She's Straight. GIRLXGIRL Com...

By ELESIAAA

1.2M 34.3K 7.6K

--November 8, 2016 - September 9, 2017-- 'She's plain straight!' Iyan ang itinatak ni Yna sa hopeless romant... More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40 -Author's Final Note Walang Kiyeme

15

28.1K 860 110
By ELESIAAA

--

--


Aly's POV



Nagising akong wala pa rin si Yna sa bahay. Lagpas 1 am na rin pala at hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako dito sa sofa.

Buong gabi kong inisip ang nangyari paghalik sakin ni Yna. Yes, we were sweet with each other, clingy in fact. And I was way beyond surprised on that kiss, but why do I feel disappointment when she told me it has no malice? At uso daw iyon? Wait, what? Coz all I know is when two girls kiss it's either they do have a relationship or they do like each other. That's how I know it. And between the two choices....we're not either of the two.

I groaned in annoyance. Why am I thinking those things?

And why am I thinking of that kiss?

Why do I have this feeling that slapping her was a very bad idea?

Aly, think properly. I said to myself.

I still couldn't sleep that so I just decided to watch a movie. Tinawagan ko na din si Yna kung uuwi ba siya o hindi. Aaminin ko na parang ayaw ko pa rin siyang makita o maramdaman ang presensya niya ngayong gabi pero anong magagawa ko, nag aalala pa rin naman ako sa kanya.

Siyan a bigla bigla na lang mangyayakap, ilalapit ang mukha sakin na halos maduling na ko, and a lot of sweet things she does. I couldn't help but to be thankful tho. She's always been a big part of my life even the 2 years gap we made. And I can't afford to lose her again.

"Seryoso? Popoy at Basha sa ganitong oras?" nagulat ako, nandyan na pala siya. I was so focused on my thoughts that I haven't noticed her.

Inirapan ko siya tulad nang palagi kong ginagawa kapag inaasar niya ko.

We watched silently while eathing the ice cream and chips she brought. Masarap pala 'tong pistachio and cashew na flavor. Palagi na lang may bagong discovery kapag si Yna yung kasama ko. Laging parang napakadami kong bagay na dapat maranasan sa buhay kapag siya yung nasa tabi ko.

Why does this feeling was so overwhelming? Kumakain lang naman ako ng ice cream ah.

Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng mga luha ko. Hindi naman na ako naiiyak kay popoy at basha, well medyo slight na lang.

"Ang korni ha. Ilang beses na nating napapanood yan pero umiiyak ka pa rin." Komento nito na umagaw naman ng atensyon ko at dali dali ko namang pinahid ang luha ko. Kainis, wrong timing.

"Ikaw kasi.."

Oo, ikaw! Ikaw at lahat ang mga ginagawa mo sakin na hindi ko maintindihan.

"Paanong ako?" kunot noon yang tanong.

Bakit nga ba ikaw?

Gulong gulo na nga yung isip ko kung bakit simula noong halikan mo ko sa leeg na halos kumawala na pati puso ko sa loob ng dib dib ko ay nag iba na ang pakiramdam ko tuwing lumalapit ka.

Na hindi ko na rin maintindhan kung bakit tuwing magkasama kayo ni Gwen parang naiinis ako. Na tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ako naiinis kasi hindi ko din alam.

Alam kong maling may maramdaman ako.

Maling mag iba ang pagtingin ko sayo.

Mali to.

"Just because."

Hindi ko na napigilang ngumiti. Matapos mong gawin lahat ng mga ito sakin may lakas loob ka pang magtanong kung bakit ikaw?

Gosh Yna, bakit?



--

"Hey wake up. Aly, wake up."

"Hmmmmmm."

"It's 7am and I'm hungry." Pakinig kong sabi ni Yna. I opened my eyes to see the sunlight shining brightly inside the house. Hindi ko na namalayan na dito na kami sa couch nakatulog ni Yna.

Agad akong bumangon at tinginan siyang malungkot na nakaupo at nanonood ng t.v. I smiled when I saw her curled up on the seat looking like a poor kid. Ang baliw baliw talaga ni Yna.

"Asus, kawawa naman 'tong bata na to. Gutom ka na?" I know I sounded like a mother cooing her new born baby.

"Stop cooing me Aly, I'm not a baby." She said playfully and stood up. "Please cook na." and begged me.

"Then stop pouting so you wont be cooed. "

"Sometimes I pout so you'd know how cute I am." Yna said cockily and smirked. Ang yabang!

"Hoy, hindi porke pinatawad na kita sa paghalik mo sakin ay may karapatan ka ng ipangalandakan yang cuteness mo ha!"

Tinaasan naman niya ako ng kilay which made her more cool. Lumapit siya sakin at na corner na naman ako sa may counter. No, no, no Aly. Gutom lang yan. Hindi ka naattract sa kanya in this early morning.

