Love Moves in Mysterious Ways...

By ladyrapunzel08

12.5K 266 31

This is written and arranged by me. i knw hindi masyadong maganda but i hope maappreciate ng mga kathniel fan... More

Love Moves in Mysterious Ways ♥ {ON HOLD}
Chapter 1: "New World"
Chapter 2: "AnglakasMangTrip!"
Chapter 3: "Nasaan ka Seatmate?"
Chapter 4: "My unknown seatmate."
Chapter 5: "Love Letters"
Chapter 6: "Intruder"
Chapter 7: "Girl Pick Up"
Chapter 8: "heartBreak"
Chapter 9: "Is he really coming?"
Chapter 10: "The AMAZE-ing Race"
Chapter 12: "Hidden question"
Chapter 13: "New Character"
Chapter 14: "Si Kuya at Daddy"
Chapter 15: "Isaw"
Chapter 16: "AnnLi"
Chapter 17: "Better Together"
Chapter 17: "DaMoves"
Chapter 18: "DATE!!"
Chapter 19: "Special"
Chapter 20: "Konsensya"
Chapter 21: "My Date"
Chapter 22: "Song"
Chapter 23: "Seatbelt"
Chapter 24: "Love ko 'to"
Chapter25: "GoodNight"

Chapter 11: "Who's That Girl?"

424 10 0
By ladyrapunzel08

Uuuy! :) 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 11: "Who's That Girl?"

Kitams? Dinamay pa talaga ang kapitbahay kong si Kiray. Himala nga at  napapayag nila si Kiray kasi ang alam ko masama pa rin ang loob niya sakin dahil sa pagdeadma ko sa invitation niya nung 16th birthday niya. Eh sa Busy ako..

Teka nga.. mamaya ko muna iisipin yang Kiray na yan kahit na feeling ko pahihirapan ako ni Kiray mamaya.

Takbo lang ako ng takbo. Kinakabahan na ako, si Julia kasi binigyan pa ng oras ang pagtakbo ko. Kesyo dapat before 10 minutes makarating na ako sa park. Actually hindi naman super layo ang park, nasa tapat lang yun ng school namin.. Ewan ko ba kanina pa ako takbo ng takbo hindi pa ako nakakaabot. 2 minutes na lang may dalawang kanto pa! Naman!

[*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPP BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP!!*]

Isa pa tong sasakyan na to eh! Kanina pa to bigla-bigla na lang na sumusulpot.  T’wing tatawid ako siya naman ang pagdaan ng kotseng yun. May kutob nga akong gusto niyang sagasaan na lang ako. Gustong-gustong-gustong-gusto kong awayin ang driver kaso sa lakas ba naman magpatakbo ng taong yun akala niyo maabotan ko pa yun? Siyempre hindi na! Ni-hindi ko man lang namukhaan, bukod kasi sa sobrang bilis magpatakbo eh tinted din ang bintana niya.

Kakapasok ko lang sa gate ng park, malayo pa ako pero kitang kita ko na si Julia na naka-Fold ang arms at todo taas ang kilay. 2 meters na lang ang layu namin..

"Ang daya naman! JULIA! SAN KA PUPUNTA??" Tumalikod siya. Ako naman siyempre hinabol ko siya.

"LATE KA NA! Bahala ka diyan!" deretso pa rin ang paglakad niya.

"3 minutes lang naman eh.. sige na! ano na?" pero lumalayo pa rin siya.

Ang hirap talagang pakiusapan ng babaeng ito. Tumakbo ako sa harapan niya saka hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.. Alam ko anong makakapagpabago ng isipin nito eh.

"Julia, gusto mong makipag- dinner date kay  PAOLO??"  at talagang diniinan ko yung pangalan ng lalaking yun, sabay ngiti ng nakakaloko.

"TALAGA?!?!?" Maliwanag pa sa sikat ng araw ang mukha niya at mabilis pa sa alas quatro binigay na niya ang second clue. Oh dibaa??

"Oo naman! basta tulungan mo ako makuha to." tinaas ko ang papel. Tinulak naman niya ako pero mahina lang.

"Jan hindi kita matutulungan." tumalikod uli siya.

Binasa ko naman ang nasa papel.

DJ. sa first task mo.. Kita mo yung puno ng manga sa dulo? Hanapin mo yung bunga na yellow ang kulay. At siyempre para mahanap mo, aakyatin mo yan. Problema mo na kung paano mo aaliwin ng Gurad para hindi ka mapagalitan. Go DJ! :)) --Kath"

Eto lang? Suuus! Chicken.

