Wonderland Magical Academy: T...

By Missmaple

13M 354K 43.8K

[Date Started: March 2013 Date Finished: August 2013] Date Published: June 4, 2015 This is a fantasy, Action... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1: First Day of School
Chapter 2: Forge your Own ID
Chapter 3: The Arrogant Tutor
Chapter 4: True Training starts Today
Chapter 5: Examination Day
Chapter 6: Examination Day Part 2
Chapter 7: Home and Secrets
Chapter 8: Friends?
Chapter 9: The Last Shooting Star
Chapter 10: Four Elemental Power User Together (Training)
Chapter 11: You're Not A Good Actress
Chapter 12: Powers Clashed
Chapter 13: Air vs. Water
Chapter 14: Air vs. Earth
Chapter 15: Air vs. Fire
Chapter 16: Island of Gods
Chapter 17: Who's Jealous, Me?
Chapter 18: Caught in Action
Chapter 19: The Dare
Chapter 20: Enter and You'll Die
Chapter 21: Rescued
Chapter 22: The Mission
Chapter 23: The Heaven Power User Search
Chapter 24: Targeted
Chapter 25: Attacked
Chapter 26: Mission Unaccomplished
Chapter 27: Magical Festival
Chapter 28: Fake Magical Wedding
Chapter 29: Surprise Visit
Chapter 30: Parting Ways
Chapter 31: Altered
Chapter 32: Dark Wizard's Move
Chapter 33: Hunting Season
Chapter 34: The Hunter and The Hunted
Chapter 35: Caught
Chapter 36: Memories
Chapter 37: Escape Plan
Chapter 38: United
Chapter 39.1: Deceived
Chapter 39.2: All-out Battle
Chapter 40: Final Counterattack
Epilogue
Special Chapter: Goodbye, Baby Dragons
FREEDOM WALL
Christmas Special Part 1
Christmas Special Part 2
Published under Cloak PopFiction

New Year's Special

203K 5.2K 719
By Missmaple

XYRA's POV

December 31, 2013

Sobrang busy ang mga magulang ko sa paghahanda ng bagong taon. Kasama ni Dad sina Akira sa pagbili ng mga firecrackers para mamayang alas-dose. Dito sila magbabagong taon dahil inimbitahan sila nina Mom and Dad. Mas marami, mas masaya, ayon na rin sa mga ito. Wala rin naman ang magulang ni Akira dahil nasa Japan. Samantala, wala na'ng mga magulang ni Troy.

Inimbitahan din ni Dad sina Clauss pero hindi sila pwede dahil first New Year nila kasama ang mga lola't lolo nila. Kaya nakakalungkot dahil hindi kami magkikita ngayong New Year. Sina Felicity at Xavier naman ay sa bahay na nina Clauss magbabagong taon. Tinutulungan ko naman si Ma'am sa pagluluto at paghahanda ng mga pagkain. Walang mga kasambahay dahil binigyan sila ng day off nina Dad at Mom para naman makasama nila ang mga pamilya nila.

Excited na ako para mamaya pero naiinis ako dahil hindi man lang ako tinatawagan  ni Clauss. Nainis yata nang malaman na dito magbabagong taon sina Akira at Troy. Hanggang ngayon, nagseselos pa rin siya kay Akira. Baliw talaga ang lalaking 'yon! Bahala na nga siya! Kung kailan naman matatapos na ang taon, saka pa kami mag-aaway.

"O? Bakit ka nakasimangot?" tanong ni Mom. Napilitang ngumiti ako. Napailing naman si Mom sa inasal ko. Gumagawa kami ng fruit salad. Pero sa totoo lang, pinapanood ko lang naman siya. Inaabot ko lang lahat ng mga ingredients na kailangan niya.

"Si Clauss ba ang iniisip mo?" nang-aasar na tanong ni Mom. 

