YoungJi Wolves meets Lord Hig...

By OhFrancinEXO

5.3K 1.1K 311

|| Rank #15 || Beast Of The Best || Paano kung na-inlove ka sa isang taong ang balak pala sayo ay patayin ka... More

Characters
Author's Note
Chapter 1: He's Back
Chapter 2: Meet My Bodyguards
Chapter 3: Our Life With Her
Chapter 4: Be Careful Sam
Chapter 5: Hala! Lagot!
Chapter 6: Asaran Sa Hospital
Chapter 7: Aaron's Reason
Chapter 8: First Day at Empire Academy
Chapter 9: Anonymous
Chapter 10: High Blood
Chapter 11: The Long Lost Clip
Chapter 12: Claire The Pig
Chapter 13: The Dare/The Break up
Chapter 14: Ren-Ren?
Chapter 15: Message
Chapter 16: Gang Fight (Part 1)
Chapter 17: Gang Fight (Part 2)
Chapter 18: Claire Is The Target
Chapter 19: Welcome Back Therence
Chapter 20: Meet Ren-Ren
Chapter 21: Group Activity
Chapter 22: Away pa more!
Chapter 23: Tagaytay (Part 1)
Chapter 24: Tagaytay (Part 2)
Chapter 25: Brent vs. Aaron
Chapter 26: Pagselosin si Brent
Chapter 27: Ejay?
Chapter 28: My Devil Sister
Chapter 29: His New Girlfriend
Chapter 30: Demonyo
Chapter 31: Warning (Part 1)
Chapter 32: Warning (Part 2)
Chapter 33: Unbelievable
Chapter 34: Happy Selos Day!
Chapter 35: Celebration (1)
Chapter 36: Celebration (2)
Chapter 38: With Him
Chapter 39: With Her
Chapter 40: Trust Him
Chapter 41: His Past
Chapter 42: Mystery Plan
Chapter 43: Birthday Surprise
Chapter 44: Revealed
Chapter 45: Ano Ba Talaga?
Chapter 46: Missing
Chapter 47: Kidnap
Chapter 48: Protective Bricks
Chapter 49: Deal
Chapter 50 (Part I): YoungJi vs. Lord High
Chapter 50 (Part II): Claire vs. Trexie
Chapter 50 (Part III): Sister vs. Girlfriend
Chapter 50 (Part IV): Love vs. Anger
Chapter 51: Regrets
Chapter 52: Mrs. Hwang
Chapter 53: Kuya Bricks
Chapter 54: The Past
Chapter 55: Pagkikita
Chapter 56: Kiss
Chapter 57: Lie
Chapter 58: Death
Chapter 59: Graduation Day
Chapter 60: Surprise
Not An Update ⚠
Chapter 61 (Part I): Sorry
Chapter 61 (Part II): Sorry
Chapter 62: Hallucination?
Chapter 63: The Suspect
Chapter 64: She's Back
Chapter 65: Welcome Back
Chapter 66: The End
Special Chapter
THANK YOU!

Chapter 37: Pity Claire

45 10 0
By OhFrancinEXO

Zitty's POV

Grabe buong araw kong hinihintay yung mga foods na ihahanda ni Dustin ngayon para sa birthday ni Claire tapos wala naman pala.

Anong klaseng birthday party 'to? Hindi exciting.

Pero ayos lang may 2 days pa naman para i-celebrate yung birthday ni Claire dito sa town house nila.

Sabi sakin kanina nina Dustin bukas daw nila isu-surprise si Claire. Hmm...ano kayang klaseng surprise yun?

Siguraduhin lang nilang matutuwa ako este si Claire sa gagawin nilang yun. Hahahahaha.

Kasalukuyan na akong naglalakad papuntang bed room namin medyo madilim na rin dito sa loob dahil patay na ang mga ilaw. Mga tulog na rin lahat ng kasama ko dito maliban sakin, nagpahangin pa kasi ako sa labas.

Malapit na ako sa may pinto ng kwarto namin ng may napansin akong isang lalaki na papasok na ng kwartong iyon.

Parang kilala ko kung sino 'to ah.

