A Love To Eternity

By unsolvedestiny

6.3K 2.3K 2.4K

Credits to the one who made the book cover: @ButiNalangTanga Under editing! ETERNITY SERIES BOOK 1 ••• I beli... More

Prologue
Chapter 1: Summer Vacation
Chapter 2: First Encounter
Chapter 3: Punishment
Chapter 4: First Kiss
Chapter 5: Last Laughter
Not an Update: Just Meet the Characters
Chapter 7: New Beginning
Chapter 8: Accident
Chapter 9: Someone From My Past
Author's Note
Chapter 10: The Epic Comeback
Chapter 11: Making Out The Dare
Chapter 12: Marriage Proposal (Give Me One More Chance)
Chapter 13: My Little Bonsai
Chapter 14: He Save Me
Chapter 15: Face Off: Ex vs.Ex
Chapter 16: My Only Love, My Everything
Chapter 17: Dinner With My Fiance
Chapter 18: The Truth: I Miss You, Bonsai
Chapter 19: Second Kiss (I'll Be The One)
Chapter 20: The Plan
Chapter 21: Promise
Chapter 22: Unwanted
Chapter 23: Missing Pieces of My Heart
Chapter 24: See You Again
Notice!
Chepter 25: Broken
Chapter 26: The Unexpected
Chapter 27: Complications & Answer
Chapter 28: Chasing Time
Chapter 29: Broken Vow

Chapter 6: Goodbye

246 118 79
By unsolvedestiny

Andz Leufren Cabrera POV

Isang lingo na ang nakalipas at magaling na rin ako, pero sa nagdaang mga araw ay hindi pa rin ako um-absent para b'wisitin si Pangit. Pumupunta pa rin ako sa kanila kahit na paika-ika sa paglakad. Kinagabihan sinundo ako ni Kuya Lance at s'yempre tuwang-tuwa naman si Pangit dahil nakita niya na naman si Kuya.

Ano bang mayroon kay Kuya at type na type niya? Hindi naman nalalayo ang hitsura namin eh. G'wapo naman kami pareho. Tsk!

Palibhasa ba 20 years old na si Kuya at binata na ito tapos ako 10 years old pa lang kaya 'di pa ako napapansin ni Pangit?

Ngayon ko lang nalaman, mahilig pala siya sa matured sa kaniya. Asar!

Hindi ko naman kasalanan kung bakit parating wala si Dad dahil sa ibang bansa siya nagtatrabaho. Hay!

Dito na ako lumaki sa Catanduanes at ang Daddy ko ay matagal na rin sa US. Doctor siya roon at ngayon lang na-approve lahat ng papers namin para mag-migrate sa America.

Gabi na nang makauwi kami ni Kuya Lance dito sa'min, pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakahilera na sa sala ang mga maleta namin maging 'yong sa akin.

"Mom, what's this?" tanong ko.

"We are going to US tomorrow evening, bukas ng umaga ang flight natin papuntang Manila," sabi ni mommy.

"What? Pero bakit naman, Mommy?"

"Na-approve na ang citizenship natin and kinukuha na tayo ng Daddy mo."

"Pero, Mom, ayaw kong umalis," angal ko.

"Wala ng pero-pero, Andz. We are going to US tomorrow evening, that's final!" sabi ni Mommy at pagkatapos no'n ay padabog akong umakyat ng aking kwarto.

Ayokong umalis, gusto ko dito lang ako, pero ano bang magagawa ko? Bata pa ako para makipagtigasan kina Mommy at Daddy.

Masama ang loob kong natulog, ni hindi na nga ako kumain ng hapunan dahil sa inis. Ayaw ko siyang iwan, ayokong malayo sa kanya.

•   •   •

Kinabukasan, maaga akong gumising. Maaga pa si pagtilaok ng mga manok. 4:00 am pa lang naliligo na ako, gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon dahil alam kong hindi na mapipigilan pa ang pag-alis ko.

Naglalakad pa lang ako papasok ng hacienda ni Granny nang makita ko si Mang Lando na nasa garden na. Siya ang hardinero dito ni Granny. Sakto namang nakita niya ako.

"Oh Andz, ang aga mo 'ata ngayon. Sigurado sira na naman ang araw ni Ma'am Loraise kapag nakita ka," sabi nito.

"Hindi bale, huli na rin naman ito eh," malungkot kong tugon.

"Bakit? Aalis ka? Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Magma-migrate na kami sa US, aalis kami mamaya nina Mommy."

"Talaga? Kailan ang balik ninyo?"

"Baka hindi na."

"Naku naman, mawawalan na ng pasaway diyo sa hacienda. Wala nang sisira ng mga pananim ni Ma'am Lora sa Greenhouse at siguradong matutuwa niyan si Ma'am Loraise," nakangiting sabi nito. Sinamangutan ko na nga lang.

