Cold-blooded Hunter (gxg) Mik...

By iM_jho19

76.4K 2.3K 812

Vampire-hunter A heartless hunter who kills vampire without mercy. A hunter who kill even a 5 years old girl... More

CH
chap. 1
chap. 2
chap. 4
chap. 5
chap. 6
chap. 7
chap. 8
chap. 9
chap. 10
chap. 11
chap. 12
chap. 13
chap. 14
chap. 15
chap. 16
chap. 17
chap. 18
chap. 19
chap. 20
chap. 21
chap. 22
A/N

chap. 3

3.2K 122 47
By iM_jho19



Araw na ng pasukan at nababakas na naman ang tuwa sa mga mata ni Dennise. Habang si Alyssa ay wala paring pinagbago. Ganun parin ito makitungo sa lahat at hindi naging problema yun kay Den.

"Ly, excited na ako." At bigla na lang bumusangot. Napatingin si Alyssa sa kay Den sa pagbago nito ng emosyon. "Pero hindi ko muna makikita si crush." At lalong lumungkot ang mukha.

Hindi na lang sumagot si Alyssa at nauna ng pumasok sa sasakyan habang sumusunod lang isa na nagsasalita parin tungkol sa crush nito. Kaya naman sinirado muna ni Alyssa ang pandinig para hindi marinig ang sinasabi ng isa na paulit-ulit na lang.

Hindi nagtagal at nakarating sila sa eskwelahan na papasukan niya. Nauna ng bumaba si Den at naiwan si Alyssa sa loob.

"Kuya, padala po mamaya ng motor ko at patext na lang po ako tungkol sa susi. Si Den lang po sunduin niyo mamaya." Hindi na siyang naghintay pa sa sagot ng driver at lumabas na lang dahil naghihintay si Den at ang mga kaibigan nitong kasama noong laro.

Pagkababa ni Alyssa ay biglang lumiwanag ang mata ni Jho ng malaman kung sino ang bumaba mula sa sasakyan.

"Morning Alyssa/Good morning Aly." Magkasabay na bati ni Bea at Jho. Tumingin lang si Alyssa sa kanila at tumango kaya naman bumusangot ulit ang mukha ni Jho na kinatawa naman ng dalawa.

"Tara na Ly." Sabi ni Den ng tumigil na siyang tumawa.

Sumunod na lang si Alyssa sa kanila. At ng makita niya ang name ng school, nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil nasa ibang school ang matangkad na babae.

Matagal niya itong hindi nakita, pero nitong nakaraang araw ay para na rin siyang stalker kakasunod sa bawat galaw nito sa internet. At dahil sa sikat ito, nakakakuha agad siya ng impormasyon na hindi niya na kailangan ang kaibigang computer genius.

Sumunod na lang si Alyssa kay Den na mas lalong umingay ng kasama na ang kaibigan. Nagpahuli naman si Jho para makausap si Alyssa pero ni hindi nga ito kumikibo. Kaya naman nakabusangot itong bumalik sa dalawa na nag-uusap. Natawa naman ang dalawa sa kasawian ni Jho.

Habang naglalakad sila sa gitna ng campus. Lahat ng mga mata ng estudyante ay nakatingin sa kanila lalo na kay Alyssa. Pero wala naman itong pakialam sa kanila.

Nasa kanya na ang schedule niya kaya naman hindi niya na kailangan pang pumunta sa opisina ng eskwelahan. Nilibot niya ang tingin sa paligid para malaman ang silid niya.

Gamit ang enhance na paningin niya, nakita niya agad ito. Pero hindi lang ang silid ang nakita niya, pati na rin ang ibang supernatural. Pero halos werewolf ang nakikita niya.

"Aly." Matinis na sigaw ang narinig niya mula sa likod niya. Kaya naman napalingon siya dito. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya para saluin ang babaeng sumigaw ng tumalon ito papunta sa kanya.

"Baby, dahan-dahan." Sabi ni Alyssa na halos kinasinghap ng nakarinig. Hindi makapaniwala ang mga lalaki sa narinig habang ang babae naman ay iba-iba ang expression ng mukha. Habang ang tatlo naman ay hindi makapaniwala sa narinig.

Habang ang babaeng buhat ay pinaghahalikan siya sa mukha na hinayaan naman ni Alyssa. Maya-maya pa ay may dumating din na kamukha ng babaeng buhat.

