Old and Unwanted

By _Isabelle_

473K 8.3K 2.8K

(Sequel of A drive to find the bride. Tim's story) I'm old and a bit insecure. I have never been kissed, held... More

Old and Unwanted
OMG!!!
More than just a face?
Meet the Parents
Evil Visit! Part 1
Evil Visit Part 2
Mr. Angel
The Society of Pink Women
Sasabihin ko ba o hindi?
Indecisiveness and the Connection
The Date!
The Bachelor's Pad
I could be the one
Race to your heart
Where are you?
Feelings
What I am to you?
Escape through the maze
Tug of war of feelings
Give in to me (Part 1)
Give in to me (Part 2)
Actions speak louder than words
This foreign feeling called 'Love'!
His first, my first.
When everything turns into nightmare.
Love hurts?
Meeting Helena
His fragile heart
Love is intricately complicated
New beginnings and hesitations
Tim's POV
Expressing in subtle ways?
Torn
When he's around
I hate myself...
*Still untitled*
Goodbye, Angel.
The path of being an old maid
Her ending, His ending, Their ending (1)
Her ending, His ending, Their ending (2)
Epilogue

Sweet Threat?

13K 233 43
By _Isabelle_

Naiinis na ako. Sino ba naman kasing nagsama sakin dito sa conference na ito pero ngayon ay loner na ako dahil iniwan na niya ako.

Kanina lang nakikita ko pa siyang nakikipagflirt sa iba’t ibang babaeng ewan ko kung sino sila. Ganun na lang ba siya kapag nakalabas ng hospital? Bawat babaeng mapatingin sa kanya hindi na matanggal ang mata sa kanya at parang gusto siyang sunggaban?

Pagpasok na pagpasok namin dito sa conference hall parang mga hyena lang na nag-stalk sa prey ang mga itsura ng mga kababaihan. To think conference ‘to ng mga Doctors tapos ganun? Grabe ang magnet nitong Si Dr. Aquino.

Ako lang ata ang babaeng hindi naattract sa Doctor na to. Yes, I am so over himWala ng infatuation. Wala ng crush. Wala ng hidden desire. Nawala nalang bigla. For one week and five days ko siyang nakatrabaho tapos lage lang akong sinisigawan, niloloko at minamaliit! Grabe minamaliit niya ako sa tangkad kong to! Kahit nga siguro gaano kagwapo ang isang tao darating talaga ang time na wala na tong epekto sayo. Ekis na siya sa mga possible maging boyfriend ko. Burado na siya sa list na magiging fiancé ko. Non-existent na siya na siya sa buhay ko. Wala na. And it’s better this way. Boss and employee relationship no infatuation included.

Mauubos na tong pagkain ko dito sa mesa. Gusto ko ng umuwi. Paano ako uuwi kung wala siya? Late na para magbyahe.

“What’s with the long face? Hindi mo gusto ang pagkain?” napalingon nalang ako kung sino ang nagsalita and I was met with a pair of beautiful slanted eyes.

“Is this seat taken? Hey!" Narinig ko siyang magsalita pero hindi ako makapagsalita. Parang naadik akong tumitig kasi sa mga mata niya.

“Wa-wala pong nakaupo dyan.” sabi ko with a small smile.

“Mind if I sit here? Wala naman magagalit?” Nagulat naman ako sa kanya. Napatingin ulit ako lalo sa mata niya na lalong sumingkit dahil nakangiti.

“Sige lang po. For public use po ang upuan. Wala naman pong nagalit sakin nun umupo ako dito.”

Tumawa siya at lalo siyang nawalan ng mata. Anung problema niya? Pero nakakamesmerize panoorin ang pagtawa niya. Tapos ang nipis nipis pa at ang pula-pula ng labi niya. Napapatingin ako ng di sadya. Namumula pa ang pisngi niya. 

“You’re good! I like you.”

Anu daw? Like? Teka naman mabilis naman magkaaminan dito? Teka, pero we just met?

“S-sorry po pero… pero… masyado po kasi kayong…. hindi ko po matatanggap ang confession niyo.” Nakakahiya naman i-reject siya agad pero kase ang bilis niya eh. Hindi ako ganung tipong babae. Naman!

“You’re so funny!” tawa ng tawa ang lalakeng intsik sa tabi ko. Hawak hawak niya ang tyan niya sa kakatawa. Nababaliw na ba to?