At dahil masyado akong defensive... "Hindi po! Bakit ko naman iisipin ang mokong na 'yon? Naku! Hindi po talaga! Kahit hindi niya ako pansinin sa buong 2014, ayos lang! Akala niya! Naku! Hinding-hindi ko siya maiisip!" iritableng sabi ko.

"Ah, LQ?" natatawang usisa ni Mom. Mas lalo naman akong napasimangot.

"Hindi po," nakasimangot na sagot ko. Magtatanong pa sana si Mom pero pumasok na sa kusina sina Dad dala ang mga pinamili nila. Bumati sa'kin sina Troy at Akira. Buti naman, hindi na ako matatanong ni Mom. Nagpresinta sina Troy at Akira na tutulong din sila sa pagluluto. Si Dad kasi ang magluluto ng mga pang-ulam kaya tumulong sila rito.

Nakakatuwa silang tingnan dahil mukhang close na close sila. Bakit ba hindi ako nagkaroon kahit isang kapatid man lang? Masyado naman kasi nilang kinarir ang family planning. Nagtatawanan pa sila. Hindi ko naman ma-gets ang pinag-uusapan nila. Ganito lang ang ginawa namin buong araw.

Malapit ng mag-alas dose pero nakatitig pa rin ako sa cellphone ko. Wala pa rin kasing text si Clauss sa'kin. Kamusta kaya ang pagsalubong nila sa Bagong Taon? Masaya kaya? Hindi ako nagtatangkang magtext sa kanya. Bakit ako ang unang magtetext? Wala naman akong ginawang masama sa kanya. May kumatok sa pinto kaya napapitlag ako.

"Tuloy!" sigaw ko.

Pumasok si Akira na kakaligo lang. Nakasuot siya ng pulang polo samantalang ako ay nakapulang dress naman na puro polka dots. Kailangang ganun ang isuot para maging maganda ang pasok ng pera. Natatawa na lang ako sa mga pamahiin pero wala namang mawawala kung gagawin namin. Sabay sa uso. Nakangiti siyang pumasok pero napakunot-noo rin pagkatapos makita ang mukha ko.

"Problema?" tanong niya. Nakakainis! Halata ba talaga kapag may problema ako? Masyado naman yata akong madaling basahin.

"Bakit pala?" balik-tanong ko upang iwasan ang pagsagot sa tanong niya. 

"10 minutes na lang bago mag-12 midnight. Ready na nga sila sa baba. Hinihintay ka rin nila kaya inutusan na nila akong tawagin ka," sagot ni Akira.

"Ah, sige, susunod na ako sa baba," sabi ko na lang. Tumayo na ako at inayos ang suot ko.

"Hmmm... Si Clauss ba ang pinoproblema mo?" tanong kapagkuwan ni Akira. Napilitang ngumiti ako kay Akira. Bakit ba kapag nakasimangot ako, si Clauss lagi ang binabanggit nila? Siya lang pa ang pwede kong problemahin?

"Hindi talaga bagay sa'yo ang umarte. Halatang-halata ka," natatawang sabi ni Akira kaya inirapan ko siya. "Hayaan mo na, hindi ka naman matitiis ni Clauss. Mahal na mahal ka nun!" dagdag pa niya habang nakangiti.

"Sus! Anong hindi matitiis? Hindi nga siya makapagtext kahit 'a e i o u' man lang," inis na wika ko.

"So, lumabas na ang totoo. Siya talaga ang problema mo," nang-aasar na sabi ni Akira. Lalo akong napasimangot.

"Huwag ka ngang sumimangot, baka malasin ka sa buong taon ng 2014. Hala ka!" natatawang sabi ni Akira. Lumapit siya sa'kin at ginulo ang buhok ko. "Tara na! Huwag mo munang isipin si Clauss. Alam mo naman ang ugali niya pero tiyak ko naman na hindi rin 'yon makakatiis. Baka nga mamaya, magpakita na 'yon dito," nakangiting sabi ni Akira. Napangiti na rin ako. Pero parang imposibleng magpakita siya rito. Hindi niya pwedeng iwan ang lolo't lola niya. Pero kahit papa'no, napagaan niya ang loob ko. Sumunod na ako sa kanya, palabas sa room ko. 

