Stephanie, The Devil's Slave

By SexyKisser

12.1M 143K 14.9K

She is not an ordinary slave. More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
STDS [38]
STDS [39]
STDS [40]
STDS [41]
STDS [42]
STDS [43]
STDS [44]
STDS [45]
STDS [46]
STDS [48]
STDS [49]
STDS [50]
Stephanie, The Devil's Slave
STDS [Epilogue]

STDS [47]

175K 2.8K 610
By SexyKisser

Dumiretso si Kris sa Mixx club. Nang makarating sya doon ay komlpleto ang tatlo.

Walang sali-salitang nakisali sya sa inuman ng mga kaibigan. Sunod sunod nyang nilagok ang beer. Hanggang ngayon ay nasasaktan sya. Malinaw rin sa kanya kung gaano nya nasaktan ang dalaga. Kung alam lang sa ni Steph kung gaano kagusto ni Kris na yakapin sya noong mga oras na umiiyak sya dahil sa mga pinagsasabi ni Kris.

The slap? He deserves it. He fcking deserves it. Alam nyang hindi na sya ang papanigan ni Stephanie nang mga oras na iyon. Kailangan nyang iligtas ang natatapakang pagkatao sa harapan ng kapatid kaya nya itinuloy. Pero ang kapalit nun? Nasaktan ang dalaga, nasaktan nya ang taong iniingatan nyang masaktan.

Tangina. Pinagsisisihan nya ang lahat ng ginawa nya. Nasa huli ang pagsisisi. Pero bakit kahit alam nya nang magisisi sya, bakit naituloy pa nya?

Kitang kita nya kung gaano kagulat ang dalaga dahil sa mga sinabi nya. Niloko nya sya. Niloko nya si Steph, pinagmukha nya itong tanga at.. sinira nya ang pangako nya.

"Dude! Hinay hinay lang." Biglang sabi sa kanya ni Ethan na nagulat sa sunod sunod nyang lagok.

Alam ng mga kaibigan na may problema sya. Hindi kasi iyon maipagkakaila sa mukha nya pati na rin sa kinikilos nya.

"May problema ka?" Hindi man sanay ang mga kaibigan nya sa pagtatanong sa buhay nya ay hindi na nito naiwasan. Mukhang malaki ang problema ng kaibigan nila, at kailangan sila nito.

Tahimik lang si Kris. Hindi nya kinibo ang mga kaibigan. Ang gusto lang nya ay lunurin ang sarili sa alak. Magpakalasing upang sandaling makalimutan ang nararamdaman.

Panglimang bote na nya. Pinipigilan sya ng kaibigan dahil nagaalala na talaga ang mga ito. Oo at malakas ngang uminom si Kris pero sa lagay nito ay mukha namang hindi ine-enjoy. Mukhang nagpapakalunod.

"Ang gago ko.." Mahinang sabi ni Kris na hindi nakalagpas sa tainga ng mga kaibigang lalaki.

"Alam namin yun, pero bakit naman yata dine-declare mo pa?" Inosenteng tanong ni King.

"Ulol. Baka ngayon lang nya naisip?" Sabat naman ni Ethan.

Hindi na lamang pinansin ni Kris ang mga sinasabi ng mga kaibigan at uminom na lamang.

"Bakit? Tinuloy mo ba?" Tanging si Stanley ang nagsalita ng maayos. "Sabi naman kasi sayo, h'wag mo nang ituloy. Ang gago mo talaga." Hindi maipagkakailang naiinis si Stanley sa kaibigan. Pero nanatili na lamang itong tahimik.

"Anong hindi itutuloy?" Tanong ni Ethan na hindi naiintindihan ang sinasabi ng dalawa.

"Hind ko naintindihan, ang naintindihan ko lang, gago si Kris." Sabi naman ni King.

Nabatukan ni Ethan si King sa mga pinagsasabi. Nagtawanan silang dalawa, pareho na silang may tama.

"Si Steph.. kasama nya na si Max ngayon." Malamig na sabi ni Kris. Iniiwasan ng binata na maging tunog kaawa awa, pero hindi parin iyon maipagkakaila dahil sa lungkot ng mga mata nya.

And that stop his friends from laughing. Alam kasi ng mga ito ang kwento. Ang plano. Ang lahat. Matagal na nilang sinabi kay Kris na tigilan ang plano dahil marami ang masasaktan, hindi lamang si Max.. kundi silang tatlo.