“Hala. Hindi naman po ako clown. Niloloko naman niyo ako eh.” Grabe ang mga tao dito sa conference na to. Ang mga babae parang hyena tong lalake naman na to tawa ng tawa.

Kumain nalang ulit ako ng pagkain ko. Kesa naman panoorin ko pa siyang tumawa kahit nakakaengganyo ang pagtawa niya.

“Sorry ha. Kung na-offend kita pero really the way you deliver it was flawlessly innocent kaya natawa ako lalo. Pero sorry na.” Sabi niya habang nakatingin sakin matapos ay tumikhim siya.

“Honestly, hindi ko po kayo maintindihan bakit kayo tumatawa.” 

“Forget it. Sorry.” Ngumiti ulit siya sakin ang ngiti kasama ang mata niya. Ang cute ng eyes niya talaga.

“Ah okay po...kahit napakagulo at awkward ng situation po na to para sakin sige po tinatanggap ko po ang sorry niyo.” Hindi na siya tumatawa. Nakatingin at nakangiti nalang siya sakin.

“May problema po ba?” Aba natahimik siyang bigla.

“Sir?!” Nakaka conscious na ang tingin niya ha. Anu na naman problema nito?

“May problema po ba kayo sa mukha ko? Sabihin niyo lang magmamaskara ako.” Para lang ba siyang si Doc na iritang-irita sa pagmumukha ko?

“I really like you a lot.” Nangalumbaba siya sa tapat ko at titig na titig lang siya sakin. Hala! Anung problema ng taong to? At gustung gusto niya ako?

“Sir----“

“I know… I know you rejected me a while ago. Pero kasi--” Napaurong nalang ako sa kinauupuan ko ng nilapit niya lalo ang mukha niya sakin. 

“Sorry if I invaded your personal space there.. I am Kurt—Kurt Lee. Dr. Kurt Lee. Cardiologist. And you are Doctor?” umayos na siya ng upo at inabot niya ang kamay niya sakin.

Nagulat nalang ako sa ginawa niya. Anyway, Doctor din siya? Oo nga naman nasa conference pala ako ng mga Doctor.

“Hindi po ako Doctor. I am Margaret Tan po.” Nakipagshakehands ako sa kanya at pinisil niya ang hands ko kaya nabawi ko ng di oras. Nagulat ako! First time kong may pumisil kaya sakin.

“Sorry. Did I startle you?”

“Okay lang po Dr. Lee.” Ngumiti nalang ako sa kanya ng maliit. Napatingin nalang ako sa kamay ko. Nakakahiya naman ang reaction ko.

“So you’re here for what Margaret? Organizer? Promoter?”

“None of the above. Secretary po. Kaya singit lang po ako dito.” Nahiya naman ako lalo. Kanina pa ako nahihiya kase puro Doctors dito tapos iniwan pa ako nun boss ko.

“Ahh... Nasaan na ang employer mo? Okay lang ba na tabihan kita dito?”

“Hindi ko nga po alam eh.  Nnahihiya na nga po ako dito kase puro mga Doctor kayo dito.”

“At bakit ka mahihiya kung puro Doctor kami dito? Kami nga dapat mahiya sayo kase nag-iisa ka lang at iniwan ka pa ng Doctor na employer mo katulad namin. Tsk! Okay ka naman? I can keep you company habang wala pa siya.”

“That wouldn’t be necessary, Dr. Lee. Let’s go Ms. Tan.” Nagulat nalang ako na may nagsalita at may kamay na humawak sa braso ko. Paglingon ko ay si Dr. Aquino na nakakunot ang noo.

Napatingin ako kay Dr. Lee at nakasmirk lang siya kay Dr. Aquino.

“What’s with the rush Timothy? Tagal natin hindi nagkita ah? Ikaw pala ang employer ni Margaret?”

“Yeah, nice meeting you again. Yes, I am her employer. Margaret, tara na.” lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Anu bang problema nito?

“Honestly Timothy?” Palipat lipat nalang ang tingin ko sa dalawa. Si Dr. Lee ngiting ngiti at si Dr. Aquino naman ay magkasalubong ang kilay.

“I don’t have time for this, okay? See you later, Kurt.” Napatayo ako ng pilit dahil sa pagkakahila ng braso ko at nasaktan ako.

