More Than Just A Bet [Publish...

By asherinakenza

22.8M 311K 45.6K

#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wron... More

More Than Just A Bet
MTJAB: PROLOGUE
MTJAB: Chapter 1
MTJAB: Chapter 2
MTJAB: Chapter 3
MTJAB: Chapter 4
MTJAB: Chapter 5
MTJAB: Chapter 6
MTJAB: Chapter 7
MTJAB: Chapter 8
MTJAB: Chapter 9
MTJAB: Chapter 10
MTJAB: Chapter 11
MTJAB: Chapter 12
MTJAB: Chapter 13
MTJAB: Chapter 14
MTJAB: Chapter 15
MTJAB: Chapter 16
MTJAB: Chapter 17
MTJAB: Chapter 18
MTJAB: Chapter 20
MTJAB: Chapter 21
MTJAB: Chapter 22
MTJAB: Chapter 23
MTJAB: Chapter 24
MTJAB: Chapter 25
MTJAB: Chapter 26
MTJAB: Chapter 27
MTJAB: Chapter 28
MTJAB: Chapter 29
MTJAB-Season 2: Chapter 30
MTJAB-Season 2: Chapter 31
MTJAB-Season2: Chapter 32
MTJAB-Season2: Chapter 33
MTJAB-Season 2: Chapter 34
MTJAB-Season 2: Chapter 35
MTJAB-Season 2: Chapter 36
MTJAB-Season 2: Chapter 37
MTJAB-Season 2: Chapter 38
MTJAB-Season 2: Chapter 39
MTJAB-Season 2: Chapter 40
MTJAB-Season 2: Chapter 41
MTJAB-Season 2: Chapter 42
MTJAB-Season 2: Chapter 43
MTJAB: Finale
MTJAB: Epilogue
MTJAB: Special Chapter #1

MTJAB: Chapter 19

497K 6.5K 610
By asherinakenza

MTJAB: Chapter 19

Katatapos lang namin kumain ng hapunan—simpleng galunggong at kamatis ang ulam namin pero masasabi kong nabusog kaming lahat lalo na si Liam. First time daw niyang makakain ng galunggong. Pati nga raw yung ginataang kuhol nung nakaraan, first time niya makakain ng gano'n. Biglang nag-init yung mukha ko dahil naalala ko yung ginawa niya nung araw na 'yon para makakain kaming pareho ng kuhol.

Nagkakantahan sila Liam ngayon sa labas ng kubo at naghahalakhakan. Sina Nanay at Tatay naman, inaasikaso na ang higaan. Sira kasi ang namin TV kaya minsan pagkakain namin, nagkukwentuhan na lang kami.

Bigla kong naalala na ibinenta ni Liam yung saxophone niya. Kahit anong sabihin niya, para sa akin, importante pa rin iyon dahil regalo sa kanya ng magulang niya 'yon. Oo nga at masaya ngayon ang dalawang kapatid ko dahil hindi na nila kinakailangan pang manghiram ng gitara sa mga kaklase nila para may mapaglibangan pero mali pa rin ang ginawa niya.

Humugot ako ng isang malalim na hininga.

"Oh? Bakit hindi ka makisaya sa mga kapatid mo sa labas?" Puna ni Nanay sa akin nang mapansing nakatayo ako sa gilid ng pinto ng kwarto.

"Ayoko, Nay." Nahihiyang sagot ko pero ang totoo niyan, nahihirapan akong harapin si Liam o sabihin na nating nahihirapan akong titigan siya. Bigla-bigla kasing nagf-flashback sa isip ko ang mukha ni Liam nung umiyak siya kanina lalong lalo na yung mata niyang sobrang lalim ng titig sa akin.

"Apat na araw na bukas si Liam dito. Hindi kaya maapektuhan ang pag-aaral niyong dalawa?" Suway sa akin ni Nanay at namilog ang mga mata ko. Kung ako kasi ay pinagpaalam ng parents ni Liam para sa isang linggong pahinga ko, si Liam, hindi siya pumapasok.

Tinitigan ko lang si Nanay. Lumapit siya sa akin at hinila niya ako para maupo sa papag. Si Tatay naman ay lumabas muna para maligo.

