AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGP...

By Sherylfee

72.5K 620 31

DRAMA /GENERAL FICTION More

AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN
AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN
AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN
AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN
AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN

AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN

3K 69 1
By Sherylfee

" AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN "
WRITTEN BY : SHERYL FEE



CHAPTER 3


Maaga  pa lang, fourty thirty to be exact ay nasa tahanan na siya nila Joy. Naabutan niya ang dalawang guard  na nagkakape kaya't  pinapasok siya ng mga ito lalo at kilala naman siya ng mga ito dahil kasa kasama niya ang pinsan  niyang si Adrian minsan na pumupunta doon.

Hindi pa nag  iinit  ang puwet niya na naupo sa sofa  ng makarinig  siya ng langitngit ng pinto na sinundan ng mahinang pag awit.

" May boses din pala ang palakang  ito." mahinang  sambit niya pero  hinayaan  lamang niya ito. Hindi siya naglahalata  dahil  gusto niyang pinakinggan  ang awit  nito.

Napatingin siya ng tumigil ito sa pagkanta nasa third to the last steps na ito sa hagdan. Tutop nito ang bibig  marahilay  napansin siya nito. He saw her, maybe she's  about  to greet him pero napamulagat  siya ng humakbang ito na hindi nakatingin sa hagdan.

" Nooooo!!!!!"  sabayan  nilang sambit dahil kitang kita  niya na sumimplang ito at kunting pagkakamali lang ay  babagsak na ito.


Hindi na siya nag aksaya  ng oras, tinakbo  niya ang kanilang  pagitan  at sinalo ito. Saktong  babagsak na sana ito  ng makalapit  siya kaya sa  kanyang mga palad  ito bumagsak.  Iyun nga lang parehas silang natumba at ang masaklap pa ay  si  Joy  ang nasa itaas.

Hindi pa man sila makahumang  dalawa ng may dumadagundong  na boses.

" What's  the meaning of this? Joy?  Bryan Christoph?" malakas na tanong  ni  Shane I.


Pero  hindi  pa  man  nakasagot  ang mga ito ay si  Marga naman  ang pupungas  pungas  na nagtanong. He halatang  nagising  ang mga ito sa kanilang  sigaw.

" Joy anak kababae  mong tao ikaw pa ang  nag uuwi ng lalaki  dito  sa  bahay? Hindi  ka  naman kaladkaring babae sa pagkakaalam ko anak?" mahina man pero mabigat na tanong  nito.

Saka  pa lang natauhan ang dalawa.  Dali  daling  tumayo mula  sa ibabaw ng binata si  Joy at inilahad  ang palad  dito para tulungang  bumangon total kasalanan naman niya.

" Ang lampa  mo kasing  palaka  ka." inis na aniya ng binata dito  sa mahinang boses.

" Eh kasalanan ko ba  eh ikaw naman kasi malay ko bang nandiyan ka nakakagulat ka  nga eh!" ganting  bulong ni Joy.

" Kinakausap namin kayong dalawa Shainar Joy, Bryan Christoph  hindi  namin sinabing magbulungan kayo diyan!" muli ay sigaw ni Shane I.

Kaya't si Joy na ang sumagot  total kasalanan  naman niya talaga. Her clumsiness attacks again kaya gano'n  ang nangyari.

" Eh huwag  ka ng sumigaw daddy mabubulabog ang mga tao. Sorry na po but it's  not  what you think  naman po nagkataon lang na umatake ang kalampahan ko. Eh hindi  ko naman alam na nandiyan na pala ang sundo  ko. Pinapasok  siguro nila sa gate. Paawit awit pa naman ako habang bumababa sa hagdan dahil akala ko'y  ako lang ang gising. Naging  hero pa siya dahil sa kanya  ako bumagsak. Kaya huwag na kayong magalit  oh." lambing  na  paliwanag ni Joy.

Para namang may kumurot sa damdamin ng binata dahil dito. Inaamin niya naiinis siya  dito  sa tuwing  nag iingay ito pero  ng mga sandaling iyun ay parang batang takot na mapalo ng mga magulang ang nakikita.

" Akala ko naman kung ano iyun miss Toblerone. Makasigaw ka naman wagas  di  ikaw na rin nakapambulabog sa mga natutulog. Kapag  iiyak si Kiko  kasalanan mo." aniya  ni Garreth na tinutukoy ang pamangkin nila na sa  kanya pa natulog.