He dragged me from the table papalabas ng conference hall. Hindi na nga ako nakapagpaalam ng maayos ky Dr. Lee.

“Aray! Masakit ha!” I shoved him at kumawala na ako sa hawak niya noon nasa lobby na kami.

“Iniwan lang kita saglit tapos nakikipagflirt ka na?” Aba! May gana pa siyang sigawan ako. Ano bang problema niya?

“Flirt?! Nag-uusap lang po kami. Wala naman pong problema doon sa palagay ko?” He is pacing at nakakunot ang noo niya. Honestly hindi ko na alam ang nangyayari.

“I know flirting game that much and I can identify it right then there when I see one. And surely you’re flirting with him.”

“Ha? Alam mo Dr. Aquino this is nonsense. Wala akong ginagawang masama kanina. Nakikipag-usap lang ako sa kanya. Masama bang makipag-usap? Kung hindi mo siguro ako iniwan kanina para MAKIPAGFLIRT sa random girls na nakatingin sayo eh di sana hindi ko siya nakausap. And Doc I know flirting when I see one at noon tinitignan ko kayo bawat isa ng mga babae na nasa hall THAT’S FLIRTING! So stop accusing me sa bagay na innocent ako at ikaw ay hindi! “

“Ah really? Kelan pa naging flirting ang pakikipag-usap sa opposite sex?!”

“Exactly my point!” sumandal nalang ako sa may pader sa lobby. Madaming taong in and out ng hotel at ayokong mag-iskandalo dito. Nakakainis! Bakit ba ganito ‘tong Doctor na ‘to?

Tumahimik siya at sumandal siya sideways sa may pader na kinasasandalan ko. Alam kong nakatingin siya sa akin kahit di ako nakatingin sa kanya. Minasahe ko nalang ang braso ko na pulang pula dahil sa higpit at bayolenteng pagkakahawak niya. Ang sakit! Pasa to sigurado. Gusto ko ng  umuwi.

“Look, sorry, okay.” Sabi niya tapos ay nagbuntong hininga siya. “ Pwede ka naman makipag-usap sa ibang lalake  pero not Dr. Lee, not Kurt of all people, okay?”

Napatingin naman ako bigla sa kanya sa sinabi niya. Kelan pa siya nagkaroon ng karapatan para bawalan ako sa kakausapin ko? Si Papa ba siya o si Mama para gawin ‘yon? Kahit ang parents ko hindi nga ginagawa sakin ‘yon.

“What is your problem, Doc? Really? Kinaladkad mo ako palayo kay Dr. Lee at masakit ha. Could you shed some light?”

“None of your business, okay? Tara na.”

No I am not going anywhere. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad na siya towards the exit.

“Hey? Sabi ko tara na.” Nope. Uuwi nalang ako mag-isa. Naiinis na talaga ako sa kanya.

“Anu ba?” Nagulat nalang ako ng bumalik siya pwesto ko at kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako papalabas.

I can feel something terribly wrong with my hand habang hawak hawak niya. Gustung-gusto kong bawiin ang kamay ko kasi ayokong sumabay sa kanya pauwi pero parang may sariling utak ang kamay ko at ayaw niyang bumitaw sa hawak ni Dr. Aquino. Nakatatingin lang ako sa mga kamay namin habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

“Hey, sweetie my car’s broken. Sasabay sana ako sa’yo kung pwede?”

Babae. Maliit. Maganda. Morena. Sexy. Doktora. Iyon ang bumungad sa amin dalawa pagdating namin sa parking space niya, sa may kotse niya na pula na Alpha Romeo,na nakahilig sa may hood.

He smirked towards the woman. He let go of my hand. Hindi ko alam kung instinct pero napatingin ako sa kamay niya noon papunta na siya dun sa babae. Then it hit me. Okay!

“Sweetie. Just in time aalis na rin----“

“Aalis na din po ako, Dr. Aquino. Ingat po kayo.” Tumalikod nalang ako sa kanila at naglakad papalayo habang nakatingin sa kamay ko na kanina hawak niya. Hindi ko alam pero nalulungkot ako at binitiwan niya ang kamay ko.

He really is a flirt! And I even let him hold my hand! Stupid whore Doctor!!