"Ano?" Tanong ni King.

"Sht, itinuloy mo?" Sabat ni Ethan na ngayon lang naintindihan ang pinagsasabi ng  binata.

Umiling si Kris. "Hindi.." Nakita nila ang lungkot na bumabalot kay Kris ng mga oras na iyon at hindi nila naiwasang maawa sa binata. "Hindi ko naman dapat itutuloy.. pero biglang nangyari."

Tinapik ni Ethan ang balikat ni Kris.

"Hindi ko naman na talaga itutuloy." Hindi matanggap na sabi ni Kris. "Pero nung makita ko si Max.. Tangina... Nasaktan ko si Steph.. sya ang pinaka nasaktan ko."

"Mahal mo na talaga, pre." Sabi ni King at tinapik tapik si Kris sa balikat. "Magsorry ka na."

Natawa si Kris at umiling. Kasunod ay nilagok ang hawak. "I hurted her, hindi nya na ako mapapatawad." Bakas ang kalungkutan sa mukha ng binata.

"Tanggap mo?" Tanong naman ni Stanley. "You're letting her go? You're giving her to Max? Sa kapatid mo? That's not right. Kung mahal mo, ipaglaban mo."

Natauhan naman si Kris sa tanong ng kaibigan. Tinitigan nya ito. "Of course not." Maanghang na sabi nito.

"Then, puntahan mo na." Kantyaw sa kanya ng kaibigan. "Papatawarin ka nun, kitang kita namin kung gaano ka kamahal nun." Natatawang sabi ni Ethan at King at naalala ang mga nangyari sa Bukidnon.

Tumayo si Kris kahit na medyo nahihilo na sya. Nakailang bote na rin kasi sya.

"Good luck pre! Sana hindi ka itaboy." At nagtawanan sila. Hindi man lang inalok ang kaibigan na ihatid kahit na nakita na nilang naka ilang bote ito.

Tumuloy sya sa sasakyan at dumiretso sa condominium kung saan si Max. Alam nyang dito lang pupunta si Steph, wala na syang ibang tutuluyan.

Agad syang bumaba at pinasok ang condo, sumakay sya sa elevator at ramdam nya ang kaba nya. Sobra syang kinakabahan na baka hindi sya tanggapin ni Steph, o baka hindi pa sya nito harapin.

Hindi nya kakayanin na iwan sya ni Steph. She means everything to him.

Wala na syang pakialam kung ano ang iisipin ni Max, kung isipin nito na talunan parin sya kagaya noon. Ang gusto lang nya ay makuha si Steph. Wala syang pakialam kung hindi sya nito piliin.. ang mahalaga ay sinubukan nya. Wala na syang pakialam kung mapahiya sa harapan ng kapatid.

Agad nyang pinindot ang doorbell pagdating na pagdating sa unit ni Max, hindi na sya nagpatumpik tumpik. Alam talaga nya kung saan ito nakatira, paanong hindi nya malalaman? Ang ama nya pa ang nagbigay dito bilang regalo noong tumungtong ng 18 years old si Max.

Maya maya lamang ay bumukas na ang pinto at iniluwa nun si Max. Si Max na masama ang tingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito, kuya?" Malamig na tanong sa kanya ng nakababatang kapatid.

Nakaramdam sya ng inis ng tawagin sya nitong kuya, kailan man ay hindi nya ito itinuring na kapatid. Hindi na lamang nya iyon pinansin, hinanap ng mata nya si Steph sa loob ng nakabukas na pinto.

"Where's Steph? Ilabas mo sya." Matigas na sabi ni Kris sa lalaking nakatayo sa harapan nya. Hinarang naman iyon ni Max. Hindi nya hahayaan na makalapit si Kris kay Steph.

"Umalis ka na." Mapait na sabi nito na kinainis ni Kris.

"I am here to take what is rightfully mine. Now, ilabas mo si Steph" Matigas na sabi ni Kris at masamang nakatingin sa kanya.

"Rightfully yours?" Maangas na tanong ni Max kay Kris. "Ibabalik ko sa'yo yang putanginang tatlong milyon mo."

Medyo nagulat pa si Kris sa sinabi ng kapatid. Siguro ay nai-kwento na nito sa kanya. Mas lalo syang nasaktan, iniisip nya palang kung gaano na ito katagal nagsama habang wala sya, pakiramdam nya ay dinudurog ang puso nya.

