Cold-blooded Hunter (gxg) Mik...

By iM_jho19

76.6K 2.3K 812

Vampire-hunter A heartless hunter who kills vampire without mercy. A hunter who kill even a 5 years old girl... More

CH
chap. 1
chap. 3
chap. 4
chap. 5
chap. 6
chap. 7
chap. 8
chap. 9
chap. 10
chap. 11
chap. 12
chap. 13
chap. 14
chap. 15
chap. 16
chap. 17
chap. 18
chap. 19
chap. 20
chap. 21
chap. 22
A/N

chap. 2

3.5K 123 18
By iM_jho19


Naging maayos naman ang unang ilang araw ni Alyssa sa pamamahay ng Lazaro. Nakilala niya na rin ang magulang ni Den at napakabait nito sa kanya. Pero ang problema ay palagi itong wala.

Kaya naman tiis siya sa kadaldalan ng kasama. Tulad na lang ngayon.

"Alam mo, excited na ako sa malapit na pasukan. Makikita ko na naman ang crush ko." At sinamahan pa nito ng impit na pagtili.

Habang si Alyssa ay hindi man lang siya binigyan ng pansin at busy sa pagbasa sa report na pinadala ng lolo niya sa kanya. Wala naman siyang nakitang mali, pero sa palagay niya ay kailangan ng kaunting pagbabago.

"Alyssa, nood tayo ng laro nila." At doon lang napaangat ng tingin si Alyssa mula sa binabasa. Hinihintay nitong dugtungan ang Den ang sinasabi. May hawak na kasi itong cellphone at ang lawak ng pagkakangiti. "May friendly game sila ngayon ni crush. " At tumingin ito sa dalaga. "Please, tara na. manonood lang tayo. Hindi ako pwede lumabas ng hindi ka kasama eh."

At nagpout pa itong tumingin sa kanya. Habang si Alyssa ay wala man lang expression ang mukha.

"Ito sila o." At pinakita sa dalagang kausap ang picture ng team na sinasabi nito. At doon na naman ang mata ni Alyssa napako sa isang pigura.

Naramdaman niya na naman ang pagtibok ng puso niya. Ang ganda nito na nakakabighani talaga.

Napaangat ng tingin si Alyssa na parang wala lang. Ayaw niyang ipahalata sa kausap na apektado siya sa isang bagay lang, dahil nagpapakita iyon ng kahinaan para sa kanya.

Mabuti na lang at akala nito nagustuhan niya ang laro na nakatutok na ang mata niya sa tv noong una niyang dating sa bahay nito. Pinaliwanag pa nito ang mechanics ng laro na alam niya dati pa kasi nilalaro niya rin ito kasama ang ka team niya pag wala silang mission.

Tumango na lang si Alyssa at niligpit ang nagkalat naginawa niya sa lamesa. Mga papel lang iyon pero ang dami non. At si Den naman ay nagtitili ng tumakbo paakyat papuntang kwarto para makapagpalit at mag-ayos.

Mabilis naman naligpit agad ni Alyssa ang kalat at umakyat na sa kwartong ukopado niya para ilagay ito doon. Nag-ayos siya agad ng sarili, sa hindi malamang dahilan ay excited siyang pumunta doon.

At dahil hunter siya, tinuruan sila kung paano maging maliksi kumilos. Kaya naman sa ilang minuto lang ay tapos na siyang mag-ayos. Dala ang maliit na back pack na may lamang wallet at cellphone kasama ang headset, bumaba na siya sa sala at doon hintayin ang nag-ayang dalaga.

Pero pagbaba niya ay nakaramdam siya ng gutom kaya naman pumunta muna siya ng kusina at doon niya nakita ang isang matanda. May katandaan na pero bakas parin ang malakas nitong pangangatawan.

At dahil hunter si Alyssa at enhance ang pang-amoy, pandinig at pandama niya, nakilala niya agad na dating hunter ang kaharap. Malakas sa ganoong aspeto ang mga hunter, pero hindi parin nila maabot ang kayang gawin ng isang werewolf or vampire kaya naman grabe din ang training na pinagdaanan nila.

"Ako si Nanay Mareng ni Den. Ako ang nag-alaga at nagbabantay sa pamamahay na to sa mahaba ng panahon." Nakangiti nitong sabi sa kay Alyssa. "At kinakagalak kong makilala ang isang Valdez." At yumukod pa ito ng kunti bilang paggalang.