“Hey! Saan kayo nagpunta? Nasaan si Dr. Aquino?” napatingin nalang ako sa nagsalita. si Dr. Lee. Oo nga pala pinagbawalan akong makipag-usap sa kanya ni Doc. Hay, Margaret honestly makikinig ka sa lalakeng yon na iniwan kang mag-isa dahil may isang buffet na nakahain sa kanya.

“Nasa kotse niya po. Sige po mauna na ko.” Naglakad nalang ako palabas ng exit ng parking ayoko na rin makipag-usap kahit di ako pagbawalan ni Dr. Aquino.

“He-hey! Margaret, wait.” Napalingon nalang ako at sinalubong na naman ako ng singkit niyang mata. If I am my usual self attracted na ako sa lalakeng to. Pero dahil hindi ko alam na dahilan gusto ko nalang talagang umuwi.

“Akala ko kasabay mo siya? Anong nangyari? Uuwi ka na? Mag-isa ka lang? Gusto mo sabay na tayo? I brought my car and I can bring you home?” natigilan ako nun sinabi niya ‘yon lalo na nang makita ko ang smiling eyes niya.

“Ahm long story huwag na po Dr. Lee. I am good!” sabi ko sabay thumbs up. Nanlalambot talaga ako.

“C’mon Margaret. Mahirap na sumakay dito, late na at di ka niya dapat hinayaan mag-isa.” He held my hand at nagulat ulit ako. Bakit napakaraming beses na akong nagugulat ngayon?

Kinalas ko agad ang kamay sa pagkakahawak niya. Ngumiti lang siya sakin.

“Sige na sumabay ka na. Please.”

“O-okay..” I smiled. “Naku, saglit lang po,” sinampal ko nalang ang noo ko sa naalala ko. “Naiwan ko po ang ibang gamit ko doon sa kotse ni Dr. Aquino”. Hindi ko pwedeng iwan yun andun ang susi ng bahay at ng gate. Late na at wala ng magbubukas sakin. Sana di pa umaalis iyon.

“Sige, magkita na lang tayo sa waiting area sa may entrance ng hotel sa taas ha.”

I smiled and I ran as fast as I could sa parking area ni Doc. Sana andoon pa siya.

There were movements inside the car. I heard loud moaning. Okay, siguro eto na ang time na dapat tumakbo na ako sa pinakamalayong lugar away from his car. But I needed my things inside. Bakit ba naman kase di ko dinala ang bag ko kanina?

Kahit nag-aalangan kumatok pa rin ako sa window sa driver’s side. His car is heavily tinted at madilim sa basement parking area at walang akong nakikita kung ano man ang nangyayari sa loob.

Okay, ayaw nilang sumagot. Tumingin ako sa relo ko, it’s 11:30. Kelangan ko talaga makuha ang bag ko. Sobrang late na ko makakauwi at kelangan ko ng susi.

Kumatok ako paulit-ulit sa bintana ng sasakyan niya. At matapos ng matagal kong paghihintay pinagbabaan din nila ako ng bintana.

Smeared lipstick. Flushed faces. Bruised lips. Unproperly buttoned clothes. Napailing na lang ako sa nakita ko.

“Do you mind?!” sabi ng babaeng nasa passenger seat na kumalat na ang mascara.

“Go ahead lang po. Huwag niyo po akong alalahanin.” Naku! “Dr. Aquino kukunin ko po ang gamit ko,” nagsalita na rin ako kahit na napaka-awkward ng situation na ito.

“W-what thing?” Sa palagay ko ay napakaintense ng nangyayari loob ng kotse at pawis na pawis siya at hirap magsalita? Napapailing nalang ako.

“Ang bag ko po. Andyan po sa passenger seat. Pakikuha nalang po” Grabe naman ang mata ng babae na yon. Kung di siya makapagpigil bakit di pa niya ituloy sabi ko nga go ahead.

Nagmamadaling kinuha ng babae ang bag na inuupuan niya pala. Gross!! Inabot sa akin ito ni Dr. Aquino.

“Sige po.Thank you! Enjoy!” sabi ko with sarcastic smile sabay pagpag ng bag ko.

“Ms. Tan, paano ka uuwi?”

“Makikisabay po,” sabi ko habang nakatalikod na nagwave sa kanya. Looking at them was a disgust.

“What?! Sinong kasabay mo?!”