"Sinaktan mo na sya, hindi pa ba sapat yun?" Humakbang si Max papalapit kay Kris. Halos magkasingtangkad lamang sila. "Hindi pa ba sapat na ikaw ang dahilan kung bakit sya umiiyak?"

Natigilan si Kris. Hindi mawala sa isipan nya ang imahe ng dalaga na umiiyak nang dahil.. sakanya.

Nagtagisan sila ng titigan.

"She is mine. Mine. alone." Kris said with gritted teeth.

"No one owns her. Umalis ka na, kuya. She doesn't want to see you. She doesn't need you, so fuck off."

Naikuyom ni kris ang kamao nya sa sobrang inis. She doesn't need you. Parang gusto nyang sapakin ang kapatid dahil sa sinabi nito. Sobrang naapektuhan sya.

"Watch your mouth, Max." His jaw clenched.

"Hindi ba't dapat sa sarili mo yan sabihin?" Max said coldly. Hindi iyon pinansin ni Kris. Alam nya na ang ibig sabihin ng kapatid.

"She doesn't love you anymore." Naiinis na sabi ni Kris para pasakitan si Max.

"I love her. That's enough to hold us both." Pangtapal naman ni Max.

Lumungkot ang mata ni Kris. Hindi nya napigilan ikumpara ang sarili kay Max, sa nakakabatang kapatid. Mas lalo syang natatakot ngayon dahil pakiramdam nya ay kayang kaya ulit mahalin ni Steph si Max. Kumpara sa kanya..

"Alam mo kuya, hindi naman ako ang mali eh." Sabi ni Max. "Ikaw." He said looking at him directly in his eyes. "Kasi hindi ka marunong makuntento kung ano ang nasa 'yo ngayon at pilit mo paring binabalikan ang noon."

Mahigpit na ikinulong ni Kris ang palad sa kamao. Patamang patama sa kanya ang mga sinasabi nito. At hindi nya iyon matanggap.

"Mahal ka nya.. pero tinulak mo sya papalayo sa'yo." Sabi nito na mayroon ng mapait na boses. "Hindi mo ba alam kung gaano ka kagago para gawin 'yun?"

Nanatiling tahimik si Kris. He's just lost of words, lost of right words to say.

"Kung inaakala mo Kuya, na ako ang nawalan.. Then you're wrong. Mas malaki ang nawala sayo. Kasi kahit ilang beses mang may mangyari sainyo o kahit ilang beses mo mang ulit ulitin na ikaw ang nakakuha sa kanya.. kaya ko parin syang tanggapin. Kayang kaya ko syang tanggapin ng buong buo. Eh ikaw..?" Lalong inilapit ni Max ang sarili nya kay Kris para patamaan ito at gisingin.

"Kailan mo ba matatanggap na tapos na ang noon at ang mahalaga ay ang ngayon?"

Sapol si Kris, tila walang naririnig pero ang totoo, tamang tama ang lahat ng sinabi ng kapatid. Napatitig sya sa kawalan.

Kailan mo ba matatanggap na tapos na ang noon, at ang mahalaga ay ang ngayon? 

Paulit ulit nyang narinig. Kailan nga ba nya matatanggap? Mas mahalaga na si Steph. Alam nya iyon. Mas mahalaga si Stephanie pero pinili nya parin ang plano nya.. na pinagsisisihan nya.

Pumasok si Max sa loob. Nakita nyang nandoon si Stephanie at umiiyak, nakikinig pala ito sa usapan nila.

"Steph.." Niyakap nya ang dalaga. Nakapagusap na sila kanina. Malinaw na ang lahat kay Max. Malinaw na si Kris.. si Kris na ang mahal ng dalaga. Pero nangako parin si Max na gagawin nya ang lahat para maibalik ang pagmamahal sa kanya ni Steph.

For her, he will do everything. Even if it means.. a million pain.

"U-umalis na ba sya?" Tanong ng dalaga sa namumugtong mata.

"Hindi ko alam, pinagsarahan ko." Sabi ng binata.

Iniupo nya ang dalaga sa sofa at umupo rin si Max sa kabila. Hindi nya makayang nakikitang nasasaktan ang dalaga. Masyado itong nasasaktan.. at wala syang magawa. Masakit sakanya na noon, kayang kaya nyang pasayahin ang dalaga, pero ngayon.. hindi na sya ang kasiyahan nito.