"Kaya nga aasarin ko na ng husto eh, kasi mawawala na ako. Maghintay ka Mang Lando at sisirain ko ang Greenhouse," nakangising wika ko bago ko siya lagpasan.

"Hay naku! Pasaway ka talagang bata ka!" hirit niya at nagbelat lang ako sa kaniya.

Pagpasok ko sa mansion ni Granny ay nakita kong abala na ang mga katulong sa paglilinis. Nakita ko rin si Granny na pababa ng hagdan.

"Oh, Andz hijo, ang aga mo. Kumain ka na ba? Halika, ipaghahain kita," bungad sa'kin ni Granny. Ganiyan siya kabait sa'kin kaya nga mahal na mahal ko 'yan eh. Isa pa, ako parati ang kinakampihan niya kaysa kay Pangit.

"Kumain na po ako, Granny. Nandito lang ako para magpaalam sana sa inyo.," malungkog kong sabi.

"Magpaalam? Bakit saan ka pupunta?"

"Pupunta na po kaming America mamayang gabi, ngayong umaga ang flight namin papuntang Manila," sagot ko at nang marinig 'yon ni Granny ay nakita kong biglang nalungkot ang kaniyang mukha. Nilapitan niya ako at naupo kami sa sofa.

"Kailan ka babalik?" tanong niya.

"Hindi na po 'ata ako babalik. Doon na kasi ako mag-aaral eh." Pinipigilan kong huwag umiyak, mamimiss ko kasi si Granny. Simula pagkabata ko, parati na ako nandito sa kaniya kaya tinuring ko talaga siyang Lola.

"Naku mamimiss kita Andz, mamimiss ko ang gwapo kong apo," sabi niya sabay yakap sa'kin.

Niyakap ko rin siya at nakikita kong naiiyak na si Granny. Nasasaktan tuloy ako, sana pala hindi na lang ako nagpaalam. Sana pala hindi na ako pumunta rito, pero gusto ko pang b'wisitin si Pangit.

"Huwag ka ng malungkot, Granny, baka malay mo naman makabalik pa ako," masigla kong sabi para mawala ang kalungkutan na nakikita ko sa mata niya.

"Hindi naman ako malungkot, 'yon nga lang mawawala na 'yong maingay dito sa bahay. Mawawala na 'yong pasaway at makulit na batang aali-aligid dito. Magiging tahimik na ang buong mansion," nakangiti niyang sambit. "At isa pa, masaya ako para sa'yo kasi makakasama mo na ang Daddy mo, hindi ba matagal mo ng gusto 'yon? Ngayon kahit kailan hindi na kayo magkakahiwalay pa. Magpakabait ka doon sa America ha? Bawas-bawasan mo ang pagiging makulit mo."

"Opo, Granny, susundin ko po bilin ninyo."

Ngumiti lang siya bilang tugon sa'kin at nagpaalam din ako kung pwede ko bang puntahan si Pangit sa k'warto niya para magpaalam. Pumayag naman si Granny kaya dumiretso na ako sa kwarto niya. Hindi naman 'yon naka-lock kaya nakapasok ako. Nakita ko siyang mahimbing pa rin ang tulog habang yakap ang isang teddy bear.

"Ang pangit niya talaga kahit saang angulo," sabi ko sa sarili ko.

Nilapitan ko siya at niyugyog, "Hoy, Pangit, gising!" Patuloy ko siyang niyuyugyog pero hindi pa rin siya magising kaya nilapitan ko siya sa kanyang tenga at sumigaw ako ng, "Pangit, gising!"

Nagising din siya pero bigla na lang akong tinulak. "Ano ba?" sigaw niya at tinignan niya ako.

"B'wisit ka talaga, Bonsai! Umalis ka nga rito! Natutulog pa ang tao nagpapapansin ka na! Wala ka ba talagang magawang matino sa buhay?" galit niyang sabi tapos tinalikuran ako at tinakpan ng isa pang unan ang kanyang tenga.

Hinila ko naman 'yon at nanalo ako. Naupo siya sa kanyang kama at galit akong tinignan.

"Ano ba? Lumabas ka nga!" sigaw niya.

"Ayoko nga! 'Yong Greenhouse mo roon sira na ang mga pananim," sabi ko.

"Peste ka talaga! Mamaya ko na 'yon aayusin! Inaantok pa ako!" sabi niya sabay higa ulit.

"Aalis na ako," malungkot kong sabi.

"Eh di umalis ka, wala akong pakialam! At p'wede ba huwag ka ng bumalik?" sagot niya sa'kin habang nakapikit.

"Pupunta na akong America."

"Go! Walang pipigil, Bonsai. Mabuti nga 'yon eh, mawawala na ang malaking kupal sa buhay ko." Tapos tinalikuran na naman ako. Talagang inaantok pa siya dahil minsan kapag inaasar ko 'yan na natutulog ay agad ng bumabangon para habulin ako at awayin.

