CROWN'S ARDOR (FORBIDDEN LOVE)

By AnningFrankenstein

327K 10.1K 727

Love isn't something you find. Love is something that finds you. Ehem, ako si Gwen, Gwen Crown, Crown Gwen 😂... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.1
Chapter 13.2
Chapter 13.3
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 28.2
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37.1
Chapter 37.2
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Author's Note

Chapter 46

3.2K 122 30
By AnningFrankenstein

(Vien)

Ang landi nya guys. Hindi ko akalain na ganito na sya. I mean, last time namin pag kikita ay sa resort and she was like, like, like an angel na sobrang tino. Then, one time, ito na pati best friend nya nilalandi nya.

I saw her with Veronica earlier. She grind Veronica on the wall. Two hands on each of Veronica's head side.

And kaninang umaga, may kasama syang babae, na sa tingin ko ay ang anak ng may-ari ng resort na pinuntahan namin before. Her name is Georgina.

"Where have you been?" tanong ni Joaquin nang nakita nya ako palapit sa kinaroroonan nya.

"Sa office. May kinausap akong mga students na pasaway then I took a nap" sagot ko.

"Mukha nga, kunot din ang noo mo" He stated. Hinila nya ako sa upuang katabi, napaupo naman ako. He suddenly massage my temple.

"Relax" he soothed. I smiled. By the way, kami na. Sinagot ko na sya noong nasa condo. Noong talikuran na ko ni Gwen. Wala ako sa sarili ko non then boom, nasagot ko na pala ng 'Yes' si Joaquin.

Wala na akong iniisip na iba noong gabing yon. Dahil sa sakit na rin ng pakiramdam ko, umo-o na ako sa panliligaw ni Joaquin. At alam kong mali yon, dahil para na rin syang rebound.

I caught off guard when I felt Joaquin kiss my cheeks.

"May klase ba kayo?" he asked smiling.

"Nop. Ewan ko lang ang 2nd years" sagot ko. Binigyan ko sya ng tipid na ngiti. Tumango sya.

"May klase ba kayo Ate?" tanong ko kay Ate Angela.

"Wala din kami." sagot nya habang nakatuon ang kanyang paningin sa phone.

Well first day pa lang naman so, it is used to us na hindi muna kami mag-start na mag klase. Besides, nag orientation kami though some of the students are not listening. Lalo na si Gwen at ang mga pinsan nya na maya't maya ay sinuway ko dahil sa pag upo nila sa upuan na babagong tuyong pintura.

Kanina mula ng lumabas si Gwen, si Veronica at ang kaibigan nila na si Georgina, napansin ko hinila ni Gwen si Georgina papasok ng laboratory. I waited for them pero ang tagal nila sa loob. Nag pasya akong matulog sa office ko.

At dahil walang ginagawa ang mga eskwela. Ang iba kumakanta, ang iba naman ay nag momovie marathon sa laptop nila.

Ang grupo ng magpipinsan na sina Gwen, nag kakantahan. Pinangungunahan ng sintunadong si Ella.

"Para sa inyo to" sabay tayo ni Ella. Kinuha ang suklay ni Alex at ginawang mic.

"Aaaallll by myseeelllfff, don't wan-"

"Ang luma naman nyan Ella" putol na reklamo ni Alex. Nag roll eyes si Ella. She pulled her phone out and I think she's looking for a better song.

"Ito. May nakita ako. Ehem. Para kay Panini to kahit nawala sya bigla." she starts and kept her phone once again.

Kumunot ang noo ko matapos marinig ang sinabi ni Ella. Wala si Gwen sa hanay nila. Saan naman nag punta yun? Lumabas na kaya yon ng laboratory?

Tumayo ako at tumakbo papunta sa laboratory. Nagulat pa si Joaquin ng tumayo ako. Pagbukas ko ng lab, walang tao.

So, asan sila ngayon?

Bumalik ako sa seat nila Joaquin. Tumingin ako sa relo, it's 1 in the afternoon. Napansin ko ang pagpasok ni Gwen sa gate. May dala syang dalawang helmet.

"Oh narito ka na pala. Ang tagal mo naman Panini." Reklamo ni Ella.