"Hindi naman sa nakikialam ako anak pero malaki na ang nasasayang ninyong grado sa eskwalahan habang nandirito kayo. Hindi ko naman kayo pinapaalis. Pero anak, magdesisyon ka na kung babalikan mo ba siya o iiwanan mo na nang tuluyan." Diretsong sabi sa akin ni Nanay. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Nakakahiya kasi dahil maging sila ni Tatay ay naaabala ko na.

"Sorry po, Nay." Paumanhin ko. Hinaplos ni Nanay ang mahaba kong buhok.

"Ayos lang naman, anak, pero nagkausap kasi kami ng Tatay mo kanina. Mukhang maayos na rin naman ang lagay mo ngayon. Ang problema na nga lang ay yung sa inyong dalawa ni Liam. Hindi lang nagsasalita ang Tatay mo pero gusto na niyang bumalik ka sa Maynila para bumalik sa pag-aaral mo." Patuloy ni Nanay. Naiintindihan ko naman sila ni Tatay. Kahit nung high school pa lang ako, strikto ang Tatay sa pag-aaral naming magkakapatid. Pinupursigi talaga nilang makapagtapos kami ng pag-aaral.

"Naguguluhan po kasi ako, Nay. Hindi ko alam kung anong desisyon ang gagawin ko. Bago po kasi ang lahat ng ito sa akin. Nakakatakot po pala kapag nasaktan ka na dahil sa pagmamahal. Matatakot ka nang umulit-ulit." Paliwanag ko at ngumiti si Nanay.

"Sundin mo kung anong sinasabi nito." Ipinatong ni Nanay ang kamay niya sa kaliwang bahagi ng dibdib ko.

"Pero syempre, sabayan mo ng gamit nito." Kasunod na itinuro niya ang sintido ko. Dahil sa nangyari sa akin, napatunayan ko na kailangan talagang sabay gamitin ang puso at isip pagdating sa pag-ibig.

"Hindi naman masamang magpatawad. Kung ang diyos nga nagpapatawad, ikaw pa kaya, anak?" Payo sa akin ni Nanay at saka niya ako niyakap. Kahit kailan talaga, the best ang magulang sa mga ganitong usapan.

Lumabas ako at sumilip sa may pinto. Kumakanta si Liam habang naggigitara yung dalawa. Masasabi kong may magandang boses talaga siya pero natigilan siya nang mapansin niya ako. Kaagad huminto ang dalawa sa paggigitara at lumingon sa akin.

"Uy Ate! Lika dito!" Hiyaw sa akin ni Angelo sa akin at saka niya hinila ako at pinaupo sa tabi ni Liam. Napasinghap kaagad ako nang maamoy ko ang bagong paligong katawan niya.

"Eris! Angelo! Pumasok na kayo, may eskwela pa kayo bukas!" Hiyaw ni Nanay mula sa loob. Napakamot naman ng ulo si Eris.

"Oho, Nay! Maya-maya po nang kaunti!" Sigaw ni Eris.

"Game, kantahan natin sina Ate at Kuya Liam." Humahalakhak na sabi ni Eris kay Angelo. Ngumisi naman ang bunsong kapatid ko at bumulong kay Eris.

"Ayos 'yan! Ayos 'yan." Sabi ni Eris at nagsimulang mag-strum ng gitara.

••Sorry na, kung nagalit ka. Hindi naman sinasadiya,

kung may nasabi man ako init lang ng ulo

pipilitin kong magbago, pangako sa iyo.••

Napalunok ako dahil sa pagkanta ng dalawang kapatid ko. Napapitlag ako nang maramdaman kong pumatong ang mainit na palad ni Liam sa ibabaw ng kamay ko. Sunod sunod na paglunok ang ginawa ko.

Nagpatuloy sa pagkanta sila Eris pero mas bumaling ang buong atensyon ko kay Liam. Inilapit niya kasi ang labi niya sa tainga ko at doon nagsimulang kumanta. Napapikit ako sa init ng buga ng hininga niya. Nakakakiliti ang hatid nito sa kalamnan ko na para bang unti-unting binubuhay yung mga paru-paro sa tiyan ko.

