Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 22: A Series of Awkwardness

19.7K 598 144
By JoeBeniza

Alam mo 'yong tipong ganadong ganado ka? 'Yan lang naman ang epekto kapag ang mga taong mahal mo ay todo suporta sayo. Ang bar exam ay tumakbo ng isang buwan, every sunday for four times. From monday to saturday, aral lang ako at tuwing sunday bar exam. Natapos ang mga araw ng bar exam at talagang sobrang hirap ng mga tanong, parang pang who wants to be a billionaire. Pero dahil matagal ko na itong napaghandaan, tingin ko pasado naman.

Sana nga makapasa. Gusto ko na makita si Jana.

Last day ng bar exam. Pagod na pagod ako pagkatapos. Feeling ko pigang piga ang utak ko. Parang ketchup na wala na yatang laman, tapos kailangan mo lagyan ng tubig para masimot mo 'yong loob.

Buti nalang talaga hindi ganito ang mga tanong:

Ano ang tamang pagsulat ng "Ikaw lang sapat na" sa jejemon world?

a.       1khAw lNg S4pat NhuA

b.      IkH4w LnG S4ph4t N4

c.       Iq4W  l4nG S4p4t Nh4

d.      qAw LaNg Saph4t N4A

'Di ba? Matindi pa sa periodic table?!

Paglabas ko ng school, hindi ko inaasahan na inaabangan pala ako ni Valerie.  Nakita niya agad akong lumabas ng campus kaya kinawayan niya ako at nilapitan ko naman siya agad.

"Valeng? Ano ginagawa mo dito?"

"Obvious naman 'di ba? E 'di hinihintay ka," mataray niyang sagot pero nakangiti naman.

Napahimas naman ako sa likod ng"Teka. Wala naman ako'ng utang sa'yo 'di ba? Tsaka after pa ng results 'yong free Korean buffet mo sa akin." 

"Wala. Wala lang ako'ng magawa. Naisip ko lang, for sure napiga utak mo e," tumango siya isang beses pababa habang nakangiti. "Tara, lagyan natin ng laman." 

Sinapo ko ang aking ulo. Tama siya, pakiradam ko nga drain na drain ako, "Well, napiga nga ng sobra 'yong utak ko. Ano naman gagawin natin?"

"Kain tayo. Libre ko," sambit niya na may halong yabang pa ang mukha.

"Huh?" Hinawakan ko ang noo niya para tignan kung may sakit siya. "May sakit ka ba? Manlilibre ka bigla e."

Hinawi naman niya ang kamay ko. "Ano'ng akala mo sa akin, buraot? May pera kaya ako. Tara na kain na tayo."

Nag simulang maglakad si Valerie at sumabay naman ako.

"Saan naman tayo kakain?"

Tumingin siya sa akin ng matulis habang naglalakad kami at ilang saglit pa, bigla siyang ngumiti, "Sa isawan or sa fishbolan. Akala mo lilibre kita sa mahal 'no? Neknek mo!"

Napangiti naman ako sa asal niya. I think this is the kind of company I need toda, "Game! Ano akala mo sa akin, hindi kumakain ng street food? Sanay yata ako riyan."

Tinignan niya ako nang may pagdududa at tinaasan pa niya ako ng kaliwang kilay, "Talaga lang a. Tignan natin tibay mo, your honor."

Nakaalis kami ni Valerie ng campus at nag punta sa isang malapit na street na punong puno ng mga food carts. May nag titinda ng fishball, kwek kwek, squidball, chickenball, foot ball, basket ball, siomai, shawarma, kulambo, isaw, bbq, at iba iba pa. Diretso ito at medyo dagsa ang mga tao. Makakarinig ka pa ng recording ng isang lalaking monotone ang boses at tila hindi gusto ang ginagawa na nagsasabing... "Pasok mga suki. Presyong divisoria. Sampu sampu, bente bente at iba pa." Nakabisado ko agad paulit ulit e.

Namangha naman ako kahit papaano sa lugar dahil first time kong makapunta rito, "Meron pa lang ganito dito?"