"Sorry ah" irap na sagot ni Gwen. Lumabas sya ng office ng 10 am and nakatulog ako tapos passed one na. Ngayon lang sya dumating, saan kaya sya nagpunta?

Kerbs mo ba ha?

"Panini! May song ako para sayo" nagmamalaking sabi ni Ella.

"This is a shout out to my ex
Heard he in love with some other chick.
Yeah yeah, that hurt me, I'll admit.
Forget that boy- teka, babae nga pala ex mo Panini ano?" Putol nya sa kanta. Nag glance sa akin si Gwen, sabay tapon ng notebook sa direksyon ni Ella.

Bwiset!

"Ano ba?! Nag tatanong lang ako!" Sigaw ni Ella, umiiwas sa librong lumilipad patungo sa kanya.

"Asar ka" inis na sabi ni Gwen.

"Ulitin natin" saad ni Ella.

"This is a shout out to my ex
Heard she in love with some other guy.
Yeah yeah, that hurt me, I'll admit.
Forget that girl , I'm over it
I hope she gettin' better sex
Hope she ain't fakin' it like I did, babe
Took four long years to call it quits
Forget that girl, I'm over it
Guess I should say thank you
For the "hate you's" and the tattoos
Oh baby, I'm cool by the way
Ain't sure I loved you anyway
Go ahead, babe, I'mma live my life, my life, yeah!"

Natatamaan ako sa kinakanta ni Ella, sa totoo lang. Habang kumakanta, bumabaling ang mata ni Gwen sa kinauupuan ko with matching smirk. Hindi ako nakatiis, binato ko ng sling bag si Ella. Sapol naman sa pwet.

"ARAY!" Sigaw nya sabay lingon. Sinamaan ko sya ng tingin. Mapang-asar talaga silang mag pipinsan.

Hindi naman napansin ng ibang guro ang ginawa ko kasi busy sila sa tsikahan, ganon din si Joaquin.

"Ms. Vien! Walang personalan!" Sigaw ni Ella na syang nag cause ng pag-init ng pisngi ko.

Bwiset na Ella Mae na to!

Gumawi ang paningin ko kay Gwen. Wala sya sa inuupuan nya. Nasaan na naman yon?

Naningkit ang mga mata ko ng matanaw ko si Gwen at ang kinakapatid nyang si Anj. Parang nag-aaway. At saka anong ginagawa ng Anj na yan dito?

Lumingon ako kay Ate Angela na busy sa pakikipag usap kay Joaquin. I stand up and move closer at the 2 women arguing about something.

"You are such a bitch! What did you tell her? Telle me!" Anj shouted to Gwen while pointing at her. Umurong si Gwen dahil sa light force na nag mula sa pag duro sa kanya ng kinakapatid.

"Wala nga sabi eh!" nanggigil ding sagot ni Gwen. Tinabig ang kamay ni Anj.

I shifted my eyes at Gwen's adoptive sister, Anj. She's furious, any minute mananapak sya. Galit na galit ang mukha.

"Aminin mo na sabi!" Anj screamed gripping Gwen's collar.

May lumapit na isang babae na blonde ang buhok. Matangkad. She holds Anj wrist. Pinipigilan na huwag sumugod si Anj kay Gwen.

Ano bang pinag aawayin nila?

"Guys, stop it" pigil ng babae. I think her name is Raegan.

"She's lying." Anas ni Ani.

"Hindi nga sabi eh! Malay ko ba ha?! Kung ayaw mo maniwala di wag ka. Palibhasa kasi nag papauto ka sa kanya!" Gwen screamed back.

I saw how Anj roll eyes, grit her teeth then a very hard punch is contacted to Gwen's cheek. Napaupo si Gwen habang hawak ang nasuntok na bahagi ng pisngi.

"Sa susunod wag kang makikialam!" Anj shouted and leave Gwen laying on the ground.

I look at Gwen. Kitang kita sa mata nya na gusto nyang gumanti pero nag pigil sya.

"Hey! What is going on here?!" sigaw ko sabay labas sa pinag tataguan ko. Lumingon sila sa akin.

Anj ignored me and started to walk away with the blonde woman.

Lumapit ako kay Gwen at tinulungan syang tumayo. Pero tinabig nya ang mga kamay ko.

