or should I say mas marami pang beses ang ako lang mag isa kesa kasama sila. Si kuya lang madalas kong kasama.

…..

Nakatulog pala ako, pag check ko sa alarm clock ko, 5:30 am na, malamang wala na sina Daddy kasi ang sabi niya maaga silang aalis. Pagbaba ko sa kusina busy sa pagliligpit ang mga katulong.

“Yaya, si Kuya andito pa ba?”

 

“ay wala na siya, sumabay na siya kina Ma’am at Sir”

 

“a ganun po ba? Paghanda niyo na po ako ng makakain para pagbaba ko pagkatapos maligo ready na”

 

“o siya sige, maligo ka na”

 

So, umakyat na ako sa kwarto ko para makapag ready na papunta sa school. As usual lagi na lang ganito, si Kuya kase nagbo-board siya malapit sa school na pinapasukan niya, siguro pag nag college ako makakasama ko na siya kase balak ko din mag aral sa school na pinapasukan niya. Atleast doon kasama ko na siya.

-----------

Love Love;3

(c) Jane

Continue Reading

You'll Also Like

582K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
11.4K 357 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
391K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...