“Basta makakauwi din po ako.” Ayoko ng makipag-usap at lumingon sa kanila.

“It’s Kurt, right?”

I was shocked. May humawak sa braso ko. Paglingon ko, I was enthralled sa pabango niya na parang sumama sa pawis niya. He smelled so tempting? At ang body heat niya ay ramdam na ramdam ko na. Kinikilabutan ako.

Napapikit ako to concentrate na maiwasan ko kung anung nagpapagulo sa nararamdaman ko ngayon.

“Hindi po. Sige po Doc aalis na ako.” Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko but he didn’t even flinch.

“You’re lying. Di ba sinabi ko na sayo na...” Titig na titig siya sakin at sobrang naiinis siya kahit di ko tinitingnan ang mukha niya.

“Yes, he offered me a ride. Wala naman masamang sumabay diba? Wala na akong masasakyan sa oras na to na bus.” Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa braso ko. It’s about time. Pagpatuloy na niya ang dapat kanina pa nila ginagawa.

 

“Halika na.  Hahatid na kita.” What?!

I just felt his hand snaked to the small of my waist and held it tightly.  I wanted to squirm from his hold pero hindi coordinated ang utak ko at ang katawan ko. Isama mo pa ang wonderful smell niya at ang mata niya. Ano bang sensation tong nararamdaman ko?

“Tim? Anong ibig sabihin nito?!” nagulat nalang ako ng makita ko ang irritated na babae noon binuksan ni Dr. Tim ang pinto sa passanger seat.

“CarlaI want you to leave. Walang masasakyan ang secretary ko.” What?! Hala! Kelangan ko na atang tumakbo sa pangyayaring ‘to.

Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa habang naghihintay ng susunod na mangyayari. Bakit ba kase ako sumama nalang bigla dito kay Dr. Aquino? Dapat kasabay ko na lang sana si Dr. Lee.

“What?!” Patay! Ayan na away na.

“Dr. Aquino, okay lang po. Mauna-“ I felt his hand tightened around my waist.

“No, Ms. Tan I’m bringing you home. Carla, sweetie, alam kong okay naman ang kotse mo so please?” Naku! Ayokong masangkot dito.

“Tim?! Really?! Ngayon na lang ulit tayo nagkita. I know you missed me, baby.” Kailangan ko nang tumakbo palayo. 

 

“Please leave, Carla,” sabi pa nitong seryoso.

“Really?!”

“Leave!” nagulat nalang ako sa authoritative voice ni Dr. Tim.

Bumaba ng mabilis si Carla. Humiwalay agad ako kay Doc dahil baka mag-away pa sila.

“Pero sabi nga nila expect the unexpected. Imbis na mang-away, the girl clung his hands to his nape and kissed him. Napanganga na lang ako. Kung pwedeng magpass-out ngayon gagawin ko.

“You’re going to be punish next time Timmy Boy! Be prepared!” sabi ng babae seductively after ng what seemed to be forever na kiss nila. Naglakad na papalayo ito na lalo pang pinoproject ang hips niya.

“Pasok!” bumalik na ulit ang dating boses niya kapag kasama ako. Not the husky, lust driven voice niya kanina when he approached me.

Tinignan ko muna ang seat at kumuha ng tissue sa bag ko at pinunasang mabuti ito. Halos maubos ang tissue ko. Nakita ko siyang magsmirk ng ginawa ko ‘yon.

Umupo na ako and he start up the car. Hindi ko alam kung bakit kasama ko ulit siya dito at hindi ko sinipot si Dr. Lee.

“Do you mind?” napatingin nalang ako gulat noon nagsalita siya. “Naiinitan kasi ako. Gusto kong hubarin ang polo ko.” I just nodded. Pero, bakit hindi na lang lakasan ang aircon?

Napalunok ako ng makita ko siya with only his boxer shirt on. I looked at the contour of his biceps that were so perfectly sculpted and his chest and his washboard...No! Binaling ko nalang ang tingin sa bag ko. Nasaan na nga ba ang pamaypay ko? Bakit para bang naiinitan ako?

Kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko. Gusto ko na talagang makarating samin. Gusto ko ng makauwi.  Pero, bakit parang ang bagal ng oras ko kapag kasama ko siya?

