Chapter 6

1.5K 49 0
                                    

Chapter 6

"LET me walk you home."

Agad na pinahid ni Charle ang mga luha nang sumulpot mula sa likuran niya ang pinakahuling tao na gusto niyang makita ngayon.

"Leave me alone, jerk."

"Sorry. 'Can't do."

Sikmuraan niya kaya ito? This is a very private moment. Hindi man lang ito nahiya na lapitan siya.

"Leave me alone or I'll smash your face!" Mabilis na naglakad siya.

"I can't leave. Ito ang daan sa tinutuluyan kong cottage."

"Kung ganoon bakit sumasabay ka pa sa akin? Ito nga ang daan sa cottage mo pero hindi ibig sabihin na kailangan pang sabay tayo."

"Wala lang. Malungkot umuwi ng mag-isa."

Nang-aasar ba ito? Is this the time na sasabihin nito na tama ito at dapat ay nakinig siya rito? Because, honestly, she doesn't need that right now.

"Kumain ka na ba?" biglang tanong nito.

Iyon ang gusto niyang itanong ni Lyndsay kanina. Makita man lang niya rito na nag-aalala ito sa kanya. She wanted to see her fuss over her kapag nalaman nito na kaninang tanghali pa siya hindi kumakain. Bakit sa lalaking ito pa niya iyon maririnig ngayon?

"I'm not hungry."

"You shouldn't skip your meal. Ma'am Cynthia would be worried. Daan muna tayo sa clubhouse."

Hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad pauwi sa mansyon ng mga Cortez.

"Hey, Charlize!" Kasabay ng pagtawag nito sa kanya ang pagpigil nito sa braso niya.

She felt the warmth of his hand. Saka niya napansin na malamig ang gabi na iyon. That warmth of his was flooding her whole system...

But she wouldn't let his touch affect her further. Galit siya dito at galit siya mundo ngayon. Marahas na binawi niya ang braso niya.

"Don't touch me! Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino lalo na kung galing sa iyo! Hindi kita kailangan at hindi ko gustong makita ang pagmumukha mo!" She shouted her heart out in front of his face. Galit siya at ito ang naroon. Wala tuloy siyang ibang mapagbalingan kundi ito. Tutal ito naman ang may kasalanan ng lahat. "Simula nang makilala ka namin ni Lyndsay, nagbago na sa amin ang lahat! She's suddenly telling me that she's more attracted in true men! While she had me caring for her for six months! This is all your fault!"

Sa pagkainis niya ay ngumiti pa ito. His eyes were shining like a glow-in-the-dark brownish green sticker. Iyong dinidikit sa kisame at masarap titigan tuwing gabi. How does this guy had such beautiful eyes?

Sinuntok niya ang sarili sa utak niya para matauhan sa kahindik-hindik na iniisip niya.

"She's right about telling you how she really feels towards you. Dapat lang na hindi ka na niya paasahin sa wala. At dapat din na hindi ka masaktan sa walang kwentang tao na hindi ka kayang pahalagahan."

Nakangiti ito pero rinig niya ang kaseryosohan sa tinig nito kaya hindi niya masabi sa sarili na pinagtatawanan siya nito o ano. At hindi ba nito narinig na ito ang sinisisi niya sa nangyari? Nagdududang tiningnan niya ito.

"Did you do something that made her change her mind?" Hindi kaya inakit nito si Lyndsay? Dudurugin niya talaga ang lalaking ito!

"What? Me?" Natawa ito. "Wala akong ginagawa sa kanya. Wala rin akong sinasabi sa kanya. Kung binasted ka man niya, wala akong kasalanan doon. It's her own free will."

The Rebel Slam Special Chapters: HASHTAG BLUSHWhere stories live. Discover now