Lumapit ako sa kama niya at naupo sa bandang likuran niya. Hindi naman siya gumalaw. Kinalabit ko pa siya pero wala siyang response, nakatulog na nga ulit. Unti-unti akong lumapit sa may tenga niya. "Babalik ako, babalikan kita. Tandaan mo 'yan," bulong ko sa kaniya bago ko siya hinalikan sa may noo.

Pagkatapos noon ay lumabas na ako sa kanyang k'warto at dumiretso ako ng Greenhouse.  Sinira ko ang mga halaman na nakatanim sa paso. May mga pinutol din ako at binunot.

Matapos doon ay nagpaalam na sa lahat ng mga katulong ni Granny, sa hardinero at sa driver lalung-lalo na kay Granny. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko habang palabas ng hacienda. Lahat sila nandoon at kumakaway sa'kin paalis maliban kay Pangit na natutulog pa. Huli kong tinignan ang bintana ng kaniyag k'warto bago tuluyang lumabas ng gate ng hacienda sa pag-asang makikita ko pa siya. . . pero hindi, wala siya roon, wala si Pangit hanggang sa tuluyan ko nang maisara ang kanilang gate.

•   •   •



Shane Loraise POV

Nagising ako sa mataas na sikat ng araw na pumapasok sa aking k'warto. Umaga na naman pala kaya dali-dali akong nagtungo sa aking banyo at naligo. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para mag-agahan. Katulad ng dati, ready na ang lahat. Ako na lang ang hinihintay. Nandoon si Lola at si Yaya.

"Good morning, Lola, Yaya," Masiglang bati ko pero malamyang 'Good morning' lang ang tugon nila. Nakikita ko sa mga mata ni Lola na malungkot siya.

"May problem ba, La?" tanong ko.

"Wala naman, mamimiss ko lang si Andz, wala na siya eh."

"Si Andz? Bakit saan siya pumunta?" takang tanong ko.

"Sa America, umalis na sila kanina papuntang Manila at mamayang gabi ang flight nila papuntang US."

Huh? Seryoso? Akala ko. . . akala ko panaginip lang 'yong kanina.

"Pinuntahan ka niya kanina sa k'warto mo para magpaalam_" sabat ni Yaya.

"Gano'n ba? Akala ko panaginip eh. Pero masaya ako dahil wala na ang malaking kupal sa buhay ko. Sana huwag na siyang bumalik,"  tanging nasabi ko bago kumain. Pero naisip ko rin si Kuya Lance, hindi ko na pala siya makikita. Malungkot tuloy ako habang kumakain.

Matapos no'n ay pumunta na akong Greenhouse at doon tumambad sa'kin ang mga sirang tinanim.

"Papansin ka talaga, Bonsai! Nag-iwan ka pa talaga ng kalat!" sabi ko sa aking sarili bago ayusin 'yon.

•   •   •

Matapos ang araw na 'yon ay naging tahimik na ang mansion. Wala nang sumisira ng mga pananim sa Greenhouse, wala ng nangunguha ng pagkain ko, wala ng bumubuntot-buntot sa'kin habang may ginagawa ako, wala na akong kaaway, at higit sa lahat wala na akong kausap sa hacienda ni Lola. Parati kasi silang busy maging si Lola, hanga nga ako sa kanya eh. Sa edad niyang 60 nakakaya niya pang i-manage ang buong hacienda.

Nang lumipas pa ang mga araw sa hacienda ni Lola, doon ko naramdaman na malungkot pala kapag wala si Bonsai. Napakatahimik ng paligid, nakakabingi, probinsiya na nga ganito pa, nakakalungkot tuloy.

Nasa sala ako ngayon, nanonood ng tv at sa kalagitnaan ng palabas ay parang may narinig ako.

"Pangit!"

Napalingon ako sa paligid pero wala naman akong nakita. Si Yaya lang ang nandoon at nagliligpit ng kalat ko.

"Ya, mag tumawag ba sa'kin?" tanong ko.

"Wala naman, Loraise. Bakit?"

"Ah wala, baka guni-guni ko lang," tanging nasabi ko at pinagpatuloy ko na ang panonood ng tv.

Hanggang sa lumipas ng lumipas ang panahon.




To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51.5K 46
"You're my betrothed." "Naliligaw ka, Miss." Inis na isasara ko na sana yung pinto ng humarang sya doon. "I don't think so. You're Terry Alcatraz ri...
445K 21K 45
Completed September 2022 Xera Thompson -Yung mayaman ka at sobrang ganda pero binasted ka ng first love mo. -Yung ikaw ang pinaka maarte, baby, at...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
1.1M 32K 105
Arya Astrid Fonacier is a lot of things; she's beautiful, cunningly smart, restless, and outgoing. She just wants nothing but to prove herself to the...