Boss! I'm Pregnant! (Edited V...

By Telulalah

2.7M 14.8K 499

Chrome and Paine Story More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 3

75.2K 1.3K 40
By Telulalah

PAINE'S POINT OF VIEW

“Sakto ang dating mo Paine.” – nakangiting bungad sa’kin ni Elea, ngunit kapansin-pansin ang pagiging aligaga nito. Mukhang may hindi magandang nangyare.

“Ah, yeah.” – tangi kong sagot dito habang nakangiwi. Hindi ko magawang maging komportable dahil sa suot na basang damit, ramdam na ramdam ko pa rin kasi ang lamig mula roon. Hindi ko na rin kasi nagawa pang makapag palit ng damit, dahil ilang minuto na lamang ay mala-late na ko. Laking pasalamat na lamang talaga ako at purong itim ang aking isinuot, naging tulong iyon upang hindi mahalata ang pagkabasa ng aking suot. Ngunit nandoon pa rin ang lagkit ng aking katawan, at hindi talaga ako komportable doon.

Lumapit ako sa pwesto ni Elea at naupo. Narinig kong napabuntong hininga nito na ikinalingon ko rito. Mukhang may nangyare nga talaga. Akmang tatanungin ko na 'to kung anong problema, nang ito na mismo ang unang nag salita.

“Medyo bad mood kasi si Mr. Montefalcon, tuloy ay hindi ko alam kung paano kita ipapakilala sa kanya.” – sabi ni Elea, wala naman sa sariling napatango ako at nakaramdam ng bahagyang kaba. Bakit naman kaya bad mood si new boss? At base sa itsura ni Elea ay mukhang mahirap mabad-mood ang new boss ko.

“M-Masama ba magalit si Boss?” – hindi ko na napigilang itanong dito.

“Medyo.” – baling na sagot nito sa'kin.

Muli akong nakaramdam ng kaba. First day ko ngunit bad mood agad ang new boss ko. Pero ano naman kaya ang dahilan? Marahil may kliyente itong hindi nakasunod o kaya may deal itong hindi nakuha, ganoon kasi si kuya Tyler kapag may mga kliyente itong mga demanding.

Sa kakaisip ng mga dahilan ay nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang intercom na nasa aking gilid.

“Elea, come here.” – boses lalaki ang nagsalita. Ito na ba ang new boss ko?

Ang cold ng boses!

Walang pasabi na agad na tumayo si Elea at tinahak ang pinto ng Presidential room, ngunit bago ito tuluyang pumasok ay umayos ito ng tindig, nawala ang nag aalangan nitong ekspresyon at napalitan iyon ng pagiging seryoso. Nag mukha itong professional bigla sa aking harapan.

Napanganga ako dahil sa ginawa nito. Tila naging ibang tao ito bigla sa aking harapan, ang kaninang palangiti at cheerful na si Elea ay naging isang istrikto at masungit na Elea na.

Manghang mangha ako sa mga nasaksihan. Hindi ko na nga namalayan na nakapasok at muli ng nakalabas si Elea mula sa silid ng presidente.

“Paine?” - tawag sakin ni Elea, doon naman bumalik ang aking katinuan. Nakangiti ko itong binalingan. At ayun na muli ang nakangiting si Elea.

“Bakit?”

“Halika ipapakilala na kina kay Mr. Montefalcon.”— nakangiting sabi pa nito. Muli naman akong sinalakay ng kaba. Normal naman ito hindi ba? Kahit naman sino ay kakabahan sa unang pagkikita, tama ako hindi ba?

Kinakabahan akong tumayo at bahagyang inayos ang sarili. Pansin ko na bahagya ng natutuyo ang suot kong damit, nakatulong ang lamig ng opisina.

“Kinakabahan ako.” — wala sa sariling na ibulaslas ko habang sumusunod kay Elea, bumaling ito sa'kin at bahagya lang ngumiti. Hindi ito nagsalita at patuloy na naglakad patungo sa pintuan. Kumatok ito ng dalawang beses, at napansin ko muli ang pagiging seryoso nito.

