More Than Just A Bet [Publish...

By asherinakenza

22.8M 311K 45.6K

#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wron... More

More Than Just A Bet
MTJAB: PROLOGUE
MTJAB: Chapter 1
MTJAB: Chapter 2
MTJAB: Chapter 3
MTJAB: Chapter 4
MTJAB: Chapter 5
MTJAB: Chapter 6
MTJAB: Chapter 7
MTJAB: Chapter 8
MTJAB: Chapter 9
MTJAB: Chapter 10
MTJAB: Chapter 11
MTJAB: Chapter 12
MTJAB: Chapter 13
MTJAB: Chapter 14
MTJAB: Chapter 16
MTJAB: Chapter 17
MTJAB: Chapter 18
MTJAB: Chapter 19
MTJAB: Chapter 20
MTJAB: Chapter 21
MTJAB: Chapter 22
MTJAB: Chapter 23
MTJAB: Chapter 24
MTJAB: Chapter 25
MTJAB: Chapter 26
MTJAB: Chapter 27
MTJAB: Chapter 28
MTJAB: Chapter 29
MTJAB-Season 2: Chapter 30
MTJAB-Season 2: Chapter 31
MTJAB-Season2: Chapter 32
MTJAB-Season2: Chapter 33
MTJAB-Season 2: Chapter 34
MTJAB-Season 2: Chapter 35
MTJAB-Season 2: Chapter 36
MTJAB-Season 2: Chapter 37
MTJAB-Season 2: Chapter 38
MTJAB-Season 2: Chapter 39
MTJAB-Season 2: Chapter 40
MTJAB-Season 2: Chapter 41
MTJAB-Season 2: Chapter 42
MTJAB-Season 2: Chapter 43
MTJAB: Finale
MTJAB: Epilogue
MTJAB: Special Chapter #1

MTJAB: Chapter 15

507K 6.8K 1.5K
By asherinakenza

MTJAB: Chapter 15

"Amoy sunog." Sumisinghot singhot na sabi ni Eris. Nanlaki ang mga mata ko at bumalik ang kaluluwa ko sa katawan saka mabilis akong tumakbo sa kusina.

"Shit!" Sigaw ko grabe naging inihaw na saging ang banana que namin ni Nanay. Mabilis kong tinanggal sa mantika iyon.

Nakakarinig naman ako ng hagikhikan mula sa sala kaya mabilis akong lumingon sa kanila.

"Anong tinatawa tawa niyo?" Sigaw ko kina Eris at Liam na ngayon ay hindi magkandaigi sa katatawa.

"Wala naman, Ate. Dahil sa pagseselos mo kaya nasunog yang tindang banana que ni Nanay. Lagot ka! Two hundred din ang kita diyan!" Pananakot sa akin ng kapatid ko at napalunok naman ako. Totoo kasing two hundred ang kita ni Nanay doon sa mga saging na niluluto ko.

"Paano na 'yan, Eris? Pagagalitan ako ni Nanay." Bulong ko. Nagkibit balikat naman ang kapatid ko at nginisian lang ako. Grabe talaga ang laki ng naitulong niya ha!

"Anong oras ba ititinda ni Nanay sa palengke 'yan?" Seryosong tanong ni Liam habang pinupunasan ang tumatagaktak na pawis sa mukha at leeg. Nakakapagpalaglag talaga ng panty ang mga kinikilos nitong si Liam kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kanya at itinuon ang mga mata ko sa mga banana que na sunog sa malaking kawali namin.

"Alas tres, Kuya." Sagot ni Eris sa kanya. Tumingin naman sa orasan si Liam at maging ako ay napatingin.

"Alas onse pa lang. Saan ba kayo kumukuha ng saging?" Tanong niya sa kapatid ko.

"Sa kabilang sakahan! Nandoon kasi ang bukirin namin nila Tatay. Mga trenta minutos kung lalakarin natin." Sabi ni Eris at napatango naman si Liam.