Nilakad ko ang puno na sinasabi ni Kath sa papel. Ayun naman pala, Dito nakatambay ang dalawang guard sa park. Himala yata at dito sila sa puno naka-pwesto ngayon dati naman nasa magkabilang gate sila? Tiningnan ko si Julia, Tatawa-tawa lang. Tama nga ang kutob ko na may kinalaman sia sa guard. Nakuuu! So hindi ko siya pwedeng kakunchaba.

"Manong guard. manong guard.." tingnan mo naman ang swerte.

May lumapit na batang babae sa guard. Mukhang nawawala. Umalis siya at sinamahan ang bata. So isa na lang pala ang problema. Lumapit ako sa kanya, hindi na ako nagpaligoy-lligoy pa at pinakiusapan ko siyang aakyat ako sa puno.

"Hindi pwede." Straight to the point na pagkasabi ni Manong Caloy name nung Guard.

"Please kuya??"

Umiling siya.

Isa pa nga "Pleasee naman po." 

Iling ulit. Hindi ba siya nahihilo?

"Please?" Last na 'to! Pag-iling pa rin ang sinagot niya naku.. Bahala na si Batman! Basta aakyat ako, bukas ko na lang paasikaso kay Mommy ang Blotter report pagnagka-ganun.

Matagal siyang hindi sumagot. Tumingin muna siya kay Julia. Hindi ako Lumingon para tignan kung ano ang senesenyas nila but at the corner of my eye I saw her nodding. So may Ganitohan pala? Kuntsabahan??

Binalik ni Manong Caloy ang tingin niya sakin, this time naka Half Smile siya, pero ang dating sa akin e Evil Smile yun!

"Sige Hijo. Pero sa Limang minuto lang." Limang Minuto?!?!?

Pero kahit na limang minuto lang,  Natuwa naman ako nun. Pero kaysa sa maglundag-lundag ako dun eh gagawin ko na ang dapat kong gawin lalo na nung sinabi niyang nagsisimula na ang oras ko.

Dali-dali akong umakyat sa puno. Hindi naman mahirap kasi dun din ako umaakyat at nagtatago nung naglalaro kami ng taguan nila Kath. At anu pa ang silbi ng pagkakaroon ng tree house kung hindi ako mraunong umakyat ng puno diba?  Nasa itaas na ako. At I can see that fruit Kath’s talking about. Inistretch ko na yung kamay ko para makuha ko na yung manga pero feeling ko parang may nagyuyugyug. At pagtingin ko nga sa baba.

"Julia! ikaw pagnahulog ako dito!"

Tawa lang ng tawa si Julia at si Manong Guard. Kahit na pala babayaran ko na lang yung guard kanina e talo ako.  Tinry ko ulit na kunin ang Manga. Dangkal na lang ang layo nun sa kamay ko. Konting-konti na lang tapos  ko na ang first task ko, pero..

"Araaaay!!! Julia naman!!! Pag hindi ka tumigil diyan hinding hindi ko talaga gagawin yung date-date!! " Tinamaan ako ng bato na kanina pa pabalik-balik sa harapan ko.

Tawa parin siya ng tawa. Nainis na ako. Dalwang beses na niyang natamaan ang kamay ko. Alam ko sinasadya niya pero 5 minutes lang yung binigay ni kuya guard at may 1 minute at 30 seconds na lang ako. Inistretch ko ang kamay ko. Bakit kasi dito nila naisipan ilagay itong manggang to!

At ayun Nakuha ko rin. At dahil nagcount down na sila sa ibaba, tinalon ko na ang mag-to-two meters na taas ng punong yun. Napansin kong mahapdi ang braso ko pagtingin ko may sugat na pala ako.. first task pa to pero tignan mo naman!

"Ano DJ? Kaya pa??" sabay tapik-tapik sakin ni Julia.

"Oo naman! ako pa?!" Tinignan ko ang hawak-hawak kong Manga at papel. Bubuksan ko sana kaso, pinigilan naman ako ni Julia.

"O. keep that letter. nasa loob niyang ang questions. Si Kath Mismo ang magtatanong."

"Okay. so anong next?"

"Puntahan mo sa kabilang gate si Kiray, Gate 2. nasa kanya ang next."

"Thanks!"

Tinakbo ko na ang kahabaan ng Park. Narinig ko pang nag-Good Luck si Julia sakin. Good Luck talaga. Amazing race nga talaga ito. Malayo pa lang ako nakita ko na si Kiray nakatingin sakin na papalapit sa kanya. Kung pahirapan yung kakulitan ni Julia kanina. Mas pahirapan pa tong si Kiray ngayon.

