Karma Butterfly

Par SnowSparksJoviie

318K 3.6K 203

๐‹๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ก ๐‘๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐จ๐ง ๐ข๐ฌ ๐ฅ๐ข๐ค๐ž ๐ฐ๐š๐ฅ๐ค๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐ซ๐ฆ๐š, ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ข๐ฌ๐ก๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ž ๐ ๐ซ๐ž๐ž๐... Plus

Karma โœก Butterfly
Acknowledgements
โœซ PROLOGUE โœซ
โ˜… Night Raid
โ‹† Allies
โ˜… Butterfly effect
โ˜… Consequences
โ˜…Knights of Cornelia
Photo Album (Special Page)
โ˜… Friends or Foe
โ˜… Exile
โ˜…Encounter
โ˜…Secrets of the Palace
โ˜…Character's Album (Special page)
โ˜…One bad move
โ˜…Execution
โ˜…Inferno
โ˜…Lightning strikes
โ˜… Summerstorm

โ˜…Warning

10.5K 157 9
Par SnowSparksJoviie

Knights of Cornelia: Katrina "Kat" Madera

DURING ancient times, most people believed in angels and demons, especially those from the church. Some of the people who lived in the upper class had the power to use forbidden spells and magic. Most of them used it for personal gain, which made a huge impact on society. Due to greed and selfishness, they hunted down these people to be killed. From that day on, they all remained a tale, a once-upon-a-time story.

But, did you know that good and evil are not born? They are made, especially in a world where magic is used. It's up to the individual whether they wish to use their power for good or bad. However, once this power reaches a certain point, it can cause harm to people, especially its users.

"Really? The demon is hunting me now?" Hindi makapaniwalang sambit ni Lilith pagkatapos punitin ang nakapaskil na larawan sa bawat poste ng kapitolyo. "Sino ba ang gumuhit ng larawan na 'to. Mukha akong pagod dito." Saka niya ito nilukot.

Bumaling siya ng tingin kung nasaan ang kastilyo't napangiti.

Nagsisimula na ang hari sa paghahanap ng karma niya. Masyado na ba siyang naiinip para sunduin 'yon?

Nagsimula siyang maglakad sa kahabaan ng kapitolyo. Ipinagpapasalamat na rin niyang hindi siya gaano dumadalo sa pagtitipon noong bata pa siya't halos walang nakakakilala ng mukha niya bilang si Avery. Dahil dito, malaya siyang nakakakilos sa bayan lalo na kung iiwasan niya ang ilang miyembro ng palasyo.

"Hindi mo ba tinitingnan ang dinaraanan mo o sadyang bulag ka lang?" Natigilan siya sa paglalakad nang makarinig ng komusyon sa hind kalayuan. "Ang lakas naman ng loob mo na abalahin pa ako ngayong araw."

Dala ng kyuryosidad, sumilip siya sa nagkukumpulang tao ilang hakbang mula sa kanya. Tumingkayad siya't pilit na tinatanaw ang nangyayari.

"Ipagpaumanhin niyo, hindi ko sinasadyang masagi ang mga prutas at humarang sa dinaraanan niyo." Nakayukong sambit ng isang dalaga. "Pasensya na ho. Paumanhin sa nangyari."

"Napaka-inutil talaga ng mga kagaya niyo. Sinayang ko lang ang oras ko sa mga kagaya niyong hampaslupa." Asik ng matandang lalaki sa loob ng karwahe. "Patakbuhin niyo na ang kabayo. Mahuhuli pa ako sa pagtitipon sa palasyo."

Nanatiling nakayuko ang dalaga't hindi makuhang gumalaw sa takot. Itinigil niya ang pagtingkayad nang magsimulang mag-alisan ang mga usisero sa paligid. Pinanood niya lang ito habang dinadampot ang ilang prutas sa simento.

"Ibang klase talaga ang nagawa ng kapangyarihan at posisyon sa isang tao. Nakakalimutan na nilang magpakatao. Why do these stupid nobles act like they are some god?" Tinalikuran niya ito't nagsimulang maglakad papalayo. "Kung sabagay, kanino ba naman matututo ang mga 'yon kung hindi naiimpluwensyahan ng mas mataas?"

Pumasok siya sa pagawaan ng sandata. Nasilayan niya ang nakangiting mukha ng matanda nang siya'y pumasok ngunit napalitan ng pagtataka nang magtama ang kanilang paningin.

