Forbidden Escapade

By Louisian10

80.3K 917 70

Rules and Regulations Implementing the Anti-sexual Harassment act of 1998 in Saint Laurent University, Part 1... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Author's Note
EXTRA

Chapter 8

2.5K 34 7
By Louisian10

Half day lang ang klase ko tuwing Tuesday at Thursday kaya mabilis na natapos ang Martes ko dahil wala man lang pumasok ni isang professor. Pinauna ko nang umuwi ang mga kaibigan ko dahil pupunta pa ako sa Dean's Office.

Pagpasok ko sa klase ko kahapon ay medyo lutang ang isip ko kaya di ko napansin ang prof na nagpapakilala sa harapan. Ni hindi ko man lang narinig ang mga sinasabi niya kung kaya n'ung nagpauwi na siya ay nanatili pa rin akong nakaupo doon. Mabuti na lang at sinita ako ng mga kaibigan ko. N'ung tinanong nila kung bakit ako tulala ay 'di ko sila nasagot ng maayos.

Sinubukan kong tawagan si kuya Ivan para tanungin siya sa katauhan nang kaibigan niya pero naka-off ang phone niya.

Kung kailan siya kailangan tsaka niya naisipang hindi magparamdam.

Hanggang pag-uwi ko ay sabaw ang utak ko.

Kung si sir Kaiser ay si Kaiser ibig sabihin nun ay nakasama ko na siya, nakausap, nakakuwentuhan, at nakakulitan na din? Nayakap ko din pala siya bago sila umalis. Ugh! Ang awkward.

That's not good. Hindi ko pwedeng maging guro ko ang first love ko. I should reschedule my subject under him. Tomorrow, after my class. I'll ask for rescheduling.

Kaya heto ako ngayong Tuesday afternoon sa Dean's Office asking for a reschedule of my Hydraulics subject. Hindi alam nang mga kaibigan ko ang plano kong ito at wala akong balak sabihin muna sa kanila dahil ayoko pang ikwento si Kaiser sa kanila.

"Ms. Castil why would you like to reschedule your subject?" Our school dean asked.

"Ma'am it will cause conflict to my part-time job at the school library," pagsisinungaling ko.

Sana pumayag siya. Sana pumayag siya.

"I'll check if there are still available slots in other classes," she stated before typing something in the computer at her front.

Wew. Buti 'di niya chineck yung record ko. Ni hindi man lang siya nagtaka.

Sorry ma'am. Gagalingan ko na lang po sa board exams.

"There are two more slots available for the lecture. One is Monday-Wednesday-Friday afternoon, the other is Tuesday-Thursday-Saturday afternoon. While there is only one slot for the laboratory, Tuesday afternoon. All are under Engr. Kaiser Antonio."

I am doomed. Really doomed.

"What schedule do you prefer?" she asked me expectantly.

Ma'am wala po. Wala bang hindi under sa kaniya? Ma'am why do you this to me? Ma'am hustisya naman po. Paano na lang po yung mga ayaw sa kaniya? Wala po bang ibang choice ang minority kundi magpalipat pero under sa kaniya din lang?

"Ma'am I'll think about it first. There's still a conflict in the said slots," I politely answered.

"Okay. Just inform me if you've made your decision this week. Rescheduling won't be allowed next week onward," she stated.

"Yes ma'am. Thank you ma'am and sorry for the disturbance." I got up from my seat and started making my way to the door.

Naku naman! Napakasamang pangitain naman nito. 'Di siguro magiging maganda ang sem na ito para sa akin.

Pero bakit 'di ko magawang mainis nang sobra sa nangyayari. Medyo natutuwa pa ako na makikita ko si Kaiser thrice a week. Hay. Bahala na. I'll just go with the flow.

Umuwi ako sa bahay para libangin ang sarili ko sa ibang bagay at hindi ako ma-stuck kakaisip kay sir.

Damn. Calling him 'sir' sounds so alien for me.

Ikalawang araw pa lang nang pasukan pero heto ako, tamad na tamad nang pumasok. Ayoko nang makita si sir Kaiser. Pero gusto ko siyang makilala.

Ugh! Ang labo ko.

Kinabukasan ay maaga na akong nagising. Hindi na ako nahuli sa klase at maganda ang pwestong pinili namin. I am starting my day right to have a wonderful semester. Kinakanta ko rin ang 'Good Day' ng DNCE baka swertehin ako ngayon.

Pauso ka na naman Rena.