"Tara. Kung thirty minutes ang lakad, mas madali kung may sasakyan." Suhestiyon ni Liam. Tinaasan ko naman siya ng kilay pero nginisian niya lang ako at lumabas ng bahay kubo namin.

"May auto ka, Kuya?" Excited na tanong ni Eris. Marunong magmaneho si Eris dahil tinuruan ko siya sa sasakyan kong bulok.

"Meron pero ang dala ko ngayon ay yung sa kapatid ko." Aniya.

"Pwede pasubok? Sigurado ako, maganda ang auto mo!" Ngiting ngiting tanong ni Eris. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya naman natahimik siya.

"Sige!" Sagot ni Liam saka hinila sa bulsa niya ang susi ng kotse at ibinato sa kapatid ko na kaagad namang nasalo nito. Tiningnan ako ni Liam at sinenyas niya ang ulo niya na lumabas ako ng bahay. Pinandilatan ko siya ng mata. Mukha namang nakaramdam ang kapatid ko kaya hinila ako nito palabas.

"Eris!" Suway ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

"Tay! Pupunta lang kami sa kabilang sakahan!" Sigaw ni Eris at nagulat ako nang buhatin ako ng kapatid ko na parang isang sako ng bigas. Seriously? Bakit biglang lumakas ang kapatid ko?

"Mas maganda yata kung ako ang magbuhat?" Pang-aasar ni Liam na narinig naman ni Tatay.

"Hindi mo pwedeng hawakan ang anak ko lalo na kapag kaharap mo ako!" Sigaw ni Tatay. Nanlaki ang mga mata ko. Naku Tay, kung alam niyo lang. Lumagpas na kami sa hawak. Shit. Nahalikan na ako nitong hambog na Liam na ito!

"Sige ho, Tay! Masusunod po!" Ngumingising sabi niya.

"Eris! Ibaba mo na ako, kainis ka! Sasama ako sa paglalakad." Nabubwisit na sabi ko sa kapatid ko. Mabilis naman niya akong ibinaba. Inirapan ko silang dalawa ni Liam saka nauna na akong maglakad. Natanaw ko kaagad yung sasakyan niya sa tapat ng sakahan namin.

"Hanep, Kuya. Hummer pala kotse mo." Manghang sabi ni Eris.

"Sa kapatid ko talaga 'yan." Aba, hindi yata mayabang ngayon ang isang 'to.

Sumakay na kaagad si Eris sa driver's seat. Binuksan naman ni Liam ang pinto sa back seat saka tinitigan niya ako.

"Sakay, binibini." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko na naman ang tagalog niya.

"Sige na..." Panunuyo niya at halos magising ang bolta boltaheng kuryente sa katawan ko nang hawakan niya ang baywang ko at itinaas niya ako para makasakay.

Pulang-pula ang mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang sumakay naman siya at naupo sa tabi ko.

"Astig nito." Excited na sabi ng kapatid ko.

"Hoy Eris, magdahan dahan ka. Wala tayong pambayad kapag nasira mo ito." Suway ko sa kapatid ko. Narinig ko naman ang pag-ngisi ni Liam sa tabi ko.

"Hayaan mo siyang mag-enjoy, babe." Nagpantig ang tainga ko sa itinawag niya sa akin kaya naman hinampas ko ang mukha niya.

"H'wag mo nga akong tawagin ng gano'n!" Hiyaw ko sa kanya.

"E 'di mahal kong binibini na lang." Mas lalong nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako pero bigla nang nagmaneho ang kapatid ko.

Mukha namang sanay nang magmaneho ang kapatid ko. Manghang mangha nga siya sa makina ng Hummer nitong si Liam. Mga sampung minuto lang ang ginugol namin para makarating sa bukirin.

"Tamang tama yung punta natin ngayon. Namunga yung isang puno ng saging, Ate." Bulong ni Eris at saka kinuha ang itak na nakasaksak sa isang punong kahoy. Napatingin naman ako kay Liam at tumatawa tawa siya.