"I'm fine" inis nyang sabi. Hindi ko sya pinansin at tuloy lang ang pagtulong ko sa kanya.

"Okay lang ako sabi eh" sabi nya. She glared at me.

"Ayos ka lang ba?" nag aalala kong tanong sa kanya. Hindi sya tumugon. Hinawakan ko ang pisngi nya, umigtad sya ng konti. Masakit siguro.

"Halika dito" sabi ko at hinila sya papasok. Nakita kami ni Ate Angela.

"Anong nangyari?" nag aalala tanong ni Ate Angela.

"Maya sabihin ko" sagot ko. I tried to open the clinic pero sarado. No choice but to bring her in my office.

Pinaupo ko sya sa couch. Tahimik lang sya habang nakatingin sa sahig. I look for an ointment. I pushes my chair right in front of her.

"Ano bang pinag-aawayan nyo?" tanong ko habang binubuksan ang ointment

"Nothing" tipid nyang sagot habang umiiling.

"Why is she here?" I asked. I started to rub her cheeks with my thumb.

"W-Wala po. Nag kita lang po kami"

I lift her chin up as I put the ointment. Iniiwas nya ang kanyang mata. Hindi ko maiwasan na huwag titigan ang kanyang maamong mukha.

My eyes shifted downwards. Her lump lips. Muli kong ibinalik ang aking paningin sa mga mata nya. She was staring.

I suddenly moved my head forward. I pressed my lips against hers while my fingers are trailing in her neck.

My eyes snap widen and moved my head backward. Tumingin ako kay Gwen, gulat sya habang nakatingin sa akin.

What did I just do?

"I'm... you...we just...we just... you kissed me" hindi nya makapaniwalang turan. Tumayo sya at iniwan ako sa loob.

Shit!

Lumabas ako mula sa opisina. Hindi ko na naabutan si Gwen. Hindi ko sinasadya na mahalikan sya.

****

(Gwen)

Hinalikan ako ni Vien.

Goodness.

Ang mga nangyari kanina. Bumabalik sa isipan ko. Gulat na gulat ako sa ginawa nya. Kaya tumayo ako agad. Bakit nya ginawa yon?

Alam ko hindi ako nananaginip kanina, totoo ang mga nangyari sa loob ng opisina.

Sumakay ako sa loob ng kotse ko at walang sabi-sabi na umalis ng school. May dala akong kotse kanina pero hindi yun ang ginamit ko dahil mas madaling makakatakas kapag motor ang gamit. Susundan ko si Anj. Matapos nya akong sapukin, tapos sisigawan pa nya ako.

Hinatid ko si Georgina sa bahay. Hindi bahay nya. Bahay ko sa Compound don sa dati namin tirahan. Sinabi ko sa kanya na huwag syang aalis hangga't hindi ako bumabalik. Then, bumalik ako sa Campus. Mga mapang-asar na kanta ang kinakanta nya. Tapos nakita ko si Anj na galit na galit na nakatingin sa akin. Napaurong naman ako ng konti, pero syempre the rest ay kunwari na lang na hindi ako kinabahan. Sana hindi nya ako nasunda sa compound. Babalik din ako sa bahay sa ngayon. Susunduin ko si Georgina.

Hinila nya ako palayo sa mga pinsan ko at malapit sa C.R nya ako dinala. Malapit sa labasan.

Sinigiwan nya ako about sa nangyari kanina. Kung sinabi ko ang misyon nya. Tumanggi ako. Tapos sinabi nya na paharang harang daw ako sa target nya. Hindi nya ako masisisi! Gusto kong protektahan ang si George.

Inis na inis syang humihingal. As in twice syang huminga dahil sa galit. Kaya tinalikuran ko sya, tapos hinawakan nya ako at hinila pabalik. Sinigiwan nya pa ako. Sumigaw na rin ako.

Pagkatapos, sinuntok ako! Asdfghjkl! Gaganti na ako eh, lumabas lang si Ms. Vien. Kaya pigil ganti muna ako.

Shookt! Hinalikan pa ako ni Vien sa office. Kailangan ko lang mapuntahan sa ngayon si George. I just wanna make sure safe sya don.