"Hi ate Aly." At hinalikan din siya sa pisngi at ganun din ginawa ni Aly.

Magkamukha ang dalawa pero magkaiba manamit at ang gupit ng buhok. Mas lalo naman kumunot ang mga noo nila. Pero hindi naman pansin ng mga tao ang munting pagyuko ng ibang kalahi ng dalawa.

"Sky, bumaba ka nga dyan. Mabigat kana kaya." Sabi ng maiksi ang buhok.

Nagpout naman ang isa at bumaba pero kumapit parin kay Alyssa.

"Bakit kayo nandito?" Malamig parin ito magsalita pero mahina.

"Sinama kami ni Mommy eh. Nasa office siya." Lumapit ang babae kay Alyssa at bumulong. "At naamoy kita kaya hinanap kita." Nakangiti itong lumapit sa kanya.

"Okey. Balik na kayo kay tita at baka hanapin na kayo." At ginulo ang buhok ng nakatayong babae sa harapan at hinalikan naman sa pisngi ang nakakapit sa kanya.

"Basta tawagan mo ako mamaya?" Nakangiting sabi ng babeng nakadress.

"Oo naman."

"Sky, Cloud. Uwi na tayo." Tawag ng isang babae na nasa early 20's ang mukha na kinayuko ulit ng kaninang yumuko rin. Pero hindi nila alam na mukha lang kasi sobra pa doon ang edad niya. Napatingin ito kay Alyssa, mas lumawak ang pagkakangiti nito. "Alyssa, iha. Nandito ka pala." Lumapit na rin ito at humalik sa pisngi ni Alyssa.

Mas lalong lumaki ang mga mata ng nandoon kasi sa gandang taglay ng tatlong taong nasa harapan nila at pang-apat na doon ang tinatawag nilang Alyssa.

"Hello po tita." At humalik din ito sa pisngi ng ginang. Kahit hindi ito ang kadugo niya, minsan tumatayo din itong ina niya. "Si tita Sarah po?" Mahinang boses na tanong ni Alyssa.

" May inayos lang pero magkita na lang daw kayo doon mamaya." At bumaling ito sa mga anak. "Uwi na tayo." At tumalikod na ng nagpaalam na kay Alyssa.

Nakabusangot namang nagpaalam ang babaeng nakakapit sa kanya habang nagpaalam lang ng pormal ang isa.

"Mommy, pwede po ako sumama kay Mom mamaya?" Rinig pa na tanong nong isang kambal.

"Hindi pwede anak. Marami tayong gagawin." At hanggang doon lang ang narinig ni Alyssa dahil pumasok na ang mag-ina sa sasakyan.

Dali-dali namang lumapit ang tatlo kay Alyssa na nag-uumpisa ng maglakad papuntang room na assigned sa kanya.

"Ly, girlfriend mo yun?" Tanong no Den pagkalapit

"Hindi." Maiksing sagot ni Alyssa.

"Sino sila?" Tanong naman ni Bea.

"Short hair, Cloud. Sky is baby." Sagot ulit ni Alyssa sa malamig na boses na kahit kailan ay malamig naman talaga magsalita.

"Ang ganda nila. Dagdag na naman sa crush ko." Sabi naman ni Jho na sinang-ayunan ng dalawa.

"Okey. Wag umasa." At pumasok na si Alyssa sa room niya na hindi napansin ng tatlo na doon pupuntahan nila. Nagpout naman ang tatlo ng mapagtantung iniwan na sila sa labas at hindi na rin sila pwedeng sumunod pa kaya naman umalis na rin sila at pumunta sa kani-kanilang kwarto.

Si Alyssa naman ay umupo sa pinakalikod kung saan walang isturbo. At wala ding magtangkang lumapit sa kanya dahil parang papatay ito sa aurang lumalabas dito. Kahit ordinaryong tao ay ramdam yun.

Tahimik lang nakikinig si Alyssa dahil wala din naman siyang pakialam dito pero kung palagay niya na the subject is interesting, nakikinig din naman siya lalo na't pinapahawak ng lolo niya ang ilang negosyo nila.

Naging maayos naman ang buong maghapon at hindi din sila nag kita ni Dennise dahil magkaiba nag oras nila at nauna ito ng uwi ng 20 minutes.

Mabuti na lang at dinala nga ng driver ang motor niya at may magagamit siya.

