Hopeless Romantic 2: Bitter (...

De strawberry008

13.8M 200K 30.5K

Season 2: What happens when a girl gets tired? We'll see! Mai multe

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX BLIND DATE DAY!
CHAPTER SIX POINT FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FIVE
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER FORTY FOUR

185K 3.6K 436
De strawberry008

Bzzzzzzzt. Bzzzzzzt.

"Rylie, emergency! Pumunta ka dito sa hospital... si Tyler!" Aisha called. Sobrang nagpapanic siya. Bakit? Ano meron? Pero papunta naman na talaga kami sa hospital. Actually, malapit na nga kami. Normally, nakakatulog ako pag nasa biyahe. Pero ngayon...

Fakkk. Di ko kaya!

"Aisha, ano nangyari?" I asked, trying to be calm. 

"BASTA!"

Nakarating kami ni Dylan sa hospital. Sobrang tumatakbo na ako...

"Rylie teka, baka madapa ka-"

Shet! Nadapa nga ako... Bwisit na floor! Kung hindi lang ako nagmamadali... Ughhh! Ang dulas kasi ng tiles eh. Kainis! Tutulungan na sana ako ni Dylan tumayo pero inunahan ko siya at tumakbo ulit.

"Ry!" Aisha and Lynne hugged me.

I pushed them away gently, "Bakit?" Yung tibok ng puso ko, wagas!

"Good news or bad news?" Sabi ni Ariza tapos tiningnan siya ni Aisha ng masama. Umiiling iling pa si Lynne. Bakit? Ayaw ba nilang sabihin sa akin yung bad news?

"What? Magsisinungaling pa ba kayo sa kanya?" Sabi ni Ariza ng mahina.

Aisha sighed, "Fine." She paused for a while. "Gising na si Justin..."

OMG! Thank goodness!!!

"AND? How about the bad news?" Dahil sa narinig ko, parang wala ng bad news. 

"H-hindi ka niya maalala... Ikaw lang... Sorry, Rylie. Ganun ka lang siguro ka-importante sa kanya... Medyo kasi kanina pa siya gising kaya ang dami niyang tanong. Nabanggit ka namin... tapos... ayun. Sorry talaga."

And with that, parang binagsakan ako ng langit at lupa. Wala akong masabi. Sabi ko hindi na ako iiyak, diba? Kakareminisce ko lang ng memories naming dalawa, mawawala agad? 

Pero hindi! Hindi ako papayag.

"I need to see him!" 

"Ry-" Pinigilan nila ako pero pumasok pa din ako sa room. Nandoon yung family ni Tyler kaya nag greet ako at nag sorry sa pagiistorbo. Sabi naman nila, okay lang.

Gising na si Tyler pero nakatingin lang siya sa akin...

"Who are you?" He asked me. 

"I-I-I'm Jamilah Rylie Hao, your... friend?"

"Rylie?" Nag-isip siya then he continued speaking. "Ah! Ikaw yung sinasabi nila na pinagtanggol ako... kaya ako napunta dito? Kung kaya kong gawin yun, ganun kita kamahal?"

"M-maybe?" 

He nodded lang at nag-isip na naman ng matagal...

He suddenly brushed his hands through his hair. He looks so frustrated, "Fck, I still can't remember... You look familiar, though." 

"A-ah, ganun ba? Sige, alis na ko."

"Wait lang, Jamilah!"

OMG! He called me Jamilah.

I stared at him suspiciously, "Hindi mo ba talaga ako naalala?" 

"H-hindi," Hindi siya tumitingin sa akin! Tapos yung parents niya and yung twins, nagtatawanan. 

"Maiwan muna namin kayo," Sabi ni Tita tapos lumabas na sila.

"Tyler?" I asked him. 

Tumingin siya sa akin, "Ha? Hindi nga kita kilala. Sino ka nga ulit?"

Lumapit ako sa kanya, "Di mo talaga ako kilala?" Hindi pwedeng hindi niya ako kilala. Ilang beses ko siyang nakitang hindi tumitingin sa akin. Nagstutter pa siya kanina. Ano na namang pakulo 'to?!

He sighed, "Fine. Kilala kita. Kilalang kilala... Mahal na mahal..."

"Wala kang amnesia?" I asked. 

He shook his head so I punched him, pero mahina lang kasi alam mo na!

He chuckled, "Ano ka ba. Ikaw pa ba makakalimutan ko?" 

"Hindi pwede," I said, then he pinched my cheeks. 

"Wala ba kong hug man lang?" Sabi niya kaya I hugged him. 

"Ouch, wag masyadong mahigpit." 

Tumawa ako, "Yan! Yan ang bagay sayo! Pagkatapos niyo akong lokohin. Tinakot niyo ako!" 

"I'm glad we're okay already... Hindi naman pala ganun kasama mabunggo ng sasakyan," He laughed. "Mas masama pa din kung ikaw yun."

"Ano ka ba! Pero... wait. Tyler, may mga tanong ako."

Tumango lang siya.

"Question no. 1, ilang babae ang niloko mo? Question no. 2, bakit mo tinago lahat ng gamit na sinoli ko? Pati yung mga gamit na binigay ko? Question no. 3, sino yung mga walang hiyang bumunggo sayo? Question no. 4, bakit ka nag pretend na hindi mo ako naalala? And lastly, question no. 5, p-pwe-pwede ba ako manligaw?"

