ELF

By Imcrazyyouknow

3.6K 112 11

Boring, Nerd at kung ano ano pa ang pang-aasar na binabato kay Jacob ngunit para sa kanya, iniiwasan na lang... More

P R O L O G U E
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
E P I LO G U E
Elaine's POV

Chapter 6

115 5 0
By Imcrazyyouknow

Chapter 6

Nang matapos ang klase namin ay nagkayayaan na nga na pumunta kami doon sa sinasabi nila Peter at Grace na food stand which is street foods daw ang mga nandoon. Tutal Lunch time na rin naman at uwian na nga. Wala rin naman akong gagawin sa bahay kundi magbabasa lang edi sasama na rin ako sa kanila. Kung 'yon ang way para maging socialize person na rin ako at mag-iba ang turing nila sa akin.

            Ayoko na kasing magpa-api. Sawang sawa na ako na lagi ako na lang 'yong kinukumpulan ng pangungutya at pang-aasar kaya ngayon, babawi ako sa mga ginawa nila sa akin. Hindi man sa pisikal kundi ipapakita ko sa kanila kung paano umunlad ang isang kagaya ko. Kaya kahit ganito pa ako, kailangan ko na talagang mag-adust na makihalo kung anong ginagawa nila. Gaya nga ng sabi ko, hindi ako active sa kung anong mga bagay kaya ngayon, gagawin ko 'yong mga bagay na minsan hindi ko man lang nagawa.

            Kailangan ko ring i-improve ang self-comfidence ko sa sarili ko na kahit 0.0001 lang ang madevelop ko bawat araw ay ayos na sa akin 'yon atleast nagagawa ko.

            "Ano, Jacob? Tatayo ka lang diyan?" pambabara sa akin ni Grace.

            Umiling naman ako sa kanya at sumunod na rin sa kanila sa paglalakad. Medyo nahihiya pa rin ako sa kanila dahil hindi pa naman gano'n kami kasyadong close pero I know naman kapag nakasayanan ko na sila ay hindi na gano'n. Nahuhuli ako sa kanilang tatlo na nauna nang naglalakad sa akin.

            "Hoy! Ang bagal mo." Erika glared at me.

            "B-bakit naman?" utal ko pang sabi sa kanya.

            "Dalian mo kaya, ang baga bagal mo maglakad."

            Napakamot naman ako sa batok ko, "pasensya naman."

            At binilisan ko naman ang lakad ko hanggat sa makasabay ko na silang tatlo sa paglalakad. Kakaiba ang feeling. Hindi ako sanay. Noon nakikita nila ako na walang kasama, ika nga loner nga ako, boring at walang ka-sense of humor pero lahat nang 'yon natatago lang kasi ayokong makisalamuha. Nangingibabaw ang hiya at takot na baka ipahiya rin nila at pagtripan. Maraming nabubuong konklusyon sa utak ko. Lahat 'yon hindi naman nagkakamali. At ngayon na tinatawag nila akong kaibigan, hindi ko alam kung anong mangyayari.

            Dahil dati, ang pokus ko lamang ay ang pag-aaral at pagbabasa ng mga libro pero ngayon na kasa-kasama ko na sila. Mas magkakaroon kaya ng pagbabago ang daily routine ko?

            Nang makarating naman kami doon sa sinasabi nilang foods stand ay hindi nga ako nagkamali dahil puro food streets nga ang mga binebenta dito. Napalunok laway naman ako dahil sa nakita ko. Kung mag-iikot ka pa ay may makikita kang may mga karinderya and such na akala mo may fiesta dito kasi may mga estudyante rin na dumadayo.

            "Tara! Doon tayo kila tita!" sabi ni Grace.

            Hinigit naman ni Grace si Peter at hinigit naman ni Peter si Erika at hinigit naman ni Erika ay ako. Ayon, naghilain kami papunta doon sa tinutukoy na kila tita daw niya.

            Maya-maya din naman ay narating na namin 'yon at una ko agad napansin na isa 'tong street foods din, fish balls, kikiam, cheese sticks at may buy one take one pang burger.