"Iha, maling tindahan yata ang pinasok mo." Saka siya nito tinitingna mula ulo hanggang paa habang inaayos ang makapal na salamin sa mata. "Pagawaan ito ng sandata, hindi tahian."

Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi at inilapag ang nakabalot na sandata sa tela. Siya na ang nagbukas nito't iniusog papalapit sa matanda.

"Gusto kong patalimin pa lalo ang sandatang 'to at gusto kong bilhin 'yon." Saka niya itinuro ang palaso na nakasabit sa pader.

"Hindi ba masyadong delikado para sa babae ang magdala ng ganitong mga armas?" Saka siya nito muling tiningnan habang inaayos ang salamin.

"Napag-utusan lang ako ng amo ko." Marahan niyang kinamot ang kanyang batok. "Kailangan niya na rin ito mamaya. Matatapos kaya 'to ngayong araw? Papagalitan kasi ako kung hindi ko rin mauuwi ang armas niya." Saka siya nagbigay ng pekeng ngiti.

Para sa mga normal na sibilyan, imposibleng matutunan ng mga babae ang paghawak ng sandata kahit na para sa sariling proteksyon. Ang mga maharlika lamang ang nagkakaroon ng pagkakataon na matutunan ang mga ito para sa kani-kanilang proteksyon. Proteksyon mula sa mga mamamatay tao na ipinapadala rin ng iba't-ibang pamilya.

"Gano'n ba iha. Naku! Mabuti na lang at hindi marami ang nagpapagawa ng sandata ngayon." Kaagad na binalot ng matanda ang kanyang armas. "Mukhang mamahalin ang armas na 'to. Maganda ang kalidad ng materyales. Balikan mo na lang ito pagkatapos ng ilang oras."

Tumango siya rito at nagsimulang lumiban sa pagawaan ng armas.

Kailangan kong maghanap ng panibagong impormasyon sa gagawing pagtitipon mamayang gabi.

ABALA naman si Xavier at ang grupo ng Knights of Cornelia sa pag-aayos ng kani-kanilang sandata para sa paghahanda sa gaganaping piging sa loob ng palasyo. Ipagdiriwang ang matagumpay na depensa ng palasyo laban sa mga mananakop mula sa Fiorre. Matapos ang naunang pagsalakay nito'y nabawasan na ang mga kawal na nagtatangkang sumugod. Ipinagpapasalamat na rin ni Xavier na matagumpay na napatumba ni Lilith ang hukbo ng mga kawal gamit ang kapangyarihan nito.

"Sa tuwing nakikita ko si Lord Xavier, naiirita ako sa kanya." Bulong ni Julio sa katabi. Naaninag niya sa kanyang gilid ang pagsiko ni Kat.

"H'wag kang maingay at baka marinig ka."

"Tsk!"

Ipinagpatuloy niya ang pagpunas sa talim ng kanyang sandata. "H'wag kang mag-alala, Kat. Pareho lang kami ng nararamdaman ni Julio." Saka siya lumingon sa kanila. "Sino ba naman gugustuhin na makakita ng gano'ng pamamahala? Isa pa, halos kasabayan niyo sila lumaki. Kayo ang makaka-alam kung anong klaseng tao siya noon at kung anong nangyari sa kanya ngayon."

"Pero ... hindi ba't malapit ka sa kanya?" takang sambit ng binata. "Kanang kamay?"

"Iba ang tagasunod sa kunsintidor, Julio." Saka niya inabot ang piraso ng tela rito. "Kung mas mataas lang ang posisyon ko sa kanya, ako na mismo ang nagkadena sa braso niya matigil lang ang ginagawa niya."

"Kung pwede lang kaladkarin siya sa Zero Zone ginawa ko na." singhal ng dalaga.

"Kung kaya mo pala na kaladkarin siya, bakit hindi mo ginawa noong naka-apak ka sa labas ng Zero zone?" pagsabat naman ni Shanaia. Isa rin sa Knights of Cornelia, mas bata ito ng kaunti kung ikukumpara kay Julio at Kat. Hindi niya ito masyadong kilala at hindi niya masyadong nakakasalamuha noon.

"Sige nga, Shanaia. Bakit hindi mo kasi ginamit ang ang kapangyarihan mo magpagaling para sana nagawa ko ang bagay na 'yan?