Why I ended up with him? Iyon pa rin ang tanung ko sa sarili ko kanina pa. Magkakastiff neck na ako dahil sa bintana lang ako nakabaling. Ang sakit na ng leeg ko. Gusto kong ibaling sa kabilang parte ang ulo ko pero hindi ko magawa dahil makikita ko na naman siya.

“Whew!” Kakaiba talaga ang hangin dito sa kotse na ‘to.

“Naiinitan ka ba?” Anong sasabihin ko? Torn ako sa choice ng reason ko kung bakit ako naiinitan ngayon.

Nilakasan niya ang aircon at randam ko ang hangin niya na dumampi sa skin ko. Salamat. Pero not enough. Anu ba tong nararamdaman ko?

“Sorry, did it hurt? Masakit pa ba ang braso mo?” Umiling nalang ako pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

“Hindi nga? Kanina mo pa hawak-hawak yan eh.” Napatingin tuloy ako sa left arm ko. Hawak ko nga at hindi ko na namalayan. Wala talaga ako sa sarili ko.

Tumigil bigla ang kotse at tumingin ako sa labas kung nasaan kami. Wala pa kami sa bahay.

Nagitla nalang ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Naging magugulatin ata ako ngayon araw na to. Kase naman bakit ba hawak ng hawak ang mga tao sa akin ngayon.

Binuksan niya ang ilaw ng kotse. Tapos tinaas niya ang braso ko. Tinitingnan ko lang siya sa gilid ng mata ko. Ayoko talagang magtama ang mga mata namin. Bakit naman kasi kailangan hawakan pa ang kamay ko at tignan ang braso ko?

“Namumula siya. Baka magkapasa ka mamaya. Wala akong cold compress dito, sorry.” His voice trailed of ng sinabi niya yon. Tumango nalang ako. Naalala ko na naman ang ginawa niya kaninang pagkaladkad sa akin at hindi ko maiwasan mainis ulit.

“Nagugutom ka ba? Kape tayo may Starb*cks dyan. Tara.” Napatingin nalang ako doon sa tinuro niya. May kapihan nga sa tapat ng pinaradahan niya at madami pa rin tao.

“Gusto ko na po umuwi, Dr. Aquino.” Feeling ko gusto ko nalang itulog lahat ng nararamdaman ko ngayon.

“Ah, okay, sayang my treat sana. Palagay ko kasi naiinis ka sakin kaya kailangan kong bumawi.”

Wow! Exactly. Naiinis ako sa kanya at marami pang iba akong nararamdaman towards him. Pero sensitive pala siya?

“Hindi po Doc, umuwi na po tayo,” sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Napapailing nalang ako ng matanto ko na nakatingin na pala ako sa kanya. He’s so beautiful!  Mali ito! To be blinded by outer beauty was so not me.

“Are you checking me out Meggie?”

“What?! No!” Ayan na naman nagsmirk na siya. Bakit ba kasi napatingin pa ako sa kanya?

“You are Meg,” he held out his hand right to my cheek. Kinuha niya ang wisp of hair na nasa mukha ko na pala at sinukbit niyang dahan-dahan sa tenga ko.

Nakatingin siya sa akin. Nakailang lunok na ako ng laway ko pero nanunuyo pa rin lalamunan ko.

His fingers playing the ends of my hair.

“Please, Doc...”

“Doc what?” iba ang tono ng boses niya at kinabahan ako sa pagbabagong ‘yon.

“Ah...ahm...“

Laking pasasalamat ko na mag-ring ang phone ko. Thank God! Mabilis kong hinanap ang phone ko sa bag. Unknown number. Sinagot ko agad ito at umiwas ng tingin sa kanya. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko sa pinaggagawa niya.

I heard him groaned at nagulat ako.

“Hello? Sino po to? D-do…” nagsideglance ako kay Dr. Aquino at palagay ko nakikinig siya sa conversation ko sa phone. “Opo, umuwi nalang po ako mag-isa. Something came up. Sorry nalimutan ko. Thanks. Thanks.” Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya na kung pwede kunin na niya ako dito sa Doctor na to. Pero hindi ko masabi habang nakatingin sa akin Dr. Aquino.

“Sino yon?” He asked to me dead serious after I hung up the phone.

“Si-si Dr. Lee po.”

“Dammit Ms. Tan! Di ba sabi ko sa ‘yo na stay away from that guy tapos ngayon alam na niya ang number mo? Marunong ka bang makinig?!” He raised his voice again. Nothing unusual. Buti nalang kaming dalawa lang dito. I can handle that.

