The Runaway Virgin (Campbell...

By CengCrdva

7.2M 148K 3.7K

WARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] More

The Runaway Virgin
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE
NOTES

CHAPTER 35

112K 2.3K 34
By CengCrdva

Chapter Thirty Five

Shattered


Sa unang araw ay naglibot lang kami sa mga lugar na nakalagay sa aming itinerary. Napagdesisyunan din namin na sa pangalawang araw nalang namin bibisitahin ang opera house dahil mas gustong mapanood ni Jasmine ang show ng ballet.

Kinabukasan ay maaga kaming nag-ayos para sundin ang aming itenerary for the second day.

The last one was the opera house. Mabuti nalang at flat shoes ang aking suot ngayon.

There are lots of walking and stair climbing inside the building. The tour was very educational and entertaining at the same time. Pagkatapos ng mahabang lakaran ay narinig ko na ang pagrereklamo ni Jasmine sa sakit ng kan'yang mga paa.

"Who wears louboutin while sight seeing?" Pang-aalaska ni Maddison.

Umirap lamang siya kaya natawa nalang kami. Hindi nagtagal ay pumunta na kami sa concert hall para panoorin ang ballet concert. Natatawang naaawa kami kay Jasmine habang nakakapit sa braso ni Hailey.

"You're a ballet dancer Jas. Kaya mo yan." Pag che-cheer ko naman sa kanya.

Mabilis na natapos ang concert at pagkatapos ay lumabas na kami para pumunta sa bar na naroon sa entrance. There are lots of people flocking inside it pero hindi kami natinag.

We ordered some cocktails at sabay sabay iyong ininom. Nasundan pa ng mga ilang baso ang alak sa aming lamesa bago ko naramdaman ang init sa katawan ko.

My friends are busy talking but I was interrupted by one beep. I set my phone on its loudest because I'm still hoping that Seve will message me.

Kinuha ko sa aking itim na bag ang aking cellphone at hindi nga ako nagkamali. Halos tumalon pa sa galak ang puso ko ng makita ang pangalan ni Seve sa aking messages.

Seve:

Where you at?

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Mabilis kong nireplayan 'yon. Hindi ko maiwasang hindi mainis dahil sa loob ng halos dalawang araw ay ito lang ang tanging mensaheng natanggap ko sa kanya. My heart ached.

Ako:

I'm in Australia, Remember?

Pa sarkastiko kong sagot. Uminom ulit ako ng isang basong cocktail bago muling tumunog ang cellphone ko.

Seve:

I know that already. I mean where are you now and what are you doing?

Parang naiimagine ko ang masungit na mukha ni Sebastien habang binabasa ko ang kanyang message.

Ako:

I'm just outside the opera house with them.

Gusto kong i-type ang salitang I miss you pero pinigilan ko ang sarili ko. I waited for his call or text pero ni hindi nito 'yon sinabi so why should I?

Ako:

Why?

Tanong ko ulit makalipas ang ilang minutong hindi pagsagot nito. I dialed his phone pero hindi ko na siya makontak. Nakakabaliw na inis ang naramdaman ko. I hate missing him! I hate thinking about him missing me. Ayaw kong umasa. Siguro ay masaya ito at nalilibang sa kanyang kababata.

Who knows?

And hell! He almost forgot about me. It's been forty eight hours since I left the Pihiliipines at ngayon lang ako nito naisipang i-text. With what? to just ask about where am I? That's bs!

I called him again. This time dalawang ring lang ng telepono ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello?"

Lahat ng pagka-excite ko ay napawi ng marinig ang boses ng isang babae.

"Hello?" She said again.

"Who's this?" Naiiritang tanong ko.

Parang umakyat na naman ang lahat ng init sa utak ko.

"This is Creous, what do you want?" May panunuya sa kanyang boses.

Parang bigla naman akong sinampal ng malakas ng nasa kabilang linya.

Who the hell she think she is para itanong sa'kin 'yon? Pinilit kong kalmahin ang sistema  ko.

"I want to talk to Seve, can you give his phone to him?" Diniinan ko pa ang salitang his para maintindihan niyang hindi siya ang gusto kong kausapin.

"Baste is resting for a bit. What do you want to tell him? I'm sure kaya kong sabihin 'yon sa kan'ya when he wakes up. He's a bit exhausted after we had-" Hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin mabilis kong pinatay ang telepono kasabay ng pagtakas ng natitira ko pang lakas.

Napatukod ang mga kamay ko sa'king kinauupuan. Hinayaan ko lang mabagsak sa sahig ang cellphone ko.