            Nag-unahan naman silang tatlo doon sa isang table na may four seats pero ako nakatanga lang sa kanila at pinapanood ko silang nagtatawanan pero natigil ang halakhakan nila at napatingin sa akin.

            Tinaasan ko naman sila ng kilay ko na may halong pagtataka.

            "B-bakit?"

            Saka muli silang nagtinginan at nagtawanan. Napangiwi na lang ako sa tawanan nilang 'yon. Hindi ko alam kung inaasar ba nila ako at pinagti-tripan. Wala akong idea kung bakit sila tumatawa.

            "S-sige, uuwi na lang ako!"

            "Jacob!" sigaw ni Grace.

            Napalingon naman ulit ako sa kanila, "bakit? Uuwi na ako." Ngiti ko pa.

            Bigla namang tumayo si Erika at kinuha ang braso ko at hinigit niya ako sa silya na pula doon. Kunot noo at may halong pagtataka lang ang bumabalot sa akin ngayon. Hindi ko sila ma-gets, hindi rin naman ako maka-angal dahil papabalik-balikin nila ako.

            "Bakit ka ba uuwi?" tanong ni Peter sa akin na may halong pagtataray ang boses nito.

            "Oo nga? Sumama ka tapos uuwi ka?"

            "Guys, easy lang!" awat ni Erika. "Oo nga, bakit ka uuwi?" dagdag pa nito.

            Napabuntong hininga naman ako at napayuko, "tinatawanan niyo kasi ako."

            At nabalot naman ng katahimikan ang paligid ng naming tatlo at nabali lang 'yon ng dumating ang tita ni Grace at kinuha ang mga bibilhin namin at bayad. Wala na ring nagsalita pagkatapos umalis ng tita niya. Natameme ang lahat. Tama naman kasi eh, hindi ako naging komportable kasi pinagtatawanan nila ako. Hindi ko makuha kung anong humor ang meron doon. Sinasabi nilang parang hindi ako tao kasi hindi daw ako marunong umintindi ng joke o kung ano man, pero ano ngayon, kung mabagal din akong makakuha ng joke.

            Sorry kung slow. I'm still on the process of being a socialize person in short, nag-aadjust pa ako.

            "Hindi ka naman namin tinatawanan." Sabi ni Grace na nakanguso pa.

            "Yah right, hindi mo ba gets? Unahan?"

            Umiling ako, "ha?"

            Tinapik naman ni Erika ang balikat ko, "Jacob, hindi mo pa rin ba gets?"

            "Hindi, ano ba 'yon?" taka kong tanong pa sa kanila.

            "Slooooow." Namilog pa ang bibig ni Peter sa sinabi niya.

            Wala pa rin akong alam sa sinasabi nila. Clueless pa rin ako. Hanggat sa dumating na rin 'yong mga binili naming cheese sticks. Mga pagkagat lang ang maririnig nila sa akin sa buong oras na 'yon dahil silang tatlo ay akala mo mga mag-bestfriends na pero ako itong OP sa kanila. Nauna kong ubusin ang pagkain ko kaysa sa kanila hanggat sa hindi na nila ako mapansin at nalingat na sila sa akin ay umalis na ako.

            Hindi nila ako napansin eh kaya binilisan ko na lang din ang paglalakad ko.

            Nakaka-op o out of place sa kanilang tatlo dahil parang hindi naman ako belong sa kanila. Tutal niyaya lang din naman ako nila kaya aalis na lang din ako. Okay lang kahit hanapin nila, hindi naman nila ako kailangan eh. Hindi nga nila kailangan ng tawa ko kaya, hindi na kailangan.

            Habang naglalakad ako pauwi ay nakasalubong ko ang dalawang—hindi naman sa kinaiisan pero papunta na doon. Hindi ko lang gusto kung paano trumato ang katulad ni Elaine sa kagaya ko. Akala niya perpekto siya. Gaya gaya lang naman. In short wala siyang originality pero mas pinili ko na lang na hindi siya pakelaman pero kapag sobra sobra na 'yong ginagawa niya sa akin. I will make a move na kailangan niyang magpakababa dahil hindi lagi siya ang nasa itaas.