Limang minuto na lang, bagong taon na. Pumunta kami sa terrace ng bahay. Nakita ko sina Dad at Troy na inaaus ang mga firecrackers. Halatang excited na silang magpaputok. May hawak pa kaming mga torotot. Kinakarir talaga namin ang pagsalubong sa Bagong Taon. 

CLAUDETTE's POV

Sa totoo lang, excited na ako sa Bagong Taon! Kanina pa kami nagkukuwentuhan ni Felicity at inaasar lang niya ako sa Kuya Xavier niya. Sinabi ko nga na huwag siyang maingay dahil baka marinig nina Lola't Lolo. Tumutulong din kami sa mga paghahanda. Sina Kuya Clauss at Xavier naman ay kasama si Lolo. May inaasikaso yata sila.

Hindi ko nga masyadong matingnan ang mukha ni Xavier dahil baka makahalata sila. Mahirap na. Pero kanina ko pa napapansin na hawak ni Kuya Clauss ang cellphone niya. May itina-type siya pero maya-maya lang maiinis tapos itatago na sa bulsa ang cellphone tapos ilalabas ulit. Problema niya? Para siyang praning.

Ngayon napansin ko siya sa terrace habang nakaupo sa isang silya at nakatitig sa cellphone. Hindi pa siya naliligo. 30 minutes na lang Bagong taon na. Dahil pasaway ako, naisipan ko na gulatin siya. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa likod niya pero napatalon ako sa gulat nang magsalita siya.

"Huwag mo ng ituloy ang gagawin mo, Claudette," inis na wika niya. Ang init naman ng ulo niya! Napailing ako dahil ang lakas ng pakiramdam niya. Hindi pa nga ako nakakalapit ng lubusan. Sumandal siya sa upuan at tumingala sa kisame kasabay ng pagbuntong-hininga.

Lumapit ako sa likod niya. At tiningnan ang mukha niyang nakatingala. Hindi na tuloy ang kisame ang kaharap niya kundi ang mukha ko na. Tumaas ang kilay niya at pinaalis ako dahil naiinis siya.

"Ano ba'ng problema mo? Maligo ka na nga! Malapit na ang bagong taon na Kuya Clauss kaya magbagong buhay ka na rin," nang-aasar na sabi ko sa kanya. "At saka, ano ba ang problema mo sa cellphone mo? Konti na lang, itapon mo sa inis eh! Wala lang dito si Ate Xyra, nagkakaganyan ka na," kunot-noong dagdag ko. Speaking of Ate Xyra, mukhang siya ang pinoproblema ng magaling kong kapatid. Ano kaya ang nangyari? Napangisi ako bigla. Malamang na dahil nga kay Ate Xyra kaya siya nagkakaganito.

"Umalis ka na nga!" iritableng taboy sa'kin ni Kuya Clauss.

"Asus! Kung gusto mong i-text, gawin mo na! Kung gusto mong tawagan, edi tawagan mo! Ibaba mo nga 'yang pride mo! Bahala ka, ang balita ko pa naman, nandoon sina Troy at Akira sa kanila, baka mabaling sa iba ang pagtingin niya dahil sa pag-iinarte mo!" nang-aasar na sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama. "Alam kong nandoon sila. At huwag ka ngang makialam sa desisyon ko!" sabi niya at inis na tumayo.

"Fine. Ako na lang ang tatawag sa kanya mamaya. Sasabihin ko kung gaano mo na siya nami-miss na halos mamatay ka na sa kaiisip kung ano'ng ginagawa nila ni Akira. O baka naman naka-iskor na si Akira? Ang bagal talaga ng kapatid ko," naiiling na wika ko pero inaasar ko lang naman siya. Ang sarap kasi niyang inisin. Ngayon lang ako makakaganti sa pang-iinis niya sa'kin kaya lulubus-lubusin ko na.