"Therence? Anong ginagawa mo dyan?"-kunot noong tanong ko at mabilis siyang napaharap sakin

"Ah eh ano kasi ummm matutulog na sana ako eh a-akala ko kasi d-dito yung kwarto namin dun nga pala yun sa k-kabila. Hehehe."-sabi niya sabay sara nung pinto, bakit parang kinakabahan siya na ewan?

Bigla akong napatingin sa kanang kamay niya. Bakit niya hawak yun?

"Ganun ba? Eh para san naman yang kutsilyong dala mo?"-tanong ko at itinago naman niya sa likuran niya yung kamay niya

"Ha? Eto ba wala 'to. Ibabalik ko lang sa kitchen naiwan ata ni Dustin kanina sa kwarto. Hahahaha. Sige Zitty good night matulog ka na rin isu-surprise pa natin si Claire bukas diba hehehe."-masayang sabi niya at dumiretso sa kwarto nila

Anong problema ni Therence? Bakit ang weird niya okay naman siya kanina ah. Saka akala ko ba dapat matutulog na siya kanina pero bakit dala pa rin niya yung kutsilyo? At saka diba sabi niya ibabalik na daw niya yung kutsilyo sa kitchen eh bakit dumiretso siya sa kwarto nila?

Ang gulo naman niya.

Claire's POV

Maaga akong nagising ngayon di ko alam kung bakit. Asan na yung kasama ko dito sa kwarto?

Oo may kasama ako dito kagabi. Walang iba kundi si Aaron.

Tama siya nga. Kami lang dalawa dito kasi nalaman kong wala pala siyang matutulugan kagabi kaya ayun.

Ohoy alam kong iniisip niyo ha. Fyi, hindi po kami magkatabi sa kama kagaya nung nangyari dati. Ano siya sinu-swerte? Dun ko siya pinatulog sa sofa kawawa din naman kasi siya kung sa sala siya matulog diba? Hehez

Na sakin na nga pala yung mga information about sa lord high at eto nga hawak ko ngayon yung mga papel at isa isa itong binabasa.

"New members Venus, Ashley, Andrey, Kristoffer, Marcus, Jackson, Leandro, Alexander Th---"-ililipat ko na sana sa kabilang page kaso may bigla namang kumatok

"Claire gising ka na ba? Bumaba ka na dyan nasa baba si Ejay at Cassey."-sabi nung kumatok

"What? Nicks stop kidding me. Kaaga aga eh!"-sigaw ko, naibaba ko tuloy yung mga papel na hawak ko

Anong ginagawa dito nung dalwang demonyong yun? Wow napaka-gandang birthday gift 'to para sayo Claire.

"I'm not joking. Bahala ka nga dyan."-sabi ni Nicks ni-hindi ko manlang siya pinagbuksan ng pinto

Ugh wtf! Paano napunta dito yung dalawang yun? Kainis.

Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago lumabas ng kwarto ko. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbaba ko ng hagdan ng bigla na lang----

*booom*

May nagpasabog ng confetti sa taas kaya medyo nagulat ako. Bakit may ganito? Saka bakit parang nag iba yung itsura nung bahay?

At nang tuluyan na akong nakababa. Nasaan sila? Bakit walang tao dito?

Hinanap ko sila sa mga sulok pero wala. Letse! Kausap ko lang kanina si Nicks diba? Eh asan na yun.

Pagkaharap ko---

"HAPPY BIRTHDAY CLAIRE!!!"

Pucha. Ano 'to? Pagkatalikod ko bigla na lang silang lahat sumulpot sa harapan ko at may mga dalang banner, confetti, gift, cake, at iba pang mga pagkain.

Huwaw ha. Ang aga ng surprise nila. Nagulat ako promise.