"Sorry na... Nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na. Sa ugali kong ito, na ayaw magpatalo at parang sirang tambutso na hindi humihinto. Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga hindi ako nag-iisip h'wag sanang magtampo. Sorry na." Sobrang lambing ng boses niya na punong-puno ng pakiusap na patawarin ko na siya. Dahan-dahang humigpit ang kapit niya sa kamay ko at hindi ko namalayang pinagsalubong niya ang mga daliri namin. Bawat sulok ng daliri niya, mainit at nakakapanghina ng tuhod.

Doon ko lang napagtanto na sa simpleng hawak niya lang sa kamay ko, bumibigay na kaagad ako sa kanya. Iba ang epekto ko sa Cando na ito.

"I love you." Bulong niya na naging dahilan ng pagwawala ng puso ko. Mabilis kong iminulat ang mga mata ko at inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Tumikhim si Eris at ngumisi. Mukhang napansin niya ang kilos ni Liam.

"Maaga pa ang pasok bukas! Sige, good night!" Paalam niya sa amin. Nakipag-apir pa siya kay Liam bago niya hinila ang bunsong kapatid namin papasok sa kubo. Nakuha na talaga ni Liam ang loob ng dalawang kapatid ko. Maging sina Nanay at Tatay sa tingin ko ay nakuha na rin niya. Ako na lang ang hinihintay niya pero hindi naman gano'n kadali na bumalik kami sa dati.

Akmang lalayo ako sa kanya nang kaunti pero hinapit niya ako sa baywang ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Nauutal na tanong ko sa kanya.

"Hindi ako basta inaantok basta malapit ka sa tabi ko." Bulong niya. Napasinghap ako nang tumaas baba ang palad niya sa likod ko.

"I'm sorry ha?" Ulit niya at napaatras ako nang halikan niya ang buhok ko. Lumayo ako nang kaunti sa kanya bago ko pinagtagpo ang mga mata naming dalawa.

"Liam." Tawag ko sa kanya. Napansin kong napalunok siya dahil sa pagtawag ko ng pangalan niya.

"Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong ko sa kanya. Marahan siyang ngumiti at tumingin sa palayan namin.

"Bakit? Pinapasuko mo na ba ako?" Natatawang tanong niya. Magsasalita sana ako pero mabilis siyang bumaling sa akin at tumitig sa mga mata ko.

"Bakit naman ako mapapagod kung ang ipinaglalaban ko naman ay yung taong mahal ko?" Dagdag niya na nagpainit ng mukha ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at pasimpleng hinampas iyon. Ang gulo gulo kasi ng mga paru-paro ang kukulit nila.

"Kinausap ako ni Tatay." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya na naging dahilan ng pag-ngisi niya.

"Parang gulat na gulat ka?" Natatawang tanong niya sa akin at umiling-iling ako. Pero ang totoo niyan, nagtampo ako kay Tatay. Bakit kasi siya kinakausap nang masinsinan? Samantalang ako, hindi. Ngumuso ako pero laking gulat ko nang kurutin niya ang labi ko. Malakas kong hinampas ang braso niya pero tinawanan niya lang ako at tinanggal niya sa pagkakakurot ang labi ko. Ang sakit! Anong trip nitong si Liam at nangungurot ng labi?

"H'wag ka kasing ngumuso. Naaakit ako. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi kita hahalikan." Nakangising sabi niya. Namula ang mukha ko pero kaagad akong nakabawi sa mga pinagsasasabi niya.

"Ah...eh, anong sabi sa'yo ni Tatay?" Pagbabago ko ng mood sa aming dalawa.

"Hmm, pinaamin niya ako kung anong problema nating dalawa. Kaya sinabi ko ang totoo." Kwento niya. Nanlaki ang mga mata ko at mariin ko siyang tinitigan.


"Lahat?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko sa kanya at tumango siya bilang sagot.

"Sinabi kong nasaktan kita, physically and emotionally." Halos mapaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Tiningnan ko ang buong katawan niya pero wala namang nangyari sa kanya o galos.

"A-anong ginawa sa'yo ni Tatay?!" Sigaw ko. Humalakhak siya nang marahan.

"Nung umalis kayo ni Xander kahapon, doon ko sinabi kay Tatay lahat. Hinabol niya kaya ako ng itak." Natatawang kwento niya at halos maluha na nga siya sa kakatawa.