"Really? Sige, punta na muna ako kina Lolo't Lola. Sasabihin ko kung bakit hindi kita kasamang umuwi noong Pasko, dahil nakipagdate ka kay--" nang-aasar na wika niya pero pinutol ko agad dahil baka may makarinig sa kanya. Natawa lang siya sa pagsigaw ko! Badtrip! Buti pa sila ni Ate Xyra, legal na. Samantalang ako, pinagbabawalan pa rin nila dahil daw babae ako. Iniingatan lang daw nila ako.

"Ewan ko sa'yo, Kuya Clauss!" sigaw ko at nagwalk-out na. Napansin ko pa na napailing siya pero muli siyang sumulyap sa phone niya bago pumunta sa kwarto niya.

Nagdadabog ako papasok pero napatigil dahil biglang nagsalita sa likod ko si Xavier. "May problema?" Boses pa lang niya kinikilig na ako! Hindi ko siya malingon dahil tiyak na mapapansin niya ang pamumula ng mukha ko.

"A-ah.. Wala!" sagot ko sabay takbo palayo. Agad akong pumasok sa kwarto ko. Nahihiya ako sa kanya dahil sa date namin nung Christmas. Hindi ko pa siya kayang harapin. Andami ko rin kasing nagawang katangahan that day. Hindi kasi ako mapakali sa presensiya niya. Nakakakaba ang mga titig niya kaya kinakabahan ako sa tuwing kikilos ako. Kahit ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro naman, kahit hindi pa niya sinasabi ang totoong nararamdaman niya sa'kin, kahit papa'no gusto na rin niya ako.

Tumingin ako sa salamin at hinawakan ang namumula kong mukha. Sinuklay ko ang buhok ko at nag-ayos. Dapat maganda ako mamaya! Buti pa si Kuya Clauss, legal ang lovelife! Napairap ako sa salamin nang maalala ko siya.

12 midnight.

Maingay sa paligid. Mapapansin ang malalakas na ingay ng mga paputok at ng mga tao. Masaya rin dito dahil nakakatuwang panoorin sina Lolo, Kuya Clauss at Xavier na nagsisindi ng mga firecrackers. Kami naman nina Lola, nagtatawanan dahil ang epic ng pagpapaputok nila ng kwitis. Hinahabol sila. Tumabingi kasi ung pinaglalagyan nila nun. Buti na lang nailagan nila. Samantalang kami naman hawak namin ang lusis upang magpaputok. 

Hinahanap ko ang ibang mga firecrackers na binili namin pero hindi ko makita. Pagkatapos naming maubos lahat ng firecrackers, naghugas kami ng kamay upang kumain. Napansin ko ang seryosong mukha ni Kuya Clauss. Hindi ko mabasa ang iniisip niya ngayon. Na-miss ko tuloy ang kapangyarihan ko. Nagkukwentuhan lang kami nina Felicity. Nawala ang ngiti ko sa labi nang mapalingon ako kay Xavier na nakatingin sa'kin. Ngumiti siya pero nahihiyang nag-iwas ako ng tingin. Ano ba itong nangyayari sa'kin?

XYRA's POV

Nang alas dose na ng gabi. Nagsimula na kaming mag-ingay. Syempre, tumalon kami ni Mom dahil sa paniniwalang baka tumangkad pa kami. Nakakatawa lang dahil para kaming mga bata na nag-iingay. Kailangan daw kasing mag-ingay para lumayo ang bad luck. Inalis ko muna sa isip si Clauss pero sadya kong in-adjust sa maximum volume ang ringtone, para marinig ko agad ang tawag niya.

