Blitz #5 - Dekada

By WattIncognito

1.3K 81 49

WE'VE COME A LONG WAY. More

GENERAL RULES
Blitz #5: Dekada
Judging and Elimination Process
Team A - Entry #2 Abandoned
Team B - Entry #1 Madilim na Araw
Team B - Entry #2 Siya Si Mulat
Team C - Entry #1 Ang Malaki Ngunit Masikip na Mundo ni Sarah
Team C - Entry #2 May Pag-asa Pa Ba?
Team D - Entry #1 Lights Camera Action!
Team D - Entry #2 Isang Bala
Team A: Action Results
Team B: Fantasy Results
Team C: Horror Results
Team D: Mystery Results

Team A - Entry #1 FIVE OF SEVEN: WSGEP

126 7 7
By WattIncognito

Word count: 1936

---

"IN MY TERM, the Philippines will become one of the leading, emerging country in Asia."

Napapikit na lamang siya at napatungo nang bumalik sa kaniyang alaala ang mga pangakong binitawan niya sa harap ng maraming Pilipino. Pagkadismaya ang nagingibabaw sa kaniyang sistema; hindi niya matanggap na taliwas sa mga ipinangako niya ang mga nangyayari ngayon.

Hinawakan ni Miriam ang kamay ng asawang nakahimlay sa kaniyang harapan. Nakakabit dito ang mga aparato habang natutulog ng mahimbing. Hindi naman magawang pigilan ng pangulo ang nag-iinit niyang mga mata na nagbabadya nang lumuha.

Ilang sandali lamang ay napagpasyahan niyang lumabas muna sa ospital na iyon upang makalanghap ng sariwang hangin. Nais niyang mapag-isa, magmuni-muni, at maisip kung itutuloy ba ang pinaplano.

"I can't believe this! I didn't want this life!" naisigaw na lamang ni Miriam sa kawalan habang nakaupo sa isang mahabang upuan kung saan walang tao at siya lang ang nakakarinig sa sarili. "I never dream this life!"

Matapos manalo ni Miriam bilang pangulo sa naganap na eleksyon noong 1994, nagsaya ang pamilya niya kasabay ng pagsisimula sa pagtatrabaho bilang pangulo ng bansa. Laking tuwa ng tinaguriang "Philippine's First Woman President" at natalo ang katunggaling si Fidel Ramos na pumangalawa sa kaniya sa nakakuha ng mataas na boto.

Ngunit kung inaakala niyang matatapos na ang mga banta sa kaniyang buhay, nagkakamali siya.

Lalo pang nadagdagan ang mga pagbabantang naganap sa kaniyang buhay na halos ikamatay na niya at ng kaniyang mga mahal sa buhay. Dahil sa paninindigan sa tama, bingit ng kamatayan ang iginaganti sa kaniya.

"Ang sabi ko, huwag magpapasok ng kahit na sinong tao sa opisina ko, hindi ba? Bakit may ganitong mga sulat na nakakapasok dito?" sigaw ni Miriam sa kaniyang sekretarya.

Nanginginig sa takot na lumapit ang sekretarya at saka nagsalita, "Madam, hindi po talaga kami nagpapapasok ng kung sino rito. Hindi rin po namin alam kung paano nakaabot 'yang mga death threats sa mesa ninyo."

"Pwes, itapon lahat ng 'yan! Hindi ko kailangan ng mga basura sa lamesa ko. Bilis!" bulyaw ng bagong upong pangulo na imbis na makitaan ng takot, galit at inis pa ang kaniyang ipinapakita upang hindi akalaing siya'y natatakot sa mga iyon, kahit pa sa loob-loob niya'y nakakaramdam din ng pagkabahala.

Tuloy lang ang pagtatrabaho niya ng maayos kahit pa tuloy rin ang pagpapadala sa kaniya ng sunud-sunod na mga sulat mula sa mga hindi kilalang tao na gusto siyang patayin.

