Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 24: Kiss of the Dragon

19.2K 587 143
By JoeBeniza


Anong nangyayari?

Bakit ako hinahalikan ni Valerie?

Ang lambot at ang init ng kanyang mga labi.

Nanginginig ang mga kamay ko. Anong klaseng pakiramdam ito? Bakit parang nadadala ako?

This is wrong, but...

Sumabay naman ng tugtog sa radyo ni Manong Taxi driver ang isang love song. Habang parang biglang tumigil ang paghinga ko saglit.

(Now Playing: All I Need by Shamrock)

Kissing you is not what I had planned
And now Im not so sure just where I stand

I wasnt looking for true love
But now youre looking at me
Youre the only one I can think of
Youre the only one I see


Napapikit din ako habang kami ay mag kahalikan. Tuluyan na akong nadala. Tuluyan kong nakalimutan ang lahat ng mga bagay.

Tila gumaan ang buong paligid. Nagtayuan ang mga balahibo ko, anong klaseng mahika ito?

All I need
Is just a little more time
To be sure of what I feel
Is it all in my mind
Cause it seems so hard to believe
That youre all I need

Tila parang isang magnet ang halik ni Valerie, dalang dala ako at hindi ko na talaga napigilan. Dahan dahan ko na din hinawakan ang kanyang mukha at bumawi ng halik sa kanya.

Pagkatapos ng ilang segundo, biglang tumigil si Valerie sa paghalik sa akin, ngunit mag ka lapat pa rin ang aming mga labi.

Dahan dahan kong minulat ang aking mata para tignan kung bakit siya biglang huminto. Nang makita ko siya, tila natauhan si Valerie at nanlalaki ang mga mata niya.

Nanlaki rin ang aking mga mata sa gulat. Natauhan na rin ako at alam kong mali itong ginawa namin.

Lumayo sa akin si Valerie at bigla akong sinampal.

"Kier! Bakit mo ako hinalikan?!"

"Huh? Ikaw kaw kaya humalik sa akin!" Giit ko.

"Huh?! Okay ka lang?! Porket lasing ako mag te-take advantage ka na ah! Nakakainis ka!" pinalo niya ako ng pinalo sa braso.

"Teka lang! Teka lang! Ikaw nga talaga 'yong humalik sa 'kin, promise!"  Paliwanag ko. Para may   magpatibay ng sinabi ko, dinamay ko si Manong driver, "manong, 'di ba siya po 'yong humalik sa akin?"

Nakita ko sa salamin na ngumiti si Manong at napakamot ulo, "ay, wala po akong alam diyan, Sir."

"Nakakainis ka Kier! Bumaba ka na nga!" Naiinis na sambit ni Valerie.

"Teka lang, Valeng, malayo pa kaya sa amin ito. Maawa ka naman."

Tumingin siya sa akin ng masama na para bang pinagiisipan niya kung pabababain niya ako o hinde.

"Huwag mo kong kakausapin ah. Nakakainis ka!"

Hindi ko alam pero parang natatawa ako sa pagtatalo namin.

"Valeng..." hihingi sana ako ng sorry pero agad niya akong binara.

"Sabi ko huwag mo kong kakausapin 'di ba! Huwag mo rin ako titignan!"

"Okay! Okay!  Ang sungit naman ng Dragon na 'to. Ikaw na nga nag nakaw ng halik sa akin eh," taas kamay na lang ako. Kakatakot siya magalit e.

"Ang kapal talaga ng mukha mong pangit ka! Hindi kita hahalikan, 'no!"

Sa isip ko, ginawa mo na nga eh.

Ngumise ako at 'di nalang umimik baka kasi lalong magalit ang dragon.

"Manong! Paki patay nga po 'yong radio niyo!" Sambit ni Valerie. Ang sungit niya at parang kumukulo siya sa inis. Tumutugtog pa pala kasi 'yong love song.

Grabe iritableng iritable siya. Siya naman humalik sa akin pero siya pa 'yong naiinis. Pero atleast gising na siya.

Nanatili kaming hindi nag iimikan ni Valerie. Hangang sa makarating kami sa bahay niya.

"Goodbye Pangit! Kailangan ko na mag toothbrush ng maraming marami! Puro germs pa naman 'yong lips mo. Huwag na huwag mong babanggitin ang nangyari ah! Patay ka talaga sa akin!" Dinuro duro pa niya ako.

Tumango naman ako ng tumango, "Yes ma'am! Yes ma'am!"