My friends looked at me puzzled. Pinulot ni Jasmine ang aking cellphone at ibinalik 'yon sa aking sling bag.

Walang pag-iisip na tinungga kong muli ang bagong lapag na alak sa aming harapan.

"Hey hey! Slow down." Natatawang puna sa'kin ni Hailey.

Imbes na sagutin ko siya ay sinenyasan kong muli ang waiter para sa isang batch ng alak. Maagap naman niyang kinuha ang baso ko at gumawa ng panibagong cocktail.

"Are you okay?" Pag-aalalang tanong ni Jasmine ng mapansin ang panginginig ko.

"I'm fine." I bit my lower lip.

I can't cry in front of them. Lalo na dito sa loob ng masayang club na ito.

"Weh?" Si Maddy.

"Spill naman!" Anyaya naman ni Hailey.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sabihin sa kanila ang lahat.

"Seve didn't text me since we left the philippines. Ngayon namang nagtext siya, tinatanong lang niya kung nasaan ako." Napayuko ako.

"And? Anong sinabi niya ngayon?" Naguguluhang tanong ni Maddy.

"It was answered by Creous." Parang ang hina ko lalo na ngayong mayroong alak ang sistema ko. I feel like crying.

"What the hell is she doing with Seve's phone?! You mean, magkasama sila?!" Gulat na suspetsa ni Maddy.

"Bea baka naman..." Nagkibit balikat si Hailey.

Para itong nag-iisip ng kung anong pwedeng dahilan pero wala na itong nasabi pa.

"Guys, let's just forget about it now okay? Nandito tayo para magsaya at hindi para mag mukmok. We will settle this first thing in the morning, alright?" Masiglang boses na sabi ni Jasmine.

Tumango tango naman ang dalawa kahit na may pag-aalala parin sa kanilang mga mukha. I know they're confused too but Jasmine is right. We should enjoy this night no matter what. Kahit na hindi na maganda ang lahat ng nangyari. I will still try. We will still try to be happy. Para saan pa't nagpunta kami dito diba?

They all gave me a tight hug kaya naman parang gumaan ang pakiramdam ko.

"Come on guys! Let's just fucking dance then!" Ani Maddison.

Maybe that's just what I need. Isinantabi ko nalang ang galit sa sistema ko dahil ayaw kong masira ang mga mood ng kaibigan ko. I will tell them kapag hindi na kami lasing. Sa ganoong paraan ay makakapag-isip pa ako ng maayos.

Matapos ang ilang oras ay lumipat kami sa isang night club. Ilang oras din kaming nagsasasayaw doon bago nakaramdam ng pagod.

Natapos kaming uminom at lahat ay parang baliw sa saya habang naghihintay ng sasakyan pabalik ng hotel. Naliliyo narin ako sa hilong nararamdaman but I still manage to control myself. Unlike Hailey.

Ang saya namin ay napalitan ng iyakan ng makasakay na kami sa kotse. I don't really remember kung paano nangyari ang mga iyakan namin pero parang nakatulong 'yon para mabawasan ang bigat ng dibdib ko. Right, lasing na nga kaming apat.

Ilang segundo pa ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng aming hotel. Nakapikit pa si Hailey kaya naman kailangan pang gisingin. We can't carry her! She needs to wake up.

"Hailey, we're here!" Sigaw ni Maddy sabay hatak kay Hailey. Nagising naman ito at nagpatianod sa'min.

"Oh, there he is!" Masayang sabi nito habang nahihirapang tumayo at ipirmi ang sarili sa labas ng kotse.

"Who?" I asked.

"Sebatien!" Bulalas niya.

Isang tambol ang malakas na bumayo sa dibdib ko dahil sa binanggit niyang pangalan.

"I told you to not talk about things that makes any of us sad." Pag-papaalala ko sa kanya.

"No... no, Look!" Pupungas pungas nitong inayos ang sarili.

Para naman akong nahawa sa ginawa niya. Kinusot ko ang mga mata ko at napako ang tingin sa entrance ng hotel.

Nagtatawanan parin kami pero agad napawi ang akin ng tuluyan kong mahagip ang isang bulto sa hindi kalayuan.

Nakatayo ito sa lobby at nananatiling nakatingin sa pwesto ko. His dark eyes na kay talim tumitig. I felt his anger na parang bumawas sa pagkaliyo ng utak ko.

Fuck!

Pasuray suray na naglakad ang mga kaibigan kong inaalalayan ang isat-isa. Nagpa-iwan naman ako sa kanilang likuran.