Sina Troy at Akira naman ang nagsisindi sa fountain. Ang ganda lang ng iba't ibang kulay na liwanag na lumalabas mula roon. Nagsisigawan lang naman kami at nagtatawanan. May mga fireworks din akong nakikita sa kalangitan mula sa iba't ibang lugar. Makukulay ang mga ito. Nakakatuwang pagmasdan pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Kasi naman, hindi pa rin ako kinokontak ni Clauss. Ako na kaya ang bumati sa kanya? Maging balita kina Claudette, wala akong naririnig.

Niyaya na kami ni Mom na kumain nang maubos ang mga firecrackers. Tahimik lang ako sa pagkain habang nagkukwentuhan ang mga kasama ko.

"Uy," tawag sa'kin ni Akira. Napakunot-noo ako sa kanya pero umiling siya ng nakangiti. Ang weird. Nang matapos kumain, nagkwentuhan lang kami. Sina Mom at Dad naman, nauna na para matulog. Si Troy naman, biglang tumakas. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Si Akira na lang ang kasama ko sa terrace habang hawak ko sa kamay ang cellphone. Alas dos na ng madaling araw. Tulog na kaya sina Clauss.

"Tawagan mo na kaya?" suhestiyon ni Akira habang matiim na nakatitig sa'kin. Medyo nailang ako pero kiming ngumiti ako sa kanya.

"Huwag na. Baka tulog na 'yon," nakangusong wika ko. Buti na lang, wala siyang kasamang babae na pagseselosan ko kundi baka kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko ngayon. Natawa naman si Akira.

Mangilan-ngilan na lang ang mga fireworks na nakikita namin habang nakatingala sa langit. 

"Hindi ka ba nalulungkot, Akira?" bigla kong naitanong.

"Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.

"Ah, kasi wala ang parents mo ngayong New Year," sabi ko. Tapos wala na rin si Selene.

"Sanay na akong mag-isa," nakangiting wika niya pero halata ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa mga mata niya. Nalungkot ako para sa kanya. Tumingin ako sa kanya. I patted his head that made him close his eyes.

"Tss. Xyra, I'm fine. You don't have to do this like I'm a child," reklamo niya na ikinatawa ko. Naputol ang pag-uusap namin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Clauss ang tumatawag kaya agad kong sinagot.

"Hello?" kinakabahang sabi ko.

"What was that?" iritableng wika ni Clauss sa kabilang linya. Napakunot-noo ako dahil sa bungad niya. Ano naman ang problema niya? Tumawag nga siya pero ganito naman siya.

"Bakit na naman?" inis na tanong ko sa kanya.

"Wala. Alis na ako," sabi niya tapos naputol ang linya. Narinig ko ang ugong ng isang motor sa 'di kalayuan kaya napalingon ako sa labas ng gate dahil nakabukas 'yon. Nakita ko si Clauss at paalis na! Narito siya? Nakaramdam ako ng saya pero hindi ito ang tamang oras para sa kilig dahil paalis na siya. 

"Clauss!" sigaw ko sabay takbo palabas ng gate pero ang mokong, umalis talaga. As in pinaandar na niya ang motor! Hindi ko na siya naabutan pero pinipilit ko pa rin siyang habulin kahit imposibleng mahabol siya! Hinihingal na napahawak ako sa mga tuhod ko. Kahit anong sigaw ko, hindi siya bumalik. Mag-isa lang ako sa kalsada at malayo na ang tinakbo ko. 

Naiiyak ako dahil kay Clauss! Nakakainis siya! Pinahid ko ang luha ko at naglakad na pabalik sa bahay. Naiinis ako dahil kahit ano'ng pahid ko sa luha ko, tumutulo pa rin 'yon. Napansin ko si Akira na lumabas na rin sa gate ng bahay. Nag-aalalang tumingin siya sa'kin kaya napakagat-labi ako. Pinipigilan ko ang paghikbi.