"Pinaglololoko mo ba ako ha, Liam?!" Hiyaw ko sa kanya pero mas lalo siyang tumawa. Hinila niya ako palapit sa kanya at muli niyang ipinulupot ang braso niya sa baywang ko.

"Hindi kita niloloko. Totoong mahal na mahal ka lang ng tatay mo. Nagpunta kami sa sagingan no'n. Kasama namin sila Eris at yung ibang magsasaka." Simula niya. Hinayaan ko lang siyang magkwento habang yung kamay niya ay dahan-dahan tumatapik sa baywang ko. Nakakapanghina ang bawat kilos niya na para bang kung kilalang kilala mo siya, makakabisado mo ang lahat sa kanya.

"Kung hindi nga lang siya hinabol nila Eris, malamang naitak na ako ni Tatay." Tawang tawa pa rin siya habang kinukwento iyon. Imbis na mainis ako sa kanya, pati tuloy ako natawa na.

"Sabi ko kay Tatay, hindi ko sinasadya. Gago lang talaga ako kaya nagawa ko 'yon. Wala sa tamang pag-iisip, bulag sa katotohanan, higit sa lahat, gulong-gulo ako sa nararamdaman ko nung panahon na 'yon. Pero alam kong maling-mali yung sinaktan kita." Ramdam ko yung lungkot sa boses ni Liam nung ikwento na niya sa akin ang ginawa niya noon.

"Mabait lang talaga ang Tatay mo. Pinapalayas na nga niya ako pero bumuntot pa rin ako nang bumuntot para h'wag mapalayas. Kaya ayon, pinagpahinga niya lahat ng magsasaka at ako ang nanguha ng mga saging ng lahat ng magsasaka. Pero ayos lang, masaya naman ako sa ginagawa ko." Sa sobrang daming magsasaka rito sa amin, panigurado akong marami rin siyang kinuhang saging sa gitna ng init ng araw.

"Sabi pa ng Tatay mo, minsan ka na niyang napalo nung bata ka pa pero kahit na. Wala pa rin daw akong karapatan na saktan ang kaisa-isang anak niyang babae. Muntik na akong sumuko no'n dahil naisip ko karapat dapat pa ba akong mahalin ka kung nasaktan na rin naman kita? Pero naisip ko rin, paano ko mapapatunayang mahal na mahal kita kung sa simpleng salita ng Tatay mo ay susuko na ako. Pangalawang pagkakataon ang ibinigay sa akin ni Tatay at ito na rin daw ang huli kaya ayusin ko raw." Litanya niya at sandali kaming natahimik. Hindi ko alam kung bakit palihim akong napapangiti dahil sa ginawa ni Tatay. Siguro kung magkakaroon ulit ako ng panibagong buhay, gusto ko sila pa rin ang mga magulang ko at sina Eris at Angelo pa rin ang kapatid ko.

"Alam ko, mahirap kalimutan yung ginawa ko. Hindi ko rin naman mapipilit na bumalik tayo sa dati." Dagdag pa niya. Tiningnan ko siya dahil naramdaman ko ang malalim na titig niya sa akin. Nangungusap na naman ang mga mata niya.

"Kung hindi mo ako mapapatawad, baka pwedeng hayaan mo akong maiparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal hanggang sa dumating na yung panahon na natutunan mo na akong patawarin." Napatingin ako sa kamay niya nang ikulong niya ang kaliwang kamay ko gamit ang dalawang palad niya at saka ipinatong iyon sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.


"Hindi na kita pipilitin na bumalik bilang girlfriend ko dahil tama ka rin naman. May relasyon tayo pero sa papel lang." Namumula na yung mata niya at nanginginig na rin ang boses niya sa pagsasalita.

"Kung pwede ko lang ibalik yung nakaraan, ibabalik ko para itama lahat ng mali. Pero hindi kasi gano'n kadali 'yon, baby." Nakakainis. Bakit ba lumalambot ako sa tuwing maririnig ko ang pagsusumamo ng boses niya maging yung pagtawag niya sa akin sa gano'ng paraan?