"Ano bang plano mo Steph?" Tanong ni Max na halatang nagaalala para sa kanya.

"..Lalayo ako dito.. Aalis ako, ppupunta ako ako kung saan kaya kong makalimot. Aayusin ko muna ang sarili ko.." Malungkot na sabi ni Stephanie at tumingin kay Max. "Sana kayo din, maayos nyo na ang mga sarili nyo."

Alas dos na ng madaling araw nang makatulog ang dalawa. Natulog si Stephanie sa kama, samantalang si Max ay natulog sa sofa. Maya maya ay nakarinig sila ng ingay. Sunod sunod na tumunog and door bell at sinundan iyon ng malakas na ingay. Malakas na tunog sa labas na parang sinisipa ang pintuan.

"Sino yun?" Tanong ni Stephanie at bumangon. Nagising na din si Max. Wala pa silang gaanong tulog.

"Sino pa ba?" Naiinis na tanong ni Max. "Kailan ba sya titigil?" Tumigas ang mukha ni Max dahil alam nyang ang kapatid ang nasa labas. Galit sya sa kapatid nya, ngayon lang sya nagkaroon ng matinding galit para rito. Sinaktan nito ang pinakamamahal nya.

Naiinis n tumayo si Max at piniglan sya ni Steph. "M-max.. wag mo syang sasaktan."

Parang naging yelo si Max. Nanlamig sya at nanigas sa sinabi ni Steph. Ganun na ba talaga kamahal ng dalaga ang kapatid nya? Sandaling nagkaroon ng kirot ang bandang dibdib ni Max.

Napansin iyon ni Steph kaya't binitawan nya agad si max. "A-ayoko kasing magkasakitan kayo.." Bulong na lang nito.

Tumango si Max kahit nasasaktan. "Stay here, Steph." Sabi nya sa dalaga.

Binuksan nya ulit ang pinto. Nakita nya ang mukha ng galit na si Kris.

"Ipapatawag ko ang security guard kapag hindi ka tumigil." Pagbabanta ni Max pero hindi naapektuhan si Kris. Pinilit nyang pumasok pero pinipigilan sya ni Max. Hindi ito masyadong malakas dahil lasing at gumingewang pa. Pero alam nyang nasa tamang pagiisip pa ito.

Nakainom ito nang pumunta kanina sa kanila, naamoy nya ang lakas ng alak. Pero mukhang mas nakarami ito at mas lasing ngayon.

"Palabasin mo sya! Tangina! Ilabas mo si Steph!" Sigaw nito sa kanya.

"Umalis ka na." Matigas na sabi ni Max.

"Putgngina! Sabi nang ilaba--"

Nabuwal si Kris dahil sa lakas ng suntok. Hindi nya ininda 'yon dahil gusto talaga nyang makita ang dalaga. Kahit nahihilo, ay pinilit nya paring mapuntahan si Steph. Lasing na lasing na sya pero hindi parin nya makalimutan si Steph. Ang akala nya ba ay makakatulong ang alak sa problema nya?

Bumalik si Kris kanina sa club at nagpakalunod muli sa alak. Wala na ang mga kaibigan doon at tanging mga hindi kakilala ang kasama sa paginom. Gusto nya na talaga makita ang dalaga, at ikamamatay nya ang bawat segundong malayo sya rito.

"ANONG BANG KAILANGAN MO?!" Sigaw ni Max, galit na galit.

Umupo si Kris. Para syang nababaliw. He looks.. broken. Ganito ba katindi ang epekto ni Stephanie sa kanya? O masyado lang nasasaktan ang ego nya?

Naipatong nito ang siko sa dalawang tuhod na magkahiwalay. Napasabunot sya sa buhok nya, mukhang hindi nya na malaman ang gagawin.

"Max.." Unang unang beses nyang nakita ang nakatatandang kapatid na ganito kadesperado. "..Si Steph.. sya, sya ang kailangan ko.." Nakita nyang nagtutubig ang mata ni Kris. Hindi nya naiwasang makaramdam ng awa para rito. "Pakiusap.. I want to see her.."

Mahal na mahal din ng kapatid nya si Steph. Naisip ni Max.

"Kuya. Umalis ka na." Naaawa man sa kalagayan nito ay pinili parin nyang paalisin ito. Hindi lang naman si Kris ang nasasaktan sa kanila. Sya din, pati na rin si Steph. At ang hindi nila pagkikita ay ang mas pinaka ikabubuti nila.

