Avah Maldita (Aarte pa?) - Bo...

By simplychummy

39.5M 929K 227K

Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita. More

Avah Maldita (Aarte pa?) Book is finally out!
MALDITA TIPS 101
MALDITA 1
MALDITA 2
MALDITA 3
MALDITA 4
MALDITA 5
MALDITA 6
MALDITA 7
MALDITA 9
MALDITA 10
MALDITA 11
MALDITA 12
MALDITA 13
MALDITA 14
MALDITA 15
MALDITA 16
MALDITA 17
MALDITA 18
MALDITA 19
MALDITA 20
MALDITA 21
MALDITA 22
MALDITA 23
MALDITA 24
MALDITA 25
MALDITA 26
MALDITA 27
MALDITA 28
MALDITA 29
MALDITA 30
MALDITA 31
MALDITA 32
MALDITA 33
FINAL WAVE
Thank You Note

MALDITA 8

1.1M 25.3K 7.9K
By simplychummy

MALDITA 8

Sa bahay ko pinatuloy si Nerd. Nagtaka pa nga sya kanina kung bakit ko sya dinala dito, hindi ko naman sya sinagot, instead pinabayaan ko lang sya sa living room. Kahit ang mga katulong nagulat din dahil may ibang tao akong dinala sa bahay bukod sa mga kaibigan ko. Dumiretsyo ako sa dressing room para magpalit ng damit dahil may plano pa akong mag-celebrate mamayang gabi.

Busy ako sa pamimili noong naramdaman ko na may nagbukas ng pintuan ng dressing room ko kaya agad akong lumabas ng walk-in closet ko para makita kung sino ang hampaslupang nangahas pumasok ng walang paalam.

"There you are! I am looking all over your house. Your house is huge ha. Ang dami ding pasikot-sikot." Bungad sakin ni Nerd na umupo sa red bean bag na nasa gilid lang ng pintuan.

Busy din ang mata nya sa pagtingin sa loob ng dressing room ko. Pink ang kulay ng pintura ng kisame at sahig ng dressing room ko at kulay purple naman ang wallpaper. White ang kulay ng pintuan ng walk-in closet. May limang bean bags sa gilid ng pintuan. Isang mahabang red sofa malapit sa may bintana. May dalawang full-length mirror. Carpeted din ang buong room para maiwasan ang pagtunog ng sapatos ko sa sahig.

"Do you know the word 'knock'?" Taas kilay kong tanong. Napatingin naman sya sakin.

"I know, but I don't knock."

"Let me remind you that we have an agreement. You are my slave now, kaya ayos-ayusin mo ang pananalita mo sa akin. Your bitchness is not allowed in this house at lalong lalo na sa akin. Naiintindihan mo ba?"

"Kalma, why so serious? Bakit mo ba ako inuwi dito sa bahay mo?"

"Because you are my slave now, kaya dito ka na titira sa akin. Pumili ka na lang ng gusto mong maging kwarto sa third floor...nandoon lahat ng guest room." Utos ko sa kanya at bumalik ulit ako sa walk-in closet ko.

Hindi pa din malinaw sa utak ko kung bakit ko tinutulungan ang Nerd na 'to. May tinatago din pala syang ka-bitch-an sa katawan nya. Looks like I underestimated her. Pero hindi magbabago ang tingin ko sa kanya...isa pa rin syang Nerdy looking girl. I don't know how long I can take her 'manang' outfit. So, help me God!

"What's in there?" Rinig kong sigaw nya.

"Apat na nga ang mata mo hindi mo pa nabasa kung anong kwarto ang pinasok mo." May nakalagay naman kasing 'Dressing Room' sa labas ng pinto tapos magtatanong pa kung anong meron sa walk-in closet? How stupid.

Kukunin ko na sana yung isang red tube fitted dress noong biglang may humawak ng kamay ko. Pagtingin ko si Nerd.

"What the?" Inis kong sabi at pinagpagan ang parte na nahawakan nya.

"Are you sure you're going to wear red today?" Tanong nya at parang gustong matawa.

"Ano namang pakialam mo?"

"Wala ka bang kalendaryo?"

"Ilang kalendaryo ba ang gusto mong ihampas ko sa mukha mo?"

"So, are you aware that today is Valentines Day?"

Oh. Valentines Day pala ngayon. Eh ano naman? It's just an ordinary day. Wala namang big deal doon. And I don't see the point of not wearing red.

"Don't tell me makikipag-date ang isang Avah Chen?"

"Napakadaldal mo alam mo ba 'yon? Date? Yuck ha. Hindi ako nakikipagsabayan makipag-date sa mga hampaslupa. I don't need a date because I'm better off alone." Sagot ko pa at tuluyang kinuha ang red tube dress.

"Oo nga pala. Sino nga naman pala ang maglalakas ng loob na makipag-date sa isang malditang katulad mo?" She said mockingly.

"Wala, dahil dapat lang na wala because all of the men out there doesn't deseved my attention. Bawas-bawasan mo ang pagiging madaldal at pakialamera mo ha. Dahil konti na lang, mararanasan mong bumaba ng second floor ng hindi gumagamit ng hagdan." Sagot ko sa kanya.

