ALICE { o n g o i n g ...}

By purpleangel23

841K 12.2K 2K

A girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she c... More

PROLOGUE
Chapter 1: It is still a Once upon a time
Chapter 2 : The Truth
Chapter 3 : Pagtakas
Chapter 4 : NO TRESPASSING
Chapter 5 : Where am I
Chapter 6 : Helping hand
Chapter 7 : What?
Chapter 8 : Dark Spell
Chapter 9 : Sha magic...
Chapter 10 : Metru Nui
Chapter 11 : Waiting for you
Chapter 12 : Omegas
Chapter 13 : Leprechaun
Chapter 14 : Blood
Chapter 15 : Fairies
Chapter 16 : Sphinx
Chapter 17 : Nokama
Chapter 18 : Counting Dance
Chapter 19 : Hurts
Chapter 20 : Dark Cave
Chapter 21 : Morbuzakh
Chapter 22 : Water Sprite
Chapter 23 : Invisible Cloth
Chapter 24 : Nightmare Jar
Chapter 25 : Little Punishment
Chapter 26 : Telepathy
Chapter 27 : Goblin and Dark Raven
Chapter 28 : Crystal Eye
Chapter 29 : Cyclops
Chapter 30 : Sylph
Chapter 31 : Jealous
Chapter 32 : Totema Famfight
Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1
Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2
Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3
Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion
Chapter 37 : Elitist (Grand Witch)
Chapter 38: Shadow Reaper
Chapter 39 : Cerberus
Chapter 40 : Red Mist
Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert
Chapter 42 : Cronos Game 1
Chapter 43 : Cronos Game 2
Chapter 45 : Pegasus Necklace
Chapter 46 : Sanctuary Grave
Chapter 47 : Dim Ghost Ship
Chapter 48 : Nation of Spirits
Chapter 49 : Princess Morbuzakh
Chapter 50 : Gargoyles
Chapter 51 : Trust and Acceptance
Chapter 52 : No Mana Zone
Chapter 53 : Kitty Punch
Chapter 54 : I'm not yet ready
Chapter 55 : Mortal World
Chapter 56 : Steps to Hope
Chapter 57: Steps to Hope I
Chapter 58 : Steps to Hope II
CHAPTER 59 : STEP TO HOPE III

Chapter 44 : Cronos Game 3

10.2K 168 40
By purpleangel23

ALICE P.O.V.

Aakma ng titira si Sachit pero nagulat nalang ako ng may maramdaman akong pwersang nagpatilapon sa kanya.

“Ayos ka lang Alice?” tanong niya at lumapit sa akin.

Tumungo lang ako kay Clyde.

Napansin ko naman ang paglapit ng isa sa aming kagrupo habang tumitira ng water shot sa mga kalaban. “Ano nangyari? Nasaktan ka ba Alice?”

Sa tanong naman ni Prince Azera. Tumayo ako at umiling sa kanya.

Naiiyak ako. Nandito kasi silang dalawa para ipagtanggol at iligtas ako.

Ilang sandali lumapit na din sina Eliot at Luke, nagkumpulan kami sa isang lugar. Habang ang grupong Cootamundra humilera sa aming harapan.

“Wala sa ating mangyayari kung patuloy lang tayo sa pagdepensa sa kanila. Anong plano?” pagtatanong ni Eliot. 

“Sa ngayon wala pa. Basta ipagpatuloy niyo lang ang pagdepensa. Hanggang sa makakuha tayo ng Cronos Element Sphere para sa kanya.” Sumenyas si Clyde paturo kay Prince Azera.

Si Prince Azera lang kasi ang may kakayahang gumamit ng Cronos Sphere sa aming grupo dahil isa siyang wizard. May kakahayan din siyang gumamit ng ibang cronos element sphere pero hindi ganon kalakas katulad ng kanyang nakasanayang elemento.

Samantala kami nila Clyde, Luke at Eliot hindi makakagamit dahil isa silang wolf at vampire. Ako naman… isang MORTAL sa pagkakaalam nila.