Gusto man suklian ni Alyssa ang mga ngiti nito, pero hindi niya magawa. Kaya binate niya na lang din ito. "Ako naman po si Alyssa, nay Mareng." Ngumiti naman ang matanda at tumango.

"Bakit ka nandito Alyssa? Nagugutom ka ba?" Nakangiti nitong tanong at humarap ulit sa lababo para tapusin ang pagpunas sa pinggan.

"Opo eh. Pero ako na po, tinapay po okey na ako." Mahabang sabi ni Alyssa sa matanda.

Hindi masalita si Alyssa pero dahil parang magaan ang loob niya dito. naging komportable siya tulad ng sa lolo niya. Para na rin kasi niyang lola ito kung tutuosin.

Pinagpatuloy ng matanda ang pag-aayos habang si Alyssa ay naupo at kinain ang kinuhang tinapay at tubig.

"Alam mo, ngayon ko na lang ulit nakita ang mga ngiti ni den-den. Simula ng naging busy ang mga magulang niya, palagi na lang si nakabusangot at napakabugnutin." At humarap ito kay Alyssa na nagpupunas na ngayon ng kamay. "Pero, ng dumating ka, naging masiyahin na siya. Kahit hindi mo man siya pinapansin pero alam niya na nakikinig ka. Kailangan niya lang kasi ay ang makikinig sa kanya. Kaya, salamat Alyssa. At sana ituring mo ring kaibigan si den-den."

Napabuntong-hinga naman si Alyssa kasi mukhang mahihirapan siya sa hinihiling ng matanda. Pero tumango na lang siya at sumagot. "I'll try nay. Pero hindi ko po ipapangako, hindi ko po alam kung hanggang kailan ako dito. Kaya ayaw ko rin mapalapit kahit kanino man." Paliwanag niya sa matanda.

Tumango lang ito at sinabing naiintindihan niya. Nagpaalam na rin ito agad kasi may gagawin pa daw ito sa likod bahay.

Pinagpatuloy ni Alyssa ang pagkain. Nang matapos siya ay hinugasan niya agad ang baso na ginamit. Natapos na lahat pero wala paring Dennise na bumaba sa hagdan kasi nakikita naman iyon ni Alyssa kung saan siya naka pwesto. Kaya naman aakyat na sana siya para tawagin ito.

Pero hindi na pala kailangan. Humahangos itong bumaba at hinila ang kamay ni Alyssa palabas ng bahay.

"Kailangan na nating magmadali, mag-uumpisa na daw." Sabi nito na ang lapad ng ngiti. Halata sa mukha ni Den na sobrang excited ito.

Hindi na komontra pa si Alyssa at nagpahila na lang sa dalaga. Pumasok agad sila sa isang sasakyan. Nandoon na rin ang driver kaya umalis na agad sila.

Sa buong byahe ay boses ni Den ang maririnig. Ang impit na tili nito at ang tawang kinikilig. Nakaharap lang kasi ito sa cellphone at hindi alam ni Alyssa kung ano ang pinagkakaabalahan. Kaya naman, nilabas niya na rin ang headset niya at nag play na lang ng music kaysa marindi sa boses ng katabi.

Hindi rin nagtagal at nakarating din sila sa lugar kung saan ang laro gaganapin. Napatingin lang si Alyssa sa buong paligid kasi bago ito sa kanya.

"Tara." At pinulupot ni Dennise ang braso sa braso ni Alyssa. Parang takot siyang maghiwalay sila ni Alyssa. At hinayaan naman siya ni Alyssa at nagpatangay na lang sa dalaga. Wala din naman siya alam at si Den lang ang kakilala niya.

Pero hindi nakaligtas ang paglingon ng ibang tao kay Alyssa. Nakamaong pants at shirt lang ito ng itim na pinarisan niya lang ng tsinelas. Pero para itong model kahit simple man ang damit na suot.

Nakasuot parin ang headset sa tenga ni Alyssa pero dinig niya parin ang bulungan ng tao sa paligid niya. Akala ng mga ito hindi niya naririnig, pero mas malinaw pa sa tubig ng ulan ang naririnig niya.

Hindi nila pinansin ang mga taong tumitingin sa kanila at pinagpatuloy ang pagpasok sa loob ng arena. Nakipagsiksikan na si Dennise habang si Alyssa ay nakasunod lang sa dalaga na hanggang ngayon ay hawak parin siya.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na sila sa loob kung saan may nag-aabang sa kanila na kaibigan ni Den. Dalawa ang nandito at may bakanti pang dalawang upuan para kay Alyssa at Dennise.