"Ayan! Kasi! Hindi ka gumagala pagkatapos ng school. Masarap dito. Mura na marumi pa!" Napatingin ako kay Valerie na diretso lang ang tingin at nakangiti. She said marumi rito, e bakit dito kami kakain? Naloko na.

 Napansin niyang siryoso ako at mukhang nabasa niya ang iniisip ko na dinamdam ko ang sinabi niyang marumi ang kakainan namin. Pabiro niya akong sinanggi at tumawa siya nang kaonti, "Joke lang! Ito naman. H'wag ka mag alala, okay dito at malinis naman."

Pinuntahan namin ang iba't ibang mga food cart. Kumain kami ng fish ball, inihaw na isaw at paa ng manok, siomai, at ngayon ay nasa cart naman kami kung saan itinitinda ang itlog pugo na binalutan ng orange na harina, o kung tawagin ay kwek kwek. Nakakatuwang pag masdan si Valerie. Ang simple lang niya at walang arte sa katawan.

"Valeng may itatanong ako sa'yo," sambit ko pagkatapos lulunin ang isang pirasong kwek kwek.

Sumagot naman si Valerie kahit ngumunguya pa, "Ano 'yon?" 

"Alam mo 'yong game na Angry Birds?" Tanong ko ulit.

"Oo naman," ngumunguya pa siya at nang matapos, "Ano meron?"

"Alam mo ba kung bakit walang kulay orange na angry bird?"

Nag isip si Valerie at napainom ng buko juice, "Wala ba? Parang meron e."

"Wala nga. Trust me," kumuha ako ng panibagong stick para muling kumuha ng kwek kwek.

"Hmm... Oh sige. Bakit?" Uminom si Valerie ng buko juice at doon ko pinakawalan ang joke ko.

"Kasi daw baka mag mukha daw silang kwek kwek!"

Nadura ni Valerie ang iniinom na buko Juice at tumawa nang tumawa. Buti na lang at hindi ako tinamaan. Wala talagang pakundangan minsan 'tong babaeng 'to.

"Havey!" Napahawak si Valerie sa balikat ko kakatawa. Halos maiyak pa ang mata niya sa labis na pagtawa. "Saan mo nakuha 'yan?".

"Sa radyo ng papa mo kanina,"  sagot ko at nag tawanan kami.

"Ay takte! Nakalimutan ko'ng mag message kay Jana!" Bigla kong naalala at agad ko namang kinuha ang phone ko sa bulsa. "Excuse lang, Valeng ah." 

"Sige lang," sagot ni Valerie na medyo 'di pa rin nakaka-recover sa joke ko. Narinig ko pa siyang kinausap 'yong nagtitinda ng kwek kwek, "Manong tutuhog pa ako orange na angry birds ah."

Tumatawa lang si Valerie pero ako... agad akong nag chat kay Jana kahit wala pa rin siyang chat sa akin.

Me: My love. Tapos na po 'yong mga exams. Ang hirap ng mga tanong pero kinaya ko naman. Kasama ko nga pala si Valeng ngayon. Nandito kami sa isang street na maraming food cart ng mga street foods. Kumakain lang. Wish you were here. I miss you.

Naghintay ako saglit sa reply ni Jana pero wala pa rin. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Hoy Kier, nga pala," sambit ni Valerie habang kumakain ng kwek kwek.

"Oh bakit? Dahan dahan lang sa pagkain. Ang takaw mo talaga," Bakit parang na sense ko bigla na mukhang may kailangan yata 'tong dragon na 'to.

"May lakad ka ba mamaya?" Tanong niya.

Sabi ko na. Heto na siya. Isasama na naman niya ako sa mga kalokohan niya kaya dapat sabihin ko meron, "M-Meron!"

"Meron daw. Hala, tigilan mo nga ako. Bahay at school lang alam mo puntahan eh. Sama ka sa akin mamaya." Nautal pa kasi ako e. Nahalata niya tuloy. I'm terrible with lying.

"Huh? Saan naman?"