Is she gonna do it again? Pero nag promise siya na hindi na niya gagawin ulit yun diba?

At tsaka ano bang iniisip ko, diba wala namang malisya?

Mukang nakahalata siya sa kung anong iniisip ko kaya mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sakin.

"Better stop this o hindi ako magluluto ng umagahan natin at aalis ako." And to that tumigil siya sa paglapit. She was so close.

"The fact that it has no malice, I still don't get why you have to move closer to me and seem to kiss me." Mahina kong sabi na para akong mauubusan ng hangin.

Napayuko siya at kumamot sa batok niya. "I'm sorry. Sige na magluto ka na." sabi nito at pumasok sa kwarto niya.



--

"You mean sir Tom asked you for another date, again? Nakakarami nay an ah. Nanliligaw ba siya sayo?"

Kunot noo namang tanong ni Yna habang sumasandok ulit ng ulam. I cooked Adobo. And yes, Sir Tom asked again to go out with me. Hindi naman siya nanliligaw gusto niya lang daw na lumabas kasama ko. So hindi date yun diba?

"Hindi naman siya nanliligaw. Naeenjoy lang naman yung company ng isa't isa." Depensa ko naman. Lalong kumunot yung noo niya sa narinig. Why is she being so adorable right now? *iling iling* No, Aly. Stop that.

"Okay, sabi mo e. Enjoy kayo. Bukas na ba yan?"

"Yup. After class."

Tumango tango ito at pinagpatuloy na lang niya ang pagkain niya at nang matapos na ay inilagay ang pinagkainan sa lababo. Ni hindi na nga ako hininantay matapos. Tsk.

I was too tired to do anything today kasi bukas may pasok na naman. Buti pa 'to si Yna hawak niya oras niya.

We were just lying on the couch when someone called.

"Hey Gwen." Yna picked it up. Ah si Gwen pala. Bakit parang sumikip yung paghinga ko? Parang hindi ako kuportable bigla?

"Okay ka na ba?" pasunod pa nito.

"You want me to come over?" at tumingin si Yna sakin na parang humihingi nang permiso. Tinaasan ko nga ng kilay at ibinalik ang atensyon sa panonood.

"Okay. I'll be there." Sabi nito at ibinaba na ang telepeno.


Fine. I hate this.


"Aalis ka?" tanong ko naman kahit alam ko na yung sagot. She looked at me apologetically.


"Bisitahin ko lang si Gwen. Lasing na lasing kasi yun kagabi."

Ah.

Why do I have this feeling that I don't want her to go out of that door?

"Ah sige. Mag iingat ka sa pagdadrive." Nasabi ko na lang. Ano namang karapatan kong mag protesta diba.

Tumango ito at kinuha na ang car keys sa lamesa.

"Ah Yna."

Tawag ko sa kanya nang simula na niyang hawakan ang door knob. Lumingon ito sakin na tila nagtatanong kung bakit ko siya tinawag.

"Ah—kasi....."

Ano ba 'tong nangyayari sakin. Think Aly. Ano gusto mo ba siyang umalis o ano?

"Ano yon Aly?" tanong nito sakin at lumapit. Matamang pinagmasdan ako. I got conscious kaya naman napayuko ako. Ano ba naman 'tong nangyayari sakin?

"Ah-eh wala. Alis ka na. Ah, magpapabili lang sana ako nung ice cream na binili mo sakin kagabi."

Napangiti naman siya sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko. "Okay no prob. Yun lang ba?"

Tumango ako bilang pagsang ayon. Hays, yun lang ba talaga?


"A—at tsaka pala.."


"At tsaka ano?"


Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "And please, don't be too sweet with Gwen?" kahit ako naguluhan sa sinabi ko. What the heck Aly. Why did you say that? I mean yeah I could say that but why!?

Yna smirked like she knew something I don't and moved closer. "I won't." then she kissed my forehead. Hindi ko lang pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niyang yon at naipikit ko ang aking mga mata para mas lalo kong marinig kung gaano kalakas ang tibok nito.

"Sige na. Para makauwi ako ng maaga." Sabi nito at lumabas na.

At heto ako, naiwang tulala. Hindi pa rin naaalis ang mabilis na pagpintig ng puso ko.

--




A/N:

Ano yan. Lakas maka loyalty award ni Yna. Bakit may ganyan? HAHAHA.

Aly's POV na. Ayan na. Nalaman na ang saloobin. 


Thank you guys for the vomments. Ciao.


Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 26.7K 49
Papano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi...
944K 31K 44
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| #39 04-26-18 ROMANCE Sa edad na bente otso ay kilalang kilala si Laura Samonte sa loob at labas ng bansa. Tinaguriang sya...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
520K 19K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"