"Hi friend. Sorry na late kami." Sabi ni Dennise sa mga ito. Mga ordinaryong tao lang sila sa nakikita ni Alyssa pero meron siyang nakikita na supernatural, iba ay rogue pero wala siya sa katayuan ngayon na manghuli. At nangako siya sa lolo niya na hindi siya gagawa ng ikakapahamak nino man.

"Okey lang. Alam naman naming magpapaganda kapa." May panunuksong sabi ng isang babae. Namula naman si Dennise sa narinig pero si Alyssa ay parang wala lang narinig kasi naka headset parin siya, pero ang linaw ng narinig niya.

"Sino yang kasama mo friend?" Sabi naman noong isa na hindi parin inaalis ang tingin kay Alyssa.

"Ah si Alyssa." At kinalabit si Alyssa. Tinanggal naman ni Alyssa ang nakasalpak sa tenga para daw marinig niya si Dennise. "Ly, mga friends ko." Sabi ni Dennise na kinakunot ng noo ni Alyssa dahil sa tawag nito sa kanya pero hindi niya naman masita. "Siya si Bea de Leon." Turo doon sa babaeng unang nagsalita. Nag hi ito kay Alyssa pero tango lang ang sinagot ng isa.

"Just call me Jho." Nauna ng nagsalita ang isa pa nitong kaibigan bago pa ipakilala ni Den. Tumango lang ulit si Alyssa at bumalik sa pakikinig ng music.

Bumusangot naman ang mukha ni Jho dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Alyssa na kinatawa lang ng dalawang kaibigan.

Nag-usap sila ng kung ano-ano lang habang si Alyssa ay iniikot ang tingin sa buong lugar. Nakikita niya may napapatingin sa kanya at meron ding nagbubulungan tungkol sa kanya pero wala siyang pakialam dito.

Meron din siyang nakita na mga werewolf, pero may pack ang mga ito kaya nginingitian siya ng mga ito at siya hanggang tango lang. Meron ding bampira pero hindi siya pinansin ng mga ito kasi galit ang lahi ng bampira sa kanya kasi halos bampira ang pinapatay niya. Pero walang pakialam si Alyssa dito.

Umayos na lang siya ng upo ng nagsalita na ang emcee na mag-uumpisa na.

Nakakabinging sigawan at tilian ang narinig ni Alyssa sa buong lugar. Ang ibang werewolf at vampire ay napapatakip sa tenga habang ang iba ay nakikisabay pa. Sigurado siyang sanay na ang mga ito sa ganung ingay ang iba ay hindi parin.

Nag-umpisa ng pinakilala ang mga maglalaro. Nag warm up ng kaunti at nag-umpisa na ang laro. Pero ang mata at isip ni Alyssa ay wala sa laro, kundi sa babaeng matangkad na naglalaro.

At sa bawat maka score sila, nakikita niya ang malaking ngiti nito. Ang ngiting umaabot sa mga mata nito, ang ngiting nakakaagaw sa pansin ni Alyssa.

Sinubukan niyang ibaling ang tingin sa iba pero sa hindi malamang dahilan at bumabalik ang tanaw niya kung nasaan man ang matangkad na dalaga.

"Ly, diba ang galing noong number 8?" Tanong ni Den sa kanya pero tiningnan niya lang ang sinabi nito at hindi nilingon si Den. "At ang poging maganda siya diba?" Dagdag pa nito na kinibit balikat niya lang.

"Hindi friend. Mas iba parin ang charm ng Mika ko." Bumelat pa si Bea sa kaibigan. Hindi man nakatingin si Alyssa dito ay nakita niya naman. "I LOVE YOU #3." Sigaw pa nito na nagpalingon ng tuluyan kay Bea.

Sinundan niya kung saan ito nakatingin at doon nga sa #3, REYES. Sa hindi malamang dahilan ay parang nakaramdam siya ng inis at galit kay Bea. Pero huminga siya ng malalim para maalis ito kasi hindi siya pwede mawalan ng control sa sarili.

Pero sa pag-angat ng paningin niya ay hindi niya inaasahan ang makikita. Nakatingin sa kanya ang babaeng matangkad. Nagtama ang mga mata nila.

At sa loob ng ilang segundong nagtagpo ang mga mata nila. Pakiramdam ni Alyssa ay hindi na siya makahinga, hindi na tumitibok ang puso niya at tumigil sa pagtakbo ang oras. Sa ilang segundong yun, ay nawala siya sa kanyang sarili at napangiti sa matangkad na dalaga na sinuklian din nito ng namakalawak na ngiti.