Para namang hinaplos ang puso ng mag asawa dahil sa tinuran ng bunso nila. Dahil  sa dami  ng puwedi nitong  manahin sa abuela nito o sa tiyahin ni Shane I  ay  ang kalampahan  pa  nito. Mabuti  na  lamang at hindi nito itinuloy ang pagsusundalo nito at sa nursing nagtapos.

" I'm  sorry baby if I shouted at you. Next time mag  ingat ka na ha? Your a grown up  woman already anak. " malumanay na aniya ni Shane saka bumaling sa binata.

" I'm sorry din iho if we think  like that of you. Mag  ingat kayo sa daan, lalo na sa iyo ingat sa pagmamaneho. Pagpasensiyahan mo na rin ang ingay  ng anak  namin ha. Again I'm sorry. " hinging paumanhin  ni Shane sa binata.

" Wala pong problema  tito. Normal reaction lang po iyun." sagot  ni BC saka lumingon sa dalaga.

" Palaka  ang mga  chocolates  mo nakabalandra na huwag mong sabihin ako  pa mamumulot niyan?" aniya niya dito.

Naman!

BC!


Barely infront of them you call her Palaka?

" Eh kung may ginintuang puso ka  Sungit  este Bryan eh di tulungan mo ako  para makabiyahe na tayo." ayon buwelta din ni Joy.

Ang  resulta?

Pinagtulungan  nilang dinampot ang mga laman  ng bag ni Joy. Saka  sila lumakad  palabas ng kababayan.

" Kung  kailan nagkakaedad na ang dalaga  natin saka naman umatake  ang kalampahan  niya." hawak ang leeg  na aniya ni Shane.

" Iyun na nga asawa ko idagdag pa ang kalokohan niya. Kung sinu pa ang ayaw sa maingay siya pa ang paborito niyang asarin. " segunda naman ni Marga.

" Hay naku mommy , daddy , pustahan  tayo someday  silang dalawa ang magkakatuluya. Pero  siyempre  aba'y idinadaan muna nila sa asaran. Kaya't kung ako sa inyo total maaga pa naman at bago  pa gumising ang  batang 'to tara  na at matulog muli may lakad  ako mamaya kaya hindi ako nakasama sa kanila." aniya ni Garreth. Lalaki din siya at malakas ang kutob  niya na gano'n  ang nasa pagitan  ng dalawa wala lang  sa kanila ang may gustong  magbaba ng pride.

Nagkatinginan naman ang mag asawa  dahil doon. Pero  hindi na sila  sumagot  pa bagkos  ay  muli silang bumalik sa kani kanilang silid  tulugan.

Samantala, tahimik  na bumiyahe  ang dalawa pababa ng Ilocos. Kung si  Joy  ay abala sa pagmamasid sa tanawing  kay  ganda  lalo  at nagsisimula  pa lang na sumikat  si  inang araw, si  BC naman ay  abala sa  pagmamaneho.  Pero  lihim  din niya itong pinagmamasdan.

" She's  like a baby. Inosenting inosente sa mga bagay bagay samantalang laking  siyudad  naman." aniya tuloy  sa kanyang isip.


Paano  ba naman kasi  hindi nga siya nito kinukulit, panay  naman ang tili  nito  kapag nakakakita ng mga tanawing  magandang kunan  ng larawan. Lalo  na ng mapadaan sila sa bukid at nagkataon na may lalaking  nakasakay ng kalabaw.

" Sungit pakistop  naman ang car oh I want to take a picture  on  that. " dinig niyang pakiusap nito.

Ayaw  sana niya dahil baka  aabutin  sila ng trapiko sa daan pero  para  din naman siyang nakunsensiya  ng makita ang pagbalatay  ng lungkot sa  mukha nito na para bang nakukunsensiya pa.

" Make it fast  okey?  May ilang oras pa tayo para makarating sa Ilocos Sur. " malamig na sagot niya dito at mag menor para iparada  ang sasakyan niya.

" Thank you! " sagot nito at dali dali  ding lumabas .

" Kuya! Kuya sandali lang po paabala po ng kunti. Kukunan ko sana kayo ng larawan diyan na nakasakay sa kalabaw please?" dinig niyang pakiusap  nito.