Bumaba siya ng taxi at dumiretso sa loob ng bahay nila. Nagpahatid na din ako sa taxi hangang sa apartment.

Habang nasa biyahe, hindi ko matanggal sa isipan ko ang nangyari. Bakit parang naiwan sa labi ko ang lambot ng labi ni Valerie? Bakit parang puro siya naiisip ko ngayon?
Biglang tumunog ang phone ko. Nag padala pala ng message si Valerie.

Valerie: Hoy! Uhmm.. Let's forget about this night. Ingat ka. Goodnight!

Hindi ko alam kung paano ako mag re-reply sa kanya, kaya minabuti kong hindi nalang sumagot sa message niya.

Pag-exit ko sa messaging app ng phone ko, tumambad sa akin ang wallpaper ko na picture ni Jana.

Naloko na!

Yari ako nito!

Paano ko ngayon ipapaliwanag kay Jana ang nangyari?

I think I've just cheated on her! Yari talaga!

Pag-uwi ko, nag message ako agad kay Jana. Siyempre kailangan ko mag paliwanag. Sana lang huwag siya magalit. Hindi ko naman sinasadya eh. Patay talaga ako!

Tinatawag ko po lahat ng santo. Save me!

Heto na ita-type ko na... then send.

Me:   My love, gising ka pa ba? Uhmm kasi..  Tawag ka sana may gusto lang ako sabihin. Tingin ko kasi may kasalanan ako sa'yo. Sana pag usapan natin. I miss you.

Naghintay ako kay Jana pero hindi niya nagawang mag reply. Minabuti kong matulog na lang at mag pahinga.

Pag gising ko, agad akong nag check ng phone kung may message si Jana. Pero bigo ako, wala pa rin hangang ngayon. Nakakapag-taka, kahit seen hindi niya nagawa sa message ko sa kanya sa FB.

Nagpahinga lang ako ng araw na iyon, pinasyal ko si Pogi saglit at nanood din ako ng mga Movies. Walang reply si Jana buong mag hapon at hindi din ako ginagambala ng Dragon.

Speaking of Dragon. Naalala ko na naman 'yong kagabi. Kainis! Bakit ba nangyari 'yon? Hindi tuloy mawala sa isip ko. Paano ko ba ipapaliwanag kay Jana 'yon?  Bahala na!

Nagsawa akong manood ng movie at pagsapit ng hapon, minabuti kong lumabas. Sa hindi malamang dahilan, nag kusa ang mga paa ko na bumyahe at napunta ako sa Bar kung saan kumakanta si Valerie.

Pagdating ko roon, hindi sila Valerie ang kumakanta. Nilibot ko ang aking tingin at nakita ko si Karlo at si Rex sa isang table. Parang may pinagtatalunan yata sila. Nilapitan ko sila para kamustahin.

"Hey bros! What's up?"

Si Rex ang unang pumansin sa akin, "uy! Ikaw pala, Kier. What's up men?" at nakipag apir siya sa akin.

Sumunod din si Karlo, "Insan ikaw pala. Musta musta?"

"Mamaya pa kayo tutugtog?" Tanong ko kay Rex at Karlo.

"Cancel pre. Hindi raw okay si Valeng eh. Lasing daw siya kagabi, pahinga daw muna siya," sagot ni Rex.

"Ah kaya pala. Manonood pa naman sana ako. Ano pinag tatalunan niyo kanina?" tanong ko ulit sa kanila.

"Badtrip kasi itong si Rex insan!" Sambit ni Karlo at dinuro niya si Rex.

"Eh siraulo ka pala eh!" Bawi ni Rex at akma na niyang susuntokin si Karlo.

Agad akong gumitna sa kanila dahil baka bigla silang mag suntukan.

"Whoa whoa! Guys! Chill lang. Ano ba'ng problema? Upo muna tayo." Sumunod naman sila sa akin at naupo kami sa tatlong monoblock chairs.

"Ano ba nangyayari? Ilang buwan ko lang kayong hindi nakita, tapos ngayon nagkakagulo na kayo?" Tanong ko.

"Wala naman dapat gulo insan, kung hindi lang nakikialam 'to," sambit  ni Karlo at muli niyang dinuro si Rex.

Gumanti naman ng pagduro si Rex, "Ogag ka pala e! H'wag mo ko dinuduro ah."

Naguguluhan na ako sa dalawang'to. Ano ba talaga pinag aawayan nila?