Bumyahe na rin siya ng hapon na yun papunta sa tagpuan nila ng tita niya. Hinanap niya na sa map kagabi pa kaya alam niya na ang daan. Mabilis siya mag memorya ng mga bagay kaya naman hindi mahirap yun sa kanya.

Hindi umabot ng isang oras ang byahe ng makarating siya doon. Malapit lang iyon sa opisina at hindi rin kalayuan sa eskwelahan kaya naman pasalamat talaga siya sa tita niya, na ngayon ay nakatayo sa harap ng bahay.

"Your late." Nakangiti nitong sabi. At nauna ng pumasok sa gate.

"Hello din po tita." Sarkastik na pagbati ni Alyssa na sumunod na dito.

"So?" At tinuro pa nito ang bahay. Tumango naman si Alyssa.

Maliit lang ito na kasya lang para sa kanya. Kaya napatango naman siya dito at ngumiti lang ang tita Sarah niya. ang kapatid ng ama niya na isang kalahating bampira.

Pumasok na rin sila sa loob, simple lang ito na tulad ng gusto niya. Kilala talaga siya nito at nagpapasalamat siya dito.

Dalawang palapag yung bahay pero dalawang kwarto lang ang meron. Nilibot nila lahat at lahat na sulok ng bahay ay gusto ni Alyssa. Maglalabas na sana ng pera si Alyssa para pambayad sa bahay pero inawat siya ng tita niya.

"No. bayad na to, and gift ko to sayo." At lumawak pa ang ngiti nito. "At may-isa pa." At hinila ang pamangkin sa harap ng ref, may pinindot ito doon at biglang gumalaw ang kinalalagyan ng ref.

Nagkaroon ng way pababa na sinundan nila. Ng nakapasok sila ay sumara din ito. Namngha si Alyssa sa nakikita, hindi man ito ang una pero hindi siya makapaniwala na magkakaroon siya ng ganito.

Tumigil sila sa pintong naroon. Ngumiti ang tita niya at binuksan ang kwarto. Napanganga naman si Alyssa sa nakita sa loob ng kwarto.

"At ito ang isa ko pang gift." Nakangiting makbay ang tita niya sa kanya.

Hindi siya makapaniwala na magkakaroon siya ng sariling lagayan ng iba't ibang klase ng baril. Hindi lang mababang klase kundi ang pinakamaganda. May iba't ibang weapon din ang naroon.

Inisa-isang nilibot ni Alyssa ang kwarto at hinawakan ang ibang armas. Hindi man ito nakangiti pero bakas sa mukha nito na masaya siya.

"Thank you po tita." At yumakap sa tita niya.

"Your welcome Aly. Actually, ang iba dyan ay galing sa pinsan mo. Alam mo naman si Sky." Nakangiting talaga ito kahit galit na kaya magkaiba talaga silang mag tita pero hindi yun humadlang sa samahan na meron sila.

"Sigurado ako sa kanya galing ang mga bato, potion at dust. Pero okey din, alam niya talaga kung ano ang kailangan ko. Pakisabi pong thank you." Mahabang sabi ni Alyssa na kinangiti ng lalo ni sarah.

"Okey. Pero gabi na, kailangan na nating umuwi." At nauna na itong naglakad palabas na sinundan naman ni Alyssa.

Nilock ang pintuan at nag paalam na sa isa't isa. May sasakyang dala ang tita niya kaya nauna na ito at ibang daan din ito dadaan.

Binagalan naman ni Alyssa ang takbo para makita at mamemorya ang lugar. Maganda din naman ang iba niyang dinaanan at namamangha din siya. Okey na rin pala na pumunta siya dito at nakita din niya ang ibang bagay.

Pero sa hindi sinasadyang pagkakataon, narinig niya nag boses na namiss niya sa loob ng isang linggo. Sinundan niya ito at nakita nga amg matangkad na babae.

Hindi na napansin ni Alyssa na napangiti siya habang nakatingin sa babae na kausap ang isang pulubi at nagbibigay dito ng isang paper bag na palagay niya ay pagkain ang laman.

Pagkatapos ay naglakad na ito papunta kung saan ay hindi alam ni Alyssa basta sumunod na siya dito ng hindi namamalayan.

Pero kung minamalas ka nga naman. Napadaan ang matangkad na babae sa isang madilim na banda at kita ni Alyssa ang tatlong lalaki na nakakakubli doon.