            "Look whose here." Ngisi pa ni Elaine pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa dumaan ako sa harapan nila. "Stop." Aniya at hinawakan ang braso ko.

            Natigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya pero nabigla kaagad ako sa ginawa niya sa akin. Isinapok niya sa akin ang kinakain niyang ice cream. Napansin ko rin naman na nagulat si Sarah sa ginawa nang malditang kaibigan nito sa akin. Natulala na lang din ako habang dumadaloy na ito sa katawan ko. Sobrang lagkit.

            "Elaine, ano bang ginagawa mo?!" inis na sabi ni Sarah at hinila na lang nito si Elaine palayo sa akin.

            Hindi ko talaga ma-gets kung anong point ni Elaine kung bakit siya gano'n. Pinunasan ko na lang ng panyo ko ang dibdib ko kung saan niya ito sinapok. Kung maghaharapa muli kami, hindi ko na papalampasin ang ginawa niya sa akin. Masyado na siyang OA. Nabangga lang, nag-sorry na, ilang buwan na ang nakalipas pero wala eh, may pride ata.

            Nang makauwi naman ako sa bahay ay agad akong nagbanlaw para maalis 'yong lagkit sa katawan ko. Tinitimpian ko na lang din 'yon si Elaine dahil babae siya pero kung paulit-ulit naman niya 'yong gagawin. Sumosobra na ata siya at tinatapakan na ang pagkatao o kung ang iba nga noon ay minsan ko lang din makasalamuha pero siya, ilang beses na, gano'n pa rin ang ginagawa niya sa akin.

            Nang matapos naman akong maligo ay tumungo ako sa kwarto ko at binuksan ko ang facebook ko at bumungad naman sa akin ang friend request ng isa kong kaklase kung hindi ako nagkakamali.

          Friend Requests

          Rosefe Aguilar

2 Mutual Friends

Confirm || Delete Request

            Agad ko naman itong Ina-accept.

            Hindi ko rin namalayan na nagkakaroon na rin pala ako ng friends na hindi ko relatives. Nagsimula kay Erika, binago niya ang pananaw ko sa mundo ng kaibigan at alam mo kung anong na-realize ko sa mga sinabi niya sa akin.

            Hindi ko kakayaning mang-isa, kahit nandiyan ang pamilya mo. Kailangan mo pa rin ng mga kaibigan na masasandalan pero 'yon nga, hindi pa ako sanay dahil nagsisimula pa lang ako makisalamuha sa kanila. I don't know what is friends for, kaya nakiki-go with flow na lang ako dahil wala akong idea sa kaibigan na 'yan.

            Kung magkaroon ka man daw ng problema at nandiyan naman daw ang pamilya mo maghahanap at maghahanap ka pa rin ng kaibigan na masasandalan, na mapagsasabihan ng mga problema at sa huli tatawanan niyo na lang ito.

            Hindi ko pa nararanasan ang lahat nang iyon.

            Kung ngayon na tatlo na ang medyo kilala ko, matatawag ko na silang kaibigan kung ang gano'n din naman ang turing nila sa akin?

            "Kaibigan?" sambit ko. "ELF?" aniko. Napangiti na lang ako nang sabihin ko ang mga 'yon, mapapatunayan na lang talaga ang tatag ng pagkakain kung tatagal ito at walang halo ng kaplastikan.

            Friends are forever, whoever may did something wrong and others can't take it, everyone will argue about something that they can't really pass on, so if that happens, friends will end. Just like that.

            There is no forever, if you didn't believe in power of friendship and love.

Continue Reading

You'll Also Like

201K 7K 22
When love broke the triplets code ... Robin was left in the dark, in rage, in fire. He become Ren Romualdez's prodigal son, hindi kagaya ng kanyang m...
4.2M 82.7K 43
Barkada Babies Series #1 This is published under PHR. Visit their online store to get a copy of the ebook version. Price: 142php ------ Hanggang sa...
304K 14.2K 26
Sixteen years ago, the old man of the Ferrer de Sandoval clan made a pact with the devil. It's in blood. It's the truce that ended a century-old fami...
609K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...