Wala ng Salita inabot ni Kiray ang isang papel. 

"Napipi lang?? ba't hindi ka nagsasalita?" Inirapan niya ako. Oo nga pala. Nagtatampo nga pala siya sakin. Ang OA naman nitong mga babae. Bahala nga siya.

Kinuha ko ang papel saka ko binasa.

"I am White as cream, and soft as cotton. Ano ako? - Ang dali naman nito." Biro ko lang naman yun. Paghahambog ko. Walang laman ang utak ko, paano ko malalaman kung ano to?

"Eh di tapusin mo na. Madali lang pala." Akala ko ba napipi to?

"Tulungan mo ako Kiray, hindi ko naman saan to hahanapin eh." Lambing ko sa kanya. Sana lang no makuha siya sa pakiusapan. "Paano na lang yung mga pinagsamahan natin, yung nakaraan natin at pag-cha-chansing mo diba?? di na mauulit." natatawa naman ako dun.

Tiningnan niya ako ng masama, sinuklian ko naman siya ng ubod tamis kong ngiti. Natawa lang siya. Pagpapa-cute lang naman pala ang kulang dito eh. Kumbaga kay Albie "Charms lang yan!"

"O sige. pero atin-atin lang ito." Yan naman pala eh!

"Okay! so saan?"

Kita mo yung nagtitinda ng Ice Cream?" turo niya sa nagtitinda ng Dirty Ice cream. Tumango lang ako. "Ang pagkakaalam ko diyan nila nilagay sa lagayan ng Cone ang All-Purpose Cream." All purpose cream? anu naman yun??

Nagkatinginan kami ni Kiray saka namin napag-usapan ang plano.

***************

Tulad ng napag-usapan kukunin ni Kiray ang atensyon ni Manong at Magkukunwaring pinapatawag ni Kath. Ako naman e sasalisi habang wala si manong at kukunin ang cream na yun at ang isa pang tanong. 

Nakalayo na sila Kiray at sumenyas siya na okay na. Habang palapit ako nang palapit sa cart ako yung kinakabahan, baka ano pang sabihin ng mga tao dito, na nagnanakaw ako ng ice ceam. Pero bahala na talaga. Nagkabali-bali pa yung mga cones dun kasi naman hindi ko alam na binaon pala nila ng todo ang cream na yun. At sa hinaba-haba ng paghahalungkay ko dun nakuha ko rin at pumwesto na ako ng upo sa bench na kinauupoan namin kanina ni Kiray.

Napaisip tuloy ako. Birthday ko ba talaga? Bakit parang ako yung naghahanap ng way para makuha ko yung party? Hindi ko gusto itong plano ni Kath. Napatingin naman ako sa Braso ko na kanina ay may sugat.

Haay.. Ang kalokohan talaga ng babaeng yan.

20 minutes na hindi pa rin dumadating si Kiray para sa next Clue. Saan na ba yun??

"HOY DJ!"

"AY KABAYO!!!" Napatalon naman ako sa sobrang gulat ko. Kamuntikan na ngang mahulog ang Manga at All-purpose Cream.

Napalingon naman ako sa bandang likod ko, si Ej at Diego pala.

"Ano? Hinahanap mo si Kiray?" si Diego, sabay upo sa tabi ko.

"Para sa next Clue?" si EJ.. at talagang napapilit ni Kath na sumali sa kalokohan niya itong si EJ ah. Eh ang tino-tino nito. Tapos humarap sakin.

"Ah.. eh.. Oo eh. Nakita niyo ba??"  Nakatingala ako kay Ej nun. Ang sakit nga sa leeg eh.

"Si Kiray? Umalis na!"

"ANO????????" Umalis na? Paano yung susunod na Clue? So meaning wala ng Birthday? EVER??? Ang daya naman nila. NAlungkot naman ako nun. Sayang naman, First time kasi na magplano ng surprise party si Kath tapos dahil sa kapalpakan ko masisira pa. "Sayang naman." Bulong ko. Gusto kong magdabog nung mga oras na yun. Grabe, matapos ang lahat ng pagod, galos at kamuntikan na akong mamatay-matay sa kotseng yun mauuwi lang pala sa lahat. Nalungkot naman ako. "Sayang talaga" Bulong ko ulit sa sarili ko.

"Ano ka ba naman pare. Kaya nga kami nandito eh.."

"What do you mean?"

