POSSESSIVE 14: Lysander Calla...

By CeCeLib

65.9M 1.2M 380K

She was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 18

1.9M 38.8K 9.9K
By CeCeLib

CHAPTER 18

"ANAK, HINDI ka na ba namin mapipigilan?" tanong ng kanyang ina habang palabas sila ni Lysander ng bahay. "Kailangan n'yo na ba talagang bumalik sa Maynila?"

Bakas ang lungkot sa mukha nito kaya naman niyakap niya ito nang mahigpit. "Bibisita uli ako, 'Nay," sabi niya, saka pinakawalan sa pagkakayakap at hinalikan ito sa pisngi. "Mami-miss kita."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Ako rin. Balik ka, ha?"

Ngumiti siya. "Opo."

"Ikaw na bata ka, kapag hindi mo iningatan ang anak ko, iyong itak ko mababalot iyon ng dugo mo."

Mabilis na napabaling si Jergen sa ama niya nang marinig ang boses nito. Napailing-iling na lang siya nang makitang tinatakot na naman nito si Lysander. It never got old. Ang itak nito palagi ang panakot na tinatawanan lang ni Lysander.

"Alagaan mo ang anak ko." Dinuro ng ama niya si Lysander na panay ang tango. "Kapag 'yang anak ko ay umiyak nang dahil sa 'yo, ako ang papatay sa 'yong hinayupak ka. Hindi ka sasantuhin ng itak ko."

Ngingiti-ngiting sumaludo si Lysander sa ama niya. "Yes, Sir."

Pinukol ito ng masamang tingin ng ama. "Kapag sinaktan mo ang anak ko, patay ka sa 'kin."

"Yes, Sir."

Napailing na lang ang ama niya, saka lumapit sa kanya at niyakap siya bago bumulong. "Gusto ko si Lysander para sa 'yo, anak. Sana magustuhan mo rin siya. Sana mapatawad mo ako sa ginawa kong pamimilit sa inyo." Pagkasabi niyon ay pinakawalan siya nito sa pagkakayakap. "Pero huwag mong sabihin 'yon sa kanya, ha? Lalaki ang ulo niyang hinayupak na 'yan."

Natawa na lang siya, saka napailing-iling. "Sige, 'Tay, aalis na kami."

"Sige. Ingat kayo."

Lumapit sa kanya si Lysander, saka pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. "Let's go, baby."

Tumango si Jergen at kumaway sa mga magulang at kapatid niya. Sabay silang sumakay ni Lysander sa inarkila nilang tricycle na maghahatid sa kanila sa malawak na lupain na pag-aari ng mayor ng bayang iyon kung saan naroon ang helicopter ni Khairro at hinihintay sila. Hindi niya alam kung bakit naroon ang helicopter nito, baka kaibigan ito ng pamilya.

Hindi na bago kay Jergen ang mabilis na pagtibok ng puso niya nang isubsob ni Lysander ang mukha sa leeg niya.

"Nahihilo ka ba?" tanong niya.

He groaned. "A little."

"Ayos ka lang ba?" tanong niya uli.

He slightly shook his head. "Hindi ako okay." Yumakap ito sa baywang niya. "I like your family, Jergen."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Talaga? Kahit palagi kang tinatakot ni Tatay?"

He chuckled softly. "I like your father, baby." Mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya. "He's a good man."

Parang may humaplos sa puso niya sa sinabi nito tungkol sa ama niya. "Kahit initak ka niya at pinilit na magpakasal, mabuting tao pa rin siya?"

"Yes. He is a good man, Jergen." Hinalikan siya nito sa leeg. "And he's also a good father."

Masuyo siyang ngumiti. "Salamat. Alam kong mabuting tao ang ama ko kaya lang minsan, OA na siya. Tulad na lang ng nangyari sa 'tin na kagagawan niya."

"Hayaan mo na. Tapos na 'yon."

Hindi na lang siya umimik. Ayaw niyang magkasagutan na naman sila ni Lysander dahil sa issue ng kasal nila.

Hanggang sa makarating sila sa kung saan nakatigil ang helicopter, walang imik sila pareho ni Lysander. Basta nakayakap lang ito sa kanya at paminsan ay hinahalikan siya sa leeg o kaya naman sa balikat.

"Come on, you two. Faster!" sigaw ni Andrius na nakasilip sa nakabukas na pinto ng helicopter.