"..kakausapin ko lang sya.. gusto ko syang makita.." His voice broke. Halos lumuhod na ito. "..Kahit ngayon lang, Max.. Sana kahit ngayon lang... ibigay mo naman ang gusto ko... Just once, just her.." Mula sa pagkakaupo ay tumingin ito sa kanya. Ngayon lang nakiusap ang kapatid sa kanya.

Kris looks wasted. His messy hair and the dark circle under his eyes. His red eyes that looked so tired and hurted, and the fresh wound on his left eyebrow. Naghamon kasi ito ng away kanina sa club, mailabas man lamang ang sakit na nararamdaman.

Max can see how broken his brother is. Pakiramdam ni Max ay ang bigat bigat na ng loob nya. Parang sya pa ang masama.

"Max.." Narinig nilang dalawa ang boses ng dalaga. Nasa likod ito ni Max.

Agad naman nabuhayan ng loob si Kris at pinilit na makita ang mukha ng minamahal. Ilang oras nya lang itong hindi nakita pero halos patayin na sya ng mga oras na iyon.

"S-steph!" Sigaw ni Kris. Tumayo ito at medyo nabuwal pa dahil sa pagkakalasing. Kitang kita kung gaano ito kasaya nang makita si Stephanie.

"Steph, I told you to stay inside." Sabi ni Max na hinaharangan si Steph para hindi makalapit si Kris.

"Max, kakausapin ko lang sya." Sabi nito. At nang hindi sumagot si Max ay nagsalita ulit sya. "Hindi ako sasama sa kanya, may lilinawin lang ako." Sabi nya na sapat lamang para marinig ni Max.

"He's drunk." Nahilot ni Max and gilid ng noo.

"I'll be fine. He's not going to hurt me." Pagsisigurado ni Steph.

Ewan ba ni Max at sobrang nasasaktan sya sa mga maliliit na bagay na sinasabi ni Stephanie, is it just him? Or it's just that, reality slaps?

Tumango na lamang si Max at pumasok sa loob. Naiwan silang dalawa.

Agad na lumapit si Kris para yakapin ang babaeng minamahal. Pero pilit syang tinulak nito.

"Ano ba? Bitawan mo ako! We're just going to talk! Ayoko sa mangloloko!" Sigaw ni Steph kay Kris. Agad namang napaso si Kris sa sinabi nya kaya labag man sa loob ay bumitaw sya kay Steph.

"Lets go home.." Sabi ni Kris na pilit syang tinititigan, para bang kinakabisado nito ang bawat sulok ng mukha nya.

"Hindi na ako sasama sayo." Matigas na sabi ni Steph.

Sandaling natigilan ang binata. Parang unti-unting nawawala ang epekto ng alak sa kanya. Steph is his medicine, she is everything, she keeps him sane, keeps him complete, she is the air that he breaths. "D-don't say that." halos pumiyok si Kris nang sabihin yun. "Tara na.. Uuwi na tayo.." pakiusap nito.

"Hindi na ako sasama sayo Kris." Ulit nito. "Ibabalik ko naman na sayo ang tatlong milyon." Sabi nya.

Umiling ang binata. "Wala na akong pakialam sa tatlong milyon na yun! Matagal nang walang halaga yon.. I want you back because I love you.. and you love me. Hindi ko na iniisip na binili kita.." Pagmamakaawa nito.

Natawa si Steph at umiling. "Talaga?" She laughed humorlessly. "Pero bakit iba ang pinaramdam mo?" Mapait na tanong nito.

"Lets settle this at home." Sabi nito at hahawakan syang muli nang tabigin nya ang kamay nito.

"Ayoko!" Sigaw nya. Niyakap sya ng binata pero pinaghahampas nya iyon sa dibdib. Tuluyan na din syang umiyak dahil pakiramdam nya ay nanlalambot ang tuhod nya sa yakap ni Kris. Parang bibigay sya sa init ng yakap nito. Pati na rin sa pinapakita nitong.. sincerity. Pero malay nya ba kung hindi pa tapos ang plano ni Kris? Paano kung niloloko na naman sya nito? Paano kung gamitin na naman sya?

Iyon lamang ang tumatak sa isip nya. Isang mangloloko si Kris. Isang manggagamit.