"Anong nakakatawa?" Pairap na tanong ko sa kanya.

"Wala. Yung itak kasi ng Tatay mo, naalala ko. Nakakatakot din pala. Pero hindi ako natakot kagabi kasi nakita naman kita. Alam kong hindi ka papayag na itakin ako ng tatay mo." Ngumingising sabi niya. Grabe. Napaka-conceited talaga nitong isang ito.

"Kapal ng mukha mo." Punong puno ng iritasyon ang boses ko nang ibulong ko iyon.

"Kasing kapal ng pagmamahal ko sa'yo." Sagot niya at saka kinuha sa kapatid ko ang itak at initak ang isang malaking bunga ng saging. Sinampal sampal ko ang pisngi ko dahil sa narinig ko.

Nagkakamali ka lang ng dinig, Ara. Si Bianca ang mahal niya. Hindi ba nagawa ka nga niyang saktan dahil ipinagtanggol niya ang babaeng mahal na mahal niya? H'wag kang mag-assume na mamahalin ka rin niya.

Tinalikuran ko na sila at sumakay na ako ng sasakyan. Naiinis ako. Panay kasi ang pagwawala ng puso ko ngayon. Sana bumalik na lang siya sa Maynila kung ang gagawin niya lang dito ay ang paasahin ako sa mga walang kwentang bagay.

"Luto na ba?" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Nanay.

"Ah... Inaayos ko na po sa bilao." Nauutal na sagot ko. Yung banana que na nasunog kanina, ipinakain nila Eris sa baboy para hindi makita ni Nanay.

"Tamang tama. Ihahatid ko na 'yan kila Manang Josie para mamayang alas tres, diretso na ako sa palengke. May dala akong kuhol. Ipagata mo sa yatay mo at kumain na kayo nila Liam. Hindi pa yata nag-uumagahan ang isang 'yon at kanina pa nagsisibak ng kahoy." Pag-aalala ni Nanay. Tumango lang ako bilang sagot at saka hinugasan ko na ang mga kuhol na dala ni Nanay.

Abalang abala sa paggagata ng kuhol si Tatay. Natatakam na rin ako dahil na-miss ko ang ulam na 'yon! Paborito ko 'yon tapos ang sawsawan ay patis na may sili. Panigurado mapapasarap ang kain ko nito!

"Oh, kumuha ka na rito. Dalhan mo na rin yung dalawang kapatid mo at si Liam doon sa ilalim ng puno ng mangga. Nagpapahinga silang tatlo doon." Sabi ni Tatay. Kaagad akong kumuha ng malaking tasa at nilagyan iyon ng kuhol. Pagkatapos, inilagay ko sa basket yung kaldero ng kanin. Kumuha na rin ako ng apat na plato.

"Patis at sili. Baso at tubig." Nakangiting bulong ko. Kumpleto na! Mabilis akong naglakad papunta roon sa tapat ng sakahan kung saan nakaupo sa ilalim ng mangga sila Liam. Napalunok ako dahil hanggang ngayon, naka-topless pa rin siya at nakikipagbiruan sa dalawang kapatid ko.

"Oh ayan na pala yung hinihintay natin!" Excited na sigaw ni Eris saka tumakbo siya palapit sa akin para kuhanin ang dala kong basket.

Nilapag niya kaagad 'yon sa maliit na upuan. Inilatag naman ni Angelo ang kumot na madalas naming gamitin tuwing kumakain kami rito.

"Woa! Sabi ko na nga ba, 'yan ang ulam ngayon. Syempre, nandito si Ate!" Hiyaw ni Angelo. Ngumisi naman ako.

"Ano 'yan? Snail?" Kunot noong tanong ni Liam habang nakatingin sa ginataang kuhol o snail.

"Oo, Kuya. Masarap 'yan. Paborito ni Ate' yan!" At sabay-sabay kaming tatlong kumuha ng kuhol at saka malakas na sinipsip iyon mula sa shell no'n.