Mabilis silang lumabas ni Lysander sa tricycle. Pinauna na siya nito sa pagsakay sa helicopter dahil inasikaso pa nito ang mga bag na dala nila.

Nang makapasok si Jergen sa helicopter at nakaupo na, bigla niyang sinapo ang bibig nang makaramdam ng pagsusuka.

"Shit!" mahina niyang mura, saka mabilis na lumabas ng helicopter at sa labas sumuka.

"Baby!" Lysander sounded worried. "Ano'ng nangyari sa 'yo? Ayos ka lang ba?" Agad nitong hinagod ang likod niya. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo? Nahihilo ka ba?"

Sinapo niya ang tiyan, saka sumuka uli. "Shit!" Nakayuko lang siya habang sumusuka. Umiikot ang paningin niya. "Shit!"

"Baby..." Patuloy nitong hinagod ang likod niya. "Gusto mo ng tubig?"

Umiling siya.

"Is she okay?" Boses iyon ni Terron.

Tumuwid si Jergen ng tayo nang maging medyo maayos na ang pakiramdam niya, saka humarap kay Lysander. "I'm fine." Nasapo niya ang bibig nang makaramdam ng pagkasuka. "Shit. Ayoko talaga sa amoy na 'yon."

Niyapos ni Lysander ang baywang niya, saka hinaplos ang buhok niya. "She hates airconditioned cars and now... helicopters." Mukhang kinakausap nito si Terron, saka sumilip sa mukha niya. "Are you okay, baby?"

Tumango siya, saka huminga nang malalim. "Let's go. Ayos lang ako."

Pinilit niyang hindi masuka nang sumakay uli sa helicopter. Pero hindi talaga niya napigilan, umaangat pa lang ang helicopter, parang hinahalukay na naman ang tiyan niya. 'Buti na lang nakahanda ang plastic na bigay ni Khairro. Doon siya sumuka nang sumuka hanggang sa sumakit na ang tiyan niya.

Nang makarating sila sa Bachelor's Village, nanghihina na siya. Hindi na nga niya namalayan na nakasakay na pala siya sa kotse ni Lysander at bumibiyahe na iyon patungo sa bahay nito.

"Lysander..." mahinang tawag niya sa pangalan ng asawa.

"Baby..." Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya, saka pinisil. "Malapit na tayo sa bahay. Na-contact ko na rin iyong doktor na kilala ko, hinihintay niya na tayo. Hindi na normal 'yang pagsusuka mo."

Umungol lang siya at tuluyang nawalan ng malay dahil hindi na niya kaya.

NAGISING si Jergen sa loob ng pamilyar na kuwarto ni Lysander. Nalukot ang mukha niya nang maramdamang parang hinang-hina siya. Nagtatanong ang isip niya kung bakit nang pumasok sa isip niya ang nangyari sa kanya sa helicopter.

Nasapo niya ang noo, saka nakangiwing bumangon sa kama.

"Are you feeling okay?" sabi ng babaeng boses na ikinatigil niya sa pagbangon.

Mabilis siyang napabaling sa nagsalita, dahilan para umikot na naman ang paningin niya. "Shit." Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kapagkuwan ay iminulat 'yon at nakakunot ang noong tumingin sa babaeng nakaupo sa sofa malapit sa kama.

The woman smiled. "Hi."

Nagtatanong ang mga mata niya. "Sorry, pero sino ka?"

Ngumiti ang babae. "I'm Dra. Krisz Romero-Wolkzbin," pagpapakilala nito. "At ako ang tumingin sa 'yo dahil masyadong nag-panic ang asawa mo."

Asawa ko? Si Lysander? Kailan kaya siya masasanay na tinatawag si Lysander na asawa niya?

Umayos siya ng upo sa gilid ng kama, paharap sa doktora. "Normal na sa 'kin 'yon, Doc." Huminga siya nang malalim. "Nagsusuka talaga ako kapag may aircon."

Tumango-tango ito, ang ngiti sa mga labi ay hindi nawala. "Well, Mrs. Callahan..." Pinagsalikop nito ang kamay habang nagpapaliwanag. "Kinunan kita ng dugo kanina habang wala kang malay para i-check kung may sakit ka. It turns out, wala kang sakit."

Ngumiti siya. "Wala talaga akong sakit, Doc."

"Wala nga." Lumapad ang ngiti nito. "Hindi naman kasi sakit ang pagbubuntis."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jergen kasabay ng paglaki ng mga mata niya at pag-awang ng mga labi. "W-what?"

