Your Song

By SkyDemoiselle

3.9K 385 231

Every line in every song, they all seemed to come out wrong. Until your song, so let's sing it all night long. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 43

34 7 2
By SkyDemoiselle

KAYLE

"Sis naman! Nago-overreact ka lang!"

"She's right."

"Paano kung sign na 'to 'di ba?" tanong ko.

"Na ano?"

"Na may mangyayaring hindi maganda. Lalo ngayon, minsan na nga lang siya magkarooon ng oras sa akin eh."

Agad naman akong binatukan ni Cielo. "Taray! Kung anu-anong pinag-iisip mo sis. Nasanay ka lang kasi na lagi siyang nandiyan kaya ngayong naging busy siya, eh nati-timang ka na."

"Intindihin mo na lang siya, Kayle. Pangarap niya naman 'to 'di ba? Saka sa pagkakakilala ko kay Cal, he won't do anything to hurt you purposefully," sabi ni Mia.

I sighed. Siguro nga nag-ooverreact and overthink lang ako.

"Oh asan ba siya ngayon?"

Nandito kaming tatlo ni Cielo at Mia sa bahay, pumunta agad sila dito nang magtext ako na may nangyari sa amin ni Cal.

"Nasa company."

"Hmm, ba't 'di mo siya lutuan ng lunch?" suggestion ni Mia.

"Tama! Tapos pupunta ka sa office niya mismo. Tapos sabay kayong kakain," sabi ni Cielo.

Agad naman akong natuwa. "Oo nga noh."

Tumayo ako at hinila sila papuntang kusina.

"Anong gagawin namin dito?"

"Tutulungan niyo ako!" sabi ko at dumiretso ng ref. "Ate Tess magluluto po ako! Kukuha na lang po ako dito!" sigaw ko.

Nagluto ako ng favorite steak niya, sa tulong ni Ate Tess.  Pagkatapos ng isang oras sa pagluto nun, tinulungan naman ako nina Cielo at Mia na mag-bake ng cupcakes.

"Tirhan mo kami sis!" banta ni Cielo.

Tumawa kami ni Mia. "Oo naman! Ang dami kaya niyan."

Nagkapaso-paso pa ako sa paghain ng steak, at tumulo sa akin ang mainit at malapot na mixture ng cakes.

"Aww, things you do for love," Cielo bats her eyelashes.

Sinamaan ko siya tingin. "Gusto mo ng cupcakes o hindi?"

"Sorry na nga sis," agad siyang lumapit sa akin at tinulungan akong kunin ang cupcakes sa oven. Tumawa na lang si Mia.

"It's really nice hanging out with you guys," sabi ni Mia habang kumuha ng lalagyan ng mga pagkain.

"Eh? Talaga?" tanong ni Cielo.

"Oo naman," sabi niya at tumingin sa amin. "You know, I never had friends in school. Kung meron man, para sa kanila, it's just for the show," malungkot niyang sabi.

Hinawakan ko ang ballikat niya. "But now you have us, we're your friends now."

"Talaga?"

I nod.

Niyakap niya ako. "Salamat Kayle at Cielo!"

"Oy teka sama ako!" agad na nilapag ni Cielo and tray at tumakbo para makiyakap.



Pagkatapos naming maayos lahat, umakyat na ako para magbihis.

Pagbaba ko, nilalantakan na ni Cielo ang mga cupcakes na para sa kanila.

"Ang sarap, promise!" sabi niya habang puno ang bibig.

Tumawa kami ni Mia.

"Manners, lady. Manners," I said, in a fake British accent.

That brought laughter to us.

"Kaya mo naman sigurong pumunta doon ng mag-isa noh?" tanong ni Cielo habang naglalakad kami palabas.

"Oo naman, duh."

"Sige mauna na kami," paalam niya. "Ingat na lang, and goodluck."

"Bye Kayle!" Mia smiled and waved goodbye.

Binaling ko ang atensyon ko kay Ate Tess.

"Ate pakikuha po ng susi ng sasakyan ko."