"Sorry I can't help it. Ikaw lang kasi 'yong unang taong nakapansin sa akin, kaya ganito ako kadaldal ngayon. Until now I still can't believe na isang Avah Chen pa ang makakapansin sa akin, na kilala ng lahat na walang pakialam." She said with glee.

Absentmindedly akong napangiti sa reaksyon nya. Para syang bata na nakahanap ng bagong kalaro. Kulang na lang magtatalon sya sa tuwa.

"Ngumiti ka!" Gulat na sabi nya kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanya at tinanggal sa pagkaka-hanger ang kanina ko pang hawak na damit.

"Anong pinagsasasabi mo dyan? Lumabas ka na nga, magbibihis ako."

"I saw you smile."

"You are just hallucinating. Labas!" Sigaw ko sa kanya na ikinagulat nya kaya naman lumabas agad sya.Narinig ko din ang pagsara ng pintuan ng dressing room ko.

Pagkababa ko, naabutan kong nasa sala si Nerd at busy sa pagtingin ng mga pictures sa ibabaw ng shelf.

"Pagkatapos mong tumingin dyan, pwede ka na munang umuwi para kunin ang mga damit mo at bumalik ka na lang ulit bukas para pagsilbihan ako." Tumingin naman agad sya sakin.

"How can I get home? Wala akong dalang kotse...well, honeslty I don't have a car." Nahihiyang sabi nya.

"Nakalimutan ko, pulubi ka nga pala. Dahil hindi pa naman nag-uumpisa ang deal natin kaya hindi ko na problema kung paano ka uuwi." Sagot ko sa kanya at tuluyan ng lumabas ng bahay ko.

-

Pumunta na ako sa Bar na pagmamay-ari ni Aira. Sa labas pa lang mahaba na ang pila sa entrance. Hindi ako pumila instead pumunta agad ako sa harapan at nag-cross arms ako. Noong makita ako noong guard agad nya akong binatiat pinapasok.

May narinig akong nagreklamo at kinukwestyon kung bakit ako pinapasok agad. Nilingon ko 'yong babaeng reklamadora at tinaasan sya ng kilay. Inilabas ko ang V.I.P pass koat itinapat sa mukha nya.

"A rich and gorgeous lady like me doesn't fall in line...I am always a priority." Mataray kong sagot sa kanya at pumasok sa loob.

Habang naglalakad ako papasok lalong lumalakas ang pagkanta ni Kesha ng Crazy Kids. Hinanap ng mata ko si Aira. Napangiti ako noong nasa favorite seat nya sya kaya naman pinuntahan ko sya. Puno ang bar ni Aira ngayon, kaya alam kong malaki na naman ang sales nya ngayong gabi at paniguradong good mood na naman sya.

"Hey bitch." Bati ko. Napalingon naman sya agad at nagumiti sakin saka ako bineso-beso.

"What brings you here?" Pagtataka nya.Alam nya kasi na hindi ako pala-inom unlike her na ginagawa nya atang tubig ang alak.

"I'm just here to celebrate."

"Celebration of what? Hindi mo naman birthday."

"Naka-usap ko si Avy." Sagot ko sa kanya at umupo ako sa isa sa mga stool na nasa bar counter. Sya naman inutusan nya ang bar tender nya na ikuha ako ng drinks.

"My treat. Ano namang napag-usapan nyo?"

Kinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kaninang tanghali at hindi din sya makapaniwala sa ginawa kong pagsampal kay Witch.

"Oh men! Dapat sinabi mo sa'kin para naman nasaksihan ko yung pagsampal na ginawa mo."

"For my eyes only lang kasi."

Ilang minuto din kaming nag-usap bago sya nagpa-alam para puntahan ang ibang guests.Maya-maya lang may lalaking umupo sa tabi ko. Agad naman akong nairita, feeling close kasi. Ayoko pa naman sa lahat ang nilalapitan ako lalo na kung hindi ko gusto.

"Hi gorgeous." I rolled my eyes at hindi ko sya nilingon.

"So are you alone?"

Gusto talaga nyang napapahiya sa akin ha. Sige pagbibigyan kitang lamunin ng lupa sa sobrang pagkapahiya.Nilingon ko sya.

"Depende." Malandi kong sagot sa kanya.Yuck!

"Depende kung?"

"Depende kung hindi ka marunong magbilang."Ngumiti ako nang nakakaloko sa kanya.Kaya ayokong pumupunta madalas sa bar, palaging may lumalapit na hampaslupa.

"I'm Andrew and you are?"

"And I am not interested."

"Miss 'wag ka ng magpakipot. Alam ko naman mag-isa ka lang at kailangan mo ng kasama."

"Dati ka palang manghuhula. Sige nga hulaan mo kung anong kamay ang ipangsasampal ko sa'yo."

"You're kidding."

Aba't hinahamon nya talaga ako. Iniangat ko ang kaliwang palad ko na akmang sasampalin sya pero mabilis nyang nasalo at bago pa sya makapagsalita pinangsampal ko ang kanan kong palad sa kanya.