Baka magbago pa ang ihip ng hangin at hindi na ako makatanggap ng bad omen. Nagdiscuss na din ang prof namin sa first subject kaya naconsume ang class hour. Pagkarating namin sa room para sa Hydraulics subject ay nandoon na si sir Kaiser.

'Di naman halatang excited na talaga siyang magturo ano?

Our class started a moment after the bell rang. N'ong una ay pure discussion lang si sir kaya nababagot na ang karamihan sa mga kaklase ko pero napansin naman agad ni sir iyon kaya nagsabi siya ng mga trivia.

I was too preoccupied staring at him that I became oblivious of my surrounding. While everyone was having the time of their life laughing at a joke he said, I was mindlessly staring at him.

Siya ba talaga si Kaiser? Then why isn't he feeling any remorse at what he did to me? Am I the only one who was falling deep while it was all a game to him?

Naputol ang pagtitig ko sa kaniya n'ung tumingin siya sa akin. His eyes are looking at me expectantly.

Was he asking a question?

I looked away and turned my full attention at the plain painted buildings outside the window.


"Class dismissed," sir declared.

Nagsitayuan na ang lahat samantalang nililigpit ko pa lang ang mga gamit ko na 'di ko din lang naman nagamit dahil 'di naman ako nakikinig.

"Rena tulala ka kanina, may problema ba?" Sheila questioned.

"Wala a. Okay lang ako," I answered with too much enthusiasm.

Lie!

"Okay," Sheila replied but disbelief written on her face.

"Nasaan pala sila Charlene?" tanong ko sa kaniya habang palinga linga sa paligid.

"Pumunta sila sa fifth floor, may kukunin daw d'un."

"Ah okay."

Pumasok na kami sa room namin at umupo sa may bandang likod. Usap-usapan ng mga taong nasa harapan ang mga prof na may itsura daw. Iyon ang bumungad kila Charlene pagkarating nila. Lumipat kami sa ibang upuan dahil ayaw daw ni Maibe sa likod.

"Pinag-uusapan nila si sir Kaiser kanina ano?" tanong ni Maibe.

Tumingin agad ako sa teacher's table dahil baka nand'un na pala si sir at marinig niya ang mga usapan. I sighed in relief n'ung nakita kong wala pa naman siya doon.

"Oo, lantaran pa nilang pinupuri ang 'breath taking' features daw ni sir," sagot ni Sheila.

Matangkad si sir Kaiser. Siguro nasa 6' something ang height niya. Kayumanggi ang balat niya, maganda ang jaw line, matangos ang ilong, manipis ang labi at may nunal siya sa left temple niya-- according sa mga kaklase namin. Maganda ang pangangatawan niya, mukhang pumupunta siya sa gym, maayos siyang manamit at medyo intimidating magsalita.

Rena ikaw na nagdagdag nung nasa huling description.

"Pogi naman si sir pero OA yung description nila. Siguro nadala lang nang sense of humor niya," dagdag ni Hannah.

Guwapo siya. End of discussion.

"Hayaan niyo na. Hanggang daydream lang naman ang magagawa ng mga taga-hanga ni sir," Charlene stated.

"Yeah. Kasi bawal. Hindi pwede. It is forbidden so not gonna happen," I remarked.

The bell rang and sir Kaiser came a short while after it.

"Isulat niyo ang inyong pangalan, kurso at taon, pati na rin ang contact numbers ninyo sa one fourth sheet of paper," he announced.

Naiwan daw kasi niya ang class cards namin kaya 'yun na lang ang attendance record namin ngayong araw.

Dahil laboratory naman namin ngayon, nagbigay siya ng brief description tungkol sa experiment which is fluid properties. Itinuro din niya ang mga hakbang para sa aming gawain. Pagkatapos n'un ay hinayaan niya na kaming gumawa. Ako ang naatasang mag-compute nang aking mga kagrupo.

I did my best to cooperate with my group mates but I always ended up arriving at a wrong answer. Mabuti na lang at may nagrerecheck ng mga sagot namin.

Get a grip of yourself Rena!

Si sir naman ay naglalakad from table to table. Tiningnan niya kung ano ang progress nang bawat dinadaanan niya. Nang malapit na siya sa grupo ko ay sinubukan ko ulit namag-concentrate sa gawain namin.

"Any questions?" sir asked while looking directly at me.

"Sir ano pa pong formula ang pwedeng gamitin maliban sa mga nabanggit ninyo kanina?" tanong nang katabi ko.