"Woo!" Sigaw ni Eris saka sumubo ng kanin.

"Kain na, Kuya!" Anyaya ni Angelo kay Liam. Tinignan ko siya at mukhang manghang mangha siya dahil sa pagkain namin nila Eris. Kumuha siya ng isa at sinubukan niyang sipsipin iyon pero nahirapan siyang kuhanin ang laman ng kuhol dahil malalim.

"Ganito kasi!" Sigaw ko sa kanya saka ko malakas na sinipsip yung kuhol sabay ipinakita ko sa kanya yung laman na nakuha ko gamit ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata niya at napangiti siya. Biglang natuliro ang puso ko nang humilig siya at kinuha ang laman ng kuhol sa bibig ko sa pamamagitan ng paghalik.
Natahimik kami ng mga kapatid ko.


Dahan dahan niyang nginuya iyon at dahan dahan ding may nag-form na smile sa labi niya.

"Ang sarap." Nakangiting sabi niya saka sumubo siya ng kanin.

"Yuck!" Sabay sabay na sigaw naming magkakapatid.

"Kadiri ka, Liam! Galing na sa bibig ko 'yon!" Hiyaw ko. Napakunot ang noo niya.

"Ano naman? Parang hindi tayo naghahalikan ah." Bigla akong nasamid ng laway ko kaya uminom ako. Nag-init ang mukha ko at parang may batong nakabara sa lalamunan ko. Napansin ko naman ang kakaibang tingin sa akin ni Eris.

"Susumbong kita kay Tatay!" Pang-aasar niya sa akin.

"Hoy!" Hiyaw ko pero tinawanan lang ako ng mga kapatid ko.

"Hoy, h'wag. Baka itakin ako ni Tatay." Pagbibiro ni Liam. Tumawa naman ang mga kapatid ko. May kung anong sayang bumalot sa puso ko dahil sa pagtawag niya ng Tatay at Nanay sa mga magulang ko. Para bang iginagalang niya talaga.

"Sige, basta ipangako mong pakakasalan mo ang Ate ko." Paninigurado ni Angelo. Tinapik ko naman siya sa braso niya.

"Seryoso ako, Ate!" Sigaw niya sa akin.

"Ang sabi kasi ng Tatay, kung sinong unang makahalik kay Ate, 'yon daw dapat ang pakasalan niya." Sabi ni Eris. Nag-init ang mukha ko at napatingin ako kay Liam na ngayon ay trying hard sa pagsipsip ng kuhol. Halos mapunit ang labi niya sa pag-ngiti nang may makuha siyang laman.

"Kasal? Sige ba, basta tutulungan niyo akong ligawan ang Ate niyo." Sagot ni Liam pagkanguya na pagkanguya niya. Tumingin siya sa akin at kinindatan ako. Tumungo ako pero nakakapagsisi dahil nakabalandra nga pala ang six pack abs niya sa harapan ko kaya tumingin ulit ako sa mukha niya. Shit! Titig na titig siya sa akin habang sumisipsip ng kuhol. Tinapik ko siya kaya tumalsik yung hawak niyang kuhol. Humalakhak naman siya.

"Lian! Kumakain ako rito nang maayos, ginugulo mo ako. Baka gusto mong ikaw ang itanghalian ko riyan." Pagbabanta niya saka kumuha ulit ng kuhol. Napahagalpak naman ang tawa ng mga kapatid ko.

Mabilis akong tumayo para umalis na sa lugar na 'yon pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Maupo ka. Ipaghihimay kita ng kuhol." Sabi niya at saka pilit niya akong pinaupo sa tabi niya. Nagdikit ang braso niya at braso ko kaya naman parang napaso ako.

"A-ano?! Ni hindi ka nga marunong kumain niyan!" Sigaw ko sa kanya at ngumisi siya.