Napatigil ako sa pag-iyak nang marinig ang ugong ng motor kaya kahit imposible lumingon ako sa likod ko. Natuwa ako dahil bumalik si Clauss at tumigil sa harap ko. Pero napaiyak ako lalo, hindi dahil sa lungkot pero dahil natutuwa ako.

"Tss. Such a crying baby. Sakay na," he irritably said.

"Bakit ka bumalik? Galit ka pa ba?" tanong ko sa kanya habang naluluha pa rin.

"Nakalimutan mo na agad ang pangako ko sa'yo? I said, I will never leave you, again. Ano? Sasakay ka ba o hindi?" masungit na wika niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Pinahid ko ang luha ko at sumakay na sa motor niya kahit hindi ko naman alam kung saan niya ako dadalhin.

"Hey, Akira, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa mga magulang niya kapag hinanap siya. I'll bring her back before morning," seryosong wika ni Clauss kay Akira. Iniabot niya sa'kin ang helmet kaya isinuot ko 'yon. Nakangiting tumango si Akira. Yumakap ako kay Clauss nang paandarin na niya ang motor. Buti na lang bumalik siya! Pero nakakainis, bagong taon tapos pinapaiyak niya ako! Hindi kaya buong 2014 akong iiyak sa kanya? Kainis talaga!

Dinala ako ni Clauss sa isang burol. Bumaba ako sa motor at pinagmasdan ang buong paligid. Mula roon, makikita ang mga ilaw mula sa bawat bahay kaya ang gandang pagmasdan ng buong lugar. Napansin ko na may kinukuhang kung ano si Clauss sa compartment ng motor niya kaya tinanong ko siya kung ano 'yon.

"Firecrackers," maikling sagot niya.

"Clauss, tungkol kanina.. ano..." nag-aalangang wika ko. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanya. Tiyak na nakita niya ang ginawa ko kay Akira kaya nagalit siya. Nagalit nga ba o nagselos lang? Blanko lang ang titig niya sa'kin habang nakikinig.

"Ano.. kasi ganito 'yon..." sabi ko. Hindi ko talaga masimulan ang pagpapaliwanag sa kanya. Makikinig kaya siya?

"It's fine. No need to explain," sabi ni Clauss. Nabigla ako nang hilahin niya ang kamay ko. Eh? Hindi na niya kailangan ng paliwanag?

"Sigurado ka ba? Hindi ka na galit?" tanong ko pa.

"Alam mo, ang kulit mo! I said it's fine. As long as I see you, I'm gonna be fine," sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya pero sinamaan naman niya ako ng tingin. Mood swings. Binitiwan niya ang kamay ko at inayos ang firecrackers sa isang patag na lugar. Sinindihan niya ang ilan sa mga iyon kaya sumabog ang naggagandahang liwanag sa kalangitan. 

Nakaupo lang ako sa isang tabi habang manghang-mangha sa pinapanood. Sinindihan din niya ang tatlong fountain na dala niya ng magkakalapit kaya napatakbo kami palayo dahil muntik na kaming maabot nito. Nahampas ko ang balikat ni Clauss dahil pinakaba niya ako. Napaupo kami sa damuhan pero magandang pagmasdan ang liwanag mula sa fountain. Natawa lang siya at hinuli ang kamay ko.

"Sa susunod, huwag mo akong pagselosin," seryosong wika ni habang nakatingin sa mga mata ko. Kinabahan ako pero kinikilig.

"Sorry," sabi ko.

Napangisi siya ng nakakaloko. "You don't have to say sorry because I will not accept it. Dahil isang bagay lang ang tatanggapin ko mula sa'yo as an apology," nakakalokong wika niya kasabay ng paghawak niya sa mga labi ko. Napalunok ako. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap.

"Naghihintay ako," bulong niya. Ibig sabihin gusto niyang ako mismo ang maunang humalik sa kanya?

"Baliw ka talaga! Sorry na nga, 'di ba?" sabi ko. Gusto ko lang siyang inisin.