"Kung hindi ka pa bababa sa pwesto mo, kami mismo ang gagawa ng paraan para pwersahan ka naming maibaba mula sa pagkapangulo."

Makailang beses na rin niyang kinompronta si Fidel na suspetsa niya'y nasa likod ng lahat ng iyon, ngunit isa lang ang laging sinasagot nito sa kaniya.

"Alam mo, kung hindi mo binabangga ang mga malalaking tao, you will not receive any death threats. Wala akong kinalaman sa mga 'yan. Don't blame me."

Hanggang sa dumating ang oras na ikinatatakot niya para sa pamilya, hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya maintindihan kung bakit salungat ang iba sa kaniyang mga desisyon, sapagkat alam niya mismo sa sarili kung paano matutulungan ng mga

plano niya ang mga Pilipino sa mga problemang kinahaharap ng bansa.

"Manong, pakibilisan naman. Baka mahuli kami ni Mike sa party," nag-aalalang sambit ni Miriam sa kanilang drayber. Naramdaman naman niyang may humawak sa kaniyang likod at nakita ang asawa.

"Huwag kang mag-alala kung male-late tayo. Alam naman nilang abala ka sa mga ginagawa mo kaya okay lang 'yan."

Habang abala sa pag-uusap ang dalawa, lingid sa kaalaman nilang mayroong magtatangka sa kanilang buhay.

Isang putok ang umangalingawngaw. Tumama ang sunud-sunod na bala sa kanilang sasakyan na naging dahilan upang sila'y mapayuko. Ngunit huli na nang yumuko si Mike dahil natamaan siya sa ulo ng balang nanggaling sa lalaking nakasakay sa isang motor at wala pang plaka. Agad na naalarma si Miriam sa nangyari nang matigil ang pagputok at makaalis na ang lalaking dahilan ng engkwentrong iyon.

"Mike!" natatarantang sigaw ng pangulo habang hindi na napigilan ang pagdaloy ng mga luhang agad na nagsibagsakan mula sa kaniyang mga mata. "Tumawag ka ng ambulansya, manong. Bilis!"

"Gusto mo na bang isuko ang pagkapangulo at mamuhay ng ligtas?" Isang tinig ang agad niyang narinig. Papalubog na ang araw, tanda na sa anumang oras ay magdidilim na ang paligid. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses na iyon, ngunit bigo siyang makita kung sino ang nagmamay-ari niyon.

"Sino ka? Magpakita ka sa 'kin!" sigaw niya sa kawalan. Patuloy pa rin sa paghahanap ang kaniyang mga mata.

"Hindi ako ang kalaban mo, Miriam. Hindi rin ako ang nagtatangka sa buhay mo. Sa katunayan, ako pa ang tutulong sa 'yo sa kagustuhan mo."

Tuluyan nang nilamon ng kadiliman ang buong paligid. Isang malamig na kamay ang naramdaman ng pangulo sa kaniyang balikat at nang lingunin niya kung kanino iyon, halos atakihin siya sa puso dahil sa pagkabigla at takot na biglaang tumakbo sa kaniyang buong katawan.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa 'kin? Demonyo!" Mapupulang mata ang agad na bumungad sa kaniya. Nakatingin ito ng deretso na mas lalong nagpanginig sa kaniyang laman.

"Binibigyan kita ng pagkakataong baguhin ang iyong kapalaran, Miriam. Iyon ay kung papayag ka sa inaalok ko." Nakakabaliw na ngiti ang pinakawalan nito. Hindi pa rin maiwasan ni Miriam na manginig sa takot.

"At paano naman mangyayari 'yon?" tanong naman ni Miriam na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

"Purong galit ang kinikimkim ng iyong puso, at iyan ang hinahanap ko sa isang tao. Ang ganiyang katangian ang binibigyan ko ng pagkakataong maghiganti at baguhin ang kanilang kapalaran." Nakangiti pa rin ito na animo'y may malalim na binabalak. Agad na nagkaroon ng lagusan sa isang puno malapit sa kanila na pinalilibutan ng itim na awra.