"Sinungaling ka Kris! You said hindi mo na itutuloy! But you.. you lied! You f*cking lied to me!" Sigaw ni Stephanie habang patuloy sya sa paghampas sa dibdib ni Kris.

Tahimik lang ang binata at pilit na niyayakap si Stephanie kahit na puro hampas ang natatanggap nya. Kayang nyang saluhin lahat ng yun.. bumalik lamang si Stephanie sa kanya.

"Ano?! Ano pa bang kasinungalingan ang meron sayo?! Diba ginamit mo lang ako?! Ako pa nga ang pinakamalaking parte sa lintek na plano na yan!" Her voice broke.

"No.. mahal kita." Sabi lang ni Kris at pilit na sinisiksik ang mukha sa leeg ni Stephanie upang hindi makitang malapit na syang maiyak sa pagtaboy sa kanya ng dalaga.

"Mahal!? Sinungaling! Puro pagpapanggap lang ang ginawa mo Kris.. I hate you.." Mahinang bulong ni Steph na tila napagod sa kakasigaw.

Napaurong si Kris sa sinabi ni Steph. I hate you. May mas sasakit pa ba?

"Bakit..? Bakit kailangan pang madamay to?" Turo ni Stephanie sa bandang puso nya. "Bakit kailangan pati ito masaktan? Wala naman akong ginawa sayo.." Humikhibing sabi ni Steph.

Napayuko si Kris. Hindi nya matagalan ang nakikita. Gustong gusto nyang punasan ang luha ni Stephanie pero alam nyang itutulak lang sya nito.

"Pati ba yung mga ipinakita mo? Pati ba yun planado?" Tanong ni Stephanie na nakatingin sa nakayukong binata. She's trying not to sob.

Agad na napatingin sa kanya ang binata. "No! Of course not! T-totoo lahat ng pinakita ko! Believe me.." Paliwanag ng binata.

Umiling si Steph. "Bakit pa ba ako nagtanong? Malamang puro kasinungalingan lang din naman ang sasabihin mo." Pinunasan ni Steph ang luha. "Dyan ka magaling, sa kasinungalingan. Well, congratulations."

Umiling si Kris.

"Stephanie.. Believe me. Pakiusap.. paniwalaan mo naman ako.. Yung mga nangyari.. lahat yun, simula nang inamin ko sayong gusto kita.. lahat yun totoo." Paliwanag ni Kris. "..Totoo ang sinabi kong hindi ko na itutuloy lahat dahil ayokong masaktan ka. I mean every words that I said.. everything.. Totoo, totoo lahat yun steph. Noong sinabi kong hindi ko itutuloy, I mean that. Kasi ayokong masaktan ka.." Mahabang paliwanag ni Kris.

Pero isa lang ang nasabi ni Steph. "Pero tinuloy mo parin.."

Nasaktan ang binata. Alam nyang naniwala si Stephanie sa sinabi nya. Wala naman na talaga syang balak na ituloy yun.. pero tama lang ang sinabi ni Steph. Tinuloy parin nya. At dapat nya lang maranasan lahat nang ito ngayon. Lahat ng sakit.

"I tried.." Bulong nya at yumuko. "I tried not to.." Bulong ni Kris.

"You didn't try hard enough." Sabi ni Steph. "You didn't try hard because your love is not enough to stop you from risking me."

Para syang binaril sa puso sa sinabi ni Steph. Hindi ba enough ang pagmamahal nya kay Steph kaya nya naituloy? Pero mahal nya talaga ang dalaga! Kaya nga sya nagsisisi ngayon, doble ang sakit.

Oo, hindi pa nga nya nararanasang magmahal, pero.. alam nyang mahal nya na si Steph. Dahil mahalaga ito sa kanya. Hindi nya kayang mawala si Steph, hindi pa ba sapat na rason yun para malaman nyang nagmamahal sya?

"You're wrong, I love you." Pagsusumamo ni Kris. Nagiinit na ang sulok ng mata ng binata. Pakiramdam nya ay nauubusan na sya ng dahilan kay Steph. Para syang mababaliw dahil pakiramdam nya ay ang layo layo na nila sa isa't isa.

"Then set me free."

Agad nyang tinignan si Steph. Nagdadasal na sana hindi iyon totoo, hindi totoong sinabi iyon ng dalaga.

"I can't! No Steph. No." Umiiling na sabi nya.