"Umalis kasi si Kiray para magreport kay kath na tapos mo na nag 2nd task at bago siya umalis pinaki-usapan niya kami na ibigay ang susunod mong kukunin without you doing the task kasi naawa na siya sayo. First task pa lang pinahirapan ka na ni Julia Babe ko."

"Ang landi mo Diego! Asa ka naman diyan kay Julia bebe mo." Binatukan ko nga. "Magising ka na lang sa katotohanan na si Paolo talaga ang gusto niya."

"Ang sakit mo naman magsalita bro!" sabay pagda-drama niya. Nakakatawa talaga itong si Diego. Inlove na inlove kasi kay Julia eh. Parang ako lang kay Kath.

Nag-asaran pa kami tungkol sa nafefeel niya kay Julia. Nakalimutan ata namin na may kasama pa kami. Oo nga pala nandiyan pa si EJ. Hindi kasi namin siya Close  kahit na naging Kalaro namin siya nila Albie Minsan. Ooops! nakalimutan ko yatang itanong.

"Ano nga pala ang alam niyo tungkol sa tasks na kalokohan niyang si Kath??"

"Kami yung 2nd to the last na gagawan mo ng task." pa-simpleng sagot ni EJ.

"At dahil kaibigan ka namin at tama nga si Kiray na medyo marami ka ng galos, ibibigay na lang namin ito sayo, basta lang wag mong sabihin kay Kath kasi Kami ang malalagot." sabay abot ng Nakasupot na kung ano.

Tignan mo naman ang kapalaran. Umaayon sa akin lahat ng Good Vibes pagkasama ko sina Kiray. Ito lang kasing si Julia ang Hirap pakiusapan. Binuksan ko na yung nakasupot. Dun naman ako nagtaka sa laman.

"Graham's??" Nagbibiro ba si Kath?? Bakit puro pagkain pinapakuha niya kung saan-saan? Ang takaw talaga ng babaeng yun!

"Oo!" at nagsabay pa talaga sila.

"Bakit ito??"

"Tanungin mo na lang yung si Kath!" sabi ni EJ.

"Halika na at naghihinaty na sila sa atinsa bahay niyo." sabay hila saakin ni Diego.

Bahay namin? Anung ginagawa nila dun eh ang Kalat? Bakit ba nandun sila? Hindi ba.. Hindi ba nandun na ako kanina? pinalabas lang talaga ako nila sa bahay para sa kalokohang ito para makapaghanda sila? Sana sinabi nila para naman hindi na ako nagpakahirap dito. Sana naman no? Birthday ko kaya tapos binigyan nila ako ng galos, pinagulo pa nila ang utak ko. Tapos masasaktan pa ako..

Siguro nga way rin to ni Kath para naman hindi ako masyadong masaktan, kaya ginawa niya ito para ma-divert yung attention ko. Oo. Baka yun yun.  Baka gusto niya eenjoy ko yung araw na nakatuon pa ang attensyon niya sa akin at sa birthday ko, para mamaya pagtapos na ang lahat ay masolo na siya ni Albie.

Nalungkot naman ako. Baka huling araw na ito na makuha ko ang attensyon niya. Bukas, baka wala na. Sa makalawa baka maski pakikipagkumustahan wala na. Baka sa susunod na linggo maski "Hi" hindi na niya magawa. Susulitin ko na lang ito.

"So andito na tayo." si EJ.

Sa kaka-emote ko hindi ko namalayan na nasa harapan na pala kami ng Bahay namin. Iba talaga ang Tama nitong Kath na ito sa akin.

Ni-hindi ko man lang namalayan na umalis na sila. Wala pa rin ako sa sarili.

[*beeeeeeeeeeeeeeeeep-beeeeeeeeeeeeeeeeeeep-beeeeeeeeeeeeeeeeeep*]

Nagulat naman ako. Kung maka-busina naman to parang dadaan sa sidewalk eh. Nilingon ko naman ang kotse. Eto na naman itong kotse na ito eh. Huminto siya sa harap ko, This time parang namilog naman ang mata ko ng bumaba ang babaeng sakay nun. Kulot na kulot ang buhok, naka sleeveless at naka visor.

"Hi DJ! HAPPY BIRTHDAY!" wala akong imik.

"O? Nakatulala ka jan? Sobrang ganda ko na ba?"

Tiningnan ko siya sa mula ulo.. "Oo. Maganda ka. Sobra." pero nadisappoint naman ako ng bumaba ang mata ko.

"at maiksi..."

====================================================================

Please comment and Vote po. Tomorrow na lang ang next Update. :)

Continue Reading