Tumakbo ako patungo sa bahay namin dati matapos kong mapark ng ayos ang kotse. Bukas ang pinto ng makita ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Baka kinuha na nila si Georgina.

Pumasok ako ng bahay. "Georgina?!" Tawag ko sa pangalan nya. Lumabas ang isang pigura ng babaeng kulat blonde ang buhok.

"Gray?" Kunot noo kong bigkas sa babaeng humarap sa akin. "She's inside. She's with Sarah" sagot nya.

Daglian akong nagtungo sa isang kwarto na may bukas na pintuan. Nakaupo si Georgina.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko kay Sarah. "We heard about you-know-what-I-mean, we followed you." Saad nya.

"May ginawa ba sila sayo?" Nag-aalalang tanong ko kay Georgina.

"No, gusto ko na umuwi and fyi? Kidnapping na to!" She shouted.

"No it's not. You agreed to come with her. Just so you know, the door is opened. Gwen left the door open, you can go anytime." Mahinahong sabi ni Sarah.

Ano kaya sinabi nila kay Georgina? Bakit nila ako sinundan? Para san? Inutusan din ba sila?

"Wag mo ko kausapin! Nagkita lang tayo kanina pero hindi tayo close!" Masungit na sabi ni Georgina kay Sarah.

Lumapit sa akin si Gray. Hinila nya ako sa kabilang room. "Her father was the main target. Pero, hindi sya ang ginawang target kundi ang anak nyang si Georgina. May issue ang headmaster at si Mr. De La Torre." Kwento ni Gray.

"Eh bakit kayo narito? Anong purpose nyo?" Tanong ko sa kanila.

"To help you Gwen. It was Sarah's idea na sundan ka. And to protect Georgina as well." Sagot ni Gray.  Naguguluhan akong tinitigan sya.

"Ako? Tutulungan kayo? Paano ko naman masisigurado yan?"

"Sarah knows me. I bet you know my skills as well" sagot ni Gray. Anong konek sa sagot nya sa tanong ko?

Inis akong lumabas ng kwarto at nagtungo kung san naroon si Georgina.

"May plano ang principal. Aalis ang mga kapatid mo ganon din si Mama mo. Matitira ka dito, and my idea is..." Sumulyap sya kay Georgina. "She can go with them. We can guard you" dagdag ni Gray.

"Ano yon? Sabihin nyo sa akin!" Sigaw ni Georgina. "Once na malaman ng headmaster ang ginawa mo Gwen. You, me, Sarah and Georgina will be killed. They will kill us. And I hope that woman, you protecting knows how to keep quiet. Once she said a word. Alam mo na" matapang na sabi ni Gray.

"Just save me" singit ni Georgina. Kumunot ang noo namin.

"I'll stay quiet pero wag nyo ko papatayin" sabi ni Georgina. Lumuhod ako sa harapan nya. "Hinding hindi mangyayari yon." Sabi ko.

Dinala ko si Georgina sa pinaradahan ng kotse ko. Kasunod ko sina Gray.
May inabot ako sa kanila na papel. Address ni Georgina.

"Dalhin nyo sya dito. Stay with her" sabi ko. Tumango si Sarah.  Bago pa man ako makasakay ng kotse lumapit sa akin si Georgina. "How can I trust them?" Kinakabahan nyang tanong. Ngumiti ako. "Kilala ko sila. They won't hurt you" sabi ko.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko patungo sa mansion. Alam ko kalaunan malalaman din nila Papa ang ginawa ko. Ewan ko ba parang hindi ako nag-isip sa ginawa ko kanina.

Nakarating ako sa mansion. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng kotse. Pag pasok ko sa loob ng mansion isang malakas na sigaw ang bumungad sa akin.

Nakikipag diskusyon ang Uncle ko at si Papa. Hawak ko ang door knob at pinapakinggan ang sigawan nila.

"Hindi sa lahat ng oras papatay ka Rodolfo! What my daughter did is to protect the girl! Hindi kasalanan ni Anj o ni Gwen o kung sino mang tao ang ginawa sayo ni Mr. De La Torre. You made a deal and yet, tinaraydor mo sya tapos ikaw ngayon ang magagalit?"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha Fernan? He made a deal with me. So he must know may iba akong pakay sa kasunduan namin!"