"Mga walanghiya kayo! Saan kayo mga nagtago?"-natatawang sabi ko, sila naman tumawa lang ng nakakaloko kaya pala nagiba yung ayos nung buong bahay dahil nilagyan nila ng design parang birthday party talaga

"Hahahaha. Ano Claire? Nagustuhan mo ba?"-Sam

"Wag kayo ako ang nag design ng lahat ng nandito ngayon. Hahaha."-Therence

"Anong ikaw? Ako rin kaya."-Kai

"Anong ikaw rin Kai? Mas ako kaya. Wala ka ngang naitulong."-Bricks

"Nagtatalo pa kayo dyan, eh ako kaya nag isip ng mga design."-Irish

"Anong ikaw? Eh late ka na nga nagising tapos na yan nung gumising ka."-Zitty

"Basta walang kokontra ha. Ako lahat ang nagluto ng pagkain dito. Wahahaha."-Dustin

"Aba wala ding kokontra. Ako lahat ang kakain ng pagkaing yan ah. Hahahahaha."-Max

"Takaw mo mabulunan ka sana."-Edison sabay pukpok ng lagayan ng confetti sa ulo ni Max. Pfft.

"Para kayong mga tanga. Para walang away kayo lahat ang gumawa nan at ako lang ang walang naitulong. Hahahaha. Nga pala Nicks, ano yung sinasabi mong nandito si Ejay at Cassey ha? Eh wala naman sila dito."-sabi ko

"Anong wala? Eto sila oh."-sabi ni Nicks at naghawian silang lahat kaya nasa gitna nila yung dalwa

Emerghed.

"Happy Birthday."-bati nung dalwa habang nakangiti

"Thanks p-pero bakit kayo nandito? What I mean is paanong---"-hindi na ako nakatapos pang magsalita ng biglang may umimik

"Because of me Claire. Hahaha. Pwede na ba silang birthday gift para sayo?"-sabi ni Aaron habang bumababa ng hagdan at may dalang bagay na nakabalot sa gift wrapper

"Dahil sayo? Paano?"-kunot noong tanong ko, nakakaloko ba siya? Birthday gift? Silang dalwa? No way

"Basta! Eto oh."-at ng makababa siya inabot niya sakin yung dala dala niya kanina

"Ano 'to?"-tanong ko, nag senyas lang siya na buksan ko daw at ayun binuksan ko naman

Waaaaaaaah yung katana koooooo!

"Ito yung katana ko ah bakit napapunta sayo?"-tanong ko

"Aba malay ko bang katana pala yan inabot lang sakin yan nung mama mo bago tayo nun umalis sa mansyon niyo eh, sabi niya ibigay ko daw sayo."-painosenteng tugon naman niya

Sabi ko na nga bang hindi ako matitiis ni Mama eh. Ibabalik at ibabalik pa rin niya ito sakin.

"Ito pa Claire oh gift namin para sayo."-sabi ni Sam at dire-diretsong inaabot sakin yung mga box, sige lang! Nabibigatan na ako ano bang laman nito? Mamaya ko na nga bubuksan mwehehehe

"Pinaghandaan namin 'to para sayo Claire kahit na ang taray taray mo samin. Hahahaha."-sabi ni Kai

"Oo kaya dapat mo kaming pasalamatan."-cold na sabi ni Edison

"Sige na nga. Alam ko namang nag effort talaga kayong gumising ng maaga para lang isurprise ako eh kahit na kahapon pa yung birthday ko pinaghanda niyo pa rin ako ng bongga. Kaya thank you. Kayo na ang mag blow nung mga candle i-wish niyo na sana mabawasan na katarayan ko. Hahahahaha."-sabi ko sa kanila at nagtawanan naman sila kasabay ng pag-blow nila dun sa kandila

"Sana nga bumait ka na."-sabi ni Aaron

"Lagot ka sakin. Hindi ko pinapasalamatan yang pag iimbita mo dun sa dalwa ha."-bulong ko kay Aaron na may halong panggi-gigil

Bwisit siya. Ni-hindi manlang nagsabi sakin.

Matapos nun ay kumain na kaming lahat, mga nagtatakaw na lahat ng kasama ko dito samantalang ako ay pakonti-konti lang ang kain. Hindi ako nagda-diet wala lang akong gana.

Masarap naman yung pagkain na niluto ni Dustin kaso lang nawawalan ako ng ganang kumain kapag napapalingon ako kina Ejay at Cassey. Napaka-sweet nila sa isa't-isa kung maglambingan sila parang sila lang dalawa ang nandito eh.

Bakit kahit anong pagka-asar ko kay Ejay di pa rin maalis sa isip ko ang selos at ang sinasabi ng isip at puso ko na 'sana ako na lang si Cassey'  ibang iba yung relationship namin ni Ejay dati kumpara sa kanila ni Cassey dahil sa nakikita ko ngayon parang mas maligaya si Ejay kay Cassey.