"Zero zone?" pagsabat niya sa argumento ng dalawa. "Ngayon ko lang narig ang tungkol d'yan."

Hinila ni Katrina ang upuan sa kanyang harapan at inilapag ang hawak-hawak nitong suklay. Humalukipkip ito't sumandal sa upuan. "Hindi rin naming aakalaing may gano'ng lugar sa palasyong 'to. Nalaman na lang naming nang dalhin kami ro'n. Base sa mga nakasalamuha naming preso, tanging mga nasa royal family lang ang nakaka-alam ng bagay na 'yon. Ang pamilya ni Avery at ngayon si Markeus."

"Lihim ang piitan na 'yon. Madalas, mga maharlikang nagkakasala ang dinadala ro'n," dagdag pa ni Julio. "At naroroon din ang pamilya namin hanggang ngayon." Mapaklang sambit nito.

"Nagagawang makagamit ng mahika ni Markeus sa lugar na 'yon dahil sa singsing na suot-suot nito. Isang mana absorber. Isa sa bawat palasyo lang ang mayroon ng alahas na 'yon at kadalasan ay pinaghahawakan ito ng hari. Ang mga indibidwal na bumababa sa Zero zone ang 'di makakagamit ng mahika dahil naglalaho pansamantala sa katawan ang kanilang mana. Pero kung manggaling ito sa isang sisidlan, maaring silang makagamit ng mahika." Pagdetalye ni Kat.

Wala siyang ideya kung alam ni Lilith ang tungkol sa lugar na iyon. Ngunit, mabuti na rin na nakakuha siya ng impormasyon tungkol dito. Maaring marami pang ibang maharlika ang nakatago sa lugar na iyon at kinakailangan din nilang iligtas.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kampante si Markeus na gawin ang gusto niya kahit saan." Isinukbit ni Xavier ang sandata sa kanyang tagiliran. "Mag-iingat kayo sa lahat ng oras. Gawin niyo ang lahat para lang makaligtas kayo sa araw-araw at mabuhay."

Sumalubong ang maliwanag na pasilyo nang lumabas si Xavier sa kanilang opisina. Ramdam niyang sumunod din ang kanyang kasama papalabas. Napakaraming katulong ang abala sa pag-aayos ng mga ornament sa bawat pasilyo't paghahanda sa malawak na hapag kaninan.

Bagong palit na rin ang naglalakihan na kurtina sa bawat bintana. Nailatag na rin ang bagong karpet sa makinang na sahig na gawa sa marmol. Iginala niya ang kanyang paningin sa bawat paligid. Nagsisimula nang mapuno ang malawak na sayawan sa loob. Mga maharlika mula sa iba't-ibang lugar at ilang matataas na posisyon sa palasyo.

Sineyasan niya sila Julio't marahan itong tumango sa kanya bago pa man sila lumiban. Naghiwa-hiwalay ang mga ito't nagtungo sa iba't-ibang posisyon.

Nanatili silang nakatayo sa kani-kanilang posisyon. Sa paglalim ng gabi'y nagsisimulang mapuno ng mga bisita ang malawak na sayawan sa gitnang bahagi ng palasyo. Dinig na rinig ang halakhakan, ay masayang himno ng tugtog at bawat diskurso ng mga maharlika.

Dumapo ang mga mata niya kung saan nakaupo ang hari. Abala ito sa pakikipag-usap sa ilang mga maharlika at kahit na sa layo ng kanyang kinatatayuan, kitang-kita niya ang pekeng ngiti nito sa kausap.

"Haring Markues," pagtawag ng isang duke sa rito. "Binabati kita sa pagkapanalo mo sa nakaraang digmaan laban sa Fiorre. Sadyang nakapagaling ng mga kawal ng Cornelia para maipanalo ang laban kahit na nasira ang pangunahing depensa ng palasyo." May panunudyong bungad nito.

"Balita ko rin na nagkaroon ng krisis ang Cornelia sa mga armas. Hindi ba kayo nagkukulang sa mga materyales sa paggawa ng mga sandata?" Lumapit din ang isa pang duke na kasama nito habang iniikot-ikot ang baso na may lamang alak.

Sarkastikong natawa ang hari kasunod ang mapanghusgang tingin nito. "Hanggat ako ang namamahala sa palasyo, walang lugar ang mga talunan sa pamumuno ko. Isa pa, mas mahuhusay ang bagong Knights of Cornelia." Pagkasambit na pagkasambit nito'y iniwas niya ang tingin niya sa mga ito.

