1:43 AM
Ellimak Arevir
Giod mprnung.
😳
7:53 AM
Kayla Abellana
Hahaha, naalimpungatan ka noh?
Hindi mo na ma spell ng maayos eh.
Good morning, Kamille!
8:59 AM
Work na akew. 🙌🏼
9:30 AM
Ellimak Arevir
Good morning ulit author!
Pasensya inaantok pa siguro ako nyan
Di ko na maalala eh hahaha!
10:17 AM
Huhu, kapagod talaga mag aral.
Gusto ko pa matulog. 😩😩
So sleepy here.
12:11 PM
Kayla Abellana
Luhhh? Mas nakakapagod mag work!
Buti nga yan 4 years mo lang gagawin.
Eto talaga pang forever.
1:14 PM
Ellimak Arevir
Ayoko din mag work.
Feeling ko nakakapagod din.
😴
1:28 PM
Kayla Abellana
So ano nalang gagawin mo?!
1:43 PM
Ellimak Arevir
Maging housewife mo!
Hahaha ✌🏼️
2:19 PM
Kayla Abellana
Swerte mo!
😒
2:20 PM
Ellimak Arevir
Jke lang. Haha, to naman.
Uhmm, fun question author!
2:26 PM
Hmmmm?
Do you shampoo first in the shower or soap?
3:12 PM
Kayla Abellana
Haha, kalurks naman nyan.
Shampoo or conditioner first..
Tapos toothbrush and soap!
3:34 PM
Ellimak Arevir
Huh?
Nagto-toothbrush ka in between?
Hindi after or before shower?
Ang weird naman ata.
3:47 PM
Kayla Abellana
Hindi kaya, eh sa ganun gusto ko.
After mag apply ng conditioner naghihintay muna ako before irinse.
While waiting nag to-toothbrush ako.
4:11 PM
Ellimak Arevir
Hhmmm? Sabagay.
Ang dali naman nun.
Dagdagan natin yung question.
4:16 PM
Wet the toothbrush or brush dry with the toothpaste?
4:51 PM
Kayla Abellana
Hahaha, kaloka ng question.
Wet the toothbrush tas apply ng toothpaste. Ewan, gusto ko ganun eh.
5:02 PM
Ellimak Arevir
Woa? 😳
Magkaiba talaga tayo author.
Ako gusto ko dry.
Tapos soap first before shampoo.
Haha
5:31 PM
Kayla Abellana
Oh edi wow!
Ano naman ngayon kung magkaiba?
5:42 PM
Ellimak Arevir
Wula naman. ☺️
5:55 PM
Magkaiba man tayo ng mundo
Magkaiba man tayo ng gusto
Pag-ibig ko sayo'y hindi magbabago
Pangako.
5:58 PM
Oh ha! Hahaha
Galeng galeng ko tologo.
😅
6:12 PM
Kayla Abellana
Ngee, ikaw lang natuwa.
Pauwi na ako.
7:32 PM
Ellimak Arevir
Argh. Nakakahiya kanina author.
Huhu 😴😴
7:36 PM
Kayla Abellana
Bakit? Bahay na akew.
😯
7:51 PM
Ellimak Arevir
Kanina, umuwi na ako agad pagkatapos ng class. Ganyan kasi talaga pag good girl. Eh db sobrang antok ko kanina? Sumakay ako ng jeep, umupo ako sa likod ng driver. Tapos sa sobrang traffic pala kasi rush hour, edi wow naka tulog ako.
7:53 PM
Huhu tapos ang nakakainis hindi ko na namalayan ang himbing na pala ng tulog ko. (Pano ko naman mamalayan eh tulog nga db) tapos sa sobrang himbing, nanaginip ako. Sa panaginip ko daw nahulog ako ng building, eh ako naman si tanga finifeel ko din ang moment na mahulog, at dahil natakot ako bigla nalang akong nagising sabay sipa ng trash bin sa jeep!
7:55 PM
Kaya ayun, lahat ng pasahero sa jeep nagtawanan. Huhu nakakahiya.
8:02 PM
Kayla Abellana
Wahahaha! Ayan kasi, tulog pa more!
8:08 PM
Ellimak Arevir
😰😰
Eh ikaw ba author, wala kabang ganyan na experiences?
8:13 PM
Kayla Abellana
Hindi ako natutulog sa jeep noh.
Haha, pero may experience ako.
Funny jeep moments.
8:18 PM
Ellimak Arevir
Sige nga! Kwento mo nga.
8:22 PM
Kayla Abellana
Years ago na yun eh. Kasama ko dalawang kapatid ko tsaka pinsan ko. Sumakay kami ng jeep kasi medyo malayo layo pa yung pupuntahan namin. Sa jeep konti lang pasahero mga apat lang ata, tapos nakapwesto kami sa dulo ng jeep.
8:25 PM
Nung malapit na kami nag abot ako ng bayad, puro coins yun, pamasahe naming apat. Eh nasa dulo ako so nagpa abot ako ng coins sa kapatid ko na katabi ko lang tas inabot naman niya sa pinsan ko. Since malayo yung pinsan ko sa driver umusog siya papalapit tas ang buong akala namin ibibigay niya sa driver. Laking gulat nalang namin na hinulog niya yung coins sa basurahan, yung maliit na trash can na nakasabit! Hahaha.
8:28 PM
Ang lakas pa ng pagkabagsak niya ng coins dun eh di wow tawanan kami lahat. Pagkatapos ko sabihan, iniisa isa niyang kinuha yung coins sa basurahan. First time niya kasi sumakay eh. Hahaha, hanggang ngayon natatawa padin ako kapag naaalala yun.
8:31 PM
Ellimak Arevir
Hahaha ang dame kong tawa dito.
Mga 100 kilo. Hahaha!
Iba siya, iba. Hahaha.
8:34 PM
Pero teka author, experience niya yun.
Pano naman sayo?
8:36 PM
Kayla Abellana
Eh wala nga. Haha.
8:40 PM
Ellimak Arevir
Ay daya. 😔
8:42 PM
Kayla Abellana
Uyyy nag change ka na naman ng profile pic, tapos blurred pa. Ba't di ka nalang mag upload ng klarong klaro.
8:45 PM
Ellimak Arevir
Ayoko noh. Hahaha!
8:50 PM
Kayla Abellana
Sendan mo nga ulit ako ng pic.
8:53 PM
Ellimak Arevir
Wow! Kung maka demand si author.
Wagas! Ahaha, yoko nga.
8:57 PM
Kayla Abellana
Kamille ano ba.
Ayoko naman habang buhay akong nakikipagusap sa taong hindi ko manlang nakikita. Duhh?
8:58 PM
Sige ka pag hindi moko pinagbigyan..
Mapipilitan ka talagang makipagkita saken. Hmm, what do you think?
9:01 PM
Ellimak Arevir
Okay. Sige na nga!
Ang hilig mo talaga mangblackmail.
Wait lang.
9:04 PM
Sending..
9:05 PM
Ayan, hihi ☺️
9:10 PM
Kayla Abellana
Aish!! Ano ba yan!! Blurred ulit!!
Last time may takip.
Ngayon blurred. 😒
9:11 PM
I guess we'll have to see each other.
Tomorrow, maybe?
Good night, Kamille.
9:14 PM
Ellimak Arevir
Waaaaa!!
Asdfghjkl
Qwertyuiop
Zxcvbnm
9:15 PM
Author wag ganyan pls!!
Hindi ako handa!!
Arghhhhhhh
😩😫😰😱