Ano ba Claire wag mo ngang isipin yan! Dapat maging masaya ka ngayon kasi pinaghanda ka nung mga kaibigan mo nag-effort sila kaya you  have to show them that you are happy okay?

At pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko sa isang tabi. Huhuhu O.P ako sa mga kasama ko dito, ang sasaya nila eh parang sila pa yung may birthday

"Hey!"-napatingala ako dun sa lalaking nagsalita at naupo naman siya sa tapat ko, bigla tuloy ulit akong napatigil sa kinakain ko. Pangabala talaga 'tong demonyong 'to.

"Oh Ejay ikaw pala? Hehehe bakit iniwan mo na si Cassey dun? Hala ka baka magselos yun."-natatawang saad ko, umismid lang siya

"Don't mind her. Hindi naman siya ganun ka immature para pagselosan ka pa eh."-sabi nya, wow ha hindi ganun ka immature? Talaga lang ha! Baka pag hinalikan ko ngayon si Ejay sa harap niya sabunutan niya ako? Pero malamang boyfriend niya yun eh. Tanga mo talaga Claire.

"I see."-tipid kong sagot

"Happy birthday nga pala ulit sorry wala akong gift biglaan kasi yung pag imbita samin dito ni Aaron eh. Hahaha. Bakit nga pala di ka nakiki-join sa mga kaibigan mo asan yung boyfriend mong si Aaron bakit di ka niya sinasamahan?"-sunod sunod niyang sabi, ano ba Ejay wala akong boyfriend

"Okay lang yun atleast pumunta kayo. Wala lang naman gusto ko lang mapag-isa muna tsaka nagsasaya sila dun hayaan muna natin sila."-tugon ko, grabe ang awkward ng feeling ko ngayon. Siya kaya ganun rin?

"Uhm Ejay? Hindi ka ba naiilang sakin?"-wengya Claire bakit sa dami dami na pwedeng itanong mo yan pa?Bigla naman siyang napatingin sakin ng diretso. Halaaaaa

"Ano? Naiilang? Hindi 'no, bakit naman ako maiilang sayo unless may awkward akong nararamdaman dahil sa past natin pero wala eh. Hahaha."-sagot niya

Ouch! Parang nahati ng 100 times ang buong kalamnan ko. So ibig niya bang iparating na naka-move on na talaga siya sa relationship namin dati? My goodness.

"Mabuti naman kung ganun kasi ang hirap makipag-usap kapag may ilangan diba? Hahaha."-idinaan ko nalang sa tawa yung sinabi ko, ayaw kong ipahalata na apektado pa rin ako sa kaniya 'no

"Oo ganun nga hahaha. Claire sorry talaga ha alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit ko ginawa yun diba? Hindi ko ginusto yun pero siguro hindi lang talaga tayo ang para sa isa't-isa tama ba ako? And nandyan naman si Aaron sana huwag niyang gawin yung ginawa ko sayong pang iiwan sa ere."-pag nonobela niya. Bakit ba niya to sinasabi? Naiiyak tuloy ako, naman ehhh

"Ano ka ba? Tanggap ko na yun matagal na don't worry okay lang yun. O-Oo sana nga wag yung gawin ni Aaron. Akyat lang muna ako ah, medyo sumakit ulo ko eh."-saad ko at iniwan siya dun sa dining area, habang naglalakad ako palabas ng kitchen nakita ko si Aaron na nakasandal sa gilid ng refrigerator, kanina pa ba siya dun?

Lalampasan ko na sana siya kaso---

"Ulo mo ba talaga ang masakit? O ang puso?"-cold na sabi niya habang nakapasok yung dalwang kamay niya sa bulsa niya, tinaasan ko lang siya ng kilay pero hindi ganun kataas. Wala akong ganang magtaray ngayon

Pucha! Ang hina ko talaga pagdating sa pag-ibig.

Naawa ako sa sarili ko.

----


VOTE AND COMMENT!


Continue Reading

You'll Also Like

287K 17.7K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
10.2M 135K 23
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...