Narinig niya ang pagtawa ng mga iyon at itinigil ang pakikinig.

Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid. Nabasag ang ilang malalaking salamin sa ilang bintana't napuno ng tili ang kapaligiran. Makapal na usok at alikabok ang bumalot sa bawat sulok ng palasyo dahilan para magtakbuhan ang mga maharlika papalabas.

"Tingnan niyo kung saan nagmula ang pagsabog!" bulalas niya kay Julio. Kaagad naman itong tumango sa kanya't nagsimulang tumakbo papalabas.

Hindi mapakali ang mga maharlika sa pagtakbo. Kanya-kanyang tulakan at paunahan makalabas ng palasyo. Kaagad siyang tumakbo papalapit sa hari, bakas sa mukha nito ang gigil at namumuong inis lalo na't natapunan ito ng alak na dala ng kausap.

"Haring Markeus, ayos lang ba kayo?"

"Sinong pangahas ang naglakas loob guluhin ang pagdiriwang ko?" asik nito. Marahas nitong tinapik ang kamay niya't pinagpag ang basang damit. "Hanapin mo ang pangahas na naglakas loob manggulo sa palasyo! Ang kapal ng mukha nilang ipahiya ako ngayong araw."

Matatalim ang tingin nito habang nagpapalinga-linga sa paligid. Marahan siyang yumuko bago tumalikod. Kasabay ng paglalakad niya papalayo rito, hindi maiwasang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Kaagad siyang nagtungo sa unahang bahagi ng balkonahe't sinabayan sa paglabas ang ilang maharlika. Pagkalingon na pagkalingon niya sa kaliwanag bahagi ng palasyo'y kitang-kita ang malaking apoy na nagmumula rito.

"Ibang klase, Napaka-upredictable mo talaga."

TUMINGALA si Lilith sa madilim na kalangitan matapos marinig ang malakas na pagkulog. Kasalukuyan siyang nananatili sa ibabaw ng mataas na puno hindi kalayuan sa palasyo. Pinakiramdaman niya ang simoy ng hangin ngunit hindi naman ito ganoon kalamig at hindi aasahan ang pag-ulan.

"It seems that the heavens are mad for tonight... Or maybe someone?" Iling-iling niyang sambit sa sarili habang kinukulayan ng pulang likido ang imaheng nakalarawan sa papel na hawak-hawak.

Marahan niya itong winasiwas sa hangin at bahagyang pinatuyo. Mula sa mataas na kinaroroonan, dumungaw siya sa paligid ng mga dahon at pinanood ang makapal na apoy na nagmumula sa gilid ng bahagi ng palasyo. 

"Sabagal naman masyado si Kat sa kasiyahan. Bakit mo naman kaagad pinatay ang apoy?" Singhal sa sarili nang matanaw ang paggalaw ng tubig sa himpapawid.

Napalitan ng usok ang makapal na apoy. Sa bawat pagkumpas ng kamay nito'y unti-unting naglalaho ang sunog. Nakasimangot lang siya habang pinapanood ang bawat tubig na pumipigil sa kanyang mahika.

Iginalan niya ang paningin sa bawat paligid ng palasyo. Nagkalat ang mga kawal sa iba't-ibang posisyon. Mga aligaga't isa-isang tinitingnan ang bawat sulok.

"Tingnan niyo sa kakahuyan. Baka naroroon ang mga nangahas sumugod sa palasyo!" Dinig niyang sigaw ng isa sa mga iyon.

Isinukbit niya ang dalawang armas sa kanyang likuran bago pa man lumundag paakyat sa mataas na bahagi ng puno. Hindi pa man nakakalapit ang ilang mga kawal sa paligid kung nasaan siya'y minabuti na niyang pumosisyon sa mas tagong lugar. Muli siyang nakarinig ng pagkulog sa kalangitan. Mula sa ibabang bahagi ng punong pinagtataguan, naaninag niya ang pagdating ng ilang mga kawal.

Tahimik niya lang pinagmasdan ang mga iyon habang aligaga't kung saan-saan direksyon nagtutungo. Muling sumipol ang hangin sa pagpalim ng gabi. Palihim siyang dumungaw sa paligid ng mga halaman at pinanood ang kaguluhang ginawa niya sa palasyo.