"Nakalimutan mo ata na dalawa ang kamay ko." Sagot ko at binuhos ko ang drinks ko sa kanya kaya agad syang napatayo.Gaganti sana sya sa 'kin noong may humawak sa balikat nya para iharap sya saka sya biglang sinuntok.

Nagulat naman ako sa nangyari at bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Lumayo ako ng konti at pinanood silang magsuntukan sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko noong makita ko kung sino 'yong lalaking sumuntok sa lalaking kausap ko lang kanina. Shit! Anong ginagawa nya dito?

May umawat na bouncer kaya natigil sila. Umalis agad 'yong lalaking kausap ko lang kanina at lumapit naman sakin 'yong lalaking sumuntok sa kausap ko.

"Ok ka lang ba?" Bigla nyang tanong kaya naman napatawa ako.

"Hindi ba ako dapat ang magtanong sa'yo nyan?"

"Ok lang naman ako eh."

"No. Hindi ako concern sa'yo. Ang ibig kong sabihin. Ok ka lang? Anong problema mo at bigla ka na lang nanuntok?" Pagtataka ko.

"Nakita ko kasing binabastos ka nya."

"Oh dear, you have a poor eye sight. Mukha ba akong nabastos?"

"What's happening with you Avah?"

"Anong what's happening with me? Ikaw anong nangyayari sayo? Mukhang kang tanga kanina at mas lalo kang mukhang tanga ngayon."

"Ang laki ng pinagbago mo."

"Well thanks to you. Akalain mong buhay ka pa pala. Bakit hindi ka pa nilamon ng lupa?"

"Avah..."

"Don't call my name as if we're close."

"Iuuwi na kita, nababastos ka lang dito."

"Bakit naman ako sasama sa'yo? At ano namang pakialam mo kung mabastos man ako dito? Sino ka ba? Ano ba kita?"Hindi sya nakapagsalita kaya naman ako na din ang nagpa-alala sa kanya.

"Ahh naalala ko na. You're currently Avy's boyfriend...and my ex-boyfriend. Ang cool diba? Share-share lang." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Avah, please wag ka namang ganyan. Nasasaktan din naman ako."

"Oh? Naging kayo lang ni Avy naging corny ka na. Hindi bagay sa'yo ang magdrama, hindi kapani-paniwala. FYI lang, wala akong pakialam sa nararamdaman mo."

"Hindi ko ginusto ang mga nangyari."

"Oh please, save you lies. I don't need it. Kung hindi mo ginusto hindi mangyayari. And don't you dare tell me that you have no choice because that's bullshit! Everyone has a choice, even you! Ang sarap mong hampasin ng dictionary para malaman mo kung anong ibig sabihin ng free-will."

"Matagal ko ng gustong makipag-hiwalay kay Avy."

"Sa sobrang tagal ng kagustuhan mong makipaghiwalay sa kanya, umabot kayo ng tatlongtaon."

"Pakinggan mo naman kasi ang paliwanag ko."

"Wag na, hindi na kailangan. Magsasayang ka lang ng laway at bakit ko papakinggan ang paliwanag mo? Para mabawasan ang dinadala mo? Para matahimik ang konsensya mo? No!Gusto kitang makitang nahihirapan at pinapahirapan ng sarili mong konsensya."

"Please lang Avah, maawa ka naman sakin."

"Maawa? Ano nga ulit 'yon? Wala na ata sa nabili kong dictionary ang salitang awa. Mabuti yan, nahihirapan ka. Feel the pain, damahin mo nang husto, ginusto mo 'yan hindiba?"

"I still love you."

"Hah! Sa lahat ng joke na narinig ko,'yan ang pinaka nakakatawa."

"I'm sorry."

"Don't be sorry Ian. You deserve to suffer."

Kinuha ko ang bag ko at naglakad na papalayo sa kanya. Pero bumalik ako dahil may nakalimutan akong gawin.

"May nakalimutan ako."Sinampal ko sya nang malakas at tinanggap naman nya.

"Kulang pa 'yan sa lahat ng sakit na ipinaranas mo sa'kin." Saka ako tuluyang umalis.

Bakit pa nya kailangan magpakita sa'kin? Akala ko magiging ok na ang araw ko. Hindi pala. Tatlongtaon na kaming hiwalay pero hanggang ngayon dama ko pa rin ang sakit ng mga ginawa nya...ng mga ginawa nila ni Avy sa'kin.

Pinagsisisihan ko na nakilala ko pa ang tulad nya. Pinagsisisihan ko na minahal ko ang isang katulad nya. Ian Sanchez, pinapangako kong pagsisisihan mo na sinaktan mo ang isang Avah Chen.

Continue Reading

You'll Also Like

49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
2K 119 13
Ang tubig ay karaniwang ginagamit natin sa pang araw-araw ngunit paano kung ito ay maging isang daan para makaranas ka ng nakakatakot na pangyayari. ...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
136K 3K 23
Oh my gosh! Hahahaha! Alam ko sobrang corny ng story na to and super light lang. Anywayz, salamat sa pagbabasa! Highly appreciated 💯