Pinilit ko naman na pakalmahin ang sarili, kailangan ko rin maging professional sa harapan ng bago kong boss. Hindi ito ang unang beses na haharap ka sa malalaking tao Paine, kaya relax!

“Come in.” — sabi ng baritonong boses. Binuksan ni Elea ang pinto. Nauna muling pumasok si Elea, habang nakasunod naman ako dito.

"Mr. Montefalcon, this is Ms. Honey Paine Salazar, your new hire secretary." — agad na pakilala sa'kin ni Elea. Agad akong nag paskil ng ngiti sa aking mga labi at agad nag angat ng tingin. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo habang ang mga mata ay nakatuon sa papel na  binabasa.

Ngunit ganoon na lang kabilis na tinakasan ako ng kaluluwa nang makilala ang lalaki. Hindi pa man ito tuluyang nakakapag angat ng tingin dahil sa pagiging abala sa pag babasa, ay hindi naman naging hadlang iyon upang hindi maalala at makilala ang lalaki.

Ang lalaki sa mall!

Lintek, kung hindi ka naman talaga minamalas!

Nag angat ito ng tingin, at sa hindi inaasahan ay nagtama kaagad ang aming mga mata. Ngunit sa aking pagtataka ay wala man lang rumihistrong pagkagulat doon, mas kapansin-pansin pa nga na tila inaasahan nitong magkikita kaming dalawa. Sa takot at kaba ay hindi ko napigilang mapalunok.

“Ms. Salazar”— unang banggit pa lang nito sa pangalan ko ay pinanginigan na ako ng tuhod.

Alam ko na ang mangyayari sa'kin, at mukhang hindi ako tatagal sa kompanyang ito ng isang araw.

“You're fired.”— napapikit ako nang marinig ang mga katagang iyon. Nang makilala ang lalaki ay alam ko na ito ang gagawin nito. Sino ba naman normal na tao ang tatanggap sa babaeng minura-mura ka. Syempre wala! Inaasahan ko na rin nasasabihin nito ang mga katangang iyon.

“Wait, Mr. Montefalcon?”— narinig ko ang boses ni Elea, nagdilat ako ng mga mata. Humakbang ito pauna at tumapat mismo sa harapan ni New Boss, tila mag po-protesta.

No Elea!

Gusto ko iyong sabihin dito, ngunit hindi ko magawa.

“Bakit aalisin n'yo si Paine, hindi pwede sir.”— tumututol na sabi ni Elea. Bakas na bakas sa mukha ng babae na hindi nito nagustuhan ang sinabi ng amo. Sino ba naman ang matutuwa, huling araw na nito ngunit mukhang mauudlot iyon dahil sa boss nitong antipatiko!

Sa ngayon ang mga mata ni New Boss ay na kay Elea na, nakita kong binitawan nito ang papel na hawak bago isinandal ang sarili sa upuang kinauupuan.

“Why not?” — walang ganang tanong ng lalaki.

“Sir, hanggang ngayong araw na lang ako.” — sagot ni Elea. Muling bumalik ang titig ng lalaki sa akin, tuloy ay napaiwas ako ng tingin at natuon ang paningin sa papel na hawak nito kanina. At muntik ng mapamura nang makitang resume ko pala ang nakapaloob doon. Kaya naman pala hindi na ito nagulat nang makita ako. Inaasahan na nito ang aming pagkikita!

“But I want to fired her.”— sabi pa muli ng lalaki. Nang mag angat ako ng tingin ay sakin pa rin ito nakatingin. Muli naman akong kinalibutan. Alam kong mukha akong maamong tupa ngayon, ibang iba sa karakter na ipinakita ko rito kanina.

Nakakahiya!

Narinig kong bumuntong hininga si Elea.

Hala, suko na ba ito agad? Hindi na ba ito mag po-protesta?