Humakbang ang dalaga papalapit sa kanya. Tumigil ito nang meron na lamang dalawang hakbang ang layo nila sa isat isa. Nagulat sya nang may abutin ito sa likod ng leeg nito. At hindi tanga si Kris para hindi malamang tinantanggal nito ang kwintas.

"Here." Sabi ng dalaga at pilit na inabot ang kwintas sa binata. Tinignan lamang iyon ni Kris, hindi nya kayang tanggapin yun pabalik. "I don't need this Kris, kasi puro kasinungalingan ang mga pinagsasabi mo dyan." Sabi ng dalaga.

Nagkakamali si Steph. Lahat ng sinabi nya tungkol sa kwintas ay totoo. Kris mean every words he said those times.

"Hindi ko rin naman kailangan ang pag apruba mo, Kris. I'm going to stay with my tita sa ibang bansa." Nagulat si Kris sa sinabi ni Steph. Agad nya itong hinawakan sa balikat.

"Tell me you're lying!" Sabi ni Kris na nanginginig. Meron nang namumuong luha sa mata ni Kris, at kaunting kaunti na lang at babagsak na iyon. "Please.. tell me you're lying.."

Agad na nasaktan si Stephanie dahil sa nakita nya. Pakiramdam nya ay dapat na syang maawa dito, na dapat nya na itong patawarin. Ito ang unang beses na makita nyang si Kris na nagkakaganito.

Pinilig nya ang ulo nya. Hindi dapat sya maawa kay Kris, naiintindihan nya si Kris, naniniwala na sya sa mga sinasabi nito, pero hindi parin iyon sapat para gamitin sya nito. Siguro nga.. hindi sapat ang pagibig ni Kris para sa kanya. Naisip ni Steph. Ang gusto nya ay ang lalaking kaya syang mahalin ng buong buo. Yung walang tinatago at kinikimkim, yung hindi ka nagsisilbing gamit para sa kanya. Yung hindi ka paglalaruan..

"Hindi ako nagsisinungaling Kris. I want you out of my life." Sabi ni Steph at tinanggal ang pagkakahawak sa kanya ni Kris. Iniabot nya ulit ang kwintas. "Kunin mo." Utos nya.

Tuminingin si Kris sa itaas para pigilan ang luha, pagkatapos ay tinignan muli si Steph. "Hindi. Hindi ko tatanggapin yan. Hindi ka mawawala saakin."

Natawa na lamang si Steph. Bakit ba ayaw ni Kris na nagpapakita ng kahinaan? Natanong nya sa sarili. Bakit hindi nito kayang lumuha sa harapan nya? Bakit hindi matanggap ni Kris na ang lahat ay may kahinaan? Siguro kaya hindi nya matanggap si Kris ay dahil marami itong hindi matanggap sa sarili. Kagaya na lamang ng nakaraan, bakit hindi nya iyon matanggap? Bakit hindi nya matanggap si Max? Bakit hindi nya mapatawad ang kapatid? Isa lang ang ibig sabihin nun.

Dahil duwag sya.

Duwag syang tanggapin na may kahinaan sya. Naduduwag sya sa lahat ng bagay. Siguro kung iiyakan sya ni Kris ngayon, matatanggap nya si Kris.. dahil kahit papaano.. nagpakita ito ng kahinaan.

Ngumiti lang ng mapakla si Steph. "Kris.. tama na." Pagsuko ng dalaga. "Masyado na tayong nasasaktan.." Sabi lang nito.

Humakbang patalikod ang dalaga. "Sana lang.. sana lang matuto kang magpatawad. Sana tanggalin mo na ang mga masasakit na bagay na ibinaon mo sa puso mo. I hope you can be free from the grip of your past.."

Huling sinabi nito at binitawan ang kwintas. Bumagsak ang kwintas sa ibaba, sa tabi ng paanan ni Steph. Binitawan nya ang kwintas.. na parang binitiwan na rin nya ang lahat nang meron sa kanila.

Pagkatapos ay tinalikuran sya ng dalaga.. kasabay ang pagtulo ng mumunting luha galing sa traydor nyang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

36K 1.4K 81
Dati nang may gusto si Jes kay Draco Lyndon Armani. Isang model ng sikat na underwear. Isang araw, naglakas loob siyang mag-confess sa binata. Sa mes...
986K 31.7K 59
Si Amber Tuazon ay isang Volleyball player. Isa siyang simple pero masasabing isa sa pinaka maganda sa school. Meron siyang best friend na si .. Samu...
112K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...