" Ah hindi ba nakakahiya sa iyo ineng? Aba'y napakadesenti mong babae para lang kunan  ng larawan ang mambubukid na tulad ko." tugon  ng hindi katandaang lalaki pero  marahil ay bunga  ng pagsasaka ay  para itong tumanda  kaysa tunay na edad.

" Wala pong kaso  iyun kuya eh ako nga  po nang  aabala eh. Sige  na kuya oh." aniyang muli ni Joy.

" Sige  ineng." tipid  na sagot ng lalaki.

" Kuya pakihawakan ang sumbrero mo at iyang tali ng kalabaw. Isa,  dalawa,  tatlo." dinig pa niyang aniya ng dalaga.

Pero  akala niya'y  doon  nagtatapos ang pinaggagawa  nito ay hindi pa pala. At dahil busy siya  sa pagmamasid  ay  nagulat siya ng nagsalita ito sa harap  niya.

" Isang  favor pa Sungit pakikunan naman ako ng picture  oh gawin mong back ground  ang kalabaw  at si kuya." heto  na naman ang pangungunsensiyang tinig nito.

Hindi na siya sumagot  dahil ayaw niyang humaba ang usapan. Kinunan  niya ito ng larawan  na ang background  ay ang kalabaw at ang lalaking nakasakay dito. Pero  akala niya'y  iyun na lamang pero  ang lalaki naman ang nagsalita.

" Mas  maganda kung may larawan  din kayong dalawa ineng bagay pa naman kayo." ay pobreng lalaki Tom and Jerry ang  mga iyan.

Lihim namang napangiti si Joy  dahil dito  hindi  na nga lamang niya ipinahalata sa  kasama  dahil ayaw din naman niyang magmukhang cheap.

" Thank you kuya at sorry sa  abala. " masayang sambit ni Joy matapos  silang kunan  ng larawan  na kung biglang tingin at hindi sila kilala ng mga tao ay aakalain talaga nilang may relation sila.  Nakaakbay ang binata kay  Joy sa larawan  na  kapwa nakangiti.  Perfect  combination!



Hindi na hinintay ni Joy ang binata. Nauna  na  siyang bumalik sa sasakyan nito at tuwang tuwa na binalikan ang mga nakuhang larawan. Tuloy,  hindi  na niya nakita ang nakailing  na binata habang nakasunod sa kanya.

" Ang babaw  talaga ng kaligayahan  ng babaing ito." piping bulong nito .

Ilang sandali pa ay muli nilang ipinagpatuloy  ang kanilang biyahe. At patuloy ang biyahe nila kasabay ng pagmamasid niya dito. Kung siya ay  patuloy sa pagmamasid  dito,  patuloy  naman ang pag  scan nito sa mga nakuhang  larawan na humahagikhik  pa minsan.

Tuloy,  nanibago siya ng bigla itong natahimik.  Papasok na sila sa Ilocos proper ng wala siyang marinig na imik o boses  nito na nakapapanibago. Iyun pala ay  nakatulog  na ito habang yakap ang camera nito. Nakasandig ito sa kanang  pintuan na kung may biglang magbubukas nito ay mahuhulog ito.

" Kaya naman pala natahimik tulog pala. Ganyan  ka sana  lagi ang  tahimik ka huwag ang inaasar ako. Nakakairita ka kasi kapag nagsisimula ang Sharp Mouth mo. Hayan gigisingin na lang kita pagdating natin doon sa bahay. Matulog  na ka lang kaysa asarin ako mas  maganda ka  pa naman kapag tahimik." bulong  ng binata habang  banayad niya itong  iniayos at ibinaba ang upuan para makatulog  ito  ng mahimbing.

Ahem! Ano iyan BC tulak ng bibig kabig  ng dibdib!


( Undetailed na ang pupuntahan nila dahil part iyun ni Adrian. )

Time flies so fast!

Dahil  sa  kani kanilang trabaho  ay  bihira na kung magsangga ang kanilang  landas. Pero  gano'n  pa rin ang kanilang set up para pa ring aso  at pusa, iyun nga lang hindi na masyadong masungit ang binata pero  ang  dalaga ay gano'n  pa rin maingay.


Samantala, naisipang  dinalaw  ni grandpa Bryan ang kaibigang si  grandpa  Roy. Kasama ang asawang  si  grandma D.