“Hindi ko nga po alam kung paano niya nakuha ang number ko.” Tumunog ulit ang handphone ko. Text message galing kay Dr. Lee.

Napangiti naman ako sa nabasa ko. Ang sweet niya naman. Hindi ko talaga alam bakit ganun nalang ang paghihimutok ng boss ko dun kay Dr. Lee.

“Akin na yan!” nagulat na lang ako ng hinablot niya sa akin ang phone ko.

“Ingat Margaret. I really want to bring you home safe today. Pero kahit di ako naghatid sayo be safe, okay. See you soon! See you soon *s*hole!! C’mon! You are better than that Ms Tan! Dahil lang diyan nadadala ka ng lalakeng yon? Stay away from him, okay?!”

“You know what Dr. Aquino, that’s it. Invasion na yan ng personal life. You read my text message what’s that? Pagbawalan ako sa taong gusto kong makausap? God! Yes, I am much better talaga lalo na sa babae mo kanina. Grabe! Hinding-hindi ako papatol sa mga kagaya mo. Hindi ko na talaga masakyan ang ugali mo. My resignation will be on your table first thing on Monday.” Naiinis na talaga ako sa araw na ‘to at di ko na matatagalan makasama siya sa remaining weeks. Naiinis na ako sobra sa kanya. I had enough. I grabbed my bag and I am out of here.

“Magreresign ka? Dahil ano? Lilipat ka na sa kanya? Seryoso ka?”

“Naku Do...naku Tim mas mababaliw ako kapag nagtagal pa ako sa ‘yo! At wala kang pakialam kung lilipat ako sa kanya. My resignation is effective today, late ko lang ipapasa ang resignation letter ko!” Ayoko na! Ang gulo gulo na ng isip ko. Kaya kahit alam kong mali ang mag-resign bago ang resignation letter wala akong pakialam. Ang daming klaseng abuse na ang inabot ko sa lalakeng to. I had enough.

“What? Resigned? What did you just call me? Wala ka ng respeto sa employer mo ha?”

“Respect is due to the people who earned it. And today you’re officially not my boss. Bye.”Mabilis kong sinabi iyon at lumabas na ako ng kotse niya.

“No, Margaret! I won’t accept your resignation and you can’t work for him!”

Mabilis akong naglakad. Gusto kong lumayo sa kanya ng milya-milya. Nagagalit na talaga ako at meron pala talagang taong gumagawa noon sa’yo na walang kaeffort effort.

“Not so fast! Iuuwi kita sa inyo sa ayaw mo at sa gusto!” Bakit kailangan abutan ako nitong lalakeng to.

I walked backwards to escape but my back stumbled to the concrete wall of this forsaken place.

“No. I am going home alone. Bitiwan mo nga ako!” I struggled from his hands. Ang lakas niya. He held both my arms at hindi ako makapalag sa kanya. He even pushed me onto the wall with his body.

“Ano ba? Gusto mo ba talagang saktan ako, no? Naiipit na ako dito? Anu-anong gagawin mong susunod? Iuumpog mo ulo ko sa pader para magbago ang isip ko? Gawin mo na pero di ko yun gagawin! I resigned from my position!”

“I have other plans.”

I felt his lips pressed violently against mine. Pinagpapapalo ko ang katawan niya. Ano ba tong ginagawa niya sakin? Hindi niya ba alam na first kiss ko ‘to? Hindi ba niya alam na hindi ko naisip na ganito ang pangyayari sa first kiss ko? Hindi ba niya alam na iniisip kong gawin itong ginagawa niya sakin sa taong mahal ko? Hindi niya ba alam na dapat hindi galit ang nararamdaman ko habang hinahalikan ako?

His hands cupped my face and he’s moving his lips into mine that is still unresponsive.

I am still in shock kung bakit kahit hindi ito ang naisip kong perfect first kiss ko pero this kiss ignited something inside me. Parang switch lang na may nagturn on. Parang kandila lang na may nagsindi.

I just closed my eyes and I let him kiss me without attacking him since I couldn’t even battle his strength. Then out from nowhere I suddenly have the urge to move my lips along. Nababaliw na ata ako pero hindi ko naman mapigilan!