I did that on purpose para makapag-isip ng kung anong sasabihin sa kanya. Kinakabahan akong makaharap siya. I can't see him lalo na't nakainom ako. He won't be happy.

But then I realized, dapat ay hindi ako matinag sa kanya. He's the one na may kasamang iba at nakalimutan ako ng dalawang araw. And for what reason? Creous? I shifted my head para matigil ang iniisip ko.

Sumunod ako sa mga kaibigan ko at nagpaalam na munang mauna na sila sa taas. They greeted him.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay hinatak na ako nito ng marahan palabas ng hotel.

"Where have you been?" Bakas sa boses niya ang galit. Ang pagod niyang mga mata ay nakatitig lamang sa'kin.

"Marquee Sydney..." Halos paos ang boses na sagot ko.

"What the hell are you doing in a club?!" Singhal niya sa'king nagpabayo lalo ng dibdib ko.

Ngayon ko lang ulit nakita itong magalit. Parang mabubuwal ako sa aking pagkakatayo. Ang hina ko.

Ang hina hina ko!

Mabuti nalang rin at wala ng masyadong tao sa paligid ng hotel maliban sa mga guwardiya at staff sa hindi kalayuan. Madaling araw na rin at hindi ko na matandaan kung anong oras na kami umalis ng club. I can't face him na ganito kung nagkataong may mga tao sa paligid. I'm a mess...

"I'm tired Seve, can I just go to my room now? We'll talk later." Kalmadong sabi ko.

I don't want to argue with him. Dahil sa nakainom ako ay baka hindi ko mapigilan ang mga salitang bibitawan ko. I'm not the one who controls myself now. It's the alcohol kaya mas mabuting huwag niya nalang akong i-provoke.

Don't ever make decisions when you're mad. Paalala ng utak ko.

Nagpipigil lang ako sa galit. Ayaw kong sabayan siya. Aalis na sana ako pero maagap niyang nahawakan ang kamay ko.

"Let me go please..." I'm so close to screaming at him.

"I catch the last flight from Melbourne to Sydney just to see you. Kanina pa ako naghihintay sa'yo. I even go to the opera house para hagilapin ka pero ni isang hibla ng buhok mo ay hindi ko nakita. You even drink your self to your limits. Tapos sasabihin mong mamaya na tayo mag-usap?" Galit parin niyang sabi sa'kin.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kahit na yata matino ako ngayon ay maguguluhan parin ako. His eyes were dark and burning with anger. I just can't believe na siya pa ang galit ngayong siya ang may kasalanan? At bakit niya ako pinuntahan? Para mag sorry?

Sinubukan kong makipagtitigan sa kanya. I can't be intimidated by him.

"Bakit ka naglalasing?!" Galit niyang hiyaw.

It was almost a shout that triggers my inner demons to fight back.

"At bakit hindi Sebastien?! Paanong hindi ako magpapakalunod sa alak gayong ang boyfriend ko ay may kasamang ibang babae habang wala ako? Sabihin mo nga!" Tinapatan ko ang mga matatalim niyang titig.

All I can see in his face was pure confusion. Nagulat ba siya na alam kong magkasama sila?

How cute!

"What do you mean by that?"

"Stop playing games with me Sebastien. Please, mamaya na tayo mag-usap." Agad ko siyang iniwan at dumiretso papasok ng hotel.

Mabilis ang mga hakbang kong pumasok sa elevator but before it shuts, Naiharang niya ang kamay niya dahilan para maipit siya rito.

"Damn!" Mura niya ng maramdaman ang sakit.

Bumukas itong muli at sumakay siya. He put his thumb sa isang kulay gold na space ng elevator kaya umilaw ang letter P dito. Aabutin ko na sana ang open button but his hands are fast enough para mahawakan ako.

Sumara na ang elevator. I felt the lift moved upwards.

"Ano ba? Hindi mo ba talaga naiintindihan?" Naiiritang bulyaw ko sa kanya.

"Hindi!" Sigaw niyang parang nagpabingi sa'kin.

Parang naghalo halo na ang ekspresyon niya ngayon. Namumula ang kanyang brasong naipit sa pinto ng elevator. His jaw was clenched and his dark eyes are darted in me. Nakakapaso.

"All I want is to see you. Tapos ganito lang pala ang madadatnan ko Beatrice? You're drunk, at alam mong ayaw na ayaw kong umiinom ka ng wala ako!' Dagdag sigaw niya.