"Tss... Hindi kita papansinin kung hindi mo gagawin," sabi niya.

"'Di ba, sabi mo, hindi mo ako iiwan?" nang-aasar na sabi ko.

"Bakit? Sinabi ko bang iiwanan kita? Stupid," natatawang sabi niya. Napasimangot ako nang tumingin siya sa'kin habang nakangisi. "Bilisan mo, naghihintay ako," sabi niya. Napailing ako. Para siyang bata. 

"Sige, pikit ka," sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay bago niya ako sinunod. Akala ko, magrereklamo pa siya. I never thought that he will let his guard down, just for a kiss, just for my kiss. Napangiti ako nang mapagmasdan ang inosenteng mukha niya. 

Unti-unti na ring nagkakalinya sa noo niya dahil kumukunot 'yon. Tiyak na naiinip na siya. I formed my fingers like it was a kiss. Inilapat ko 'yon sa mga labi niya at nagsabi pa ako ng 'mwaah'. Nagmulat siya ng mga mata at masamang tingin ang ipinukol sa'kin kaya natawa ako.

"I demand a real kiss from this one," he said and touched my lips. This time, hindi na ako makakapagbiro sa kanya dahil halata sa mga mata niya ang kaseryosohan. Napabuntong-hininga ako. Inalis ko ang kamay niya sa labi ko at inilapit ang mukha sa kanya. Napansin ko ang ngiti ni Clauss sa labi habang dahan-dahang pumipikit. Nang tuluyan na siyang pumikit, ang kamay ko na naman ang pinahalik ko sa kanya. I laughed then stood up to run. Ubos na ang liwanag sa fountain. Tumakbo ako palayo sa kanya habang tumatawa.

"Xyra!" inis na tawag sa'kin ni Clauss. Inis na tumayo siya at hinabol ako. "Patay ka sa'kin kapag nahuli kita!" sigaw niya. 

Paikot-ikot lang kami sa pagtakbo habang inaasar ko siya. Muntik na akong madapa pero buti na lang nasalo ako ni Clauss. Kapag nagkataon, mukha ko ang tatama sa lupa.

"Got you!" naiiling na wika ni Clauss nang hinarap niya ako sa kanya. Tagilid ang ngiti ko dahil nahuli na niya ako. Wala na akong kawala. Nakangisi siya sa'kin. Hinila niya ako paupo sa damuhan pero diretso akong napaupo sa lap niya.

"Better," he whispered and kissed my neck. Nagulat ako nang bigla niya akong ihiga sa damuhan. He pinned my hands on the ground and laid on top of me. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.

"Clauss, don't tell me..." kabadong wika ko. Natawa siya sa reaksiyon ko.

"What?" naaaliw na tanong niya sa'kin habang hinahalikan ang pisngi ko.

"Hey! Bata pa ako!" sabi ko sabay palag pero malakas siya kaya hindi ako makawala sa kanya. Tinawanan lang niya ako.

"Wala akong gagawin more than kissing pero kung gusto mo, sabihin mo lang. I'll gladly grant your wish. Sinusigurado ko lang na hindi ka na makakatakas," he said, huskily then bit my neck. Nahihirapan akong huminga sa ginagawa niya. Well, naniniwala naman ako sa sinasabi niya pero kaya ko ba siyang i-resist katulad ng ginagawa niya ngayon sa'kin?

I closed my eyes when he kissed me slowly on my lips. It's a gentle kiss at first but after a minute, he slowly seek for entrance. Gumaan din ang hawak niya sa kamay ko. His both hands cupped my face and he deepened the kiss. Napahawak ako sa likod ng ulo niya. I can't describe the feeling building inside my stomach. It was something like guilty pleasure. His tongue freely entered my mouth and I can't do anything but to just accept it and respond. Naramdaman ko ang mga kamay niyang humawak sa balikat ko. 