Hinalikan niya ang ibabaw ng kamay ko at inihaplos niya iyon sa pisngi niya. Halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil biglang bumagsak ang luha niya. Mabilis kong pinunasan iyon.

"Bakit ka ba umiiyak?!" Naiinis na suway ko sa kanya. Marahan siyang ngumiti at umiling.

"W-wala 'to. Magpahinga na tayo?" Aniya. Tumayo na siya at akmang papasok na sa kubo pero hinila ko ang kamay niya. Kaagad siyang napatingin sa akin. Kung hindi ko masasabi sa kanya ngayon ang nasa isip ko, alam kong lilipas na naman ang gabi na maguguluhan kaming pareho.

"Liam, p-pinapatawad na kita." Bulong ko at naramdaman ko ang paninigas niya sa kinatatayuan niya. Humarap siya sa akin at umupo siya sa mismong harap ko. Nakatingkayad ang dalawang paa niya habang ang kaliwang kamay niya nakapatong sa tuhod niya. Ang kanang kamay naman niya ay iniabot niya sa baba ko para mapagtagpo ang mga mata naming dalawa.

Kitang kita ko ang labis na kagwapuhan niya. Yung mga mata niyang kumikinang ngayon na may makapal na pilik mata, yung ilong niyang matangos at maging yung labi niyang manipis na pinkish nang kaunti.

"Hindi naman kailangan kung hindi pa kaya ng puso mo." Nakangiti pero mapait na saad niya. Kumunot ang noo ko.

"Pero masaya ako dahil sinusubukan mong mapatawad ako kahit mahirap." Nagtagpo yung mga mata naming dalawa at marahan niyang hinaplos ang labi ko gamit ang hinlalaki niya.

"Sa ngayon, ito pa lang ang kaya kong gawin. Natatakot na akong halikan ka ulit kahit gustong gusto ko. Baka kasi masaktan na naman kita. Hindi ko kakayanin." Seryosong bulong niya at idinikit niya ang hinlalaki niya sa labi niya na parang dinadama ang labi ko.

"Balik na tayo sa bahay natin?" Pakiusap niya at wala sa sariling tumango ako. Yung mga paru-paro sa tiyan ko, ang haharot. Parang nagdiriwang sila sa isinagot ko sa kamahalan nila.

"Promise?" Para siyang batang humihingi ng kasiguraduhan pero imbis na sagutin ko siya ay tumango lang ako. Isang matipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin pero ipinapakita no'n kung gaano siya kasaya dahil yung mga mata niya ay nanginginig at nagniningning. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil.

"Sana habang nililigawan kita, unti-unting nararamdaman ng puso mo ang kapatawaran. Tulog ka na. Maaga tayong umalis bukas para hindi tayo gabihin sa daan. Good night, baby." Pulang pula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Nililigawan niya na talaga ako? Hindi siya humingi ng permiso. Basta na lang siyang nanligaw.

Last chance, Ara. Kung sa last chance na 'to walang pagbabago, saka ka mag-move on. Ang daming bago sa akin magmula nang makilala ko ang mga Cando. Natuto akong magmahal at may nalalaman na rin akong move on sa pagmamahal.

Ngayon na dapat kami aalis ni Liam pero humiling ang dalawang kapatid ko na bukas na lang daw dahil gusto nilang mamasyal kami mamayang gabi sa bayan. Medyo natuwa ang Nanay ko dahil sa desisyon ko. Hindi ko man sinagot si Liam pero willing akong magbigay ng pangalawang pagkakataon para sa kanya. Ang Tatay ko naman, tahimik lang pero alam kong naiintindihan niya ako.

Abala ako sa pagwawalis nang makarinig ako ng pamilyar na sigaw.

"Ahhh! Ara! Ara!" Sumilip ako sa pinto at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang sumisigaw na babae. Grabe ang ikli ng short niya pero may ibubuga naman siya dahil sexy at maganda naman din siya. Lumabas ako ng bahay para salubungin siya.

"Totoo nga! Nandito ka nga! Lokaret ka! Hindi ka man lang nagpapasabi!" Sigaw niya at yumakap sa akin.

"Teka, ano ba yang hawak mo?" Pagtataka ko sa kanya pagkahiwalay na pagkahiwalay niya sa akin. Mabilis niyang iwinagayway sa harap ko ang papel.