Nagningning sa kasiyahan ang mata ng doktora. "Blessing talaga ang bata para sa mga bagong mag-asawa." Pumalakpak pa ito at mukhang masayang-masaya. "Congratulations!"

Umiling siya, puno ng pangamba ang mukha. "No..." Hindi siya naniniwala. "Mali ka, Doc. Baka may glitch sa test. Baka may mali..." She was panicking. "Puwede mo bang ulitin? I mean, I will pay for it. Just test me again. Please. I beg you. Baka kasi mali. Baka nagkapalit ang dugo ko sa isang buntis. Baka hindi sa 'kin ang dugo. I can't be pregnant!"

"It's your blood. Hindi magkakamali ang test kasi ako mismo ang gumawa n'on." mahinahong putol ng doktora sa iba pa niyang sasabihin. Bumuntong-hininga ito, saka lumapit sa kanya at paharap na umupo sa tabi niya. "Bakit ba mukhang nag-aalala ka? May asawa ka naman."

Nag-iwas siya ng tingin, nanlalamig ang kamay niya. "Huwag mo muna 'tong sabihin kay Lysander, please..." Hindi ngayon na magulo pa ang sitwasyon nilang dalawa.

Tinitigan siya nito nang matiim na parang binabasa ang laman ng isip niya. "Ayokong makisawsaw sa buhay n'yong mag-asawa pero kailangan mo akong bigyan ng dahilan para hindi ko sabihin kay Lysander na buntis ka."

Ibinalik niya ang tingin dito. "He doesn't... love me."

Tumaas ang kilay ng doktora. "Eh, bakit kayo kasal?"

Mapait siyang ngumiti." Napilitan lang siya dahil sa tatay ko." Napabuntong-hininga siya. "Magulo pa ang sitwasyon namin ngayon, ayokong madagdagan 'yon."

"Oh." Understanding dawn on the doctor's face. "Well, if that is so..." Huminga ito nang malalim. "I understand that. I'd been in your shoes too so I know how it feels to be confused all the time."

Kumunot ang noong nagtatanong ang mga mata niya. "You understand?"

Tumango ito. "Marriage of convenience lang din kami noon ng asawa ko, si Train. Magulo din noon ang isip ko, lalo na nang mapamahal na sa 'kin ang asawa ko, 'tapos akala ko hindi niya ako mahal. Pero destined to be yata kami kasi mahal din naman pala niya ako, hindi lang niya masabi."

Napangiti siya sa love story nito at ng asawa nito. "You're very lucky then."

Dra. Krisz smiled. "Yes. I am. My husband loves me as much as I love him. Kung hindi pa siya noon natakot na baka mawala ako sa kanya, hindi pa siya aamin na mahal niya ako." Napailing-iling ito na parang naaalala ang nakaraan habang may munting ngiti sa mga labi. "Ganoon na siguro ang mga lalaki, hanggang hindi sila natatakot at hanggang nasa tabi ka nila, hindi nila sasabihin sa 'yong mahal ka nila. Pero kapag nakaramdam sila ng takot na may aagaw sa 'yo, o mawawala ka na nang tuluyan, kung mahal ka, aamin 'yan."

"Hindi rin," sabi niya, saka niyakap ang sarili. "Mga pa-fall lang din ang iba. Kapag umalis ka, magiging masaya pa sila kasi mapapalitan ka nila ng bago."

Mataman siyang tinitigan ng doktora. "Ganoon ba si Lysander?" kunot-noo nitong tanong. "Parang hindi naman siya ganoon."

"Because you don't know him like I do," sabi niya, saka mapait na ngumiti. "I'm his secretary for five years, Doc. Alam ko ang likaw ng bituka niya pagdating sa mga babae. Alam ko ang lahat tungkol sa kanya at kasama na ro'n ang mga negatibong bagay tungkol sa kanya. Kaya mahirap na magtiwala sa mga sinasabi niya kasi kilala ko siya."

Napabuntong-hininga ito. "'Yan nga siguro ang mahirap kapag kilala mo na, mahirap magtiwala. Trust is a big thing for us women. Trust is the foundation of a relationship, especially in marriage. But you don't have to stick with what you know about him now. Men maybe the worst species in this planet but they are capable of changing, Mrs. Callahan. Just like a playboy capable of loving one woman only and changing for her. You just have to give him a chance."