Lumapit si sir sa kaniya at nagsimulang magsulat sa binigay na scrap paper ng katabi ko. I am trying to understand his explanations but failed due to the proximity.

How am I supposed to focus on listening to him when he is just beside me?

Ang bango ni sir.

Ugh Rena!

Sa pagitan ko at nang katabi ko nakapwesto si sir habang sumasagot sa tanong ng mga kagrupo ko. Salita siya nang salita kasi naman yung mga kagrupo ko ay tanong ng tanong pero paulit-ulit naman. Napaghahalataang gusto lang magpapansin.

Mga mahaharot na classmates.

Tinapos ko na lang ang naka-assign sa akin. Makalipas ang halos sampung minutong pagsagot ni sir sa mga tanong ng kagrupo ko ay bumalik na siya sa teacher's table at nagbasa ng manual.

Hindi namin naconsume ang three hours alloted for our subject pero 'di kaagad kami pinauwi ni sir. He told us to do some advance reading para sa next experiment. Ilang beses kong nahuli si sir na pasulyap-sulyap sa gawi ko. I wouldn't say that he was stealing glances from me because I cannot prove that.Baka si maharot seatmate ang tinitingnan niya. Napapangiti ako sa t'wing iiwas siya nang tingin. Hell, he looks so adorable doing that.

Sobra sobrang kasiyahan ang naramdaman ko matapos ang tatlong oras sa lab. That was a short taste of hell I should say. 'Yan ang gusto kong sabihin pero 'di ko magawa kasi ang totoo ay nalulungkot ako dahil after two days ko pa ulit makikita si sir.

Nag-lunch kami ng mga kaibigan ko sa labas ng campus dahil mahaba naman ang lunch break namin. Nakabalik kami sa school thirty minutes before our next subject. Wala namang klase sa room namin kaya doon na kami naghintay.

Unti-unting napupuno nang tawanan, kwentuhan at biruan ang room namin dahil malapit nang mag-time. Makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell. Hindi naman natinag ang ingay sa room dahil wala pa rin ang prof namin.

"May isa pa daw na bagong employee ang school natin. Fresh graduate daw at recent board exam passer sa C.E," pagsisimula nang kwento ni Hannah.

Natatawang napailing na lang kami dahil nakasagap na naman ang radar ni Hannah.

"Anong pangalan?" tanong ni Charlene.

"Hindi ko naitanong sa kakilala ko. Safety Management ang subject na tinuturo niya," sagot ni Hannah.

"May prof na tayo sa subject na 'yun di ba? May pumasok n'ung Monday afternoon?" I asked.

"Oo pero substitute lang daw siya," Sheila answered.

"Ah gan'un? Okay," I replied.

Twelve minutes na kaming naghihintay pero walang dumarating na prof. May rule sa school na kapag fifteen minutes na at wala pa ang prof, pwede nang umalis basta one hour lang ang klase, kaya kapag two hours ay kailangang maghintay ng thirty minutes.

"Three minutes na lang," Maibe stated.

Naghahanda nang lumabas ang mga kaklase namin.

"One minute," Hannah mumbled

Handa na kaming lumabas pero may lalaking pumasok.

Hala! si kuyang na-star struck sa 'kin ang magiging guro namin?

Napatingin ang lahat sa kaniya, siya naman ay mukhang walang pakialam. Straight face siyang pumunta sa harap. Natulala ang ibang kaklase ko sa kaniya, mostly ay mga kababaihan. Well, why not? He is a good looking young man. May kaputian ang kulay nang balat niya, nasa 5'10" ang tangkad niya, matangos ang ilong, maganda ang postura, at nakabraces. He looks cute.

Cute? Rena seriously? Nagtitipid ka ngayon sa compliments?

At may braces siya? Hindi ko napansin yun sa shop.

"Good afternoon class. Sorry I am late. Maling room ang napasukan ko," he spoke.

He looked around the classroom and surprise was evident on his face the moment our eyes met.

"I uhm-I will be your instructor in this subject for the whole semester. My name is Silver E. Rafael, a new employee of the C.E. department," he nervously muttered.

Aww, nahihiya pa ata si sir.

Nagtaas nang kamay ang isa naming kaklase.

"Yes?" tanong ni sir sa kaniya.

"Sir may girlfriend ka na po ba?" pacute na tanong ni classmate.

Walang hiyang babae yun, ang landi ha.

Nagulat si sir sa tanong, samantalang nag-aabang ang karamihan sa isasagot ni sir. I'll admit, I am one of those waiting to know his answer.