"Naku ma'am, hindi po ba kayo magpapa-drive na lang?"

Umiling ako. "I'll drive. Baka may mga gagawin pa po si Manong eh."

"Sige po."

Pagbalik niya, pinasok ko na sa kotse ko ang pagkain at umalis na.

Agad naman akong nakadating sa company kung nasaan si Cal.

"Good morning ma'am," bati ng guard pagpasok ko.

"Good morning," bati ko pabalik.

Dumiretso ako sa main desk at nagtanong, "Saan po banda 'yung office ni Mr. Aragon?"

Tumingin naman siya sa computer niya, "Ahh, sa second floor po, paglabas niyo po dun sa elevator, turn left tapos 'yung pangalawang desk po," nakangiti niyang sabi.

"Oh okay, thank you," I smiled.

Naglakad na ako at pagdating ko sa second floor, sinunod ko ang directions na binigay ng babae sa desk office.

And finally, there's Cal.

Dahan-dahan akong lumapit sa work lace niya, hindi naman niya ako napansin dahil sobrang busy niya.

I leaned over  his shoulder, "Hi Calibre," I smiled.

"Doll," gulat niyang sabi.

Umayos ako nang tayo. "I brought lunch!" I said in a sing-sang tune.

Hinawakan niya naman ang noo niya. "Upo ka muna," sabi niya at hinila ang isang upuan.

Tumingin ako sa paligid ng office, maraming writers dito na may kani-kaniyang ginagawa sa mga sariling workplace nila.

"Uhm, busy ka ba? Can we eat lunch together?" Pinakita ko ang paper bags, "Ito oh, I cooked lunch."

Tumango siya, "Thank you doll but---."

Pinutol ko na agad ang sinasabi niya. "I cooked steak, your favorite. And I have her cupcakes, and then I also cooked spaghetti," sabi ko habang tinitingnan ang mga bags. "Ayaw mo ba?"

"I'd love to but---."

"Tinulungan ako ni Ate Tess. Pati na rin nina Cielo at Mia, pumunta silang dalawa kanina sa bahay tapos nagkwentuhan kami," masaya kong sabi. Gusto kong ikwento sa kaniya ang mga nangyayari lately.

"Doll kasi---."

"Dali, tara na! Alam kong gutom ka na," masigla kong sabi at tumayo, hinila ko siya pero pinigilan niya ako.

"Doll listen!" sigaw niya.

May ibang napatingin sa amin, agad akong nag-sorry.

Pero sa kabila nun, umikot ako para tingnan si Cal at hinanda na naman ang ngiti ko, kakain naman kami ng sabay 'di ba?

"Look, I'm busy okay?" tinuro niya ang laptop niya at lahat ng papel na nakakalat sa desk niya.

"But," pinilit kong ngumiti. "A lunch won't be such a hindrance, right?" tanong ko, kahit sa loob ko, gusto ko na ring sumigaw.

"Doll naman," napahilamos siya ng mukha. "Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Babawi naman ako pagkatapos nito."

Huminga ako ng malalim. "Kailan ba matatapos?"

Umiling siya. "Hindi ko alam."

"Hindi mo alam," tumango ako. "Ako rin, hindi ko na alam."

Kumunot ang noo niya. "Anong sinasabi mo doll?"

Bigla kong naalala ang pag-uusap naming tatlo kanina.


"Taray! Kung anu-anong pinag-iisip mo sis. Nasanay ka lang kasi na lagi siyang nandiyan kaya ngayong naging busy siya, eh nati-timang ka na."

"Intindihin mo na lang siya, Kayle. Pangarap niya naman 'to 'di ba? Saka sa pagkakakilala ko kay Cal, he won't do anything to hurt you purposefully."

"Taray! Kung anu-anong pinag-iisip mo sis. Nasanay ka lang kasi na lagi siyang nandiyan kaya ngayong naging busy siya, eh nati-timang ka na."

"Intindihin mo na lang siya, Kayle. Pangarap niya naman 'to 'di ba? Saka sa pagkakakilala ko kay Cal, he won't do anything to hurt you purposefully."