"Hindi ba't galit ka sa mga taong nagtangka sa buhay mo na naging dahilan kung bakit na-comatose ang asawa mo ngayon? Hindi ba't gusto mong gantihan ang mga taong nasa likod ng pagkapahamak ng mahal mo sa buhay? Pwes, gamitin mo ang galit na 'yan para makuha mo ang inaasam mo."

Tila nakaramdam ng hilo si Miriam nang lumalim ang tingin ng kausap niya sa kaniya. Nakaramdam siya ng biglang pagliyab ng damdamin sa kaniyang puso na hindi niya alam kung ano at paano nangyari.

Hindi na niya namalayang kusa na siyang naglalakad papunta sa lagusang ginawa ng demonyo. "Hindi ko hahayaang mabuhay ng payapa ang mga taong 'yon. Magbabayad sila!" sigaw niya. Bago pa man tuluyang makapasok, bakas ang punung-puno ng galit sa kaniyang mukha.

Nang tuluyan na siyang lamunin ng lagusan, isang malakas na halakhak ang pinakawalan ng demonyo. "Tagumpay ang plano ko!" at saka ipinagpatuloy ang malakas na paghalakhak sa malalim na boses.

---

"AYOKONG sumama sa inyo, Ma. Maiiwan na lang ako rito," sambit ng pitong taong gulang na batang si Bobby.

"Huwag kang tatamad-tamad diyan! Wala kang kasama rito kaya kailangan mong sumama sa 'min ng Papa mo!" galit namang bulyaw ng kaniyang ina. Hawak pa nito ang pamaypay na anumang oras ay ipapalo sa kaniya.

"Sigurado ka, anak? Wala kang kasama rito sa hotel," tanong naman sa kaniya ng ama na bihis na bihis at handa na upang umalis papunta sa isang piging na kanilang dadaluhan.

"Pwede namang i-lock niyo na lang 'yung pinto pag-alis niyo, e. Kayo na lang!"

Anumang pilit na paghila ng ina niya sa kaniya, hindi pa rin ito nagpapaawat at ayaw pa ring tumayo. Halos mag-init na ang ulo ng kaniyang ina dahil sa pagsuway nito.

"Kung lagi mo na lang pinaiiral ang katamaran mong bata ka, wala ka talagang patutunguhan!"

"Hayaan na natin siya. Pwede naman niyang utusan na lang 'yung service crew para magdala ng pagkain kung magugutom siya mamaya," singit naman ng kaniyang ama. Tahimik lang na nakatingin sa ibang direksyon si Bobby upang iwasan ang tingin ng mga magulang.

Agad nang umalis ng kwartong iyon ang kaniyang ina. Naiwan naman ang ama nito at nag-iwan ng bilin bago umalis.

"Huwag na huwag kang magpapapasok ng kung sinu-sino rito. Kung gusto mo ng pagkain, mag-utos ka na lang sa crew. Aalis na kami."

Pagkasarang pagkasara ng pinto, agad na siyang tumakbo sa kama na naroon sa kwarto at saka binuksan ang telebisyon upang panoorin ang mga palabas na lagi niyang pinanonood. Ligayang-ligaya siya dahil muli na namang umepekto ang katamaran niya para hayaan siyang mag-isa ng mga magulang.

Kinuha ni Bobby ang dalang bag na puno ng Boy Bawang, Choco-choco, Clover Bits, at isang garapon ng Stick-O saka ito nilantakan isa-isa. Idagdag pa ang panonood ng 'Voltes V' habang naglalaro ng tamagotchi kung saan binabantayan niya at pinapakain ang hindi totoong alaga na libangan niya.

Ipinagbabawal sa kaniya ang mga junk foods na pagkain, ngunit hindi niya mapigilang tanggihan ang sarap ng mga ito. Laking tuwa na lamang niyang wala ang magulang kaya't mapupunan niya ang kaluluwang ubod ng takaw.