“Ako ang bahala. Ako magbabantay sa Cronos Sphere.” Pagprisinta kong sinabi. Yon lang kasi ang magagawa ko para sa kanila. Para sa grupong ‘toh.

Nagpatuloy ang pagdepensa at atake ng mga kagrupo ko laban sa Cootamundra. Sa kasamaang palad nang lumipas na ang limang minuto hindi na namin napigilan ang Cootamundra sa pagkuha ng Cronos Sphere dahil sa desperadong matalo nila kami.

Nakakuha sila ng Cronos Air Sphere na nagpower-up sa dalawang sina Ergo at Nabhith. Akala namin matatalo na kami sa oras na yon pero gumawa sina Luke at Eliot ng paraan.

Gumamit si Eliot ng Eye Illusion para makapunta si Luke sa likod nina Ergo at Nabhith para makagamit ng Backdraft. Isa itong pwersa na hihitak sa kalaban mula sa likod paitaas at malakas na ibabagsak o ibabalibag sa lupa.

Nawala naman sila sa konsitrasyon at napigilan ang atake nina Ergo at Nabhith pero dahil sa lakas na nakuha nilang power-ups nagawa parin nilang matilapon sina Luke at Eliot deretso sa tubig.

Agad na nakatatlong puntos ang Cootamundra dahil sa nangyari sa dalawa naming miyembro pero hindi pa kami nawawalan ng pagasa dahil nakaapak pa kaming tatlo nina Clyde at Prince Azera sa aming field at pwede pa kaming bumawe hanggat hindi pa natatapos ang oras ng laro.

Ngunit sila Luke at Eliot ay hindi na makakalaban at mananatiling nasa labas ng field.

Walang ginawa sina Clyde at Prince Azera kundi depensahan lang ang malalakas na atake ng Cootamundra.

Habang ako nasa kanilang likod.

Pinoprotektahan.

Wala akong magawa kundi magmatyag sa paligid.

Nakakainis! Inis na inis ako.

Una, hindi ako makatulong sa kanila.

Pangalawa, nagmumukhang wala akong kwenta sa grupong ‘toh.

At ang pangatlo, hindi parin kasi lumalabas ang hinihintay namin.

Nakakakuha ng Sphere si Prince Azera pero hindi niya alam kung panong gamitin ito para sa pagatake kaya puro pandepensa lang ang kanyang nagagawa.

Hanggang sa lumabas ang kinatatakutan ko.

Ang Cronos Fire Sphere.

At hindi ito nabigong makita ni Zephyr. Mabilis nagtungo si Zephyr sa kinaroonan ng Cronos Sphere.

“Ang Cronos Sphere!” sigaw ko para maalarma sina Clyde at Prince Azera para pigilan si Zephyr. Kapag nakuha niya ito malaking posibilidad na matalo na kami.

Agad din naman kumilos si Clyde para pigilan si Zephyr pero dahil sa mga kasamahan ni Zephyr hindi nagtagumpay si Clyde sa halip napatilapon siya pabalik sa aming pwesto.

Tumigil sa pagatake ang ibang Cootamundra sa amin. Nagform sila ng triangle at ang nasa pinaka unahan si Zephyr.

“Mukhang lulubusin na nila ang pagpulbos sa kanilang kalaban...” nanlaki mata ko sa sinasabi ng tagapagpahayag. “Gagawin nila ang Dragon Trai! Ito ang pinakahihintay ng marami kaya huwag kayong kukurap.” Sabik at tuwa na sinabi niya. Kahit siya gustong gusto makita ang final blow ng Cootamundra para sa amin.

Nagbuntong hininga ako. Ito na ba talaga? Talo na ba talaga kami?

“Pipigilan ko sila.” Napatingin ako kay Clyde bakas sa kanyang mukha ang pagkapagod.

“Pero Clyde.” Pipigilan ko na sana siya pero nakita ko sa kanyang mga mata ang pag-asa na manalo kami.

Tinapik niya ang balikat ni Prince Azera. “Kapag nakuha mo ang Cronos Sphere. Huwag munang patagalin ang labang ‘toh.”

Sa pagtungo ni Prince Azera sumugod na si Clyde sa grupong Cootamundra para pigilan ang pagatake ni Zephyr dahil sa ginawa ni Clyde napigilan niya ang mga plano ng Cootamundra para sa Dragon Trai.

Halos si Clyde mismo ang kumilos para pigilan at depensahan ang mga atake nilang lahat. Masasabi kong napakalakas niya pero hindi ko pa rin mapigilan mapakagat ng labi at mapahawak ng mahigpit.

Kahit isa lang itong laro hindi ko parin… hindi magawang magalala at masaktan sa nakikita ko.

Tumutulong si Prince Azera pero mas nakatuon siya sa aming plano. Ang makakuha ng Cronos Sphere.

Hanggang sa… napatilapon si Clyde sa hindi kalayuan sa amin ni Prince Azera at napansin ko hindi na siya makatayo. Naibuhos niya na ang buo niyang lakas.

Hindi ako nagdalawang isip na pumunta kay Clyde pero bago pa man ako makalapit napatigil ako ng may dumaang isang apoy sa aking harapan.

Sa paglingon ko nakagawa agad si Zephyr ng circle of spell, lumiliwanag ito sa kanyang paanan.

Ito ang dahilan para makapagpalabas siya ng isang fire falls, para itong meteor na bumabagsak mula sa itaas. Nagkalayo kami ni Prince Azera dahil sa pagbagsak ng isang apoy pagitan sa aming dalawa.

Mukhang hindi kami sinuswerte ngayon dahil pagkatapos ng pagbagsak ng apoy pagitan sa amin ni Prince Azera doon ko nakita ang liwanag.

Liwanag ng pagasa at tyansang manalo sa larong ito.

Liwanag ng paglabas ng isang Cronos Aqua Sphere. Ngunit sa tingin ko mabibigo kami dahil sa aming sitwasyon.

Hindi ko makita si Prince Azera.

“ALICE!”

Napatingin ako sa sigaw ni Clyde hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang isang pabagsak na apoy mula sa aking kinatatayuan.

Sa bilis ng pangyayari, naramdaman ko nalang ang pagtilapon ko pero hindi ito dahil sa apoy o sa fire falls.

Dahil ito sa pagtulak sa akin ni Clyde. Kitang kita kong napuruhan siya at napatilapon deretso sa tubig.

“Clyde!” hindi ko napigilan sumigaw sa pagaalala.

Napatingin ako sa gawi kung saan nahulog si Clyde at nawala ang buong pagaalala ko ng makita kong ayos lang siya.

Napatakip ang mga braso ko ng may apoy na bumagsak sa aking harapan. Mabilis akong tumayo para hanapin si Prince Azera pero hindi ko siya makita dahil nagkalat ang apoy sa buong paligid at patuloy parin ang pagbagsak ng mga apoy.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagpapanic na ako sa mga nangyayari.

Hanggang sa maaninag ko ang isang tao na naglalakad mula sa mga nagliliyab na apoy. Nanlaki ang mata ko at kinabahan ng si Zephyr ang naaninag ko.

Bakit ako!? Bakit ako ang laging pinupuntirya niya?

Lalong nabalot ng apoy ang nakapaligid sa kanya habang siya’y naglalakad papalapit sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init sa buong field.

Sa paghinto niya, huminto din ang pagbagsak ng mga apoy pero hindi parin humihinto ang pagliyab ng apoy sa paligid.

Hanggang sa naaninag ko ang isang malaking apoy sa kanyang likod na maihahalintulad sa hugis dragon. Nakakatakot.

Tama nga sila. Napakalakas nila… Lalo na ang taong nakatayo sa aking harapan. Umatake siya sa aking pwesto na ikinagulat ko.

Sa sobra kong takot at kaba. Nakatulala lang ako at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan.

Kitang kita ko ang apoy.

Palaki ng palaki.

Palapit ng palapit.

Wala akong nagawa kundi pumikit at tanggapin ito.

Hanggang sa makaramdam ako ng isang pagliha at pagyakap sa akin.

Sa isang iglap nagbago ang timpla ng hangin sa paligid naging malamig ito at nagpachill sa aking buong katawan dahil dito ramdam na ramdam ko ang init ng yumakap sa akin.

Napansin ko namang napahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na nagpahupa ng aking kaba.

Sa aking pagdilat kitang kita ko ang paligid na puno ng yelo. A block of ice with crystal spikes. Ibigsabihin nakuha ni Prince Azera ang Cronos Aqua Sphere.

Sa hindi mawaring kadahilanan, narinig ko ang mga manonood na kinikilig mula sa kanilang mga kinauupuan.

Doon ko lang napagtanto ang sitwasyon naming dalawa ni Prince Azera.

Napalaki ang mata ko at bahagyang naitlak si Prince Azera para kumalas sa pagkakayakap. Tsh! akalain mong nanantsing siya kahit nasa gitna kami ng laro. Sarap batukan!

“Kahit ako kinilig. Nalibre pa tayo sa love scene sa larong ito. Hindi rin natin inaasahan na merong special skills ang isa sa grupo ng Hybrid Fierce Tiger. Paganda ng paganda ang laban!” Sabi ng taga-pagpahayag.

Kasabay naman ng pagkagulat ko ang pagkagulat ng mga manonood sa pagwasak na ginawang ice barrier ni Prince Azera.

Mula sa pagkawasak, lumabas naman ang isang tira galing kay Zephyr na dinepensahan naman ni Prince Azera.

Napansin ko ang pagliwanag na kulay asul sa aming inaapakan ni Prince Azera na ikina-mangha ko.

Ito ba ang sinasabi nilang circle of spell? Nakakamangha. Sa pagbangit ni Prince Azera nang…

“Aqua hiruccan!”

Bumilis ang ihip ng hangin at napansin ko ang paghigop ng tubig na nakapalibot sa buong field.

Ilang segundo lang nagkaroon na ng water hurricane ang kabilang field at dahil dito nakarinig kami ng sunod sunod na buzzer na ikanatuwa ko. Ibig sabihin nakatatlong puntos na din kami.

Akala ko tapos na.

Pero hindi.

Nawala ang ngiti ko ng mawala ang usok sa buong paligid. Si Zephyr. Siya lang ang naiwang nakatayo at hindi man lang gumagalaw sa kanyang pwesto.

Napansin ko namang napakuyam ng kamay si Prince Azera. “Kainis!” bulong nito. Kahit hindi sa akin sabihin ni Prince Azera alam kong naubos na ang kanyang power-up dahil sa pagprotekta niya sa akin kanina.

Umaatake si Zephyr pero hindi naman umaabot sa amin dahil nagiging yelo ito sa depensa ni Prince Azera.

Hanggang sa nagulat ako ng matamaan ng isang bato si Prince Azera sa kanyang mukha. Napangiti at napapahid ang prinsepe, nakita kong may bahid ng dugo ang kanyang labi.

Mas lalo kong kinagulat nang makita ko si Sachit. Ibigsabihin isa din siya sa hindi napatilapon sa grupong Cootamundra?

Bakit hindi namin siya nakita? Sigurado akong pinagplanuhan nila ito.

Muling nangibabaw ang apoy sa field at pinalibutan kami nito, hindi lang yon parang nakapaloob kami sa isang bolang apoy.

Paatras ng paatras kami dahil sa malalakas na atake nila sa amin na dinedepenshan naman ito ni Prince Azera.

Nahagip ng mata ko ang isang pagliwanag mula sa aming likuran. Limang hakbang ito mula sa aming kinatatayuan ni Prince Azera.

May pagasa pa. Lumapit ako dito.

Subalit napatigil ako sa paglabas ng Cronos Sphere nawala lahat ng pagasa ko. Isang Cronos Dark Sphere ang lumabas.

“Alice!!” patakbong sigaw sa akin ni Prince Azera. Nahagip naman ng mata ko ang isang bloke ng bato na papunta sa akin.

Sa bilis ng pangyayari, sabay kaming napatilapon papunta sa liwanag ng Cronos Dark Sphere.

Nakakainis! Napaka-useless ko!

Sa aming pagkalapag. “Argh!!” narinig ko agad ang ungol ni Prince Azera at namimilipit ito sa sobrang sakit. Katulad ito ng nakita ko sa isa sa grupo ng Tornado Brothers.

Namumutla siya at pinagpapawisan.

Dahan dahan akong umupo sa pagkakahiga. “Pri-” napatigil ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

DUG! DUG!

Napahawak ako dito at napayuko.

DUG! DUG!

Hindi ito saya… katulad ng nararamdaman ko kapag ako ay nasa tabi ng minamahal ko. Parang tinutusok ito ng maliliit na karayom sa sakit pero patuloy parin ang pagkabog nito ng malakas na nagpapahirap sa paghinga ko.

DUG! DUG!

Ramdam na ramdam ko ang pagbalot ng itim na aura sa aking katawan hanggang sa parang nabalot ng yelo ang aking puso.

I gasped so hard para akong mawawalan ng hininga.

“ITIGIL NIYO NA ‘TOH!”  naririnig ko ang pagkakasigaw ni Clyde pero walang pumapansin sa kanya. “ITIGIL NIYO!”

Parehas kaming napalapit ni Prince Azera sa Cronos Dark Sphere pero mas napuruhan siya kesa sa akin.

Kitang kita ko ang pagpilit ni Prince Azera tumayo pero bumabalik siya sa pagkakahiga. Ginagawa niya ang lahat para itaas ang kamay para sa pagatake pero hindi niya ito magawa.

 

“LOSERS.”

 

DUG! DUG!

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita kong nakangiti sila sa amin. Lalo na siya. Para bang tuwang tuwa sa nangyayari sa amin.

Bigla akong nainis. Lalo na sa kanyang pagmumukha.

“Kahit anong gawin niyo. Hindi parin mananalo ang mga…” tumigil siya para idiin ang…

 

“LOSERS.”

 

DUG! DUG!

Sa sinabi niya nagdilim agad ang mga paningin ko.

Nagdilim… hindi dahil sa nanghihina.   

Nagdilim… dahil sa sobrang pagkainis sa kayabangan niya.

Napansin kong napahigpit ang kamay ko at nagiba bigla ang pakiramdam ko parang may hinugot akong isang pwersa mula sa aking katawan na ikinagaan ng aking pakiramdaman subalit nandito parin ang kirot sa puso ko na parang may pumipiga dito.

Gumamit na naman si Zephyr ng isang circle of spell pero doble ang laki nito kumapara sa ginawa niya kanina.

Hinigop ang lahat ng apoy sa buong paligid at napunta ito sa kinakatayuan ni Zephyr.

Sa pagipon niya ng apoy. Nakita ko na naman ang hugis na nagpatakot sa akin kanina pero mas malaki toh at may tatlong ulo. Ito ba ang sinasabi nilang Dragon Trai?

Kung kaninang sobrang takot ang naramdaman ko. Ngayon… wala… wala akong mahanap na takot sa mga nakikita ko basta ang alam ko naiinis ako sa kanyang pagmumukha.

Handa niya ng itira ang kanilang final blow para sa amin pero bago pa man siya umatake may isa siyang salita na sobrang nagpagalit sa akin.

“Bye… LOSERS and BITCHES.”

Tinitigan ko siya ng masama deretso mismo sa kanyang mga mata.

“Metuo Mortem”

Kusa ko nalang itong nasabi galing mismo sa aking bibig para bang may ibang kumo-control sa aking katawan.

Ikinalaki naman nito ng mga mata ni Zephyr at walang ilang segundo itinira niya ang kanyang final blow.

Unting unti binalot ng kadiliman ang aking paningin, naramdaman ko ang pwersa na bumalot sa aking katawan para akong lumulutang sa lakas ng kapangyarihan hanggang sa nakarinig ako ng pagsabog na nagpabingi sa akin panandalian.

Sa pagkabalik ng aking paningin.

Narinig ko ang tunog ng horn na ibigsabihin tapos na ang trenta minutos ng laro.

Nakatulala lang ako habang nakaluhod at hindi pa pumapasok sa utak ko kung ano nangyari sa segudong pagkatapos ng pagkakatitig ko kay Zephyr at sa kanyang pagatake.

Napansin ko nalang nasa dulo ng field si Zephyr napaluhod ito at kitang kita ko sa kanya ang pagkatakot sa kanyang mukha.

Sobrang tahimik. Kahit ang mga manonood walang imik at nakatulala sa mga nangyari.

Naramdaman ko nalang ang pagkabagsak ni Prince Azera mula sa pagkakayakap sa akin deretso sa tubig.

Nandito din pala kami sa dulo ng field.

 DUG! DUG!

Sa huling malakas na pagkatibok ng puso ko napahawak na naman ako sa aking dibdib at napayuko.

Sa pagkabagsak ko dun ko lang naramdaman ang panghihina ng buong katawan ko at pagkaubos ng lakas ko.

Ramdam na ramdam ko ang sahig sa aking pisngi pero hindi ko kayang igalaw ang katawan ko parang may nakadagan sa aking malaking bato.

Hanggang sa unti unting nanlalabo ang aking paningin.

Nakaramdam ako ng pagkahawak sa aking katawan. Hindi ko maaninag pero sigurado akong si Clyde ang nasa harap ko.

Hindi ko marinig ang sinasabi niya dahil tanging paghinga ko lang ang naririnig ko hanggang sa naaninag ko din sina Montblanc at Sha. Isa lang ang hindi pamilyar sa akin.

Isang itim na bagay na naghugis tao. Wala siyang mukha dahil gawa siya sa itim na usok. Nakatayo lang siya para bang pinagmamasdam ang buong paligid.

Lalo na… sa akin.

Saka tuluyan ng nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

AUTHOR’S P.O.V.

Naglalakad ang isa sa tagapagsilbi papunta sa silid ng kamahalan para ipaalam ang kanyang ipapabalita at tungkulin.

Naabutan niya itong nakapatiwarik sa kanyang kwarto na para bang may iniisip na mahalagang bagay.

“Kamahalan, naipagawa ko na ang iyong ipinaguutos. Paniwalang paniwala po siya sa aking mga kwento. Sa katunayan nga po gusto na po kayong makilala bilang kamaganak ng kanyang minamahal.”

Dumilat siya at bumaba sa kanyang pagkakatiwarik. “Magaling. Pwede ka ng makaalis.” Sabi ng kamahalan.

Yumuko ito at nagbigay galang. Sa pagkaalis ng tagasilbi kasabay naman nito ang pagkalabas ng isang shadow reaper.

“Kamahalang Tahlia.”

Lumingon ang kamahalan sa kanya. “Anong balita.”

“Tama po ang ating mga hinala kamahalan. Siya po ang anak ni Fatima.”

Ngumiti ang kamahalan. “Ipaalam mo kay Orrl na gawin ng mahusay ang ipinautos ko sa kanya. Para sa ganon magawa ko na ang aking plano. Ibabalik natin siya kung saan sa kasinungalingan siya lumaki.”

Sa pagkumpas ng kanyang kamay. Nagiba ang kanyang anyo.

Anyo… na mahahalintulad sa simpleng pagiging mortal.

“Ayos na ba ang aking itsura? Para mapaniwala ko lubusan ang aking biktima?”

Tumungo lang ang shadow reaper at naglaho ito.

++++++++++

THANK YOU SO MUCH Po sa mga nagbabasa at patuloy sa pagsusubaybay sa kwentong ito. ^__^..

konting push ko na lang uusad na din ang storyang toh sa katapusan ahaha.. mukha kasing antagal na nitong storyang toh hindi padin natatapos ehehe...

 Sana magustuhan niyo ang UD ko ^__^.. 

Have a nice day and Godbless..^__^..

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...