"Marunong na ako, ganito." Aniya saka mabilis na sinipsip ang kuhol. Narinig ko naman na napunta kaagad sa labas ng labi niya iyon saka kinuha at isinubo sa akin. Tinitigan niya ako at nginitian.

"Sarap ano? Kanina rin eh. Nung galing sa labi mo, masarap din." Ngumingising sabi niya. Sinampal ko siya pero sobrang mahina lang. Panay naman ang hagikhikan ng mga kapatid ko sa pinaggagagawa ni Liam.

Pero hindi ko alam na palihim akong napapangiti habang patuloy niyang ginagawa iyon sa pagkain namin ng tanghalian. Nananaginip ba ako? Kasi kung panaginip ito, parang hindi mangyayari sa totoong buhay. Para kasing hindi siya si Liam.

Pagkatapos naming kumain, naghugas na kami ng pinggan. Oo, kaming apat ang naghugas sa poso. Si Liam ang taga-bomba. Akala mo naman ang dami naming hugasin. Pero at least kahit papaano, nagiging magaan ang gawain ng mga kapatid ko ngayon dahil may nakakatulong na sila.

"Hala! Eh saan ka matutulog?" Sigaw ni Angelo kay Liam. Nasira kasi yung upuan naming kahoy dahil sa bigat ni Liam. Ang laki kasi niyang tao kaya bumigay na yung upuan namin.

"Sa kwarto. Magtabi tabi tayong apat na lalaki sa banig. Magkatabi ang Nanay at Ate mo sa papag." Suhestiyon ni Tatay na ngayon ay naghuhugas ng kamay niya. Katatapos lang kasi naming kumain ng hapunan.

"Bakit? Ayaw mo? Kung hindi ka nakakatulog sa sahig, dito, matutulog ka sa sahig." Bumaling si Tatay kay Liam dahil walang sumagot sa amin.

"Hindi po, Tay! Inaantok na nga po ako! Gusto ko nang matulog!" Kaagad pumasok si Liam sa kwarto namin at nakita kong naglatag siya ng banig sa sahig. Sinilip namin siya. Nakahiga na siya sa sahig na katabi ng papag.

"Hindi ka diyan mahihiga. Doon ka sa kabilang dulo. Baka mamaya, gapangin mo pa ang anak ko." Suway ni Tatay sa kanya. Kaagad naman lumipat sa kabilang dulo si Liam. Gusto kong matawa ang ikli kasi talaga sa kanya nung damit ni Tatay. Pinahiram kasi ulit siya nito ng damit nung naligo siya.

"Tay, lagpas sa pintuan ang paa ni Kuya." Ngumingising sabi ni Eris.


"Anong gusto mong gawin ko? Palakihin ko 'tong kubo?!" Pagsusungit ni Tatay. Napailing na lang si Eris sa pagsusungit ni Tatay sa kanya.

Mga alas nuwebe na rin nung nahiga kaming lahat. Pagkahiga pa nga lang, naghihilik na yung dalawang kapatid ko. Si Nanay naman, nakapikit na. Gano'n din si Tatay. Ako naman, hindi ako makatulog. Paano nag-eecho pa rin sa isip ko yung sinabi sa akin ni Liam.

"Kasing kapal ng pagmamahal ko sa'yo."

Si Bianca ang mahal niya.

"Gising ka pa?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang bulong ni Liam sa kabilang dulo. Katabi niya si Tatay.

"Matulog ka na nga." Naiinis na bulong ko.

"Hindi ako makatulog. Panay kasi ang takbo mo sa isip ko." Seryosong bulong niya at nag-init ang mukha ko.

"Manahimik ka nga! Baka magising sila Tatay." Suway ko sa kanya.

"Ang sama kasi ng pakiramdam ko siguro dahil sa panahon..." Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala sa kanya. Kagagaling lang kasi niya sa sakit, 'di ba? Baka mamaya, nasobrahan siya sa pagtatrabaho kanina.

