The Rebel Slam Special Chapte...

By syanajane

35.9K 1K 47

The story of Charlize Mae Cortez, the younger brother, este sister, of Clyde Joseph Cortez. ^_^ Hope you enjo... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter Three
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Finale

Chapter 5

1.3K 56 1
By syanajane

Chapter 5

"YES. Would you like to join me?" His voice was down in a couple of notches. Iyong boses ng midnight DJ na napakasarap pakinggan at nakaka-in love? Sabayan pa nito ng tingin parang gandang-ganda ito kay Lyndsay.

Charle hated that gaze. Lalo na kung kay Lyndsay ito titingin. Parang gusto niyang dukutin ang mga mata nito—kahit na ba maganda ang mga iyon...

Sinabunutan niya ang sarili sa utak. Ang dapat niyang mapagtuunan ng pansin ay ang pagpigil kay Lyndsay dahil nagbabadya na itong pumayag at maakit sa charms ng lalaki.

"May usapan na kami ngayon," hindi mapigilang sabat niya. Isipin niya pa lang ang deal nila sakaling matalo siya, nahihindik na siya.

No! Hindi dapat ako ang matalo sa larong ito!

Tumingin sa kanya si Kilua at amuse na ngumiti. His eyes were telling her that she already lost.

Naiinis na ibinaling niya ang paningin kay Lyndsay. Hindi pa tapos ang larong ito. Nginitian niya ng maganda ang babae. Hindi lang ito ang kayang magpa-cute, ano?

"We're trying the zipline, right? It would be fun."

"Oo nga." Napangisi siya. Pero napalis din iyon nang magpatuloy ito sa pagsasalita. "Pero ngayon lang ang day off ni Kilua. Samahan na lang natin siya. Napag-usapan din natin ang pag-i-snorkeling, di ba? I-advance na lang natin para masaya. Bukas na lang tayo mag-zipline."

Para siyang nabato sa kinatatayuan. Mas pipiliin pa nito si Kilua kesa sa kanya? Mas matimbang ang unggoy na ito kesa sa kanya?

"Hindi ka niya sasagutin... Hindi ka niya type."

Nag-e-echo sa isip niya ang mga sinabing iyon ni Kilua.

No.

Napatitig siya sa babaeng mahal niya. Pero ang mga sinabi lang ni Kilua ang tumatatak sa isip niya.

Malambing na nginitian siya nito at niyakap ang braso niya. Nag-puppy eyes ito sa kanya. Nagtataka siya sa sarili kung bakit wala iyong epekto sa kanya. Marahil ay namanhid na pati ang pandama niya.

"Please?" she pleaded. "Please, Charle?"

Hindi niya alam kung ano'ng nangyari sa kanya pero parang bigla siyang nawalan ng gana. Pinili ng babaeng mahal niya ang Kilua na ito. Does that mean he's also right? Na walang nararamdaman sa kanya ang babae?

Pero...

Huminga siya ng malalim at umiling. "You can go with him if you want."

Nabigla ito pero may nakita siyang kasiyahan sa mga mata nito na lalong nakapagpasakit sa damdamin niya.

Kahit naman tomboy ako, nasasaktan pa rin ako.

"Paano ka?" alalang tanong nito na hindi niya marinig ang sinseridad sa pag-aalala.

"Tumawag si Kuya. Inutusan niya ako na magpagawa ng souvenir para sa girlfriend niya."

"Ganoon ba?"

"Enjoy na lang kayo." Humarap siya kay Kilua. Wala na ang ngiti sa mga labi nito at balik na ang mga mata nito sa kalamigan niyon. Gusto niya itong sugurin at sapakin.

This is all your fault, you damn idiot!

Nilagpasan niya ito ng tingin at nilayasan ang mga ito. Naglakad siya ng mabilis at walang patutunguhan. Hanggang sa mapagod siya at ma-realize na nasa forest na siya kaharap ang malaking puno ng narra na ginawang tree house.

Galit na sinipa niya ang puno. Lalo siya nainis dahil nasaktan lang ang paa niya sa ginawa.

"Damn you, Kilua! Makikita mo! This is not the end! You'll pay for this! This is all your fault!"

Her heart was broken, this was the first time she hated a person this much... and her eyes won't stop crying.

*_*_*_*

NAGTAGUMPAY si Kilua na ipakita kay Charlize na hindi karapat-dapat dito ang babaeng ipinipilit nito na mahal nito. He's satisfied when he saw her looked at her 'friend' blankly. Pero tila nawala ang kasiyahan niya nang bumaling ito sa kanya. He could clearly see the hurt on her big rounded eyes. Gusto niyang ma-guilty sa ginawa. He wanted to run after her when she left them.