"Himig ng Barangay!" Sigaw niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at inagaw sa kanya iyon.

"Kailan 'to?!" Excited na sigaw ko. Last year, nanalo ako sa Himig ng Barangay at 'yon ang pinambili namin ng TV namin sa surplus.

"Mamayang gabi na 'yan!" Sigaw niya. Bumagsak ang balikat ko at hinampas ko siya.

"Ano ka ba Oyen? Magbabalita ka na lang, mamayang gabi na gagawin!" Hiyaw ko sa kanya pero nginisian niya lang ako.

"Well sorry, friend! Magaling yata ako. Nai-register ko ang pangalan mo kahapon! Hindi lang ako kaagad nakapunta rito kasi may klase kami pero kaya mo naman 'di ba kahit walang practice-practice!" Sigaw niya sa akin at pinanlakihan ko siya ng mga mata. Grabe, walang practice?

"Niloloko mo ba ako, Oyen?" Hiyaw ko sa kanya.

"Hindi friend! Sure win na ikaw! Seven thousand din ang first prize, friend! Sige ka, ikaw din. Baka pagsisihan mo." Panunukso niya sa akin. Sandali akong napakamot ng ulo. Kaya ko naman siguro?

"All at Once by Whitney Houston ang inilista kong kakantahin mo!" Excited na sigaw ni Oyen pero nanlaki ang mga mata ko.

"Papatayin mo ba ako? Ang taas no'n ah! Bakit hindi na lang ikaw ang sumali, Oyen? Magaling ka rin naman kumanta!" Suway ko sa kanya pero ngumuso siya at umiling.

"Gustuhin ko man friend, hindi kaya ng powers ko tonight. Ang sakit ng lalamunan ko kaya ikaw na lang muna, friend! May ipapahiram na ako sa'yong minus one at saka dress!" Ganyan kami palagi ni Oyen. Simula first year high school ay magkaklase na kaming dalawa. Madalas kaming maglaban sa isang singing contest pero natutuwa kami kapag nananalo ang isa sa aming dalawa o di kaya naman ay pareho kaming may nakuha. Hindi kasi uso ang talangka sa aming magkaibigan. Kung yung iba naghihilahan pababa, kami namang dalawa ni Oyen ay naghihilahan pataas.

"Teka, friend. Sino ba 'yang yummy na 'yan? Bakit naman naghuhubad sa gitna ng palayan? Kalerkey ha? True pala yung kumakalat na balita na may diyos ng kagwapuhan dito sa inyo." Nagniningning ang mga mata ni Oyen habang tinitingnan si Liam na nag-aani ngayon.

"Ah, ano si Liam. Kaklase ko sa Maynila." Sabi ko sa kanya. Kaagad siyang bumaling sa akin na namimilog ang mga mata!

"Grabe friend! Manliligaw mo ba 'yan?! Naku, good catch na 'yan!" Sigaw niya. Tumango ako kahit nahihiya ako at halos takpan ko ang tainga ko sa palirit niya.

"Ay jusko! Narinig ko na naman ang tili mo, Oyen!" Sigaw ni Nanay mula sa loob. Ngumisi naman si Oyen.

"Sorry po, Aling Leslie! May gwapo kasi eh!" Maharot na sabi niya. Napailing na lang ako habang tinatawanan siya.

"Grabe ang abs... Shocks, sarap siguro niyan." Bulong niya habang pinagnanasaan ng titig si Liam. Nanlaki naman ang mga mata ko sa mga pinagsasasabi niya. Hindi na ako magtataka pa. Ganyan naman si Oyen simula high school pa lang kami. Pero nakakatuwa dahil kahit ang dami niyang crush eh talaga namang nag-aaral siyang mabuti.

Kagaya ng usapan namin ni Oyen, na-gpractice akong kumanta sa bahay habang naglilinis. Nangingiti naman sa akin ang Nanay ko dahil ngayon lang niya ulit narinig ang pagkanta ko.

"Nay, sa tingin mo mananalo ako?" Usisa ko.