Napatitig si Jergen sa kawalan, saka pinakiramdaman ang puso niya. Mahal niya si Lysander. Hindi niya alam kung paanong nangyari 'yon pero iyon ang sinasabi ng puso niya, 'yon ang isinisigaw niyon. Kaya nasasaktan siya kasi hindi pareho ang nararamdaman nilang dalawa.

"But the question is..." Dra. Krisz drawl, pulling her out from her reverie. "Kaya mo ba siyang bigyan ng chance?"

Humugot siya ng malalim na hininga, saka maingat iyong pinakawalan. "Kaya ko."

"Then give him a chance." Tinapik nito ang braso niya at nagpaalam na sa kanya. "Sige, maiwan na kita. Magpahinga kang mabuti. Bawal sa buntis ang ma-stress at huwag masyadong magtatrabaho baka mapaano si baby. First three months mo ngayon sa pagbubuntis kaya kailangan healthy foods para ma-develop ang brain ni baby. You'll experience morning sickness, dizziness, maybe mood swings, pag-iiba ng panlasa ng pagkain at mataas ang hormones mo. Kaya huwag kang magtaka kung mas maging emosyonal ka pa ngayon. Basta alagaan mo ang sarili mo, lalo na't hindi alam ng asawa mo."

Nagpapasalamat siyang ngumiti sa doktora. "Thank you."

"Tell him soon, Mrs. Callahan. He deserve to know that he's going to be a father soon," bilin nito bago lumabas ng kuwarto at iniwan siyang mag-isa.

Bumaba ang tingin niya sa kanyang tiyan at masuyo iyong hinaplos. "A baby..." Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya. "My baby..." Nagpakawala siya ng malalim na hininga, saka tumingala sa kisame ng kuwarto. "Paano ko 'to sasabihin kay Lysander, eh, magulo nga ang sitwasyon namin, lalo na ang relasyon naming dalawa?"

The doctor said that stress was not good for her, but here she was, stressing herself out.

"Baby?"

Napaigtad si Jergen nang marinig ang baritonong boses ni Lysander. Agad siyang bumaling sa asawa na naglalakad palapit sa kanya.

"Are you feeling okay?" tanong nito nang makaupo sa tabi niya at hinaplos ang pisngi niya. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. "Nag-alala ako sa 'yo."

Hindi siya makatingin nang deretso rito. "Ayos lang ako. Kailangan ko lang daw magpahinga."

He kissed her temple. "Then rest. Ayoko nang makita kang nakalupaypay sa sobrang pagsusuka. You scared the shit out of me, baby."

Natakot ito? Aasa na ba siya? Hahayaan na ba niya ang sariling umasa? Would she risk her heart?

Ibinalik niya ang tingin kay Lysander at matiim itong tinitigan. "Yes," sagot niya sa sariling tanong sa isip niya.

Kumunot ang noo ni Lysander. "Anong yes?"

Umiling siya, saka ngumiti. "Wala."

"You sure?"

"Oo." Umalis siya sa pagkakaupo sa kama, saka masiglang tumayo sa harap nito. "Halika, kumain tayo, nagugutom na ako, eh."

Hinawakan ni Lysander ang kamay niya, saka hinalikan ang likod niyon. "Ayos ka na ba talaga? I could bring you to the hospital."

"I'm fine." Ngumiti si Jergen, saka bahagya niyang hinila ang kamay nito. "Kain na tayo."

"Fine." He smiled, got up and kissed her on the lips. "Ipinaghanda kita ng makakain."

Malapad siyang ngumiti. "Yehey. Halika na."

Inakbayan siya ni Lysander, saka sabay silang lumabas ng kuwarto. Habang naglalakad sila patungong komedor, nakangiti lang si Jergen. Masaya siya. Masaya siyang kasama si Lysander. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

42M 745K 27
"You are invited to Temptation Island."
58.7M 1M 25
Train Wolkzbin eluded marriage for eight years. Hindi siya magpapakasal kahit pa mamatay lahat ng kaibigan niya. Kahit pa magunaw ang mundo, hinding...
21.7M 1.1M 47
World-renowned chef Thorn Calderon is already prepared to be single for the rest of his life. But plans change when his parents set him up through an...
57.4M 1M 26
In Evren Yilmaz life, everything, and everyone around him had a use and purpose. He was a ruthless lawyer after all, and he didn't get the title "rut...