But it's for her own sake! Kahit masama para sa kanya ang ginawa ko.

"Madami bang corals dito sa beach? Katulad nang ipininta mo? Kung ganoon kaganda ang ilalim ng dagat parang ang sarap tumira doon."

Naiirita na siya sa babaeng kasama niya. Hindi ba nito iniisip kung ayos lang si Charlize? Bakit ba lahat na lang ng babae ay ganito ang pakikitungo sa kanya? Iyong pupurihin siya na parang wala nang bukas, magpapa-impress sa mga nagawa nitong kabutihan sa buhay nito o kaya ay ibabalandra sa kanya kung gaano kaganda ang mga ito.

Nakakasawa na. Nagmumukha lang desperada at makasarili ang mga ito sa paningin niya. Si Charlize lang ang nakilala niyang babae na sinamaan siya ng tingin.

Well, maybe because she's a half boy to begin with?

Napailing siya. Kahit saang anggulo niya tingnan ay hindi bagay dito ang pagiging lalaki. Tulad ng sinabi niya dito, walang lalaki na may magagandang bilugang mga mata na inaadornohan ng malalantik na pilik. Palagi mang salubong ang kilay nito sa kanya, hindi iyon nakabawas sa ganda nito. She even looked cuter when she's angry.

"Matagal ko nang gustong mag-snorkeling. Mahilig akong magbasa ng books about underwater living things. Mahilig din ako sa corals."

She's really more beautiful than this girl.

Napatingin siya sa babaeng patuloy lang ang pagsasalita sa tabi niya kahit hindi siya sumasagot. Hindi ba nito nahahalata na hindi siya interesado? Kung siya lang ay nilayasan niya na rin ito. Kaso ay baka lalo siyang samain kay Charlize kapag nalaman nito na ginawa niya iyon. He could see how much she likes this girl. Hindi niya alam ay kung bakit.

Base na rin sa kwento ng babaeng ito, hindi ito galing sa mayamang pamilya. Para sa kanya, hindi rin ito kagandahan. Hindi niya gusto ang ugali nito. Parang hindi ito tapat sa sinasabi nito at parang binibigyan lang ng kulay ang mga salita para magpa-impress.

Nang tanungin niya ito tungkol kay Charlize ay sinabi nitong magkaibigan lang ang mga ito. Napakunot-noo siya. Bakit pinapaasa nito si Charlize?

"So, you have no special relationship with Miss Cortez?" tanong niya rito.

"No. We're just friends," sagot nito nang may ngiti sa labi.

"Friends lang kayo? But you're acting like something's going on with the two of you."

"Hindi. Magkaibigan lang talaga kami. Ganoon lang kami maglambingan. Siyangapala, ang ganda ng name mo, Kilua."

Napailing na lang siya. Charlize really doesn't deserve this girl. Tama talaga si Ma'am Cynthia na mag-alala dito at sa babaeng dinala nito sa island. Even Don Claudio did not agree with this girl. Hindi nga lang nito masabi iyon sa anak dahil daw ipinangako na nito sa sarili na hindi pakikialaman ang mga anak sa desisyong pampuso. Ibinilin na lang nito sa kanya bantayan si Charlize.

Kung pwede lang sigurong utusan siya nito na paghiwalayin ang dalawa ay ginawa na nito. Pero hindi nito sinabi ng deretsa sa kanya iyon. Nagpahaging lang. Ayaw nitong magalit ang anak dito kapag nalaman nito.

Nagpatuloy ito sa pagpuri sa kanya at pagkukwento nito ng buhay ng pamilya nito. Natahimik lang ang mundo niya nang mag-snorkeling ito. Hindi niya ito sinamahan at nagdahilan na sumakit bigla ang ulo niya. Sumakit naman talaga ang ulo niya—sa kakadada nito.

Gustung-gusto na talaga niya itong iwan kung hindi lang niya iniisip si Charlize.

Nasapo niya ang ulo nang maupo sa lounging chair para hintayin ang babae. Nasaan na kaya si Charlize? Alam niyang alibi lang nito ang sinabi nito kanina. Hindi kaya umiiyak na ito sa isang sulok?

Pero hindi. Hindi ganoon kahina ang pagkakakilala niya rito. Mas tigasin pa nga ito kesa sa kanya, eh.