"Oo naman, anak. Kailan ka ba natalo sa singing contest dito sa Lucban?" Nakangiting sabi ni Nanay. Hindi sa pagyayabang pero sa tuwing may singing contest talaga, nananalo ako sa bawat laban. Nung minsan nga ay gusto ng mayor namin na isali ako sa isang contest sa TV. 'Yon nga lang ay hindi pumayag ang Tatay. Bukod sa pagti-teacher, pangarap ko rin na maging singer pero mukhang malabo matupad iyon. Iniisip ko na rin ngayon kung saan ko gagamitin ang pera? Siguro sa pampagawa ng TV namin o sa pagbili na lang ng bagong TV para may mapanooran na ang dalawang kapatid ko.

Nagpatuloy ako sa pagkanta habang nagpiprito ng banana que nang biglang...

"Ang ganda pala ng boses mo?" Napalundag ako dahil sobrang lapit ni Liam sa likod ko. Sa katunayan, nakakapit siya sa baywang ko kaya humarap ako sa kanya at marahan siyang itinulak. Napalunok ako dahil naka-topless siya at pawis ang katawan. Ngumiti siya sa akin bago kumuha ng baso at kumuha ng tubig sa pitchel para inumin. Mabilis niyang nilagok ang laman no'n nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Bakit ka tumigil?" Tanong niya pagkatapos uminom. Bakit nga ba bigla akong nahiya sa pagkanta nung dumating si Liam? Kinabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Ha? Eh—" Sasagot na sana ako pero biglang pumasok ang Nanay.

"Ara, anak, may isusuot ka na sa singing contest?"

"Sasali ka sa singing contest? Saan? Kailan?" Excited na tanong ni Liam sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Naku, Liam. Marami nang napataob iyang si Ara sa mga kantahan. Manood tayo mamaya sa barangay nang makita mo naman kung paano siya palakpakan ng mga tao rito." Pagmamalaki ni Nanay. Kitang kita ko kung paano kuminang ang mga mata ni Liam dahil sa excitement.

Tinitigan niya akong mabuti.

"Makanood para naman masuportahan ko ang mahal na binibini." Humalakhak ang nanay ko dahil sa pagt-Tagalog ni Liam. Ako naman ay umawang ang bibig at nasapo ko ang noo ko. H'wag naman sana akong kabahan mamaya. Lalong lalo na sa mga titig niya. Pakiramdam ko, mangingisay ang mga paru-paro.

"Ang ganda ng prinsesa ng bahay kubo!" Natatawang hiyaw ng dalawang kapatid ko nang lumabas ako mula sa kwarto suot ang dress na ipinahiram sa akin ni Oyen.

Ngumiti naman sa akin si Tatay bilang pag-sang-ayon sa dalawang kapatid ko. Si Nanay naman ay panay ang ayos sa buhok kong ipinusod niya kanina. Si Oyen naman, panay ang palakpak at si Liam, sobrang lalim ng titig sa akin na para bang hinuhukay niya ang buong pagkatao ko.

"T-tayo na?" Nauutal na anyaya ko kila Nanay. Nag-offer si Liam na sa sasakyan niya kami sumakay. Katabi ko sa harap si Oyen para magkasya sila Nanay sa likod. Ito ang pinakagusto ko sa lahat—sa tuwing may laban ako, hindi ako hinahayaan nila Nanay na mag-isa. Ipinagpapabukas na lang muna nila lahat ng gawain basta masuportahan ako.

"Liam? Liam tama?" Usisa ni Oyen kay Liam habang nasa biyahe kami. Ngumiti si Liam at tumango.

"Kailangan sa harapan tayo mamaya para kitang kita natin si Ara! Siguro naman ayos lang sa'yo ang makipagsiksikan?" Paninigurado ni Oyen. Kahit kasi maliit na singing contest lang iyon, marami pa ring nanonood.

"Oo naman. Kahit ano, kakayanin ko basta para sa kanya." Masayang sagot ni Liam na nagpapula sa mukha ko. Para namang kinikiliti ng kung ano. Itong si Oyen, kaunti na lang at iisipin kong kabilang siya sa mga paru-paro sa tiyan ko!