“Kung iyan ang gusto n'yo, pero huwag nyo rin sanang asahan na narito pa ako bukas.”— nagpapasensyang sabi ni Elea. “Alam na ni Ms. Salazar ang lahat ng trabaho ko bilang sekretarya n'yo kahit ilang oras ko lang siyang tinuruan. Matalino at madali siyang makapick up Sir.”— pagtatanggol pa nito. Nais ko na talagang pigilan si Elea sa mga sinasabi. Parang nais ko na lang mag tatakbo at huwag ng bumalik dito. Punong puno ng kahihiyan ang aking pagkatao.

Ngunit sa lahat ng mga sinabi ni Elea ay hindi man lang nagsalita o nagka reaksyon ang lalaki. Tuloy ay muling napabuntong hininga ito at bahagyang tumango.

“Lets go Ms. Salazar.”— aya sa'kin nito. Akmang lalabas na kaming dalawa nang mag salita ang lalaki.

“Leave Elea, stay Salazar.”

Nanlaki naman ang aking mga matang binalingan ang lalaki. Anong balak nito. Pipigilan ko sana si Elea sa pag alis nito at sabihin okay lang na maalis ako sa trabaho, ngunit nang sulyapan ko ito ay wala na ang ito.

Bakit ang bilis nyang nakaalis?

What to do?

“We meet again, witch.”— narinig kong sabi ng lalaki. Dahan-dahan akong bumaling dito, at nagulat pa ako nang makitang nakatayo na ito.

King ina.

“S-Sir?”— kabado kong sambit. Ngumisi ito at bahagyang lumakad palapit sakin.

“You call me what?”—tila hindi ito makapaniwala sa aking itinawag dito.

“Ano sir..” —napaatras ako nang kaonti na lang ang agwat naming dalawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko, bakit ko ba nararanasan ito, e wala naman akong ginawang mali. Kung tutuusin ito naman ang may kasalanan ng lahat!

Sino din bang may alam na ito pala ang CEO ng bago kong kompanya na pag tatrabahuhan! Wala naman nagsabi sa'kin. At ang inis at galit na naramdaman ko kanina ay normal lang para sa taong nabuhusan ng juice. Malamang naman ay matuwa pa ako hindi? Kaya't normal iyon!

Ngunit nang maalala ang huling ginawa rito, ay mas lalo akong nawalan ng pag asa. Sino ba ding normal ang tatanggap sa isang taong bumato sa iyo ng basong may juice sa ulo?

Edi wala!

“Kanina lang ay mukha kang galit na tigre, habang ngayon ay mukha ka namang pipe na pusa.”— mayabang na sabi pa nito.

Nakakaramdam na ako ng inis sa lalaking ito. Totoo nga pa lang antipatiko itong totoo! Nakakainis!

Pasalamat na lang ito at may kakahiyan pa ako. Ayoko lang din mas lumaki pa ang issue.

“Nasa'an na ang Jerk na tawag mo sa'kin kanina?”— hindi pa rin ako nagsasalita at pinipilit na pakalmahin ang sarili. Kung papatulan ko kasi ito ay alam kong mas lalaki lang ang problema.

Siguro mas maganda na lang na umalis na lang ako at mag quit dito. Mukha rin namang wala na akong pag asa sa kompanyang ito. Madami pa namang trabaho d'yan. Mukhang hindi ko din naman matitiis na pakisamahan ang lalaki kung sakaling pakiusapan ko ito. Ngunit andoon pa din ang panghihinayan, isa ang sa Cloudrevel sa pinaka kilalang company sa buong bansa, maging sa Asia. Noon pa mang nag aaral ako ng college ay ang Cloudrevel na agad company na nangunguna sa aking listahan na balak kong apply-an. Ngunit dahil nga kay kuya Tyler ay naudlot ang aking plano. At ngayong nandito na ko, mukhang hindi pa rin ako pag bibigyan ng tandaha na makapag trabaho sa pangarap kong kompanya. Lalo na't galit na galit sa'kin ang may-ari nito.

Ang galit mo lang talaga, Paine.

Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. “No need to fired me Sir. I quit.”

Sorry Elea mukhang mauudlot ang pag alis mo.

“Really?”

“Yes sir.”— sagot ko habang ang mga mata ay nasa sahig.