He remembered the look on her eyes when she looked at him. Gusto niyang haplusin ang pisngi nito at aluin. O kaya ay magpapasapak na lang siya rito para maalis ang sakit na nasa mga mata nito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Alam niya lang ay ang kurot sa puso na naramdaman niya kanina. Nasasaktan siya para rito.

Marahas na hinilamos niya ang mga palad sa mukha. Pagkatapos ay ibinagsak ang katawan sa lounging chair.

Ang hindi niya pa maintindihan ay ang consequence na sinabi niya kapag nanalo siya sa bet bukod sa paglayo nito sa babaeng iyon. Ewan. Basta na lang iyon lumabas sa bibig niya matapos titigan ang magagandang pares ng mga mata nito.

"If I win, you're going out with me and you'll leave that girl..."

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Kung anu-ano'ng mga salita na ang nadadagdag sa bokabolaryo niya simula nang makilala ito.

But at the same time, napangiti siya nang maalala ang shocked na itsura nito. Ang cute talaga nito!

Aahh! Nababaliw na siya.

Tomboy iyon, Kilua. Kinakarma ka na yata sa mga kagaguhan mo sa babae.

*_*_*_*

GABI na pero wala pa rin sa sarili si Charle. Nakatambay siya ngayon sa pool at nakatitig lang sa tubig. May tatlong magkakaibigan na nagkakasiyahan sa kabilang pool. Aside sa kanilang apat ay wala nang ibang tao sa lugar. Dinner time kasi at ang ibang guest ay mas gustong tumambay sa dalampasigan.

Hinihintay niya si Lyndsay. Kate-text niya rito na magkita sila doon.

After what happened this morning, hindi siya matatahimik hangga't hindi nalalaman ang totoong saloobin nito sa kanya. Ayaw niyang paniwalaan si Kilua. Hindi siya maniniwala rito hangga't hindi si Lyndsay ang mismong magsasabi sa kanya na wala itong nararamdamang espesyal para sa kanya.

And what if she told you she doesn't love you back?

Marahas na naihilamos niya ang mga palad sa mukha. Ayaw niyang isipin iyon. Malaki ang pag-asa niya rito. Boto ang pamilya nito sa kanya kahit tomboy siya, binibigay niya ang lahat dito at hindi siya nagsawa sa anim na buwang panunuyo niya rito. In fact, sasagutin na siya nito kung hindi lang nito nakita ang Kilua na iyon.

"Charle?"

Napalingon siya sa babaeng nakatayo sa likuran niya. Tumayo siya sa pagkakasalampak sa gilid ng pool at nilapitan ito.

"Nag-dinner ka na ba?" Kahit naman nasasaktan at nagtatampo siya ngayon, nag-aalala pa rin siya rito.

"Yes. Nakakain na kami ni Kilua."

So, she's still with that bastard until that night. Hindi niya pinakita ang pagkainis. Bagkus ay ginantihan niya pa ang ngiti nito. Hindi man lang ba nito tatanungin kung nakakain na rin siya?

"Good."

"Ang bait nga niya, eh. Gusto pa sana niya akong ihatid sa suite ko pero sinabi kong magkikita tayo dito. Ano bang pag-uusapan natin?"

Napakunot-noo siya. Istorbo ba siya sa paningin nito ngayon?

Ipinilig niya ang ulo. Dahil sa depression niya kaya siya nag-iisip ng ganito. Wala itong ibang ibig sabihin doon.

"Let's talk about us," paos na sabi niya. Wala na siyang boses kakaiyak kanina.

Natigilan ito. There's her expression again when Charle was telling her she loves her. Pagkuwa'y tumango. Nang makitang wala itong sasabihin ay nagpatuloy siya.

"You said sasagutin mo na ako dito sa Hyacinth Island. Well, here we are at the island. Two days na tayong nandito. Hindi mo pa ba ako sasagutin?" Alam niyang sinabi niya sa sarili na hindi ito mamadaliin pero iba ang sitwasyon ngayon. She needed her answer. Now.

"Charle, hindi ka na ba makapaghintay?" Pinalungkot nito ang itsura. Funny, that trick didn't work for her right now.

"Yes. Is it a 'yes' or a 'no'?"

Hindi ito nakasagot.

"I'm asking you this now, Lynd, will you accept me for who am I and be my girlfriend?"

Seconds pass by and the only sound she could hear was the splashing waves of the sea, the chirping insects and the giggles of the three people on the other pool. And still no answer from her.