"Gago ka ba? You two made a deal, pero you never said a word about the drugs! He refused and now you threaned him! Ang papatayin mo ay anak nya? What a nice idea, Rodolfo. Talino mo!" Full of sarcasm na sagot ng Papa ko.

Binuksan ko ang pinto. Lahat sila lumingon sa akin. Naroon sa loob sina Anj at Claire. Biglang nagdilim ang paningin ni Rodolfo. "You!" Duro nya sa akin.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ni Uncle Rudy sa akin.

"Yun na yong target. Humaharang ka pa." Dagdag ni Uncle Rudy.

Sumulyaoako kay Anj. Masama ko syang tinitigan. Parepareho na sila. Kahit pa narinig ko ang sinabi ng Papa ko hindi pa din mawawala ang galit ko sa kanya.

"Anong target?" Kunwari wala akong alam. "Kunwari ka pa. Para kang ama mo! Mapagkunwari!" Sigaw ni Uncle sabay duro sa akin.

Ngumisi ako. "May minana rin pala ako kahit paano. Sana sinabi nyo kung sino ang target para ako ang tumira sa kanya" sagot ko.

"Sinungaling!" Sigaw ni Anj. Susugod na sya pero pinigilan ng mga tauhan ni Uncle Rudy.

"Sa susunod na mangealam ka, ako ang papatay sa inyong mag-ama." Banta ni Uncle. Sumulyap ako kay Papa, hindi sya nag salita. Sumulyap din sya sa akin. Walang emosyon ang mukha nya.

"Do it. You all do is blame others. Ikaw lang naman gumagawa ng kagaguhan mo. Those who blame others are called losers. I bet your one of them" matapang na sabi ko. Tiningnan ko ng masama si Uncle, ganon din sina Claire at Anj.

"Dalhin yan sa kwarto nyan." Utos ni Uncle. Hinawakan nila ang braso ko.

"Kaya ko ang sarili ko." Sagot ko. Huli akong tumingin sa mga taong kadugo ko, lalo na sa tatay ko na nakatingin lang din.

Lumabas ako ng opisina. May salitang umagaw sa aking pandinig. Hawak ko pa ang door knob.

"Sino ba ang mga pinsan nyang anak mo Fernan? Pakielamara din?" inis na tanong ni Uncle Rudy. Nanlaki ang mga mata ko.

"Rudy, they're Gwen's friend." sagot ng bwiset kong ama.

"I don't care. I wanna know them." respond ni Uncle Rudy.

Anak ng— wala talaga syang pinapalampas.

"At ikaw Fernan, ilipat mo na ang anak mo sa ibang eskwelahan." Rinig ko pang sabi ni Uncle.

Hinintay ko ang sagot ni Papa. Pero wala akong narinig. "Kailan ba alis ng mag-iina mo?" tanong ni Uncle Rudy.

So, tuloy nga ang alis nina Mama at mga kapatid ko. Kailangan kong bumalik sa kinaroroonan nina Georgina at Gray.

"Tomorrow at 12 midnight. Private plane" sagot ni Papa.

"Good. Mabuti ng wala ang asawa mo at ibang anak mo. Maiiwan si Gwen. At ipagawa ang matagal na nating plano" sagot ni Uncle Rudy.

Anong matagal na plano?

"Habang buhay ka na lang Papa magiging uto-uto sa kapatid mo?" naiiyak kong bulong bago tuluyang umalis sa pinag tataguan ko. Nakita ko si Tina at Harry. Nag dikit lamang ang aking ngipin.

"Gwen..." Bigkas ni Tina sa pangalan ko. Nag-aalala syang tumingin sa akin.

Hindi ko sya pinansin. Imbes nag diretso ako sa kwarto ko. Hihintayin ko mag gabi, aalis ako. Kailangan ko puntahan si Sarah at Gray, pero siguro tatawagan ko na lang muna si Sarah. Kakausapin ko na lang sya thro phone. Baka hanapin sila dito.

**

Hatinggabi na. Kailangan ko puntahan si payong.

Eh ano naman sasabihin mo dun?

Bahala na, narito na ako sa labas eh. Muntanga lang ako. Dati naman hindi ako ganito. Tapos ngayon ito na, tumatakas takas na ako. Sa bintana guys ako dumadaan, na parang may hagdan.