"May nakapag sabi na nasa Mall Of Asia daw si Shane mamaya. May ka-date daw."

Sabi ko na eh! Hindi manlilibre 'to ng walang kailangan at si Shane Moreno de Mestiso na naman pala. Itong dragon na 'to, kailan kaya matututo? Naisip kong humawak sa aking tiyan at biglang mag kunwaring masakit ito para makatakas sa mga balak niya.

"Argh! Aray! Ang sakit ng tiyan ko! Kailangan ko na yata umuwi, Valeng."

Agad niyang binitawan ang kinakaing kwek kwek at hinawakan niya ako sa likod.
Mukhang effective nag-alala sa akin si Valerie.

"Hala naku! Kier? Ano nangyari? Saan masakit?"

Nakahawak pa rin ako sa tiyan ko at hininaan ko kunwari ang boses ko, "Dito sa bandang itaas ng tiyan ko."

"Hala!" Napahawak si Valerie sa kanyang bibig.

Agad na tinawag ni Valerie ang mga tindero at ibang mga tao sa paligid, "Manong! Kuya! Tulungan niyo po kami!"

Lumapit ang ilan sa mga taong nandoon at naki-usisa, "Ano nangyari Miss?"

"Ito po kasing kaibigan ko'ng si Kier..."

Huminto si Valerie sa sasabihin at tila hinintay niyang tignan namin siya nang may pananabik. Ilang saglit pa...

"Natatae na!" Sigaw ni Valerie at tumawa siya nang tumawa, "Natatae na siya!!"

Nagtawanan naman ang mga tao sa paligid. Lumapit ang isa at nilatagan ako ng diyaryo. "O heto pre. Diyan mo na lang ilabas."

Ang isa pang lalaki ay na nasa paligid namin ay inabutan ako ng takip ng yakult, "Heto o, pamunas."

Nagtawanan silang lahat nang malakas kaya't itinigil ko na ang acting ko. Grabe naman mga tao rito. Imbes na ituro kung saan ang CR sa taong natatae pinag-trip-an pa ako.

Kaasar! Naisahan ako ng dragon a.

"Ang pangit ng acting mo, your honor. Halatang halata! Galingan mo sa susunod a," wala pa ring tigil si Valerie sa pagtawa.

"Kainis ka talagang Dragon ka! Lika na nga alis na tayo. Nakakahiya sa mga tao dito," sambit ko at hinawakan ko siya sa braso paalis sa lugar na iyon.

Tawa pa rin siya ng tawa habang may bitbit pang buko juice, "Acting ka pa ah."

Umalis kami sa lugar na iyon at pumunta sa malapit na train station. Pagdating namin sa sakayan ng tren, sobrang dami palang tao kaya't tinamad na ako.

"Valeng ang daming tao, 'wag na lang tayo tumuloy," mungkahi ko.

"Kaya natin 'yan! Basta pag sasakay na tayo ng tren, ilabas mo 'yong pagiging mandirigma mo a. Ilalabas ko naman ang pagiging dragon ko," sagot niya habang nag uunat pa ng mga braso.

"Nice naman. So tanggap mo nang dragon ka?" Nakangiti kong tanong.

Inirapan naman niya ako, "E di wow!" 

Pinagmasdan ko ang paligid, tagktak ang pawis ng mga tao, at siksikan na rin kahit sa pagpila sa pagbili ng card na nagsisilbing ticket sa pagsakay, "Palagi bang ganito kagrabe ang mga tao dito?"

Natawa siya sa akin. "Yes. Gano'n talaga. Hindi ka diyan dapat mamangha. Just wait and see."

Matapos naming bumili ng card, nag abang kami sa susunod na tren Nasa unahan kami ng pila kaya't makakasakay kami agad pagdating ng tren. Kaya lang ang dami na palang tao sa likod namin. Mukhang tulakan pa yata ito. Patay!

Maya maya pa ay dumating na ang tren. Ang mga katabi namin sa pila ay tila nag hahanda sa pag sugod sa giyera. Nagbabanat banat pa ng buto 'yong isa. Si Valerie naman ay siryosong siryoso at naka-abang na din. Parang naghahandang bumuga ng apoy.