"Masama ang pakiramdam mo? Gusto mo bang uminom ng gamot?" Pag-aalala ko.

"Dahil sa panahon na para mahalin mo rin ako." Natatawang sabi niya. Ang corny niya! Anong connect no'n sa sinabi niy? Nakakainis! Biglang tumikhim si Tatay kaya natahimik ako.

"Kung gusto niyong mag-usap na dalawa, lumabas kayo. Magpatulog kayong dalawa. Maaga pa ang trabaho bukas!" Suway sa amin ni Tatay.

"Sige ho, Tay! Lalabas ako!" Hiyaw ni Liam saka tumayo. Nanlaki ang mga mata ko. Tumingin siya sa akin at sinenyasan niya ako na lumabas pero umiling iling ako.

"Sige na." Pagpupumilit niya.

"Pag nag-ingay pa kayong dalawa dito, sa labas ko kayo patutulugin." Banta ni Tatay. Padabog akong tumayo at lumabas ng kwarto.

Dumiretso naman siya sa labas ng bahay kubo namin. Umupo siya roon sa punong kahoy na mahaba kung saan madalas upuan ni Tatay. Tinapik niya ang katabing upuan niya.

"Lika... Dito ka sa tabi ko." Panunuyo niya. Naiinis ako dahil sa lambing ng boses niya ngayon. Tinitigan niya ako nang malalim kaya naman umupo na ako sa tabi niya.

Tahimik lang kami nung una. Para bang pinapakinggan namin yung ingay ng mga kuliglig. Medyo malamok na rin dahil malapit nga kami sa sakahan.

"Ang saya ng pamilya niyo. Nakakainggit." Bulong niya at napalingon ako sa kanya. Nakatanaw lang siya sa malayo at nakangiti.

"Ang swerte mo sa tatay mo, Lian. Mahal na mahal kayong magkakapatid." May pait sa pananalita niya.

"Mahal ka rin naman ni Tito Kyle." Bulong ko sa kanya. Bumaling siya sa akin at napalunok ako nang magtama ang mga mata naming dalawa. Doon ko lang napansin na parang punong puno ng lungkot ang mga mata niya.

"Tingin mo? Pagmamahal na may kasamang suntok at tadyak." Ngumingising sabi niya. Parang kinurot ng kung ano ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Liam... Sa tingin ko naman ay dinidisiplina ka lang ng daddy mo. Pero sigurado akong mahal na mahal ka niya." Bulong ko sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango tango na lang sa akin. Sa tigas ng mukha nitong si Liam, dapat lang na disiplinahin siya ng daddy niya.

Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya.

"K-kailan ka babalik ng Manila?" Untag ko. Ramdam kong nakatitig pa rin siya sa akin.

"Babalik lang ako kapag kasama ka." Nakaramdam na naman ako ng pagkainis sa kanya. Paasa kasi kahit kailan. Nakakainis yung tabas ng dila niya.

"Bakit ka pa kasi sumunod dito?" Naiinis na sigaw ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan.

"Para nga sunduin ka. Uwi na tayo." Pagsusumamo niya. Napapitlag ako nang hapitin niya ako sa baywang ko at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Gusto ko siyang itulak pero may pumipigil sa sarili ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na paghinga niya sa may tainga ko.

"Come back to me, Lian." Bulong niya at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.

"I'm really sorry, baby." Halos kilabutan ako sa pagbulong niya sa akin. Yung mga nagpaparadang paru-paro sa tiyan ko, mas lalong dumarami.

"Liam..." Halos ibulong ko na lang yon. "Ayoko na..." Hindi ko alam kung paano ko nasabi sa kanya 'yan pero kasi nasa isip ko pa rin yung Bianca. Hindi basta-basta mabubura sa isip ko kung gaano niya kamahal yung babaeng 'yon.