"Teka teka. Ano ba kasi talagang nangyayari dito?"

"Kasi ganito 'yon insan," baling ni Karlo sa akin. "Isang araw napagtripan namin na makipag-date kay Cheska. Tapos ako 'yong nauna. Noong una, laro laro lang talaga, gusto lang naming matawa nito ni Rex. Pero hindi ko akalain ang nangyari insan. Sa kabila pala ng malalaki niyang braso at mala mandirigmang pangagatawan, ay mayroon pa lang isang anghel sa lupa na nag tatago sa kanyang pang UFC fighter na wankata!"

"Sinabi ko kay Rex na may gusto na ako kay Cheska. Noong una tawa lang siya ng tawa, pero noong turn niya ng makipag date kay Cheska, Aba! Na-inlove din siya insan. Putek lang 'di ba?!" Dagdag pa ni Karlo.

"Walang talo talo bro!" Sambit ni Karlo kay Rex.

"May the best rockstar win na lang, boy!" Bawi naman ni Rex.

What the F did I just heard from these two bozos?

Napakunot noo ako at tinignan ko sila nang siryoso.

"Siryoso ba kayo diyan? Last time na magkitakita tayo halos takot na takot kayo kay Cheska ah. Ngayon in love na kayo? Hindi ba kayo nagayuma?"

Gusto kong matawa pero sa itsura ng dalawang 'to na hindi tumatawa mukhang siryoso sila.

"Oo nga pala Rex... Paano kayo ni Colleen kung may gusto ka na rin kay Cheska?" Tanong ko kay Rex.

Biglang nalungkot ang mukha ni Rex, "Break na kami ni Colleen, pare. Two months ago na."

"Kitams insan! Gagawin lang niyang panakip butas si Cheska!" Singit ni Karlo.

"Hindi totoo 'yan! Ikaw nga ang habol mo lang kay Cheska ay 'yong mala bulubunduking Sierra Madre niyang hinaharap eh! Ako gusto ko talaga si Cheska," giit ni Rex.

Natatawa ako sa pinag-aawayan ng dalawang ito. Sinong mag aakala na magkakagusto kay Cheska itong dalawang kaibigan ko pagkatapos lang ng isang date?

"Guys c'mon! Napaka-simpleng bagay lang itong pinag-aawayan niyo. Huwag niyong paglalaruan ang damdamin ni Cheska. Kahit mix martial arts fighter 'yon, babae pa rin 'yon. Kung hindi naman kayo sigurado na mamahalin niyo siya, eh mabuti pa'ng h'wag niyo na lang ituloy. Tigilan niyo  na 'yong panti-trip niyo," sambit ko sa kanilang dalawa.

"Masisira lang 'yong banda sa ginagawa niyo eh," dagdag ko pa.

Nanahimik lang silang dalawa. Tila nag-sink in naman ang payo ko.

Ilang saglit pa ay nag-aya si Karlo, "Mabuti pa uminom na lang tayo."

"Sige, pero pass muna ako diyan ah. Uminom din ako kagabi eh. Makikipag kwentuhan na lang ako sa inyo," sambit ko.

Nag order si Rex ng isang bucket ng beer at nagsimula silang mag inuman.

"Rex, ano nangyari sa inyo ni Colleen?" Tanong ko kay Rex.

"Ewan ko pare, Tingin ko nainip na siya," sagot ni Rex na may malungkot na mukha.

"Paanong nainip pare? Sayang naman 'yong six years relationship niyo."

"Ayon na nga pare eh. Six years pero hindi siya nanghinayang. Samantalang ako, naliligo na ng pampamanhid para lang makalimot," mabilis na namula ang mga mata ni Rex. Doon pa lang kita mo na ang sakit na nararamdaman niya.

"Mali ko rin kasi, Pare. Sa loob ng six years wala akong napakita sa kanya. Hindi ko napakita na mag kakaroon kami ng magandang future kasama ang isa't isa. Sana mas pinaghandaan ko ang magkaroon ng sariling bahay at ang pakasalan siya," dagdag pa ni Rex matapos tumungga ng beer sa bote.

Sa puntong ito, sobrang naawa ako kay Rex. Ang sakit kaya nung pinaghirapan mo, binigyan mo ng buong oras at buhay mo, pero sa bandang huli pala mag iiwanan kayo.

Sana lang hindi ako iwan ni Jana. Hindi ko kakayanin. Sana mapag-usapan namin ng maayos 'yong nagawa kong kasalanan.

