Imperfectly Perfect

By HoneyGo7

9.5K 239 8

A story of believing in perfect love and looking for the perfect one. We will witness how a man searched for... More

THE BLURB
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
EPILOGUE

Chapter 2

294 8 0
By HoneyGo7

"Such a hardheaded witch. Siya na nga itong tinulungan, ako pa ang bibigyan niya ng problema." Inis na inis si Rio hanggang sa pagpasok sa dressing room nila.

Hindi talaga bumaba ang babae sa kotse kaya iniwanan nalang niya sa guard ng parking lot ng building ang susi niya at inutusan na kapag nakababa na ang babae ay ito na ang maglock ng kotse at itago na lamang ang susi hanggang sa matapos sila.

"Hey, man. You're late. Ang tagal bang mahugot?" Natatawang tanong ng greenminded na si Justin sabay apir sa nakatawang si Jockey. Si Justin ang pinakakalog sa grupo; joker na puro bastos ang banat.

"Ayan na naman kayo. Pinagtitripan n'yo na naman si Rio. Magfinal rehearsal na muna tayo at malapit nang magsimula ang concert." Ani Josh, ang pinakaseryoso sa grupo.

"Tigil-tigilan n'yo ako sa pang aasar ninyo ha? Mainit ang ulo ko. Baka hindi ko kayo matantya." Padabog na naupo si Rio sa naroroong sofa at humalukipkip.

"Palibhasa ang agang naaberya ang bagong bago niyang sasakyan. Napagtripan pa ng mga goons." Pang aasar pa ni Jockey.

"Tss! Hindi naaberya ang sasakyan ko. Nawalan lang ng gas." Depensa naman ni Rio.

"Oh! Tama na, tama na! Ano'ng oras na oh. Magrehearse na tayo." Sabi ni panic-boy, Jim.

Walang nagawa si Rio. Kahit inis na inis at badtrip na badtrip siya ay kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang masira ang ilang buwan nilang pinagpaguran at pinagpractisang concert. Siya pa mandin ang frontman ng grupo nila. Ayaw niyang biguin ang lahat ng fans na naglaan ng panahon at pera para makapunta sa concert nilang ito.

"Let's do this guys. We need to perfect our performances for the fans. Huwag natin silang biguin." Sabi ni Rio sabay tayo at lumabas ng dressing room.

"That's Rio, the 'perfectionist'. Hoy, Rio! Wala pa ba 'yong inaasam mong perfect girl? Naku 'wag kang umasa na meron nga. Walang forever uy!" Pang aasar pa ni Jockey pero binatukan siya ni Josh.

"Magtigil ka nga, Jockey. Magseryoso ka nga. Tara na. Sumunod na tayo kay Rio."

Nagsisunuran naman ang apat sa kanya. Tumungo sila sa backstage para magrehearse pa ng konti bago magsimula ng tuluyan ang concert.

*** Sa lumang mansyon ***

"Kamusta ang paghahanap ninyo kay Dr. Alana?" Tanong ng maskaradong lalaki na nilalaro na naman ang dalawang crystal stage ball sa kanang kamay.

"Wala pa rin po, boss. Hindi po talaga namin siya mahanap. Nilibot na po namin ang loob at labas ng mansyon pati na rin po ang buong subdivision pero wala po talaga ang doktora. Hindi po talaga namin mahanap." Sagot ng alalay kay Mr. Stermon.

"Sh*t! Bakit kasi ang tatanga ninyo? Babae lang natakasan pa kayo?"

Ibinato nito ang hawak na stage ball (bolang gamit sa juggling) sa dako ng alalay niya kaya lalo itong nangatog sa takot.

Nilapitan niya ito at kinwelyuhan. "Sa lahat ng ayoko ay 'yong mga tangang tauhan! Makailang beses kong inutos sa inyo na bantayang mabuti ang Chemist dahil anytime ay maaari niyang madiskobre kung ano ang pinapagawa ko sa kanya. Chemist 'yon, mga ugok! Kilala nila ang lahat ng powdered and liquid substances at iyon ang noon ko pa ipinapaintindi sa inyong mga bugok kayo! Sinabi kong 24/7 siyang babantayan pero ano ang ginawa ninyo? Sinuway n'yo ako! Lalo na ikaw. Hala! Lakad! Huwag na huwag kayong babalik ng mga ugok mong tauhan hangga't hindi mo natatagpuan ang Chemist na 'yon! Pabantayan mo ang bahay niya, pati na ang bahay ng magulang niya. Ipatrace mo kung may gagawin siyang withdrawals sa mga bankong may account siya. Basta gawin n'yo lahat para mahanap siya! Dahil, oras! Oras na hulihin ako ng mga pulis kapag nakapagsumbong ang babaeng iyon, pati kayo idadamay ko! Mas uunahin ko pang papuputukin ang mga bao ng ulo ninyo kaysa sa kanya! IBALIK N'YO SI DOCTOR ALANA PEREY DITO! NAIINTINDIHAN MO BA?" Singhal niya dito.