Nanginig ako lalo sa ginawa niya. Ang kaninang galit niya ay dumoble ngayon kaya mabilis kong hinawi ang kamay niya at lumayo dito. Nang makita kong lalapit siya sa'kin ay itinaas ko ang aking daliri.

"I... I called you earlier and it was Creous who answered your phone. Ano? hindi mo na natatandaan?" He was just standing at nakikinig lang sa mga sinasabi ko.

I bit my lower lip. Fucking hell! not now!

I told myself na hindi na ako iiyak ngayong gabi. Pero ngayon, Parang isang salita o hawak niya nalang sa'kin ay bubuhos ng muli ang mga luha ko.

"She said you were sleeping and you're tired kaya hindi ko na itinuloy ang pakikinig sa kanya." Nakita ko ang frustration sa kanyang mga mata.

His fists clenched. Napahawak rin ito sa railing habang nakayuko at pinoproseso ang mga sinabi ko.

"Do you want me to tell you kung ano ang nararamdaman ko ngayon? O sasabihin mo sa'kin kung anong ginawa niyo at kung bakit ka napagod?!" It sucks how to be in the same place after all.

Bumuhos na ang mga malulusog na luha sa pisngi ko. Tanging ang mga hikbi ko nalang ang bumabalot sa kinaroronan namin.

"Bea..." He murmured at akmang hahawakan ako.

"Don't Seve! Please, just go away. I just want to rest now..." Pinalis ko ang mga luhang lumandas dito.

I can take care of myself nakaya ko na 'yon dati and I'm sure I can do it again.

Isang matinis na tunog galing sa elevator ang narinig ko pagkatapos ay bumukas na ito.

Right, sa pag-aaway namin ay hindi ko na napindot ang floor ng room ko. And here i am, in front of the presidential suite.

His own suite.

Nakakatitig lang ito sa'kin. Magsasalita pa sana ako pero mabilis itong lumapit sa akin at hinapit ang katawan ko palapit sa kanya.

All I can do is cry in his arms. Pagod na ako. Pagod na akong masaktan. Ni pagpalag ay hindi ko magawa. My knees just turned like jelly. Marahan ang pagsuntok ko sa likod niya pero hindi ito natinag. Nananatili ang mahigpit nitong yakap sa'kin.

"Beatrice I'm sorry. It's not what you think..."

Gusto kong maniwala sa kanya.

Gusto ko siyang sagutin but all I can do is cry. Natabunan ng pag-iyak ko ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya.

Pinilit kong kumawala sa kanya nang maramdaman ang panghihina niya. Pinilit kong tanggalin ang katawan ko palayo sa kanya.

"What do you want me to think Sebastien?" Marahang tanong ko habang walang tigil sa pagpunas ng mga luhang bumabagsak sa mata ko.

"Dammit!" Isang suntok ang iginawad niya sa digding ng elevator. Halos mapatalon ako dahil do'n. Ginulo niya rin ang kanyang buhok na tanda ng frustration.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Kung nasasaktan siya ay nasasaktan din ako.

"Just let me rest Sebastien, please..." I pleaded.

Lumapit ako sa gilid ng elevator at pinindot ang eight floor. I hold the open button at bahagya pang itinuro 'yon sa kanya. Gustohin man niyang lumapit sa'kin ay hindi ko kaya.

It hurts seeing us like this. Hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganito. Hindi ko alam na kaya niyang gawin sa'kin 'yon. Isang sulyap pa ang ginawa niya bago tuluyang lumabas ng elevator.

Habang sumasara 'yon ay kita ko ang pangungusap sa kanyang mga mata. Left words unsaid. The Seve that I love was standing in front of me, begging me to hear him out. But this is just too much. I can't handle this excruciating pain. Not now. Hindi ko kaya.

Mas masakit pa ang nararamdaman ko ngayon sa naramdaman ko dati kay France. Nanghihinang napaupo ako ng maramdaman ang pagbaba ng lift. I cried myself hanggang sa pagtulog.

Good thing we have separate rooms kaya walang nakakarinig sa lahat ng emosyon ko.

I guess all guys are the same after all.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 1.8K 1
R-18 Completed Palagi na lang nahuhuli ni Sydney si Ellis na may ka-sex, and boy she wished she could be in the shoes of those lucky women. Para kay...
1.6M 42.5K 34
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED A woman with ambitions, goals, and perseverance-that's Shan Kassidy Alvarez. Wala siyang ibang hiling sa b...
5.4M 7.8K 3
WARNING : MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] #Desirable Maids 1
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...