"Kaya kung ako sayo, Kier... lagyan mo ng ceiling ang relasyon niyo ni Jana. Dapat bigyan mo ng goal ang sarili mo. Kunwari, after two years dapat kasal na kayo. Huwag mong paghihintayin nang matagal. Kung matagal man, ipakita mo na ginagawa mo 'yong makakaya mo para balang araw ikasal kayo. Huwag mo akong tularan, happy go lucky lang ako. Inisip ko lang na mahal na mahal niya ako kaya ginagawa ko lang ang gusto ko, hindi ko naisip na pwede siyang mawala."

Natigilan ako sa sinabi ni Rex. Tama siya. Hindi ko dapat paghintayin nang matagal si Jana. Sana talaga nakapasa ako sa Exam, kung hindi nakakahiya kay Jana. Alay ko pa naman sa kanya lahat ng ginagawa ko.

"Pasensya ka na, pre kung nakipag away pa ako sa'yo. Hindi ko alam na ganyan pala kabigat ang pinag dadaanan mo," sambit ni Karlo at binigyan niya ng bro hug si Rex.

"Okay naman ako pre. Naiintindihan ko naman siya. Mas iniisip ko kapakanan niya kaysa sarili ko. Kung magiging maayos at masaya siya sa piling ng iba, hahayaan ko na lang siya," sagot ni Rex. Sa puntong ito ina-absorb ko lang lahat ng payo niya.

"Huwag ka mag-alala, pare. Nandito lang kami kung kailangan mo ng diversion pang move on," sqmbit ko kay Rex bilang suporta.

"Oo nga, sa'yo na lang nga si Cheska," nakangiting sambit ni Karlo sabay tapik sa balikat ni Rex.

"Hey guys! Sinasabi ko sa inyo ah. Tigilan niyo si Cheska. Kapag 'yon napikon sa inyo malamang bali mga buto niyo," pabala ko sa kanilang dalawa.

"Nabawasan tuloy babatiin ko ng happy monthsary!" Biro ni Karlo at nagtawanan kami.

"Maiba tayo. Kamusta exams mo pre?" Tanong ni Rex sa akin.

"Ayos naman pre. Mukhang makakapasa naman ako. Grabe 'yong mga tanong. May point nga doon na sabi ko sana naging gitarista nalang ako forever," sagot ko at muli kaming nag tawanan.

Kumain ako ng pulutan nilang pork sisig. Habang sila ay uminom ng beer sa bote.

"Sayang wala si Valeng pati si Cheska," sambit ni Rex matapos uminom.

"Oo nga eh. Sino kaya ka-inuman ni Valeng kagabi at lasing na lasing siya?" Tanong ni Karlo.

Bigla akong parang nabilaukan sa tanong ni Karlo. Mabuti na lang hindi ko napahalata.

Sasabihin ko ba na ako ang kasama ni Valerie kagabi at nag kiss kami?

Huwag nalang siguro, malakas mang asar 'tong dalawang 'to eh. Yari din ako sa Dragon pag may ibang nakaalam.

Uminom ako ng tubig para itulak ang sisig sa lalamunan kong tila bumara.

Pagbaba ko ng baso ako ang sumagot para 'di na sila mag isip, "Baka nag inom mag isa."

Ang hirap pag guilty ka sa isang bagay.

Nagtagal ako sa bar kasama si Karlo at Rex. Masaya kaming nag kwentuhan ng kahit anong mga bagay bagay.

Matapos ang mahabang gabi ay umuwi na ako sa apartment.
Pag-uwi ko, napansin kong matamlay si Pogi.

"Hey buddy. What's wrong? Are you hungry?" Nilagyan ko si Pogi ng pagkain at dumiretso ako sa kwarto para matulog.

Kinabukasan, maaga pa lang ay may kumakatok na sa apartment ko kaya't agad akong nagising kahit inaantok pa.

Malamang si Dragon ito. Wala sigurong almusal kaya mag papalibre na naman.

Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko sa aking nakita.

"Tita Jizelle? Ano po'ng ginagawa niyo dito? Bakit po kayo nandito sa Pilipinas?"

Hindi siya sumagot at tila balisa ang kanyang itsura.

"P-Pasok po kayo," pinapasok ko si Tita sa loob

"Kier..." Marahang sambit ni Tita Jizelle at inabot niya sa akin ang isang kahon at isang sulat.

Ano kaya ito?

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
507K 17.6K 28
Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
122K 5.9K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...