16

28.9K 979 162
                                    



Yna's POV



"She's upstairs."

Tito Arthur motioned me to just go upstairs.

I'm still thinking of Aly being clingy awhile ago. Oo na kinikilig ako, hindi ko mapigilan. Para tuloy akong baliw na nakangiting mag isa habang umaakyat ng hagdan. Well kanina pa pala habang nagdadrive.

Anyway, kumatok ako sa kwarto ni Gwen at nang walang sumagot ay binuksan ko na din ito. Nadatnan ko siyang nakahiga sa kama niya hawak hawak ang phone niya.

"Yna! Tatawagan pa lang san kita, ang tagal mo." She stood up and hugged me. Hala? Clingy as usual.

"Okay na pakiramdam mo?" tanong ko at kumalas na sa pagkakayakap niya. This isn't a form of cheating, right?

"Kanina pa." sabi nito.

"Eh bakit mo pa ko pinapunta dito?"


"I just wanted to check kung may tumubo na bang prutas sayo?"


"What?" ang gulo gulo ni Gwen, ano bang prutas? Tumubo daw? Puno ba ko? Halaman or something?

"Ang cute cute mo!" at pinisil niya ang pisngi kong namula sa sobrang panggigil niya. Agad ko itong binawi at hinimas himas. Sakit, huhuhuhuhu.

"Brutal mo Gwen. Kumain ka na ba?" Pag iiba ko sa usapan.

"Hindi pa. Samahan mo kong kumain?" at doon ay hinila niya ako palabas ng kwarto niya. Naabutan pa namin si Tito Arthur sa baba na nanonood ng T.V.

"Dad, date lang kami ni Yna ha. Bye." Sabi nito at humalik sa pisngi ng tatay niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Ano daw date? At hindi na ko nakapag react, ngumiti na lang ako.

"Sige, mag iingat kayong dalawa. Yna, ingatan mo anak ko ha." Sabi ni tito Arthur at tinapik ako sa balikat. Omaygad.

Sinamaan ko nga ng tingin si Gwen pagkalabas namin sa bahay nila. "Baka isipin nang tatay mo may relasyon tayo ha."

She laughed sarcastically. "Oh, I wish." At sumakay na sa kotse ko.

Pagkapasok niya ay agad siyang napasinghot na parang inamoy ang loob ng kotse. "Not your perfume, so I'm guessing, it's Aly's? Right?"

Napangiti ako. Tuwing umaga kasi minsan nakakalimutan ni Aly magpabango dahil it's either na late siyang gumayak or ako yung late kaya napagpasyahan na niyang iwan yung pabango niya sa kotse ko at dun na lang gamitin. Minsan hindi na ako nagpapabango pag kasama ko siya kasi ayaw niya nga ng pabango ko diba?

"Does it matter?" tanong ko na lang at pinaandar na ang kotse. Gwen crossed her arms na parang nagtampo.

"No, doesn't really matter. Napansin ko lang naman."

Tumango tango na lang din ako at tinanong siya kung saan niya gustong kumain.

"Sushi." Tipid nitong sagot. Great, I know a place where you can eat and enjoy sushi and maki or any other Japanese cuisine.

Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa Takeiya.

"Buti na lang pala nalasing ako ng bongga kagabi." Nakangising sabi ni Gwen at inilapag ang menu. Kunot noo ko siyang tiningnan.

"At bakit naman?"

"Coz I got to be with you today." She smiled sweetly and winked. I feel the need to drink the glass of water in front of me, so I did.

She's Straight. GIRLXGIRL CompletedDär berättelser lever. Upptäck nu