Huminto na ang tren sa harap namin. Pagbukas ng pinto, tila nag suguran ang mga spartans at mga persian sa pag mamadaling makalabas at makapasok ng tren.

Na imagine ko tuloy...

"Spartans! Seize your glory!"
"Attack!"

Naipit kami ni Valerie sa gitna, kaya't para 'di mahiwalay, hinawakan ko ang kamay niya.

Tuloy pa rin ang tulakan at hindi pagbibigayan ng mga pasahero rito. Grabe talaga. Para na kaming sardinas sa sobrang siksikan.

Natulak kami ni Valerie hangang sa gitna ng tren. Sa sobrang sikip, hindi ko namalayan na magkaharap na pala kaming dalawa. Nagdikit ang mga katawan namin sa sobrang sikip dito sa loob ng tren.

Nagkahiyaan kami at hindi makatingin sa isa't isa. Upang hindi matumba or madala ng pwersa sa pag andar ng tren, humawak ako sa hawakan sa itaas. Buti na lang abot ko.

Kaya lang hindi makahawak si Valerie sa hawakan sa taas dahil pati 'yon ay occupied na rin ng mga kamay ng ibang mga pasahero. Nagulat ako nang bigla siyang humawak sa akin sa may t-shirt ko sa may beywang ko. Nahiya ako dahil magkadikit na nga kami, sa akin pa siya nakahawak. Maging siya ay 'di makatingin sa akin at tahimik lang. Gano'n na rin ang ginawa ko, hindi ko siya tinignan at nanahimik lang din ako.

Lalo kaming nasiksik pagdating ng susunod na station dahil nadagdagan ang mga tao. Sobrang mag kadikit na ang mga katawan namin. Pinagpapawisan na ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang kabado ako. This time kasi nakayakap na sa akin si Valerie at nasa dibdib ko ang mukha niya.

"Kier? Uhm.. S-Sorry. Naiipit na kasi ako sa likod," mahinang sambit ni Valerie na hiyang hiya na rin sa akin.

"A... E.. Okay lang. M-masikip naman t-talaga," nautal kong sambit at napalunok pa ako. Nahihiya na rin kasi ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko namumula ang mukha ko. Ang init ng katawan niya, siguro dahil sa siksikan na talaga.

"Okay ka lang ba diyan?" Tanong ko.

Tumango lang si Valerie at kumakabog ng mabilis ang dibdib ko. Halos fifteen minutes kaming magkadikit at fifteen minutes din siyang nakayakap sa akin.

Pagdating sa susunod na station. Marami ang nagbabaan. Pero may isang pasaherong lalaki na inasar kami bago lumabas. "Sweet niyo pre a. Ang swerte mo." Agad naman siyang bumaba ng tren.

"Epal ka kuya," sagot ni Valerie sa lalaki.

Nang medyo lumuwag na at nagkaroon na ng space sa tren, agad tumalikod sa akin si Valerie.

"Uhm... Valeng..," hihingi sana ako ng sorry sa kanya nang bigla niyang putulin ang sasabihin ko.

"Malapit na tayo, Kier. Mag ready ka na."

Bumaba kami ng tren pagdating sa station. Sumakay kami ng taxi papunta ng MOA. Habang nasa biyahe, hindi kami nag iimikan ni Valerie. Nahihiya rin siguro siya. Sa passenger seat kami nakaupo at sa magkabilang dulo pa na parang biglang ayaw makatabi ang isa't isa.

Awkward but I have to break the ice. I cleared my throat and said, "Valeng, alam mo na ba kung saan exactly si Shane sa MOA?"

Tumingin ako sa kanya. Napansin kong tila nagpipigil siyang tumawa o parang kinikilig siya at parang namumula ang mga pisngi niya.

"Ha? Ano 'yon? Kier?" Mukhang may iniisip pala siya kanina at hindi siya nakikinig sa akin.

"Sabi ko, alam mo na ba kung nasaan si Shane sa MOA?" Pag-ulit ko.