Maraming nagtiliang malapit sa kanya, sa akalang sa kanila ito nakatingin. Pero alam ni Alyssa na sa kanya ito nakatingin kasi ano pang silbi ng training niya at hindi niya mabasa ang galaw ng isang tao. At hindi pa siya nagkamali ng kahit minsan.

"Friend, bakit si Mika lang ang lumingon." Nalulungkot na sabi ni Den kasi hindi man lang napaulyap ang crush nito sa kanya.

Mika. Sabi ni Alyssa sa isip niya. At pinigilan na ang mapangiti ulit.

"Pangit ka daw kasi friend." Sagot naman ni Jho.

"Sino pangit? Ang ganda ko kaya." Walang kagatul-gatol na sabi ni Dennise. "Pero, kahit hindi siya tumingin. Siya parin dito sa puso ko." Sabi pa nito na parang nangangarap.

"Para sayo, pero hindi ka parin niya mapapansin." Sagot naman ni Jho ulit. "Pero patabi naman ako dyan kay Aly, den."

Pero kumapit si Den kay Alyssa na parang ayaw nito pakawalan ang dalaga. "At bakit ako papayag? Wag na." Umirap si Dennise bago umupo na lang ulit ng tahimik at nanood na ng maayos.

Wala naman makialam si Alyssa sa pinag-aawayan ng kasama, basta nakatingin lang siya sa #3 at paminsan-minsan ay nagtatagpo ang paningin nila na nagpapabigay ng paru-paro sa tyan ni Alyssa na kahit minsan ay hindi niya naramdaman.

Naging maayos din ang takbo ng laro, nanalo ang team nila Mika. Pero ang hindi maayos ay si Dennise na nakabusangot na ngayon. Kaya naman kinalabit siya ni Alyssa kasi ayaw niyang nakikita ng ganito ang dalaga, dahil sa maiksi mang panahon na nakasama niya ito, naging kaibigan na ito sa kanya kahit hindi niya man masyado kinakausap ito.

Nagsilabasan na ang lahat ng taong nandoon pero sila ay nakaupo parin katulad ng mga player na namamahinga parin.

Ayaw niyang nakabusangot ito kaya naman hinila niya na ito patayo. At dahil mas malakas siya ng di hamak sa dalaga, nahila niya ito ng walang kahirap-hirap.

Bumaba sila kung nasaan ang mga player. May iba mang nagpapapicture sa mga ito kaya hindi na mahirap para kay Alyssa ang gustong mangyari. Ng makababa na ng tuluyan ay hinila niya na si Dennise palapit sa #8, GALANG.

Sinubukan ni Den na pumiglas sa malabakal na hawak ni Alyssa kasi nahihiya siyang lumapit dito. Hindi niya kayang makaharap ito kasi hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa harap nito na hindi magmumukhang tanga.

Ng tuluyan ng silang makalapit ay nagsalita na si Alyssa. "Papicture daw siya." At tinuro si Den. Napalunok naman ang nakarinig kay Alyssa dahil sa boses nito. Tumango naman si Galang at nagpapicture nga.

Habang si Dennise naman ay halos maihi na sa kilig niya. At habang busy sila sa pagkuha ng litrato, napadako naman ang tingin ni Alyssa sa kanina pangkinatitigang babae. Nakatingin ito sa kanya at may ngiti sa labi.

Parang nag-uusap ang mga mata nilang nakahinang sa isa't isa. Pero naputol yun ng hilahin ni Den si Alyssa pauwi.

See you again, soon, Mika. Sabi ni Alyssa sa sarili bago binitawan ang pagkakatagpo ng kanilang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 57.8K 98
She was adopted by Master Lee. She knew from the very start that she is not ordinary girl. Master Lee thought her everything including martial arts...
1.7M 49.9K 90
[Published Under Precious Pages] Book 2 ng Ang Boyfriend Kong Mummy na, Vampire pa. Simula nang maglaho ang vampiric curse, si Sage Elizalde ay nagi...
267K 5.6K 33
Hunter S. Ivanovich have his own quotation. "Once is enough, I don't give a fuck at twice" He lived in his own rules and everything is under control...
6M 139K 67
Ang tao ay para sa tao. Syempre alangan namang para sa hayop diba? Isipin mo nalang kung anong pwedeng mangyari kapag ganun. Pero ibig din bang sabih...