The Nerd's Revenge (Comeback)

By ArtisticallyWeird

118K 3.3K 237

Isang hamak na nerd lamang si Scarlet Lee. Tanging libro at pag aaral lang ang nasa isip niya. Ngunit dahil s... More

The Nerd's Revenge
Chapter One[I'm Scarlet!^3^]
Chapter Two[Surprise!]
Chapter Three[Embarrased O/////O]
Chapter Four[Oopsy!!!]
Chapter Five [Severe Punishment!]
Author's NOTE!!!^O^
Chapter Six [He's Back!]
Chapter Seven[Inside Kyle's Mind]
Chapter Eight[My Knight in Shining....Boxers?!?!]
Chapter Nine[The One Who Really Care]
Chapter Ten[The Letter]
Chapter Eleven[The Real Intention]
Chapter Twelve[Childhood Memories](Part 1)
Chapter Thirteen[The Necklace](C.M.Part 2)
Chapter Fourteen[Ecckk???]
Chapter Fifteen[STALKER?!]
Chapter Sixteen[Boy Talk] *Part 1
Chapter 17 [ Boy Talk Part 2]
Chapter 19 [Third Wheel?]

Chapter 18 [ What is Love?]

1.3K 45 1
By ArtisticallyWeird

A/N: Happy 79.4 K reads! Konting push na lang! This chapter is a bit special kaya na-excite ako at inupdate ko agad. Enjoy!



Chapter 18 [ What is love? ]


SCARLET'S POV


" So...what's the plan for our presentation? " tanong ni Clodet. Partner kasi kami sa presentation para sa English subject namin. Kailangan naming pumili ng isang famous poem at bigyan ng interpretation. Nagulat nga ako kasi ang agad yung nilapitan niya samantalang maraming may gusto sa kanya.


"Kailangan muna natin makahanap ng poem pero feel ko mas okay kung inspirational" tumango siya sa sinabi ko ngunit tila ba may ibang nasa isip niya.


"I guess that's a good idea but don't you think na it's much better if the poem is about love?" napahinto ako sa paglalakad noong sinabi niya yon. Tumigil din si Clodet at nilingon at ako.


" Why? Do you think it is a bad idea?" tanong niya sa akin. She's giving me this worried and sad face of her.


Well, okay naman kasi ang love pero I don't think makakapagbigay ako ng maayos na intepretation. Siguro I can explain it logically but not emotionally.


"Okay lang pero kasi uhm... di ko pa na experience ang ma-fall in love eh. Baka di ko maexplain ng maayos" napakamot ako ng batok pagkatapos ay tinulak ang eye glasses na suot ko dahil nalalaglag ito.


Napa-cross arms si Clodet at medyo nakatagilid ang kanyang ulo. It like she's surprised. Mabagal itong umiiling habang nakangisi at parang nagpipigil ng tawa.


"May mali ba akong sinabi?" tanong ko. Lumapit siya ng konti sa kinakatayuan ko.


"You know Scarlet, all of us experienced love. We may not notice it but we're always in love. There are different kinds of it, hindi lamg natin alam na we give at receive love" hindi pa rin naalis ang ngiti sa labi niya. " You're in love Scarlet. Sa family, friends, books and everything. Pati na rin yung kay Charles! You like him right? That...is LOVE"


Nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya? Love and Charles? Ano yon? Is it considered love if you like someone? Hala.


"Hala! Di ako in love kay Charles" marahas akong umiling para ipakita na hindi talaga ako in love. Hindi na napigilan ni Clodet ang tawa niya.


"Why so defensive, girl? Hindi pa ba obvious?" natatawang niyang sabi. In love na ba ako kay Charles? Ano ba ang basehan ng love? Wala talaga akong idea. Nababasa ko lang to sa mga novels na binabasa ko.


Sabi nila kapag in love ka, yung taong gusto mo lang ang makikita mo at wala ng iba. Parang bang bumabagal ang oras kapag kasama mo siya at bawat detalye ng galaw niya ay tumatatak sa isip mo. Pati na rin yung simpleng bagay na ginawa niya para sa'yo ay nagiging espesyal. Madalas mami-miss mo siya at naalala mo bigla dahil sa mga nakapaligid sa'yo. Tapos yung puso mo ay titibok ng mabilis kapag nandyan siya. You're in love when every part of him is perfect even if it he's imperfect. That's love, I guess? Pero so far wala pa akong nararamdaman na ganyan. Kahit kay Charles wala...siguro.


" Yung kay Charles, it is just attraction or admiration. Yun lang yon." Nakatungo ako habang nakatingin sa lapag at sa sapatos ko. Biglang may brasong umakbay sa akin at napatingala ako ng konti kay Clodet kasi mas matangkad siya nang kaunti.


"I hope that attraction of yours goes beyond everything in this world" nakangiti niyang sabi. Hindi nagprocess lahat ng sinabi niya sa akin. Bakit ganoon? This is confusing.