"Alam ko na 'to. Kahit hindi pa ako nagkaka-boyfriend, alam kong nagiging panakip butas ako kapag wala si Bianca. Hindi ba nagawa mo nga siyang ipagtanggol laban sa akin?" Biglang may tumulong luha sa mata ko. Akmang pupunasan ko iyon pero siya na ang gumawa.

"I'm sorry..." Namamaos ang boses niya. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa bwisit na luha ko.

"Inaamin ko. Nung una, binalak ko talaga." Patuloy niya, "N-nakita ko kasi siya sa'yo nung unang pagkikita pa lang natin. Galit siya palagi sa akin. Hindi siya nagpapatalo kapag nakikipag-asaran ako sa kanya. K-kaya gago man pakinggan pero pumayag ako sa pustahan para lang makalimutan siya." Parang huminto yung parada ng paru-paro sa tiyan ko dahil sa narinig ko. Yung puso ko, parang pinipiga dahil sa sobrang sakit. Nakakainis. Bakit ba kasi nagustuhan ko kaagad itong lalaki na 'to?

"K-kaya ba tinawag mo akong Bianca nung gabing nasa apartment tayo?" Bulong ko at naramdaman kong tumango tango siya pero mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Manggagamit ka, Liam." Pabulong na sigaw ko sa kanya saka pilit ko siyang inilalayo sa akin pero pilit niya rin akong hinihila palapit sa kanya. Ramdam na ramdam ko yung mainit na katawan niya maging yung palad niyang lumalapat sa baywang ko mainit rin. Para bang kahit nasaktan na niya ako, pakiramdam ko pa rin ay ligtas ako sa mga kamay niya kahit isinisigaw ng utak kong hindi ako ligtas sa kanya.

"Nakakainis ka." Bulong ko sa kanya.

"I'm sorry. I'm sorry, baby." Bulong niya sa tainga ko at hinalikan ang pisngi ko.

"Bakit mo ba ako sinundan dito? Para gamitin na naman ba?" Sigaw ko sa kanya.

"No! No, baby. I want you back. Ang gago ko. Bakit kinakailangan ko pang makitang tinatalikuran mo na ako bago ko ma-realize na ikaw talaga yung gusto ko. Please, Lian. Come back to me." Desperadong desperado ang tono ng boses niya.

"Hindi ganon kadali 'yon, Liam!" Sigaw ko sa kanya saka ko ginamit ang buong lakas ko para maitulak siya. Tumayo na ako para sana pumasok na ulit sa loob pero mabilis pa rin niya akong niyakap sa likod ko.

"Please, Lian. Isang chance na lang. I promise, itatama ko lahat ng kamalian ko. Please. I'm begging you." Halos pumiyok na ang boses niya sa pagsasalita. Pilit kong inaalis ang kamay niya sa baywang ko pero hindi ako makawala. Nanghihina ako sa mga yakap niya.

"Please. Hindi ko sinasadiyang masaktan ka. I'm really sorry. Sorry kung ang gago ko! Sorry kasi isang titig mo lang sa akin, hulog na hulog kaagad ako sa'yo. Sorry kung ang tanga tanga ko. I'm sorry Lian kung pumayag ako sa pustahan." Ang sakit lang sa dibdib na humihikbi siya ngayon. Naiinis ako sa kanya! Bakit ba ginagawa niyang mahirap lahat ng bagay sa akin? Para akong tanga na dinarama yung pagbulong niya sa tainga ko. Nakakapanghina lahat. Nakakapanghina yung mainit na pagbuga ng hininga niya. Nakakapanghina yung pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

"Pero maniwala ka, Lian. Sinubukan kong sabihin sa'yo. Sinubukan kong buksan yung lintik na pustahan. K-kasi gusto ko nang itigil 'yon. Gusto ko nang itigil not because I don't want to be with you. B-because I know right from the start, you are more than just a bet."

Continue Reading

You'll Also Like

23M 588K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
Stay Alive By Josh

Mystery / Thriller

618K 32.4K 19
A standalone novel with Prosecutor Aubrielle Baxter's Point of View
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."