Nabulunan si Tyler kahit wala siyang kinakain o iniinom.

"Okay ka lang?" I asked him.

"Ikaw ang tatanungin ko, okay ka lang?" He said sarcastically. Grr!

"Oo naman, bakit naman hindi? Please Tyler, let me. Please? Hayaan mo akong bumawi sayo..."

"Pag-iisipan ko," Wow, choosy pa! Pero naiintindihan ko naman. Haha! 

"Wait, paano yung mga iba ko pang tanong?" 

"Saka na yun."

Sinakal ko siya ng mahina, "Bwisit ka talaga." 

"Ganyan ka ba manligaw? Gusto mo ma-basted agad?" 

Tiningnan ko siya ng masama at tumawa siya kaya hindi ko napigilan yung tawa ko.

"Sorry, Tyler. I love-" Hindi natuloy sasabihin ko dahil...

"GUYS! GUYS! Nahuli na yung bumangga kay Justin!" Si Aisha. 

Tumayo ako, "Sino?" 

"Hindi mo kilala, of course. He's in jail now. Sila Alexa at Josh yung nakahuli. They're not that bad after all." 

Si Josh... I need to talk to him!

Hinanap ko sila Josh at Alexa pero nasa police station sila ngayon. Kinikwento pa nila kung ano yung nangyari. Kasama nga din daw yung girl na kumausap sa akin. Yung sinampal ako kasi slut daw ako. Hayy. I couldn't hate her kasi kasalanan ko talaga.

"Wait, paano pala yung play?" I asked.

He nodded, "The doctor told me to rest kaya hindi rin ako makakapagpractice. I guess, hindi na din ako makakaperform. Ayoko naman talaga doon eh. Napilitan lang ako kasi nandoon ka."

"And I'll be your nanny for weeks kaya sorry na lang dahil sa ayaw mo't sa gusto, hindi na din ako magpapractice nor magpeperform. May back-up naman tayo, diba?" I smiled.

He nodded, "Pero hindi mo naman..."

"No, Tyler. Ayoko din naman eh. Pinilit lang ako sumali doon."

"Yes, boss," Then he kissed me kaya nagulat ako. Sa LIPS kasi yun. Alam ko naman na hindi ko first time pero kasi...

"Uhmmm guys? Nandito pa kami?" Sabi ni Lynne. Nagtawanan naman lahat. Nandito nga pala sa loob sila Aisha, Lynne, Katy, Ariza, Dylan, Brylle, and Christian.

"Ibig sabihin ba niyan, Tyler, sinasagot mo na ko?" 

"Yiiiiieeeeeeeee," Nangiinis na naman sila. Haha! Sanay na ko, okay.

"Landi mo na, Rylie!" Sabi naman ni Ariza. Sanay na sanay na din ako sa kanya. Pero hindi ko pa rin matanggap na kasama siya sa mga nanloko sa akin na may amnesia si Tyler. Grabe, magaling pala 'tong umarte? Akala ko honest lang siya lagi eh. Hahaha!

"Hindi ko pa nga sinasagot kung pwede ka manligaw tapos tayo na?"

"Ouch, Rylie. Ano feeling ng mabasted?" Sabi ni Brylle kaya tumingin naman si Lynne sa kanya. Silang dalawa, may mga kanya kanyang love life na. Yup, hindi na sila pwedeng magkatuluyan. Pero malay naman natin, diba? Someday? After 48 years? Kidding!

"Ang sakit pala!" Nilagay ko yung isang kamay ko sa dibdib ko at nag kunwaring nasasaktan tapos nagtawanan na naman sila.

Haaay, sana ganito na lang lagi. It feels good to be back! 

Tyler? Tyler will always be my home. He will always be that special someone who made me believe in fairytales and made me hate it as well. Kung tatanungin niyo ako ngayon kung hopeless romantic ako o bitter? Either and neither ang sagot ko.

Either kasi gusto ko pa din maniwala sa mga stories kung saan pwede magkatuluyan ang babae at lalaki na hindi naman magka-level. Naniniwala din akong madami pa diyang matitinong lalaki. But at the same time, naniniwala akong may mga taong sasaktan at sasaktan ka kahit anong manyari. 

Pero hahayaan ko ba silang maging hindrance sa mga pangarap ko?

NO WAY! Kasi may mga tao talagang sisira't sisira sayo, sa buhay mo, o sa lovelife mo, pero hindi mo dapat hayaan na hilahin ka nila pababa. Instead, prove to them na hindi mo sila kailangan. Smile and prove them wrong, sabi nga nila.

Neither naman kasi ngayon, I'm now realistic. I know that fairytales are just my dreams and being bitter doesn't mean that I'll be better.

Pero narealize ko na kahit gaano ka pa ka-bitter...

May lalaki o babae pa ding magpapaniwala sayo na true love does exist. 

(A/N: Hindi pa 'to tapos! Hahahahaha! Mga 2 chapters pa. Hihihihi! Thanks, guys.)

FB PAGE----> https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP 

Continuă lectura

O să-ți placă și

8.4M 26 1
Ikaw. Ako at ang Sampung Pisong Fishball.
Hey, Cohen (COMPLETED) De beeyotch

Ficțiune adolescenți

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
14.4M 502K 56
AIWG Sidestory featuring Misty Kirsten Lee (Kurt's younger sister) and France Zion Madrigal (Wayne's younger brother) "Ma-fa-fall na nga lang ako, sa...