"Tara na nga! Marami pa tayong gagawin" sabay alis ni Clodet at humiwalay na sa pagkakaabay sa akin. Naglakad na siya ngunit nung napansin niya na di ako nakasunod ay lumingon siya.


" Come on, Scarlet. Don't think too much... just let the feelings come. Definitely you will know what I mean"



****


Balak naming pumunta sa mall para makabili ng mga materials para sa visual aids namin. Naglalakad na kami palabas ng gate nang mapadaan kami sa gym. Nakabukas ang ilaw at maririnig mo ang ingay ng mga sapatos at tilian ng mga nanunuod. May laro siguro or training ang mga varsity ng basketball. Hinatak bigla ako ni Clodet kaya nagulat ako.


"Tara let's watch the game! Mukhang maganda yung laban" aniya. Sports is my greatest enemy... just kidding. I know lampa ako lalo na't mas gusto kong humawak ng libro at pen kaysa sa bola. Most of the 'nerds' (very weird when I'm saying it lol) are more into brains than brawns. But some can balance both but unfortunately I'm in the classic type of nerds.


Umiling ako at nakita kong bumagsak ang balikat niya. Naging malungkot ang aura niya at parang natalo. Ghad. I can't take this anymore. Wala naman sigurong mali kung ita-try kong sumilip.


"Fine! Basta saglit lang!" umaliwalas agad ang mukha ni Clodet at hindi niya mapigilang ngumiti kasabay ng pagpalakpak.


"OMG! Promise saglit lang to and I'm sure you'll like it!" Hinatak niya na ako at sumunod na lang sa kanya. Marami rami rin ang mga estudyante na nanonood sa court. Mostly mga babae at tila mga fans ng mga player. May nahanap na pwesto si Clodet at tumayo na kami doon.


Dikit ang laban 71-73. Lamang ang kalaban ng varsity ng school namin at ilang segundo na lang ang natitira. Ayoko sanang manood pero noong inangat ko ang tingin ko ay natigilan ako.


He's dribbling the ball like he owns it. Magulo ang buhok niya at may pawis na namumuo sa kanyang noo. He's wearing his signature serious face. Nakatalikod yung lalaki na dumedepensasa kanya kaya di ko maaninagan kung sino. But all I can see is him. All I can see is Charles and nothing else.


Kinakausap niya ang player na nasa harap niya. Malamig ang tingin nito. Mayamaya ay tumagos ang tingin ni Charles... And he's looking in my direction. He's staring at me. I can feel him even if he's way too far from me.


Nakakabingi. Nakakabingi hindi ang sigawan ng mga tao o kaya naman ang ingay mula sa mga sapatos ng manlalaro. My heart is beating like crazy. Bakit ganoon ang kalabog non? Why?


Nakatingin pa rin si Charles sa akin . Para bang bumagal ang oras at pakiramdan ko ay kaming dalawa na lang ang nakatayo dito. Naalala ko na lamang ang kalaban nila.



' Please win this, Charles'



Tila ba nabasa ni Charles kung ano ang nasa isip ko. Umangat ang gilid ng labi niya. He's smiled and that kind of smile... is genuine. Marahan siyang tumango sa akin.


Ilang segundo na lang. Pumorma na siya para mag shoot pero bago niya pa bitawan ito ay tumingin pa siya sa akin at ngumiti. Nakita ko ang paggalaw ng labi niya tila ba may binulong siya.


' For her...' he mouthed.


Then he released the ball. Hindi ko na alam kung ano ag nangyari basta nagsigawan na ang lahat ng tao. Lumapit ang teammates niya sa kanya at inakbayan siya ng mga ito. Madami na ang lumapit sa kanya, kasama na rin to ang mga babae. Napayuko na lang ako.


What am I thinking? Ano ba ito? Naguguluhan na ako. Scarlet, use your brain!


Marahan kong sinilip ang kinakatayuan ni Charles kanina. Marami pa ring nakapalibot sa kanya ngunit... nanatili ang tingin niya sa akin. Ngumiti siya at hindi ko namalayan na nakangiti na rin ako sa kanya.




Is this the feeling they called...love?


****


Sorry if this chapter is a bit short! Na excite lang talaga na i-post to! 


Btw. After kong basahin yung comment box may nagtatanong if where's the 'revenge' part? I know guys na you've been patient pero please po I don't want to ruin my storyline para po makita niyo yung revenge part. I'm trying my best and I hope you'll understand my reason. 


I would like to thank those people na patuloy na naghihintay at binabasa ang story ko. And sana keep the love coming. :)

May bago din akong story, and I hope na  magugustuhan niyo din ito. It is way different from TNR kasi medyo mature na ( parang ako hahajk) Sana i-support niyo din.


Alone With You (Rigguero Series #1)  -> https://www.wattpad.com/story/92058236-alone-with-you


Vote. Comment. Follow.


Ciao!


-feliciart xxx

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...