" AKIN KA NOON , NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN "
WRITTEN BY : SHERYL FEE
TEASER
" Please come home anak. Your grandpa is calling out your name. He wants to see you for the last time anak." pakiusap ni Marga sa anak na nasa America.
Pero ang tanong, Kaya na ba niyang muling harapin ang mga taong malapit sa kanya? Ang taong minahal niya ng lubusan simula't sapol pero ito din ang sumugat sa kanyang puso? Kaya na ba niyang ipaglaban ang kanyang karapatan?
Shainar Joy Calvin Cameron, Lampa the second kung siya'y tawagin ng mga pinsan. Miss toblerone sa mga kapatid. And most of all " PALAKA " kung tawagin ng pinsan ng kuya Adrian niya.
" Iha kung ano man ang problema ninyo sabihin mo sa amin at baka matulungan ka namin anak. But please anak umuwi ka muna this time hinahanap ka ni grandpa Roy mo anak." aniya naman ni Shane I sa anak na natahimik na sa kabilang linya.
Bryan Christopher Mckevin Harden ang panganay na anak ng mag asawang Yana at Terrence.
" Anak simulat sapol kilala na kita. Alam kung may mabuti kang kalooban. Ikaw ang lalaki anak kaya ikaw na ang gumawa ng hakbang upang muli kayong magsama. Hahayaan mo na lang bang habang buhay kayong nagpapataasan ng pride? Kaya mo bang pumanaw ang kanyang abuelo ng hindi siya nakikita? Ako na ang nakikiusap sa iyo makipag ayos ka na sa kanya anak." malungkot na pakiusap ni Terrence sa anak.
Kaya ba niyang lunukin ang kanyang pride para babaing minahal kahit ito ay " PALAKA " kung tawagin niya? Ang babaing sinaktan o nasaktan niya. Kaya ba niyang isantabi ang lahat para maituwid ang " pagkakamali " niya? Hanggang saan ang kaya niya para masabi dito ang mga katagan " AKIN KA NOON, NGAYON, AT MAGPAKAILANMAN. "
ABANGAN! !!!