Bigla siyang tumigil sa paghalik sa'kin na ipinagtaka ko. May problema ba?

"Uwi na tayo," he said. Biglaan naman yata ang desisyon niya? He looked at me with guilty eyes and I don't know why. Hindi ako makatutol sa sinabi niya dahil nahihiya naman akong aminin na nagugustuhan ko ang ginagawa namin. Inalalayan niya ako patayo. Tinulungan pa niya akong pagpagan ang dumi na dumikit sa likod ng damit ko.

"I'm sorry," wika niya mula sa likod. Haharap sana ako sa kanya pero pinigilan niya ako. Iginiya na niya ako sa motor niya pero hindi niya pa rin ako tinitingnan. Nasa likod ko lang siya. Agad niyang kinuha ang helmet at isinuot sa'kin. Hindi ko na siya nakausap dahil sumakay na agad siya sa motor niya. Sumakay na rin ako at yumakap sa kanya. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya na ipinagtaka ko. Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon, bago niya pinaandar ang motor niya.

4:30 a.m. nang maihatid niya ako sa bahay. Nakababa na ako sa motor niya at inaalis na ang helmet kaya tinulungan niya ako. Kinuha niya ang helmet at isinabit sa motor. Hinila niya ako palapit sa kanya at biglaang hinalikan sa labi. Magkalapat lang ang mga labi namin pero wala siyang ginagawa. Hindi siya gumagalaw pero diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.

And I don't know if what I'm seeing was right but I saw a glimpse of lust on it. Humiwalay din siya agad at mabilis na umalis nang hindi ako hinahayaang magsalita. Asar! Hindi man lang naging maayos ang pagpapaalam namin sa isa't isa.

Pagpasok ko sa kwarto ko, agad akong humiga sa kama. Narinig ko ang malakas na pagtunog ng phone ko dahil naka-maximum volume ito kaya nagulat ako. Napangiti ako nang malaman na si Clauss ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

"I'm sorry if I left like that," paos na wika niya.

"Bakit pala bigla ka na lang nagyaya pauwi? May mali ba akong nagawa?" nag-aalangang tanong ko. Baka hindi niya nagustuhan ang pagtugon ko sa halik niya? Loussy kisser? Ang saklap naman. Narinig ko na may pinipihit siya at lumagaslas ang tunog ng tubig sa background. 

"Nothing. I just got this funny feeling that slowly made me lose control. I'm afraid, I will not be able to take you home before morning," he chuckled. Patuloy lang ang ingay ng tubig sa background.

"Naliligo ka?" I finally concluded. Namula ang mukha ko nang maimagine si Clauss. I can't believe this! I'm such a pervert! Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya.

"Yes, Want to join me?" he teased. Sosyal naman ang phone niya! Water-proof! Siya na! Pero naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"No, thanks! Bye na! Good mornight!" sabi ko na lang. Papatayin ko na sana ang cellphone pero nagsalita siya.

"I love you," he whispered that made me smile.

"I love you, too," I said then cut the line. Hindi maalis ang ngiti ko sa mga labi hanggang sa makatulog ako. But still, I can't believe myself that I tried to imagine Clauss with his naked body in the shower, just a while ago. Embarassing

--------------------------------------

AUTHOR's MESSAGE

HAPPY NEW YEAR! Sana nagustuhan niyo ang UD. Lols.. Anyway, Mawawala ako ng Three Months. No Updates sa WMA at maging sa ibang story. Will you miss me? Lols. Mag-aaral na muna ako. Hanggang sa muli! Sa April na ulit ako magsusulat :))

Don't worry. I shall return. Bwahahaha.. Lovelots and thanks for taking time to read this story <3 Be patient and bear with me :))

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 136K 46
(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong...
29.8K 1.3K 6
Lost Academy was just the beginning. It was the prelude of something bigger. Academia de Rij was destroyed. All things and all living beings inside...
600K 38K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
7.2M 431K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...