Ilang minuto lang din ang binayahe namin papunta sa mismong barangay at kagaya ng ine-expect ko, marami nang tao at nandoon na rin ang mga judges—si Mayor, ang Kapitan namin at may kilalang singer din noong araw. Kumpleto na rin ang mga kasali sa contest.

Napansin kong panay ang titig ng mga kababaihan kay Liam. Apat na araw pa lang siya dito sa amin pero ang dami nang nagkakagusto sa kanya. May mga tumitili rin dahil sa kagwapuhan niya na para bang hindi niya pinagbibigyang pansin. Nakasuot lang ng puting t-shirt ni Tatay si Liam, short at simpleng lumang tsinelas din ni Tatay pero kahit ganon ay sobrang lakas pa rin ng dating niya. Idagdag mo pa yung pagkamukhang bad boy niya dahil sa peklat doon sa kaliwang kilay niya.

"Basta friend, galingan mo. Balita ko ang tinitingnan ng judges ngayon ay yung emotion at syempre yung boses." Sabi ni Oyen habang hinihila ang dress ko pataas. Paano ba naman kasi panay ang hila ko pababa dahil maikli talaga.

"Emosyon?" Pagtataka ko sa kanya.

"Oo, friend! Yung feelings! Basta yung parang feel na feel mo yung pagkanta." Napatigil kami sa pag-uusap nang umakyat na ang unang kasali. May kasunod siyang lalaki at may hawak iyong saxophone.

"Uy! Naalala ko yung saxophone ni Kuya Liam!" Sigaw ni Eris mula sa likod namin. Narinig ko naman ang pag-ngisi niya. Nilingon ko sila at nakita ko kung paano niya guluhin ang buhok ng kapatid ko.

"Nakita ko kanina sa bayan yung saxophone mo, Kuya! Wala pa ring bumibili pero alam mo ba? Madaya rin sila kasi ibinenta mo sa kanila 'yon sa halagang tatlong libo lang pero ngayon limang libo na." Kwento ni Eris. Humalakhak sina Angelo at Liam.

"Ayos lang 'yon. Gano'n talaga kapag negosyo." Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Liam kahit nakangiti siya sa mga kapatid ko.

Saxophone...

Kung sakaling manalo ako sa singing contest na ito, mabibili ko ulit 'yon para sa kanya. Hindi ko kasi maatim na mawala ang importanteng bagay ni Liam lalo na yung saxophone niya. Regalo sa kanya ng mommy at daddy niya yon.

Magaling ang tatlong naunang kasali kaya naman kinakabahan na ako. Panay ang pisil ko sa kamay kong nasa likuran ko nang maramdaman ko ang pamilyar na hawak niya sa akin. Pinagsalubong niya ang mga daliri namin at napapikit ako nang idikit niya ako sa katawan niya na sobrang init. Naramdaman kong tumungo siya nang kaunti at itinapat niya ang labi niya sa tainga ko at doon nagsimulang bumulong.

"Don't be nervous. Sigurado akong ikaw ang pinakamagaling sa kanila. Nandito ang mga magulang at kapatid mo para suportahan ka. Idagdag mo pa itong kaibigan mong si Oyen at higit sa lahat, buong pagmamahal kitang papalakpakan. Ipagmamalaki kita habang kumakanta ka sa entabladong 'yan. Galingan mo, mahal na binibini."

Halos malasing ako sa init ng buga ng paghinga niya. Sana makakanta ako nang maayos dahil panay ang pangingisay ng mga paru-paro sa tiyan ko. Sa hindi ko malamang dahilan, humigpit ang kapit ko sa kamay niya nang marinig kong tinawag na ang pangalan ko pero bago pa man din ako maglakad, naramdaman kong dinampian niya ng halik ang pisngi ko at bumulong ulit.

"Good luck my, baby."

Continue Reading

You'll Also Like

5.4M 347K 75
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"
317K 6.5K 45
"Mend my heart, doc" - Heart Book Covers by: Royce Alliah Dematera
407K 6.6K 53
"What happened to us?" -Deiva Book Cover by: Royce Alliah Dematera
1.4M 23.3K 41
Ako pala si Allyza Dela Cruz, Ally for short. I'm 20 years old at nagtatrabaho sa isang sikat na kumpanya. I have a gay bestfriend. He is Ian Caleb...