Nagulat pa ang matangkad na babae ng nagsalita ang isa sa kanila.

"Miss, samahan mo naman kami dito oh." Sabi nito. Napaatras naman ang babae pero hinarang naman siya ng isa.

Habang si Alyssa ay nakatingin lang kung ano ang gagawin ng babaeng matangkad. Tinigil niya na rin kasi ang motor niya sa hindi nalayuan.

"Kuya, hinihintay na po kasi ako sa bahay." Bakas ang takot sa boses nito na lalong kinangisi ng unang nagsalita.

"Mabilis lang naman miss." At lumapit ito sa babae pero umatras ito ulit. Balak niya na sanang tumakbo pero nahawakan siya ng isa pa at tinutukan ng patalim.

"Wag kang sumigaw kung ayaw mo magkabutas ang tagiliran mo." Sabi nito. At nakita ni Alyssa na nanigas na ito kaya napamura na siyang bumaba ng tahimik.

Tahimik din siyang lumapit sa tatlong lalaki. May kalakihan din ang katawan ng tatlo kaya alam niyang hindi ito kaya ng babaeng matangkad.

Dahan-dahan siyang lumapit habang nagmamakawa ang babae at walang pasabi na pinidot niya ng pressure points ng dalawang taong may hawak sa babae. Pinatulog niya lang ito kasi nangako siya sa lolo na hindi mananakit ng ordinaryong tao.

Nagulat ang dalawa ng natumba ang dalawang kasama nila. Hindi na nakagalaw ang isa pa dahil lumapit agad si Alyssa para patulugin din ito.

Lumapit din agad si Alyssa sa babaeng umiiyak na ngayon. Sa laki nitong babae ay nandoon ang pagiging iyakin nito.

Nabigla pa si Alyssa ng niyakap siya nito. Ang bilis ng tibok ng puso niya. May kuryenteng dumaloy sa katawan niya ng maglapat ang katawan nila. Pero hindi niya iyon pinansin kasi ang mahalaga sa ngayon ay ang makitang ligtas ang babae.

"Thank you." Bulong nito ng mahimasmasan.

Nilayo niya ang babae sa kanya para makausap ito ng maayos, pero natigilan siya ng makita ang mukha nito sa malapitan. Ang lapit nila at ang helmet niya lang ang pagitan. Halos magkasing tangkad sila kaya diretso talaga ng tingin niya sa mukha nito.

Ang mata nito na bakas ang kainosentehan, mamula-mula nitong pisngi at ang kagat nitong kabi para pigilan ang mag-iyak. Ang nakita ni Alyssa kahit madilim ang lugar na iyon.

Bakas sa mukha nito ang takot pero nandoon din ang saya. Pinunasan naman ni Alyssa ang luha nito. Para siyang nasasaktan ng makitang hilom ng luha ang mukha nito.

"Ihahatid na kita bago pa sila magising." Hindi naman tumutol ang dalaga ng hilahin siya ni Alyssa at pinasakay. Wala siyang isang helmet kaya wala siyang maisuot dito pero okey lang naman daw. Hindi niya rin pwedeng tanggalin ang helmet niya kasi ayaw niyang makilala siya nito.

Sumakay naman ito ng walang kahirap-hirap. Pinaturo na lang ni Alyssa kung saan ito nakatira kasi hindi niya pa alam ang buong lugar.

Sa loob ng 30 minutes ay nakarating din sila. Bumaba ang babae na nahihiya at nag pasalamat ulit.

Paalis na dapat si Alyssa ng tinawag siya ulit ng babae. Lumapit ito sa kanya at inangat ang glass ng helmet pagbabawalan niya pa sana ito pero naramdaman niya namang ang pagdampi ng labi nito sa ilong niya.

Ilang sigundo rin yun at hindi man lang napansin ni Alyssa na wala na sa harapan niya ang babae.

Ikaw ang papatay sa akin Mika Reyes. Nakangiting sabi niya habang hawak ang puso na ang bilis ng tibok.

______________________________________________________________________________


thank you sa lahat!! new character sa isa kung story.

Continue Reading

You'll Also Like

816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
185K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
75.6K 1.5K 57
Basahin muna ung book one nito bago ito.. Hahahahaha.. xD
114K 2.3K 34
Basa na lang para malufet mga peeps. luv lots mga peeps xoxo