"Opo, boss. Opo." Itinulak niya ang alalay na takot na takot namang nagtatakbo palabas ng kwartong iyon.

Pinulot niya ang mga stage ball at nilaro na naman ito sa kanang kamay sabay tungga sa basong may lamang alak.

"Dr. Alana Perey, nagkamali ka ng kinakalaban. Nagkamali ka ng tinakasan. Mahahanap at mahahanap pa rin kita kahit na saang impyerno ka pa magtago! Galingan mo ang pagtatago dahil oras na makita kita? Patay ka sa 'kin. Hahaha! Hintayin mo ang muli nating pagkikita, Alana!"

***
"I have to think of a great cover. Sa ngayon ay itong lalaking nagngangalang Rio lang ang pwedeng makatulong sa akin. I can't make myself visible to Mr. Stermon and his goons. Sigurado akong galit na galit na iyon ngayon dahil sa pagtakas ko. Siguradong kukunin nila sa akin ang formula at papatayin nila ako pagkatapos." Nanatiling nakaupo si Alana sa kotse ni Rio.

Kanina pa siya pinapaalis ng binata pero ayaw niya dahil wala siyang pupuntahan. Hindi siya maaaring magpakita sa pamilya niya at mga kaibigan dahil tiyak na doon kaagad siya hahanapin ni Mr. Stermon.

"I won't risk the safety of my family kaya hindi ako tatawag sa kanila. Alam kong mag aalala sila once nalaman nila itong gulong napasukan ko. I have to be brave on all of this. I have to be by myself at sana itong si Rio na ang makakatulong sa akin."

Maya-maya ay nagring ang cellphone niya. Hindi niya pala ito napatay sa pagmamadali. Buti hindi nagring noong nagtatago siya sa may talahiban. Her doctor boyfriend, Caevhen (pronounced as Kevin), is calling her.

"Hello, hon?" Bati ni Alana ng sagutin niya ang tawag nito.

"Hi, hon. I miss you. Can I come over your place? Ilang days na rin kitang hindi nakikita eh." Paglalambing pa ng lalaki sa kanya.

"Hmmm. I'm at work, hon. Matatagalan pa siguro bago ako makauwi."

"Eh saang banda ba 'yan? Ako nalang ang pupunta diyan." Pagpipilit pa nito.

"Hon, I need to go. Hinahanap na ako ng boss ko. I'll call you back. Bye. I love you." Sabi n'ya sabay patay ng tawag. Pinatay na rin niya ng tuluyan ang cellphone niya.

"Sorry, hon. I need to do this. Its for my safety. Walang pwedeng makaalam kung nasaan ako kahit na ikaw."

Napabuntong hininga siya at napahawak sa sentido. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip sa dapat niyang gawin. She want to go abroad at magpakalayo layo pero wala siyang pera. Actually meron, marami, milyones, pero alam niyang once nagwithdraw siya, matitrace ng Mr. Stermon na iyon ang kinaroroonan niya sa kasalukuyan at ayaw niyang mangyari 'yon.

"God, help me, please. Hindi ko ginustong mapunta sa sitwasyong ito. All I wanted is to earn a living and help my family live a comfortable life. Nagmalabis ba ako sa paghahangad ng magandang trabaho kaya ko nararanasan ito, Lord? Normal lang naman din sigurong gustuhin kong makilala sa larangang pinasok ko 'di ba?" Naisaisip ni Alana habang nakatitig sa rosaryong nakakabit sa unahan ng kotse ni Rio.

Nanatili siyang nakaupo at walang kabalak-balak umalis sa kotse. Baka sakaling kapag umalis siya rito ay maisahan siya ng lalaki at iwanan nalang siyang bigla. Ang plano niya ay pansamantalang makituloy sa lalaki habang wala pa siyang maisip puntahan at pagtaguan.

Pupungas pungas na napaupo siya sa backseat mula sa pagkakahiga sa upuan. Hindi niya namalayang nakaidlip pala siya dahil sa pag iisip. Naalimpungatan lang siya ng makarinig ng sigawan mula sa kung saan at ng tingnan niya sa labas ng bintana ay maraming kababaihang may dala-dalang plakard ang nabungaran niya. Merong mga nakasulat sa plakard kagaya ng: King Rio Rules; 4Jacks and King Rio, we love you; We love you, Rio; I love you, King Rio at marami pang iba.