Syempre yung motor ang gamit ko. Sobrang layo na ko bago buksan ang makina. Ang lakas kasi nito pag binubuksan, tunog nang pang karera. Mabuti na lang walang tao sa labas. Pero may CCTV. Bahala na kung mahagip ako sa CCTV basta makaalis ako.

Bukas pa ang ilaw sa sala nina payong. Matapos ko ipark ang motor. Kumatok ako agad. Dumungaw pa si Ella sa bintana bago ako pag buksan.

"Panini? Anong ginagawa mo dito?" inaantok nyang tanong. Sumilip ako sa loob, nanonood pa sya ng tv.

"Ililipat ako ng school, payong. Tumakas lang ako" pabulong na sabi ko.

"Mukha nga" irap nya.

"Lumayo na kayo sa akin. Huwag na huwag na kayong lalapit sa akin. Tandaan mo yan." sabi ko.

"Teka, bakit?" taka nyang tanong.

"Basta. Gawin mo na lang. Mag-ingat kayo. Wag mo babanggitin sa mga Tiya to. Sa inyo lang itong mga pinsan natin. Basta mag-iingat kayo. Mamimiss ko kayo. Lalo ka ng bwiset ka!" naiiyak kong sabi sabay yakap ng mahigpit sa kanya.

Kahit muntanga syang iwan don, iniwan ko pa din. Grabeng slow.
Punta muna ako kina Ron.

Nag doorbell ako ng nag doorbell. Hindi talaga ako tumitigil hanggat hindi sya nag bubukas ng pinto.

"Gwen?" hindi nya mapakaniwalang turan. Ikaw ba naman katukin ng ganitong oras.

"Hi, Ron." bati ko. After ng bati na yon hinila ko sya papasok ng unit nya.

"I just want to talk to you" sabi ko.

"In this wee hour? Bakit hindi mo na lang ako itinext." asar nyang sagot.

"No. Listen to me, lumayo ka kay Anj." diretsahan ko ng sabi. Wala ng paligoy ligoy pa.

Kumunot ang noo nya. "At bakit naman?"

"Just do as I say, Ron. Para sayo rin to. And by the way, lumayo na rin kayo sa akin. Huwag na huwag na kayong lalapit." sabi ko sabay hawak sa dalawa nyang balikat.

"Teka, bakit ba?" inis nyang tanong at tinabig ang mga kamay ko.

"Just listen to me. Ito na ang huli nating pag-uusap. Mag-ingat ka lagi. Stay away from Anj. Stay-away, understand?" mariin kong sabi. Niyakap ko sya ng mahigpit bago lumabas ng kwarto nya.

"Gwen?!" she shouted. Tuloy lang ako ng pag labas.

"Gwen!"

I'm so sorry guys. Malalagay lang sa panganib ang mga buhay nyo kaya gagawin ko to.

Sunod akong nagpunta sa bahay ni Georgina. Naroon pa sina Gray at Sarah. Tulog na siguro si Georgina.

Nag text ako kay Sarah na nasa gate ako. Maya maya pa nag bukas ang pinto ng bahay.

"She's sleeping" bungad agad sa akin ni Sarah. Ngumiti ako.

Nag tungo kami sa kwarto ni Georgina. Malaki ang bahay pero, may kasama kaya sya?

Umupo ako sa paanan ng kama ni Georgina. "How are you?" Bulong na tanong ni Gray.

Umiling ako. "Ewan. Hindi ko na yata alam ang salitang okay, sa totoo lang. I'm just 17 but facing a huge consequences. I still want to enjoy my teenage life Gray. Pero, hindi pares ang buhay ko sa iba. I'm scared of my future" mahina kong sabi.

"My parents can't do anything about it. Now, I'm engaged to death" mapait kong sabi. Lumingon ako kay Georgina. "Sasama sya sa pag-alis nila Mama bukas ng hatinggabi" sabi ko.

"Ihahatid ko sya. Claire messaged me about kanina." Sabi ni Sarah. Tumango tango ako. Wag na nya i-open ang topic. Lalo akong nagagalit sa nangyayari sa buhay ko.

Narito ako sa isang bahay ng bagong kakilala tapos poprotektahan dahil sya ang target ng hitman ng Uncle ko. Hanggang kailan ko to gagawin.

Naramdaman ko ang pagbangon nang babae sa kama. "Nagising ka ba namin?" Nag-aalala kong tanong kay Georgina. Umiling sya.

"I'm awake to be honest. Hindi ako makatulog. I'm scared Gwen" sagot nya. Lumingon ako sa dalawang babae na nasa harapan ko.

"Aalis sina Mama bukas. Sumabay ka sa kanila. Para sa'yo din to" sabi ko.

"Who are you to order me?" Mataray nyang tanong. Akala ko ba hindi sya tulog? Pero bakit init ng ulo nya? -.-

"Costumer." Asar kong sagot. "Joke lang!" Bawi ko.  "Alam mo naman na nasa panganib ang buhay mo. Kapag umalis ka bukas may posibilidad pa na makatakas ka mula sa mga humahabol sayo" sabi ko.

"Ihahatid ka nila bukas. Kasabay mo sila bukas sa eroplano. Private plane. Don't worry, safe ka with my Mom." Sabi ko sa kanya.

"Sana nga."

"Oo wag ka mag-alala." Sabi ko.

Isa na lang ang kulang. Si Vien. Sya ang p-protektahan ko ngayon. Kahit gaano pa kalayo ng school na paglilipatan ko.

**

Alas dyes na ako nagising. Ikaw ba naman matulog ng alas dos ng madaling araw.

May klase ako ngayon ng 12. Hindi pa naman ako ngayon ililipat di ba, kaya papasok pa rin ako. Kunwari hindi ko alam na ililipat ko ng school.

Nag ayos ako ng sarili ko. Kumain pag katapos. Tapos, pasok ulit sa loob ng kwarto. Nag hintay ng 30 minutes, bago naligo at ready to go to school.

Bumaba ako mula sa kotse.
Ang mga pinsan ko nasa tindahan. Lagi silang kompleto.

"Panini!" Tawag ni Ella. Hindi ako lumingon. Kailangan sanayin ang sarili ko.

"Gwen?"

Walang lingon lingon. Tuloy lang ang lakad hanggang sa makapasok sa silid.

Tahimik lang ako habang nag tuturo si Ms. Carmen. Hindi katulad ng dati na pasaway at maingay.

Tatlong oras yata akong ganto. Juicecolored, hindi ko matiis. Kaya kagat labi ang ginagawa ko.

Kita ko sa peripheral vision ko si Ron na nakatingin sa akin. Yung kating kati na gusto mong makipag chikahan, di mo magawa.

"May problema ba Ms. Gwen Crown?" Tanong ni Ms. Carmen.

"Wala po." Matipid kong sagot bago naglakad palayo sa kanila.

Hinarangan nga lang ako ng mga pinsan ko sa dinaraanam ko.

"Gwen... seryoso talaga, hindi mo kami kakausapin?" Tanong ni Alex.

Hindi ko sila pinansin. Pilit akong umiiwas, pero hinaharangan nila dinadaanan ko.

"PANINI! Bawal snob." Mapang-asar na sabi ni payong. Shet, naiiyak ako. Mamimiss ko yung mga ganitong kakulitan.

Pero kailangan ko silang iwasan para na din sa kanila.

"Stop talking to me! Got it!" Galit kong sigaw sa kanila. Gulat silang nag tinginan sa isa't-isa. Napatingin din ang tatlong prof. na nakaupo sa couch, kumakain. Si Ms. Keith, Ms. Angela at Ms. Vien.

Pero imbes na matakot sa sinabi ko. May ginawa si Ella na mala-Kris Aquino accent.

"Aaayyy, she english us... Ang saakkkeeettt. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ahahaha!" mala-Kris Aquino accent nyang sabi. Yung may kulot kulot pa ang pag sasalita then nababali ang leeg.

Bwiset!

Kung hindi agad ako aalis dito hindi ko mapipigilan ang tawa ko. Namumula na yung tenga ko habang nag pipigil ng tawa.

Nag roll eyes ako at lumayo sa kanila. Hindi ko na talaga kayang hindi tumawa. Yung mga pinsan ko kahit siguro sabihan ng 'Papatayin kita! Tumahimik ka!' eh imbes na itikom ang bibig lalo pang mag iingay. Mas pipiliin pang mamatay makipag daldalan lang.

Nag stay na lang ako sa loob ng kotse ko hanggang sumunod ang next class. Bawat segundo yata bumuntong hininga ako, nauubusan na ako ng hininga neto. Naiiyak na lang ako. Tapos, napapaisip ng anong pwede gawin. Anong maaring gawing move. Naiipit na sa mga nangyayari. Feeling ko hirap na ako. Ang bata bata ko pa, ito na yung narararanasan ko.

Hindi pumapasok sa isipan ko ang mga sinasabi ng prof sa unahan. Nakatingin lang ako sa mga mata nya. Parang hindi ko na naririnig ang sinasabi nya, yung mga tumatakbo na lang sa isipan ko ang nakikita at naririnig ko.

Hindi ko na rin namalayan na tapos na pala ang klase. Tumayo ako at tumingin sa relong nakasabit. Quarter to six na.

I was caught off guard when someone grip my wrist.

"Ms. Crown?"

Lumingon ako at nakita si Ms. Keith. Ang taksil na best friend ni ex.

"Yes po?" tanong ko.

"Are you alright? Kanina ko pa napapansin na ang tamlay mo" concern nyang sabi. Ngumiti ako ng tipid.

"Okay lang po ako." sagot ko sabay hila pabalik ng kamay ko.

"Are you sure?" tanong nyang muli.

"Okay lang po talaga ako. Salamat po" sagot ko. Mabilis ako nag lakad patungo sa pinagparkingan ng sasakyan ko.

Natanaw ko pa si Ms. Vien na nag lalakad patungo sa kanyang kotse, pa sway sway ang bag at hawak ang phone.

Lumapit ako ng konti. Gusto ko syang kausapin. Gusto kong sabihin na mag-iingat sya lagi.

"Ms. Pascual" tawag ko sa kanya. Humarap sya. Medyo nagulat pa sya ng makita nya ako.

"Yes, Ms. Gwen?" she asked back.

Pano ko ba sasabihin?

"Uh, Kamusta na po ang Dad nyo?" tanong ko. Ito lang lumabas sa bibig ko guys.

"He recovered. Bakit mo naman naitanong ang tungkol sa Daddy ko?" medyo pataray nyang tanong. Wow ah kung mag taray ka parang hindi mo ko ninakawan ng halik.

"May sinasabi ka ba?" nakakunot nyang tanong. Umurong naman ako.

"Wala naman pero, alam nyo po ba na pinapadala sa Carcero ang mga magnanakaw ng halik?" Ngisi kong sabi sa kanya.

"Pinagsasabi mo" napipikon nyang sabi. Natatamaan na siguro sya sa sinabi ko.

Bumuntong hininga ako bago lumapit sa kanya.

"Mag-iingat ka. Mawalan man ako sa tabi mo, hindi mo na ako makikita lagi mong tatandaan, babantayan pa din kita ng hindi mo nakikita. Magkalayo man tayo, lagi kitang ipagdadasal na sana okay ka at masaya ka. Kung ito man ang huli nating pagkikita, gusto ko lang sabihin sayo, wala akong babaeng mamahalin kundi ikaw lang. Alam ko bata ako sa paningin mo at dadaan ang edad na tatanda ako pero, kung ano ang sinabi ko hanggang kamatayan ko yon. Mag-iingat lagi. Mahal na mahal kita" naiiyak kong sabi sa kanya. Humalik ako sa pisngi nya. Hindi sya nagsasalita. Speechless siguro. Pero masaya ako na nasabi ko sa kanya ang matagal ko ng gustong sabihin.

Continue Reading

You'll Also Like

19.9K 1.2K 40
Si Jewel Delos Santos at Koleen Sato ay dalawang kabataan na nangangarap maging sikat na artista. Si Jewel ay isang multi-talented artist. Matangkad...
131K 5.3K 39
Paano kung ang tanging paraan upang makabawi ka sa iyong kasalanan ay ang pakasalan ang isang estrangherang may tradisyunal na paniniwala sa buhay...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...