"I'd rather not discuss my personal life," sir answered in an apologetic tone.

Napa-ay ano ba 'yan ang mga kaklase ko.

Pati kaya ikaw!

I was just curious. If he doesn't want to discuss personal information then I won't force him.

Pero disappointed ka.

I blocked the unwanted thoughts in my mind, then proceeded listening to sir. He was announcing some rules about our future assignments, seat works, and projects.

"Kindly fill up your class cards then write your contact numbers at the back," he instructed us after distributing our class cards.

"Dahil 'di pa ako nakakahanda ng lesson plan because I was just hired yesterday, early dismissal tayo ngayon."

Napasigaw sa tuwa ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni sir.

"If you are done filling up your class card, you may go."

Excited na tumayo ang iba at ibinigay kay sir ang class card nila.

Nang matapos kong sulatan ang akin ay isinumite ko na rin iyon. He was busy typing at his phone kaya hindi niya napansing nakatayo ako sa harapan ng table niya.

"Sir," pagkuha ko sa atensyon niya.

Napaangat siya ng tingin at gulat ang rumehistro sa mukha niya.

"Yes? Ano 'yun?" he tried sounding calm but it ended up breathy and shaky.

Is he really that nervous? Nakakatakot ba ako?

"Ito na po yung class card ko," I replied. Inabot ko sa kaniya ang hawak ko.

"Ah-yea-yes. Okay."

Did he just stuttered?

I looked at him, nawiweirduhan sa kaniya bago lumabas sa room. Hinintay ko sa labas ang mga kaibigan ko na 'di ko maintindihan kung bakit ang tagal sa loob. Pareho ng iba pang kaklase namin. Sinilip ko sila sa window ng pinto at nakitang nagsusulat pa rin sila.

Seriously guys? If I know gusto lang nilang makasama si sir, tsk tsk tsk.

Makalipas ang ilang daang dekada ay nagsimula na silang luumabas.

Sa wakas!

"Bakit ang tagal ninyo?" bungad ko sa kanila pagkalabas nila sa room.

"Nawalan nang tinta yung ballpen ko," sagot ni Sheila.

"Weh? E ikaw Hannah, anong rason mo?"

"Ang guwapo ni sir! May dalawang very fine looking na tayong prof!" impit na tili niya.

Wow, ang honest! Pero akala ko ba 'di niya gan'un kagusto si sir Kaiser?

"Yeah yeah whatever." I stated nonchalanty.

We proceeded to our next classroom para sa Engineering Surveys Field namin and waited there.

Hindi na nakakagulat na si sir Silver ang guro namin sa Field dahil gan'un naman kadalasan. Medyo 'di na awkward magsalita sa harap si sir, nagjojoke na nga rin siya. Pinauwi niya din lang kami kaagad matapos mag-fill up ng class card dahil wala pa naman daw kaming field work. Wala na kaming klase pagkatapos n'un kaya umuwi na kami.

Pagkarating ko sa bahay ay nag-check ako ng social network accounts ko bago nanood. After rewatching a few episodes of 'How to get away with murder' I decided to cook for dinnner.

I did my nightly routines before deciding to go to bed at 11:00 pm. I was drifting to sleep when my phone made a sound. I checked what it was and I was more than shocked at what I saw.

Hi Rena! How are you? :)

It was from Kaiser.




--------------------------------------------------------------------

Hello guys! Thank you for reading :)

Shout out pala sa mga kaibigan kong hinuhulaan ang mga next scenes, 'di ko alam kung matutuwa ba ako sa inyo o hindi. Napapaisip na tuloy ako ng mga scenes na di niyo aakalain hahaha. Ang totoo niyan ay sobrang saya ko nang malaman kong interesado talaga kayo sa story na 'to :)

Sa ibang readers din pala, thank you sa votes and comments niyo. I really appreciate it. Nakaka-motivate ang mga ginagawa niyo kaya sinisipag akong mag-isip (hindi magsulat ha XD). Pati pala sa mga silent readers hahaha (aamin na akong silent reader din ako).

Thank you!

Like this chapter? Vote, comment or be a fan :)

Continue Reading

You'll Also Like

978K 511 7
COPYRIGHTS©ALLRIGHTS RESERVED PLAGIARISM IS CRIME!!
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.2M 17.3K 54
© Jan. 2013 by teafairynoona Highest ranking #1-Sulli
109K 1.1K 20
Samantha Perez is your Typical normal woman. She's beautiful and smart. A man that could ever wished for. Pero sa likod ng magandang mukha at maganda...