" Salamat  naman pare at naalala mo akong  dalawin.  Maupo  kayo pare,  mare." masayang aniya ni grandpa Roy  sa  mga panauhin.

" Salamat  pare. Namiss  kita pare kaya heto  sugod agad aba'y  hindi ka ba  masaya at nandito ako?" biro  ni grandpa Bryan.

" Matatanda na tayo pare may mga  anak at apo  na pero hindi ka pa rin nagbabago  sa pagiging  palabiro mo. Of course  I'm  happy lalo at alam ni'yo  na hindi  na ako masyadong  nakakapasyal dahil sa kalagayan  ko. " tugon  nito sa kaibigan.

" Biro lang  iyon pare ikaw naman. Teka  lang mukhang  tahimik ang kabahayan  ninyo ah nasa kabila  ba  si  Joy? " agad na aniya ni grandpa Bryan. Ayaw na ayaw nilang nag eemote  ang  kaibigan  nila dahil  sa pagtanda  nila ay  naging maemosyunal ito na dapat iwasan nito lalo at nakailang beses na itong nastroke.

Muli, umaliwalas ang mukha nito.


" 'Tart! Tart! Nandito  sila mareng  Donna at pareng  Bryan. Halika  muna dito." tawag  nito sa asawang si Sheryl naghahanda o  ihinahanda ang gamot  ng asawa.

Pagkarinig naman ng ginang sa tawag ng asawa ay dali dali itong lumapit  sa kanila.

" Aba'y salamat pare,  mare  at nakadalaw  kayo dito. Sayang  nga lang nasa  kabila  sina Cheska  kasama si  Lewis. Nasa trabaho si  Rhyne,  nasa  probinsiya  ang mag asawa kaya tayo  lang nandito  kasama ang mga kasambahay. Teka  lang magpapahanda ako ng meryenda at lunch  natin." masayang sabi ni grandma Sheryl.

" 'Tart ipahanda mo ang paborito  ni pareng  Bryan alam mo na iyun. Balik ka  kaagad 'Tart para may  kasama kami dito." tugon  ni  grandpa Roy.

" Yes 'Tart I will." sagot  ng ginang  sa asawa. Ito  na ang tumayong  personal doctor ng asawa simula  nagretire siya  sa trabaho.

" Wait mare  sama  ako sa iyo. Alam mo me boy's talk daw sila." natatawang aniya ni grandma Donna dahil laging  gano'n  ang set up ng mga asawa nila kapag nagkikita kita ang mga ito.

Minsan  reunion place na rin nila ang dating tahanan ng CIRCLE OF FRIENDS na ngayon  ay  isa  ng tower. And it's  called THE TWIN'S EMPIRE. Ang  dating dalawang palapag lamang ay naging pitong palapag na. Ang pinakataas  nito  ay private school para sa mga sea men. Ang roof top  nito ay malawak may gymnasium  ito. May basketball  court, volleyball court, soccer,  lahat  ng ballgames ay  nandoon. Kasama  ang lawn and table tennis , badminton and all. Ang una  at ikalawang palapag lamang ang exclusive  para sa kanilang pamilya. Lahat na ng palapag ay  may task, may restaurants,  may hotel,  pagamutan , and private school lalo na ang taekwondoo. Private  man kung tawagin pero  very affordable  naman para  sa taong bayan.

Pagkaalis ng mga asawa nila ay  hindi  na nagpatumpik tumpik si grandpa Bryan,  agad niyang inilatag  dito  ang  matagal niyang pinag isipan at pinagplanuhan.  Ang  akala niya'y hindi papayag ang kaibigan  niya at founder ng CIRCLE OF FRIENDS pero nagkamali  siya dahil pagkatapos  pa lamang niyang nagsalita ay  maaliwalas na ang mukha nito na tumatango.

He's  saying yes we will!

So it  be!


They need to do their plans!
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY! !!!!

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 285 55
Useless (Scott Siblings Series #3): English Rhaine Scott
5.9K 80 51
Jake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it c...
6.2K 271 28
Sa paglayas niya sa bayang mahal. Siya'y mapapadpad sa Isla ng Sibuyan. Sa Isla kung saan makikilala niya ang bagong pamilya. Pamilyang magbibigay ng...
253K 6.6K 52
Ano ba ang akala mo? Everytime na iiwanan mo ako eh para akong tangang maghihintay sa'yo? I loved you and I still do. But right now, I'm tired. I am...