"Aba, sikat pala talaga ang lalaking iyon. Totoo pala ang sinabi ng mahangin niyang kaibigan kanina doon sa mga goons. Artista nga siya."

Bigla siyang napayuko at napatago sa backseat ng pumasok si Rio sa kotse.

"Hay! Nakakapagod. I want to rest and lie down on my bed after this tiring day." Napangiti siya ng lihim sa narinig.

"Parang ang bait naman ng lalaking ito. Imbis na gumala kasama ng mga kaibigan matapos ang show nila kagaya ng ginagawa ng mga artista ay uuwi na agad ito ng bahay. How nice." Nasabi niya sa isip.

Bigla niyang naisipan kulitin na naman ito ng nasa daan na sila at malayo na sa concert venue. Gusto niyang makausap ang lalaki tungkol sa pagtira niya sa bahay nito.

"Hello, Kuya!" Nakangiti niyang sabi sabay kaway dito.

Agad naman itong nagpreno. Kita sa reaction nito ang sobrang pagkagulat.

"Andito ka pa? Akala ko ba umalis ka na?" Kunot-noong tanong nito sa kanya ng lingunin siya nito.

"Eh, 'di ba sa'yo muna ako titira pansamantala, Kuya?" Nakapout niyang tanong.

Natatawa siya sa sarili niya. This is absolutely the opposite of her. She's always prim and proper, serious, and emotionless pagdating sa mga bagong kakilala. Hindi kagaya ng ginagaw niya sa harap ng lalaking ngayon niya lang din naman nakita. Napakafeeling close niya at childish na ewan ba niya kung bakit.

"Siguro its easier this way. Mas maitatago ko ang totoo kong pagkatao sa pagmimisbehave at pag aastang uninteresting." Aniya sa sarili.

"Hindi ba't sinabi ko na rin sa'yo na hindi nga pwede. HIN-DI PWE-DE! Hindi ka ba nakakaintindi?" Singhal nito sa kanya.

"Huhuhu! Grabe ka sa 'kin, Kuya. Gusto mo talaga akong mapahamak sa mga Tito ko. Wala kang awa, Kuya! Wala kang konsyensya!" Pagdadrama pa ni Alana.

"Haist! Oo na. Hindi na ako naawa. Wala na akong konsyensya. Ano masaya ka na? Basta ayoko ng babae sa bahay. Lalo na kapag hindi ko naman girlfriend o asawa." Pagpupunto pa ni Rio.

"Eh 'di asawahin mo ako, Kuya." Napanganga nalang si Rio sa tinuran niya.

Siya man ay napalunok din dahil dumulas lamang iyon sa dila niya ng hindi pinag iisipan. Hindi usually nangyayaring magsasalita si Alana ng kahit ano without thinking. Its not her.

Nangunot ang noo niya ng tumawa ito ng pagkalakas-lakas.

"Ikaw? Aasawahin ko? Hahaha! Nagpapatawa ka ba ha? Eh hindi ikaw ang tipo kong babae. Sa nakikita ko at sa unang tingin palang, you're the opposite of my dream girl kaya stop that nonsense okay? It'll never gonna happen. So please, leave my life." Nakangisi nitong turan sa kanya.

"Ayoko, Kuya. Sasama ako sa'yo. Please naman oh. Kahit gawin mo pa akong katulong sa bahay mo basta sa'yo lang ako." Pagpipilit pa niya.

Napatingin sa kanya ang lalaki at wari'y sinusuri ang kabuuan niya. Napatakip naman siya sa dibdib.

"Minamaniac mo yata ako, Kuya? Kahit hindi kalakihan ito, ipagmamalaki ko naman na hindi ito gawa ng syensya hindi kagaya ng iba na malaki nga ang hinaharap, peke naman." Nakalabi pa niyang sabi sa lalaki na ikinailing nito.

"Hindi kita minamaniac no. Hindi naman sa pagmamalaki, sa dami ng babaeng umaaligid sa akin na 'yong iba ay naghuhubad pa sa harapan ko, hindi ko na kailangan pa ang katulad mo. Hindi ko iririsk ang reputasyon ko para lang manyakin ka. Tinitingnan ko lang kung pwede nga kitang maging katulong. Pero mukhang alanganin eh. Hindi pang katulong ang beauty mo. Magmumukha ka kasing may ari ng bahay ko. Pero pwede na sigurong PA."

"PA po as in pambansang alalay?" Tanong niya kay Rio.