“Okay, but I will make sure na wala ng iba pang company na tatanggap sa'yo Ms. Salazar.”— sabi ng lalaki na lubos kong ikinalaki ng mata. Agad ko itong tiningala at nakitang nakangisi ito.

Anong ibig nitong sabihin.

“No one mess with me, Ms. Salazar.”

“Sir.. ”— hindi ko na alam ang pwedeng sabihin. Ganoon ba katindi ang nagawa kong kasalan? Alam ko na posibleng mangyare ang mga sinabi nito. Isa itong Montefalcon, at kung hindi ako nagkakamali isa ang mga ito sa kinikilalang pinakamayamang pamilya sa buong Pilipinas. In short, maimpluwesya itong tao at kayang-kaya nitong ipa-banned ako sa iba pang kilalang kompanya. At kung mangyayare 'yun, isa lang ang kahihinatnat ko. Ang kompanya ni kuya Tyler.

Isa lang naman ang gusto ko. Ang tumayo sa sarili kong mga paa. Pero bakit naman ganito ang nangyayare sa' kin?

“I-I'm sorry sir.. ”— nangangatal ang mga labing sabi ko. Ayoko muling bumalik kina kuya Tyler. Oras na bumalik ako roon ay alam kong pagtatawanan ako ni ate Raine, at sasabihin na niloloko ko lang ang sarili ko.

“I can't hear you”— nang-uuyam na sabi pa ng lalaki. Gusto kong maiyak, hindi ko alam na ganito ang ugali ng taong nag mamay-ari ng kompanyang hinahangaan ko noon pa. Kung alam ko lang edi sana ay sa ibang company na lang ako nag apply.

Kuyom ang mga kamay na tumalikod ako. Kung ayaw nya sa'kin huwag!

Ang panget ng ugali nya!

Tinatahak ko ang daan palabas ng office ng antipatikong lalaking iyon nang bigla itong magsalita.

“Stay”

“What do you want?”— matapang na tanong ko rito bago ito balingan at samaan ng tingin. Tutal wala na din namang pag asa na makapag trabaho ako rito. Lalabanan ko na ito ng patas. Wala na kong pakialam kung pag balik kay kuya Tyler ang kahahantungan ko. Binabastos na masyado nito ang pagkatao ko.

Nakita kong nakangisi pa din ang lalaki habang ang ilang mga daliri ay humahaplos sa mapupula nitong labi.

“Starting tomorrow ikaw na ang official secretary ko. Based on Elea said ay alam mo na ang kailangan mong gawin, at inaasahan ko na totoo nga ang mga sinabi ni Elea.”— sabi nito at naupo sa dating pwesto. Ako naman ay naiwang nagtataka, bakit tila nagbago ang ihip ng hangin. Kanina lang ay gusto ako nitong alisin, tapos ngayon naging official na ko.

Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman, matutuwa ba o kung ano. May binabalak ba ito?

“Wala lang akong choice dahil kailangan ko talaga ng sekretarya, Ms. Salazar.”— akala naman nito ay may choice ako. Tulad nito ay wala din akong choice, naiipit ako sa sitwasyon. Ang mag quit ba at bumalik kina kuya Tyler o tiisin ang damuhong na ito.

“So, welcome to Cloudrevel Ms. Salazar.”— nakangising sabi pa ng lalaki.

Gusto ko naman mapamura, anong klaseng lalaki ba ito?

___

J H O N A N A

03-20-21

Continue Reading

You'll Also Like

627K 12.4K 30
(Czarina and Harland) "Marriage is a beautiful thing." Pero paano kung ang kasal ay dahil lamang sa isang kasunduan? A marriage contract destined not...
962 120 20
Self-made billionaire Gareth Sebastian wants his revenge from the girl who jilted him at the altar and ripped his heart. He has a lot of plan in his...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
86.6K 1.7K 38
Paano kung may maligaw na NUMBER sa Cellphone mo?? hindi lang basta ISA kundi MARAMI papatulan mo ba?? sino sa kanila?? paano kung manligaw sa yo?? F...