I was panting after the kiss. It was rough at first but it ended sweetly.

Kitang kita ko ang dibdib niya na tumataas-bumaba rin sa paghinga. Like me he was panting.

His eyes settled down my eyes. There was a moment of silence as he stared at me. Naggoglow ang mata niya at hindi ko alam kung anong iniisip niya. He is a puzzle. I can’t understand kung anung meron sa mata niya, anong iniisip niya. He is a mystery that needed to be solved.

Nararamdaman ko pa rin ang malakas na pagpintig ng puso ko na ayaw mawala-wala.

I wanted to break free from his hold but I was trapped by his arms that were on my waist and somehow...somehow I don’t want to be freed from this sweet trap.

I saw him gulped. Lalo akong kinabahan.

“Iuuwi na kita.”

“No,” nagulat ako sa sinagot ko. I wanted to say yes pero I just needed to say no.

“Huwag mo kong subukan Margaret.” I could see it in his face that he was serious but his eyes, I couldn’t decipher what his eyes means.

“Let’s go!” Nagulat na lang ako ng hinila niya ang kamay ko at kinalas ko ito agad. He stared at me. I stared at him kahit natatakot ako sa maari niyang gawin. Kinukuha niya ang kamay ko pero tinago ko sa likod ko.

“I have warned you.” Napalunok ako.

“Ibaba mo nga ako!! Anu ba? Madaming tao ibaba mo ko!!” nagpapalag ako at pinagpapalo ko ang ulo niya. Nababaliw na talaga tong lalakeng to at binuhat niya ako na parang sako lang ng bigas sa balikat niya.

“Ibaba mo ko! Baliw!”

“Margaret, tigilan mo nga yan o ihuhulog kita dito sa kanal!” Napatingin ako sa kanal na sinasabi niya sa nilalakaran niya. No, hindi mo ako mapipigilan! Nagpapapalag pa din ako at pinapalo ko na ang likuran niya.

“Ayaw mong tumigil ha?”

“Aray! Siraulo ka talaga, no?!” pinalo niya ang butt ko. I hate him! Nakakarami na siya ng hawak at pinaggagawa sakin. At ang first kiss ko!! Nagkakaway pa siya doon sa mga tao sa Starb*cks na nagsisipulan.

“Mga bastos!!” sumigaw ako sa kanila at nagtawanan lang sila.

“Bwiset ka talaga!” sinabi ko sa mukha niya ‘yon ng inupo na niya ako sa passenger seat.

“Ah talaga? I want you to behave Margaret.”

“Pakawalan mo na kase ako, nababaliw ka na ba? Uuwi na ako mag-isa!!” sinigaw ko talaga sa mukha niya. Nakakainis at nakakahiya na tong nangyayari!

“Uhmp!” He kissed me again. And this time he bit my lower lip because I was pursing mine. I bit his lip so hard in return at nalasahan ko nalang ang dugo sa labi niya. But he didn’t stop there. He continued kissing me and I...I was kissing him too.

He is so irresistible! Parang may pull na nagdidikit sa labi niya at sa labi ko na hindi ko maintindihan na kusa ko nalang siyang hinahalikan.

“Uuwi na kita sa inyo, okay? Wag ka ng aalis sa upuan mo. Naiintindihan mo ba?” tumigil siya sa paghalik sa akin, buckled me up and he looked directly into m eyes.

I gulped. Gusto kong labanan ang sarili ko na mag-Oo.

“N---“

“Iuuwi kita sa inyo, okay?! Kung tatakas ka sa kinauupuan mo at magpupumilit kang umuwi mag-isa mahahabol at mahahabol pa rin kita. I’m warning you Margaret kapag naubutan kita, iuuwi kita sa bahay ko at hindi lang first kiss mo ang kukunin ko.”

Continue Reading

You'll Also Like

119K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
108K 2.3K 33
Our parents makes us believe that fairytales do exist and so a happy endings. Bata pa lamang ako ay isa na ako sa mga naniniwala sa fairytale, na a...
26.9K 627 30
2. When My Heart Got Crazy About You How will she make his heart melt from a frozen winter? Or will he ever be survived from a broken promise that ch...
15.4K 421 17
Everybody thought she had it all. Pero para kay Siena Xyriella, prinsesa man siyang maituturing ng mga Cordello ay malayo sa pagiging perpekto ang bu...