"Anong pambansang alalay? Personal Assistant. Kakaresign lang kasi ng PA ko. Ang hirap ng walang nag aasikaso ng mga pangangailangan ko kapag may shows kami."

"Ahh. 'Yon pala iyon, Kuya. Yehey! Magiging personal assistant n'yo na ako. Thank you, Kuya." Akmang lalapit siya rito ng pigilan siya ng lalaki.

"Okay na iyong thank you mo. Huwag ka ng lumapit pa at baka sabihin mong minamanyak na naman kita. Marunong ka bang magdrive?" Tanong nito.

"Aba opo. Gusto n'yo ako na ang magdrive pauwi sa bahay ninyo? Ano po ang address?"

"O siya, sige. Mabuti naman at marunong ka. Makakapagpahinga ako. Napagod ako sa concert eh."

Sinabi nito ang address at naupo na ito sa passenger's seat. Siya naman ay pumunta sa harapan at naupo sa driver's seat para magmaneho.

"Kumapit po kayo, Kuya. Mabilis lang po ito." Sabi niya at nagmaneho papunta sa ibinigay nitong address sa kanya.

"Kailangan kong bilisan at baka may makakita pa sa akin dito sa labas."

Parang F1 racer na nagmaneho si Alana pauwi sa bahay ni Rio. Hindi niya alintana ang mga nakakasalubong na sasakyan sa pagmamadali. Ni hindi na nga niya napapansin si Rio sa tabi niya. Ang goal niya ay maitago ang sarili mula sa mga naghahanap sa kanya.

"Fvck! Papatayin mo ba ako?" Singhal ni Rio sa kanya ng tumigil siya sa harap ng guard house ng subdivision na sinabi nito.

"Sabi mo, Kuya, ako ang magmaneho. Eh sa ganoon po ako magmaneho eh. Mabagal pa nga po iyon." Sabi pa ni Alana na cool na cool lang na para bang 20km/h lang itinakbo ng kotse ni Rio.

"Mabagal? Ano ka F1 racer? Eh parang 'di hamak na mas mabilis ka pang magmaneho kaysa kay Jockey eh. Isipin mo, halos 30 minuto ang itatakbo nitong kotse ko mula doon sa pinanggalingan natin papunta dito sa gate ng subdivision tapos 7 minuto mo lang ginawa. Nahihibang ka na ba?"

"Eh sorry naman. Sumasali kasi kami ni Tatay noon sa karere ng jeep sa probinsya namin. Ako ang madalas na pinagmamaneho niya kaya sanay ako sa ganyang pagpapatakbo." Pagsisinungaling pa ni Alana.

"You are fired. Ayoko pang mamatay kaya habang maaga lumayas ka na sa buhay ko."

"Wala tayong usapang ganyan, Kuya. Wala sa usapang pwede mo akong ifire."

"Aba't." Magsasalita pa sana si Rio ng biglang paharurutin ni Alana ang kotse papasok sa subdivision. "Tigil!"

Agad namang pumreno si Alana at kamuntikan ng masubsob si Rio kung wala lang itong seatbelt.

"Oo na. Tatanggapin na kita basta dahan-dahan sa pagmamaneho. Huwag mo naman akong patayin sa nerbiyos."

"Ariglado, Kuya. Masusunod po."

"Mabuti. Ano'ng pangalan mo? Ako si Rio Castro. Rio nalang ang itawag mo sa akin." Sabi ni Rio habang hinahabol ang paghinga dahil sa kaba.

"Al... Dana po. Dana Perez ang pangalan ko, Kuya." Nakangiting pakilala niya dito. "Sorry, Lord. Kailangan kong itago ang tunay kong pagkatao. Hindi niya maaaring malaman na ako si Alana Perey. Walang makakaalam kung sino talaga ako." Bulong niya sa sarili.

Continue Reading

You'll Also Like

812 88 5
WRITTEN IN BURMESE <<<< ရိုရိုချိုချို DARL+ING * Song Recommedလေးတွေကိုနားထောင်ပြီးဖတ်ရင်ပိုနစ်ဝင်မှာ 100% သေချာပါတယ် *
9 0 1
In June 2004, I opened mollderm family denstistry in eden prairie , Minnesota to provide the type of dental care for others as I would want for my ow...
555 78 30
Funny jokes . After reading it u will be on the ground of laughing
5 0 1
洋菓子から和菓子まで、種類の多さと手頃な価格、美味しさで消費者の心を掴んできた「シャトレーゼ」。現在はホテルや旅館、スキー場なども展開し、コロナ禍においても業績を伸ばしている。さらに、2019年からプレミアムブランド「YATSUDOKI」を都心に出店。成長を続けられる強さの理由はどこにあるのか。