"Taray! Kung anu-anong pinag-iisip mo sis. Nasanay ka lang kasi na lagi siyang nandiyan kaya ngayong naging busy siya, eh nati-timang ka na."

"Intindihin mo na lang siya, Kayle. Pangarap niya naman 'to 'di ba? Saka sa pagkakakilala ko kay Cal, he won't do anything to hurt you purposefully."


Huminga ako ng malalim at imbes na magalit, niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

"I miss you," malungkot kong sabi.

Niyakap niya rin ako pabalik. "I miss you even more, please understand I'm doing this for us, doll."

I nod. "I know."

Hinalikan niya ang noo ko. "I love you. Babawi ako, pangako 'yan."

Tumango ako and somehow, napangiti. "Sige, pangako 'yan ah?"

Tumango siya at ginulo ang buhok ko. "Oo naman."

"Sige mauuna na ako, call me later okay?" paalam ko.

"Alright, take good care of your self, doll."

And then I left.

Pagbaba ko, agad akong lumabas ng building at bago pa man ako makarating sa parking lot, nasagap ng mata ko ang mga batang lansangan na naglalaro sa kaharap na park ng building ng company.

Tumingin ako sa mga pagkaing dala ko. Ibibigay ko sa kanila 'to.

Agad akong naglakad papalapit sa kanila, at natuwa naman sila.

Binigay ko ang pagkain at kitang-kita ko ang pagkatuwa nila.

Naalala ko tuloy si Jaycee.

"Salamat po ate."

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya, "Walang anuman."

"Kagabi pa po kami walang kain eh," sabi ng isa.

Nagulat ako. "Talaga?"

Tumango sila. Bigla akong nakaramdam ng kirot ng puso ko.

Kawawa lang sila.

Maswerte lang ako at hindi ganito ang buhay ng kinagisnan ko.

At dahil dun, "Sige hayaan niyo, nakikita niyo ang building na 'yan?" turo ko sa bulding nina Cal.

Tumango sila. "Opo, bakit po?"

"Diyan nagtatrabaho ang lalaking mahal ko. Pangako ko sa inyo na tuwing pupunta siya diyan, dadaanan niya kayo ng pagkain dito. Okay ba 'yon?" nakangiti kong sabi.

Tumango sila at nag-cheer. "Yehey! Salamat po ate!"

Pagkatapos nilang kumain, bumalik na sila sa paglalaro. "Thank you po ate!"

Ngumiti lang ako at napagdesisyunang manatili muna sa park.

"Kayle?"

Lumingon ako sa kaniya.

"Logan?"

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ah, pinuntahan ko si Cal," turo ko sa building. "Tapos may dala akong pagkain kaya binigay ko sa mga bata," nakangiti kong sabi at tiningnan ang mga bata.

Umupo naman siya sa tabi. "Mind me?"

Umiling ako. "No. Bakit ka nga pala nandito?"

"Sinamahan ko lang si mom, may binili siya."

Tumango ako. "Ahh okay."

"Ba't mag-isa ka? Akala ko ba pinuntahan mo si Cal?"

Tumango ako. "Oo nga, pero busy siya eh."

Tumango naman siya. "Intindihin mo na lang. He'll make time for you."

I nod. "I know."

Tumingin siya sa mga bata. "Kawawa sila."

Sumang-ayon ako. "Ang mga batang tulad nila ang mas nangangailangan ng atensyon. But what do we expect right? Our society today..."

"Is hopeless," dugtong niya.

Hindi nagtagal ay may tumawag ng pangalan niya, isang babaeng nasa mid-40's na nakatayo sa tabi ng sasakyan niya.

"Mom's here," sabi niya at tumayo. "I gotta go."

"Okay, ingat kayo."

"You take care too," then he smiled and walked away.


I smiled and got up, uuwi na ako. I'm a bit tired already.

--

Continue Reading

You'll Also Like

2M 76.3K 164
Sml? An epistolary.
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
63M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...