Bumagsak ang balikat niya. There's a loud voice inside her head that's telling her Lyndsay doesn't love her. Hindi siya nito sasagutin ng oo.

And that voice belongs to Kilua. Damn him.

Nagbaba siya ng paningin para hindi nito makita ang sakit sa mga mata niya.

"It's a 'no', right?"

"C-Charle..." pumiyok ang boses nito.

Nag-angat siya ng paningin dito. Naiiyak na naman siya. "We were so close, Lynd. Why did you change your mind? Is it because of that jerk?"

"W-who—"

"That Kilua!" tumaas na ang tinig niya.

"No," tanggi agad nito. "Wala siyang kasalanan dito. It's me."

"I'm not falling for that crap, Lynd. Siya ang may kasalanan nito! Mahal mo na ako. Nararamdaman ko nang mahal mo na ako after six months ng panliligaw ko sa iyo. Why—"

"Charle, please. Huwag mong idamay si Kilua dito!"

"It's all his fault!"

"I can't love you like you wanted me to! I want to love a real man. Kung hindi lang dahil kay tatay—"

Napatakip ito sa bibig para pigilin ang sarili sa pagsasalita. Siya man ay natigilan sa sinabi nito. Para siya nitong sinuntok ng malakas sa dibdib at nahihirapan siya ngayon huminga. That's below the belt. Hindi magiging usapin dito ang gender niya.

"What did you say?"

A tear fell on Lyndsay's eyes. Napagtanto niya na umiiyak na rin pala siya.

"Charle, I'm sorry. Ayokong paasahin ka."

Ayaw nitong paasahin siya? Eh, paano sila nakarating sa puntong ito?

"You said this is all for your father," mahinang sabi niya. Hindi niya alam kung tama bang itanong niya pa iyon. Masasaktan lang din naman siya sa sagot nito.

Lalo itong naiyak. Napayuko ito. Ikom ang bibig.

"Tell me!" Her voice was half pleading half angry.

"Matatanggal na sana sa trabaho si tatay six months ago. Siya lang ang nagtatrabaho sa amin at alam mo na malaki ang pamilya namin. Nang malaman ko na anak ka ng boss ni tatay, kinaibigan kita. Hoping na pwede mong pakiusapan ang daddy mo na huwag tanggalin sa trabaho si tatay. Then, you said you like me. Tingin mo, maba-basted kita?"

Truth really hurts and it hurts like hell. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilin ang paghikbi. Gusto niyang magsalita at ipakita na galit siya pero nangangamba siya na kapag bumuka ang bibig niya ay mapahagulgol siya.

"But believe me, Charle. Sinubukan kong gustuhin ka. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na walang dahilan para hindi kita mahalin dahil napakabait mo at mahal mo ako. Kaso, hindi ko kaya. Mas naa-attract ako sa lalaki kesa sa iyo."

Parang ilang beses siyang sinampal nito. All those times na ipinaramdam nito sa kanya na hindi big deal ang pagiging lesbian niya, isa lamang palang kasinungalingan iyon.

Pinahid niya ang mga luha at hinarap ito. "Why are you telling me this now, Lynd? Hindi ka ba natatakot na baka mawala sa tatay mo ang trabaho niya?"

Bumalatay ang takot sa mukha nito. "Please, Charle, huwag mong idamay si tatay dito. Sa akin ka na lang magalit."

Ngumiti siya ng mapait. "Huwag kang mag-alala, napalapit na rin sa akin ang tatay mo kaya hindi ko siya gagawan ng masama tulad ng ginawa mo sa akin."

She should have said that to her early. Dapat noon pa lang sinabi na nito para hindi na siya umasa at lalong na-in love dito. Dapat sana hindi siya nasasaktan ng ganito ngayon.

Tinalikuran niya ito at iniwan na nakayuko na para bang hiyang-hiya sa sarili.

---

Hello, readers! May kaunti akong babaguhin sa teaser at sa plot ng kwento. Salamat sa mga bumabasa at mga nagvo-vote! Pero sana may comment din. Godspeed! ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

23.6K 249 13
Pagmamahalan na nauwi sa karahasan
35.4K 1K 17
A stunning Keshia Louise Gonzaga meets Mathew Rogers, a devastatingly gorgeous stranger who always steal her a kiss. Imbes na magwawala siya sa bigl...
3.3K 192 32
Hope Aubree Castillo, anak ng mayaman na nagmamayari ng malls at hotels sa pampanga kaso ang kanyang ina ay namatay dahil sa pagkapanganak ni Bree ka...
19.6K 1.7K 32
[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo...