Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 31: The Strong Woman
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 19: Valerie's Past part 4

16.3K 525 88
By JoeBeniza


(Valerie's POV, Still at two years ago flash back)

Ready na si Shane, ready na ako at pati na rin ang mga kabanda namin. Naunang lumabas ng backstage ang mga kabanda namin. Nag setup ng mga music instruments nila, at nag sound check. Sila na din ang nag check ng mga microphones namin. Nang sumenyas sila na okay na, agad kaming umakyat ni Shane sa stage.

Agad na hinawakan ni Shane ang mikropono at itinapat ito sa kanyang bibig, "Good evening everyone! My name is Shane..." Tapos ay tumingin siya sa akin na nagets ko naman agad na dapat ako naman ang mag pakilala.

"And I'm Valerie!"

Ngumiti si Shane at muling humarap sa audience, "Together with the SZDiary band let us give you your best valentine song ever!"

Nag palakpakan naman ang mga manonood, at nag simula nang tumugtog ang mga kabanda namin.

(Now Playing : Dati by Sam Concepcion ft. Tippy)

Ohh oohh yeah...

Shane:
Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento

Valerie:
Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Both:
Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon), ooohh oh oh

Shane:
Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang 'yong hari

Valerie:
Ako yung prinsesang sagip mo palagi

Both:
Ngunit ngayo'y marami na ang nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng
da-ra-ra-rat-da dati

da-ra-ra-rat-da dati

da-ra-ra-rat-da dati

Na gaya pa rin ng dati..

Pagkatapos ng aming song and dance number. Binigyan kami ng mga tao ng masigabong palakpakan, at hiyawan. Mukhang sobrang nagustuhan nila ang ginawa namin nila Shane.

Agad kaming pumunta nila Shane at ng mga kabanda namin sa backstage.

"We nailed it! Ang galing mo Valerie!" Bati ni Rex sa akin at nag high five kami.

"Val nalang or Valeng. Ang galing niyo guys, buti na lang kayo ang naging ka banda namin," sagot ko kay Rex.

Bumaling naman ako kay Shane at nginitian ko siya, "Shane ang galing mo kanina! For sure mapapansin ka ng mga managers."

"Talaga? Thanks, Val! It's all because of your teachings," sagot ni Shane sa akin.

Pabiro ko naman siyang sinuntok sa balikat, "Huwag nga ako. Ikaw kaya diyan ang mentor ko."

Ngumiti naman si Shane at bigla niya akong niyakap. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko pero niyakap ko rin siya.

"Ehem! Ehem!" Pag singit ni Karlo na tila inaasar kami, kaya agad na bumitaw si Shane sa pag kakayakap niya sa akin.

Nag kahiyaan kami ni Shane na 'di makatingin sa isa't isa at tinawanan naman kami nila Rex.

Lumapit sa amin ni Shane si Karlo at sabay niya kaming inakbayan, "Guys mabuti pa i-celebrate natin ito."

Tumango naman si Shane habang nakangiti, "Good idea."

Umalis si Karlo at kumuha ng inumin. Pagbalik niya ay nag celebrate kami sa pamamagitan ng pag inom ng alak.

"Cheers guys!"

"Cheers!"

"Oo nga pala Shane. Kausap ni Ms. CJ 'yong manager na nag hahanap ng talent. Baka kukunin ka na," sambit ni Karlo sabay inom ulit ng kaonting alak.

Biglang namang na-excite si Shane sa sinabi ni Karlo. Nanlaki ang mga mata niya at lumapit siya kay Karlo, "Talaga?!"

Tumango naman si Karlo. Agad na lumabas si Shane ng backstage at nag madaling pumunta kay Ms. CJ. Sana nga ito na ang big break niya. "Go Shane!" Pahabol ko.

Sumunod ako pero hindi ko sinamahan si Shane. Tinanaw ko lang siya mula sa malayo. Nakatayo sila sa sulok at mukhang sobrang siryoso ang pinag uusapan nila. Ilang saglit pa habang sila'y nag uusap, napansin kong lumayo si Shane at si Ms. CJ sa lalaking tila manager at para silang nag tatalo. Nakaakbay si Shane kay Ms. CJ at tila may ipinapaliwanag siya.

Tumingin sa akin 'yong lalaking manager at ngumisi. Ang creepy niya. Para siyang nangunguha ng bata. Para makaiwas ibinaling ko ang atensyon ko kay Karlo na iniisa isang puntahan ang mga mag kakasintahan na nag de-date sa bar.

"Hi Guys, happy valentine's day sa inyo. Sana mag tagal pa tayong tatlo." Dinig kong sambit ni Karlo sa dalawang mag jowa na nag de-date.

Nagtinginan ang dalawang magkasintahan at takang taka sa ginawa ni Karlo. Agad lumipat si Karlo sa kabilang table at inulit ang sinabi niya. Paulit ulit niya itong ginawa sa mga table na may nag dedate na mag jowa.

"Siraulo talaga 'tong si Karlo," Tawa nang tawa si Rex na pinapanood si Karlo. Nasa likod ko pala siya 'di ko napansin.

"Ano ginagawa ni Karlo?" Tanong ko kay Rex.

"Third wheeling," sagot niya.

Napakunot noo ako, "Huh? Anong third wheeling?" 

"Sabi niya kasi mas masarap maging single pero nakakamiss din ang may binabati. Kaya 'yon, universal third wheel na lang daw siya." Paliwanag ni Rex habang nakangiti't pinapanood si Karlo.

Hinayaan ko nalang si Rex at Karlo sa trip nila at ibinalik ko ang atensyon kay Shane. Naguusap pa rin si Ms. Cj at si Shane. Maya-maya pa ay biglang umalis si Ms. Cj at bumalik si Shane sa manager. Inakbayan niya ito at nag usap ulit sila. Inaya ni Shane ang manager sa isang table at umupo sila sa upuan. Naguusap pa din sila, tila may ipinapaliwanag si Shane sa kanya. Kung ano man 'yon sana sa ikabubuti naman niya. Parang nakakaramdam kasi ako ng kaba.

Pero sana kontrata na ang pinag uusapan nila. Sana ito na ang pinaka hihintay ni Shane.

Pagkatapos ng mahabang pag uusap ni Shane at ng lalaking manager, nagkamayan sila ng na parang may napag kasundoan na.

Yes! Mukhang success na!

Tumayo sila at magkasama silang lumabas ng bar. Saan kaya sila pupunta?

Gusto ko sanang sundan sila, pero ayaw kong makigulo baka maging dahilan pa kung bakit hindi makuha si Shane as talent. Nag send nalang ako ng text message sa kanya.

Me:  Shane saan kayo pupunta? Ingat ka ah. Good luck. Sana 'yan na ang pinakahihintay mo. Wait na lang kita dito.

Nag hintay ako pero hindi nag reply si Shane. Siguro marami talagang mga terms na dapat pag usapan. I guess we can celebrate valentines tomorrow. Ngayon kasi hindi ko ma-e-enjoy ang valentines event na ito. Hangang tingin at inggit nalang ako sa mga nag de-date dito.

Natapos ang Valentines event pero wala pa rin si Shane. Hangang sa nag uwian na ang lahat ng mga tao, nakapag linis na ang mga staff ni Ms. Cj, at as in ako na lang ang natira. Pero wala pa rin siya. He didn't tell me to wait pero baka kasi... baka kasi bumalik siya at wala na ako. Naniniwala naman ako na ako ang una niyang sasabihan ng good news.

"Ms. Valerie kailangan ko na po isara ang bar," sambit ni Manong guard.

Hindi pwede, wala pa si Shane e. Kailangan ko siyang hintayin, "Kuya pwede po bang ako nalang mag sasara ng bar? Hinihintay ko pa po kasi si Shane."

Napakamot ulo si manong Guard, "Sorry po Ms. Valerie, pagagalitan po kasi ako eh. Baka masuspinde pa ako."

Tama si manong guard. Kawawa naman siya pag nagkataon. I guess I have to wait for him outside or bukas na lang kami magkita, "Sige po kuya, aalis nalang po ako."

Umalis ako ng bar at dumiretso nalang ng uwi. Nag text nalang ako kay Shane na uuwi na ako, para hindi kami mag ka-salisi kung babalikan niya ako sa bar.

Pag uwi ko, nakauwi na ko lahat lahat pero kahit isang text or tawag kay Shane wala. Nakaka tampo, pwede naman siyang mag text or tumawag sa akin. Pero bakit kahit isa wala?

Tinignan ko na lang ang mga pictures namin sa phone ko. Alam kong kanina lang kami nag kita pero na miss ko na siya agad. Napaulit ulit ko na lahat ng pictures namin hangang sa nakatulog na lang ako.

Pagkatapos ng araw na 'yon, hindi na nag paparamdam sa akin si Shane. Nag alala ako na baka may nangyari sa kanya kaya sinubukan ko siyang tawagan at i-text, pero hindi niya sinasagot ang mga ito. Lubos akong nag alala kaya minabuti kong puntahan siya sa bahay nila.

Naabutan ko ang isang truck sa labas ng bahay nila at may mga tao na kinukuha ang mga gamit niya mula sa loob.

Nilapitan ko ang isa sa kanila para itanong si Shane. "Kuya nasaan po si Shane? 'Yong nakatira po diyan?" Tinuro ko ang bahay ni Shane.  "Ano po ginagawa niyo sa mga gamit niya?"

"Ah si Sir Shane po? Pinapakuha po sa amin ng manager niya itong mga gamit niya. Lilipat na po kasi si Sir Shane sa mas malaking bahay," sagot ni manong.

"Talaga? Saan daw po? Bakit daw po?" Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Bakit hindi niya sinabi sa akin.

Napakamot ulo si manong sa tanong ko, "Hindi daw po pwedeng sabihin eh. Bilin po ni sir Shane."

"Best friend niya ko! Pwede mong sabihin sa akin!" Tumaas ang boses ko habang hawak ko ang braso ni manong nang mahigpit.

"Sorry po Miss, trabaho lang," inalis ni manong ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya. Hindi ko na pinilit si Manong. Umalis ako nang malungkot at may kirot sa dibdib.

Naglakad lakad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko matigil ang kaka-isip kay Shane. Bakit hindi niya ako kino-contact, at bakit umalis siya?

Patuloy akong naglakad, hangang sa nakapunta ako sa isang Park. Umupo ako sa isang bench chair sa may bandang garden ng park. Hindi ako sumuko. Inilibas ko ang phone ko at sinubukan ko pa rin tawagan si Shane but this time out of coverage na.

Tinawagan ko si Ms. Cj para itanong kung ano ang napag usapan nila Shane kagabi.

"Hello Ms. Cj?" 

Agad namang sumagot si Ms. Cj, "Hello Valerie, napatawag ka?"

"Itatanong ko lang po sana kung ano napag usapan niyo ni Shane at nung manager kagabi? Hindi ko na po kasi siya ma-contact? Wala na din po siya sa bahay nila. Ang sabi po ng nag hahakot ng gamit niya, lumipat na daw po sa mas malaking bahay at hindi daw po pwedeng sabihin kung saan."

Narinig kong napabuntong hininga si Ms. Cj. "Talaga? Hindi man lang pala niya sinabi sayo? Napaka selfish talaga ng taong 'yon!" Sa tono niya mukhang nainis siya sa ginawa sa akin ni Shane.

"Ang totoo Valerie, ikaw 'yong pinili ng manager na maging talent niya. Pero kinausap ako ni Shane na siya ang ilakad ko doon sa manager at huwag ko daw sabihin sa iyo. Nagtalo kami ni Shane dahil unfair sayo, kaya umalis na lang ako at iniwan ko sila ng manager. Nag text siya sa akin kagabi na hindi na siya mag pe-perform sa Bar ko, nag pasalamat naman siya at sinabi niya na siya ang nakuha ng manager para maging talent. Magkakaroon na din daw siya ng kontrata at malakihan daw na break ito para sa kanya."

Nagulat ako sa aking narinig at hindi nakasagot. Okay lang naman sa akin kung hindi ako 'yong nakuha na talent ng manager handa naman talaga akong mag paraya. Pero ang nakakalungkot doon ay 'yong pag hindi niya pag pansin sa akin, 'yong lahat ng tawag at text ko dedma, 'yong parang wala kaming pinag samahan. Ang sakit! Sobra!

"Hello Valerie? Nandiyan ka pa ba?" Tanong ni Ms. Cj.

"G-Gano'n po ba?" Sambit ko at tumulo ang luha sa aking mga mata. "Wala po ba siyang sinabi para sa akin?"

"Sorry Valerie, hindi na din siya nag rereply sa akin eh. Kinain na siya ng kasikatan. Mabuti pa, kalimutan mo na siya. Tsaka ang chismisan ng mga staff ko dito, nadinig daw nila si Shane na siniraan ka sa manager kaya si Shane daw ang kinuhang talent at hindi ikaw."

"Gano'n po ba? Sige po Ms. Cj. Salamat na lang po sa balita," magsasalita pa sana si Ma'am Cj, pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, pinatayan ko siya ng phone.

Bakit gano'n? Bakit hindi niya ko sinabihan? Bakit kahit isang paramdam wala? Bakit bigla na lang ganito? Wala akong paki kung siniraan niya ako, kaya kong isantabi 'yon basta magkausap pa rin kami at magkaibigan.

Maiintindihan ko naman eh. Pangarap niya 'yon, at kaya kong mag paraya para sa kanya. Pero bakit kailangan niya akong iwan ng walang paalam? Bakit biglaan?

Lahat na lang ba ng taong mahal ko bigla na lang ako kakalimutan?

Ang sakit kapag iniiwan ka, pero mas masakit 'yong hindi man lang nag papaalam sayo.

Una si Mama ngayon naman si Shane. Hindi ko na kaya. Ayaw ko na.

Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak. Walang akong pakialam kung may mga taong dumadaan na tumitingin sa akin. Hindi ko na kinayang mag pigil. Humagulgol ako sa pag iyak, hangang sa may biglang lumapit sa akin.

Isang babaeng may cute na boses ang biglang nag tanong sa akin.

"Miss are you okay?"

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...
385K 25.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
3.1M 73.5K 21
Ang pagpasok ba sa isang tago at bawal na relasyon ay kayang tumbasan ang lahat ng prinsipyong itinapon ni Lavender para lang kay Reynald? Is this t...
466K 8K 81
↠ Status: COMPLETED ↠ Genre: Gen Fic/ Mystery / Sci Fi *** ↠ Amor aeternus : Love Forever *** "I'm just tired Savannah." Tinanggal niya ang kamay ko...