"And there he goes," bulong niya nang makita ang imaheng kanina pa niya hinahanap. "The cruel king of Cornelia."

Kumuyom ang kamao niya nang makita ang paglabas ng hari mula sa palasyo. Tanaw niyang nagmamasid ito sa paligid at pagsisigawan ang ilang mga kawal. Sa kilos palang ng katawan nito'y ramdam niyang nag-uumapaw ang galit sa nangyari.

Hindi niya rin maiwasang manggigil nang masilayan ang mukha nito kahit sa ganoong distansya. Presensya pa lamang nito'y nagsisimula nang kumulo ang kanyang dugo. Hindi niya maiwasan ang pagragasa ng ala-ala sa kanyang isipan. Ang malambing na ngiti nito sa kanya, ang pag-aalala, ang pagtatraydor, ang pagbibintang at ang pagpatay.

There was a burning sensation inside her. Batid niyang naramdaman na niya ito sa tuwing naalala ang galit at poot sa kanyang sistema. Sa tuwing nakakapatay siya ng maharlika, kasabay ng sensasyon na iyon ang boses na nagtutulak sa kanyang gumanti.

She started to move in the shadows and patiently waited like an owl in the middle of the dark. Pagkatapos ng isa't kalahating oras, tuluyang naglaho ang komusyon sa palasyo. Kakarampot na lang ang usok na nagmumula sa natupok na bahagi ng palasyo. Nagsisimula na rin bumalik ang ilang mga kawal na nagpatrol sa bawat paligid.

"Mga inutil!" nangibabaw ang sigaw ng hari sa kalaliman ng gabi.

Mabilis siyang lumundag sa mataas na pader papasok sa likod na bahagi ng kastilyo. Pagkatapos niyang maghintay ng isang oras, napagtanto niyang wala masyadong nagpapatrol sa bahaging iyon kung kaya't kinuha niya ang oportunidad na pumislit.

Nakayuko siyang pumasok at palihim na tumatakbo sa bawat kanto. Muli siyang umakyat sa ilang pader at tinanaw ang tore kung saan malapit ito sa kwarto ng hari.

"S-sino ka?" namilog ang mata niya ang makarinig ng tinig pagkalapat na pagkalapat ng paa niya sa ikatlong palapag ng tore. Ikinagulat niya ang pagsasalita nito sa pag-aakalang walang nagbabantay sa bahaging iyon.

Mabilis niyang sinipa ang isang kawal na nakaposte sa lugar na iyon at hinawi ang sandatang nakatutok sa kanya.

Hindi pa man bumabagsak ang hinawing sandata'y mabilis niya itong sinalo. Hanggat maari'y hindi niya nanaising gumawa ng ingay dahilan para makita at matunton siya ng ilan pang mga kawal. Narinig niya ang pagdaing nito nang masipa niya ito sa sikmura. Bumagsak ito sa sahig na kaagad din niyang nilapitan.

Ipinatong niya kanyang paa sa dibdib nito upang pigilan sa pagtayo. Muli itong bumagsak sa sahig at agaran niyang tinakpan ang mukha nito.

There it is... the same burning sensation.

Nagsimula itong magpumiglas nang humigpit ang kanyang pagkakahawak. Pilit nitong inaalis ang pagkakatakip sa mukha at sinusubukang kumalas sa kanyang pagkakahawak.

Lumuwag ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang braso. Unti-unti itong bumitaw bago pa man tuluyan mawalan ng malay. Ganoon pa man, tila ba hindi niya nais alisin ang pagkakatakip niya sa ilong at bibig nito hanggang sa malagutan ito ng hininga.

In split seconds, she snapped and step back.

A commoner is still a commoner. Hindi ako dapat nag-aaksaya ng lakas sa mga ganitong oras. Kaagad niyang tiningnan ang kanyang palad. But what's with that feeling?

Bagamat nagtataka sa naramdaman, minabuti niyang kumilos muli't magpatuloy sa pag-akyat sa tore katapat silid ng hari. Dumungaw siya sa gilid ng ilang pader at napansin na sarado pa ang ilaw sa silid. Iginala niya ang kanyang mga mata bilang pag-iingat na rin sa biglaang pagsulpot ng mga bantay.