Sinasabayan pa niya ang kanta ng mga pinapanood na palabas at ginagaya ang ginagawa ng mga karakter doon. Hindi pa rin matapos ang kaniyang pagkain na tila walang kabusugan.

Pagkarating ng alas-quatro ng tuloy pa rin ang panonood niya ng telebisyon nang makaramdam ng biglang pagyanig sa kaniyang kinahihigaan. Inakala niyang ilusyon niya lamang iyon. Ngunit nang magpatuloy pa iyon, mas lalong lumalakas ang pagyanig na naging dahilan upang magbagsakan na ang mga babasaging plorera sa lamesang malapit sa kaniya, pati na rin ang mga malalaking larawan sa dingding.

"Anong nangyayari?" Sinubukan niyang tumayo ngunit bigla lang siyang natumba dahil hindi mabalanse ang sarili. Namatay ang ilaw at ang telebisyon kaya't dumilim ang paligid.

Iginala niya pa ang tingin sa buong paligid upang humanap ng liwanag ngunit ang tangi niya lamang nakita ay isang pares ng pulang mga mata na nagliliwanag sa kasagsagan ng kadiliman.

"Tulong!" ang tangi na lamang niyang nasabi dahil sa takot na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ngunit tila ba nakita niya ang mga labi ng nakikita niyang nilalang na biglang kumurba pataas. Tila naliligayahan ito sa nangyayari.

"Ma...Pa..."

Naramdaman niyang may napakabigat na bagay na tumama sa kaniyang buong katawan at sa ulo na naging dahilan upang hindi na siya makasigaw pa. Nagdilim na ang paningin kasabay ng pagkawala ng pares ng pulang mga mata na diretsong nakatingin sa kaniya.

"Nakuha ko na ang gusto ko rito. Hindi na dapat buhayin ang isang ito. Wala na siyang pakinabang." Agad na ring nilisan ng demonyo ang hotel na iyon sa Baguio na gumuho dahil sa lakas ng pagyanig ng lupa sa lugar.

----

"SANTIAGO cried fraud and filed an electoral protest citing power outages as evidence."

Hindi matanggap ni Miriam ang kaniyang pagkatalo sa kanilang tunggalian ni Fidel na siyang nanalo sa nagdaang eleksyon. Pakiramdam niya'y natapakan ang kaniyang dignidad dahil sa paninindigang siya ang mas nababagay na maging pangulo.

"I will never stop runnimg for presidency hanggang sa malutas ang problema ng Pilipinas. This country needs me. No other one but me!"

Hindi naman alintana ng senadora ang mga alaalang nawala na sa kaniyang isipan--na siya ang totoong Pangulo ng bansa na inihalal--ngunit agad ding sinukuan ang bayan dahil sa takot na mapahamak ang pamilya.

Lingid din sa kaalaman ni Miriam, nakikinig lang sa sulok ang demonyong tumulong sa kaniya upang balikan ang nakaraan--nang wala nang kahit na anong natatandaan.

Agad rin itong naglaho at lumitaw sa harapan ng isang maliit na agila. Walang tao sa paligid at wala ring imik ang agila sa paghawak niya rito.

"Hindi nila alam, mamamatay din ang babaeng iyon. Lahat ng bagay ay may kapalit, at ang mga maling desisyon ay may kaakibat na parusa. Malas na lang niya at hindi niya itinanong kung ano ang magiging kabayaran ng kaniyang desisyon," nangingiting sambit ni Satanas habang hinihimas ang katawan ng kapapanganak pa lamang na agilang si Pag-asa.

"Kailangan ko pa ng mga taong may malakas na itim na awra. Matinding kasalanan ang magbibigay ng tagumpay sa plano ko. Syempre, kailangan ko rin ang anak mo para sirain ang mundong ito."

Continue Reading

You'll Also Like

12.2M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
1.5M 58.3K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
186K 5.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.