"Hindi pa. Makikita rin natin 'yon. Pagkakaguluhan naman 'yon ng mga tao e."

Hindi na ako muling nagtanong pa at pinagmasdan ko na lang ang mga sasakyan, buildings, at mga halaman mula sa bintana ng sasakyan.

Pagdating namin sa Mall Of Asia. Nilibot namin ito, pero hindi namin makita ang mestiso na crush ng kaibigan ko.

Hangang sa may mga nagtiliang mga babae sa hindi kalayuan.

"Kiyaah! Nawawala ang panty ko!"

"Na-kay Shane Moreno! Nandoon siya sa may Ice Skating Rink!"

"Punta na tayo mga beshy, ibibigay ko rin sa kanya 'yong sa'kin!"

"Ako papabuntis na!"

Ang lalandi naman talaga ng mga 'to o.

Tila nag ningning naman ang mga mata ng dragon ng aking siyang tignan.

"Kier! Tara na!" Matining na sambit ni Valerie. Hinatak niya ako at tumakbo kami papunta sa Ice Skating Rink.

Pagdating namin ng Ice Skating Rink. Grabe, ang dami ng tao. Halos hindi kami makasingit para makita si Shane. Pero dahil dragon ang kasama ko, walang pakundangan niyang isiniksik ang sarili at sumunod naman ako hangang sa nakasingit kami sa unahan at nakita namin si Shane sa lilod ng transparent wall ng Ice Skating Rink. May kasama siyang babae. Masaya silang e-s-skate. Masama namana ang tingin ni Valerie na para bang selos na selos.

"Natutunaw na 'yong yelo umalis kana diyan, ate. Ako dapat nandiyan eh," sambit ni Valeng habang nanonood kay Shane.

Bigla naman sumabat sa kanya ang isa pang babae sa tabi, "Excuse me. Bagay kaya sila. Huwag ka ngang ambisyosa diyan."

Tinaasan ni Valerie ng kilay ang babae, kaya bago pa man magkaroon ng war of the dragons, gumitna ako agad sa kanila at sinubukan kong ibaling ni Valerie sa akin ang kanyang atensyon.

"Sino ba 'yong kasama niya?"

"Si MARA, isa rin singer," sagot ni Valerie.

"Mara? Mara ano? Mara Clara?" nakangiti kong tanong. Sinusubukang magpatawa.

"Mara. Just MARA. Walang last name. Parang Adelle, Beyonce, Eminem. Ganern!" Sagot ni Valerie.

Nag sho-shoot pala si Shane at 'yong Mara ng music video. Kaya narinig namin na kumakanta sila.

"Sus! Magaling ka pa diyan kumanta, Valeng," sambit ko.

Napangit ko naman si Valeng, "Thanks, Kier. Sige na nga, alis na lang tayo dito. Punta na lang tayo sa sea side."

"Sana matunaw 'yong yelo!" Pahabol ni Valerie bago kami umalis.

Pumunta kami ng sea side at nag libot libot lang.

"Tignan mo si Manong at si Manang oh. Kahit matanda na nag de-date pa din,"  tinuro ko 'yong dalawang mag partner na medyo may katandaan na rin. Magkatabi silang nakaupo sa sea side at pinagmamasdan ang dagat.

Tinulisan ni Valerie ang tingin sa tinuro kong mag-partner at ilang saglit pa nagmamadali siyang lumakad palapit doon, "Teka parang kilala ko 'yong lalaki e." 

Habang papalapit parang pamilyar nga sila sa akin.

Kinalabit ni Valerie si Manong at paglingon nito, nagulat siya sa nakita,  "Papa?!"

Si kuya Gilbert nga. Lumingon din sa amin ang babaeng kasama ni kuya Gilbert at ako naman ang nagulat, "Aling Evang?!"

Continue Reading

You'll Also Like

997K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
428K 9.3K 57
[COMPLETED] Geeo, George and Georgina's son, learns to fall in love. GG Couple, the next generation. #AACouple
386K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...