Labing isang minuto ang lumipas, nagliwanag ang silid ng kanyang pakay. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at kinuha ang pana't palasong nakasukbit sa kanyang likuran. Inilabas niya rin ang nakatuping papel sa kanyang bulsa't itinusok ito sa talim ng palaso.

"Okay lang kung lalapag ka sa silid niya. Pero swerte na rin kung tatama ka sa katawan niya." Bulong niya bago pa man banatin ang pisi ng palaso.

Pagkatutok na pagkatutok niya direksyon kung nasaan ang silid ng hari ay sakto namang pagbukas ng salaming bintana ng balkonahe nito. Tanaw niya ang marahas na paghawi nito sa buhok at ang pagbato sa baso matapos inumin ang alak.

"Now fly butterfly."

Binitawan niya ang pakakahawak sa palaso't mabilis itong sumabay sa hangin. Sa sandaling segundo'y dumiretso ito sa balkonahe ng silid ng hari. Napasipol pa siya nang makitang dumaplis ito sa braso dahilan para mapaatras ito sa kinatatayuan.

Napabalikwas si Markeus nang matamaan ang kanyang braso. Mabilis siyang napaatras sa kinatatayuan at nilingon kung ano ang pumasok sa kanyang silid. Isang pana ang kanyang nakita na may nakatusok na papel. Habang hawak-hawak ang brasong nadaplisan, marahas niyang dinampot ang palaso't binuksan ang papel na nakatusok dito.

Halos malukot ito nang buklatin niya ito sa pagkakatupi. Isang imahe ng dalaga ang nakaguhit dito at kinulayan ang ilang parte ng buhok gamit ang dugo.

"Don't look for your karma, it will eventually come to you."

Umigting ang panga niya nang mabasa ang maliit na mensahe sa ilalim ng imahe. Naroroon din ang maliit na guhit ng pakpak ng paru-paro. Katulad ito ng marka na ibinabalita sa kanya sa tuwing may namamatay na maharlika.

Sa pag-ihip ng hangin ay nahawi ang makakapal na ulap sa madilim na langit. Nangibabaw ang malaki at bilog sa buwan sa kalangitan. Ang silahis ng liwanag nito ang nagbigay ng kalinawan sa madilim niyang silid. Napako ang mga mata niya sa direksyon kung saan nanggaling ang palaso at isang imahe ang natanaw niya sa kabilang bahagi ng tore katapat ng kanyang silid.

Hindi niya ganoon maaninag ang itsura nito dahil na rin sa liwanag ng buwan na nagmumula sa likuran nito. Ngunit naaninag niya ang mahabang buhok nito maging ang nakapulupot na balabal sa mukha't leeg nito. May hawak-hawak na palaso't mayroong nakasukbit na espada sa likurang bahagi.

Dala ng inis, nilukot niya ang hawak-hawak na papel. Maririnig din ang namumuong kuryente sa kanyang kamao kasabay ng pagdagundong ng kulog sa kalangitan.

It was her. The assassin that they tried to hunt from the past weeks. Batid niyang pinagmamasdan lang din siya nito at nanatiling nakatayo.

"Haring Markeus," dinig niyang pagkatok ni Xavier sa labas ng kanyang silid. "Ayos lang ba kayo? Nakarinig ako na may nabasag sa silid niyo."

"Pumasok ka rito." Otorisadong utos niya. Narinig din niya ang pagbukas ng pinto't yabag ng mga paa papalapit sa kanya.

"A-anong nangyari sa inyo?" tarantang sambit nito ngunit hindi niya ito nilingon.

"Nagpakita na ang pangahas na gumulo sa pagtitipon at pumatay sa ilang mga maharlika." Nilingon niya ang katabi at nakitang tinatanaw din ang lugar kung saan nakatayo ang babae sa kabilang torre. "Patayin niyo ang babaeng 'yan at dalhin niyo ang ulo niya sa akin!" 


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

923K 55.7K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
2.5K 118 16
Blurb Nueva mundo Nueva tu, ang mundo na may kakaibang taglay na mga mahika, kapangyarihan at iba pang mga elemento na namumuhay rito. Ang mundong i...
11.1M 500K 74
โ—ค SEMIDEUS SAGA #02 โ—ข Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
4.8M 139K 66
"Another school year starts in Sinclaire Academy, do you dare to enter again?" - I suggest you read Sinclaire Academy before reading this. Just so yo...